1 minute read
Pinagdaanang Daan:
Simula’t sapul aminado ako sa sarili kong hindi ako katalinuhan— pangkaraniwang estudyante lang at kumbaga ‘yong classroom clown, ngunit sa diskarte at pagiging malikhain tiyak na ako ay pasado riyan. At iyon ang nakakalungkot sapagkat hindi ako kwalipikadong sumali sa robotics team. Ngunit sa kabila ng lahat, kahit hindi ako napili ay gumawa pa rin ako ng aking imbensyon ng palihim at dinala sa paaralan para ipagmayabang sa mga kaklase ko ang aking ginawa.
Labis ang aking tuwa dahil hindi ko inakala na mapapansin ang aking inembentong robot at mapasali sa robotics team at sumalang sa kontest.
Advertisement
Mayroon kaming apat na robot na ipe-present sa darating na patimpalak, ang dalawa ay galing sa bulsa ko at sa kabutihang palad, nanalo sa division at regional contest ang robot na aking ginawa.
Ilang taon ang nakalipas, ang aking pagkamalikhain ay hindi ako iniwan at pinabayaan sapagkat noong pandemya naisipan kong gumawa ng bihira na kung saan ito ay isang kumbinasyon ng isports at kalikasan na kung saan ang mga kagamitan ay makikita lamang sa kapaligiran. Bamboo bike—ito ang naisipan kong gawin, dahil na rin mahilig ako sa isports at mahilig sumubok ng mga bagong pamamaraan. Lahat ng pagod at oras na ibinuhos ay naging sulit dahil ako ang naging pinakabatang bamboo bike builder sa Pilipinas at ang bamboo bike ang aking ginamit sa Ironman 70.3 triathlon at ako rin ay naging guest speaker sa pinakamalaking