3 minute read
San Francisco, kumawala sa kamandag ng Rosario, 2-1
Makapangyarihang spikes at matitibay na atake ang naging panghiganti ng mga manlalaro ng San Francisco upang tuluyang pabagsakin ang tabike ng Rosario, 2-1 (21-25, 26-24, 26-24) sa isinagawang Men’s Volleyball Championship Game sa Alegria Gymnasium, ika-17 ng Pebrero.
Maaliwalas na nagdiwang ang mga kampeon nang bigong naisalba ni Ezer Regidor ng Rosario ang bola matapos matikman ang nakapipinsalang cross court attack ni Miko Cabanos, captain ball.
Advertisement
Jasmine Loise C. Arroyo
Naamoy na agad ng mga manonood ang matinding labanan ng dalawang panig nang magsimula ang pagpapalitan ng spikes at mahihigpit na blocks na siya ring dahilan nang paulitulit na tie sa iskor na 13-13,14-14, 15-15.
Bumandera ng 3 blocks sina Xyler Miles Desoy at Eishal Pocon ng San Francisco ngunit nagpaulan ng 5 pamatay na kills si Lloyd Gacang ng Rosario bilang panapos ng unang set, 21-25.
Patuloy na ipinalasap ng Rosario ang kanilang angking galing sa ikalawang
2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet
San Francisco, bumida sa Men’s Sepak Takraw
Mariel P. Rivas
San Francisco, Agusan del Sur –Ginulantang ng koponan mula San Francisco ang Bunawan gamit ang mga sunback spikes kalakip ang kanilang mahusay na pagtutulungan sa ginanap na 2023 SAFROBUN Cluster Athletic Meet sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) Covered Court sa may alas-nuwebe imedya at may ala-una imedya ng hapon, Pebrero 17.
Kinakatawan nina Barney Baguio, Jaymark Dichosa, at Joshua Navale ang koponan San Francisco ang siyang nagpaluhod sa Bunawan sa pamamagitan nang pamatay na headers at spikes para sa Regu A Category, 2-0 (21-7, 21-15).
“Talagang strikto sa amin at pinagpapahirap kami ni sir… ginawa namin ito para sa aming paaralan at sa aming mga pamilya,” saad ng mga manlalaro ng San Francisco.
Nagwagi pa rin sila sa Regu B na binubuo nina Hienrich Limpioso, Jon Din-awan, at Joshua Dela Cruz kontra Bunawan sa pagpasiklab nila ng mga mababagsik na knee kicks, 2-0 (21-12, 21-8).
Sumipa ulit ng panalo si Navales ng Regu A gamit ang kaniyang mababangis na kicks at maging si Limpioso na nagpainit sa laro ng Regu A at B ang siyang dahilan sa dalawang 2-0 (21-8, 21-10), (21-11, 21-17) ng San Francisco.
“Nakakabog-damdamin at kapanipanabik, mapaghamon, at nakakakaba,” wika ni Lorylene B. Pedroso, tagasanay ng Team San Francisco.
Aarangkada ang mga nagwagi sa gaganaping sa Loreto, Agusan bahagi ng laro at kumamada ng 3 puntos subalit agad na nagtanim ng sunod-sunod na atake si Red Arevado ng San Francisco na siyang nagresulta sa 2 puntos na lamang, 17-15.
Naipuwersa ng Rosario na muling itala ang 22-22 na tie at dagling nagpaulan ng 2 spikes upang tapusin ang set ngunit gigil na mga palo mula kina Wackee Espacio at Joshua Tud ng San Francisco ang nagsilbing plot twist, 26-24.
Umiikot sa loob ng gym ang nakabibinging hiyawan ng mga manonood nang mas bumigat ang tensyon sa pagbubukas ng huling set na sinimulan ng 1 ace mula kay Pocon, 1-0.
Mainam na pinalipad ng Rosario ang kanilang nag-aalab na aces at mababagsik na blocks upang mahablot ang panalo ngunit hindi ito naging sapat nang pumasok muli si Cabanos at ipinakitang-gilas ang 3 ace at 2 cross court attacks na siyang dahilan upang maiuwi ng San Francisco ang tagumpay sa sariling tahanan, 26-24.
San Francisco, natameme sa Athletics; Ruiz, nag-iisang bida
Naubusan ng lakas ang ilang atleta ng San Francisco sa ilang kategorya ng Men’s Athletics at tanging si Vincent Ruiz ang representante sa 2023 Division Athletic Meet na siyang pumangalawa sa pwesto ng 400 meter Dash kaugnay sa isinagawang 2023 SAFROBUN Cluster Meet sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) Ground, Pebrero 17.
Sunod-sunod na pwesto ang nanakaw ng mga manlalaro ng Rosario na sina Hervick Compoc at Christian Jopya sa Long Jump, Triple Jump, at High Jump na tila nagpapalitan sa una at ikalawang pwesto ng kategorya.
Bigo rin na nakamit ng San Francisco ang dalawang tanghalan sa Shot Put, Discus, Javelin, 100 meter Dash, at 200 meter Dash nang magtagumpay ang mababagsik na lakas nina Jerome Coeton at Alejandro Labada ng Rosario pati nina Richander Alba at Adrian Isdanis ng Bunawan.
Naipuwersa ni Ruiz ang kaniyang katibayan sa 400 meter dash ngunit siya ay nalampasan ni Jerone Navales ng Rosario at tumuntong sa ikalawang pwesto ng kategorya.
Dagdag sa listahan ng San Francisco ang kabiguan sa 800 meter, 1.5 kilometer, 3 kilometer, at 5 kilometer dash nang ito ay inangkin nina Mark Angcog, Navales, Paul Gomez, at James Maravilla ng Rosario, at ng atleta mula Bunawan na si Peter Bagante.
Dampiganon, iniahon ang bandera sa Swimming Finals
Princess Sophia B. Briones
Napasakamay ni Abbie Dampiganon ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang kaniyang pwesto para sa paparating na Pre-Palarong Pambansa 2023 nang pumoste siya ng 3 gold, 3 silver, at 1 bronze medals sa isinagawang Caraga Athletic Association - Regional Sports Competition (CAA-RSC) sa Butuan City, Abril 25-27.
Napanatili ng atleta ang kaniyang husay sa paglangoy simula pa lang ng Cluster Meet hanggang sa pagdating ng Regionals.
Nadukot ni Dampiganon ang 2 gintong medalya matapos talunin ang kaniyang mga kantunggali sa 4x100 Meter Medley Relay at 4x100 Meter Freestyle Relay.
Nadagdagan pa ng isang ginto ang kaniyang naisuot dahil sa kaniyang pagpapakitang gilas sa 400 Meter Individual Medley.
Kasabay nito, pumangalawa sa 400 Meter Freestyle, 200 Meter Butterfly, at 100 Meter Butterfly dahilan upang mailapag ng magaaral ang 3 silver medals.
7 medalya ang kaniyang nalikom nang dumagdag pa dito ang 1 bronze medal na kaniyang naibulsa sa kategorya na 50 Meter Butterfly.