3 minute read
Pagsisikap ni Ama sa Gitna ng Pandemya
Sumisilip pa lamang ang araw, sila ay abala na sa kanilang ginagawa. Katawan ay balot na balot mula ulo hanggang paa upang makasigurong maproteksiyonan ang balat mayamaya sa nakakapasong sikat ng araw. Tagaktak ng mga pawis ay dahan-dahang dumudulas sa katawang nabilad ng ilang oras sa init. Sa bawat patak ng oras, punong puno ng determinasyon ang kanilang mga galaw upang kumita ng marami. Hindi mapagkaila ang pagod sa kanilang nadarama, ngunit nababalot ng ngiti at saya ang kanilang mga mukha sapagkat alam nilang may maiuuwi sila sa kanilang mga pamilya na pasalubong.
Gayon pa man, sa likod ng kanilang mga ngiti at sipag, pangmamaliit at pang-iinsulto ang natatanggap nila dahil lang sa kanilang mga trabaho. Hind man sinabi ng direktahan ngunit halata naman sa mga tingin ng karamihan sa mamamayan ang disgusto sa ganitong trabaho daig pa si Donya Victorina sa katabilan ng dila at kung maka-atsa ay parang niluluhuran ng lahat.
Advertisement
Dapat maipasok ito sa isipan ng lahat na walang maling trabaho sa matiyagang tao. Tulad nalang nila Neptali Laid, isang magsasaka at Elpedio Villan Jr., isang delivery man ng LBC Express— na parehong ama ng dalawang mag-aaral sa Agusan del Sur National High School (ASNHS).
Madilaw-dilaw na mga kulay ang sumakop sa isang malapad na kalupaan na tinaniman ng palayan sa isang lugar sa Hubang, San Francisco, Agusan del Sur. Masipag na tinaniman ni Mang Neptali ang kalupaan. Simula pa noon, pag-aani na ng mga palay ang
Mardy D. May-as
“Naniniwala ako sa aking puso na ako ay ipinanganak na babae, hindi lamang pisikal kundi pati na rin sa puso.” pinagmumulan ng kita ng pamilyang Laid. Hindi mo maitatanggi na malaki ang tulong ng pagsasaka sakanilang pamumuhay sapagkat pinag-aaral nilang sabay-sabay ang anim nilang mga anak na kung saan ang nakakatanda ay nakapagtapos na ng pag-aaral at naging isang guro sa ASNHS.
Hinahampas ng ihip ng hangin ang makinis at malasutla niyang buhok. Mga luha ay namumuo sa kaniyang mga mata— nagbabantang dumadaosdos pababa sa kaniyang mukha. Hindi mawari ang nadarama habang nakaupo sa harap ng salamin at unti-unting pinuputol ang matagal na niyang pinapahabang buhok. Sa bawat pagbagsak ng mga hibla ng kaniyang buhok ay kasabay nito ang katanungang: Kailan kami matatanggap ng buong-buo?
Kumikinang ang kaniyang mga mata at nagtatalon sa tuwa tuwing siya’y binibilihan ng pangbabaeng kagamitan ng kaniyang ina; hindi maipagkaila ang lubos na suportang ipinapakita ng mga magulang niya sa kaniya. Simula pagkabata, nabibighani na si Jeddo P. Caballero o mas kilala bilang Ella Caballero sa mga bagay na pambabae—barbie dolls, make-up at iba pa. Hindi naging mahirap para sa kaniya na ipakita at ipahayag ang kaniyang pagkakailanlan sa kaniyang mga magulang sapagkat buong puso siyang tinanggap. Sa katunayan, ang pangalang Ella ay bigay sa kaniya ng kaniyang ina.
Labing anim na taong gulang si Ella nang nagsimula ang kaniyang transitioning phase. Sa pagtungtong ng labing walong taong gulang, siya ay nagsimulang uminom ng hormones—na suportado naman ng kaniyang mga magulang. Ayon sa kaniya, naging inspirasyon niya ang nakikitang mga transwoman na ipinagmamalaki kung ano sila nang hindi tinatago ang kanilang tunay na pagkatao.
Sa kaniyang bawat paghakbang, dinadaanan niya’y lumiliwanag. Kumpiyansa sa sarili ay nag-uumapaw; mga ngiti ay umabot na sa kaniyang mga mata—madarama mo ang kaniyang kasiyahan sapagkat kaniya nang maipapahayag at maipapakita ang kaniyang pagkakakilanlan hindi lang sa kaniyang pamilya’t mga kaibigan kundi sa lahat ng tao. Suot-suot ni Ella ang unipormeng pangbabae ng paaralan na siyang nagpapatunay na siya nga ay isang babae. Subalit, ang kaniyang kalayaan sa pagpapahayag ng kaniyang sarili sa loob ng paaralan ay biglang pinutol nang pinasuot na siya ng panglalakeng uniporme sapagkat hindi pa approbado ang cross-dressing sa paaralang Agusan del Sur National High School (ASNHS).
Samantalang si Mang Elpedio naman ay mahigit tatlong taon nang pumapasok sa trabaho bilang delivery man sapagkat siya lang ang tanging miyembro ng pamilya na nagbibigay kaya para mapag-aral ang mga anak at mabigay ang mga pangangailangan nila. Kahit na mahirap at maraming umaasa sa kaniya, ay nagawa niya pa ring magtrabaho ng maigi at tama.
Parehong nakararanas ng pagkadismaya at pagod ang dalawang ama sa kanilang trabaho dahil hindi arawaraw sila ay nakakatanggap ng salapi at pasensya.
Sa paglubog ng araw, sila ay unti-unting nawawalan ng gana at nauubusan ng lakas habang dahan-dahang nilisan ang kanilang pinagtatrabahuan. Katawan ay balot na balot ng pawis. Hindi mapagkaila ang pagod na kanilang nadarama. Mga mukha ay nababalot ng pagkadismaya at kalungkutan sapagkat kung gaano ka sagana ang kanilang na aning palay, at kung gaano sila mapag-unawa sa kanilang naka-transakyson, kabaliktaran naman nito ang kanilang kita na natatanggap.
Kasabay ng pagpapakatotoo niya sa sarili ay ang mga matang nangungutya. Simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin bukas ang ibang mga tao patungkol sa karapatan ng LGBTQIA+. Nakakadurog ng damdaming isipin ang lahat ng kanilang pinagdadaanan sa arawaraw nilang pamumuhay sapagkat wala silang magawa kundi harapin ang mga matatabil na dila ng mga tao. Sa kabila ng lahat, taos pusong nagpapasalamat si Ella sa lahat ng taong sumusuporta sa kaniya.
Mundo natin ay patuloy na nagbabago ngunit ang pagiisip ng karamihan ay hindi kalianman nagbago. Puno pa rin ng pangungutya at pang-iinsulto ang binabato ng mga tao sa mga miyembro ng LGBTQIA+. Ngunit si Ella ay nag-iiwan ng paalala sa kaniyang kapwa LGBTQIA+ na sa kabila ng diskriminasyon na kanilang kinakaharap, maging matatag at huwag matakot na ipakita ang tunay na pagkatao; magpakatotoo ka sa iyong sarili at maging isang taong tinitingala ng mga tao.