4 minute read
PANGALAWANG INA: Ang Pagbubukaspalad ni Ma’am kay Gang-Gang
"Ang Guro Ang Ikalawang Magulang” madalas mong maririnig yan, ika nga nila sila ang isa sa mga taong nagsilbing hagdan upang makamit natin ang tuktok ng ating magandang kinabukasan, na ultimo kinabukasan ng kabataan pakiramdam nila ito'y kanila’y pasan. GURO may apat na letra katumbas ng SUPERHERO propesyong hindi isang biro.
Sa isang metapora, si Ma'am Glecil, isang guro sa Agusan Del Sur National High School,Inihalimbawa niya kung paano nauugnay ang quota "Ang Guro Ang Ikalawang Magulang" sa kanyang mga aksyon sa isang estudyante na tatawagin nalang natin sa pangalan na “Gang-gang” na kanyang nakilala habang naglalakad sa mga daanan sa isang mainit na sikat ng araw, kasabay ang magagandang sayaw ng mga dahon, ang maaliwalas na hangin, tuno mula sa bawat padyak ng mga paa at maiingay na pukpok ng mga panday.
Advertisement
Sa bawat hakbang ng kaniyang mga paa, dalawang tuhod niya ay gusto nang bumigay; mga kalamnan niya’y nanginginig; ang pagtatambol ng kaniyang dibdib ay dinig na dinig. Mga pawis ay tumatagaktak, nais niyang umiyak sa dami ng taong nagsipasukan sa lugar na ito. Ngunit, nagpapatuloy pa rin siya sa pagkanta upang makabisado niya ang mga liriko. Nakakahilo’t nakakasuka; mga malalalim na paghinga ay hindi na mabisa sa pagpapakalma. Isa, dalawa, tatlo, mga bilang niya ay umabot ng sampu nang biglang tinawag ang kaniyang pangalan upang pumunta sa entablado.
Nang pinatugtog na ang kaniyang aawiting kanta para sa paligsahan na ito, humigpit ang kaniyang kapit sa mikroponong ibinigay na para bang dito nakasalalay ang kaniyang buhay. Mga kamay ay naginginig; unti-unting nawawala ang lirikong kaniyang menemorya. Nagbabadya ang kaniyang mga luha, katawan ay hindi halos maigalaw, at lahat ng dugo ay dumaloy papunta sa kaniyang mga mukha—kahihiyan ay ang kanyang nadarama na parang nais na niyang magpakain sa lupa. Napuno ng panghihinayang ang kaniyang isipan ‘pagkat lahat ng kaniyang paghahanda para sa patimpalak na ito ay bigla nalang nawala na parang bula.
Kahit abala na ang mga tao, pumapatak ang pawis at hingal na hingal sa kakagapas sa matataas na damo at kakapinta sa mga matatayog na pader hindi niya sila pinansin at itinuon ang atensyon sa nakamamanghang estudyante lamang na papunta sa pasilyo. Sa bawat lakad ng mga paa ay untiunting lumilinaw ang mga mata sa isang estudyante na dala-dala ang kanyang isang buwang anak na tila pinasan ang malalaking bahay habang dinadala ang mga gamit para sa Brigada Eskwela at anak, sa murang edad ay imbes na ballpen at papel ang dala-dala, kanyang sanggol ang laging hawak ng maingat sa kanyang mga bisig bitbit ang boteng may lamang gatas upang ito ay mapatahan sa pagiyak.
Isa si "Gang-Gang" sa 2,299 nakaranas ng teenage pregnancy ayon sa Department of Health (DOH) noong 2022 na tumaaas mula sa 2,113 na natala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020. Mga masasayang ngiti na guhit sa kanyang mga labi ay tila naglalaho ngunit binabalik ng kanyang anak. Hindi man niya sabihin ngunit kitang-kita sa kanyang mukha ang paghihirap na dinaranas niya.
Ayon sa National Institutes of Mental Health, 75% sa mga tao ay nagunguna sa kanilang listahan ang takot sa pampublikong pagsasalita. Batay sa isang website na speakandconquer, kapag mayroon kang takot sa pagsasalita sa publiko, maaari kang makaranas ng isang hanay ng mga physiological at psychological na sintomas na maaaring maging lubhang nakakagambala. Marami kang mararamdaman kapag ikaw ay nakararanas ng matinding takot sa pagharap sa publiko, ilan sa mga ito ay ang panginginig, pamamawis, mabilisang pagtibok ng puso, at iba pa.
Lahat ng neurons sa kaniyang katawan ay nagkawatakwatak, hindi maipagkakaila ang kan iyang kabang naramdaman kaya napagdesisyonan niya na lang na bumaba ng entablado. Ngunit, sa kaniyang paghakbang paatras, may isang babaeng dali-daling pumunta sa kaniyang harapan at kinuha ang kaniyang atensyon. Sumenyas ang babae na sumabay sa kaniya. At sa pagkakataong ito, nakuha niya ang daloy ng awitin at biglang nagkaisa ang mga manonood sa pag-awit upang sabayan ang kalahok na nakatayo sa gitna ng entablado. Nang matapos ang kanta, malakas na palakpakan ang sumalubong sa kaniya.
Sa aking nasaksihan, ako’y namangha sa kaniyang ginawang pagtulong sa isang kalahok. Napag-alaman ko ang kaniyang pangalan at siya ay si Jellian Bayo, isang grade 11 student ng Agusan del Sur National High School. Kaniyang nabahagi na alam niyang bago pa lamang ang kalahok sa mga paligsahan at nakikita niyang kinakabahan talaga siya kaya tinulungan niya ito. Nakikita niya rin ang kaniyang sarili sa estudyanteng iyon kaya walang pagaalinlangan siyang tumakbo sa harapan.
Lahat tayo ay nagkakamali, sapagkat tayo ay tao at hindi natin likas ang pagiging perpekto kaya huwag matakot magkamali sa harapan ng publiko dahil ito ay parte ng isang proseso sa iyong pag-unlad bilang isang indibidwal, ayon ni Bayo. Dagdag pa niya, “kapag hindi perpekto ang iyong ginawa, huwag mong isipin na hindi mo kaya o hindi ka na uulit pa, kundi isipin mo na marami pang oportunidad ang dadating sa iyo. Face your fears ika nga nila, at huwag matakot na gawin ang lahat na kinatatakutan mo, dahil hindi mo na mamamalayan sa susunod na hindi ka na takot sa mga bagay na ayaw mo.”
"Nanay din ako, naiintindihan ko ang pakiramdam sa sitwasyong iyon, kaya tinanong ko ang mag-aaral kung maaari ko munang kunin ang kanyang anak at makipag-ugnay na lamang sa akin kapag natapos na siya dahil labis akong naawa". Alam ni Ma'am Glecil kung gaano kahirap para sa batang estudyante na ipagkatiwala sa kanya ang kanyang nag-iisang anak, sa sandaling iyon ay naramdaman niya kung gaano ka labis ang pagmamahal at pagmamalasakit ni "Gang-gang" sa kanyang anak. Hindi alintana ang pagtakbo ng oras, siya'y nakatitig lang sa anak ni “Gang-gang” walang kaproble-problemang nagaaruga para bang nanay na labis ang pag-aalala sa kalagayan ng anak, lubos itong inalalayan at binabantayan ng may pagmamahal at ingat ngunit ilang oras na ang lumipas nag-aalala na si Ma'am Glecil sapagkat hindi pa bumabalik ang batang estudyante.
Nababahala si Ma'am Glecil sa sinapit ng mag-aaral dahil matagal na siyang nawala, bagama't kamakailan lang ay sumali siya sa programang Brigada-Basa, na tumutulong sa mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbabasa. Agad niyang ibinigay ang sanggol na ligtas, humanga siya sa tiyaga at sigasig ni Gang-gang sa kanyang pag-aaral. Pinatunayan ni Ma'am Glecil ang salitang "Ang Guro Ang Ikalawang Magulang", tumulong siya hindi lang bilang guro o ina, kundi bilang tao na biniyayaan ng Diyos ng mabuting kalooban. Walang guro ang gustong makita ang kanilang mga estudyante na tumalikod sa mabuting daan, wala ring ina na gustong mapahamak ang kanilang anak o maligaw sa madilim na daan. Sa bawat dilim ng paligid, may sinag pa ring darating upang iyong masilayan ang daan na dapat mong tahakin.