6 minute read
Bongga ka bike
Mardy D. May-as
Ayon din kay Bryan Benitez McClelland, Ang tagapagtatag ng Bambike, isang enterprise na nakabase sa Pilipinas na gumagawa ng bisekletang kawayan, Ang kawayan ay may likas na katangian na perpekto para sa pag bi-bisekleta. Ang mga katangiang ito ay inilagay sa isang frame ng bisekleta na sapat na matigas, upang talagang umaandar at ginawa para sa isang maayos na byahe.
Advertisement
Mga Nalagpasang Dagok sa Paglipas ng Panahon S
BIKE LODI. Ang bisekletang gawa sa kawayan ay siyang panlaban ng pinoy sa mga gawang dayuhan. Magaan, mura, at 'di kailangan ng gasolina, iyan ang kalakasan ng kawayang bisekleta.
istulang hindi kapani-paniwala pero mayroon nang bisekletang gawa sa kawayan na nanggaling sa Pilipinas. Ito ay matibay, natural, at garantisadong hindi nakasasama sa kapaligiran. Ating pagmasdan ang iba’t ibang epekto at dahilan upang labanan ang pagbabago ng klima at gamitin ang Bamboo Bike.
Ayon kay Charlotte Broughton, isang cyclista at manunulat sa Discerning Cyclist, ang mga bamboo bike ay sustainable dahil sa mabilis na lumalagong kalikasan ng kawayan, na nagbibigay daan sa mabilis na pagbabagong buhay. Ang pagsasaka ng kawayan ay sustainable dahil sumisipsip ito ng maraming carbon dioxide, at naglalabas ng maraming oxygen. Nakatulong ito upang labanan ang pagbabago ng klima.
Matibay ang frame ng bamboo bike ito ay gawa sa kawayan at mahirap itong masira o maputol. Ang anumang pagbanga ay hindi nakakapinsala sa bike, di tulad ng Carbon na bisekleta na madaling matupi. Mas malambot ang byahe sa bamboo bike na nagbibigay din ng mas komportableng biyahe, dagdag pa ni Broughton.
Patuloy na umuunlad ang ating mundo, kasabay nito patuloy din ang pagkasira ng ating kalikasan dahil sa mga sasakyang makabago na nagiging sanhi ng polusyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng kagamitang nakakabuti sa ating kapaligiran at sa kalikasan na ating pinapahalagahan.
Mahalaga ang paglipat sa alternatibong paraan ng transportasyon, hinihiling na mas suportahan pa ng mga kababayan ang Bamboo Bike na nakatutulong sa kalikasan. Tangkilikin ang kawayan ng Pinas, tangkilikin ang bisekletang Pinoy, mahalin ang kalikasan, lumipat na sa mas
Pagkamit sa Panaginip Responsableng Pagamit ng HRT
Ipinanganak na lalaki, dalaga nang ika’y lumaki.
Laganap ang Hormone Replacement Therapy (HRT) sa mga transgender, hindi upang mapawi ang mga sintomas ng menopause, kundi para palitan at dagdagan ang natural na hormone ng katawan sa nais na kilalaning kasarian. Pinupunan nito ang hormones na testosterone sa mga transman at estrogen naman sa mga transwoman.
Isa sa mga uri ng Hormone Replacement Therapy (HRT) ay ang oral contraceptives o birth control pills na naglalaman ng progestogen at estrogen hormones na natural na inilalabas ng obaryo upang panatilihing malusog ang sistema ng reproduksiyon ng mga kababaihan.
Sa panayam kay Ella, isang transwoman na mag-aaral ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pag-inom ng Micro pills at Marvelon pills, mga uri ng contraceptives na tumutulong upang maiwasan ang pagbubuntis, kontrolin ang irregular na menstruation at anemya.
Ngunit para sa mga katulad ni Ella, nakatutulong ito upang lumaki ang kanilang hinaharap, pagdepina sa balakang, pagbaba ng libido at unti-unting pag-iiba ng hormones sa katawan. Sinasabayan din ito ng pag-inom ng anti-androgen pills gaya ng Dianne 35 at Althea na nagpapababa ng produksiyon ng hormones ng mga kalalakihan.
Mayroong side effects at pangamba sa kalusugan ang Hormone Replacement Therapy (HRT), sapagkat maaaring magdulot ito ng malalang mga karamdaman gaya ng deep vein thrombosis o isang medikal na kondisyon ng namuong dugo sa malalim na parte ng ugat, pagtaas ng lebel ng triglycerides o uri ng taba na makikita sa dugo na nagdudulot ng arteriosclerosis o pagkapal ng artery walls, hypertension, type 2 diabetes, breast cancer, sakit sa puso at stroke. nila alam ngunit tandangtanda ko pa bawat mukhang dumadayo upang ako ay makita. Halos mabali na ang kanilang leeg kakatingin sa mataas at matayog kong anyo. Madaming turista na ang dumagsa ay naitala na sa kasaysayan bilang ikatlo sa pinakamataas at pinakamatandang puno na nabubuhay hanggang ngayon dito sa Pilipinas.
Pagbabago sa anyo base sa identidad ng kasariang ninanais ay nangangailangan ng mahabang pasensya at pag-iingat. Matagal ang proseso upang lubos na mapuna ang pagbabago sa pangangatawan sapagkat ang medikasyon ay hindi isang mahika o milagro na nagaganap sa loob ng isang araw lamang. Huwag ugaliin ang self-medication at mas mabuting komunsulta sa espesyalista upang lubos na maunawaan at mabigyan ng kaalaman sa Hormone Replacement Therapy (HRT) nang maiwasan ang mga karamdaman.
Mayroong iba't ibang epekto sa kalusugan ngunit ito ang nagbibigay kasiyahan sa iilan, ang pagbabagong inaasam-asam ay makakamit sa panandaliang paraan, ngunit maging matalino hinay hinay lang sa paggamit ng HRT at magpatulong sa mga eksperto. Makakamit ang kasariang ninanais, ngunit sa responsableng paraan Sist!
Sa bawat paghampas ng hangin, mga dahon ko ay sumasabay at sumasayaw rito. Sa pagtama ng bagyo, mga tao ay nabahala at natakot na baka ako ay matumba at makapinsala kaya aking naiintindihan ang kanilang mga hinaing tungkol sa aking kalagayan. Ako rin ay makakaintindi kung nais na nila akong putulin huwag lang masira ang kanilang mga pag-aaari at mapalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay.
Sa bayan ng Alegria San Francisco, Agusan del Sur matatagpuan ang aking kaakit- akit na kagandahan at halos 300 gulang na akong nanatiling nakatayo dito. Tinanyag ako bilang pinakamahaba at pinakamatandang Philippine Rosewood Tree sa bansa na may 54 metro ang haba at kilala ako sa pangalan na 'Toog Tree'.
Naging usap-usapan ako sa social media dahil nakatakda sana akong putulin noong Agosto 8, 2020 sa pinalabas na dokumento ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Agusan del Sur. Ang pagputol saakin ay binase sa pag-aaral ng Forest Wetlands Research Development Center Noong 2019.
Ayon sa Biomechanics o Structural Analysis na ginanap noong Hulyo 2019, nakalagay sa findings na lumuluma na ang aking ground cavity. Sa ginawa na hazard rating na 0-6 nasa 5.4 ang hazard rating, ibig sabihin mataas ang potensyal hazard na may posibilidad na maputol o matumba na ako. Ito ang naging rason kung bakit ako puputulin, subalit matapos ang isang petisyon ng aking mga mamamayan para isuspende, ito na ang ikalawang pagkakataon na niligtas ako sa huling minutong ‘Salvage Cutting’.
Sa kabilang banda, ayon kay Tommy Valdez isang National Council President ng Society Filipino Foresters "Pwede pang mabuhay ang Toog tree, kailangan lang talaga na ito ay magamot at maalagaan ng husto lalo na’t lumalala na ang sira na nasa 4.5 metrong haba at 16 metro ang kahabaan ng sira".
Ayon na man sa isang Civil Engineer na si Marjun Ursus dapat na lagyan ng straktura ang paligid ko para mapreserba at maprotektahan ang aking kinalakihang tanawin at malayo sa disgrasya sa naninirahan kong mga mamamayan na malapit sa akin lalo na’t sa dumadaan na motorista at sasakyan.
Nakadudurog ng puso ang makita niyong inilalansag na ang aking tanawing masyado nang nasanay ang iyong paningin. Ngunit ang pagtanda ay hindi maiiwasan. Lahat ay dadating at aalis. Lahat ay magtatapos. Subalit ang katapusan ay kinakailangan upang makapagsimula muli. Hayaan natin ang iyong sariling hangaan ang aking kinalakhang tanawin: ang punong Toog, sa natitirang sandali.
Sa likod ng laboratory building, matatagpuan ang lumang abandonadong sanctuary na dati ay puno ng mabulaklaking mga halaman. Mga hindi kataasang bakod ay nanatiling nakatayo sa paglipas ng panahon kahit wala na ang pinaglalaanan nito. Lingid sa kaalaman ng iba, dito pala nakatira si Crokie, isang buwayang inalagaan dati ng Agusan del Sur National High School (ASNHS).
Isang Crocodylus mindorensis ang buwaya. Si Crokie ay bigay ng isang estudyante na binili galing pa sa Davao at umaabot ng isang talampakan ang haba niya. Dahil sa liit nito, nailagay pa ang buwaya sa isang aquarium at dito nililinisan ng tagapangalaga habang gamit lamang ang sipilyo.
“Crokie, come here, eat your food,” tawag ni Gng. Perez, tagapangalaga ni Crokie, walang pagaalinlangang lumingon si Crokie sa pinaggalingan ng boses nang madinig niya ito. Sa paghagis ng kaniyang tagapangalaga ng tulingan at dressed chicken, mabilis niya itong nilamon at nagpakabusog. Labing 16 taong nanirahan si Crokie sa paaralan, sa pangangalaga ng Science Department. Hindi man karaniwan ang pagkupkop ng buwaya ngunit kagaya ng iba pang mga tao, si Crokie ay napalapit na sa puso ng mga nagaalaga sa kaniya at itinuring nila itong alaga.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang dating masiglang si Crokie ay unti-unti nang nawawalan ng gana sa loob ng kaniyang tinitirahan. Ang mga pader na nagsisilbing tahanan ay naging rehas na para sa kaniya na siyang naging dahilan ng kaniyang madalas na pagtakas. Puno ng gasgas at sugat ang kaniyang kaliskis sa minsang pagkaladkad sapagkat hindi na siya mabuhat sa kaniyang bigat.
Ayon sa Animals Network Team, karamihan sa mga reptilya ay namumuhay nang nag-iisa, ngunit maraming mga uri ng buwaya ang madalas na magkasama sa malalaking grupo. Hindi kayang mabuhay ni Crokie kung hindi niya nakakasama ang kaniyang mga ka-uri sapagkat ito rin ang mga panahon ng kaniyang mating season.
Walang magawa ang Science Department nang magdesisyon ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na kunin na ang buwaya dahil hindi raw nababagay ang hayop sa lugar na kaniyang kinalakihan. Dinala si Crocy sa lugar na hindi na kayang makumusta at makita ng mga nag-alaga sa kaniya.
Sa paglipas ng taon, unti-unti nang nalilimutan ng karamihan na minsan nang nagkaroon ng buhay ang sanctuary sa likod ng laboratory building—na minsan nang may inaalagaan ang Science Department na pambihirang hayop. Hindi man alam ng karamihan ang karanasan ni Crokie, ngunit sa mga taong nag-alaga sa kaniya, mananatili siyang nakaukit sa puso’t isipan nila. Ang karanasan ni Crokie at ng mga nangalaga sa kaniya ay mananatili nalang na ala-ala ng Paraisong naabandona.