7 minute read

Basura ng Teknolohiya

Next Article
Bongga ka bike

Bongga ka bike

Joseph Lenoel J. Barrete

Sa bawat pag-ikot ng mundo, ito ay nagbabago pati na rin ang mga teknolohiyang inembento ng mga tao. Talagang napatunayan ng henerasyon na ito ang kasabihang: Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon. Sa iilang pag-pindot mo lang sa iyong selpon upang ma-delete ang mga hindi na kinakailanagan na mga email ay nakatulong ka na mabawasan ang polusyon sa mundo. Akalain mo iyon, pati basura digital na ngayon.

Advertisement

Ayon kay Mike Hazas, isang mananaliksik sa Lancaster University, ang mga didyital na teknolohiya ay nagkakaloob ng humigit-kumulang 4% ng mga pandaigdigang carbon emissions, medyo maliit ngunit, talagang katulad ng kontribusyon ng industriya ng aviation, at kung ang Internet ay isang bansa, ito ang magiging ika-anim na pinakamalaking kontributor ng polusyon sa mundo.

Kamakailan lamang, naging malaking isyu sa Social Media ang pag-delete ng mga unread emails dahil sa Digital Waste. Naging viral ang mga post ukol dito at ginamit ng mga netizens ang “Ecosia” upang makatulong sa kapaligiran.

Dagdag pa ni Cheryl Vaugh, isang manunulat sa agham pang teknolohiya at kalikasan, Ang paggamit ng isang search engine na aktibong nagsusumikap patungo sa eco- friendly na mga kasanayan, ay ginagawang posible para sayo na mag-ambag sa pangangalaga sa mundo.

Nakiisa ang mga mag-aaral ng Agusan del Sur National

AI: Ako-Ikaw

Mardy D. May-as

Kasabay ng pagdating ng modernong panahon, nabuo ang iba’t ibang A.I upang makatulong, ngunit paano na kung ito ay ginagamit sa 'di tamang paraan?

Ayon kay Jake Frankenfield, isang manunulat sa Investopedia, ang Artificial Intellegience (AI) ay tumutukoy sa simulation ng katalinuhan ng tao sa mga makina na naka-program upang mag-isip tulad ng mga tao at gayahin ang mga aksyon nito.

Ang taong 2022 ang naging tulay upang sumikat ang AI sa mainstream media. Ang pinakasikat na application ng OpenAI na ChatGPT, isang A.I na sinanay upang sundin ang isang tagubilin sa isang prompt at magbigay ng isang detalyadong tugon. Gayunpaman, kinakatawan lamang ng ChatGPT ang isang maliit na bahagi ng mga paraan kung paano ginagamit ang teknolohiya ng AI sa kasalukuyang panahon, dagdag pa ni Frankenfield. Ang mga aplikasyon para sa A.I ay walang katapusan, ito ay maaaring magamit sa iba’t ibang sektor at industriya.

Ayon pa kay Frankenfield, Ang AI ay sinusuri at ginagamit sa industriya ng kalusugan para sa pagbabahagi ng mga dosis ng gamot, pagtukoy ng maaring maging gamot, at pagtulong sa mga surgical procedure sa operating room. Tumutulong din ang A.I sa ibat ibang financial industry, ito ay ginagamit upang matukoy ang hindi pangkaraniwang paggamit ng debit card, pinapadali din ng A.I. ang pakikipagpalitan. Ito ay nakakatulong din sa pag-aaral, nagiging daan ang A.I upang maresolba ang mga knowledge gaps, o ang di sapat na pagkatuto.

Karamihan ng mga estudyante ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ay gumagamit ng AI, upang magsilbing gabay, tulong at kaagapay sa mga araling mahirap intindihin, at mga gawaing mahirap gawin.

High School (ASNHS) sa paggamit ng Ecosia, naniniwala sila na ang search engine na ito ay nakakatulong di lang sa pag-aaral, pati na rin sa kalikasan.

Noong Hunyo, sa tulong ng mga gumagamit, nakatanim ang Ecosia ng higit sa 153, 382, 000 na puno sa 35 na bansa, nagresulta ito sa mahigit 50,000 metrikong tonelada ng CO2 (Carbon Dioxide) na inaalis sa atmospera bawat buwan.

Ating gamitin ang mga eco-friendly websites at search engines kagaya ng Ecosia, dahil ito ay nakakatulong ‘di lang sa pag-aaral kundi sa kalikasan din, nakakatulong sa atin ang paggamit ng isang eco-friendly na search engine para labanan ang climate change.

Hinihikayat ang bawat mag-aaral na gamitin at ipagpatuloy ang paggamit ng Ecosia, dahil malaki na ang nagawang pagbabago at marami pa itong magagawa sa mundo.

Pinaalalahanan ang bawat mamamayan sa pagiging hindi sabay sa uso, gagawin lang ang mga bagay dahil ito ay trending, at kakalimutan na kamakailan.

Nakakalungkot man isipin na sa simpleng paggamit ng internet, magiging sanhi na ito ng malaking suliraning pangkalikasan sa ating mundo, kung kaya’t mahalaga ang pakikilahok at paggamit ng search engines at websites na nakabubuti sa ating kapaligiran, para maiwasan ang paglala at paglaki ng Digital Waste o Basura ng Teknolohiya.

Ngunit sa likod ng magagandang katangian, magiging daan pala ito ng kasinungalingan, sa isang panayam sa The New York Times, sinabi ni Geoffrey Hinton, isang Google AI Pioneer, nagaalala siya tungkol sa kapasidad ng AI na lumikha ng mga nakakakumbinsi na maling larawan at teksto, na lumilikha ng isang mundo kung saan ang mga tao ay “hindi na alam kung ano ang totoo”.

Imbis na kasangga sa pag-aaral, nagiging kasabwat sa panglilinlang.

Nakakatulong ang A.I sa pag-aaral, ngunit may ibang mag-aaral na ginagamit ito upang manlinlang ng guro at kapwa mag-aaral. Nagpapagawa sila ng teksto, sagot sa mga proyekto, at iba pa sa AI, at ito ay kinokopya, nakakakuha sila ng malalaking puntos, mga puntos na nagbibigay galak, ngunit nasasayang dahil sa panlilinlang.

Sa mundong puno ng hindi totoo, mahalagang I factcheck ang bawat impormasyong nababasa at umaaabot sa kamay, iwasan sana ng mga kamagaral na gumamit at magpagawa sa A.I ng sagot sa iba’t ibang paksa, makinig na lang sana at magpatulong sa guro kung may di natutunan at kuro-kuro.

Hindi sa bawat pagkakataon naroroon ang A.I upang maging solusyon, Tandaan! Huwag umasa sa mga A.I o makina, gawin kung ano ang tama at huwag mawalang bahala. Malaki ang ambag sa mga industriya, at nakakatulong sa mundo, ngunit nagiging paraan upang manlinlang ng tao, A.I. — Ako, Ikaw.

Tatlong PUNTOs

Jasmine Loise C. Arroyo

Maraming estudyante ang pursigidog maging atleta ngunit nababahala sa mga “disadvantage” nito. Sa pag-arangkada ng Municipal Meet ng San Francisco, Agusan del Sur na nilahukan ng mga magaaral mula sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), naging pasanin nila ang kakulangan ng pondo, kawalan ng sariling training ground, at komplikadong iskedyul sa klase lalo pa’t may mga hinahabol na leksyon. Nakapanghihinayang na ang husay at galing ng ating mga batang manlalaro ay para na ring nababalewala dahil hindi sapat ang natatamasang suporta.

Gayunpaman, may sarili namang basketball at covered court ang paaralan na nagagamit ng mga manlalaro bilang lugar sa pageensayo. Sa nagdaan ring Cluster Athletic Meet na ginanap nitong ika-17 ng Pebrero, 2023 ay may pondong nakalaan sa kanilang miryenda at pananghalian. Ngunit, umaalma ang mga atleta dito dahil hindi naman talaga ito sapat para mapanagutan ang pawis, pagod, at gastusin na kinukuha lang nila mula sa sariling mga bulsa.

Hinaing ng mga atleta ang kulang na suportang pinansyal kung saan sila nalang ang gumagastos tulad sa swimming na P50 hanggang P75 ang binabayaran tuwing magkakaroon sila ng training at maging mismo sa araw ng kanilang patimpalak. Habang nasa P200 ang binabayaran ng mga badminton players kada oras para lang makapaglaro sa mas maayos na court.

Dagdag pa rito, ang libreng snacks sana sa mga panahon ng pagsasanay ay hindi rin naibibigay. Nahihirapan din silang maibalanse ang kanilang oras lalo pa’t tuwing alas 4 o 5 lamang ng hapon sila maaaring makaalis sa klasrum at konting panahon lang ang naigugugol sa kanilang mga training.

Ayon naman kay ASNHS Sepak Takraw Coach at San Francisco-ST Club (SF-STC) president Reyman Gil Lorica, hindi na sila umaasa na magkakaroon ng badyet para sa kanilang training at lessons. Sa isinagawang kauna-unahang SEPAK TAKRAW classroots program sa Agusan del Sur kung saan naimbitahan sina G. Espiridion Rodriguez, Philippine National ST coach at Elly Jan Nituda, Philippine National ST player ay tanging si G. Lorica, at sa tulong ng ibang coaches, ang umasikaso at naglaan ng sariling badyet para rito.

Matinding hamon para sa paaralan ang limitadong pondo, ngunit hindi ito nangangahulugang dapat sumuko nalang din nang tuluyan ang mga nasa larangan ng isports. Pangarap ng maraming batang atleta na magwagi, mapabuti ang kanilang kadalubhasaan at makilala sa buong mundo. Marami sa kanila ang isinasakripisyo ang oras para sa sarili, pamilya, maging ang oras para sa pahinga. Ngunit, ang lahat ng ito ay nababalewala nang dahil lang sa kakulangan ng suporta mula sa kanilang guro, sa grado at maging sa kakulangan ng pondo. Malaki ang posibilidad na matupad ito kung ang tatlong punto na ipinanawagan nila ay mapakikinggan.

Venz Neian M. Acierto

Ugong ng hiyaw ang madidinig sa nakapinid na espasyo ng arena na ito. Dalawang pangalan ang isinisigaw ng manonood; puno ng tensyon ang kapaligiran—madadama mo ang kasabikan at kaba ng karamihan. Iilang minuto lang ang nakalipas, isa-isang nagsipasukan ang manlalaro sa isang parisukat na entablado na siyang mas lalong nagpadagundong ng ingay sa loob.

Matinis na tunog ng kampana ang nagpapatahimik sa maingay na paligid. Lahat ng mga tao ay nag-aantay sa kung sino ang unang aatake. Pigil-hiniga ang mga madla nang biglang may malakas na pagbagsak ang madidinig sa loob lamang ng pitong segundo. Labis na pagkagitla ang makikita sa mga madla sapagkat mabilis na napatumba ni Miel Fajardo ang kaniyang kalaban.

Sa determinasyon at sikap, ang imposible ay magiging posible, ika nga nila. Kahit mahirap at delikado ang kanilang isport, hindi ito naging hadlang sa kaniyang pangarap na makakuha ng titulo sa larangan ng boxing. Mula sa mapayapang probinsya ng Agusan Del Sur nakatira si Miel Fajardo. Si Miel ay labing tatlong taong gulang at siya ay naging isang mag-aaral sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS). Nasa ikawalong baitang si Miel nang siya’y inanyayahan na sumali sa boxing. Dahil hindi maipagkaila ang kaniyang kagalingan sa pag boboxing, siya ay napili na maging manlalaro sa palarong pambansa.

Maliksi ang kaniyang mga galaw na siyang nagpapalito sa kaniyang mga kalaban na sasamahan pa ng mababagsik niyang kamao, tiyak na matutumba ang kalaban. Katulad nalang ng nangyari noong Desyembre 28, 2022 na kung saan sa loob lamang ng pitong segundo ay napabagsak niya ang kaniyang kalaban na siyang nagpapatunay na siya si Silent Assassin.

Bagsik ng kamao, liksi ng katawan at mabilisang pagkalkula sa mga susunod na galaw ang siyang nagpapanalo kay Miel.

Pinoy Garter: Ligaya ng batang Pinoy

Save one, save all.

Bernadette Apreal T. Bas

Ang grupo namin ay muli na namang panalo. Sa susunod na antas naman, sa mas mataas at mas mahirap abutin.

Isang laro na kinakailangan ang abilidad ng mga paa kung saan tatalon sa garter ang manlalaro mula rito patungo doon, sa kabilang dako.

Kapana-panabik ngunit masayang laro na hinahamon ang kalakasan ng pagtalon ng bawat manlalaro nito.

Sinasalba at tinutubos ng “mother” ng grupo kapag lahat ng miyembro ay natalo at nasa alanganin na.

Kahit noon pa man ay nilalaro na ito ng karamihan sa mga bata, at sumasali pa nga minsan ang mga matatanda nang sila ay maaliw din habang naglalaro.

Ito ay laro ng kabataan noon, lalo na ng mga babae at binabae, na patuloy pa ring nilalaro hanggang ngayon.

TUBOS. ang mga larong pambata sa panahong digital.

This article is from: