3 minute read

Bilang ng mga Mag-aaral na nawawalan nang malay, pinangambahan

Jhona Grace J. Barrete

talaga silang nahihilo”, ayon kay School Nurse, Nariz Antoinette Delos Santos.

Advertisement

Dagdag pa niya, bumababa ang oxygen sa utak kapag matagal nabilad sa araw dahilan ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at yung iba ay natutumba, kabilang dito, mayroong ibang estudyante na may dinadala nang medikal na kundisyon na ‘di alam ng kanilang guro kaya napapasali sa Flag Ceremony.

“Sa tingin ko, dahil ito sa dalawang taon na pagkatigil ng face to face classes, ‘di na sila nasanay sa mga physical activities lalo na sa pagkabilad sa araw, nasa kanilang mga bahay lang sila at nakababad sa iba’t ibang gadgets buong maghapon,” sabi naman ni Agusan del Sur National High School and Community Emergency Response Team (ASSCERT), adviser Guilbert G. Muanag.

“Kinakabahan ako dahil biglang sumama aking pakiramdam at 'di ko alam ang aking gagawin dahil halos wala na akong nakita, dumilim na aking paningin at napakasakit ng ulo ko,” pahiwatig ni Grade 11 student Jana King, isang mag-aaral na naalan ng malay sa flag ceremony.

“Sana huwag umabot ng tig dadalawang oras ang flag ceremony para 'di matagalan ang pagbabad ng mga estudyante sa araw” ani pa ng ina sa nahimatay na estudyante, Nennete A. Miranda.

Dahil sa patuloy na kaso ng mga magaaral na nahihimatay tuwing Flag Ceremony sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), maraming mga magulang ang nababahala para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, ang flag ceremony ng paaralan ay ginaganap lamang tuwing unang lunes ng buwan dahil sa pagkaroon ng malaking populasyon ng mga mag-aaral, sinisimulan ito tuwing ika-7 ng umaga at kadalasang nagtatapos hanggang ika-9 ng umaga kadalasang nagtatapos, kaya ang mag- aaral ay babad sa init ng araw.

“Nasa 70-80 na mag-aaral ang nakaranas ng pagkahilo at pagsakit ng ulo sa tuwing ginaganap ang Flag Ceremony. May iba’t ibang rason kung bakit nahihimatay ang tao. Una, alas-7 ng umaga sinisimulan ang Flag Ceremony kaya halos lahat ng mga estudyante ay gumigising nang maaga para maghanda at yung iba ay nagmamadali na kaya di na nila naisipang kumain. Lalo na yung mga low ang blood sugar madali lang

ASNHS kontra bullying, droga, balikukung disiplina

Paulen R. Domin-eng, Romil V. Cortina

Naglunsad ng pagpupulong ang Guidance Counselors, Major Police at Head School Discipline Team, sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) kontra bullying, paggamit ng pinagbabawal na gamot at maling paguugali ng mag-aaral na ginanap noong Nobyembre 28, 2022.

Inilunsad ang programa at inimbitahan ang lahat ng Class Presidents ng bawat sections upang sumali sa nasabing Seminar.

“Kasabay ng full-blast, naging fullblast na rin ang kaso ng pang-aapi na ikinababahala ng paaralan”, ani ng School Principal na si Gng. Marilou P. Curugan.

Isiniwalat ang School Disciplinary Measures ng paaralan ni G. Junny Uriarte, Prefect of Discipline upang magsilbing gabay at paalala sa wasto at nararapat na pagkilos sa loob ng campus.

Sa kabilang banda, ipinahayag naman ang mga Minor at Major Violations sina Gng. Luzviminda Polinar, Guidance Counselor at G. Gil Aquino, Administrative Officer IV sa mga mag-aaral kung sila ay lalabag sa School Policies and Guidelines.

Naniniwala naman ang paaralan na sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno ay makakamit ang tunay na pagkakaisa at magandang pakikitungo.

8 bawat 10 mag-aaral

Sang-ayon sa Mini-Canteen sa loob ng Silid-Aralan

Patuloy niya, malaking tulong ang pagsasagawa nila ng ASSCERT camp dahil nadagdagan ang kanilang mga aspirants sa paaralan at lahat ng miyembro nila ay nakakatulong sa pag responde ng mga mag-aaral na nahihimatay sa ilalim ng init ng araw.

“Nanawagan ako sa mga estudyante na sana dumalo sila sa mga isinasagawang libreng training ng ASSCERT, dahil ang populasyon natin ngayon ay nasa 7,710 at kulang ang mga responders na makatutulong sa nangangailangan,” paliwanag ni Muanag.

“Sa isinagawa namin na pagpupulong ng mga staff, napag-usapan namin na 'di na dapat talaga pinapasali sa flag ceremony yung mga batang may health conditions, dahil hindi maiiwasan na mabilad sa araw ang mga estudyante kasi natin ngayon ay umabot na sa 7,710, 'di talaga tayo kasya sa ating school covered court kaya sa open ground nalang natin isinasagawa ang Flag Ceremony,” paliwanag ni Principal IV Marilou P. Curugan.

Pinapaabot naman ni School Nurse Delos Santos na dapat bago magsimula ang flag ceremony, kilatisin ang mga estudyante kung ano ang kanilang pakiramdam, ipaalala na magdala ng tubig at payong; 'wag nang piliting dumalo sa seremonya kung meron nang dinaramdam na masama sa kanilang katawan.

BKD bldg. ng ASNHS, patapos na Limang taon na pagkatengga, na putol na

Mikhaella C. Garcia

Matapos matengga ng limang taon dulot ng pandemya at pagbago ng Municipal Mayor ng San Francisco Agusan del Sur, muling sinimulan ang pagpapatayo ng Barkada Kontra Droga Building ng Agusan del Sur National High School(ASNHS).

Maaalala na ang proyektong ito ay sinimulan ni Jenny D. De Asis dating Mayora ng nasabing munisiopyo ngunit pagkatapos ng kanyang termino ay hindi na ito nabigyang pansin dahilan sa pagkadelay ng pagkatapos ng gusali.

”Laking pasasalamat ko dahil inumpisahan na naman ang pagbuo ng aming opisina, sa wakas at hindi na kami makikisalo sa silid ng seksyon Bagras dahil dun kami kasalukuyang naka destino” ayon pa kay Arnino D. Suat, BKD adviser.

Sa ngayon, binibigyag diin ito ni Mary Grace Paredes, bagong mayor ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay suportang pinansyal.

“Nais kong ipaabot ang aking pasasalamat kay Mayor Paredes dahil nakita na talaga naming ang resulta ng kaniyang suporta, excited na kaming makalipat sa aming bagong opisina at maging komportable”, pahiwatig naman ni Glyzel Ranario, BKD President.

Inaasahan na ang nasabing gusali ay magagamit na sa susunod na pasukan, school year 2023-2024.

This article is from: