3 minute read
LGU, Awtoridad inaasikaso ang legal na proseso
“Tuloy ang laban!”
Iyan ang sigaw ng dating School Security Guard na si Ronnel Agellion nang sa ikatlong beses ay binali niya ang kanyang pangako na aalis sa lote na pinagmamay-arian ng Munisipyo ng San Francisco, Agusan del Sur at kasalukuyang ipapagamit sana sa paaralan ng Agusan del Sur National High School (ASNHS).
Advertisement
Paliwanag ni Gil Aquino, Administrative Officer IV ng nasabing institusyon, ang loteng 3114 PLS 67 na may sukat na 200 square meter ay pansamatalang ipinagamit muna ni Teodoro Plaza, dating Principal ng ASNHS kay Agellion dahil nagpaalam siya na mag-aalaga ng hayop gaya ng baboy at manok, at magtanim ng iba’t ibang halaman dito.
“Hindi namin inaakala na patago na pala niyang pinoproseso ang mga papeles upang maangkin niya ang nasabing lupa” ayon pa ni Aquino.
Nahuli na lamang ng paaralan na inaangkin ni Agellion ang lupa nang makitang mayroon siyang sinusunog
Bilang ng estudyanteng lumalabag sa “No Piercing Policy,” patuloy sa pagtaas
Hindi tumitigil sa pagtaas ang bahagdan ng mga mag-aaral sa Agusan del Sur National High School (ASNHS) na lumalabag sa polisiyang ipinagbabawal ang pagsuot ng hikaw ng mga lalaking mag-aaral at pagsobra ng pagsuot ng isang pares ng hikaw sa mga babae.
“Sa kasalukuyan, marami pa rin kaming nahuhuling estudyanteng sumobra sa isa ang kanilang piercing sa tenga lalo na sa Senior High School,” pahayag ni Gng. Rosa M. Goloran, Guidance Counselor ng nasabing paaralan.
Dagdag pa niya na ito ay isa sa mga Minor Violations ng paaralan at patuloy
Daphne B. Gepiga
nila itong tinututukan sa pamamagitan ng pagpapaalam sa guro ng mag-aaral. Ang pangatlo at pang-apat na paglabag naman, kung hindi talaga sila makikinig ay ipapatawag na sila sa Guidance Office kasama ang kanilang magulang at papipirmahin ng Memorandum of Agreement (MOA).
Paliwanag ni Security Guard Wiland Dagondon ng ASNHS, “Pagpasok nila sa kampus at nahuli namin silang may maraming butas sa tenga at may suot na maraming hikaw, sinisita namin sila at kinukuhanan ng mga hikaw.”
Sabi pa niya na halos napuno na ang lalagyan ng mga nakuhang hikaw at iba
7 sa 10 na mag-aaral, suportado ang cross dressing ng mga LGBTQIA+ students
Mikhaella C. Garcia
Aprubado ng mga mag-aaral ng
Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang cross-dressing ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa loob ng paaralan na hindi naman sinang-ayunan ng karamihan sa mga guro at staff.
Ayon sa isang mag-aaral mula sa Grade 11, dapat mas maging bukas ang mga guro at mag-aaral sa ganitong isyu upang maisulong ang gender equality.
Salungat naman sa opinyon ng magaaral, di sang-ayon ang 8/10 ng mga guro sa nasabing paaralan dahil para sa kanila di raw talaga ito karapatdapat sa isang angkop na estudyante.
Base sa DepEd order No. 32 “Gender Responsive Basic Education Policy” noong ika-6 ng Setyembre, 2022, inilihad na ang kautusang ito ay nagbibigay-daan sa Departamento upang makapagsagawa ng gender mainstreaming at matiyak na ang lahat ng mag-aaral ay protektado mula sa kung anomang uri ng karahasan tulad ng pang-aabuso, pagsasamantala, at diskriminasyon na may kaugnayan sa mga miyembro ng nasabing komunidad. ay tinatapon na lamang nila. dito at nadiskubreng meron na siyang itinayong kubo, pinagrabahan at sementado na ang ilang parte ng lote.
Base sa School Policy and Guidelines ng ASNHS, 'di maaaring magsuot ng pambabaeng uniporme ang isang biological male gayundin ng panlalakeng uniporme ang isang biolical female na mag-aaral.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pakikibaka ng samahan sa mga LGBTQIA+ sa nasabing kampus para ipaglaban ang kanilang karapatan.
“Naisip kong magpa-piercing dahil isa ito sa paraan ng pagpapahayag ng aking sarili. Isa pa, alam naman natin na uso ito sa kasalukuyang henerasyon kaya sumabay din ako,” ani ng isang magaaral ng Grade 11 na may piercing.
Ang mensahe naman ng Guidance Counselor sa mga estudyanteng may piercing at may planong magpa-piercing ay kailangan pa rin nilang sundin at respetuhin ang mga regulasyon ng paaralan dahil isa ito sa mga katangian ng isang angkop na mag-aaral.
Sa kabilang banda, matapos ipinablotter ng paaralan si Agellion, nangako siyang isusurender lamang niya ang lote kung babayaran ng institusyon ang lahat ng nagastos niya dito.
Sa kasalukuyan, nilagyan niya ng karatulang “This lot is under protest at DENR” ang lupa ngunit mismo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay walang alam tungkol dito.
“Ipinaalam na namin ito sa ating Municipal Mayor, Grace Paredes at inaksyunan na ng ating mga awtoridad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng public hearing at ipinaliwanag na rin ni Mayora kay Agellion na hindi niya maangkin ang lote dahil ito ay pagmamay-ari ng Municipal Government” pahayag ni Aquino.
Sa ngayon, patuloy pa rin inaasikaso ng Munisipyo ang nasabing isyu sa pamamagitan ng legal na proseso.