4 minute read

LGBTQ+ community, nadismaya sa mga classroom Year End Party ng ASNHS

Tumaas ang kilay ng ilang kasapi ng “Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender” (LGBTQ+) sa isinagawang Mr. Toblerone at Miss Barbielou na ginanap sa Year End Party 2022 ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) kung saan ang mga kalahok ay biologically male at female na hindi parte ng LGBTQ+ community

Isa itong pageant na ang mga partisipanteng straight na babae ay nagdadamit panlalaki habang ang mga lalaki naman ay nagsusuot pambabae.

Advertisement

“Hindi namin intensyon na tapakan ang kanilang pagkatao, nais lamang namin ipakita na sila ngayon ay tinatangkilik

Jhona Grace J. Barrete

na ng lahat hindi lamang sa kanilang taglay na kagandahan ngunit pati na rin sa kanilang angking talento,”ayon sa isang guro ng institusyon.

Sa kabilang banda, ang ASNHS ay sumusunod sa DepEd Order No. 32 S. 2017 “Gender Responsive Basic Education Policy” sa pamamagitan ng pagtatag ng “Gender Sensitivity”.

“Layunin lamang ng programang ito ay magpasaya at gumawa ng ala-alang hindi nila makalilimutan, sabagay ang mga partisipante ay boluntaryong nakilahok at hindi sapilitan,” dagdag pa ng guro.

Bukod pa dito, sinabi naman ni Miggy Guzon, Hayag LGBTQ+ Organization President ng San Francisco Agusan del Sur, “Naging entertainment siya para sa iba, pero yung mga kapwa ko LGBTQ na sensitibo ay talagang maapektuhan.”

Sinabi rin niya na dapat maging sensitibo lalo na sa ganitong bagay upang maiwasang mabastos ang mga miyembro ng nasabing komunidad.

Sa kasalukuyan, hinihikayat ng LGBTQ+ Community ang mga mamamayan na maging maingat sa mga gagawing programa sa anomang uri ng okasyon.

PALAK-FLOP. Maraming mga seksyon sa ASNHS ang nagsagawa ng mga pageant sa kani-kanilang mga Year-End Parties. Ang nasabing aktibidad ay naging patok sa Social Media ngunit hindi ito lubusang natanggap ng ibang mga kasapi ng LGBTQ+ Community.

“No Tattoo Policy” mas hinigpitan ng ASNHS

Patuloy na binibigyang-diin ng Agusan Del Sur National High School ang pagbabawal ng tattoo sa kadahilanang marami ang nahuhuling mga mag-aaral na mayroon nito at kadalasang sila ay kasapi ng isang gang.

“Base sa Student Handbook ng ASNHS, ‘di talaga namin pinapayagang magkaroon ng tattoo ang mga estudyante, ngunit sa nangyaring pandemya na dahilan sa pagtigil ng faceto-face classes, ilan sa mga mag-aaral ay nagpa-tattoo bilang “self-expression”, ayon kay Supreme Student Government (SSG) Adviser, Arniño Divino L. Suat.

o lagyan ng make up kung papasok sila sa paaralan para hindi makita, at bilang respeto sa ating school policy at disciplinary measures” paliwanag ni SSG President Drix Nicolas Concepcion.

Sa isinagawa namang pagsisiyasat ng Ang Lantao, 90% ng mga guro at 40% ng mga mag aaral sa nasabing paaralan ang sang-ayon sa “No Tattoo Policy.”

EKIS-PRESYON. Maraming mga mag-aaral sa ASNHS ang namataan na mayroong mga tattoo sa kani-kanilang katawan bilang pagpapahayag ng kanilang sarili, ngunit ito'y labag sa mandato ng paaralan. Ang mga mag-aaral na mayroong tattoo sa panahon pa ng pandemya ay pinapalagda sa isang MOA bilang tugon dito.

Maagap na pagresponde ng ASSCERT, SARAS sa naaksidenteng mag-aaral, sinaluduhan ng karamihan

Mabilis ang pagresponde ng Agusan del Sur National High School and Community Emergency Response Team (ASSCERT) at San Francisco Rescue Agusan del Sur (SARAS), sa pamumuno ni G. Gilbert Muanag sa pagrescue sa isang babaeng mag-aaral sa ikawalong baitang ng Agusan Del Sur National High School (ASNHS) na na-discolate ang tuhod, ika25 ng Nobyembre, alas Kwatro ng hapon.

Marami ang nasiyahan sa maagap na pagresponde ng ASSCERT at SARAS sa estudyanteng si Chloe Amparado Caducoy, mag-aaral ng Grade 8 Section Daisy, dahil agad itong na-rescue at hindi na masyadong napuruhan ang mag-aaral.

Ayon sa tagapayo ng naturang estudyante na si Gng. Rodelyn S Cadao, “Tinanong ko siya kung ano ang nangyari, ang sabi niya sa akin, nakatayo lang daw siya sa may pintuan, nagcramp sandali ang paa niya, pagkatapos ay natumba na lang siya bigla, ganun lang yung pangyayari… wala namang nangyaring habulan o kung ano, nakatayo lang talaga siya”, aniya.

Matapos mailagay sa stretcher si Chloe ay isinakay ito sa Patient Transport Vehicle, pagkatapos ay dinala sa D.O Plaza Memorial Hospital, at sa ngayon patuloy na nagpapagaling ang nasabing etudyante.

Dagdag pa niya, sa pagbalik ng face-toface classes ngayong S.Y. 2022-2023, maraming mga mag-aaral na nahuling may visible tattoo at sila ay binibigyang aksyon ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapunta sa Guidance office at pagpapirma ng Memorandum of Agreement na nagsasaad na hindi na sila magpapatattoo ulit.

“Kailangan talaga nila yang takpan

“Bilang isang student leader, hindi ko talaga hinihikayat yung mga estudyanteng gustong magpatattoo. Pinapaala ko sa kanila na mas bigyang halaga ang ating kinabukasan kaysa sa ating mga personal na kagustuhan ngayon.” dagdag pa ni Concepcion.

Mensahi naman ng SSG advisor sa mga mag aaral na may tattoo at sa mga gustong mag pa tattoo, na oo your body your choice ngunit bilang nasa proseso pa kayo sa pag aaral kung pano maging independent sa buhay, kailangan nyo munang sundin ang mga polisiyang pinapatupad sa inyo dahil ito rin ay para sa inyong kapakanan.

SPTA ng ASNHS, isinulong ang Project Lakang

Dahil sa ulan at init na nararanasan ng mga mag-aaral sa tuwing dadaan sa gate 3 ng Agusan del Sur National High School (ASNHS), isinagawa ang Project Lakang na pinangunahan ni Analisa Tuble, Supreme Parent and Teachers Administration (SPTA) President ng nasabing institusyon.

HAKBANG. Malapit nang matapos ang proyektong pathwalk ng ASNHS ngayong taong panuntunan ng Parents-Teachers Association (PTA). Ang pathwalk na ito ay ang magbibigay lilim sa mga dadaan mula Gate 3 ng paaralan tungo sa kanilang destino. Elziede M. Alatraca

A-LIST-TO. Maagap ang pagresponde ng ASSCERT at ng SARAS nang maaksidente ang isang mag-aaral mula sa ika-8 baitang. Hinangaan naman nang marami ang kanilang mabilis na aksyon at hinihiling na marami pa ang kanilang matutulungan sa hinaharap.

Ito ay proyektong fund raising na ginanap noong 49th Founding Anniversary ng paaralan sa pamamagitan ng pagbebenta ng raffle tickets sa halagang 100 pesos.

“Naaawa ako sa mga estudyanteng nababasa sa ulan at naiinitan sa tuwing dumadaan dito patungo sa kanilang mga silid-aralan, kaya bilang SPTA President responsibilidad kong tugunan ang mga pangangailangan ng mga magaaral,” paliwanag ni Tuble.

Umabot sa 603,460 pesos ang halagang nalikom sa nasabing programa, ayon pa sa SPTA President.

“Laking pasasalamat namin sa mga stakeholder sa walang tigil na suporta at pabibigay diin sa aming mga problema dito sa paaralan upang kami ay maging komportable,” ayon pa sa isang magaaral.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Gate 3 pathwalk at inaasahang magagamit na ito sa susunod na pasukan.

This article is from: