24 minute read

Patnugutan

SY 2022-2023

Ed Ian Jay O. Baguio Punong Patnugot

Advertisement

Mga Manunulat:

Cortina, Paulen R. Domin-eng, Mikhaella C. Garcia

Ronnel P. Rivas, Leomi Faith Z. Aligway, Jonah Shayne V. Asis,

Lysandra Kyle B. Quijada, Joseph Lenoel J. Barrete, Trixcy Joyce P. Lagura

Mardy D. May-as

Jasmine Loise C. Arroyo

Angelo M. Baylon

Princess Sophia P. Briones, Kent Chester C. Raya, Venz Neian Acierto, Djaharah Cyril Marie Ombajin, Mariel P. Rivas, Dane Marco E. Macas, Bernadette Apreal T. Bas, John Rodge Sevilla, Ateena Nichol S. Dalumpines, Rz Mattheus P. Caybot, Prince Lovenn C. Driz

Riolyn B. Banlat School Paper Adviser

Susan P. Palacat Filipino Department Head

Baltazar R. Sausa

Assitant Principal for SHS-Designate

Marilou P. Curugan, DM-HRM Principal IV

Liham Sa Patnugot

Mahal na Patnugot, Mapagpalang araw po.

Matagal na pong kinikimkim ng aking sarili at ng aking mga kaklase ang patuloy na problema na kinakaharap namin bilang mga estudyante patungkol sa overcrowded na mga canteen tuwing recess time simula nang magbukas ang face to face classes. Ako po ay isang estudyante mula sa Grade 11. Malapit naman kami sa main canteen ng paaralan ngunit hindi pa rin kami nakabibili nang maayos dahil sa tuwing binibitawan kami ng aming guro sa pangalawang asignatura kada araw ay punongpuno ng mga mag-aaral dito at nauubos lamang ang aming 15 minutong-break sa pakikipagsiksikan. Maliban dito, hindi rin nasusunod ang social distancing dahil halos sabay-sabay na nagsisidatingan para bumili ang mga estudyante mula sa Junior at Senior High School. Umaasa kami na sa pamamagitan ng liham na ito ay maipadala ang aming hinaing sa nakatataas na opisyal ng paaralan.

Sumasainyo, Tina Kantina

Mahal naming Tina,

Nabasa namin ang inyong sulat at ikinagagalak naming matanggap ang inyong mensahe. Sa kasalukuyan, wala pa tayong solusyon dahil nga dalawa lang ang ating school canteen at alam naman natin na tumaas na ang ating populasyon dito sa paaralan kaya nagsisiksikan talaga kapag oras na ng recess. Huwag mag-alala, ang inyong hinaing ay ipaaabot namin sa kinauukulan upang agad na matugunan.

DI Kalidad

Patuloy ang mga isinasagawang ebalwasyon at inspeksyon ng kagawaran ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Bilang pagsunod ng mga institusyon sa mga mandato ng pamunuan para makapagbigay ng “kalidad” na edukasyon, naging abala ag mga guro at mag-aaral sa paglilinis, pagpipintura, at pagpapalit ng mga instructional materials at mahahalagang kagamitan. Ngunit hinaing nila sa loob mismo ng mga silid na sa kabila nang kagustuhang maisakatuparan ito ay hindi sapat ang pondo na ibinibigay ng gobyerno para rito.

Ito ang totoong sitwasyon sa mga pampublikong paaralan — marami ang kulang. Base sa National School Building Inventory noong 2019, nasa 167,901 ang kulang na klasrum sa buong bansa kung saan nasa mahigit P420-bilyon ang kinakailangan para matugunan ito. Nakaaalarma lang na patuloy pa rin itong problema sa bansa dahil ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong ika-17 hanggang 21 ng Setyembre, 2022, nasa 52% sa 1,200 respondents ang naniniwalang “lack of classrooms” ang dapat na mas pinagtutuunan nang pansin ng DepEd.

Dagdag pa rito, 49% sa survey ang nababahala sa kakulangan ng school learning resources tulad ng libro at kompyuter. Nakalulungkot mang isipin, ngunit iniulat ni Melvin Gascon ng Philippine Daily Inquirer nitong unang araw ng Mayo, nasasangkot ang DepEd sa korupsyon kaugnay sa P2.4-bilyon na budget para sa mga laptops na ipamimigay sana sa mga guro na nakabatay sa Republic Act 11499 o ang “Bayanihan to Recover as One Act.” akalipas ang ilang taong implementasyon ng K-12 program, nagsulputan ang iba’t ibang panukala na baguhin o rebesahin ang kasalukuyang kurikulum. Ayon kay VP at DepEd Sec. Sara Duterte na ang K to 12 ay "not for all" kaya kinokonsidera ng gobyerno ang mungkahi na gawin itong "K + 10 + 2" kung saan ang pag-aaral sa Senior High School (SHS) ay voluntary na lamang. Binabago nito ang mga probisyon na itinakda ng Republic Act 10533 o ang "Enhanced Basic Education Act of 2013."

Ngayong balik face-to-face na ang mga paaralan, makikitang nagpupursige talaga ang bawat magaaral na makamit ang isang de-kalidad na edukasyon. Subalit, mabigat na pasan sa kanilang likuran ang mga pamantayan na itinatakda ng kagawaran sa tuwing magsasagawa nang ebalwasyon tulad ng SBM Water and Sanitation Hygiene (WASH) in Schools (WiNS) sa mga institusyon. Kabilang na rito ang dapat magkaroon ng resting area sa loob ng silid-aralan na mas nagpapasikip at nagpapainit dahil sa mahigit 45 na estudyante ang nasa isang klasrum at kulang pa ang mga functional electric fans na nakakabit dito. Hindi naman lahat ng klasrum ay may sariling telebisyon para sa pagtuturo, o magkahiwalay na banyo para sa lalaki at babae, at mga hygienic kits ng mga estudyante na hinahanap nila.

Kung susumahin, napakalaking pakinabang ang palaging pag-monitor sa kalagayan ng bawat institusyon. Gayunpaman, tila nakawawalang gana sa bawat guro at mag-aaral na tumalima sa kanilang mga pamantayan dahil umaalma sila na dapat ang gobyerno ang mismong naghahanap ng pondo at solusyon sa mga problema sa mga paaralan at hindi sila. Nangahuhulugan lamang ito na panahon na para tuldukan na ang DI-KALIDAD na sistema upang ating tunay na maabot ang DE-KALIDAD na edukasyon.

M

"Subalit, nangahuhulugan lamang ito na ang mga namamahala mismo ay hindi kumbinsido na epektibo ang pagpapatupad ng kontrobersyal na K-12 program para makamit ang "quality education" at makapagpadala ng mga jobready at globally-competitive graduates.

Ligtas sa Kalamidad

Jonah Shayne V. Asis

Nakalulunos ang sinasapit ng mga mag-aaral at guro na lumulusong sa baha para pumasok dahil sa mabagal na pagsuspinde ng mga klase. Naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng

D.O. No. 37, s. 2022 o ang “Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Interruptions, and other Calamities.”

Subalit, hindi ito nasusunod ng ilang Local Government Units (LGUs) dahil ang kadalasang nangyayari ay inaantay pa nilang tumaas ang tubig kahit malakas na ang ulan.

Sa pagbabalik ng full f2f classes, abala ang mga paaralan sa pagpapatupad ng mga utos mula sa nakatataas na opisina. Inilabas ni VP at Education Sec. Sara Duterte ang Department Order No. 49, s. 2022 — Amendments to D. O. 47, s. 2022 o “Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services”. Ipinalawig din ang AntiBullying Policy alinsunod sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, habang maraming organisasyon ang nabubuo sa loob ng paaralan. Sa kabila ng mga programa na nailalabas ng departamento, ang mga totoong problema sa loob ng paaralan ay natatakpan dahil hindi naman talaga nasosolusyonan.

Ayon kay VP Duterte, ang paglilimita sa interaksyon ng mag-aaral at guro ay mabisang hakbang para maiwasan ang posibleng krimen sa loob at labas ng kampus. Iniuugnay ito sa kasong sexual harassment na kinasasangkutan ng anim na school personnel sa Cavite. Itinataguyod ang Anti-Bullying Policy sa paaralan upang mapigilan ang lumulubong kaso ng pang-aapi. Sa kabilang dako, ipinapatupad ng EcoSaver Club ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang No Single-Use Plastic Policy.

Subalit, kailangan ng mga mag-aaral na makipaghalubilo sa kani-kanilang mga guro kahit pa sa social media lalo pa’t hindi sila natututukan lahat araw-araw dahil sa dami ng populasyon, at kulang na klasrum at reading materials. Lalong mahihirapan ang mga estudyante na kumausap sa kanilang mga guro tungkol sa mga personal na problema lalo na kapag nabiktima ng pambu-bully. Dagdag pa rito, bawal ang mga single-use plastic ngunit patuloy na problema ang basura dahil may naiibenta pa ring mga assorted na pagkain.

Nakapaloob sa utos ng DepEd na kailangang ipatigil ang klase at trabaho sa paaralan tuwing maglalabas ng babala ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1 - 5. Lahat ng pasok sa K-12 at Alternative Learning System (ALS) ay kinakailangang “automatically cancelled” kung may flood warning na. Kapaki-pakinabang sana ang agarang pagkansela ng klase sa oras ng kalamidad para makaiwas sa abala at disgrasya.

Bandang alas 8:10 ng umaga nitong ika-5 ng Disyembre nang nagpadala ng Emergency alert text message ang NDRRMC na nasa Orange Rainfall warning na ang Agusan del Sur, ngunit bago pa man ito ay nakararanas na nang matinding pagbaha ang iilang lugar sa nasabing probinsiya lalo na sa mga lugar na nasa paanan ng Mt. Magdiwata. Masidhi man ang naging karanasan, ngunit napilitan pa ring pumasok ang mga mag-aaral ng San Francisco, Agusan del Sur dahil huli nang nagpalabas ng deklarasyon ang LGU nito kaugnay sa suspensyon ng mga klase sa lungsod.

Seguridad at kapakanan ng mga kabataan ang dapat tutukan. Mas makasisiguro sana tayo sa kaligtasan nila kung ang mga namamahala sa lokal na pamunuan ay agarang nakabantay sa banta ng kalamidad at may konkretong plano para maiwasan ang maaaring maidulot nitong kapahamakan.

NabaBASURAng Solusyon

Ka-LIHIM

Sa katunayan, umaasa nalang ang mga estudyante sa mga pdf modules na nakapaloob online dahil sa kakulangan ng suplay ng libro at reading materials. Hindi naman sapat ang mga naka-assign na guidance counselors para maipalawig ang pagpapatupad ng Anti-Bullying Policy lalong-lalo na sa mga over-populated na pampublikong paaralan. Napipilitan din sila na magsunog ng mga basura mula sa mga ginamit ng bawat klasrum.

Kaunlaran man sa edukasyon ang hangad ng mga ipinapatupad na patakaran at programa ng kagawaran ay labis na nakadidismaya para sa mga guro at mag-aaral ang pagtatago sa likod ng maskara ng mga namamahala at pagiging tikumbibig sa mga totoong kalbaryo sa likod ng itinataguyod na “makatarungan, payapa, at malinis” na paaralan.

Handa! Sanay!

Tone-toneladang

basura ang nalilikom arawaraw sa kabila nang inilabas na National Solid Waste Management Commission (NSWMC) Resolution No. 1363, s. 2020 na nag-uutos sa pagpababawal sa paggamit ng mga single-use plastic. Batay sa calrecycled.com, nasa 0.75 million metric-ton ng mga plastik na basura ang nakokolekta kada taon kung saan ang 50% dito ay mula sa mga paaralan. Nakababahala man, ngunit hindi pa rin sapat ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang masolusyonan ito.

Layunin ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) na makontrol ang basura at kalinisan sa loob ng kampus. Kaya naman, inanunsyo ng institusyon nitong ika-23 ng Nobyembre, 2022 ang pagbabawal sa pagbenta o paggamit ng plastic water bottle, plastic straws, plastic spoons, cellophane at food wrap sa loob ng paaralan.

Gayunpaman, patuloy pa rin na balakid ang pagdami ng mga plastik na basura sa kabila ng ipinapatupad na single-use plastic ban. Kasabay nito, madalas ding naiipon ang mga paper wastes mula sa bawat klasrum at wala nang kumukolekta dito kaya napipilitan ang mga magaaral na dalhin ito sa kani-kanilang mga bahay.

Sa kabuuan, laking galak nang inanunsyo ang pag-ban ng single-use plastic waste sa bawat paaralan, dahil naitala na ang ating bansa ay pangatlo sa pinakamalaking nagbibigay o nagaambag ng plastic na basura sa buong mundo. Nakatutulong ang anunsyong ito sa ating maganda at malinis na kapaligiran, kaya marapat lamang na disiplinahin ang sarili at iwasan ang pagiging sutil na magtapon ng plastik o cellophane kahit saan, dahil tayo lamang ang maaapektuhan nito. Kaya ang panibagong solusyon ay suportahan.

Sa kabuuan, nakapanghihina ng loob na hindi talaga matapos-tapos ang suliranin patungkol sa basura na kahit sa mga paaralan ay pinoproblema ito. Alam natin na ang disiplina sa sarili ay ang tanging paraan upang matuldukan ito ngunit paulit-ulit lamang nababasura ang solusyong ito.

N asyonalismo, patriyotismo, pambansang depensa at paghahanda sa anomang sakuna ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kasalukuyang itinutulak ng mga opisyal ng gobyerno na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) maging sa Junior High School (JHS). Ngunit, ang pagkakaroon nito sa isang paaralan ay parehong mabuti at nakasasama. Sapagkat, sa pamamagitan ng pagsali dito ay marami kang makukuhang panibagong kaalaman na maaari mong gamitin sa pagpapaunlad ng lipunan. Dagdag pa rito nararapat lamang na magkaroon ng istriktong ordinansa ang pamahalaan upang maprotektahan ang programa na ang layunin lamang ay mapabuti ang bayan.

Ang pagpapanatili o ang pagtigil ng ROTC ay isang malaking pinagtatalunang isyu sa bansa. May mga sumusuporta at may mga oposisyonista rin na parehong may makabuluhang datos na pinagbabatayan kung bakit nararapat itong ipagpatuloy o mas mabuting tanggalin na lamang nang tuluyan. Gayunpaman, nararapat na bigyang pansin ang mga nakararanas, nagdudusa at nagtitiis dahil dito. Ito man ay may negatibo o positibong epekto, nagtataglay pa rin ito ng malaking parte sa ating lipunan.

Kasabay nang pagnanais ng mga mamamayan na mapabuti ang lipunan, nais ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na gawing mandatory muli ang ROTC na makalipas ang ilang taon ay naging elective. Sang-ayon naman si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dito bilang bahagi ng legislative agenda na iniharap niya sa Kongreso sa kanyang July 25th State of the Nation Address (SONA). Hinimok niya ang pag-apruba sa isang panukalang batas na gagawing requirement ang ROTC para sa mga estudyante sa baitang ng SHS. Subalit, ang ROTC ay may kasaysayan ng pangaabuso at panliligalig. Ang mga opisyal na nararapat umintindi at handang tumulong sa mga baguhan ay nagmamalupit, nagpapahiya at walang ginawa kung hindi labagin ang kanilang mga karapatan at pilit na binabali ang kanilang sinumpaang katapatan.

Inaasahan na ang ROTC ay gagabay at hahasa sa kanilang mga kakayahan para sa kanilang sarili, lalong-lalo na sa ating bayan. Makatarungan lamang ang pagkakaroon ng ROTC sa bansa, ngunit nararapat na huwag itong abusuhin. Kinakailangan na maituro sa kanila ang mga pagpapahalaga ng pagkamamamayan, pamumuno, at pagiging mabuting mamamayan na hindi naapakan ang kanilang pagkatao.

Malayang Bata, Hindi Manggagawa

Sa pagtaas ng mga presyo ng pamilihin at paghina ng piso laban sa dolyar, maraming mahihirap na pamilyang Pilipino ang mas lalong naghihirap. Base sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 872, 000 o 2.8% ng kabuuang 31.17 milyong kabataang Pilipino na nasa edad 5 hanggang 17 sa taong 2020 ang nagtatrabaho. Dahil dito, nanganganib ang kinabukasan ng mga kabataang napipilitang maghanap-buhay at isinasantabi nalang ang oportunidad na makapag-aral.

Alinsunod sa Republic Act No. 9231 o ang

“Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”, ang child labor ay ilegal at ipinagbabawal. Layunin ng batas na ito na protektahan ang karapatan ng mga kabataan na mailayo sa kapahamakan na maaaring maidulot ng pagtatrabaho sa murang edad.

Sa ilalim ng Department of Labor and Development (DOLE), naitatag ang Child Labor Prevention and Elimination Program upang maidulog sa bawat indibidwal at maisulong ang kampanya laban sa child labor. Subalit, nakalulungkot isipin na malaking bilang pa rin ng kabataan ang nagiging manggagawa.

Sa inilabas na artikulo ng alliance.87.org na “Understanding Child Labor Statistics”, nasa mahigit 160 milyon ang child laborers sa buong mundo simula noong 2016. Nakapanlulumo man, ngunit ayon sa United Nations Children Funds (UNICEF), nasa 79 milyon dito ang nasa “hazardous work”.

Naisakatuparan naman ang “livelihood assistance to parents of child laborers” ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP). Naglaan ang departamento ng P580,000 na tulong pinansyal sa mga magulang ng mga narescue na child laborers na magsimula nang mapagkakikitaan.

Sa kabilang banda, napakalaking balakid para sa mga kabataan ang krisis sa ekonomiya. Ayon sa PSA, sumipa sa 8.0% ang inflation rate sa Pilipinas nitong Nobyembre 2022. Bumaba naman ang employment rate mula sa 94.8 % sa buwan ng Hulyo at 94.7 % sa Agosto. Sinasalamin nito ang mga pagsubok na kinakaharap ng kabataan na nag-uudyok sa kanila na magtrabaho at maging out-ofschool youth.

Lubhang apektado ang mga kabataan na kabilang sa mahihirap na pamilya at napipilitang magtrabaho kung saan ang pagtamasa ng edukasyon ay nadedehado. Magiging mas matagumpay ang mga kabataan kapag may sapat na solusyon ang pamahalaan sa pagsugpo ng kahirapan. Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng akses sa pagkatuto at maging malaya; hindi sila karapat-dapat na maging bilanggong manggagawa.

Nakaririmarim isipin na ang mga biktima pa ng pambabastos at panggagahasa ang madalas na nakikita, nasisisi, at may kasalanan. Sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 2022, umabot sa 149 ang kaso ng rape kung saan kadalasan sa mga naging biktima ay bata at kababaihan. Mahirap isipin na kapag sila ay nangatwiran ay napapagalitan, ‘di alam ang gagawin at nagiging sunud-sunuran dahil ayaw man lang pakinggan.

Sa kabilang dako, maagap namang inaksyunan ng Kagarawan ng Edukasyon ang mga reklamong natatanggap kaugnay sa sexual assaults na namumuo sa loob ng mga paaralan. Lubusan din ang pagpapalawig sa Republic Act 11313 o ang Bawal Bastos Law para mas maprotektahan ang bawat isa mula sa mga pambabastos.

Sa kabila nito, nagsusulputan pa rin ang mga genderbased sexual harrassments kabilang na ang catcalling na nakapagdudulot ng matinding pangamba. Ang mas nakalulungkot pa rito ay ang itinuturong "kasuotan at pang-aakit" ng biktima lalo na ng mga babae bilang dahilan umano kung bakit sila nababastos at nagagahasa.

Ayon naman sa Food Nutrition and Resarch Institute’s health survey, nasa 15% ng kabataan edad 10-19 ang naitalang lulong sa alak at inuman. Nakaaalarma ito sapagkat dito madalas nagsisimula ang mga krimen na nangyayari sa bansa. Marami naman ang makikitid ang isip na kapag nalasing ay nagiging mapang-abuso lalong-lalo na sa mga bata at kababaihan.

Sisi

Lysandra B. Quijada

Maliban sa pagpapatibay ng mga programa ng pamunuan sa pagtuturo ng Basic Martial Arts bilang self-defense o kung paano protektahan ang sarili, kinakailangan ding magkaroon ng masusing imbestigasyon laban sa mga nambabastos at nanggagahasa. Kinakailangan na maisaalang-alang ang kapakanan at nararamdaman ng mga naging biktima nito sa halip na ibunton sa kanila ang nangyari.

Nakababahala ang patuloy na estigma ng victim-blaming na nakabalot na sa ating lipunan. Ang hindi maintindihan ng ilan ay may nababastos dahil may nambabastos at hindi dahil ginusto nila ito. Sila ang biktima at ang sisihin sila sa nangyari ay hindi makatarungan.

upang maisakatuparan ang “opportunity 2.0” nito na naglalayong matulungan ang 180,000 OSY sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, maglalaan ng P1.9 bilyon na pondo ang USAID para mapagkalooban ng iba’t ibang oportunidad ang mga kabataan na hindi makapag-aral.

Napakalaking tulong nito, ngunit nakababahala ang patuloy na pagtaas ng implasyon na ayon sa rappler. com ay sumipa na sa 8.7 posyento sa buwan ng Enero 2023. Nasa 9.7 porsyento naman ng mga Pilipino ang kabilang sa 30%-income household o pamilya na may mababang kita.

Lakas na Makaaangat

Alysa Kate C. Parba

Sa gitna ng isyung pang-ekonomiya sa Pilipinas, marami sa mga kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon sa US Agency for International Development (USAID), nasa mahigit 3 milyon na Pilipino edad 16 hanggang 24 ang kabilang sa Out of School Youth (OSY) o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila nito, marami pa rin ang umaasa sa nag-aalab na lakas ng kabataan na magiging kapakipakinabang sa ating bayan.

Nakipagtutulungan naman ang US government sa 900 employers at 40 educations at training institutions

Lungkot isipin na naging malaking pasanin ng mga kabataan ang nanganganib na mental na kalusugan. Base sa tala ng World Health Organization (WHO), nasa edad 13 hanngang 17 ang madalas na nahahantong sa pagkitil sa sariling buhay. Ang mas nakaaalarma pa rito ay nahihirapan silang magsumbong ng nararamdaman dahil sa takot na mabalewala lang din ito.

Kasabay ng pagpasok ng blended learning, inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng paaralan na makilahok sa “National Mental Health Week” na nakasaad sa DepEd Order no. 34, s. 2022 o ang “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023.” Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas mapagtutuunan nang pansin ang kapakanan ng mga mag-aaral pati na ng mga guro.

Subalit, hindi maitatanggi na isa ang mga tambak na gawain sa akademiks sa mga nagpapahirap sa mga estudyante. Nagpapalala pa rito ang mga pambu-bully at diskriminasyon na kanilang nararanasan sa loob mismo ng paaralan.

Dagdag pa rito, inilabas ng Department of Education (DepEd) na nasa halos 4 milyon na mag-aaral ang hindi nagpatuloy sa taong panuntunan 2020-2021. Base naman sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), 20.2 porsyento ng mga itinuturong dahilan nito ay ang ‘high cost of education’ at ‘financial concerns’.

Nakasalalay sa ating pamahalaan ang kinabukasan ng ating kabataan. Ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at ang lumalalang kahirapan ay nagpapahirap sa kanila na makamit ang mga pangarap. Gayunpaman, ang bagong henerasyon ng mga Pilipino ay hindi susuko na ibandera ang lakas bilang kabataan at nakasisiguro tayo na sila ang mag-aangat sa ating bayan.

Saloobin bigyang pansin

Mahalagang nakatitiyak tayong nasa mabuting kondisyon ang mental na kalusugan ng ating mga mag-aaral, guro, o kahit ninuman. Buhay ang nagiging dehado kung hindi agad naaagapan ang problemang ito. Kinakailangan na maging sensitibo sa mga sinasabi at ginagawa; bigyang pansin ang saloobin.

Pumapaligid sa silid

Jonah Shayne V. Asis

Nangangailangan ng P419 bilyon na pondo ang Kagawaran ng Edukasyon upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan at upuan sa mga paaralan, kabilang na dito ang Agusan del Sur National High School (ASNHS). Hindi sapat ang mahigit kumulang 150 na silid para sa mas komportableng pagaaral ng 7, 710 na estudyante ng paaralan. Nakaaawang matunghayan ang mga mag-aaral na nahihirapang makapag-pokus sa kanilang pag-aaral dahil dito.

Malaking hamon para sa DepEd ang kakulangan ng bilang ng mga silid-aralan sa paaralan lalo na at maiuugnay ito sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ayon sa pahayag ni Angel Lobog, isang mag-aaral sa ASNHS, nakababagabag daw sa pag-aaral ang

Sa kakayahang magsulat, magbasa, at umintindi ng mga mag-aaral naisasalamin ang iba’t ibang paaralan, kabilang na ang Agusan del Sur National High School (ASNHS). Sa kabuuang lebel sa Pagbasa at Komprehensyon ng mga mag-aaral sa Junior High School (JHS) dito ay mayroong 3,217 bilang ang nasa Malaya (independent), 1,054 sa Pampagkatuto at 682 sa Pagkabigo (frustrated readers). Nakapangangamba na malaking bilang pa rin ang nangangapa sa pagkatuto na maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan.

Sa kabila nito, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng literacy sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilalim ng Functional Literacy, Education, Mass Media Survey (FLEMMS) noong 2019, nasa 91.6 porsyento ng mga Pilipino na edad 10 hanggang 65 taong gulang ang ‘functional literate’.

Subalit, nasa anim na milyong Pilipino pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat base sa survey. Batay naman sa datos ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa pagbabasa. Matinding hamon ito para sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) lalo na at maisasalamin ito sa pagbalik ng face-to-face classes.

Ayon naman kay Gng. Judy Cordero, isang guro sa ASNHS-JHS, mayroong mga reading materials mula sa manwal ng Philippine Informal Reading

Bata po ako

kakulangan ng silid lalo na at nakaaapekto ang "atmosphere" sa pag-iintindi ng mga aralin dahil na rin sa mainit na panahon ngayon. Aniya, nakaaabala rin ito sapagkat kailangan pa nilang magdala ng extra T-shirt dahil sa pagsapit ng tanghali ay hindi maisasalaysay ang natatamasang matinding init.

Gayunpaman, tiniyak ng DepEd na nakahanda ang ahensiya upang matugunan ang problemang pampaaralan na ito para mas maging komportable ang mga mag-aaral at guro. Ginawan naman ng pansamantalang solusyon ng ASNHS ang mga kakulangang ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga silid-aralan na gawa sa amakan. Binibigyan naman ito ng halaga ng mga estudyante, ngunit hindi maiiwasan na ang ilang mga estudyante ay magreklamo dahil dito.

Sa paglalaan nang sapat na pondo sa sektor ng edukasyon at sa tamang pangangasiwa sa paggamit nito ay tiyak na masosolusyonan ang problemang hinaharap ng paaralan. Kinakailangan ding maging transparent ang mga kinauukulan lalo pa’t mayroong taunang binabayarang PTA fees ang mga estudyante.

Nakatutok ang mga paaralan sa pagre-resolba ng mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap sa larangan ng edukasyon ngunit ang kakulangan nang sapat na mga silid-aralan at upuan ay patuloy na dagdag pasakit. Kinakailangan talagang maaksyunan kaagad ang mga nagpapahirap sa mga estudyante lalo pa’t ang edukasyon ay pumapaligid.

Oo, hindi pwede Jayson H.

Poliran

Talamak na sa kabataan ang pagmumura at paglalapastangan o profanity kahit nasa loob ng paaralan. Unti-unting nababalewala ang Core Values dahil dito na ayon sa Republic Act No. 8491 ay dapat taglayin ng bawat Pilipino. Nakalulungkot na ang pagiging makatao at maka-Diyos ay nalimot na sa panibagong henerasyon.

Kalakip sa pagiging makatao ang hindi manakit ng kapwa sa anomang paraan, maging pisikal, mental o emosyonal man. Sa nauugaling pagmumura at paglalapastangan ng mga taong sinasanay ito, nakasasakit na sila ng damdamin partikular na ng mga taong itinuturing na mali at kasalanan ang profanity.

Sa kabila nito, pinabulaanan naman ito ng mga nagmumura na may karapatan silang maipahayag ang kanilang damdamin. Nakapagbibigay din umano ito ng satispaksyon matapos silang makapagbahagi ng kanilang nararamdaman o makapagmura lalo na sa tuwing nagiging emosyonal sila. Nagiging paraan lamang ito ng ekspresyon bilang likas na mga nilalang.

BABAsa

Angelo M. Baylon

Inventory (Phil-IRI) na ginagamit ng paaralan sa pagsusulong ng pagtatasang may kaugnay sa pagbasa at komprehensyon na isinasagawa tuwing biyernes.

Pahayag din ni G. Juvanie Pontillas, isang guro sa senior high school, “Sa kasalukuyan, puspusan ang paghahanda ng mga guro upang maagapan ang learning gap na nangyayari sa mga mag-aaral.” nakaaalarmang balitang ito ay hindi solusyon ang pagkukulong sa kanila upang masolusyonan ito.

Bahagi sa tungkulin ng pamahalaan at ng mga paaralan na siguruhin ang pagkatuto ng bawat kabataan. Kinakailangan na matuto ang mga nasa kinauukulan na basahin ang mga dahilan kung bakit mababa ang komprehensiyon ng maraming kabataan.

Nakasaad sa Artikulo 37 at 40 ng Convention of the Rights of the Child (1989) na ang pagkukulong sa mga bata ay hindi hinihikayat. Ayon sa United Nations Children’s Funds (UNICEF), mahigit 1-milyong kabataan sa buong mundo ang nailalagay sa juvenile facilities na nagiging sanhi ng kanilang mga psychological at emotional trauma.

DILI-quency

Ronnel P. Rivas

Sa lumalalang kahirapan, nasa 11,324 insidente ng krimen ang kinasangkutan ng mga menor de edad noong 2018, ayon sa Philippine National Police (PNP). Kaya naman, naipasa sa ika-17 na Kongreso ang House Bill 002 o ang panukalang nagbababa sa criminal liability sa 12 taong gulang. Sa kabila nang

Base naman sa inilabas na datos ng National Economic and Development Authority (NEPA), nasa 18.1% ang itinaas ng poverty incidence noong 2021. Masakit mang isipin, ngunit kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit kumakapit sa patalim ang ilang mga kabataan.

Kaya, dapat na maging kasangga ng ating bansa ang mga magulang na tulungang makabangon ang naghihingalong lipunan para sa kabataan. Kinakailangan na mas maitatag ang “diversion at restorative justice” kaysa sa batas na mag-uudyok sa kanila tungo sa bilanggong kinabukasan.

Sa kabilang dako, kalakip sa pagiging makatao na dapat maging sensitibo tayo sa ating kapwa kung ano ang maaari niyang maramdaman bunga ng ating mga gawa at pananalita. Nangangahulugan lamang ito na ang paggamit ng karapatan sa pagkakaroon ng kalayaan sa pananalita at ekspresyon ay may limitasyon lalong lalo na’t hindi lahat ng tao ay may pare-parehong antas ng pagkasensitibo.

Sabi pa nga nila, na-normalize na ng karamihan ang pagbitaw nang mapanakit na mga salita na para sa iba ay biro lang. Patok rin sa mga kabataan ang Social Media na minsang nagiging lugar din ng mga paglalapastangan at palitan ng mga pahayag na nakapananakit sa kapwa. Kitang-kita na sa kahit saang lugar ay talamak ang nagmumura, namumura, at paglalapastangan. Nakapagbigay bahala ito na tuluyan nang makalimutan at maisabuhay ang pagiging maka-Diyos at makatao nating mga Pilipino.

Sa pangkalahatan, ang pananakit sa kapwa gamit ang pagmumura at paglalapastangan ay nararapat lamang na matigil. Sikapin sana na masanay ang bawat isa sa kung paano mamuhay nang may takot sa Diyos at pakialam sa kapwa. Kinakailangang mas pairalin ng pamahalaan maging ng Department of Education (DepEd) ang mga programang makatutulong na maibahagi at maituro sa mga mag-aaral ang Core Values. Kinakailangan na magkaroon ng aksiyon na naglalayong maaari pa ring maipahayag ng isang indibidwal ang kaniyang emosyon, damdamin at saloobin nang walang nasasaktan at natatapakang karapatan ng kanilang kapwa sapagkat kahit bali-baliktarin man ang mundo, ang mali ay mali at ang pagiging palamura at mapaglapastangan ay oo, hindi pwede.

Edukasyon ang unang nadedehado sa lumulubong kaso ng teenage pregnancy. Mabuti nalang at tugon ng Republic Act No. 7910 o ang Magna Carta for Women para sa mga adolescent mothers na mabigyan sila ng oportunidad na makapagpatuloy pa rin sa pag-aaral. Hindi nararapat na matanggalan ng pagkakataon ang kabataan na makatamasa ng kaalaman mula sa paaralan sa kabila nang maagang pagkabuntis.

Nagsasagawa naman ang

TUTO-loy

Department of Education (DepEd) ng mga symposium at Comprehensive Sexual Orientation kung saan nabubuksan ang isyung ito sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito, matututuhan nila kung paano maiwasan at malampasan ang teenage pregnancy.

Maliban dito, bukas din ang Blended Modular Learning Modality na inaalok ng kagawaran sa mga mag-aaral na maagang nabuntis. Sa paraan na ito, mababantayan nila ang kanilang anak habang nag-aaral at makaiiwas rin sila sa mga pangungutya at pambu-bully ng mga kaklase na alam nating talamak sa ganitong mga kaso.

Dagdag pa rito, patuloy namang nagkakaroon ng counseling mula sa mga opisina ng guidance ng paaralan para ma-monitor pa rin ang kalagayan at pag-aaral ng mga kabataang maagang nabuntis. Sa Agusan del Sur National High School (ASNHS), ginagamit ang flag ceremonies bilang pagkakataon na mapaalalahan ang mga mag-aaral tungkol sa pinsala sa buhay na naidudulot ng teenage pregnancy.

Sa pamamagitan ng mga batas na nailalabas ng pamahalaaan at mga inisyatiba ng mga insitusyong pang-edukasyon, napoprotektahan ang karapatan ng mga kabataan lalo na ang pag-aaral ng mga batang ina. Hindi hinihikayat ang maagang pagbubuntis, ngunit hindi ito rason upang matanggalan sila ng karapatang makapag-aral. Nararapat lamang na pagtuunan nang pansin ang edukasyon ng mga adolescent mothers dahil magiging maayos ang kanilang buhay at mas kapaki-pakinabang din sa lipunan kung patuloy ang kanilang pagkatuto.

Ayon naman sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, nananatiling "male-dominanated" ang larangan ng Science,Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa buong mundo. Iwasan man nating balewalain ito, ngunit nakakabit na sa isipan ng ating bansa ang "gender sterotype".

Babae, Lamang!

Ed Ian Jay O. Baguio

Naaabuso at namamaliit ang mga kababaihan sa anomang panahon at larangan. Base sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 01-0940 o ang Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases, ‘genderbias’ ang pangunahing dahilan ng karahasan at diskriminasyon sa mga sektor ng lipunan. Sa patuloy na patriyarka, malaking pangamba na maging bitag na rin ang mga kabataan sa hawla ng mga takot sa kakayahan ng kababaihan.

Inaprubahan noong 2009 ang Republic Act No. 9710 o ang “Magna Carta for Women” kung saan naitatag ang non-discriminatory at pro-gender equality at equity measures. Kaakibat nito, nabibigyan nang mas malawak na "oportunidad" ang kababaihan na makilahok sa pangangasiwa sa gobyerno.

Subalit, nitong eleksyon 2022, mahigit 14 na babae lamang ang tumakbo para sa matataas na puwesto sa bansa kung saan 83 ang binubuo ng mga kandidatong lalaki habang tatlo lang din sa 11 female candiates sa pagka-presidente,bise pre sidente at senador noong 2016 ang nanalo. Base rin sa Philippine Commission on Women (PCW), mas lumala ang gender inequality at gender gaps pagdating sa aspetong sosyal, politikal, at ekonomiya dahil sa paglaganap ng pandemya.

Pa-ALAM!

Jhona Grace J. Barrete

Kapakanan ng mga adolescent mothers at kalusugan ng kanilang anak ang apektado kung magpapatuloy sila sa pagpasok sa paaralan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 2,299 ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa noong 2021 at paliwanag ng World Health Organization (WHO), kadalasan na nasa edad 15 hanggang 19 na mga nabubuntis ang madalas nakararanas nang malulubhang karamdaman katulad ng eclampsia o pagko-kombulsyon sa panganganak. Patunay lamang ito na ang panganganak sa murang edad ay mahirap at nakagigimbala sa pagkamit ng pangarap.

Sa pagpasok sa paaralan, hindi maiiwasan ang stress na naidudulot ng tambak na mga gawain. Dagdag pa rito, iba’t ibang klaseng tao ang makasasalumuha kung saan maaari pang makakuha ng sakit mula sa paligid. Peligro ang maaaring kahantungan nito para sa magulang at anak.

Base pa sa datos na inilabas ng United Nations Interagency Group for Child Mortality Estimation, mahigit 60,000 kabataan ang namamatay bago pa sumapit ang kanilang ikalimang kaarawan. Kadalasan na dahilan nito ang mga impeksiyong nakukuha bunga nang hindi tamang pag-alaga ng magulang.

Ang kalusugan ng ina ay kalusugan rin ng anak. Kung patuloy na papasok sa paaralan ang mga kabataang maagang nabuntis at nanganak, napakalaki nang posibilidad na malagay sa peligro ang kanilang kalusugan at ng magiging anak nila. Kinakailangan na matutukan ng pamahalaan ang medikal at pinansyal na suporta para sa mga kabataang kababaihan na kabilang sa lumulubong kaso ng teenage pregnancy at kasabay nito ang pag-iimplementa ng sex education sa mga paaralan.

Hindi maikakaila na matinding panganib ang dala ng maagang pagbubuntis. Kung sasabak sa pisikal na klase o sa pag-aaral ang isang batang ina, mahihirapan itong pagsabayin ang pag-aalaga sa anak habang inaasikaso ang mga aralin. Mahalaga ang edukasyon ngunit mahalaga din ang kalusugan, kaya mas makabubuti na maging praktikal at pansamantalang paALAM muna.

enGENDER Power Paglalantad

Hindi naman maikakaila na ang lakas at katatagan ng mga babaeng Filipina ay nangingibabaw sa buong mundo. Pinakasikat sa listahan ang unang Pilipinong nagkamit ng gintong medalya sa olympics para sa Pilipinas na si Hidilyn Diaz. Dagdag pa rito, base sa facebook post ng DepEd, kinikilala si Audrey Pe na nagtaguyod ng Women in Technology o Witech, Madeleine Rodriguez at Gabby Llanillo na mga game developer sa sequel ng PlayStation game na “The Last of Us” mula sa Naughty Dog Studios, at Rebecca Kersch na bumuo ng digital platform na “TANGgap” kung saan nakapagpapadala ang mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa bansa na walang dagdag na binabayaran.

Balakid man sa pagkamit ng tagumpay ng kababaihan ang isang lipunan na bulag sa katotohanan ay magbubukas ang panibagong henerasyon ng makabagong panahon kung saan sila ay kinikilala bilang babae na nakalalamang at hindi “babae lang”.

Patuloy na tinutuligsa ang diskriminasyon sa ating bansa lalong-lalo na sa mga paaralan. Sa inilabas na memorandum ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa Executive Order no. 32, s. 2017 o ang Gender Responsive Basic Education Policy, nakikiisa ang Agusan del Sur National High School (ASNHS) sa pagtatag ng gender inclusivity bilang pagsasabuhay sa mantra nitong “Our Best Always!.”

Nakapagtataka lang na sa kabila ng suporta, hindi naman kinikilala ng institusyon ang karapatan ng mga mag-aaral sa malayang ‘cross dressing’.

Malinaw na nakapaloob sa memorandum na ang bawat sangay ng kagawaran sa edukasyon ay dapat maging bukas sa gender equality, gender equity, gender positivity, non-discrimination, at “human rights in the provision and governance in basic education.”

Dagdag pa rito, layunin nito na mapanatiling ligtas ang bawat mag-aaral mula sa anomang uri ng genderrelated discrimination at bullying.

Subalit, nitong ika-2 ng Setyembre, 2022 kung saan epektibo na ang

X-Presyon

inilabas na memorandum ay naging matunog ang post ni Ella Caballero, isang estudyante ng ASNHS tungkol sa hindi pagpapapasok sa kaniya ng guwardiya dahil nakasuot siya nang pambabae. Nakalulungkot man isipin, ngunit “may sariling memo umano silang sinusunod mula sa paaralan,” ayon pa sa kaniya.

Sa pagsisiyasat naman ng Ang Lantao, ang opisyal na publikasyon sa Filipino ng ASNHS, 8 sa 10 guro ng paaralan ay hindi sang-ayon sa pagpapahintulot ng mga estudyante na mag-cross dress sa loob ng kampus. Base sa School Policy and Guidelines ng institusyon, hindi pinahihintulutan ang pagsusuot ng pambabaeng uniporme kapag biologicallymale o ng panlalakeng uniporme kapag isang biologically-female ang mag-aaral.

Nahihirapan pa rin ang maraming mag-aaral na magpahayag ng kanilang ‘gender expression’ dahil ang cross dressing ay itinuturing na kasalanan sa mata ng lipunan. Layunin ng mga paaralan na itaguyod ang pantay na karaparan ngunit ang namamayaning diskriminasyon laban sa mga magaaral ay sumasalungat sa paninidihan nitong “Our Best Always!”.

This article is from: