1 minute read

Ragasa na Binalewala

Lysandra Kyle B. Quijada

Makulimlim ang kalangitan; simoy ng hangin ay napakalamig, mga puno ay nagsasayawan dahil sa hampas ng hangin na siyang napakalakas; pagbuhos nang malakas na ulan ay unti-unting nakapagpataas ng tubig sa bawat daanan—ni hindi na halos makita ang mga kalupaan at bato-batong daan na kanilang tinatapakan. Ang agos ng sapa ay kanilang sinusundan; mga tubig ay halos umaabot na hanggang beywang, mga kagamitan ay mahigpit na hinawakan— takot na baka ito ay mabitawan at mabasa. Ngunit, hindi nila inalintana ito dahil ang naiisip lang nila ay dapat silang pumasok sa paaralan upang hindi sila makakuha ng mababang marka.

Advertisement

Edukasyon ang syang susi para sa kinabukasan, ika nga nila. Kahit gaano pa kahirap ang buhay, daanan man ng bagyo, determinado ang dalawang estudyante ng Agusan del Sur National High School na sina April Verano at si Rea Verano na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa Alegria, San Francisco, Agusan del Sur, nakatira ang pamilya Verano. Ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita ay mula sa pag-quarry at ginugugol nila ang lahat ng kanilang lakas sa paghuhukay ng buhangin upang kumita ng pera, ngunit ang lahat ng ito ay magiging walang silbi sa

Nawa'y hindi mabalewala ng kalangitan ang aking kahilingan; kahilingang mapakain nang masasarap na pagkain ang aking mga magulang

This article is from: