DSWD-13 puspusan ang pamimigay ayuda sa mga nasalanta ng bagyong ‘Dante’
Matapos ang pananalasa ng bagyong “Dante” sa Caraga, tuloy-tuloy na ang pamimigay ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga sa mga residenteng labis na apektado sa pananalasa ng bagyo. Sa pinakahuling tala ng DSWD, may 4,584 na pamilya o 18,330 displaced individuals sa buong Caraga region. Umabot na ng 1,301 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit limang daang libong pisoang naipamahagi na bilang augmentation support sa lokal na
20
| June 5-11, 2021
pamahalaan ng Butuan noong Miyerkules. May mga nakahanda pang 5,853 family food packs sa rehiyon kung saan ang 1,300 nito ay nasa Surigao City, 956 sa Tandag City, at ang iba naman sa DSWD regional warehouse sa Butuan City. “Also, we have raw materials worth P2,151,627.30 and a standby fund of P3 million is already prepared,” sabi ni Marko Davey Reyes, regional information officer ng DSWD Caraga. Sa kasalukuyan ay mayroon din anyang non-food items kagaya ng family, hygiene,
kitchen at sleeping kits at iba pang essential items na nagkakahalaga ng mahigit P19, 417,180.59 ang nakaimbak sa iba’t ibang warehouses at handang ipamimigay sa lgus na nangangailangan ng karagdagang suporta. Tiniyak ng DSWD na may sapat na pondo ang ahensya sa disaster response operations. “We will continue to work with the local government units for any support that we can give. Ang DSWD ay patuloy po na aalalay sa ating mga kababayan lalung-lalo na tuwing may kalamidad,” ani Reyes. (VLG/PIA-Caraga)
Caraga INFOCUS