1 minute read

Ang Tagumpay

Next Article
Ang Tahanan

Ang Tahanan

Ni Janessa Tucyap, 10-Aguinaldo

Ang mga hindi nagpapatinag na Cramenians. Ganyan mailalarawan ang pagsisikap ng mga dating mag-aaral ng Camp Crame High School (CCHS) na ngayon ay namamayagpag na sa iba’t ibang larangan. Hinubog at pinanday ng kanilang mga karanasan sa sintang paaralan upang maisakatuparan ang mga pangarap ng isang batang krame.

Advertisement

Sa karanasan ni Danny G. Marquez na namamayagpag na ngayon sa larangan ng pamamahayag. Isa na ngayon tagasulat ng senaryo at direktor si Danny na nakapagtapos ng sekondarya sa Kampo Crame sa akademikong taong 1985 kung saan hindi siya pinalad na maging parte ng ingles na publikasyon ng paaralan na “The Valiant” na nagbigay ng daan sa kanya na magpursige at ipagpatuloy ang kanyang pagiging manunulat.

Ngayon ay naging punong patnugot na siya ng komiks na Espesyal at Hiwaga sa Filipino at sa Ingles sa isang arawang pahayagan na PhilippineMiddle East at Philippine-Hongkong na mga edisyon.

Ang isang pagkadapa ay hindi sagot upang hindi na ipagpatuloy ang paglalakbay. Bilang isang indibidwal ay napakaraming pagsubok ang susubok sa katatagan at kung gaano kahaba ang pasensya upang malampasan ang mga ito bago ang tamis ng tagumpay. Ngunit para sa isang Cramenian, walang uurungan na laban para sa kinabukasan.

May mga Cramenians sa kasalukuyan na lumalaban hindi lang para sa kanila ngunit para na rin sa bansa at kasama na ang pamahalaan sa pagpuksa ng kasamaan. Katulad na lamang ni Yasser Usman na isa na ngayong Pulis na nakabase sa iba’t ibang parte ng Mindanao na nagtapos ng sekondarya sa akademikong taong 2011.

Pitong taon ang naging pakikipagsapalaran ni Yasser bago maging parte ng kapulisan. Hirap man makahanap ng pinagkukunan upang makapag aral ay hindi ito naging hadlang upang makuha niya ang kanyang diploma.

Sa mga taon na kanyang ipinurpusige ang pagiging pulis ay dala niya ang mga aral na kanyang natutunan sa sintang paaralan. “Maniwala ka sa sarili mo, at magkaroon ka ng kumpyansa” kaya naman gumulong, dumapa, gumapang man sa putik ay hindi niya ito pinakawalan at patuloy niyang ginapi ang mga hadlang sa kanyang mithiin na pagseserbisyo sa Lupang Sinilangan.

Ito ang mga palatandaan na kapag binigyan ng pagsubok ang mga Cramenians ay hindi nila ito uurungan hangga’t makamit nila ang tagumpay. Mapagod man ay magpapahinga lamang at tuloy pa rin ang laban, ganyan ang batang krame. Maipagmamalaki nang taas noo sa buong mundo. Pareho silang nagsimulang mangarap, nagsikap.

This article is from: