1 minute read
Pamana ng Pagbasa
from ANG MAGITING
Ni Janessa Tucyap, 10-Aguinaldo
Hindi milyones, lupain, o mansyon—kundi pag-asa. Ito ang pamana ng pagbasa. Sa bawat pahina, hinahanda mo ang daan tungo sa mas maliwanag na hinaharap ng kapwa’t pansariling pangarap.
Advertisement
Pagbasa ang daan para makipagkumunika ang nakararami, daan kung paano nila ipahayag ang kanilang tunay nadarama. Ang pagbabasa rin ang paraan ng pamumuhay, katulad na lamang kung ikaw ay nagtatrabaho sa opisina, o kung magbabayad ka ng pera para malaman mo ang halaga nito. Hindi ka rin maliligaw kapag marunong kang bumasa dahil nababasa mo kung nasaan ka naroroon. Subalit para sa iba, ang pagbabasa ay isang pagtakas sa reyalidad lalong-lalo na kung ang babasahin mo ay isang kwento na bibigyan ka ng emosyon na masaya, malungkot, galit, takot, at iba pa.
Bilang ako na isang mag-aaral na gumawa rin ng proyektong iyon, maraming oras ang ginugol ng aking mga kamag aral para makagawa at makatapos ng “story box” o kahon na naglalaman ng kwento. Simula sa pagkumpleto ng mga kakailanganing gamit, pagbuo ng kahon, pagimprenta ng mga pahina, pagkulay, at s’yempre ang pagkukuwento nito sa iba pang mga baitang.
Sobrang nakakatuwang pagmasdan na nakikinig sila at nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga kuwento, sa pamamagitan pagiging malikhain sa paggawa ng mga kahon at librong may kwento.
Inaasahan na sa mga ganitong mga proyekto na kami ay mahikayat na magbasa sa pamamagitan ng pagbabasa para sa amin ng iba pang mga mag-aaral. Dahil habang kami ay nakakarinig ng mga kwento na galing sa mga libro, natututunan nating mahalin ang mga istoryang ito mapakatatakutan, kathang-isip, science-fiction, kasaysayan, at kwentong pagmamahalan.
Ang pagbasa ay isang kapangyarihan. Oportunidad natin ito na maging maalam sa mga bagay-bagay. Nararapat lang na tayo ay manghikayat sa ibang tao na bumasa ng mga kuwentong nagbibigay-aral. Sa panahon ngayon laganap na ang teknolohiya, hindi na napapansin ang mga tradisyonal na libro. Karaniwan sa mga kabataan ay umaasa nalang sa internet. Normal lang naman na tayo ay magbasa rin sa internet, ngunit ang mga libro ay panghabang buhay pati na ang kaalaman na ibinibigay nito.
Kaya naman, tayo ay magbasa, magbasa nang magbasa. Para ang susunod na henerasyon—maipamana natin ang kapangyarihan ng bawat libro at pahinang naghuhubog sa ating pagkatao. Dahil ang ating pagbasa ay tutungo sa pagbasa rin nila.
Batang Matatag, Batang may Disiplina
Perfect, Punctuality Attendance and Cleanliness ito ang Project PPAC na inilunsad ng Camp Crame High Schoool na may layuning buhayin ang disiplina sa mga mag-aaral.
Kaya tandaan: