1 minute read

Lathalain lathalain Isang panibagong karanasan

Next Article
Ang Tagumpay

Ang Tagumpay

Ni Yassen M. Usman, 9-Roco Assalamualaikum. Muling nagalak at nabuhay ang mga puso ng mga Pilipinong Muslim nang sumapit ang ika-22 ng Abril 2023. Buwan na muli ng Ramadan. Ang buwan na itinuturing na pinakabanal, mapayapa, masaya, at puno ng pananalig sa Islam.

Sa unang araw ng pag-aayuno, naging mahirap ito para kay Eidjanelle Saudagar, isang mag-aaral mula Camp Crame High School. Siya ay pumapasok ng hapon kaya’t hindi niya maiwasang makaramdam ng uhaw at gutom sapagkat pagtapos pa ng kanyang klase maaaring muling makakai’t makainom. Dumagdag pa na siya’y bumabiyahe sa tatlong lungsod: Pasig, kung saan siya naninirahan; San Juan, kung saan matatagpuan ang kanilang tindahan sa Greenhills at ang kanyang pinaglilipasan ng oras bago pumasok; at Quezon na kung saan nakatayo ang kanyang paaralan.

Advertisement

Laking pasasalamat naman nito na nagbigay suporta’t respeto ang paaralan para sa kanila. Pinayagang makauwi bago sumapit ang oras ng Iftar o ang pagkain sa oras ng paglubog ng araw. Binigyang pagkakataon din sila na makapagsamba sa loob ng paaralan.

Sa unang linggo, naging maayos naman ito para sa kaniya, ngunit naroroon pa rin ang pagkauhaw sapagkat kasabay ng Ramadan ang panahon ng tag-init subalit napagtagumpayan pa rin niyang mairaos ang linggong iyon.

Magigising ng madaling-araw, kakain, mag-aayuno, sasamba, magpapahinga, babiyahe, sasamba, mag-aaral, pupuntang Greenhills, muling kakain, sasamba, at uuwi ng Pasig. Ganito ang kaniyang naging nakasanayan sa mga araw na siya’y may pasok.

Nang sumunod na linggo, nagkaroon na ng kasanayan ang kaniyang katawan sa gutom, uhaw, at init. Simula na rin noong bata pa lamang siya ay naging aktibo na siya sa pag-aayuno.

Lumipas ang mga araw at halos patapos na ang buwan ng Ramadan, tila naging normal na para sa kanya ang nakagawian. Galak ang kaniyang nadarama rito kasabay ng lungkot na mag-aantay muli siya ng isang taon para magbalik ang pinakamahalagang buwan sa Islam.

Abril 20, 2023, ang araw ng pagtatapos ng Ramadan. Ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi sapagkat natapos niya ito nang maayos at may pagmamahal sa kaniyang puso.

Ang mga alaalang ito ay hindi na muling mawawawala sa kanyang isipan. Naging karanasan ito na hindi malilimutan sapagkat mas lalong nadama ng mga katulad niyang Mulsim ang suporta at respeto ng mga kapatid na Pinoy.

This article is from: