2 minute read
Kulis Pinay,
from ANG MAGITING
Ni: Stephen Rhey D. Todoc, 10-Magsaysay
Advertisement
Pagdating ng panahon ay aasa na ang mga manggagawa sa iba’t ibang makabagong makinarya dulot ng iba’t ibang ideya upang mapagaan ang trabaho ng bawat tao. Ngunit ang pagpapagaan ng trabaho ay hindi ibig sabihin na tuluyan silang tanggalan ng gagawin, dahil mapapairal lamang nito ang kanilang katamaran sa paggawa at kanilang makakasanayan na mayroon magiging sandigan sa tuwingMagigingtinatamad.kailangan pa din ito ngunit ang pagsasanay sa mga sarili na iaasa ang mga gawain dito, may paa at kamay ang bawat isa, bakit pa iaasa kung kaya?Hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbabago sa mundo at maapektuhan ang bawat nilalang dito ngunit ang pagbabago ay sinasabayan ng mga makabagong paraan na may limitasyon, kung saan hindi maapektuhan ang pagkatao at kasipagan nito.
Alagang Pinay
Sa panahon ng tag-init, maraming kondisyon ang ating kinakaharap. Isa na rito ang mga iba’t ibang karamdaman na nararanasan ng ating balat o kutis. Hindi maitatanggi na maingat at pursigido tayong mga Pilipino sa pagpapanatili ng kagandahan ng ating kutis; kaya naman kapag mayroon tayong nakikitang mga produkto na mayroong magandang epekto sa ating balat, agad natin itong naiisipang bilhin.
Karamihan ng mga ginagamit nating mga produkto sa skin care ay ini-export natin mula sa iba’t ibang bansa. Mao-obserbahan din natin na mataas ang presyo ng mga ito ngunit mabenta pa rin sa mga Pinoy sa kadahilanang ito ay epektibo at tunay nga na makatutulong sa pagpapanatili ng magandang kondisyon ng balat.
Kung may naiambag ang ibang bansa sa atin, tiyak naman na hinding hindi magpapahuli ang sariling atin; ang Brilliant Skin Essentials ay isa sa mga kinikilalang beauty at cosmetics brand sa ating bansa. Ito ay pinamamahalaan ng chief executive officer na si Glenda Victorio. Mayroon ding Careline Skin na ang pangunahing produkto ay Acne Drying Lotion, Primer Sheet Mask, Micellar Tonic. Samantalang ang
Apotheke ay nakatuon sa pagbebenta ng Niacinamide na 10% Serum na nakakatulong upang mabawasan ang acne. Ang Hello Glow ay nakatuon sa Advanced Rejuvenating Set, kaiba naman ng Human Naturen na nagbebenta ng mga produktong organic katulad ng Acne Defense Solution Gel, Balancing Face Toner, at. Sunflower Beauty Oil. At hindi naman magpapatalo ang Belo products sa pangunguna ni Dr. Vicki Belo nakilala ang kaniyang produkto hindi lamang sa loob ng bansa kundi sa buong mundo. Kabilang dito ang AcnePro Pimple Gel, Collagen Powder Drink, Intense White Deo, at Kojic Acid line Paano ba namang hindi ito kagigiliwan kung ang set na ito ay naglalaman ng mgaa produkto na makakatulong sa pagpapanatili ng taglay na kagandahan ng kutis; kojic acid soap, toner, topical cream, at sunscreen gel-cream. Ang set na ito ay ginagamit para sa mukha, layon nito na mapanatiling maayos ang kalagayan ng mukha kung sakaling nakararanas man ng iba’t ibang kondisyon.
Ito na rin ang pagkakataon upang tangkilikin natin ang sariling atin. Ang paglikha ng mga ganitong bagay ay hindi lamang para sa taglay na ganda kundi para na rin sa ikabubuti ng kondisyon ng ating kalusugan dahil ang balat ay parte ng ating katawan na sensitibo at kailangangan ng maayos na pangangalaga.