7 minute read

Insta Collage

Next Article
Pamana ng Pagbasa

Pamana ng Pagbasa

Pagsusuring Pampelikula

erfect ang perpektong Cramenian ay walang liban sa klase at liliban lamang kung kinakailangan, kaya nitong mapanatili ang kalinisan sa silid-aralan unctuality ang Cramenian ay dapat na pumapasok sa takdang oras upang walang maging marka ng liban at hindi mahuli sa mga aralin sa klase, na maaring gayahin ito ng ibang mga mag aaral kapag nakasanayan. ttendance ng laging pagiging aktibo at nasa klase ang kinakailangan upang mapunan ang pamantayan ng isang magiting at matapat na Cramenian, tandaan na “Attendance is a must.”

P P a c leanliness ang Cramenian ay kailangan maging malinis sa kapaligiran, dahil hindi lang ito silid-aralan ngunit ito ang nagsisilbing ikalawang tahanan. Sumasalamin sa kilos ng mga ito kung paano nila pangalagaan ang kanilang tahanan.

Siya ang bumubuhay, umaalalay, nagpapatatag, at nagsisilbing proteksyon ng pamilya;siya ang ama. Pero paano kung sa loob ng walong taon, wala siya sa tabi mo para kilalanin ka? Masakit ito para sa isang anak, at mas mataas ang posibilidad na magkakaroon ito ng sama ng loob sa kanyang ama, pero sa kondisyon ni Yumi ay iba. Si Yumi ay isang karakter mula sa pelikulang Doll House. Si Rustin o mas kilala niya sa pangalang tito “Clyde” ay ang kanyang tinuturing na matalik na kaibigan, ngunit hindi niya alam na ito ang kanyang totoong ama. Nawalay sila sa isa’t isa dahil sa kadahilanang hindi naging maayos ang naging relasyon ng kanyang mga magulang na si Sheena at Rustin;magkaiba ang tunguhin ng magkarelasyon sapagkat, si Sheena ay maraming magagandang hinahangad para sakanila, si Rustin naman ay patuloy sa pagbabanda at pag gamit ng illegal na droga.

Pinapakita rito ang pagmamahal at pagpupursigi ng isang ama para makabawi at magampanan ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak. Hindi lang ito tungkol sa relasyon ng ama at anak, kundi ipinapakita rin dito ang sitwasyon sa totoong buhay. Mahirap maka ahon sa bisyong nakasanayan na, lalo na’t kung pakiramdam ng tao na ito na lamang ang nagbibigay ng sigla sa buhay niya.

Ang pagkalulong sa droga ay isa sa mga bisyong karaniwan na ating nababalitaan. May kanya kanyang rason sila pag gamit ng pinagbabawal na gamot;ngunit ang madalas na dahilan ay para “matakasan” ang problemang kanilang kinakaharap. Naniniwala sila na ang pag gamit nito ay makakatulong para kahit papaano ay hindi na nila maisip ito.

Madaming moral na aral ang maoobeserbahan sa pelikulang ito;tulad na lang ng pagtitiwala, respeto, pagsasabi ng totoo at marami pang iba. Ito ay isang pelikula na tiyak magugustuhan ng karamihan dahil nakakapag udyok ito ng damdamin at ipinapakita ang reyalidad.

Naipapakita rito ang pagpapahalaga sa buhay, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo, kaya bawat desisyon ay ating pag-isipang mabuti nang hindi magsisi sa huli.

BAYANG MAKAKALIKASAN: Plastic-free QC, sinusulong

Stephen Rhey D. Todoc 10-Magsaysay

Ginanap ang Quezon City Plastic-Free Future Youth Forum kung saan ibinahagi ang mga kaalaman tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

Dumalo rito ang ilan sa mga mag-aaral ng Camp Crame High School at ang naging tagapagsalita ang Senate President Pro-Tempore Honorable Loren Legarda.

Tinalakay niya ang krisis ng bansa kaugnay sa plastik, mga polisiya kaniyang inilunsad tulad ng “Single Use Plastics Regulation and Management Act.” na kanyang ipinasa bilang isang senador.

“We need the youth to help us innovate creatively and fast to find a way to replace all the things industry tells us that single-use plastic is good for,” pagbibigay-diin ni Legarda.

Ang nasabing batas ay nagbabawal sa mga “hindi kailangang” isahang gamit ng mga plastik. Sinasaklaw nito ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga yunit ng lokal na pamahalaan, at lahat ng iba pang mga opisinang kontrolado ng gobyerno.

“Plastics, especially single-use plastics, are a concern for us Filipinos. Not only do we have a massive plastic consumption problem but also a massive pollution problem due to the amount of mismanaged plastic waste that leaks into our open environment,” ani Legarda.

Maliban kay Legarda ay may apat pa na panelista na nagbahagi tungkol sa suliranin ng kalikasan sa plastic.

Si G. Christian Derafera, ang youth ambassador mula sa Break Free from Plastic ay nagbahagi ng epekto nito buong bansa partikular sa kalinisan

TRIVIA TIME ng lungsod ng Quezon, samantala nagsalita rin ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department Head na si Bb. Andrea Villaroman tungkol sa plastic waste management program at kautusan tungkol sa paggamit ng plastic sa nasabing lungsod.

Bilang dagdag ayon kay Bb. Miriam Azurin ang Zero Waste Asia Deputy Director ay pagpapaigting ng recycling sa bansa, samantala si Bb. Marian Ledesma isang zero waste campaigner ng Greenpeace Philippines, binigyang-diin ang pagsasagawa ng reuse at refill systems ay malaking tulong sa bansa.

“It is vital that we respond to the plastic pollution crisis at its source. By changing problematic systems, the materials that are causing a lot of harm, different kinds of packaging that are hard to manage when they become waste, we can really look at reducing or eliminating the impacts of harmful plastics right from when they are being produced up to their disposal,” ani ni Ledesma.

Neil Mathew De Vera, punong patnugot ng Ang Magiting at isa sa mga kalahok ng program ay lubos na nagpapasalamat sa bagong kaalaman na kanilang natutuhan na maari nilang maging gabay sa paggawa ng programang pampaaralan bilang siya rin ang bise presidente ng CCHS Supreme Student Government

Matapos ang forum ay nagkaroon ng pagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mabisita ang Life in Plastic interactive art exhibit na nagpapakita ng malawak na epekto ng plastic sa mundo at kalikasan.

“Dati akong mag-aaral ng CCHS, pasasalamat ito” – Pasadilla

Cramenians, alam nyo ba na ...

sinabi sa ilang pag-aaral, na ang pagiging underweight o kulang sa timbang ay maaaring magdulot ng problemang pangkalusugan dahil maaring hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon upang gumawa ng malulusog na buto, balat at buhok.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire,ng Department of Health maliban sa malnutrisyon ay suliranin din ang 10% ng mga mag-aaral na nasa kategorya na obese o ang timbang ay masyadong mataas para sa taas ng bata.

Nakita sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund na 74% ang mga batang Pilipino na nasa edad 13 hanggang 15 ay mahina sa pagkain ng prutas at gulay ngunit malakas sa matatamis, maaalat, at matatabang pagkain. Samantalang 28% ang umiinom ang softdrink kada araw.

Kailan Nagiging Underweight ang Isang Tao?

Ang pagsukat ng body mass index (BMI) ang mabisang paraan upang malaman kung ang isang tao ay underweight, nasa tamang timbang, o overweight, ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC)

Narito ang interpretasyon ng resulta ng BMI:

Underweight 18.5 pABABA

Normal 18.5 HANGGANG 24.9

Overweight 25.0 HANGGANG 29.9

Obese 30

pATAAs

htstps://www.ritemed.com.ph/articles/signs-ng-pagiging-underweight https://newsinfo.inquirer.net/1746249/doh-poverty-driving-malnutrition-among-kids

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo

“Ang aking layunin ay magkaroon ng libreng pakain sa mga estudyante. Kaya pumasok sa isip ko na kung tutuusin, dati naman akong mag-aaral ng CCHS. Kaya bakit hindi na lang ito magsilbing pasasalamat sa aking dating paaralan,” ani Macmiel Pasadilla.

Bilang tugon sa malnutrisyon, nagsagawa ng libreng pakain sa mga mag-aaral sa pangunguna ng mga dating mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame mula sa Batch ‘19 at ‘18.

Pinangunahan nina Pasadilla mula sa Batch ‘19 at Julie Gamboa Culala mula sa Batch ‘18 ang libreng pakain na naganap sa apat na Biyernes ng Setyembre mula sa ikapito hanggang sa ika-10 na baitang.

Sa datos tungkol sa body mass index ng mga mag-aaral ng CCHS, lumalabas na 106 na mag-aaral mula sa ikapitong baitang ang kulang sa timbang, 93 sa ikawalong baitang, 87 sa ikasiyam na baitang, at 46 naman sa ika10 na baitang. Sa kabuuan, mayroon 332 na mag-aaral ang kulang sa timbang

Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention, mayroong ugnayan sa pagitan ng wastong nutrisyon para sa mga bata at ng kanilang akademikong

Sugal para sa enerhiya “

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo pagganap. Ang balanse at masustansyang pagkain ay maaaring makatulong sa pagpapahusay ng kakayahan ng isang bata na matuto at maging mahusay sa paaralan. “To help the students, lalo na ‘yung mga bata na walang makain or kulang ng kinakain. Makatutulong sa kanila ito o makatutulong ‘yung eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng libreng pakain sa kanila ng mga masusustansiyang pagkain,” saad ni Gng. Librada Q. Simon, guro mula sa departamento ng TLE.

Inaasahan ng paaralan na marami pang mga dating mag-aaral ng CCHS ang mahihikayat na tumulong sa mga kasalukuyang mag-aaral dahil sa programang ito.

KABALIKAT SA MAAYOS NA KALUSUGAN: Nagtulungan ang CCHS Boys Scout at piling mag-aaral sa pagbabahagi ng almusal na handog ng alumni ng CCHS na si G.. Macmiel Pasadilla. Kuha mula sa Facebook Page ng CCHS

PANG-AGHAM NA KOLUM

Angsalita lamang ay hindi sapat upang mapatunayan na ito’y ligtas at hindi malalagay sa kapamahakan ang mamamayan.

Pagbabalik matapos ang 37 na taon. Ang Bataan Nuclear Power Plant ay itinayo sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang masolusyunan ang krisis sa langis noong 1973. Ngayon na presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay muling isinusulong ang pagpapatayo ng Nuclear Power Plant dahil kailangan ngayon sa merkado ang pagkukunan ng malinis na enerhiya. Subalit magiging ligtas ba talaga ito para sa publiko?

Sinisigurado ng Pangulo na hindi matutulad sa nangyaring trahedya sa Fukishima, Japan ang Nuclear Power Plant na itatayo. Ngunit pinapangambahan ng karamihan na hindi kaya ito maging eksperimsento lamang na may dalang kapamahakan sa mga Pilipino.

Ang pagbibigay ng katiyakan na ito’y magiging ligtas at walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ay kinakailangan lamang na may katiyakan dahil sa isang napakalaking proyekto na gagamit ng iba’t ibang kemikal na lubhang mapaminsala kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa planta ay napakalaking unos na kahaharapin ng mga naninirahan sa Bataan.

Malaking sugal sa kaligtasan ang gustong mangyari ng Pangulong Marcos. Maaari man itong makatulong sa bansa upang masolusyunan ang problema nito sa kawalan ng pagkukunan ng malinis na enerhiya ngunit ang bawat mamamayan na maapektuhan nito ay pangmalawakan dahil isang mapanganib na radioactive waste ang nalilikha nito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 32 na bansa na nagpapatakbo ng 439 na Nuclear Power Plant sa buong mundo. Ang Estados Unidos ang may pinakamaraming nagoopera na may 92 na planta. Kasama sa layunin ng pangulo na sumubok ng bagong teknolohiya upang makahanap ng mga bagong pagkukunan ng enerhiya. Ang salita lamang ay hindi sapat upang mapatunayan na ito’y ligtas at hindi malalagay sa kapamahakan ang mamamayan. Seguridad na makakaya at masusuri nang may katiyakan at maayos ang pangunahing maging layunin sana nito. Palaging nasa huli ang pagsisi subalit kung may nauunang kahandaan upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng proyektong may layunin naman talagang makatulong ay tunay na kapakinabangan sa bawat mamamayang Pilipino.

Huwag nawang maging sanhi ng dagdag problema ang ganitong uri ng proyekto. Nararapat na tiyakin muna ang kaligtasan ng bawat taong nakapaligid dito bago pa man isagawa ang kahit anong gawain na patungkol sa planta. Isaalang-alang maging ang kaangkupan ng lugar at huwag basta na lamang gawin ng walang malinaw na pag-aaral ukol rito dahil maituturing na isang sugal para sa enerhiya ang proyektong ito na ang kapalit naman ay ang mga buhay ng mga naninirahan malapit sa lugar na kinatatayuan ng planta kung hindi magiging maingat sa pagsasagawa.

This article is from: