3 minute read

SINING

Ilan sa mga naging likha ni Tata ng umusbong ang pandemya. | Mga larawan mula kay Paul Jerome Pinuela

Advertisement

FILIPINO | SINING

Ang Hindi Maikubli ng Maskara

Isinulat ni Mdpn. John Rovic T. Lopez

Maluwag ang mga kalsada. Walang laman ang mga establisyemento. Walang tao ang mga paliparan at pier. Nasa loob ng tahanan ang bawat isa, may takot at pangambang lumabas dahil may nakaambang panganib na ni mata’y hindi mahagilap. Ito ang naging sitwasyon ng buhay ng karamihan sa simula ng krisis ng COVID-19. Tila nagbago ang mga nakagawian. Tila huminto ang buhay.

Napakaraming naapektuhan ng pandemyang ito. Mula sa mga maliliit na kabuhayan, pati na sa mga malalaking negosyo at mga normal na tao — tumigil ang sigla ng mundo. Isa na sa mga industriyang direkta at lubhang pinadapa ng krisis na ito ang kabuhayang pinagtatrabahuhan sa loob ng humigit kumulang 12 na taon ni Paul Jerome Pinuela, o mas kilalang Tata ‘Blas’ Pinuela. Si Tata ay isang sikat na Artist at Fashion Designer sa Iloilo. Ang industriya ng sining at moda ay talagang ilan sa mga matinding naapektuhan ng sakit na ito. Dahil na rin nakasalalay sa mga pagdiriwang at salo-salo ang kita nilang mga Fashion designers, marami ang nawalan at lumipat ng trabaho. Ngunit para sa mga taong tulad ni Tata, hindi sila matitinag ng mga pagsubok. Bagkus, ginamit nila ito upang tumuklas ng bagong mga pamamaraan ng pagdedesenyo at paghahanap-buhay na siyang nakakatulong rin sa komunidad.

Ang Hablon

“Dahil na rin kailangan ng proteksyon ng karamihan ngayon, naisipan ko na paano kaya kung gamitin ko aking kakayahan sa paggawa ng mga facemasks at PPE (Personal Protective Equipment),” paliwanag ni Tata kung bakit niya naisipang dumisenyo rin ng mga kakaibang maskara at kasuotang pangkaligtasan. Ang mga PPE at maskarang disenyo ni Tata ay gawa sa mga materyales na microfiber at iba’t-ibang tela katulad na lamang ng Hablon. Karamihan sa mga bumibili sa kaniya ay mga prominenteng pamilya, pulitiko, dayuhan at mga designers rin na kadalasang ginagamit sa mga pormal at eksklusibong pagdiriwang o pagtitipon. Sa katunayan, maliban sa mga facemasks at PPE, si Tata rin ang dumisenyo ng National Costume ng bagong kinoronahang Miss Universe na si Rabiya Mateo na isang Ilongga rin. Sa gaganaping Binibining Pilipinas, siya rin ang gumawa ng National Costume ni Karen Laurrie Mendoza na siyang kakatawan sa Iloilo sa nasabing kompetisyon. Maliban pa rito, pinasok na rin ni Tata ang Interior Designing. Para kay Tata, hindi dapat tingnan ang pandemyang ito bilang dahilan ng tuluyang paghinto ng buhay at ng kabuhayan. Datapwat, marapat lamang Ang probinsya ng Iloilo ay ang nagungunang sentro ng mga tela noong ika-18 na siglo. Mula sa salitang habol, ang Hablon ay nangangahulugang ‘pagtatahi’ na siyang kadalasang gawa sa bulak, jusi, at pinya. Ang distrito ng Arevalo sa Iloilo at ang bayan ng Miag-ao ay maituturing na sentro ng industriya sa probinsya. Ang mga telang katulad nito ay isa sa mga pinagmamalaking produkto ng probinsya ng Iloilo.

Mula sa: https://aqdegamon.wordpress.com/2010/01/12/ugnayan-ng-

Larawan ni Tata at ilan sa kanyang mga likha | Larawan mula sa Binibining Pilipinas at Miss Universe PH Proseso ng paglikha ng hablon. | Larawan mula sa Randomlycandid.com

mga-sinaunang-pilipino-at-mga-dayuhan/ gamitin itong dahilan upang mas magsumikap, sumugal at sumubok ng mga panibagong bagay para sa ikauunlad ng buhay, hindi para sa sarili lamang ngunit para rin sa karamihan.

“Ang masasabi ko sa lahat ng mga designers na katulad ko ring naghihikahos dahil sa krisis na ‘to, patatagin niyo ang loob niyo at huwag timigil sa paghahanap ng makabagong pamamaraan para sa ikabubuhay. Basta sa tama at mabuting paraan lang,” dagdag pa niya. Maligaya tayong tingnan at pahalagahan ang mga produkto ng moda at sining ngunit lingid sa ating kaalaman ang mga nakakubling kuwento ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga ito. Ang paggamit sa mga pagsubok ng buhay upang makagawa ng mas matatag na komunidad at ng sarili ay isang implikasyon sa lahat ng mga Fashion Designers na naapektuhan ng pandemyang ito, na hangga’t may pagsusumikap, hindi nahihinto ang pag-asa. Marami mang kabuhayan ang naapektuhan, marami mang oportunidad ang tinakpan, marami mang mga tao ang nagsitago dahil sa pandemyang ito, nangingibabaw parin ang tatag at pagsusumikap. Ito ang mga hindi maikubli ng mga maskara.

This article is from: