Ilan sa mga naging likha ni Tata ng umusbong ang pandemya. | Mga larawan mula kay Paul Jerome Pinuela
FILIPINO | SINING
Ang Hindi Maikubli ng Maskara Isinulat ni Mdpn. John Rovic T. Lopez
M
aluwag ang mga kalsada. Walang laman ang mga establisyemento. Walang tao ang mga paliparan at pier. Nasa loob ng tahanan ang bawat isa, may takot at pangambang lumabas dahil may nakaambang panganib na ni mata’y hindi mahagilap. Ito ang naging sitwasyon ng buhay ng karamihan sa simula ng krisis ng COVID-19. Tila nagbago ang mga nakagawian. Tila huminto ang buhay. Napakaraming naapektuhan ng pandemyang ito. Mula sa mga maliliit na kabuhayan, pati na sa mga malalaking negosyo at mga normal na tao — tumigil ang sigla ng mundo. Isa na sa mga industriyang direkta
at lubhang pinadapa ng krisis na ito ang kabuhayang pinagtatrabahuhan sa loob ng humigit kumulang 12 na taon ni Paul Jerome Pinuela, o mas kilalang Tata ‘Blas’ Pinuela. Si Tata ay isang sikat na Artist at Fashion Designer sa Iloilo. Ang industriya ng sining at moda ay talagang ilan sa mga matinding naapektuhan ng sakit na ito. Dahil na rin nakasalalay sa mga pagdiriwang at salo-salo ang kita nilang mga Fashion designers, marami ang nawalan at lumipat ng trabaho. Ngunit para sa mga taong tulad ni Tata, hindi sila matitinag ng mga pagsubok. Bagkus, ginamit nila ito upang tumuklas ng bagong mga pamamaraan ng pagdedesenyo at paghahanap-buhay na siyang nakakatulong rin sa komunidad.
UNRAVEL
| THE DOLPHIN 37