5 minute read
TEKNOLOHIYA
FILIPINO | TEKNOLOHIYA
Ang Bukas na Naghihintay sa Masusing Pagsusuri
Advertisement
Isinulat ni Mdpn. Julius Caesar P. Alfaras at Mdpn. Jashem A. Bardies
Maingat na tinitipon at inililipat ng isang doktor ang bawat kapsula sa bakanteng sisidlan. Bagamat halos mangatal na ang buong katawan sa matinding pagod kakababad ng ilang oras sa pagsusuri ng laman nito at pagpipihit ng makina upang makakalap ng datos na maaaring makatulong sa pagsugpo ng pandemya ito. Pilit paring pinatitibay ang loob sa pag-asang matutuldukan na ang mabilis na paglobo ng bilang ng mga binabawian ng buhay dahil sa sakit na hanggang sa ngayon ay wala paring tiyak na kasagutan kung kailan ito tuluyang maglalaho.
Nasa kalagitnaan na ang gabi, kadalasan sa mga oras na ito ay marami na ang mahimbing na natutulog sa kanilang mga tahanan. Subalit para sa mga manggagamot at mga espesiyalista na siyang katuwang sa pagsugpo sa nakakahawang sakit dulot ng Coronavirus Disease o COVID-19. Napakalaking hamon ito para sa kanila na tuldukan ito. Kasalukuyan ang lunas sa nakahahawang sakit na ito ay mariin nilang pinagtutulungang malikha sa lalong madaling panahon. Kinakailangan ng masusing pag-aaral na kadalasan ay umaabot ng mahabang panahon para lamang matiyak na ito ay ligtas at epektibo. Sa paggawa ng bakuna, kinakailangang makompleto ang mga yugto sa paglikha nito. Ang mga bansang nakapaloob sa World Health Organization (WHO) ay aktibong nakikiisa para mas mapadali pa ang proseso. Sa unang yugto, isinasaalang-alang dito ang kaligtasan at ang wastong dosis na ibibigay sa mga nagbulontaryong sumailalim sa masusing pag-aaral. Dito nakapaloob ang paguturok ng bakuna sa mga kwalipikadong indibidwal ukol sa masusing obserbasyon na kadalasan ay aabot sa 20 hanggang 80 katao upang suriin ang kaligtasan at tukuyin ang epekto nito sa immune system ng tao. Habang sa ikalawang yugto naman, dito inaalam ang pinakaepektibong dosis na
Mga larawan sa paglikha ng bakuna. | Mga larawan mula sa World Health Organization (WHO)
SAGOT LABAN SA COVID-19
ginamit sa mga naunang indibidwal na binigyan ng gamot. Nito lamang Hulyo, ang Janssen Pharmaceutical Company ng Johnson & Johnson ay nagsubok ng pagbabakuna sa halos 1,000 na malulusog na indibidwal na nasa 18 hanggang 65 taong gulang. Samantalang ipinagpaunang ipinahayag ng isa sa mga siyentista ng Janssen ukol sa unang yugto sa pagsubok ng bakuna ay inaasahan umano nilang magkakaroon ng sintomas lagnat, pananakit ng katawan, pamumula ng balat, at iba pa. Ito ay sapagkat ayon sa mga ekperto, hindi pa nila alam ang wastong dosis na ibibigay sa pasyente sa loob ng pitong araw o kung hanggang ilang araw ang saklaw ng epekto ng gamot sa katawan ng tao. Dagdag pa nila, uulitin umano ang proseso makalipas ang isang bwan sapagkat tiyak na umano silang may wastong dosis na muling ibibigay para sa mga indibidwal na sasailalim sa ikalawang yugto ng pagsusuri. Tumatagal umano ng buwan o taon ang pag-aaral sa una at ikalawang yugto bago makarating sa ikatlong yugto ng pagsusuri. Dahil dito mas dumarami pa ang bilang ng mga taong hinihikayat na sumailalim sa pagaaral lalo na’t lumulobo parin ang bilang ng hawaan ng sakit lalo na sa mga bansang walang kakayahan na kontrolin ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19. Samantala, sa ikatlong yugto naman ay umaabot ng ilang taon bago tuluyang matapos. Kaya inaasahan ng Janssen Company na makakalap ng resulta sa pagsusuri sa loob ng isang taon o kaya ay buwan kung magkakaroon ng humigit kumulang sa 60,000 katao ang isasalang sa pagsusuri. Sa ika-apat na yugto naman kung saan nasasaklaw pamantayan sa pag-aaproba at pagbibigay ng lisensya kung mapagtatagumpayan na malampasan ang ikatlong yugto. Dito nakapaloob ang mga organisasyong pandaigdigan na nagsasabatas sa pag-aaproba tulad ng European Commission o ang U.S Food and Drug Association (FDA). Ang lahat ng datos mula sa mga pagsusuring klinikal ay masusing pinag-aaralan kung ito ba ay tiyak na ligtas at epektibo. Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang pinal na hakbang sa paggawa ng bakuna. Marapat umanong tiyakin ng mga ahensiyang ito na panatilihing sa maayos na kalidad mula sa produksyon hanggang sa pamamahagi nito. Kaya wala pa ring Sa kasalukuyan, mayroong higit 200 iba’t ibang bakuna ng COVID-19 na isinasagawa sa buong mundo. Ilan sa mga ito ay nasa kategorya na ng clinical trial sa tao. Mayroong anim na kailangan tandaan sa kung paano isinasagawa ang paggawa ng bakuna kontra covid 19. Una, sapat na kaalaman sa virus at pinagmulan nito. Pangalawa, dapat i-isolate ang live virus bago ito pahinain para tiyakin na itong modified virus o vaccine candidate ay makalikha ng immunity sa tao. Pangatlo, pre clinical testing sa mga hayop. Pang apat, Clinical testing sa mga tao. Sa kategoryang ito, nasa isang dosenang participants lang muna ang itetest sa Phase 1, mahigit isang daan sa Phase 2 at mahigit isang libo sa Phase 3. Panglima, Kailangan ito ay aprubado ng mga tagapamahala lalong lalo na ng World Health Organization (WHO). Pang anim, nakapaloob dito ang produksyon ng naturang vaccine kapag ito ay pasado sa mga safety tests na ginawa. Nangangailangan din ng Quality control sa pag produce ng naturang vaccine.
Mula sa: https://viruscorona.org/the-race-for-a-covid-19-vaccine
naririnig sa ngayon mula sa mga kompanya tungkol sa tiyak na kasagutan kung kailan maipamamahagi ang mga bakuna. Pero inaasahan na mayroon nang bakuna sa susunod na taon, kasabay ito ng pag-anunsyo ng ilang kompanya sa positibong resulta ng kanikanilang phase three clinical trials, ito ay ang Pfizer at Moderna. Samantala, patuloy pa ring minomonitor ang kalidad ng mga gamot nang sa ganon ay mapangalagaan ang kaligtasan ng indibidwal na maaaring gumamit nito. Para sa nakararami, ang bakuna ang siyang tanging inaasahan na makakapagbigay ng tuldok sa mas lumalalang kahirapan ngayon sa daigdig na dulot ng COVID-19. Nakapanlulumo, sa ngayon ay wala pang tiyak na kasagutan kung anong petsa ng buwan o oras maipamamahagi ang lunas sa pandemyang ito, higit na makabubuti kung mas paigtingin natin ang ating pagiingat at paunlarin ang ating kaalaman.