THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.60 NO.1 OCTOBER 2020

Page 50

FILIPINO | TEKNOLOHIYA

Ang Bukas na Naghihintay sa Masusing Pagsusuri Isinulat ni Mdpn. Julius Caesar P. Alfaras at Mdpn. Jashem A. Bardies

M

aingat na tinitipon at inililipat ng isang doktor ang bawat kapsula sa bakanteng sisidlan. Bagamat halos mangatal na ang buong katawan sa matinding pagod kakababad ng ilang oras sa pagsusuri ng laman nito at pagpipihit ng makina upang makakalap ng datos na maaaring makatulong sa pagsugpo ng pandemya ito. Pilit paring pinatitibay ang loob sa pag-asang matutuldukan na ang mabilis na paglobo ng bilang ng mga binabawian ng buhay dahil sa sakit na hanggang sa ngayon ay wala paring tiyak na kasagutan kung kailan ito tuluyang maglalaho. Nasa kalagitnaan na ang gabi, kadalasan sa mga oras na ito ay marami na ang mahimbing na natutulog sa kanilang mga tahanan. Subalit para sa mga manggagamot at mga espesiyalista na siyang katuwang sa pagsugpo sa nakakahawang sakit dulot ng Coronavirus Disease o COVID-19. Napakalaking hamon ito para sa kanila na tuldukan ito. Kasalukuyan ang lunas sa nakahahawang sakit na ito ay mariin nilang pinagtutulungang malikha sa lalong madaling panahon. Kinakailangan ng masusing pag-aaral na kadalasan ay umaabot ng mahabang panahon para lamang matiyak na ito ay ligtas at epektibo. Sa paggawa ng bakuna, kinakailangang

makompleto ang mga yugto sa paglikha nito. Ang mga bansang nakapaloob sa World Health Organization (WHO) ay aktibong nakikiisa para mas mapadali pa ang proseso. Sa unang yugto, isinasaalang-alang dito ang kaligtasan at ang wastong dosis na ibibigay sa mga nagbulontaryong sumailalim sa masusing pag-aaral. Dito nakapaloob ang paguturok ng bakuna sa mga kwalipikadong indibidwal ukol sa masusing obserbasyon na kadalasan ay aabot sa 20 hanggang 80 katao upang suriin ang kaligtasan at tukuyin ang epekto nito sa immune system ng tao. Habang sa ikalawang yugto naman, dito inaalam ang pinakaepektibong dosis na

Mga larawan sa paglikha ng bakuna. | Mga larawan mula sa World Health Organization (WHO)

48 THE DOLPHIN | UNRAVEL


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.