4 minute read
SINING
FILIPINO | SINING
Binhi ng Malikhaing Kaisipan: Saan mo Itatanim?
Advertisement
Isinulat at mga larawan ni Mdpn. Niño B. Maldecir
Napatunayan sa mahabang panahon
na ang sining ay kaakibat na ng tao sa maraming bagay. Mangyaring ito’y sa pakikibaka, pagtataguyod ng kamalayan, pagsasabuhay ng kaisipang malikhain o maisulong ang pamumuhay sa mas maayos na paraan. Naging bahagi ng ating buhay ang sining san man dako tayo mapunta, at kung minsan ay ito ang siyang nagbubukas ng pinto sa mga panibagong landas upang ating mapagtanto na maari tayong makalikha ng kakaibang mga bagay.
Bagamat napakaraming aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng pandemya at hindi mabilang ang mga naudlot na pangyayaring sa ating nakasanayan, ang sining ang patuloy na humihinga at naghihintay na muling mapansin ng madla. Kailangan lamang ng bukas na isipan upang maihulma ang isang matatag na pundasyon sa isang produkto na maaring makapagpabago sa ating estado. Mangapa man sa unang mga hakbang at hindi tiyak ang kahahantungan ng pakikipagsapalaran, hindi mawawala ang posibilidad ng isang mayabong na resulta. Isang halimbawa nito ay si Gino-ong Ranel Encanto. Dating namamasukan sa isang patubigan sa
Guimbal, Iloilo na siyang nag susuply ng tubig sa buong bayan. Ayon sa kanya, maayos at nakararaos naman sa pamumuhay ng kayang pamilya bago dumating ang pandemya. Natutugunan ng maayos ang mga panangangailangan at kahit papaano’y naitataguyod niya ang kanilang pangarap na mag-aama. Ika’ niya lahat tayo ay hindi handa sa sakunang ito. Tila nagulantang ang karamihan sa dinadanas natin ngayon at hindi alam kung sa anong paraan matatapos ang suliranin natin sa virus na ito. Walang iksaktong petsa kung kailan ito mahahanapan ng lunas upang maipagpatuloy natin ang nakaligtaan mga buhay. Kasabay nito ay ang naging epekto sa ating trabaho ng bawat isa sa atin. Si Ranel ay isa lamang sa mga patunay na ang pandemiya ang mas lalong nagpabigat sa mga pansanin na kinakaharap natin.. Napag-isip-isip niya na kailangan niyang kumita ng ekstra upang matustusan ang mga pangangailangan nila sa loob ng bahay sa gitna ng pandemiya, lalonglalo na sa pagkain. Sa tulong ng social media ay kanyang naobersabahan na nauuso ang iba’t-ibang tanim at palitan nito. Kaya’t naisip niyang lumikha ng isang produkto na tiyak tatangkilikin ng mga plantito’t plantita; yaong mga taong interesado sa pagbebenta at pangongolekta ng mga halaman at bulaklak. Niyaya niya ang kanyang asawa at nagsimula silang maghanap ng mga lumang mga damit, tela at
Ilan sa mga gawang paso ni Ranel Encanto.
PROSEO NG PAGGAWA NG PASO
Ibabad ang tela sa semento na may tubig Ilagay sa hulmahan na cup at ipatong sa bote ng beer
Lagyan ng mga metal sa gilid para magkaroon ng hulma Patuyuin lang sa araw hanggang sa tumigas ibang pang pwede gawing hulmahan at katawan ng kanilang mga produkto — ang paso o “flower pots”. Nang makakolekta na sila ng tamang bilang, nagumpisa silang maghulma ng ng iilan upang ipinost ito sa kanilang mga facebook accounts. Hinikayat nila ang kanilang mga kakilala na ishare ito lalo na sa mga nagbebenta online. Ginagawa ang mga pasa na ito sa pamamgitan ng pagbababad ng lumang tela o damit sa hinalong semento at tubig. Ito ay nilulublob ng maagi at inilalagay sa lagayan ng cup noodles na nakapatong sa bote ng beer. Ito ang magsisilbi pormas sa paso na siya namang kakabitang ng metal fittings o bakal upang makuwa ang hulma sa oras na matuyo ang mga tela. Pagkatapos ibilad ang mga flower pots ay tatanggalin ito sa kanilang mga pormas at lalagyan ng pangalawang patong ng semento upang tumibay. Saka lamang ito pipinturahan muli kapag natuyo, at pwede na itong maibenta sa murang halaga. Pinagpatuloy lang ito ni Ranel hanggang sa mapansin ito unti-unti ng mga taong mahihilig sa halaman. Dumami ang mga umo-order kay Ranel sa nagdaang mga linggo at buwan dahil sa abot-kayang presyo nito. Iba’t-ibang disenyo rin ang maaring mapagpili-an na nagtataglay ng samu’t saring kulay. Tugmang-tugma din ang kanilang mga gawa sa halos lahat ng klase ng tanim at halaman ayon sa laki. Sa ganitong lagay sila nakakukuwa ng maraming suki na maramihan kung kumuwa ng kanilang mga produkto Mapanghamon ang panahong ito para sa ating lahat. Ang siyang makakaisip ng mga paraang natatangi na siyang aagapay sa kanyang katayuan sa lipunan ay hindi lamang matalino kundi likas na malikhain. Ikaw, kung bibigyan ka ng binhi ng kaisipan upang mapagtagumpayan ang buhay, saan mo ito itatanim?
Lagyan muli ng semento na may halong tubig ang labas ng paso Patuyuin muli sa araw
Pinturahan ng iba’t ibang kulay