THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.60 NO.1 OCTOBER 2020

Page 44

FILIPINO | SINING

Binhi ng Malikhaing Kaisipan: Saan mo Itatanim? Isinulat at mga larawan ni Mdpn. NiĂąo B. Maldecir

N

apatunayan sa mahabang panahon na ang sining ay kaakibat na ng tao sa maraming bagay. Mangyaring ito’y sa pakikibaka, pagtataguyod ng kamalayan, pagsasabuhay ng kaisipang malikhain o maisulong ang pamumuhay sa mas maayos na paraan. Naging bahagi ng ating buhay ang sining san man dako tayo mapunta, at kung minsan ay ito ang siyang nagbubukas ng pinto sa mga panibagong landas upang ating mapagtanto na maari tayong makalikha ng kakaibang mga bagay.

42 THE DOLPHIN | UNRAVEL

Bagamat napakaraming aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng pandemya at hindi mabilang ang mga naudlot na pangyayaring sa ating nakasanayan, ang sining ang patuloy na humihinga at naghihintay na muling mapansin ng madla. Kailangan lamang ng bukas na isipan upang maihulma ang isang matatag na pundasyon sa isang produkto na maaring makapagpabago sa ating estado. Mangapa man sa unang mga hakbang at hindi tiyak ang kahahantungan ng pakikipagsapalaran, hindi mawawala ang posibilidad ng isang mayabong na resulta. Isang halimbawa nito ay si Gino-ong Ranel Encanto. Dating namamasukan sa isang patubigan sa


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.