7 minute read
MAKATAONG KAWILIHAN
FILIPINO | MAKATAONG KAWILIHAN
Daan Pabalik sa Paglalayag ng Isip at Kapalaran
Advertisement
Isinulat ni Mdpn. Julius Caesar P. Alfaras Guhit ni Mdpn. Vincent Jay A. Vigo
Ang mga ibon mula sa silangan ay sama-samang lumilipad patungo sa kulay kahel na kalangitan. Habang matatanaw ang haring araw na unti- unti nang namamaalam, sa likod ng mga matang nakapirmi sa malawak na karagatan, kasabay nito ang pagdalaw ng mapait na nakaraan — hindi sinasadyang tumagos sa mga butil ng luha at humalo sa nagdadalamhating alon sa dalampasigan. Araw ng Linggo, hindi pa man Limampiso sa kada Gallon na kanyang mapupuno nagbubukangliwayway, dose-dosenang Gallon ng ang ibinibigay ng mga residente sa mamang patuloy tubig-tabang ang naghihintay kay Mang Anacito Padillo na ibinabangon ang sarili mula sa paghampas ng alon o mas kilala bilang Mang Sitong upang masidlan ito. sa kanyang buhay. May mga pagkakataon na hindi Katumbas nito ang kakaunting halaga na malilikom maiwasang mag-alala ng mga residente sa bayan ng niya sa bawat sisidlan na kanyang mapupuno mula sa Sofronio, Palawan, lalo na sa tuwing may bumibisitang bawat kabahayan. Gamit ang sariling lakas at pawis, pulis o sundalo. Tiyak magkukulong na naman si matiyagang binabaybay ni Mang Sitong ang daanan Mang Sitong sa mumunti niyang kubo na kung minsan papunta sa balon. Kung gaano kapayapa at kababaw umaabot umano ng ilang araw na tila mailap at hindi nito ay siya ring kaibayo ang gulo at lalim ng mga ala-ala mapalagay. na bumabagabag sa kaisipan dulot ng mga sugat na pilit Mga inanod na parte ng kahoy at baging sa ikinukubli ng nakaraan na hindi parin naghihilom baybayin ang pinagtatagpi-tagpi at pinagdudugtong-
dugtong ni Mang Sitong upang gawin itong bahay na para sa kanya ay higit pa sa halaga ng matatawag na tahanan. Bagaman ginugugulan man niya ito ng pagmamahal upang mabuo ang kamalig na nagsisilbing kanlungan niya sa matagal na panahon, minsan nasisira ito lalo na sa mga panahong nangangalit ang karagatan. Hindi maiwasang makadagdag sa kadiliman ng kanyang buhay ang rumaragasang daluyong na umaabot sa silong ng kanyang munting tahanan. At sa dagliang pagdalaw ay siya namang paglamon ng karagatan hanggang sa wala ng matira kundi takot at pangamba. Humigit-kumulang sa 35 taon na ang nakalipas nang dumating sa bayan ng Sofronio si Mang Sitong. Ayon sa mga residenteng malapit sa kanya, mayroon naman itong mga nakasama nang namalagi siya sa kanilang lugar. Minalasakitan lamang umano nila si Mang Sitong nang makita ito sa ibang lugar sa nakahahabag nitong kalagayan. May mga bahid umano ito ng karahasan sa katawan at hindi gaanong nagsasalita na tila dumaan sa matinding pagpapahirap mula sa kamay na bakal. Kung kaya hindi naging madali para sa kanilang tukuyin kung saang lugar nga ba nagmula si Mang Sitong at kung bakit nga ba ito labis na nababalisa sa tuwing may mga pulis o sundalong nagagawi sa kanilang lugar. Subalit kahit gaano man kailap ang katotohanang pilit na kumukubli sa madilim na parte ng nakalipas na mga panahon, makahahanap pa rin ito ng daan pabalik dala ang liwanag na magiging tanglaw patungo kung saan man nararapat itong mamalagi. Isa si Lola Teresita B. Arroyo sa mga residenteng matiyagang nagmalasakit kay Mang Sitong. Ayon sa kanya, minsan umano ay mayroong nababanggit si
Kalimitang ginagawa ni Mang Sitong sa dalampasigan
Mang Sitong sa kanyang mga pagmumuni-muni tungkol sa kanyang nakaraan tulad ng mga detalye ukol sa kanyang pamilya. Noong una ay mailap ito at bihira lamang kung sumagot. Ngunit hindi kalaunan ay dahil sa lubos na pagmamalasakit ng mga residenteng naroon ay naibsan ang takot at pangamba na ikinikimkim ni Mang Sitong. Nagbigay daan ito upang mapagtugma-tugma ng mga residente ang mga mahahalagang bakas na magsusuyod sa kanyang buhay na tila isinulat sa tubig. Mga detalyeng tumutukoy sa kanyang pagkakakilanlan at kung bakit nito dinaranas ang buhay ng nag-iisa, malayo ng daan-daang milya mula sa mga mahal nito sa buhay. Malimit umano na lumalabas sa mga labi nito ang naiwang pamilya na kung minsan naiisip niya kung buhay pa ba sila o nasa maayos na kalagayan. Lalo na’t alam niya na ang paglayo sa kanyang pamilya ay hindi niya kagustuhan. Nunit sa bangkang papalapit lulan si Kamatayan ang labis na nag-udyok sa kanyang paglayo sa pampang, malayo sa matalim na tabak na hawak nito na tiyak magsusundo sa kanya at sa kanyang pamilya patungo sa kabilang-buhay. Subalit tila pati ang katinuan at kaisipan ni Mang Sitong ay labis na nilamon ng matinding takot kaya maging siya mismo hanggang sa ngayon ay pilit na tumatakas mula sa bingit na kamatayan. Ngunit ang likas na tapang ng tao ay nanghihina din. Hanggan sa ang namamanglaw na lakas ng loob ay tila sumabog na nagmitsa upang mabigyan ng kaliwanagan ang lahat. Sa kabila ng takot at ang kakarampot na ningas ng katapangan, naglakas-loob si Mang Sitong na humingi ng tulong upang muling bagtasin ang daan pabalik sa nakaraan. Dito hiniling ni Mang Sitong sa apo ni
Lola Teresita na si Ginang Joviann Magbanua Badenas na balikan ang yugto ng kanyang buhay. Dito na rin nabigyan ng pagkakataong mabulgar ang ilan sa mga maaaring maging daan upang siya ay muling makabalik sa kanyang naulilang pamilya. Napag-alamang si Mang Sitong na sa tinagal-tagal na panahong ay isa palang Antiqueño. Mayroon umano siyang naiwan na mga mahal sa buhay kabilang dito ang kanyang nakababatang kapatid at ang kanyang asawa’t mga anak. Naging madali ang paghahanap sa pamilya ni Mang Sitong ng may magkompirma na pamilya na si Mang Sitong o si Anacito Padillo ang nawawalang mangingisda noong dekada ‘80. Nitong Mayo ngayong taon, nabigyan ng pagkakataong matupad ang kahilingan ni Mang Sitong na makauwi sa kanyang pamilya sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng Sofronio, Palawan. Ito ay sa pamamagitan ng ayudang ibinigay sa kanya nang mailista siya sa isa sa makakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP). Walang mapaglagyan ng saya si Mang Sitong habang masayang binibilang ang mga salaping kinita mula sa pag-iigib ng tubig. Subalit nangangamba ang mga residente na baka ang binubuong kasiyahan ni Mang Sitong ay biglang maglaho na parang bula sa oras na susunduin na siya ng kanyang pamilya lalo na kung may mga awtoridad na umaali-aligid. Kaya mariin nilang inabisuhan ang pamilya ni Mang Sitong na huwag sumama ng mg armadong tao. Lingid sa kaalaman ni Mang Sitong na mayroong asumsyon ang pamilya nito sa dahilan ng kanyang pagkawala. Malakas ang kanilang hinala na ang pagtayo niya bilang saksi sa isang kaso noon ang pinag-ugatan ng lahat ng pangyayari sa kanya. Ayon sa kasamahan ni Mang Sitong na nakakita sa kanya bago siya mawala, may grupo ng mga armadong tao ang humarang at nambugbog sa kanya na halos ikamatay na niya dahil sa mga tinamong sugat at pasa sa katawan at matapos nito, basta na lamang siya itinapon sa isang basurahan na tila isa siyang walang kwentang bagay. Bagama’t malakas ang kanilang kutob batay sa takbo ng mga pangyayari, kakatwa’t walang matibay na patotoo na maaaring tumuro sa hindi makataong gawain ng may sala. Minabuting pinatingin ng pamilya ni Mang Sitong ang kanyang kalagayan at kondisyon sa espisyalista sa pag-iisip sa bayan ng Pototan, Iloilo kung bakit tila wala itong matandaan sa kanyang nakaraan bagaman nakakausap naman ito ng matino. Mahirap pang matukoy ang totoong kundisyon ni Mang Sitong sa ngayong dahil hindi pa siya nakababalik sa espesyalista para sa mas masusing gamutan at obserbasyon dahil sa nangyaring Pandemya. Mahirap mang tanggapin na ang bakas ng sugat ng kahapon na bumaon sa kailaliman ng puso at isip ay malabo ng mabigyan pa ng pagkakataong takpan at maialis ang marka. Sapagkat ang sugat na lumipas na ay malabo ng maghilom kung ito pa ay uungkatin. Kaya mas mabuting hayaan na lamang na kusa itong maglaho kagaya ng mga ala-alang nabura na nagdudulot ng pagluha at matinding takot.
Kalunus-lunus na larawan ni Mang Sitong. Larawan mula kay Joviann Magbanua Badenas
ANG PUNDASYON NG KARAPATANG PANTAO
Ang mga karapatang pantao ay pamantayang moral o kaugalian na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang ang karapatan ay likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan. Karaniwang nauunawaan bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan “na nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya” at “na likas sa lahat ng mga tao”, anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon, lahi, o anumang iba pang kalagayan.
Angkop ito saan man at kailanman sa diwa ng pagiging pansansinukob, at ito’y pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay nito sa lahat. Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng batas, at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang panto ng iba. Karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari; halimbawa, maaaring kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.
Mula sa: https://brainly.ph/question/1279990