THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.60 NO.1 OCTOBER 2020

Page 47

FILIPINO | MAKATAONG KAWILIHAN

Daan Pabalik sa Paglalayag ng Isip at Kapalaran Isinulat ni Mdpn. Julius Caesar P. Alfaras Guhit ni Mdpn. Vincent Jay A. Vigo

A

ng mga ibon mula sa silangan ay sama-samang lumilipad patungo sa kulay kahel na kalangitan. Habang matatanaw ang haring araw na unti- unti nang namamaalam, sa likod ng mga matang nakapirmi sa malawak na karagatan, kasabay nito ang pagdalaw ng mapait na nakaraan — hindi sinasadyang tumagos sa mga butil ng luha at humalo sa nagdadalamhating alon sa dalampasigan. Araw ng Linggo, hindi pa man nagbubukangliwayway, dose-dosenang Gallon ng tubig-tabang ang naghihintay kay Mang Anacito Padillo o mas kilala bilang Mang Sitong upang masidlan ito. Katumbas nito ang kakaunting halaga na malilikom niya sa bawat sisidlan na kanyang mapupuno mula sa bawat kabahayan. Gamit ang sariling lakas at pawis, matiyagang binabaybay ni Mang Sitong ang daanan papunta sa balon. Kung gaano kapayapa at kababaw nito ay siya ring kaibayo ang gulo at lalim ng mga ala-ala na bumabagabag sa kaisipan dulot ng mga sugat na pilit ikinukubli ng nakaraan na hindi parin naghihilom

Limampiso sa kada Gallon na kanyang mapupuno ang ibinibigay ng mga residente sa mamang patuloy na ibinabangon ang sarili mula sa paghampas ng alon sa kanyang buhay. May mga pagkakataon na hindi maiwasang mag-alala ng mga residente sa bayan ng Sofronio, Palawan, lalo na sa tuwing may bumibisitang pulis o sundalo. Tiyak magkukulong na naman si Mang Sitong sa mumunti niyang kubo na kung minsan umaabot umano ng ilang araw na tila mailap at hindi mapalagay. Mga inanod na parte ng kahoy at baging sa baybayin ang pinagtatagpi-tagpi at pinagdudugtong-

UNRAVEL

| THE DOLPHIN 45


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.