The Dolphin Magazine Volume 61 No. 1 (Transitions)

Page 40

|

KULTURA

|

Sa mga Kamay ni Ante Kuwentong Ipinalaglag at Ipinanganak ISINULAT NI MDPN. JOHN ROVIC LOPEZ MGA LARAWANG KUHA NI MDPN. MARK JOSEPH ALOVERA

P

amilyar na sa kaniya ang mga mata ng pasyente niyang iyon. Ngunit may bago sa mga tingin nito. Takot. Pangamba. Paghihinayang. Sa mga panahong iyon, alam na niya ang pinunta ng babae. Hinawakan niya ito sa kamay, pinaupo, at kinausap ng maigi. Matagal na niyang itinigil ang kakaibang pagtulong niya. Matagal na niyang inihinto ang pagpapalaglag. Bihira na sa ngayon ang umabot sa edad na 93-anyos tulad na lamang ni Manuela Lanaria o mas kilala sa palayaw niyang Ante Awel. Kung tatanungin siya kung ano nga ba ang sekreto sa mahabang buhay, kadalasan niyang sagot ay ang wastong pagkain, tamang ehersisyo, at sapat na pahinga. Ngunit kung bakit siya nagtagal sa ganitong edad na walang malubhang karamdaman ay marahil na rin sa biyaya ng Diyos sa kanya sa pagtulong sa pagpapaluwal ng hindi mabilang-bilang na buhay. Tumandang dalaga si Ante. Ang tanging karamay niya lamang ay ang kaniyang tungkod at ang pamangking si Joe na nagtatrabaho sa bukid. Hindi man siya biniyayaan ng asawa at anak, maituturing niya pa rin ang sarili bilang ina dahil na rin sa kaniyang trabaho bilang komadrona. Nagsimula siyang maging paltera o lokal na komadrona sa napakamurang edad

40

The DOLPHIN | NOVEMBER 2021

pa lamang. Naging katulong siya ng kaniyang lola sa pagpapaanak noon kahit na siya’y sampung taong gulang pa lamang. Nang lumaon ay natutunan niya na rin ang tamang pagpapa-anak at mga peligrong maaaring mangyari sa panganganak ng babae. Naging mas pamilyar pa siya sa katawan ng babae. Siyang naging dahilan na kahit nakapagtapos siya bilang guro, ay mas malapit pa rin sa kaniyang puso ang pagiging komadrona. “Marami na akong natulungan sa pagpapa-anak. Kaya siguro biniyayaan ako ng Panginoon ng mahabang Buhay,” dagdag pa niya. Nang ‘di nagtagal ay nagawaran si Ante ng sertipiko bilang kasapi ng programa noong Trained Hilots. Dito nya natutunan ang paghilot sa mga buntis. At dahil na rin lingid pa sa kaalaman ng tao noon ang mga bagay tulad ng ultrasound, ipinagkakatiwala nila ang kondisyon ng bata sa loob ng sinapupunan sa

hilot. Sa katunayan, kadalasa’y tama ang pagsusuri ng mga paltera—sa posisyon man ng bata sa sinapupunan o kahit na ang kasarian. Walang partikyular na halagang sinisingil si Ante Awel sa kaniyang mga pasyente. Kahit pa man sentimo o ilang piso lang ang ibinabayad sa kaniya noon ay tinatanggap niya pa rin bilang pasasalamat. Para sa kaniya, mahirap tumanggi sa mga nangangailangan ng tulong lalong lalo na sa kapwa niya babae. Sa kagustuhan niyang makatulong sa iba’t-ibang pasanin ng kababaihan, sinubukan niya na ring pasukin ang trabaho ng isang aborsyonista. Kahit pa man alam niya noong mali ito sa batas ng lipunan natin at sa batas ng Diyos, nangibabaw sa kaniya ang awa sa mga kababaihang naging biktima ng maling desisyon at kahit na ng mga pananamantala sa kanila. “Sila ang kusang lumalapit sa akin.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

The Dolphin Staff Page

1min
pages 58-59

Editor's Note | Editorial Board | Acknowledgements

2min
page 3

About the Cover | Editorial Policy

1min
page 2

Lacsonian Narratives | Echoes of a Calm Sea

5min
pages 63-65

Lacsonian Narrative | Into the Rough Seas of Life

8min
pages 60-62

Film Critique | Sun, Sea, Unspoken Lovers

2min
pages 56-57

Film Critique | Unveiling the Prism Within

3min
pages 54-55

Film Critique | Everything Fleeting but Ceaseless

3min
pages 52-53

Film Critique | Dandansoy’s Unforgotten Melody

2min
page 51

Makataong Kawilihan | Ang Bukas sa Malalim na Kaalaman

5min
pages 47-48

Kultura | Tindahang Deklik

4min
pages 45-46

Pagkain | Balat ng Ibos

3min
pages 43-44

Kultura | Sa mga Kamay ni Ante

6min
pages 40-42

Technology | Out with the Old, In with the New

5min
pages 37-38

Cover Story | Spectrum: Through the Looking-Glass

7min
pages 34-36

Arts | Paint Walls to Break Walls

3min
pages 30-31

DevCom | Grand Estuary: Connecting Origins to Progress

7min
pages 26-28

Technology | Sailing Towards a Greener Future

4min
pages 24-25

DevCom | The Colors of the Brave

7min
pages 21-23

Investigative | Recordando el metro; (Reminiscing the metro)

6min
pages 18-20

DevCom | Jalaur River: Where the Life of Panay Flows

5min
pages 15-17

Tourism | The Forsaken Edifice Buds Anew

6min
pages 12-14

Culture | A Thousand Yards

4min
pages 10-11

Environment | Foul Problems Require Foul Solutions

5min
pages 8-9
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.