|
PAGKAIN
|
DARAPUGAN. Inihahanda ni Girly ang kaniyang mga online orders na ibos sa kanilang online store na “Darapugan”.
Balat ng Ibos Istorya ng Lagkit at Ligaya
ISINULAT NI MDPN. JOHN FRANCIS BABIERA MGA LARAWANG KUHA NINA MDPN. JOHN ROVIC LOPEZ AND MDPN. MARK JOSEPH ALOVERA
O
rder dito, order doon. Abalang-abala siya sa lahat ng mga mensahe sa Facebook. Patuloy ang pagpasok ng mga text at tawag patungkol sa kanyang sikat na Ibos – isang uri ng kakaning Ilonggo. Patuloy na hinahanap-hanap ng parokyano ang mga luto sa kusina ng Darapugan ni Girly Lopez 43 taong gulang na ina sa bayan ng Calinog. Tagaktak man ang pawis mula sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto, hanggang sa pagbalot ng mumunting suman, ay mas pipiliin niyang magtrabaho rito kaysa sa pinapasukan sa ibang bansa – magisa, malungkot at malayo sa pamilya. “Kung hindi sumapit ang pandemya, malamang naroon pa rin ako sa Lebanon at nagluluto para sa ibang lahi,” ani ni Girly. Sa piling ng kaniyang mga anak, dito ay maaari siyang masimula muli, sa kusina na bumubusog sa kanila. At sa pamamagitan
ng Social Media, mas marami ang naaabot ng kanilang kusina. Habang nasa ibang bansa, ipinatikim niya ng ang Ibos ang kanyang mga Lebanese na mga amo. Sabi nila nakakaumay rin kapag palaging lutong adobo, sinigang at iba pang tipikal na pagkaing Pilipino ang kanilang natitikman. At dahil, bihasa siya sa paggawa nito, nais niya ring ipakilala sa kanilang panlasa ang linamnam ng ibos. Hanggang kalaunan, ito ay kanilang nagustuhan at patuloy na hinahanap hanap.
Matrabaho ang paggawa ng Ibos, lalong-lalo na sa pagbabalot nito. Kilala ang Ibos dahil sa kakaiba at detalyadong paraan ng pagbabalot – malalaman mong ibos kapag nakatitirintas ng bagong dahon ng niyog. Tinaguriang ito ang Ilonggo na bersyon ng suman dahil sa likas at partikular nitong lasa. Ito ay tinitinda sa isang bigkisan na may lima hanggang walong piraso, – na talaga namang mauubos sa isang upuan lamang. Mabigat sa tiyan ang ibos. Noong araw, ito ang palaging baon ni Girly papun-
The DOLPHIN | NOVEMBER 2021
43