|
KULTURA
|
Tindahang Deklik ISINULAT NI MDPN. JOHN FRANCIS BABIERA MGA LARAWAN MULA SA www.bogots.com at www. beamstart.com
T
irik na tirik na ang araw at at sumisilip na sa mga bintana ang imahe ng bakurang nadiligan kaninang umaga. Hindi ka pa nakaligo ngunit sa bawat oras na lumilipas ay inaantay ang pagdating ang parokyanong nakapulang motor. Kaniyang kabisado ang pasikot-sikot na eskinitang papunta sa inyong kinatitirahan.
Pagdating, ikaw ay kaniyang tinawagan upang kunin ang parcel na nakabalot sa pulang plastic. Iyong inabot ang Php 249 mong dala, ikaw ay kanyang kinunan ng litrato sa iyong damit-pantulog at siya ay lumisan – umaasang makikita kang muli sa susunod niyang pagdedeliber. Sa pagsisimula ng pandemya, lahat ay nag-aalala kung paano mapagpapatuloy ang buhay. Ang mistulang mga pamilihang kay sigla, ay pinamahayan ng alikabok sa ilang linggong lockdown sa mga siyudad at probinsya sa Pilipinas. May mga produkto at serbisyo sana na madaling mapapasaabot-kamay kung wala sanang mga restriksiyon dulot nga pan-
sa koleksyon ng mga bagay na hindi naman gaanong kailangan ngunit naeenganyong bilhin. Ito ang sitwasyong labis na makikita saang sulok kaman ng bansa. Ang pagiging birtwal ng mga tindahan ay labis na kapaki-pakinabang sa mga negosyante. Mas lumalawak ang kanilang naaabot. Lalo’t lalo na, sa Pilipinas mo makikita ang pinakamaraming internet users sa buong mundo. Ayon sa tala ng Hootstuite Social Media Management Firm, mayroong 73.91 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet nito lamang Enero 2021. Nasa dalawang katlong (2/3) bahagi ito ng kabubuang populasyon sa Pilipinas – ma-
demya. Ngunit sa simula rin ng pandemya ay tila napaamo ng mga online shops ang mga Pilipino na parang tutang uhaw na uhaw sa amoy ng kaniyang mga luho. Minsan hindi mo namamalayang inabot ka nang umaga, kadadagdag
sasabing sa bilang na ito malaking parte rito ay nakakikipagkomersyo online.Maraming pakinabang ang pamimili online tulad na lamang ng ginhawa mula sa pag-commute o pagpunta sa mga merkado, at ang laya sa pamimili ng samu’t saring tipo ng produkto. Mas mura rin
Ayon sa datos:
Shopee
54.6 M Lazada
38.3 M beses na pagbisita sa loob ng isang buwan.
Dalawa lamang ito sa maraming applikasyon at website napinagpipyestahan ng mga negosyante at mga mamimili sa gitna ng pagsasara ng pampublikong merkado.
The DOLPHIN | NOVEMBER 2021
45