Daloy Kayumanggi 2013 December

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.2 Issue 30 December 2013

www.daloykayumanggi.com

Dk contribution

Buhay Gaijin

6

travel

Koyo in Osaka

SHOWBIZ

Stronger Sarah

15

23

GLOBAL BAYANIHAN ALIVE

A SEA OF LIGHTS: People can't help but marvel and be amazed at the captivating Illumination, a staple winter attraction nationwide, like this one at the Roppongi Hills in Tokyo. (Photo by Herlyn Gail Alegre)

I

sang matinding trahedya ang idinulot ng Donation drive ng mga estudyante, Canada, inudyukan ang mga mamayanan bagyong Yolanda sa mga Pilipino, partikular na magbigay para sa Pilipinas nakalikom ng higit Y500,000 sa mga kaababayang nasa bahagi ng Kabiokyo, Japan -- Naging matagumpay ang isinagawang donudyukan ng Gobyerno ng Canada ang kanilang mga sayaan. Ngunit, sa kabila ng matinding epekto nation drive ng mga estudyanteng bumubuo ng Associamamamayan na magbigay ng donasyon para sa mga nito, litaw na litaw pa rin ang “waterproof Filition of Filipino Students in Japan (AFSJ) nang makalikom nasalanta ng bagyo sa Pilipinas. Ang malilikom na pino spirit” ng mga Pilipino, saanmang sulok sila ng Y488,584 sa loob lamang ng isang linggong pangangamdonasyon ay papantayan ng Gobyerno ng Canada, sabi ni ng mundo. panya sa mga kaibigan, kaklase, propesor at social networking Malaki ang naging bahagi ng ilang social media sa paghahatid ng ilang mga impormasyon para matulungang bumangon ang mga Pinoy na direktang naapektuhan. Kabi-kabila rin ang mga naghahatid ng kanilang mga tulong, dasal at pakikiramay. Ika ng isang Facebook user, Jonjon de Vera: “Wala man po akong maibigay na kung anumang pangangailangan nila, isa lang po ang tunay na maitutulong ko, at yan po ay ang isama ko po sila sa aking panalangin na nawa po muli po silang makabangon muli.” Sundan sa Pahina 5

TIPS

Best Gift Ideas

10

T

sites. Ayon kay Miko Nacino, MA student sa Tokyo University at kasalukuyang Bise-Presidente ng organisasyon, "kami mula sa AFSJ ay hindi inakala na makakalikom kami ng ganito kalaking pera dahil maraming ibang organisasyon ang nagsasagawa ng donation drive. Nakakatuwa kasi yung generosity ng mga tao sa akademya at unibersidad namin ay hindi matatawaran." Ang nakolektang pera ay ido-donate ng grupo sa Red Cross Philippines at sa Citizen's Disaster Response Center na isang NGO na may apat na center sa Visayas (Iloilo, Bacolod, Cebu, Leyte). Sundan sa Pahina 5

KA-DALOY

D&K Jams with Lolita Carbon

I

Christian Paradis ng Canada’s Minister of International Development.

Sundan sa Pahina 5

NTT CARD 1110

17

30mins na!!


2

December 2013

Philippine Barrio Fiesta Thanksgiving Party Idinaos

2 Nobyembre 2013 - Ipinagdiwang sa Nampeidai, Shibuya ang isang hapon ng pasasalamat at kasiyahan dahil sa matagumpay na pagdaraos ng Philippine Barrio Fiesta kamakailan sa Yamashita Park, Yokohama noong ika-28 at 29 ng Setyembre. Bahagi ng programa ang pagbibigay ng mga sertipiko at pagkilala sa lahat ng mga volunteers, sponsors, Filipino community leaders at Executive Committee members na nagtulong-tulong para mabuo ang isa sa pinakamalaking Filipino event sa Japan. Dinaluhan ng mahigit isang daang katao ang pagtitipon at pinasanayan ni Ambassador to Japan from the Philippines na si Amb. Manuel Lopez. Kinuha rin ni Ms. Jenavilla Shigemizu ang pagkakataong iyon para pasalamatan ang lahat ng tumulong at dumalo sa Barrio Fiesta 2013 na dinaluhan ng mahigit 150,000 katao.

European Nation (EU), layuning turuan ang mga OFW sa tamang pag-iipon

P

lano ng European Union (EU) na matulungan ang mga kababayan nating mga OFW na mag-ipon ng pera at gamitin ang nasabing ipon para sa ikagagaan ng kanilang buhay. Tinatayang dalawang milyon ang bilang ng mga OFW ng Pilipinas at halos $23.8 billion ang kanilang nagawang mai-remit noong nakaraang taon. At ayon sa United Nations (UN), EU at iba pang ahensya, kakaunti lamang ang natira sa pera bilang ipon ng mga OFW. Kaya naman, ang EU ay magsasagawa ng programa na aabot sa mahigit $900,000 ang halaga upang maturuan ang mga OFW na makaipon. Tuturuan din ang mga ito kung papaano magplano sa hinaharap, gamit ang perang pinag-ipunan. Ang nasabing programa ay popondohan ng EU, ngunit ang Commission on Filipinos Overseas ang siyang magtatalaga ng mga gagawin. Kasali sa programa ang pagtuturo sa mga pamilya ng mga OFW kung paano mag-invest ng savings para sa ikalalago ng komunidad. Kasali na rin sa mga ituturo ang tamang paggastos sa mga pangangailangan ng pamilya at ng mga anak ng OFW.

US, poprotektahan ang mga Pilipinong manggagawa

N

agkaroon ng partnership agreement ang US Department of Labor (DOL) at ang Philippine Consulate General para protektahan ang karapatan ng bawat OFW, dokumentado man o hindi, na naninirahan sa Estados Unidos. Ang nasabing kasunduan ay naglalayong turuan ang mga Filipino migrant workers tungkol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas ng US. Layunin din nito na pigilan ang mga pang-aabuso sa lugar ng trabaho, at maintindihan ang responsibilidad ng empleyado at employer sa ilalim ng US Fair Labor Standards Act. Ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa California, Nevada, New Mexico, Arizona at Texas ang unang mabibigyan ng training, partikular na sa mga nagtatrabaho sa ospital, agrikultura at iba pang industriya. Ang kasunduan ay kauna-unahan sa pagitan ng US DOL at ng isang bansa sa Asya. Dahil dito, inaasahang ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa US ay mas magiging malay sa kanilang mga karapatan bilang isang regular na empleyado, kabilang ang karapatan na makakuha ng tamang sahod at proteksyon sa lugar ng trabaho.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

#Relief PH Bagyong Yolanda Updates UN, tutulungan ang Pilipinas makabangon mula sa hagupit ni Yolanda

N

agpadala ng ilang grupo ang United Nations at mga kasamang ahensiya para magbigay ng assistance sa Pilipinas sa pagsusuri sa naiwang pinsala ng Super Typhoon Yolanda. Bukod sa pagsusuri, naghanda rin sila ng pansamantalang linya para sa komunikasyon habang walang kuryente at sira ang linya ng telepono. Ayon sa UN Office for Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA), batay sa ulat ng Inquirer.net, ang ilan pang organisasyon na nakipagtulungan para maganap ang proyektong ito ay ang Asia-Pacific Humanitarian Partnership, UN Disaster Assessment and Coordination, Telecoms Sans Frontier at MapAction. Dumating ang grupo noong Nobyembre 9 para umpisahan ang pagtulong sa gobyernong makagawa ng paraan para sa mga tao at masuri ang kalagayan ng mga apektadong lugar. Lumabas sa unang pagsusuri na ang Eastern Samar at Leyte ay nakaranas ng pagbaha, landslide at nasirang mga pasilidad dahil sa malakas na hangin. Ayon sa UNOCHA, ang kailangang pagtuunan ng pansin ay ang pagbibigay ng matutuluyan, pagkain at tubig at pagbabantay sa kalusugan ng mga nabiktima ng bagyo.

US Aircraft Carrier pinapunta sa Pilipinas para maghatid ng Humanitarian Assistance

I

nutusan ng US Defense Secretary na si Chuck Hagel na ipapadala sa Pilipinas ang kanilang aircraft carrier USS George Washington at ang iba pang barko upang magsagawa ng Humanitarian Assistance, ayon sa Pentagon. Ang nasabing aircraft carrier ay may humigit-kumulang 5,000 marinero at may tinatayang 80 sasakyang panghimpapawid. Ito ay may kakayahang magsagawa ng iba’t ibang tungkulin at isa na rito ang pagbibigay ng disaster relief. Ang barko at mga sasakyang panghimpapawid ay inaasahang magbibigay ng humanitarian assistance, supply ng pagkain at magsagawa ng tulong medikal na susuporta sa mga ginagawang pagtulong ng gobyerno ng Pilipinas. Humigit-kumulang na $20 million ang tulong na donasyon ng Estados Unidos at mga karagdagang tropa para sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo. Ang US Department of Defense ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas kung ano pa ang mga kakailanganin para sa mga nasalanta ng bagyo.

Estados Unidos at Great Britain nagbigay ng mensahe para sa mga nasalanta ni Yolanda

B

inigyang-pansin ng Estados Unidos at Great Britain ang resilience at katatagan ng mga Pilipino habang ipinahayag ang kanilang pag-aalala para sa mga naapektuhan ng super typhoon Yolanda o kilala rin bilang Haiyan. Ipinahayag ni John Kerry, Secretary of State para sa Estados Unidos, ang pakikiramay ng bansa para sa mga nasalanta ng bagyo. Pagkatapos hindi matuloy ang pagbiyahe ni Kerry dito sa Pilipinas dahil sa isa pang bagyo, alam ng Secretary of State na madalas sinasalubong ng Pilipinas ang malalakas na delubyo pero patuloy pa ring nakatayo ang bansa. Bukod kay Kerry, nagpahayag din ng mensahe si Asif Ahmad, ambassador ng Great Britain, para sa bansa. Ayon kay Ahmad, may isang grupo na mula sa bansa ang papunta sa Pilipinas para makita ang kailangang tulong ng mga nasalantang mga kababayan at magpapadala ng tulong pagkatapos masuri ang pangunahing pangangailangan. “Yet again the resilience of the people of the Philippines is being tested in the aftermath of Typhoon Yolanda. With our expression of concern and sorrow for the victims comes our assurance of help,” ika ni Ahmad. Pagkatapos sa Pinas, sumunod namang binayo ni Yolanda ang bansang Vietnam.


3

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Cebuanos, nagsama-sama para suportahan ang pagtayo ng bagong ospital

S

ama-samang sinuportahan ng mga residente ng Cebu ang proyekto na “Piso Mo, Hospital Ko.” Inanunsiyo ng lokal na opisyales ng Cebu ang proyekto noong Oktubre 21 para makalikom ng mahigit isang bilyon para makapagpatayo ng bagong ospital na may sapat na pasilidad na makatutulong para sa kanilang sinasakupan. Ang ospital na itatayo sa pamamagitan ng proyekto ay magiging kapalit ng Cebu City Medical Center (CCMC). Ang CCMC ay ang lokal na ospital na may tatlong palabag na nasalanta ng nakaraang 7.2 magnitude na lindol. Ang isa sa pinakamalakas na lindol na naganap

nung Oktubre 15 ay nag-iwan ng maraming nasalantang mga pasilidad at mga historikal na lugar sa Cebu at Bohol. Ang mga Cebuanong tumangkilik sa proyekto ay mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kasama ang batang nagngangalang Melissa na nagbigay ng sampung piso mula sa kanyang kinita sa pagbebenta ng refrigerator magnet. Ayon sa walong taong-gulang na bata, batay sa panayam ng pahayagang Inquirer, ibinigay niya ang maliit na halaga para makatulong sa pagtatayo ng ospital na mapapakinabangan ng mga katulad niyang mahihirap na mamamayan.

Sahod ng mga manggagawa, inaasahang tataas sa mga darating na taon

K

ung may dapat matuwa sa mga darating na taon, ito ang lokal na mga manggagawa. Ito ay sa dahilang, magkakaroon umano ng pagtataas ng sahod na inaasahang mangyayari sa susunod na taon. Ayon sa survey na ginawa ng Global Human Resource consultant ng Towers Watson, isa ang Pilipinas sa mga bansang kabilang sa Asya Pasipiko na sinasabing magtataas ng sahod sa darating na taon. Inaasahang tataas ang sahod ng mga mangagawa ng abot sa 6.9% sa susunod na taon. Ito ay dahil sa pahirapang paghahanap ng mga kumpanya ng mga bagong manggagawa at sa pangangailangang panatilihin ang mga empleyado. Ang pagtaas ng sahod ay higit pa sa mga karatig-bansa, gaya ng Hongkong, Singapore at Japan. Subalit, ang inaasahang pagtaas ng sahod ay mababa pa sa China na magtataas ng mahigit 8.5%, India sa mahigit 11% at Vietnam sa halos 11.5% na pagtaas.

4P's ng DSWD, nagawaran ng International Award

I

sang prestehiyosong award ang iginawad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanilang Conditional Cash Transfer (CCT) program, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na naglalayong mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng kahirapan sa buhay. Nakuha ng ahensya ang MY World Outreach Award for Asia Pacific and Oceania, isang award na iginagawad ng United Nations sa iba’t ibang ahensya na may layuning magbigay ng magagandang programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan nito. Ang CCT program ay nagbibigay ng tulong-pinansyal na halos P1,400 para sa pamilyang Pilipino na may tatlong anak o mahigit na nangangailangan ng medical checkup at tamang edukasyon. Ito ay naglalayong marinig ang mga hinaing ng mga mahihirap na pamilya at mabigyan sila ng tulong sa kanilang mga pangangailangan. Nitong nakaraang Hulyo, ang DSWD ay nakatanggap rin ng award galing sa US Treasury dahil sa kanilang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Service (KALAHI-CIDSS), isang programa na nakabatay sa layuning mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Sa bagong regulasyon ng DOLE, benepisyo at pasahod para sa mga trabahador ng bus companies pinabuti

Cebu Pacific, kinansel ang ibang flights para magbigay-daan sa mga humanitarian trips

N

agsagawa ng humanitarian flights ang Cebu Pacific upang mabigyang-daan ang mga humanitarian trips sa mga lugar na higit na nasalanta ng bagyo. Apat na Tacloban flights patungong Cebu ang binigyang-daan ng Cebu Pacific commercial planes para makapagdala ng mga pasahero na nastranded sa Leyte at iba pang karatig na probinsya dahil sa bagyong Yolanda. Isinarado rin ang Daniel Z. Romualdez Tacloban

domestic airport para sa mga commercial flights para magbiday-daan sa naturang mga humanitarian flights. Ang nasabing humanitarian trips ay ginawang firstcome-first-serve basis. Samantala, naunang bumalik sa normal na operasyon ang Busuanga airport para maghatid ng mga nastranded na turista sa Coron Palawan bunsod nga ng naturang bagyo.

M

ahigit 21,000 empleyado ng bus companies ang nakakakuha na ng buwanang regular na sahod at iba pang benepisyo matapos sumunod ang kanilang mga kumpanya sa panibagong regulasyon na inilabas ng Department of Labor and Employent (DOLE). Ayon sa ulat na inilabas ng DOLE, ang mahigit 10,000 mga nakatanggap ng benepisyong ito ay mga bus driver samantalang ang iba naman ay mga konduktor. Mahigit 500 kumpanya ng public utility bus ang nabigyan ng Labor Standards Compliance Cerficates (LSCC) ng DOLE regional offices mula nitong Oktubre. Ipinanukala ng DOLE ang LSCC sa pamamagitan ng Department Order No. 118-12 matapos masuri na ang mga bus driver at konduktor ay mas nahaharap sa aksidente kapag nailalagay sa panganib ang kanilang work environment. Naapektuhan ang mga ito ng kawalan ng pagsasanay sa defensive driving, pagtatrabaho higit sa kailangang oras, at komisyon na madalas ipinapanukala ng mga bus company. Ang LSCC ay mahigpit na pamantayan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kapag ire-renew ang kanilang prangkisa.


4

December 2013

M

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

Isang Oras

aligayang Pasko sa mga suki ng Daloy Kayumanggi newspaper, NTT World Prepaid Card at ng D&K Corporation. Sana ay maging mas masaya, makabuluhan at puno ng pag-ibig ang dumating sa buhay mo, suki naming mambabasa. At sa pagdating ng bagong taon, sana ay makasama kita sa patuloy na pagpapa-angat sa lahing Kayumanggi dito sa bansang Japan. Bago pa pumanaw ang taong 2013, hagilapin mo ang iyong New Years Resolution at tingnan kung ano-ano na ang nakumpleto. Marami na bang check? May maihahabol ka pa ba ngayong December? Sana hindi maging xerox copy ang iyong 2014 New Years Resolution sa 2013. Isa sa maaring mong maihabol ngayong December ang pagiging matulungin sa kapwa. Marahil, ikaw ay isa sa mga iilan na may New Year resolution na magbigay sa mga charity o simbahan. Ngayon na ang chance mo. Ngayong December, pwede pa. Ang ating mga kababayan sa Pilipinas, lalo na ang mga naapektuhan ng lindol sa Bohol at Cebu, at ng bagyong Yolanda sa Leyte, Samar, Cebu, Antique, Capiz, Aklan, Iloilo at iba pang mga probinsya, ay pilit bumabangon sa trahedyang ito. Alam ko na marami ka na ring naitulong gaya ng pagdonate ng pera, damit, pagkain at kung ano pa. Subalit sa mga ganitong sitwasyon, nangangailangan pa rin ng suporta ang ating kababayan upang maituloy ang naudlot na edukasyon ng mga bata, magtayo o magkumpuni ng bahay, o kaya magkaroon ng trabaho. Sa maliit na halaga, makakatulong ka pa rin sa kanila. Ang community ng mga Filipino sa Japan ay nagtatag ng isang Filcom Disaster donation account upang tumanggap ng iyong mga donasyon. Ang malilikom na pundo ay direktang ibibigay sa mga naapektuhan ng kalamidad. Iilan sa mga bibigyan mga grupo o community na konektado sa simbahan. Marami na ring natatangap ang gobierno ng Pilipinas kung kaya mas mainam na bigyan din ang iba pang mga grupo upang masiguro na mas malawak ang matutulungan. Filcom Disaster Donation Bank Name: MUFG bank Bank Branch: Oizumi Shiten Account Number: 350-510 0884 Account Name: Jenavilla Shigemizu Account Type: Futsu

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN NI ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio Mga karaniwa’t pangunahing pangangailangan sa disaster-affected area (mula sa Pamayanang Pilipino sa Kanto) • Ready-to-eat foods • Water at water container • Water purifier • New underwear • Blanket and towel • Hygiene kit (sanitary napkin, toothpaste, toothbrush, diaper, soap) • Power generator • Solar batteries / chargers • Portalet • Mosquito net Ang used clothing ay dini-discourage.

Ang mas mainan na ibigay na donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad sa Pilipinas

Emergency Bag

Dito sa Japan, ang mga bahay ay laging may handang emergency bag bilang paghahanda. Subalit sa Pinas, ito ay hindi pa nauuso. Kung kaya dapat na kausapin mo ang iyong pamilya at i-encourage sila na maghanda ng isang emergency bag. Ayun sa Japanese Government, ang emergency bag ay dapat may mga supplies na maaring magamit sa loob ng tatlong araw bawat tao. Ang laman ay: • Tubig (at least 4 liters per person per day, o 12 liters for 3 days) • Canned or pre-cooked foods • Sleeping bag or blanket • matches or lighter • protective clothing and footwear, underwear, rain wear, gloves and mask • first aid kit with instruction

• essential medications, eye glasses etc • c o p i e s o f I D c a r d s , p a s s p o r t s , bankbooks • cash (in small notes, coins and phone cards for public phones) • list of essential phone numbers (police (110), fire and ambulance (119), Philippine Embassy (03-55621600 or 090-9828-5335 or 03-55621607) and contact numbers of family members • P e r s o n a l i t e m s s u c h a s s o a p , tootbrush, feminine hygiene supplies, infant supplies, towels, toilet paper, mosquito repellent • paper and pen • map of your local area • string, adhesive taps • portable, battery operated radio • spare batteries

Alam ko na mahirap kumita ng pera sa Japan. Alam ko kung anong pagod, puyat at gutom ang tiniis mo. Alam ko na maliit lang ang kinikita mo kaya nag do-doble kayod ka para makapag-ipon. Kung kaya ang hinihimok namin sa iyo ang ang isang oras lamang ng iyong sweldo o baito. Mahigit 200,000 tayong mga Filipino dito sa Japan. Kapag bawat isa sa atin ay nagbigay lamang ng isang oras, tinatayang makakalikum tayo ng 20 milyong yen. Ang isang oras na donasyon mo ay parang walis tingting, mas epektibo kapag pinagsama-sama. Madali lang at hindi ito masakit sa bulsa. Huwag na munang mag starbucks o Mcdo ng isang araw. Huwag na munang magsigarilyo ng isa-dalawang araw. Huwag na munang bumili ng second hand bag na LV. Maraming paraan, ka-Daloy. Pangalawa sa maari mong maihabol na New Years Resolution ay ang pagiging handa. Huwag hayaan na ikaw lamang ang may emergency bag. Hikayatin din ang iyong pamilya sa Pinas na gumawa ng emergency bag. Tingnan sa pangalawang box kung ano ang laman ng emergency bag. Ngayong December, magbigay pasalamat tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa ating pamilya at kapwa. I-donate ang iyong isang oras para sa Pilipinas. ~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~<*))))>}~~~~~ Kung nais mong mag-donate ng isang oras, tumawag sa iyong lingkod sa 090-6025-6962 para sa karagdagang detalye. Maari ring mag-email sa erwin@daloykayumanggi.com o kaya mag-message sa Isa ding mainap na isama sa New Year Resolution ang pagkumbinsi sa pamilya at mga kaanak sa Pinas na maghanda ng isang emergency bag. aming facebook page sa www.facebook.com/daloykayumanggi.

Wanna Inspire Pinoys In Japan?

We are looking for cartoonists, writers, columnists and contributors for Daloy Kayumanggi

Contact Person: Erwin Brunio Email: erwin@daloykayumanggi.com


Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Ayon naman kay Joan Grace sa kanyang FB account: “Mangalap tayo ng mga donations like clothes, canned goods and other necessities para mapadami ang maipapadala sa nasalanta. Samahan ng prayers na sana maging ok na sila dun, maluwalhati nila matanggap ang sinapit nila, at sana lahat ng mga bnibigay na donations ay mapunta talaga sa mga biktima ng kalamidad.” Samantala, sa isa ring statement, batid ni US President Barack Obama ang katatagan ng mga Pinoy: “Michelle and I are deeply saddened by the loss of life and extensive damage done by Super Typhoon Yolanda... But I know the incredible resiliency of the Philippine people, and I am confident that the spirit of Bayanihan will see you through this tragedy.” Personalidad, ibang bansa nagbigay ng tulong Ilang mga personalidad din ang nagbigay ng kanilang pledges para sa mga biktima ng naturang super typhoon. Ilan lamang ang mga celebrities na sina Sharon Cuneta, KC Concepcion, Daniel Padilla, Angel Locsin at iba pa ang nagpahatid ng kanilang donasyon. Ilang mga programa rin sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang ginawang tulay para tumulong. Kasama rin ang iba’t ibang organisasyon at iba-ibang bansa sa mga tumulong sa mga biktima ng mapaminsalang bagyo. Ilang mga bansa ay nagbigay ng cash donations. Ang ilan naman ay mga relief at paghahatid ng kanilang mga rescue teams para magbigay ng tulong. Ilan lamang sa mga bansang tumulong ay ang mga sumusunod: Australia, Belgium, Canada , Denmark, Finland, Germany, Hungary ,Indonesia, Israel, Japan, The Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Singapore, Spain Sweden, Turkey, UAE, United Kingdom, United States at marami pang iba. Patuloy pang tumatanggap ang ilang mga lehitimong organisasyon ng mga donasyon para sa mga biktima.

5

December 2013

Pilipinas, isa sa mga investment destinations sa mundo

Mula sa Pahina 1

Sinabi rin ni Paradis na magbibigay sila ng $5 million na donasyon para sa mga humanitarian organization na kabilang sa mga nagbibigay relief operation sa Pilipinas. Magbibigay rin sila ng $30,000 sa International Federation of the Red Cross bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Ngunit sinabi nila na uunahin nilang ibigay ang matching fund sa mga nangagailangan ng tulong. Muli, ipinakita na naman ng mga mamamayan ng Canada ang kanilang pagiging matulungin, hindi lang sa mga Pilipino ngunit pati na

S

a kasalukuyan, ang Pilipinas ay ika 19 sa Top 20 Investment Destination in the World, ayon sa United Nations base sa ulat ng anc.yahoo.com. Ito ay ang ikatlong sunud-sunod na taon ng bansa na mapasama sa listahan ng United Nations Conference on Trade and Development (UNC-TAD). Ang nasabing ranking ay base umano sa may 200 mga ahensya sa buong mundo. Kasama rin sa ika-19 na ranggo ang bansang Hongkong at Turkey. Mayroon ding iba’t ibang bansa sa Asya ang nakapasok sa listahan, kabilang na ang

rin sa ibang bansa. Ang gobyerno ng Canada ay sisiguraduhin na ang kanilang malilikom na pondo ay magbibigay ng kabawasan sa mga nararanasang paghihirap ng mga Pilipino. Ayuda, ibinigay rin ng iba’t ibang bansa Samantala, iba-ibang bansa pa ang nagbigay ng ayuda para matulungan ang mga biktima. Ilan sa mga bansang ito ay: Australia, Denmark, The Netherlands, New Zealand, Norway, Singapore, United Kingdom, United Arab Emirates, Taiwan, USA, Belgium, Germany, Hungary, Indonesia, Finland, Israel, Japan, Malaysia, Russia, Spain at Turkey. Patuloy pang nakikipag-ugnayan ang iba-ibang mga bansa at organisasyon sa iba’t ibang panig ng mundo para tulungan ang mga nasalantang mamamayan.

Indonesia (#4), Thailand (#8), Vietnam (#11) at Malaysia (#16). Nakuha naman ng China ang rank #1 investment destination sa buong mundo; sumunod ang US at ang India. Sinabi rin ng mga promotion agencies na nainterbyu na magdadagdag sila ng investment sa mga lugar na kanilang napili. Sa nakuhang ranggo, marami ang umaasa na daragsain ng mga bagong investors ang Pilipinas na magreresulta ng maraming trabaho at pag-angat pa ng ekonomiya ng bansa. Mula sa Pahina 1

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

December 2013

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Pido Tatlonghari

BUHAY GAIJIN Panibagong Simula anyaga. Dayuhan. Alien. Gaijin. Salitang naging kaakibat na ng ating pamamalagi dito sa Japan. Para sa karamihan sa atin, hindi naging madali ang umalis. Nandyan na kailangan nating iwan ang ating pamilya, talikuran ang nakagawiang buhay at harapin ang hindi kilalang pagkakataon dito sa Japan. Malamang sa umpisa ay nakaranas ka ng saya dahil sa mga kakaiba mong nakikita o nararanasan. N g u n i t h a n g g a n g t u m a t a g a l ay nakakaramdam ka ng hirap, lungkot at pagkabagot. Hindi biro ang pumunta sa isang bansa na hindi mo naiintindihan ang wika, banyaga para sa iyo ang kanilang kultura. Mahirap. Malungkot. Nakakabagot. Subalit hindi ito ang kailangang maging kuwento ng ating buhay dito sa Japan. Ito ay isang pagkakataong kailangan nating lasapin nang lubos. Bakit nga ba tayo naririto sa bansang ito? Maraming dahilan, upang makatulong sa pamilya, makapagpagawa ng bahay, mapagamot ang may sakit na kaanak. Maraming

B

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

dahilan at ang lahat ng ito ay dahil sa gusto nating magkaroon ng pagbabago sa ating buhay. Sabi nga ni John Maxwell, ang buhay ay 10% kung ano ang nangyayari sa atin at 90% kung ano an ating gagawin sa mga pangyayaring ito. Bilang isang Pinoy, malaki ang kakayahan nating gawing positibo, masaya at produktibo ang anumang negatibong bagay na ating kinakaharap. May kakayahan tayong iwasang maging miserable ang ating sitwasyon. Ito ang layunin ng column na ito. Kung inyong mararapatin, nais kong anyayahan kayong samahan ako sa pagtuntun ng mga maliliit na baitang para mas mapayabong natin ang ating karanasan dito sa Japan. Sama-sama nating sikaping gawing mas kapakipakinabang ang ating Buhay Gaijin. Ang inyong lingkod ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong BS Business Administration and Accountancy. Pinalad na maitawid ang Certified Public Accountant’s Licensure Examination. At sa tulong ng Gobyerno ng Japan, nabigyan ng pagkakataong makapag-aral na muli at matapos ang kursong Masters in Business Administration (MBA) mula sa Waseda Univeristy. Dahil sa karanasang ito, sa pagkakataong makapag-aral at mamuhay sa Japan, mas lumawak ang aking pananaw sa buhay. Ano ba ang ating pupuwedeng gawin o alamin? Sa aking palagay, ang isang bagay na dapat nating matutunan ay kung papaano natin hahawakan at pagyayabungin ang ating kinikita dito sa Japan. Kultura na natin na halos ipadala ang lahat ng ating kinikita sa

Pilipinas upang tulungan an gating mga mahal sa buhay. Subalit, maliban sa dakilang gawaing ito, marami pa tayong maaaring gawin. Sama-sama nating tuklasin ang mga bagay na ito. At ito ay sisimulan natin sa susunod na buwan. *** Sa ngayon hayaan ninyo akong magpaalala sa kung anong maaari nating gawin upang tumulong sa relief operation sa Pilipinas dulot ng pinsala ng bagyong si Hayain. Maaari kayong magpadala ng donasyon sa mga susunod na organisasyon: Philippine Red Cross http://ushare.redcross.org.ph Every Nation Church http://victoryplatform. everynation.org.ph/ victorygiveviacreditcard/ giveviacreditcard.aspx Real LIFE Foundation http://igivetolife.com/donate-todisaster-relief

At kung mahilig naman kayong gumamit ng facebook, maari rin kayong makapagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagbisita sa softbank facebook page, i-“like” ang kanilang larawang nagsasabing magbibigay sila ng JPY10 para sa bawat “like” na kanilang matatangap sa larawan mula Nobyembre 15, 2013 hanggang katapusan ng Enero 2014. *** Kung may nais kayong pag-usapan tungkol sa personal finance, pagiimpok or investment, maaari kayong magpadala ng e-mail sa buhaygaijin@ gmail.com. Hanggang sa muli!


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Personal Tips: Pang Pasko

Buksan ang Bulsa Para sa mga Nangangailangan

Paano I-Enjoy ang Pasko Nang Hindi Nasasakripisyo ang Kalikasan

H

i n d i m a i t a t a n g g i , a n g C h r i s t m a s ay i s a s a pinakapopular, kung hindi man ang pinakapopular na festivities sa buong mundo. Para sa karamihan, ito ang perpektong panahon para sa pagmamahalan, selebrasyon at kasiyahan. Kaya naman, hinding-hindi mawawala diyan ang mga Christmas decorations para lalo pang maging mas espesyal ang panahong ito. Pero, may kailangan tayong isasaalang-alang nang sa gayon ay ma-enjoy natin ang pasko, ngunit hindi nasasakripisyo ang ating kapaligiran. Naririto ang ilang mga kailangang isaisip: 1. Bumili ng eco-friendly Christmas decors. Ito’y para masigurong hindi nasasakripisyo ang kalagayan ng ating kapaligiran para lamang mapasaya natin ang pasko. Kapag tinangkilik natin ang mga environmentally-unsafe na mga Chistmas decorations, at itinapon ito, masisira lang ang fertility ng landfill na pagtatapunan ng naturang mga dekorasyon. Resulta nito, makadadagdag lang ito sa polusyon sa paligid. 2. ‘Wag magputol ng kahoy para gawing Christmas tree. Mas

Benri ang Online Shopping lalo ngayong Holidays

I

sa sa mga maituturing na “latest craze” ng mga tao, bunsod na rin ng pag-usbong ng teknolohiya (partikular na ang Internet), ay ang pagsa-shopping, ngunit hindi sa pisikal na mall, kundi sa Internet lalo na para sa mga busy ngayong holidays. Oo, nagagawa mo nang bumili ng kung anu-ano kahit nasa isang sulok ka lang ng inyong tahanan. Sa isang click lang, at gamit ang iyong Credit Card, PayPal, at iba pang pamamaraan na pwedeng gamitin sa pagbabayad, nagagawa mo nang bilhin ang iyong gustong produkto, maging serbisyo. Hassle free ‘di ba? Mga Benepisyo ng Online Shopping Bukod sa mga nabanggit sa itaas, naririto pa ang ilang mga benepisyo ng pag-o-online shopping:

Malaya kang makapag-browse at makapamili • ng produktong gusto mong bilhin kahit nasa tahanan ka lang; Nagagawa mong ikumpara ang mga presyo ng • ilang mga produkto nang mas madali; Hindi alalahanin ang pamimili ng kahit ilang • items, sapagkat ang online shopping company na ang bahala sa pagta-transport ng iyong mga pinamili; Dahilan sa ito ay nasa Internet, walang oras ang • pamimili ng mga items (ibig sabihin, naka-”up” ang online shopping websites 24/7); Madalas, libre pa ang pagpapa-ship ng iyong • mga pinamiling items. Safe naman ang pagbabayad sa mga “legitimate” na online shopping websites. Halimbawa, ang iyong credit card data ay encrypted, nang sa gayon ay hindi ito mananakaw ng ibang mga nananamantala. Kaya, hindi lang safe ang pagsa-shopping online, siguradong pang mae-enjoy mo ito. Kaya ano pang hinihintay mo, subukan na ito ngayong Pasko at Bagong Taon!

7

December 2013

maigi pa ring gamitin ang artificial Christmas trees, para i-celebrate ang pasko. Kunsabagay, ang tunay na esensya naman ng pasko ay ang masayang selebrasyon ng okasyong ito at hindi ang pagkakaroon ng magarbong mga palamuti. Isa pa, ang mga artificial Christmas trees ay maaaring gamitin nang pangmatagalan. Tipid na, nakatutulong ka pa sa pangangalaga sa kalikasan. 3. Gumamit ng low-powered Christmas lights. Isa sa mga hindi mawawalang dekorasyon pagdating pa lang ng “Ber” months ay ang mga Christmas lights. Pero, maigi ring isaalang-alang ang malaking kuryenteng nasasayang sa tuwing gumagamit tayo ng mga power-consuming lamps. Kaya, magandang tingnan ding mabuti ang konsumo ng ating mga binibiling Christmas lights bago ito bilhin. Muli, hindi masamang magsaya sa pagsapit ng pasko. Ku n g t u t u u si n , ma ga n da i to p a ra sa ma s ma t i b ay n a p a g s a s a m a h a n n g b a wa t i s a , l a l o n a a n g m g a magkakapamilya at magkakaibigan. Ngunit, hindi nito ibig sabihin na pwede na nating i-compromise at kalimutan ang ating obligasyon sa pangangalaga ng kalikasan.

Ecards: Alternatibong Pamamaraan sa Paghatid ng Mensahe Ngayong Pasko

S

a pagsulpot ng makabagong teknolohiya, kagaya ng Internet , mas napapadali na ngayon ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Sa mga magkakapamilyang nasa magkakaibang panig ng mundo, ang Internet ay isang napakahalagang pasilidad. Isa sa mga nagsisulputan sa gitna ng makabagong inobasyong ito ay ang eCards. Sa ngayon, ginagamit ito para magawa ang paghahatid ng mensahe sa isang taong mahalaga ngunit nasa malayong lugar. Sa pamamagitan nito, nagagawa pa rin halimbawang magbigay ng “Christmas card” sa alternatibong pamamaraang ito. Naririto ang ilang mga tips para mas lalong masiyahan ang iyong pagbibigyan nito:

Gumamit ng animated eCard. Mas nakakaaliw

at mas mararamdaman ng iyong pagbibigyan ang iyong Christmas greeting kung ito’y nasa porma ng animation. Maganda nga kung nakalagay ang iyong animated picture para halatang pinaghirapan mo ito. Mayroon namang pasilidad online sa paggawa ng animated eCards. I-send ito nang maaga. Ito’y para hindi gaanong • magahol pagdating ng mga araw ng preparasyon para sa mismong araw ng pasko. Gawing maiksi pero “creative” at •

“sweet.” Tandaan na, madalas sa mga pinapadalhan ng e-mails ay sa kanilang trabaho nagbubukas ng kanilang mga mensahe. Kaya naman, para hindi gaanong makaabala, gawin lamang itong maiksi pero siguradong maa-appreciate ito ng iyong pagbibigyan. G aw i n g p e r s o n a l . ‘ Wa g iyo n g p a ra n g •

nagmumukhang kinopya lang o template lang na mensahe. Dapat, iyong talagang maiisip ng pinagbigyan mo na galing talaga sa iyo. Isa pang magandang alternatibo ay ang pagpapadala ng video message at i-send ito sa pamamagitan ng e-mail o ng ilang social networking sites. Ang mahalaga: Maramdaman ng iyong taong gini-greet ang iyong presensiya, malayo man sa kanyang pisikal na kinaroroonan. Happy Christmas!

H

indi lang dahil papalapit na ang pasko kaya kailangang tumulong, kundi dahil sa panahon ngayon na kabi-kabila ang mga nararanasang kalamidad sa bansa, marami ang kailangan ng ating tulong. Nito lamang Nobyembre ay hindi maikakailang winalis ang kabuhayan at ari-arian ng mapanirang bagyong Yolanda. At kahit hindi mo pa napuntahan ang lugar na malubhang tinamaan, hindi maikakaila sa mga larawan at bidyong ipinakikita sa telebisyon at iba pang porma ng midya na maraming kailangan ng ating “helping hands.” Maraming beses mo pwedeng ipakita ang iyong pagtulong. Una, siyempre, kung maluwag-luwag sa buhay ay pwede kang magbigay ng cash donation sa ilang mga lehitimong organisasyong ang tulong ay ang makatulong sa ating mga kababayang tinamaan ng bagyo. Maaari ring “in kind” ang iyong donasyon, kung nag-aalangan kang ipagkatiwala ang iyong cash. O ‘di naman kaya, pwede kang mag-volunteer sa isang organisasyon, halimbawa sa repacking ng mga goods. Ang maganda sa pagtulong, hindi lang iba ang natutulungan mo. Nagagawa mo ring pagaanin ang iyong kalooban, sapagkat, ayon sa ilang eksperto, nakababawas din ng stress ang pagtulong sa kapwa. Kaya, ‘wag nang mag-atubili pa. Tumulong sa kapwa sa anumang paraang naiisip mo.

Pangalagaan ang Iyong Katawan lalo na ngayong Kapaskuhan

M

insan, tinawagan ako ng aking nanay nang malaman niyang alas-9 na ng gabi ay pauwi pa lang ako galing sa trabaho (na 8-5 PM ang oras ng pasok). Ika niya, “Anak, baka ‘di ka pa kumakain. Tandaan mo: Wala ring silbi ang kinikita mo kapag magkasakit ka. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo.” At mukhang sumasang-ayon din sa aking nanay ang awtor ng nabasa kong libro, ang “Ang Pera na Hindi Bitin,” si Ardy O. Roberto, Jr. nang banggitin niya ang mga katagang ito sa mismong libro: “Don’t overdo things. Huwag kang overtime nang overtime; make sure na kilala ka pa rin ng pamilya mo. Umuwi ka to enjoy your spouse and your children.” Oo nga naman. ‘Di ba nga’t kaya tayo nagbabanat ng buto para sa ating pamilya, para mae-enjoy ninyo nang sabay-sabay ang iyong kinikitang pera? Sa tingin mo, kung aabusuhin mo ang sarili mo at tuluyang magkasakit (huwag naman sana), magiging masaya ba ang pamilya mo lalo na paparating na ang Kapaskuhan? Kaya nga, layunin ng artikulong ito na ipaalam sa’yo na sadyang napakahalaga ang pangangalaga ng sarili. Pangalagaan mo nang husto ang iyong katawan--ang iyong puhunan para kumita ng pera para sa iyong pamilya. Kung wala kang sapat na lakas, hindi mo magagawa ang kailangan mong gawin. Sa madaling-sabi, hindi ka makakapagtrabaho nang maayos. Ganoon ka-sagrado ang iyong katawan: Bago ang lahat, gawin mo munang prayoridad ang iyong kalusugan. ‘ Wa g m a g i n g w o r k a h o l i c . E n j oy t h e h o l i d ay s !


8

December 2013

Global Filipino

M

aliit pa ako noong huli akong nakakita ng bahay na binubuhat para ilipat sa kabilang purok o bahagi ng barangay namin. Magmula noong panahong iyon, akala ko ay sa libro ko lang makikita ang konseptong iyon na itinuro sa akin ng aking mga guro bilang “bayanihan.” Lubos akong namangha at bumilib lalo ng makita ito ng aking dalawang mata. Kung kaya naman, kahit hindi na uso sa atin ang ganitong kaugalian lalo na sa siyudad, binabanggit ko pa rin ang gawaing ito sa tuwing ipinapakilala ko ang mga kaugaliang Pilipino sa mga Hapon at banyaga kong kaklase. Pagkalipas ng isang dekada, hindi ko na ito napapansin sa aming barangay. Sabi ng ilan patay na raw ang ganitong klaseng kultura sa ating bayan. Hindi mahirap paniwalaan ang ganitong obserbasyon dahil sa panahon ngayon, sino na nga lang ba ang naglilipat bahay bitbit ang bahay nila mismo? Marahil wala na nga. Pero ibig sabihin ba nito patay na rin ang esensiya at aral ng bayanihan na sumesentro sa pagtutulungan at pagdadamayan.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

pinakakailangan ng mga kababayang apektado ng bagyo lalo na sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay at kabuhayan.

Sa bahagi naman ng Wakayama, pinangunahan ng Filipino Community in Wakayama ang isang Bingo Charity Event para pa rin sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Batay sa pahayag ng isa sa mga organizer ng event na si Gene Celle Ferrer, “I just want to express how I appreciate the effort and the sincerity of the people who joined the “bayanihan” today at Wakayama Station. Despite of all our busy schedules, sleepless nights, own personal & work related problems (I know coz I witness some) but still for the sake of our kababayans, we did it!”

Filipino Community Power

Hindi maitatanggi na isa ang taong 2013 sa isa sa pinakamahirap na taon para sa ating mga Pilipino. Patuloy na sinusubok halos buwan-buwan ang ating katatagan sa gitna ng mga bagyo na tumama sa Luzon, sa lindol sa Bohol at Cebu, at nitong nakaraan lamang, sa super typhoon na sumira ng maraming ariarian at kumuha ng maraming inosenteng buhay. Ngunit, hindi rin maitatanggi na isa rin ang taong 2013 sa isa sa mga taon kung saan muling nanumbalik sa ibang anyo ang kaugalian ng “bayanihan” na iniisip na ng marami na patay na. At para patunayan ito, hindi ko na kailangan pang lumayo dahil dito pa lang sa Japan, makikita na ang iba’t ibang gawain para kolektibong matulungan ang ating mga kababayan sa Pilipinas. Bilang kinatawan ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ), naging prayoridad ng lahat ng miyembro ng grupo ang agarang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad hindi lamang sa mga kapwa miyembro namin kundi sa mas marami pa nating kababayan. Sa sama-samang pagtutulungan ng organisasyon para maipaalam sa mga kaklase, propesor at sariling unibersidad ang magagawa ng bawat isa para makatulong, nakaipon na kami ng mahigit Y500,000 sa loob lamang ng isang linggo. Ang maganda pa rito, balak naming ipagpatuloy ang gawaing ito hanggang sa Christmas Party and Charity Event na bukas para sa lahat sa ika-14 ng Disyembre. Sa pamumuno naman ng Philippine Assistance Group (PAG), na naka-base sa Kanto area, at pakikipagtulunga ng Embahada ng Pilipinas sa bansang Hapon inilunsad ang iba’t ibang donation drop off centers para sa mga nais magpaabot ng tulong ng in kind. Mahalaga rin ang makokolektang mga tulong mula dito dahil ang mga kagamitang ito ang

Global Bayanihan Totoo ngang nakakatuwa na ang “bayanihang” ito ay hindi lamang buhay sa aitng mga Pilipino kundi pati na rin sa lahat ng bansa na patuloy na nagpapaabot ng mensahe ng pagdadalamhati at tulong sa ating bansa. Isa sa mga nakakuha ng atensyon ng marami ay ang inorganisang fund-raising ng Pinoy Iskolars in Korea o PIKO dahil nahimok nila ang mga artistang Koreano na mag-perform para sa kanilang event. Kaugnay rin nito, patuloy pa rin ang pagdating ng lahat ng uri ng donasyon mula sa pinansyal na tulong hanggang sa medical aid, rehabilitasyon at rekonstruksyon ng mga nasirang pasilidad at kabahayan. At para ma-monitor hindi lang ng gobyerno ng Pilipinas kundi ng buong mundo ang ginagawang pagkilos para sa tamang paggamit at paggastos ng mga ito, inilunsad ng gobyerno ang http://www.gov.ph/ faith/ kung saan nakatala sa website ang kabuuang foreign aid na natanggap ng bansa. Marahil totoo ngang wala na ang “lumang bayanihan” ngayon, pero hindi ibig sabihin nito na patay na ang espiritu na kumakatawan sa pagtulong at pakikiramay sa kapwa para muling makapagsimula ng bagong pamumuhay. Ang “Bagong” Bayanihan Spirit na ipinakita ng mga Pilipino sa buong mundo at kinamanghaan ng lahat ng tao sa buong mundo dahil hindi lamang isang bahay ang sama-sama nating binubuhat sa ngayon, kundi isang bansang handang magsimulang muli. (Sa lahat ng mga mambabasa ng Tokyo Boy at ng Daloy Kayumanggi, nais ko kayong batiin ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Maraming salamat sa inyong suporta at makakaasa kayong lalo pa naming pagbubutihin ang aming trabaho na makapagbigay inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino dito sa Japan at buong mundo)


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Personal Tip: Pang Pasko

Paano Gumawa ng "Christmas Shopping Budget"

M

arahil, ang ipinag-aalala mo: “Paano ko kaya epektibong maba-budget ang aming pera ngayong Pasko?” Asahan mo nang maraming kailangang pagkagastusan. Kaya, kung “tight budget” ka, marahil ay hindi mo na alam kung paano pa ito pagkakasyahin. Inaasahan mo na rin siguro na pagkatapos ng Christmas holiday, baka said na ang iyong bulsa. Pero, ‘wag masyadong mag-alala. Kailangan mo lang mag-strategize: 1. Planuhin ang iyong shopping list. Para maiwasan ang impulse buying, kailangan mong gumawa ng shopping list at mag-stick dito habang nagsa-shopping para maiwasan ang impulse buying.

2. I-track mo ang iyong mga gastusin. Ito’y para mas maging aware ka kung magkano na ang iyong nagagastos. Nagsisilbing reminder ito sa iyong sarili na kailangang sundin ang inilaang budget para sa Kapaskuhan. Kung may

Paano Ipinagdiriwang ang Pasko sa Japan

kompyuter ka, gumawa ng isang spreadsheet kung saan mo ililista ang lahat ng iyong mga gastusin. Matutong i-automate ito para ‘pag naglagay ka ng anumang amount, agadagad itong magco-compute.

3. Cash lang ang gamitin. Muli, nagsisilbing reminder kasi ito ‘pag namimili ka. ‘Pag naubos na ang cash mo, ibig sabihin nito, naubos mo na rin ang inilaang budget mo. Ilagay mo ito sa isang envelope para mas organisado at hindi mo ito mawawala. 4. Kung may bibilhin online, gumamit ng debit card at hindi credit card. Ito’y para siguradong hindi utang ang ipambibili mo ng produktong balak mong bilhin.

Sa mga istratehiyang ito, siguradong hindi ka lang matututo sa buhay, merry pa ang Christmas mo.

Paano ang Pasko sa Isang DOH: Pangalangaan ang Broken Hearted Kalusugan sa Darating na Pasko

A

ng Pasko ay para sa lahat, kahit pa sa mga broken hearted. Oo. Kahit pa bagong-hiwalay ka sa iyong kasintahan, hindi pa rin magandang magmukmok ka lang ngayong Pasko. Kailangan mong labanan ang lungkot. Kailangan mong gumawa ng paraan. sabi nga nila may bukas pa. Isipin Ang Mga Magagandang Alaala Kailangan mong isaisip na, hindi pa nagtatapos ang buhay. Marami ka pang pwedeng gawin at marami ka pang pwedeng balikan--ang mga masasayang alaala bago pa siya dumating sa buhay mo. Piliting i-divert sa magagandang bagay ang iyong isipan. Iwasan ang mga Bagay na Magpapaalala sa Kanya Isa itong napaka-epektibong pamamaraan para maging merry pa rin ang iyong Christmas. Iwasan mong puntahan ang mga lugar na lagi niyong pinupuntahan noong magkasintahan pa lang kayo. Iwasan din muna siyang maging laman ng inyong usapan ng iyong mga kaibigan. Maging Busy Sa halip na maging malungkot, maging busy sa mga bagay na kapaki-pakinabang. Halimbawa, ilaan ang iyong oras sa pag-aaral ng bagong skill. O ‘di naman kaya, manood ng mga nakakatuwang papanoorin para maaliw ka. O ‘di naman kaya, gawing busy ang iyong sarili sa pagaayos ng iyong sarili. Isa itong healthy at epektibong defense mechanism sa lungkot. Tandaan: Ang Pasko ay para mag-celebrate hindi para malungkot. Hindi masamang malungkot paminsan-minsan, pero ‘wag iyong puntong ang buong pagkatao o ang kalusugan mo na ang nakatayo. Isa pa, panatilihin ang mga ngiti sa iyong mga labi. Hindi ka nag-iisa.

9

December 2013

A

sahan na ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon din ng maraming mga kainan / handaan. Kaya naman, ayon sa Department of Health (DoH), sa pangunguna ni Health Secretary Enrique T. Ona, ito rin ang kritikal na panahon kung kailan nagkakaroon ng lifestyle-related diseases. Kung kaya, todo paalala ang DoH sa mga tao. Naririto ang ilan sa mga hakbangin para makaiwas sa mga sakit na ito:

• Bumili lamang ng mga produktong rehistrado / lehitimo; • Siguruhing ligtas at angkop ang iregalong mga laruan sa mga bata; • Maagang maghanda para sa kapaskuhan para bawas-stress; • Masusustansiyang pagkain ang kailangang ihanda, kagaya ng gulay at prutas; • Tiyaking sariwa at malinis ang mga ihahandang pagkain para hindi malason; • Huwag kumain nang sobra sa mga handaan; • ‘Wag kumain ng mga maaalat at matatabang pagkain para mapangalagaan nang husto ang katawan partikular na ang puso; • ‘Wag maglasing; • ‘Wag kalimutan ang regular na ehersisyo; • Magpahinga; • Matulog nang sapat.

Ang mga hakbanging ito ay maaari ring i-aplay kahit hindi sa panahon ng Kapaskuhan, upang siguradong “fit” ang ating pangangatawan--malayo sa mga nakamamatay na sakit.

B

ago ka pa ba sa Japan? Kung oo, ang artikulong ito ay para sa’yo. Kung nasanay ka sa Pasko ng Pilipinas, siguradong may pagkakaiba ito sa Pasko dito sa Japan. Kaya naman, para magabayan ka, naririto ang ilang mahahalagang impormasyong kailangan mong malaman kung paano sine-celebrate ng mga tao rito sa Japan ang kapaskuhan: 1. Dahilan sa ang karamihan dito ay hindi Kristiyano, hindi gaanong ipinagdiriwang ang pasko sa Japan. Bagama’t mayroong mga tradisyong tuwing pasko ang ginagawa dito, kagaya pagbibigayan ng mga regalo at Christmas cards. 2. Mas mahalaga ang Christmas Eve kaysa sa Christmas day. Ang pasko rito para sa karamihan ay hindi gaanong itinuturing bilang religious celebration, kundi isang panahon para sa kasiyahan. 3. Hindi ito ginagawang national holiday sa Japan, kaya asahan mong nakabukas ang mga negosyo at eskwelahan sa mismong araw ng pasko. 4. ‘Meri Kurisumasu’ ang ‘Maligayang Pasko’ sa Japanese. 5. Fried chicken ang paboritong kainin sa araw mismo ng kapaskuhan. 6. Ang parties ay karaniwang nakalaan para lamang sa mga bata. 7. Ang ‘o shogatsu’ o New Year sa Japan naman ay ipinagdiriwang kagaya ng sa Western Christmas. Ito ang panahon para magsama-sama ang magkakapamilya, nagsasalu-salo, nagbibigayan ng mga regalo at nagdarasal. Ganito ipinagdiriwang ang Pasko sa Japan. Tandaan: Malayo ka man marahil sa iyong mga kapamilya sa Pinas, ang mahalaga’y kasama mo sila sa puso at isipan, saanmang sulok ka ng mundo.

Pasko, Malayo sa Pinas

I

sa sa pinakamahalagang panahon sa buong taon para sa karamihan sa mga Pilipino ay ang Pasko. Ito ang panahong nagkakasama-sama ang buong pamilya. Para sa mga OFWs na uuwi ngayong Pasko sa kanilang mga mahal sa buhay, isa itong pagkakataon na hindi kailangang palampasin. Ika nga: “Iba pa rin mag-Pasko sa Pinas.” Ngunit, para sa mga hindi makakauwi, ‘wag malungkot. Maraming paraan para maramdamang kasama mo rin ang iyong pamilya, malayo man ang kinaroroonan mo. Naririto ang ilang pamamaraan kung paano ipinagdiriwang ng ating mga kababayan ang pasko, malayo sa bayang minamahal: • Maghanda pa rin para sa Noche Buena. Maganda nga kung i-celebrate ito kasama ang mga kapwa Pinoy at itaon ito kasabay ng Noche Buena sa Pinas. Tawagan ang pamilya sa mismong selebrasyon. • Gamitin ang Skype. Sabihan ang isang kamag-anak na marunong sa kompyuter at ipa-setup mismo sa inyong bahay sa Pinas ang kompyuter na gagamitin. • Mag-set din ng pagpapalitan ng regalo with fellow kababayans. • Magkantahan. • Mag-picnic. • Maghanda rin ng mga pagkaing regular na niluluto sa tuwing pasko. Marami pang mga paraan. Pero ang mahalang punto, nagagawa pa rin nating maipagdiwang ang araw ng Pasko, malayo man sa ating mga inspirasyon. Malayo man, tandaan: Panatilihing buhay ang pasko sa iyong puso at diwa.


10

December 2013

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Pang Pasko

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Easy-to-Follow Tips Para "Stress-Free" ang Pasko Gift Ideas Para Sa

A

ng pasko ay hindi lang masaya, nakaka-stress din. Totoo o hindi? Malamang ang isasagot mo ay: “Totoo.” Sa dinami-dami ba naman ng mga alalahanin sa tuwing sasapit ang Pasko, hindi talaga maiiwasang ma-stress, kahit pa panahon sana ng pagsasaya sa piling ng pamilya. Hindi bale, sa pamamagitan ng mga easy-to-follow tips na ito, magagawa mong “stress-free” ang iyong Pasko: 1. Maghanda ng listahan. Malaki ang maitutulong nito para mas maging organisado ka ngayong Pasko. Ilista lahat ng mga taong pagbibigyan mo ng regalo, ang lahat ng iyong mga kailangang bilhin at ang lahat ng mga kailangang bisitahin. 2. Mamili nang mas maaga. Mamili, halimbawa, ng mga pagkain na may matagal na expiry date. Sa pamamagitan nito, wala ka nang masyadong aalalahanin bago dumating ang araw ng Pasko, sapagkat handang-handa ka na. Kulang na lang ay lulutuin na. Malaking kabawasan ito sa iyong mga iniisip. 3. Gawin din nang maaga ang mga gawaing may kinalaman sa pasko. Halimbawa, maigi kung magbalot na ng regalo isa o dalawang linggo bago pa man ang mismong Pasko. Kahit ang ilang maliliit na gawain na maaari mong gawin nang maaga ay malaking kabawasan na rin sa iyong alalahanin. 4. ‘Wag solohin ang mga gawain. Dahil gawaing pampamilya naman ang paghahanda sa Pasko, maganda ring ideya kung idelegate mo ang ilang mga gawain sa ibang miyembro ng iyong pamilya. 5. Alalahanin na ang Pasko ay hindi lang sa mga bata. Oras din

H

sa sa mga nakakapagbigay ng hassle sa mga tao sa tuwing sasapit ang pasko ay kung ano ang magandang ibibigay na regalo sa ating mga minamahal.

Kaya naman, para ‘wag masyadong ma-stress, naririto ang ilang mga ideya na pwedeng-pwede mong ikonsidera ngayong Pasko:

ito para sa iyong sarili, para makapag-relax at makapag-unwind kasama ang iyong “one and only” at ang iyong mga anak. Kaya, ‘wag masyadong pai-stress. Ngayong darating na Pasko, hindi masama kung baguhin mo naman ang nakagawian. Kung sa tingin mo ay mas makabubuti sa iyo ang mga hakbanging nabanggit para mabasawan ang iyong stress, gawin mo ang mga ito. Siguradong mas mae-enjoy mo pa ang Christmas season, kumpara sa nakagiwan na.

Mga Kailangang Isaisip Para Manatiling "Fit" sa Darating na Kapaskuhan indi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang Pasko ay panahon din ng mga kainan. Kaya naman, para sa mga health conscious at mga kasalukuyang nagdidiyeta, ito ang panahon na kailangan din nilang tutukan at ‘wag ipagwalang-bahala. Kung hindi, pihadong masisira ang kanilang pinaghirapan sa loob ng ilang buwan. Kaya naman, naririto ang ilang mga kailangang isasaalangalang ngayong darating na Christmas season: 1. Mag-exercise. Hindi excuse ang maraming parties na pupuntahan para hindi makapag-exercise. Ang maganda nga, itapat ang pag-eehersisyo sa araw kung kailan inaasahan mong maraming kainan. Nakatutulong ang mga guided exercises na mapapanood mula sa YouTube o ‘di naman kaya mula sa isang DVD. 2. Kumain ng “healthy foods.” Kinakailangang maging aware na, bagama't talagang marami-raming putahe ang siguradong maihahain sa hapag-kainan sa darating na Pasko, ang pinakamainam pa ring gawin ay ang magpigil at ipokus lang ang atensyon sa mga pagkaing hindi makasisira sa iyong diyeta. Iwasan ang mga pagkaing matatamis, mayaman sa carbohydrates at matataba. Doon ka sa mga gulay at mga prutas. 3. Matulog. Isa ito sa mga hindi alam ng nakararami: Kung gusto mong maging “fit,” isa sa pinakamahalagang isasaalangalang ay ang oras ng pagtulog. ‘Wag i-deprive ang sarili pagdating sa pagtulog. Dahil nagagawang i-rejuvenate ng pagtulog ang mga nasirang cells sa iyong katawan. Isa pa, nakatutulong ito sa pagbi-buildup ng iyong muscles, ayon sa ilang eksperto. Pinaka-

I

Iyong mga Minamahal Ngayong Pasko

mababa dapat na bilang ng oras ng pagtulog ay pito. 4. Maging positibo. ‘Wag ma-depress. Talagang ang depression ay napatunayang nakapagdudulot ng mga malalalang sakit. Isa pa, ang pasko ay para sa kasiyahan, hindi para umiyak o malungkot. Manood ng mga nakatutuwang papanoorin. Kagaya ng nabanggit sa simula, hindi talaga maiwasang ikompromiso ang kalusugan sa panahon ng pasko. Kaya naman, ang kinakailangan ay disiplina sa sarili. Kapag meron ka nito, siguradong magiging fit ka pa rin pagdating ng bagong taon.

Mobile phone. Siyempre, nangunguna rito • ang mga cellphone. May iba-ibang brands ng cellphone na available sa ngayon. At good news: dahil magpaPasko, pihadong marami-raming bagsak-presyo na mga cellphone. Siguradong matutuwa ang sinumang mapagbibigyan mo nito. Music Player. Kung ang pagreregaluhan • mo ay alam mong music lover / enthusiast, ito ang pinakamagandang regalong matatanggap niya ngayong Pasko. Gift Certificates. Kung wala ka namang maisip • na gustong matanggap ng taong reregaluhan mo, pinaka-safe na lang ang bigyan siya ng GCs, para siya na lang ang bahalang pumili ng kanyang gusto gamit ang GCs na ibinigay mo. Appliance. Kung ang reregaluhan mo ay ang • iyong mga magulang, halimbawa, the best ang bagong TV, ref o kung ano ang sa tingin mo ay kailangangkailangan sa inyong tahanan. Gaming Consoles. Kung naghahanap ka • naman para sa iyong mga tsikiting, ang consoles ay usung-uso ngayon. May kamahalan, ngunit “priceless” ang kapalit na ngiti mula sa iyong mga minamahal. Trip Tickets. ‘Wag kalimutan ang iyong one • and only. Ang bakasyon, sa piling niya at ng inyong mga anak, ang pinakamahalagang pwede mong iregalo ngayong pasko sa kanya. Sigurado, mas mapapalalim pa ang inyong pagsasamahan. Tandaan: Hindi mahalaga kung ano ang iyong mga ireregalo. Maigi nga, kung medyo nasa tight budget ka ngayon, ay personalized / customized na lang ang iyong ibibigay. Ang mahalaga, galing sa iyong puso.

Mga Pamamaraan sa Pagtatago ng mga Christmas Decors Pagkatapos ng Pasko

H

indi lang bago mag-Pasko ang nakakapagbigay ng stress sa mga tao, pati rin pagkatapos. Ito’y kapag nasa proseso ka na ng pagtatago ng iyong mga Christmas decors nang sa gayon ay pwede mo pa itong magamit sa susunod na taon.

mo na uli ang mga ito.

Maging resourceful at masinop. Ang tinutukoy dito • ay ang pagiging resourceful pagdating sa paghahanap ng mga lagayan ng iyong mga Christmas decors. Tumingin ng ilang mga lagayan na pwedeng maging alternatibong taguan ng Para hindi ka na mamroblema pa, ito ang mga pamama- mga ito, halimbawa, liquor boxes o egg trays. Maaari mo ring raang tutulong sa iyo: gamitin ang mga paper towel tubes para sa mga garlands. Maging masinop naman pagdating sa mga original packaging. Pagsama-samahin ang magkakaparehas. Ang Mangyaring itabi ang mga ito para kapag magtatago ka na ng • basehan mo ay kung parehas ang hugis, laki at pati kulay. decors, hindi ka na maha-hassle pa. Halimbawa, ilagay mo sa isang karton ang mga Christmas balls. ‘Wag mo itong isama sa mga garlands at lights. Maaari • Maglagay ng labels, pangalan at numbers. Ito ay ring ang kategorisasyon mo ay kung mga dekorasyon sa mabisa nang sa gayon ay mas magiging organisado at mas labas, loob, wall hangings at iba pa. Sa pamamagitan nito, madaling maghanapan. Muli, mag-set ng kategorya: Gusto mo mas matutulungan kang maghanap sa susunod na gagamitin bang pagsama-samahin ang mga magkakaparehas ang hugis?

Gusto mo bang magkakasama rin ang mga dekorasyon lang sa isang partikular na bahagi ng bahay?

Laking tulong ng mga teknik na ito nang sa gayon ay hindi gaanong magulumihanan pagkatapos ng Pasko. Isa pa, maganda rin kung tulung-tulong ang buong pamilya sa paggawa ng gawaing ito. Mas napapalalim nito ang ugnayan ninyo sa bawat isa.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

11

December 2013

Personal Tips: Pang Pasko

Paano Mas Maramdaman ang Diwa ng Pasko

P

a p a l a p i t n a n a m a n a n g Pa s ko , a n g s i n a s a b i n g pinakamasayang bahagi ng taon para sa iba-ibang tao sa buong mundo. Gayunpaman, hindi alam ng nakararami kung papaano mas mae-enjoy ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Para magkaroon ka ng ideya, maaaring ikonsidera ang mga sumusunod:

Magpadala ng Christmas Cards sa iyong mga

kakilala. Sa kabila ng mga makabagong pamamaraan ng pagbati sa ating mga kakilala, kapamilya at kaibigan, kagaya ng E-mail o Facebook, wala pa ring tatalo sa pagpapadala ng Christmas Cards para sa iyong greetings. Mas malaki ang epekto ng tradisyonal na pagbibigay ng mensahe sa pamamagitan ng Christmas card kaysa sa simpleng pagse-send ng iyong greetings sa pamamagitan ng e-mail. Para sa iyo naman bilang sender, siguradong ang akto pa lang ng pagsusulat ng greetings ay magpapaalala na sa iyo ng tunay na esensya ng Pasko--ang pagmamahal at pag-alala sa mga kakilala, kaibigan at kapamilya. Magbalot ng mga regalo. Para madagdagan ng •

sa bawat isa. Maghanda ng parlor games. Para mas masaya ang •

selebrasyon ng pasko, maghanda ng mga palaro na siguradong mag-eenjoy ang lahat. Kung sino man ang mga mananalo, may premyo. Samantala, para naman hindi malungkot ang iba, maglaan din ng mga consolation prizes. Maganda rin kung may timpalak na magaganap, halimbawa, pagandahan ng presentasyon ng bawat grupo para may “sense of competition” din ang inyong selebrasyon. Ang mahalagang isaisip: Anuman ang iyong binabalak na gawain sa selebrasyon ng kapaskuhan, dapat nakabatay ito sa tunay na diwa ng pasko—pagmamahalan, kasiyahan, pagkakaunawaan.

S

“element of surprise” ang Pasko ng pamilya, gawing tradisyon ng bawat miyembro ng pamilya na maghanda ng kanya-kanyang regalo sa ilalim ng Christmas tree. At sa mismong araw ng Pasko ay sabay-sabay na buksan ang bawat regalong nakalaan

Panahon ng Pagpapatawad

H

indi lang panahon ng pagbibigay ang Pasko para sa mga Pinoy. Panahon din ito para sa “forgiving” o pagpapatawad sa sino mang nakagawa ng kasalanan sa

iyo. Hindi maikakailang, sa mga nakaraang buwan o taon, ay mayroong sino man ang nakagawa sa iyo ng hindi kanais-nais— maaaring ito’y sinadya, o maaari rin namang hindi. Oo’t mahirap magpatawad. Likas sa ibang pagkatao ang ugaling mapagdamdam. Ngunit, ito ay turo ng bibliya at isang bagay na talagang makakapagpagaan sa iyo—isang bagay na makakabunot ng tinik na matagal nang nakabaon sa iyong pagkatao. Ang simpleng bagay, ang simpleng pagngiti ay isa nang halimbawa ng senyales ng pagpapatawad. At kung simpleng bagay lang ito, bakit hindi natin maaaring gawin kumpara sa malaking impak na maidudulot ng puot sa ating buong pagkatao. Kaya, ngayong pasko, piliing magpatawad. Ika nga ni J.C. Penney: “Christmas is not just a time for festivity and merry making. It is more than that. It is a time for the contemplation of eternal things. The Christmas spirit is a spirit of giving and forgiving.”

Mga "Christmas Quotes" na Pwedeng Pagnilayan

M

arahil, sa ngayon, bagamat mayroon nang mga indikasyon na “Oo nga, paparating na ang Pasko,” pero hindi mo pa rin maramdaman ang tinatawag na “Christmas Spirit” na atin nang nakasanayan sa Pilipinas. Kaya naman, para mas mapalalim at mas mabuhay pa ang esensya ng Pasko para sa iyo, sa kabila ng mga dumarating na pagsubok sa buhay, iyong pagnilayan ang mga sumusunod na Christmas quotes na siguradong makakapagbigay sa iyo ng realisasyon at inspirasyon: Ayon kay Helen Keller: “The only blind person at Christmastime is he who has not Christmas in his heart.” Ika naman ni Dale Evans Rogers: “Christmas, my child, is love in action. Every time we love, every time we give, it’s Christmas.” “The best of all gifts around any Christmas tree is the

'Gift Giving' sa Japan

presence of a happy family all wrapped up in each other,” paniwala naman ni Burton Hillis. Maganda naman ang sinasabi ni WC Jones, “The joy of brightening other lives, bearing each other’s burdens, easing other’s loads and supplanting empty hearts and lives with generous gifts becomes for us the magic of Christmas.” Isang kilalang awtor naman ang nagsasabing: “Perhaps the best Yuletide decoration is being wreathed in smiles.” Nawa ay maging maliwanag, mapuno ng pagmamahalan, pagpapatawad at pagbibigayan ang bawat pamilyang Pilipino, saanmang sulok ng mundo.

a Pilipinas, karamihan ay nagbibigay lang ng regalo sa tuwing mayroong mahahalagang selebrasyon, kagaya ng Pasko at kaarawan. Ngunit sa Japan, kung bago ka pa lang dito, dapat mong malaman na hindi lang sa mga nabanggit na okasyon nagbibigay ng regalo ang mga tao rito. May sariling tradisyon ng gift giving ang mga tao rito. Para magabayan ka sa tradisyong ito, naririto ang ilang mga impormasyong dapat mong malaman: 1. Karaniwan, ang pagbibigayan ng regalo ay nangyayari sa pagitan ng July 15 hanggang January 1. Kaya, maghanda ng mga regalo sa mga oras na ito para siguradong makapag-uwi ka rin ng mga regalo. 2. Sa mga Japanese, hindi mahalaga kung mura lang ang iyong regalo. Ang mas pinapahalagahan nila ay ang akto ng pagbibigay. 3. Palaging tandaan na ‘pag nagbibigay ng regalo, kailangang nakahawak sa regalo ang dalawang kamay, sapagkat nagpapakita ito ng sinseridad. 4. Kapag inimbitahang dumalaw sa isang bahay, siguraduhing magdala ng cake, candy o bulaklak. 5. ‘Wag magbigay ng mga bagay na ang bilang ay siyam o apat, sapagkat “unlucky number” ito para sa kanila. 6. At siyempre, ‘wag magbigay ng pulang Christmas cards, sapagkat karaniwang iniuugnay ito sa “printed funeral notices.” Ilan lamang ito sa mga “practices” na kailangan mong malaman hinggil sa pagbibigay ng regalo sa bansang Japan. Maigi rin kung magtanung-tanong sa mga kakilala mong matagal nang naninirahan o nagtatrabaho sa bansang ito para siguradong mapasaya mo ang pagbibigyan mo ng regalo at sigurado ring masisiyahan ka sa anumang kapalit nito.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

December 2013

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

15

December 2013

Travel

Koyo sa Minoo Koen Slice of Mango, Slice of Life. By: Aries Lucea

K

ung sakura ang spring highlight ng bansang Hapon, ang koyo naman, or fall foliage sa wikang Ingles ang pinakahahantay ng mga nature enthusiasts tuwing sasapit ang taglagas. Nakakamanghang tigngan ang mamula mulang dahon ng mga maple leaves at ng iba’t iba pang punong kahoy. Sabay ng maginaw na simoy ng hangin sa napipintong pagdating ng taglamig at ng kagandahan ng tilang lumiliyab na mga puno, ang koyo marahil ang aking pinaka paborito kong seasonal occurrence.

Sa Osaka hindi mo na kelangan pang lumayo para masaksihan ang kagandahan ng autumn colors. Popular sa mga residente ng syudad ay ang Minoo Koen, which is only a 30-minute less train ride from the Hankyu Umeda Station. Ihanda ang inyong hiking shoes at tahakin ang easy track going up the Minoh Falls. Autumn leaves set against the backdrop of Minoo falls is such a beautiful sight. Maganda din mag picnic sa lugar na ito, amidst the sounds of cascading waterfalls.

The hike itself to and from the waterfalls is already a memorable event. Maraming makikita along the easy paved hiking trail na ito. Don’t forget to ask the gods for favors at the Ryuanji Temple or take some lovely pictures from a striking red bridge na madadaanan paakyat sa falls. Para naman sa may mga tsikiting, very interesting bisitahin ang Minoo Insect Museum. Keep your eyes alert to for some wildlife sightings like deers and monkeys. Just a word of caution, these aggressive primates are not to be tampered with, medyo aggressive sila and make sure that your valuables or foods are secured. They are known to snatch from unwitting tourists.

At para naman hindi ma bored sa hike pabalik from the falls, huwag kalimutan bumili ng momiji tempura. Deep fried maple leaves covered in batter na masarap na chichirya sa iyong pagbaba sa trail.

How to get there:

Take the Hankyu Takarazuka Line from Umeda Station. Get off at Ishibashi Station. Transfer to Hankyu Minoo Line. Get off at Minoo Station, the exit from the station already leads you straight to the starting hike up the Minoo trail.

Merry Christmas and a Happy New Year to all Daloy Kayumanggi readers!!


16

December 2013

Komunidad

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


17

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad


18

December 2013

Daloy Kayumanggi

Global Filipino THE HOBBIT 2

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

47 RONIN

THE SECRET LIFE OF WALTER MITTY

The Dwarves, Bilbo and Gandalf have successfully escaped the Misty Mountains, and Bilbo has gained the One Ring. They all continue their journey to get their gold back from the Dragon, Smaug.

A band of samurai set out to avenge the death and dishonor of their master at the hands of a ruthless shogun. A remake of the classic Japanese saga

Adventure / Fantasy

Action / Adventure Fantasy

ANCHORMAN 2

AMERICAN HUSTLE

SAVING MR. BANKS

With the 70s behind him, San Diego's top rated newsman, Ron Burgundy and his team, returns to take New Yo r k ' s f i r s t 2 4 - h o u r news channel by storm.

A con man, Irving Rosenfeld, along with his seductive British partner Sydney Prosser is forced to work for a wild FBI agent Richie DiMaso. DiMaso pushes them into a world of Jersey powerbrokers and mafia. Crime / Drama

A u t h o r P. L . Tr a v e r s reflects on her difficult childhood while meeting with filmmaker Walt Disney during production for the adaptation of her novel, Mary Poppins.

Comedy

A day-dreamer escapes his anonymous life after his job is threatened, disappearing into a world of fantasies filled with heroism, romance and action. embarking on a global adventure more extraordinary than anything he could have ever imagined. Adventure / Comedy / Fantasy and Drama

Biography / Drama / Comedy / Family / History

HER

GRUDGE MATCH

LONE SURVIVOR

A lonely writer develops an unlikely relationship w i t h h i s n e w ly p u r chased operating system that's designed to meet his every need.

A pair of aging boxing rivals are coaxed out of retirement to fight one final bout -30 years after their last match. Starring Stallone, De niro and Kevin Hart

Based on the failed June 28, 2005 mission "Operation Red Wings". Four members of SEAL Team 10 were tasked with the mission to capture or kill notorious Taliban leader Ahmad Shahd. Marcus Luttrell was the only member of his team to survive. Action / Drama / Thriller / War

Comedy / Drama Romance

FOR SALE & OTHER

PROMOS

Comedy / Sports

LIKE US ON FACEBOOK

www.facebook.com/daloykayumanggi


19

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

KALULUWA

Anak: ‘Tay, bakit po ‘pag kumukulo eh may usok? Yun po ba yung evaporation? Tatay: Ano ka ba anak! Kaluluwa yun ng mga germs patungong langit.

NAWAWALA

Tatay: Sir, tulungan niyo po ako. Guard: Bakit? Tatay: Eh kasi yung anak ko nawawala ho eh. Feeling ko pumunta ho yun sa may mga laruan. Guard: Eh bakit ‘di mo ba hinanap dun? Tatay: Ano ka ba? Ayoko kong pumunta dun no?! Guard: Aba, eh bakit? Tatay: Eh kasi may pulis dun. Ako kasi yung hinahanap na nag-shop lift ng laruan eh. ‘Wag mo akong isusumbong ha?

na naman! Juan: Eh kasi ma’am, hindi ko alam, late po pala ang relo ko. Teacher: Naku eh ‘di i-advance mo! Juan: (lumabas sa pintuan) Teacher: Ops, ops... Ba’t paalis ka na? Sa’n ka pupunta? Juan: Eh ‘di pauwi na po. Time na sa akin eh!

ERAP SA KORTE

JAbogado: So, pakipaliwanag nga kung anong nangyari. Erap: (Hindi nagsasalita) Abogado: Sumagot ka sa tanong! Erap: Ah... Eh... Akala ko ba hearing lang ‘to, eh ba’t may speaking?

BOYPREN

Bespren: Uy, may bago ka raw boypren. Babae: Oo. B1: Brod, napanaginipan kong kasama ko yung Bespren: So ano, guwapo ba? mga contestants ng Ms. Universe. Babae: Ah... Eh... Mabait siya sobra. B2: Eh anong masama dun, swerte mo nga eh! Bespren: Gwapo? B1: Anong swerte? Ako kaya ang nanalo! Babae: Mayaman siya. Bespren: So gwapo nga? MULTO Totoy: Ma’am, ayoko pong pumunta sa CR ng Bespren: Ang kulit mo naman eh. Tara na nga school kasi may multo raw? nagutom ako bigla. Titser: Ha? Eh sinong nagsabi? SA ISANG MUSEO Lalaki: Ewan ko ba talaga sa inyong mga artist Totoy: Si principal po. Titser: Naku Totoy, ‘wag ka ngang magpapani- kayo. Ganito ba ang obra maestra? Ang pangit wala dun. Mabuti pa, samahan mo ako sa CR at naman nitong painting na ito. Artist: Naku nagkakamali po kayo, salamin po iihi lang ako. ‘Wag mo akong iiwan ha? ‘yang tinitingnan ho ninyo. LATE ANG ORASAN Teacher: Naku Juan, ayan ka na naman. Late ka

MS. UNIVERSE

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 May tyansang magbabago ang iyong interes ngayon. Pero ano man iyon, isiping mabuti ang mga consequences na kaakibat nito. Ang Pink ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 18, 14 at 29.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Kailangan mong matutunang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Hindi maganda ang lagi na lang nahihiya pagdating sa pakikiharap sa ibang tao. Malay mo, ito rin ang magiging susi para makamit ang swerteng pinaka-inaantay. Power numbers at color: 6, 16, at 25; Aqua Blue.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Alisin ang pagiging mahiyain. Ito ang magbibigay sa iyo ng mga karagdagang swerte. Maglaan din ng oras para sa ehersisyo at paggawa ng ilan pang mga healthy activities. Ito'y para siguradong makakaiwaas ka sa sakit. Numbers of the month: 18, 28, at 3. Color of the month: Pink.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Bawas-bawasan ang pagiging mairita. Hindi ito nakabubuti sa’yo, lalo na pagdating sa pakikitungo mo sa iyong kapwa. Hindi rin ito maganda sa iyong kalusugan. Numbers of the month: 26, 31 at 1. Color of the month: Yellow-Gold.

TAURUS Abr. 21 - May. 21

Iwasan ang pagiging matigas ang ulo. Matuto ring makinig sa ibang tao, lalo na sa mga taong matagal nang nakakakilala sa’yo. Ang pagiging matigas ang ulo ang maaaring magpahamak sa’yo, kaya hangga’t maaari, iwasan ito. Ang mga numero at kulay na suwerte sa’yo ngayon ay: 11, 17, 20 at Berde.

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Kailangan mong pagtimbang-timbangin ang mga bagaybagay. Hindi pwedeng basta ka na lang nagdedesisyon nang hindi iniisip ang mga consequences. Kailangan mo ng tulong ng iba. Ang iyong color of the month ay Red. Numero mo naman ngayon ang 22, 24 at 30.

ANONG "S" ANG... Host: Anong “S” ang ginagamit para hindi ka malunod. Contestant: Sirena? Host: Hindi babae. Contestant: Syokoy? Host: Hindi lalaki! Contestant: Ah alam ko na... Syoke?

NANG DAHIL SA ASAR

Lalaki: Hoy, Juan ba’t umiiyak si Pedro? Juan: Eh kasi inaasar niya po ako eh! Lalaki: Kaya sinuntok mo sa asar? Juan: Ah hindi po. Sinuntok ko po sa tiyan.

Totoy: Pasensya na po, ganun po talaga ako... Pari: ... Totoy: Naglalakad habang tulog.

ANG KAGANDAHAN NG TAO AY NASA...

Buknoy: Maria, ba’t mo naman ako ipinagpalit sa taong yun? ‘Di hamak na mas pogi ako dun. Maria: Alam mo Buknoy, ang kagandahan ng tao ay hindi nakikita sa mukha. Buknoy: Eh kung ganun, saan? Maria: Eh ‘di sa bulsa!

KUNG IKAW SI EVA

Apo: Lola, kung ikaw si Eva, kakagatin mo ba ang mansanas? Babae: Mahal, baka nakakalimutan mo na. An- Lola: Aba, hindi apo. niversary natin ngayon ha? Apo: Eh bakit ho? Lalaki: Naku makakalimutan ko ba iyon? Lola: Aba eh, kakagatin ko ba naman eh wala Babae: Oh talaga mahal? naman akong ngipin! Lalaki: Oo nga eh, kahit pilit kong kinakalimuBAWAL UMINOM tan. Totoy: Noy, tara inom tayo! SA ELEKSYUN Noy: Ano ka ba? Alam mo bang nagbago ako Residente: Mayor, napapansin niyo bang pad- ng relihiyon? Bawal sa amin ‘yan! ami na nang padami ang mga squatters dito? Totoy: Eh ano’ng pwede sa’yo ngayon? Mayor: Oo nga eh. Noy: Mabuti pa, mambabae na lang tayo! Residente: Wala ba kayong kampanya sa mga SECRET MARRIAGE squatters? Susing: Ikaw Pedro, talaga bang pinagloloko Mayor: Matagal pa yun iho. Sa eleksyun pa. mo ako? Pedro: Ah... Eh... Bakit? Susing: Napag-alaman kong hindi nakarehistro SA SIMBAHAN ang kasal natin. Pari: Iho, halika nga rito. Pedro: Eh ‘di ba secret marriage ang gusto mo? Totoy: Ba...Bakit po? Eh ‘di ayun, wala akong iniwan na ebidensiya! Pari: Ba’t ka lakad nang lakad kanina habang mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp nagmimisa ako?

ANNIVERSARY

www.tumawa.com

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Kailangan mong isaalangalang ang iyong health. ‘Wag masyadong pagurin ang sarili. May tendensiya kang nagiging tutok sa iyong mga gawain, lalo na pagdating sa trabaho. Kaya naman, maghinayhinay lang. Swerte para sa’yo ang mga numerong 17, 5 at 26. Yellow ang suwerte mong kulay ngayong buwan.

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Kailangan mong sumama sa mga taong positibo ang pananaw sa buhay. Positibismo ang pangunahing kailangan mo ngayon para magtagumpay sa iyong mga balakin. Orange ang okay na kulay sa’yo; 22, 12 at 15 naman ang sa numero.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Maging cautious lang sa pagsasabihan mo ng iyong mga nalalamang sikreto. May ilang tao kasing akala mo ay okay pero hindi pala. Mag-isip-isip muna nang maraming beses. Lucky color at numbers: Yellow-Green; 8, 5 at 2.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Minsan, magandang sumunod sa iyong instinct. Kung sa tingin mo, okay ito, then go for it. Pero kung pakiramdam mo ay hindi ito makabubuti, mas maiging ‘wag mo na lamang ito ituloy. Masusuwerteng numero: 9, 19 at 3. Masuwerteng kulay: Maroon.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

Medyo bawas-bawasan ang pagiging “talkative” o palasalita. Minsan kasi ay may ibang mga sensitibong taong nakapaligid sa iyo na sa akala mo ay okay sa iyo, pero naiirita na pala. Tip: Maging sensitive sa pakiramdam ng iba. Itim ang swerteng kulay sa’yo; 33, 24 at 27 naman ang mga numero mo.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Hindi ito ang tamang oras para makipag-deal sa ibang tao, lalo na pagdating sa pera. Mas maigi rin munang gawin mo ang mga bagay-bagay nang hindi hinihingi ang tulong ng iba. Samantala, maganda kung paminsan-minsan ay binibigyan mo rin ng panahon ang iyong sarili. Okay na okay sa’yo ang kulay Gray. Numerong 10, 13, at 29 naman ang okay sa iyo.


20

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Floyd-Pacquiao fight, posible kung mananalo si Manny kay Rios

H

a n g g a n g n gayo n , h i n d i p a r i n sumusuko si Bob Arum sa posibleng “mega-fight” sa pagitan ng naghaharing pound-for-pound king Floyd Mayweather, Jr. at ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Sinabi ni Arum na posibleng mangyari ang laban, depende sa magiging performance ni Manny laban sa boksingerong si Brandon Rios. Kahit medyo humina ang posibilidad na mangyari ang “mega-fight” dahil sa dalawang magkasunod na talo ni Manny, naniniwala pa rin si Arum na maaaring magkasagupaan ang dalawang boksingero

Gilas Pilipinas, target ang second round sa 17th FIBA World Cup

kung matatalo nga ni Pacman si Rios sa isang magandang laban. Ang darating na laban ni Pacquiao ay magaganap na sa Nobyembre 24 sa Macau. Si Rios ay mas bata kay Pacquiao ng pitong taon at mayroong 31 panalo, isang talo at isang draw. Ang Floyd-Pacquiao fight ay patuloy na inaasam ng maraming boxing fans. Ngunit dahil sa iba’t ibang boxing promotions at hatian sa kikitain, patuloy na nakabitin ang laban ng dalawa.

Alaska

Ryan Buenafe

S

a nakaraang FIBA Asia 2013 na ginanap sa ating bansa, naiuwi ng Gilas Pilipinas ang silver medal. Ang bansang Iran naman humakot ng kampeonato. Dahil dito, makakapasok ang Gilas Pilipinas sa 17th FIBA World Cup na mangyayari sa Espanya at muli itong makikipagtagisan sa iba’t ibang bansa sa susunod na taon. Sinabi naman ni Chot Reyes na ang kanilang mithiin ay makapasok muna sa ikalawang round ng liga.

Inaasahang makakalaban nila ang pinakamahuhusay na koponan sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Espanya, Estados Unidos, Argentina at marami pang iba. Ang nasabing lineup ng Gilas ay posibleng mabago, depende sa mga manlalaro at sa mga koponan na pinaglalaruan nila. Patuloy naman na nananatiling positibo si coach Chot Reyes na hindi mababago ang kanilang lineup.

SPORTS UPDATES

Azkals, Number 1 sa Southeast Asia

PBA 2013 DRAFT

Barangay Ginebra

Greg Slaugther

RR Garcia

James Forrester

Global Port Terrence Romeo

Isaac Holstein

Rain or Shine

Raymond Almazan

Alex Nuyles

A

ng Azkasl ngayon ay umangat sa FIFA standings. Ngayon, numero uno na ito sa buong Southeast Asia. Dahil sa bagong posisyon, ang Pilipinas ay isa na sa mga maituturing na mahuhusay sa Asya sa larangan ng football. Ang Azkals ay nakakuha ng 129 ranking points dahil sa kanilang pagkapanalo ng 3-1 laban sa Pakistan sa huling araw ng Peace Cup. Ang nasabing pagkapanalo at pagtaas ng ranking ay dahil sa sipag at sakripisyo ng mga taong bumubuo ng koponan, ayon kay Dan Palami. Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang naturang grupo sa iba pang mga koponan sa bansa para lalo pang magsikap sa kanilang larangan. Subalit, sa kabila ng bagong ranking, hindi makakasali ang Azkals sa SEA Games sa Myanmar dahil hindi ito nakakuha ng abiso mula sa Philippine Olympic Committee. Pero makakasali ito sa darating na 2014 Asian Football Confederation Challenge Cup sa Myanmar.

Batang Pinoy - National Finals, iniurong sa susunod na taon

Donaire, muling pinatumba si Darchinyan

San Mig Coffee

Ian Sangalang

ngunit ibinangon niya ang kanyang sarili sa ika-siyam na round para tapusin ang lahat. Sa laban, ang ikatlo at ikaapat na rounds ang maituturing na pinaka-delikado para sa Pilipinong boksingero. Ngunit, left hook ni Donaire ang nagpatumba kay Darchinyan pagdating ng ninth round na tila naging flashback naman ng kanilang laban noong 2007. Taong 2007 nang umarangkada ang karera ni Donaire matapos din nitong mailampaso ang kalabang si Darchinyan.

Justin Chua

C

ome-from-behind ninth round knockout win. Ito ang tawag ngayon sa pagkakapanalo ni Nonito Donaire sa nakaraang bakbakan nila ng boksingerong si Vic Darchinyan para sa featherweight rematch nitong Nobyembre 10 sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas. Talo sa scorecards ng dalawa sa tatlong judges si Donaire,

B

unsod ng mga nakaraang kalamidad, nagdesisyon ang Philippine Sports Commission (PSC) na i-postpone na lamang ang Batang Pinoy – National Youth Games Finals sa Enero 28 hanggang Pebrero 1, 2014. “We decided to postpone Batang Pinoy by late January or early February because of the situation not just in the host Bacolod City but also of their nearby provinces. Hindi puwede na ituloy natin ito na ang sitwasyon ay lubhang naghihirap pa ang mga kababayan natin,” ang pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia, base sa panayam ng pahayagang Abante. Nobyembre 19-23 ang orihinal na iskedyul ng BP. Ang naturang palaro ay para sa mga batang atletang may 15-taong gulang pababa.


21

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Lea Salonga, ipagdiriwang ang 35 taon sa industriya sa Miss World Megan Young, pamamagitan ng concert nakaiwas sa aksidente

I

pagdiriwang ng international singing star, Lea Salonga, ang kanyang ika-35 taon sa industriya sa PICC Plenary Hall sa pamamagitan ng concert na pinamagatang “Playlist.” Batay sa panayam ng Inquirer.net sa aktres, nagagalak umano ang broadway superstar sa kanyang 35 taon sa industriya dahil mahal niya ang kanyang ginagawa at patuloy niya itong mamahalin. Idagdag pa umano sa listahan ang mga taong nakilala at nakatrabaho niya sa loob ng mahigit sa tatlong dekada at kanyang mga napuntahang lugar habang nagpeperform. Ang mga kantang kasama sa “Playlist” concert ay ang mga paboritong kanta ng Tony Award winner. Hindi rin siya nahirapan sa paghahanap ng mga taong makakasama niya sa entablado sa konsiyerto. Ayon sa The Voice of the Philippines coach, nagustuhan niya ang pagkanta ni Mitoy, isa sa mga kasali sa reality show kung saan sila nagkatrabaho, kaya kasama ang singer sa konsiyerto ni Lea. Kasama rin ang kanyang kapatid na si Gerard Salonga na pamumunuan ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Ang konsiyerto ay magaganap sa Disyembre 6 at 7 sa direksiyon ni Bobby Garcia.

Nikki Gil, nagsalita na hinggil sa break-up with Billy

N

a-maintain pa rin ni Miss World Megan Young ang kaniyang composure nang bumagsak ang gusaling kanilang pinuntahan sa Port Au Prince, Haiti noong October 31. Bumigay ang temporary shelter para sa 78 bata nang dumalaw ang Miss World foundation at nahulog mula sa taas na 8 feet ang beauty queen, kasama si Miss World chair Julia Morley, mga bata at iba pang kasama mula sa foundation. Maayos na bumagsak si Megan Young at nagawa pang mailigtas ang korona na kaniyang suot. Samantala, isinugod sa ospital sa Miami, Florida si Julia upang maipagamot ang kaniyang napuruhang balakang. Bagamat nangyari ang aksidente, hindi pa rin titigil ang Miss World 2013 sa pagtulong sa mga batang nangangailangan. “It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti. I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again,” sabi pa ni beauty queen Megan Young.

M

atapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na ang newly-transformed woman na si Nikki Gil tungkol sa kanilang hiwalayan ng almost-five-year boyfriend na si Billy Crawford. “ I n dep e ndence m a ke s a wo ma n sex y. T here’ s something sexy about a woman who can take care of herself and doesn’t need people to see her through,” kaniyang proklama sa Yahoo Philippines OMG. Mas nagiging daring na ang roles at image na ipinoproject ng singer-host-actress sa mga manonood ngayong nahanap niyang muli ang confidence matapos ang breakup nila. “I don’t flirt when I’m in a relationship. I don’t want to do anything that will someday be done to me. I couldn’t believe it. I didn’t do anything to deserve it,” kaniyang paliwanag tungkol sa nangyari between her and ex-boyfriend. Samantala, tikom naman ang bibig niya sa rumored girl behind sa hiwalayan nila ni Billy na si Coleen Garcia. Into friendly dating ang dalaga ngayon ngunit hindi pa siya handang buksan muli ang kaniyang puso. “Hindi ako ang tipong tao who will jump to the next relationship. You hurt people that way.”

GMA 7, pinagpapaliwanag ng MTRCB re Arnold Clavio

I

nimbitahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga kinatawan mula sa GMA 7 para sa isang conference tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng news anchor na si Arnold Clavio. Ito ay tungkol sa marahas at ‘di magalang na paraan ng paginterview ni Arnold Clavio kay Atty. Villamor, abogado para sa illegal detention ni pork barrel queen Janet Lim Napoles, sa Unang Hirit noong November 5. “Pasira ka ng araw eh,” “Tatawa-tawa ka pa!” at “Wala po akong nakuha sa inyo,” ang mga naging sagot ng batikang news anchor sa attorney sa kanilang phone interview. Nagpakita ng iritasyon sa iniinterbiyung abogado si Clavio nang binanggit ni Atty. Villamor na “baka” ibang abogado ang humahawak ng PDAF case ni Napoles. Samantala, humingi na rin ng paumanhin at pagpapaliwanag si Clavio sa pareho ring programa noong November 7.

Ariella Arida, 3rd Runner-Up sa Miss Universe 2013

P

inangingilagan na ngayon ang ganda ng mga Pinay sa Miss Universe. Ito’y matapos, sa ikaapat na magkakasunod na taon, itinanghal bilang isa sa mga top 5 contestants ang ating pambatong si Ariella Arida, ngayon naman bilang 3rd runner-up. Isinagawa ang Miss Universe ngayong taon sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia nitong Nobyembre 9, kung saan itinanghal bilang kampeon si Miss Venezuela Gabriela Isler. Itinanghal naman bilang 1st runner-up si Miss Spain Patricia Rodriguez, 2nd runner-up si Miss Ecuador Constanza Baez at 4th runner-up si Miss Brazil Jekelyne Oliveira. Mula simula hanggang sa question and answer portion, si Ara ang isa sa mga nakatanggap ng pinakamatunog na

palakpak mula sa Audience. Nang tanungin kung ano ang maaaring gawin para maiwasan ang kawalan ng trabaho, ito ang kanyang mabilis na tugon: “We should invest in education a n d t h a t ’ s my p r i m a r y a dvo c a c y. Education is the ticket to a better future.” Nanguna si Arida sa online poll na siyang awtomatikong naging tiket niya para mapasama sa top 16. Noong 2010, itinanghal bilang 4 th runner-up si Venus Raj, 3 rd runner-up naman si Shamcey Supsup noong 2011 at noong nakaraang taon ay itinanghal bilang 1st runner-up si Janine Tugonon. Noong 1969 at 1973 lang nagkaroon ang Pilipinas ng mga Pilipinang Miss Universe, sa katauhan nina Gloria Diaz at Margie Moran.

Rayver Cruz, masaya para kay Sarah at Matteo

Basta kung saan masaya ang bawat isa. Si Matteo, nakikita ko namang masaya siya ngayon, kapag dumadating sa shooting. So, happy ako. Kaibigan ko iyon,” paliwanag ni Rayver Cruz sa Yahoo Philippines OMG! tungkol sa rumored relationship nina Matteo at Sarah. Hindi naman daw n a k a r a m d a m n g awkwardness ang binata sa pagitan nila ni Matteo dahil bago pa man pumutok ang balita tungkol sa hinihinalang relasyon ng actress-singer n a s i S a ra h G e ro n i m o a t Filipino-Italian actor-model na si Matteo Guidicelli, magkaibigan na silang dalawa. Matatandaang napabalita ring magkarelasyon sina Sarah G. at Rayver Cruz. Samantala, ano naman ang kaniyang reaksiyon s a b re a ku p n g ex n iya n g si Cristine Reyes at Derek Ramsay? “Right ko naman iyon na ayaw ko na lang pag-usapan kasi parang binabalik lang ng binabalik. So, para sa akin, hindi na lang ako magsasalita.”


22

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Richard Gutierrez, balik Pinas after ng pahinga

H

indi na nagrenew ng kontrata ang aktor na si Richard Gutierrez at after ilang months ng pagkawala sa showbiz scene, nagbabalik ang aktor sa Pilipinas. “It’s good to be back in Manila. We were able to get some rest and now I’m actually feeling good and feeling that fire again.” Kasama niya sa kaniyang pamamahinga while touring around the world ang kaniyang girlfriend na si Sarah Lahbati. “We were able to travel and relax and unwind. Spend quality time with each other and with our family.” Samantala, iwas pa rin ang showbiz couple tungkol sa napapabalitang panganganak ni Sarah sa kaniyang native country na Switzerland noong April.

Hollywood stars, nakiisa sa panawagan para sa mga biktima ni Yolanda

N

akakatuwang isipin na hindi lang mga local celebrities at personalities ang mga nagpaabot ng suporta at tulong para sa mga Yolanda Victims, kundi pati na ang ilang international o Hollywood stars. Ilan lamang sa mga nangungunang celebrities na nag-tweet at nagbigay na ng kanilang mga donasyon ay sina Thalia, Josh Groban, Sarah Jessica Parker, Sarah Beleiles, Christina Aguilera, Ricky Martin at marami pang iba. Nagpaabot din ng pakikiramay ang dating Miss Universe at naging artista pa nga sa Pilipinas na si Dayanara Torres. Ika niya, itunuring na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas, kaya lubos ang kanyang pakikiramay sa ating mga kababayan. Ilan naman sa mga local celebrities na naunang nagbigay ng kanilang donasyon ay sina Kris Aquino, Angel Locsin, Anne Curtis at magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Shamcey; natuwa sa achievement ni Ariella

I

sa si 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa mga dumipensa sa kanyang fellow beauty queen at ngayon na nga ay itinanghal sa pareho ring puwesto sa Miss Universe na si Ariella Arida, matapos itong batikusin ni DJ Mo hinggil sa naging pahayag ng aktres na maging ang mga Latina beauties ay hindi makapagsalita ng kumpletong Ingles. Ito kasi ay naging depensa ni Ara sa mga bumabatikos sa kanyang kakayahang magsalita ng wikang Ingles bago siya tumulak patungong Russia. Isa si Shamcey sa mga nagpayo sa pambato ng Pinas na magkaroon lang ng kumpiyansa sa kanyang pagsagot sa question and answer portion ng naturang timpalak-pagandahan. Kaya naman, tuwang-tuwa si Shamcey sa naabot na tagumpay ni Ara. Ayon sa kanya, nagbunga ang lahat ng mga payo ng mga kapwa niya beauty queen dahil talaga namang nagpakita ng alindog at husay ang Pinay beauty sa Miss Universe.


23

December 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Sarah, ibinahagi ang kanyang mga natutunan sa mga bigong pag-ibig

NCCA, ipinagtanggol ang Art Ambassadors

Robin Padilla, Tanggap na si BB

U

S

a isang bihirang okasyon, ibinahagi ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo ang kanyang mga natutunan sa kanyang mga bigong pag-ibig. Kahit hindi niya pinangalanan ang mga ito, sinabi ni Sarah na dalawang beses na siyang umibig at dalawang beses na rin siyang nabigo. Sa una niyang pag-ibig, natutunan niya na hindi talaga sila para sa isa’t isa ngunit nagawa niyang isalba ang kanilang pagiging magkaibigan. Masyado naman siyang nasaktan sa pangalawang pagibig. Subalit, mas nakita ni Sarah ang importansya sa pagpapahalaga ng kanyang sarili bilang isang babae. Sinabi rin ni Sarah na merong pag-ibig na hindi talaga para sa’yo at may mga taong tunay na magmamahal sa’yo. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay maging totoo raw sa bawat isa. Hanggang ngayon, ang love life ni Sarah ay patuloy na nagbibigay interes sa mga tao dahil may mga usap-usapang pinapakialaman pa ng kanyang mga magulang ang buhay pag-ibig ng dalaga.

N

asaksihan ng madla ang transpormasyon na nangyari sa buhay ni Rustom Padilla, o mas kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Matatandaan ring iba’t ibang emosyon ang nakita sa paglalantad ni BB sa kanyang tunay na pagkatao, kasama na rito ang kay Robin Padilla. Hindi agad natanggap ni Robin, at maging ng kanilang pamilya, ang pagbabagong anyo ng kanilang kapamilya. Pero ngayon, lubhang magkasundungmagkasundo na ang magkapatid. Sa katunayan,nakatakdang gumawa ang dalawa ng pelikula na naglalayong talakayin ang gay rights. Matatandaang nagkasakit si BB ng UTI at hindi rin mawala-wala ang kanyang lagnat. Nang dalawin siya ni Robin, doon na nag-umpisang magkasundo ang dalawa. Halos tatlong taon din ang hinintay ni BB na muli silang magkaayos ng kanyang kapatid. Sa pagkakasundong-muli ng magkapatid, inaasahang magiging maganda ang kanilang relasyon, sa kabila ng mga pagbabago. Nabalitaan ding inalok ni Robin si BB na dumalo sa mga darating na family reunion.

Gabby Conception, proud sa limang mga anak na babae

L

ima ang anak na babae ni Gabby Concepcion--sina KC, Garrie, Samantha Alexis, Savannah at Cloie. Ayon sa aktor, base sa artikulo sa pinoystop.com, proud umano sa kanyang limang mga anak, dahil, sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang ina, nananatiling close pa rin daw ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Sinabi pa ng nagbabalik na aktor na masaya siya para sa kanyang mga anak, lalo na si KC na sobrang responsable. Sinabi rin ni Gabby na kahit hindi lumaki ang kanyang mga anak na kasama siya, nasasaktan siya kapag hindi niya sila nakikita sa mga oras na kailangan niya ng mga taong susuporta sa kanya. Bilang isang ama, gusto ni Gabby na makita ang kanyang mga anak na dalaga na nagkakasundo at nag-eenjoy. Inamin naman ni Gabby na mas close sya kay KC dahil parehas silang nasa showbiz. Napag-uusapan din nila ang iba’t ibang bagay, katulad ng beach, diving, boating at marami pang iba. Samantala, ayon pa sa aktor, hindi naman niya pinakikialaman ang buhay ng kanyang mga anak, lalo na kung hindi naman sila humihingi ng tulong sa kanya.

mani ng batikos ang naging announcement ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa kanilang mga napiling art ambassadors. Sa isang picture ng mga art ambassadors na posted sa page ng NCCA sa Facebook, binatikos ng mga individual at group artists ang mga napiling indibidwal ng ahensiya na halos mga showbiz personalities. “We didn’t use artsy people to represent or be our ambassadors. We wanted some media magnet for this because they normally get attention,” paliwanag ni public affairs head Rene Napeñas sa Yahoo Philippines OMG!. Ayon pa sa NCCA, isang paraan upang mahatak ang mga Filipino sa sining ang naging objective sa pamimili ng showbiz celebrities. Ang mga piniling celebrities ay sina Boy Abunda (Ambassador for Philippine Arts Festival), Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (Dance), Sarah Geronimo (Music), Ogie Alcasid (Heritage), Piolo Pa s c u a l ( Cu l t u re ) , D i n g d o n g Dantes (youth ambassador for Philippine Arts Festival), Jericho Rosales (Taoid), Shamcey Supsup (Architecture and Allied Arts), at Venus Raj (Dayaw). Nilinaw ng NCCA na boluntaryo at walang bayad na ibinibigay sa art ambassadors.

AiAi, first time nagbirthday sa Amerika

Pokwang, bibida bilang Call Center Girl

B

ibida sa isa na namang comedy film under Star Cinema ang batikang komedyanteng si Pokwang, ang Call Center Girl. Ito na ang ika-11 pelikula ni Pokwang sa Star Cinema. Dalawa sa mga tumatak na pelikula ng aktres ang A Mother’s Story, isang drama film, at The Healing, isang horrorthriller. Kasama niya sa listahan ng mga cast ay sina Jessy Mendiola, Enchong Dee, K Brosas, Chokoleit, John Lapus, Ejay Falcon, Alex Castro, Aaron Villaflor, Dianne Medina at marami pang iba. Ang pelikula ay panulat ni Kriz Gazmen at idinirehe naman ni Don Cuaresma. Siguradong patatawanin ng pelikula ang sino mang manonood nito.

N

agdiwang nitong Nobyembre ng kanyang ika-49 na kaarawan si AiAi delas Alas sa Amerika, sa kaunaunahang pagkakataon. Excited ang naturang komedyante sa naturang once-in-alifetime experience niya. Katunayan, ito ang naging post ng aktres sa kanyang Instagram account: “Excited ako 1st time ko mag-celebrate ng birthday ko sa buong buhay ko sa ibang bansa… ano kaya ang feeling??? Heheh.” Sa kabila ng kanyang bigong buhay-pag-ibig, nagpapasalamat pa rin naman ang naturang aktres sa mga tinatamasang biyaya na, ayon sa kanya, ay hatid ng Panginoon. Kasama ni Ai ang kanyang dalawang anak na sina Nicolo at Sophia sa kanyang byaheng Amerika.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.