Daloy Kayumanggi newspaper November 2014

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.4 Issue 41 November 2014

www.daloykayumanggi.com

DEAR KUYA ERWIN

Para sa Tagumpay

4

TRAVEL

Koyo sa Arashiyama

8

GLOBAL PINOY Funny Horoskopu

18

HASSLE-FREE NA PAG-UWI

Photo by: Nelson Arquillano Ignacio, taken at Rikugi-en park, Tokyo Nagpalabas ng anunsiyo ang Philippine Embassy sa Tokyo hinggil sa pagpapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng International Passenger Service Charge (IPSC) simula Nobyembre 1, 2014. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, nangangahulugan umano ito na maisasama na ang Php 550.00 airport terminal fee sa halaga ng airline tickets sa mismong ticket purchase. Layunin umano ng nasabing integration scheme na makapagbigay ng kaginhawahan sa mga pasahero na bibiyahe mula sa Manila patungo saanmang destinasyon sa labas ng Pilipinas. Sundan sa Pahina 5

TIPS

Para sa mga uuwi ng Pasko

11

Consular Outreach Mission at OAV Registration ng Philippine Embassy, matagumpay na idinaos sa Hokkaido at Gunma Prefectures

M

atagumpay na idinaos nitong mga nakaraang buwan ang magkakahiwalay na Consular Outreach Mision at Overseas Absentee Voting registration para mabigyan ng assistance at serbisyo ang mga Pinoy sa iba't ibang panig ng Japan. Base sa ulat ng tokyo.philembassy.net, nitong Setyembre 20, nagpadala ang Philippine Embassy ng Consular at OAV team sa Sapporo para maghatid ng mga serbisyo sa Filipino community sa Hokkaido Prefecture. Ilan lamang sa mga ibinigay na serbisyo ay ang mga sumusunod: Sundan sa Pahina 5

JOBS

Trabaho sa Chiba

21

KA-DALOY OF THE MONTH

SPO1 Ariel Camiling Good Samaritan ng QC ni Loreen Dave Calpito E-mail: davecalpito529@ gmail.com

SHOWBIZ

Kim Chiu bilang Mulan

22


2

November 2014

Facebook co-founder, nagbigay ng donasyon vs Ebola

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

9TV, magiging CNN Philippines

M I

nanunsiyo ng Facebook co-founder nitong Oktubre 14 ang pagbibigay ng $25 milyong donasyon para matulungan ang Estados Unidos sa pagsugpo sa nakamamatay na Ebola epidemic. Pahayag ni Mark Zuckerberg, base sa ulat ng rappler.com at inilathala rin sa kanyang facebook page: "The Ebola epidemic is at a critical turning point. It has infected 8,400 people so far, but it is spreading very quickly and projections suggest it could infect one million people or more over the next several months if not addressed." Kasama ni Zuckerberg ang kanyang asawa sa desisyon ng pagbibigay-donasyon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) Foundation. Matatandaang nitong nakaraang buwan, nag-pledge din ang Bill and Melinda Gates Foundation ng $50 milyon para palakasin pang lalo ang pagsugpo sa nakamamatay na epidemya sa buong mundo.

Pinay Chef ng White House, kasama sa CNN's Leading Women

agiging “CNN Philippines” na ang 9TV, na dating Solar News. Ito’y matapos bilhin ng Radio Philippines Network Channel 9 (RPN 9), base sa ulat ng rappler. com, ang brand ng CNN kamakailan. Base sa ulat ng nasabing website, ang nasabing partnership ng 9TV at ng CNN ay nangangahulugang pinapahintulutan ang 9TV na iere ang mga programa at international news coverage ng CNN. Gayundin, ang

B

unsod ng aksyon ng pangulo para mapatibay ang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia, binigyan ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono ng Adipuna Award si President Benigno S. Aquino III nitong Oktubre 11 sa Bali Indonesia. Ang "Bintang Republik Indonesia Adipurna" o "Star of the Republic of Asia" ay ang pinakamataas na "honor" na ibinibigay ng Indonesia. Kasabay ito ng pagdaraos ng 7th Bali Democracy Forum (BDF), kung saan nagsilbing co-chairman si Pres. Aquino. Sa ulat ng pia.gov.ph, pinasalamatan ng pangulo ang

9TV na ang opisyal na magbibigay ng mga report sa bansa para sa CNN. Matatandaang, bago nito ay inanunsiyo na rin ang pagkakaroon ng CNN Indonesia. “I am excited for this! First on MNP: 9TV to rebrand as CNN Philippines,” pahayag ng isang netizen (Roger Cacayorin @myrogerph). Inaasahan umanong magiging mahigpit na kakumpetisyon ang nasabing istasyon sa mga leading networks sa kasalukuyan, ang ABS-CBN at GMA7.

Pangulong Aquino, tumanggap ng pinakamataas na parangal sa Indonesia

presidente ng Indonesia. Dagdag pa nito: nirerepresenta raw ng nasabing award ang mayaman at makasaysayang relasyon ng dalawang bansa. Gayundin, ika niya, base rin sa ulat ng nasabing website: “A recognition of the boundless potential of our partnership, and of our continuing task of exploring areas of cooperation and increasing our synergies in every possible manner, all for the mutual benefit of our peoples... It is for these reasons that the Philippines remains committed to working towards strengthening and expanding our partnership with Indonesia."

ILO, ADB naglunsad ng pag-aaral hinggil sa magiging epekto ng ASEAN integration sa 2015

T

ampok kamakailan sa CNN's Leading Women si Cristeta Comeford, ang exectuive chef ng White House at isang Pinay. Noong taong 2005, si Cristeta ay gumawa ng kasaysayan sa kulinarya matapos hirangin bilang executive chef ng dating First Lady Laura Bush. Siya ang pinakaunang babae at pinakaunang minorya na nailagay sa katungkulan. Sa loob ng dalawang dekada, si Cristeta ay nagtatrabaho at nagluluto lamang ng masasarap na pagkain para sa presidente, sa pamilya at sa mga nasa mataas na katungkulan na mga bisita ng presidente. Ang 51 taong gulang na chef ay nagsilbi na sa tatlong presidente. Siya ay nagsimula noong administrasyon ni Clinton taong 1995, nagsilbi rin noong panunungkulan ni Bush at ngayon naman ay sa dalawang termino ni Obama. Ibinahagi ni Cristeta kay Isha Sesay ng CNN ang kanyang buhay simula sa kanyang paglaki sa Maynila, ang pagiging isa sa 11 na magkakapatid, ang kanyang buhay sa US noong 23 taong gulang siya kung saan isa siyang “salad girl” gayundin ang pagpapakain sa pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo.

S

a tulong ng ASEAN Secretariat, inilunsad nitong Oktubre ng International Labour Organization (ILO) at ng Asian Development Bank (ADB) ang pag-aaral na isinagawa nila hinggil sa "ASEAN Community 2015: Managing integration for better jobs and shared prosperity." Sa ulat ng pia.gov.ph, ika ni Sukti Dasgupta, Chief of Regional Exonomic and Social Analysis Unit (RESA), ILO Regional Office for Asia and the Pacific, ang naturang pag-aaral ay sumusuri sa epekto ng ASEAN Economic Community sa labor markets, gayundin ay nagbibigay rin ito ng mga evidence-based na mga policy recommendations para sa "better jobs and equitable growth, including strengthening regional cooperation, facilitating structural change, improving job quality, enhancing skills, boosting productivity and wages, and managing labor migration. Laman din umano ng nasabing ulat, ayon kay Dasgupta, ang mga posibleng benepisyo at hindi magandang maidudulot ng ASEAN integration. Nitong 2015 kasi, magkakaroon na ng "single com-

mon market" ang 10 ASEAN member States, kabilang na ang Pilipinas.


3

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Malaking Zumba Party, inilunsad sa Quezon City

I

sang malaking Zumba party ang inilunsad nitong Oktubre 12 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City. Ito'y kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Quezon City. Libu-libo ang mga sumali sa nasabing party na dinaluhan din ng iba't ibang sikat na personalidad para pasiyahin pang lalo ang mga dumalo sa nasabing pangyayari,

kagaya ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag. Susubukan sanang gumawa ng world record sa pinakamalaking zumba party sa buong mundo ang mga organizers, ngunit naudlot dahil sa malakas na buhos ng ulan. Host ng nasabing malaking event ang dance diva na si Regine Tolentino.

Piloto ng PAL, kinilala

Souvenir items ng Santo Papa, patok

B

unsod ng papalapit na pagdating ng kasalukuyang Santo Papa sa Pilipinas, nagkalat na ang mga souvenir items sa bansa, partikular sa Metro Manila. Sa ulat ng TV Patrol, patok ngayon ang souvenir shirts na ibinebenta ng Cathedral ng Cubao. Fund raising activity na rin umano ito para sa gagamiting pondo para sa kapistahan ng nasabing parokya sa darating na Disyembre. Dinudumog naman ng mga mamamayan ang standee ni Pope Francis sa iba’t ibang mga simbahan sa Metro Manila. Gayundin, ibinebenta rin sa ngayon sa iba’t ibang mga diocese sa bansa ang Pope Francis comics na likha ng Communication Foundation for Asia. Naglalaman ito ng ilang bahagi sa buhay ng Santo Papa at ilan din niyang mga parangal na natanggap.

Citizen's Arrest Ordinance, ipinatutupad sa QC

N

akaranas ng pag-alog sa alapaap ang Airbus 330 ng Philippine Airlines noong Setyembre 16 bago pa ito lumapag sa Hong Kong International Airport. Ang eroplano ay may lulan na 300 na pasahero subalit dahil kay Capt. Albert E. Jimenez, ligtas na nailapag ang nasabing airbus. Pahayag ni Jimenez sa ABS-CBN, iyon ang una nyang

Unang anibersaryo ng 7.2 Bohol quake, ginunita

G

inunita ng mga Boholano ang unang anibersaryo ng 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Central Visayas noong Oktubre 15 noong nakaraang taon. Ito'y sa pamamagitan ng panalangin at dasal. Sa ulat ng TV Patrol, nagliwanag ang Plaza Mayor sa Tagbilaran City ng mga ilaw na bumuo sa numerong 7.2, ang lakas ng lindol na nagpabagsak hindi lamang sa ilang gusali at mga kabahayan, kundi pati na ang mga dinadayong simbahan roon. Ang nasabing salubong ay bilang pasasalamat din umano sa mga tumulong sa kanila at upang gunitain

karanasan na magpalapag ng eroplano na may “turbulent conditions.” Kwinento niya rin ang kanilang matiwasay at payapang dalawang oras na biyahe matapos makaalis sa Maynila ng 8:08 ng umaga, subalit noong malapit na sa Hong Kong ay doon sila nakaranas ng turbulence. Ang turbulence na iyon ay sinasabing dala ng bagyong Luis, na may international codename: Kalmaegi.

ang mga naging biktima ng nasabing lindol. Ang libreng concert din na inilunsad ay bilang pagbibigay ng inspirasyon umano sa mga Boholanos na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabangon mula sa trahedya. "We are still on the road to full recovery. We still have so many things to do. Marami pa tayong mga ginagawa na kailangan gawin para ma-achieve talaga ang full recovery. But, we are happy with the cooperation and support of everyone," ika ni Gov. Edgar Chatto sa panayam ng TV Patrol. Ang nasabing malakas na lindol ay dulot ng North Bohol fault.

I

pinapatupad na sa ngayon ang isang ordinansa sa Quezon City na nagbibigay ng karapatan sa mga sibilyan na arestuhin ang mga taong sumuway sa batas. Sa bisa ng Citizen’s Arrest Ordinance, na ipinasa ng QC Council noon pang Agosto at pinatitibay ng Rule 113 ng Revised Rules of Criminal Procedure ng Rules of Court ng Pilipinas, pwedeng arestuhin ng mga sibilyan ang sinumang kriminal sa ilalim ng tatlong panuntunan: 1) Kung personal na alam ng sibilyan ang nangyaring krimen; 2) Kung nakita mismo ng sibilyan ang krimen; at 3) Kung ang hinuhuli ay wanted o pinaghahanap ng batas. Kapag hinuli, kailangang agad i-turnover ang nahuling kriminal sa mga awtoridad. Kung tatanggihan ito ng awtoridad, maaari siyang masampahan ng reklamo.


4

November 2014

Global Filipino DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

Ang tatlong uri ng tao na makakatulong sa iyong tagumpay

K

alagitnaan ng gabi, pinulong ng leader ng rebolusyonaryong hukbo ang dalawang tao. Nabahala ang leader na aatake ang kalaban pagsikat na pagsikat ng araw sa kanilang lugar. Nais nitong mabigyan ng babala ang mga kasamang rebolusyonaryo na kasalukuyan ay tiyak tulog na at walang kaalam-alam sa nakaambang nga paglusob. Ang unang tao ay inatasan na tahakin ang lugar papuntang Concord, Massachussets, samantalang ang ikawalang tao ay inutusan naman na tahakin ang kabilang landas. Sinuong ng unang tao ang ilog kung saan nanduduon ang sobrang laking barkong pagdigma ng kalaban at pumuslit papunta sa Concord. Sakay ng kabayo, isa-isa nitong pinagsabihan ang lahat ng madaanang kabahayan at sinabihan na maghanda dahil ang kalaban ay lulusob kinaumagahan. Ang mga nasa kanayonan ay nagpadala din ng kanyakanyang tao na nakakabayo at nagbabala din sa iba pang kanayunan. Dahil may patrolya ang kalaban sa mga kalsadahan at daanan, ingat na ingat sa pagtawid ang unang tao habang papunta ng Concord. A l a m n iyo b a a n g “ M i d n i gh t r i d e ” n a kuwento ng Amerikanong hero na si Paul Revere? Dahil sa hating-gabi na pagbyahe at pagbababala ni Revere sa mga tao, ang mga Amerikano ay nakaiwas sa lubos na kapahamakan sa paglusob ng mga British. At dahil sa babala na ito, nakapaghanda ang mga rebolusyonaryong Amerikano na labanan ang mga British na mananakop.

Samantala, ang pangalawang tao naman ay g a n u n d i n a n g g i n awa . S u b a l i t , k a b a liktaran ang nangyari, nalusob ang nayon n a ka nya n g p i n a g s a b i h a n d a h i l h i n d i n a kapaghanda ang tao. Ang kanyang dalang impormasyon, at paraan ng pagsabi na bahay-bahayan na kampanya sa lugar na kanyang dinaanan, ay pareho kay Paul Revere. Subalit walang nangyari. Ayon sa librong “The Tipping Point” ni Malcolm Gladwell, ang mga maliliit na bagay ay m a a a r i n g m a k a g awa n g n a p a k a l a k i n g epekto. Ang tipping point ay isang punto o sandali kung saan biglang tatawid ito sa isang bingit o threshold, at biglang kakalat na parang apoy sa talahiban. Gaya ng natural na epidemiya gaya ng ubo na lalaganap ka p a g n a a b o t a n g t h re s h o l d , a n g t i p p i n g point ay bigla na lamang sisikat at maging uso sa buong komunidad. Ayon kay Gladwell, sa pamamagitan ng pagbabago sa mga malilit na paraan, ang ating ideya, serbisyo o produkto ay maaring bumulusok, maging viral at sumikat ng sobra. Ang mga maliit na pagbabago ay maaring maging parang epidemeya na kakalat sa lahat. Isa mga mga maliit na paraan na ito ay ang pagkilala sa tatlong uri ng tao ayon sa Law of the Few. A n g L a w o f t h e Fe w ay n a g s a s a a d n a u p a n g m a g i n g p o p u l a r a n g i s a n g i d eya o produkto, nangangailangan ito ng interbensyon ng maimplewensiya, subalit kakaunti l a m a n g , n a m g a u r i n g m g a t a o . Ayo n s a isang kilalang prinsipyo sa ekonomiya na tinatawag na Pareto Principle, ang 80% ng

trabaho ay kadalasan ginagawa lamang ng 20% ng mga tao. Ganuon din sa pagpapasikat ng isang adhikain, serbisyo o produkto. Sila ay ang connector, maven at salesmen. Ang connector ay tao na maraming kilala at ugali na ipakilala ang isang tao sa ibang tao na kanyang kakilala. Kadalasan, marami i to n g ka k i l a l a n g t a o s a i b a’ t i b a n g g ru p o o ko m u n i d a d , s a i b a n g - i b a n g p ro p e syo n , mayaman man o mahirap. Ang connector ay likas na may galing na pagsamahin ang iba’t ibang tao sa iisang bubong. Ayon kay Gladwell, ang connector ay may mahigit na 100 katao na mga kakilala. Ang maven ay mga espeyalista sa impormasyon. Dito sa bansang Japan, minsan ang tawag sa kanila ay otaku. Sila yung mga tao na pinupuntahan natin sakaling may nais tayong itanong tungkol sa isang bagay. Maliban sa maraming detalyadong alam sa isa o iilang paksa, likas sa kanila na mag-share ng kanilang nalalaman sa ibang taon. Ang salesman na tao ay kadalasan may ka r i s m a a t m a ga l i n g s a n e g o s a syo n . M ay katangian ang salesman na maenganyo at mapapayag ang ibang tao. Dahil sa salesm a n , m a s m a ra m i n g t a o a n g n a h i h i kaya t na gumawa ng aksyon, gaya ng pagbili ng produkto o mapasikat ang adbokasiya. Si Paul Revere, na naatasang magbabala s a m iye m b ro n g re b o l u s o n a r yo n g A m e r ika n o , ay i s a n g c o n n e c to r. M a ra m i s iya n g kakilala sa iba’t ibang sektor ng lipunan, m aya m a n m a n o m a h i ra p . S a m a k a t uw i d , bago pa man magplano ang mga British na lumusob, marami na ang nagsasabi kay Revere sa mga kakaibang pagkikilos ng tropang British. Nang bumiyahe si Revere, karamihan sa mga napuntahan niyang kanay u n a n ay m e ro n s iya n g k i l a l a ku n g k aya mabilis ang pagtanggap ng mga tao sa balita at naipakalap agad. Sa kabilang banda, ang pangalawang tao ay hindi connector, kung k aya , k a h i t p a re h o n g h o u s e - t o - h o u s e n a kampanya ang kanyang ginawa, wala agad naniwala sa kanya. Ano naman ang mapupulot natin sa kuwento ni Paul Rever at sa librong Tipping Point. Malaki ang makukuha nating aral sa kuwentong ito. Kung ikaw ay may kinakampanyang pagbabago halimbawa, mainam na alamin muna ang tatlong klase ng tao na ito at nakumbinsi sila. Kapag nakumbinse

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

na tatlong uri ng mga tao, marami ang susunod. Ang kagandahan ng prinsipyong ito kaunti (Rule of the Few) ay hindi mo dapat kumbinsihin ang lahat na tao, kumbisihin mo lang itong kaunti subalit impluwensyal na mga tao. Halimbawa sa negosyo, naalala mo ba ang paglabas ng Iphone, ang pinaka unang smartphone ng kumpanyang Apple? Si Steve Jobs na lider ng Apple ay isang charismatic na salesman kung kaya't marami itong mga tagahanga. Nuong una, ang apple na mga produkto ay sa mga tagahanga lamang, subalit marami sa mga tagahanga na ito ay diehard fans, marami sa kanila ay mga mavens. Dahil sa isang salesman at maraming maven, bumulusok ang Iphone at pinipilahan ng karamihan. Maari mo ring gamitin ito sa pamilya. Sa panahon na kailangan mo ng advice, sino ang pinupuntahan mo? Sino ang connector sa iba’t ibang mga kaanak? Kapag alam mo kung sino-sino, mas madaling i-manage ang iyong pamilya lalo na at ikaw ay nasa malayo. Halimbawa, hindi mo kailangang bantayan at alamin sa bawat isa ang nangyayari sa iyong pamilya, tanungin mo lamang ang mga connector, maven at salesmen. Sa Facebook, alamin kung sino sa iyong mga “friends” ang mga maimpluwensyang tao. Kung may nais kang ipaabot na mensahe o balita at sila ay iyong nakumbinse, mas madali ang pagkalat ng balita. Halimbawa, may Facebook Page ka, alamin kung sino palagi ang nag-kukumento, nag-la-like at share sa iyong mga post at alagaan sila. Sila ang mas lubos na makakatulong sa iyo upang mas dumami pa ang fans mo. Ang pag-usbong o pagbulusok ng isang bagay, ideya o serbisyo ay parang natural na epidemiya ng sakit. Sa una, pakaunti-kaunti ito, subalit darating ang tipping point kung saan bigla na lang itong bubulosok at maging popular sa madla. At dito, ang papel ng tatlong uri ng tao na mapabulusok ito ay kinakailangan. Ang unang leksyon ng Law of the Few ay nagsasabi na hindi lahat ng tao ay dapat mong kumbinsihin, iilan lang sa kanila. Pangalawa, kapag kilala mo na sila at nakumbinsi mo na sila, gagaya din ang iba. Kung nais mong maging mas matagumpay sa buhay, alamin kung sino ang iyong Men of the Few.


5

November 2014

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Airport Terminal Fee, isasama na sa Airline Tickets -- Philippine Embassy Sabay-sabay na ipatutupad ang integration scheme na ito. Ito rin umano ay sumusunod sa international standards at practices ng iba't ibang airports sa buong mundo. Kinokonsidera rin ng nasabing integration ang ilang mga exemptions na nakasaad sa batas kagaya ng mga sumusunod: Overseas Filipino Workers (OFWs), Muslim pilgrims na inendorso ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), gayundin ang mga atleta na inendorso ng Philippine Sports Commission (PSC). Pwedeng i-avail ang nasabing exemption sa pamamagitan ng pagpe-presenta ng exemption certificate na inisyu ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng MIAA. Exempted din ang mga batang may edad na dalawang taon pababa mula sa IPSC. Samantala, para naman sa mga exempted na pasahero na nagbayad ng Php 550.00 terminal fee, maaaring maiproseso ang refund sa NAIA terminals o sa MIAA Administration Building. Maaaring malaman ang iba pang mga detalye hinggil sa integration scheme sa website ng MIAA: www.miaa.gov. ph/.

M

DOH, pinaiigting ang kampanya vs. Ebola as pinatindi ng D epa r t me n t of Health (DOH) ang kampanya nito laban sa nakamamatay na Ebola Virus Disease. Ito ang kinumpirma ng Palasyo nitong Oktubre 19 sa isang panayam sa radyo. Sa naging panayam ng dzRB Radyo ng Bayan, na inilathala sa pia.gov.ph, kay Presidential ComMula sa Pahina 1

munication Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., direktiba umano ni President Benigno Aquino III sa DOH ang nasabing pagtutok sa pagsugpo sa nasabing epidemya. Sasailalim sa ilang specialized training programs ng World Health Organization ang DOH. "Lalong pinaiigting ng DOH ang paglatag ng matibay at matatag na depensa laban sa Ebola virus dis-

Consular Outreach Mission and OAV Registration ng Philippine Embassy, matagumpay na idinaos sa Hokkaido at Gunma Prefectures

pagpoproseso sa passport applications, notarial at iba pang consular services, pagbibigay ng mga legal advice, gayundin ang pagrerehistro sa mga Filipino voters pare sa 2016 national elections. Nagbigay din ng parehong mga serbisyo ang ipinadalang team ng Philippine embassy sa Isesaki City, Gunma Prefecture nitong Agosto 23. Ilang mga organisasyon at indibidwal din ang mga tumulong sa nasabing mga misyon ng Philippine Embassy: ang Samahang Pilipino ng Hokkaido (SPH), The Filipino Friendship Group (FFG) ng Honjo, at marami pang indibidwal.

ease dahil batid natin ang mataas na mortality rate nito at ang panganib na dulot ng epidemyang ito," ika ni Coloma. Ilan lamang umano sa mga kailangang malaman ng DOH mula sa WHO ay ang mga pamamaraan ng case detection at reporting, pamamahala sa outbreak at pagsasagawa ng respone, paglulunsad ng surveillance sa points of entry, pamamahala ng mga kaso, pagpaplano, interagency coordination at

Vigan, pasok sa finalist ng New 7 Wonders Cities

I

sa ang Vigan sa mga pinagpipiliang mapasama sa New7Wonders Cities sa buong mundo. Sa inilabas na listahan ng pamunuan ng News7Wonders Cities, base sa ulat ng philstar. com, 14 ang nasa listahan ng finalists at mula rito ay pipili lamang ng pito. Kasama sa mga siyudad na napasama sa listahan, bukod sa Vigan, ay ang mga sumusunod: Barcelona (Spain), Beirut (Lebanon), Chicago (United States), Doha (Qatar), Durban (South Africa), Havana (Cuba), Kuala Lumpur (Malaysia), La Paz (Bolivia), London (United Kingdom), Mexico City (Mexico), Perth (Australia), Quito (Ecuador), at Reykjavik (Iceland). Sa Disyembre 7 pa ngayong taon iaanunsyo ang mga kasali sa pitong mga panalong siyudad na pagbobotohan naman sa pamamagitan ng internet, international telephone voting, at national SMS.

resource allocation. Giit ng PCDSPO secretary, patuloy na pinaiigting ng gobyerno ang pagsisikap nito para masigurong ligtas ang bansa sa nakamamatay na sakit.

Mga estudyante mula sa Western Visayas, ambassador of goodwill sa Japan

I

lang mga estudyante mula sa Western Visayas ang nagsisilbing “ambassadors of goodwill” tungo sa pagpapatibay sa ugnayan ng Pilipinas at bansang Japan. Ayon sa pia.gov.ph, 23 mga estudyante ang naging bahagi ng Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youth (JENESYS) 2.0 Program for Mass Media Batch 3 na isinagawa sa Tokyo, Chiba at Hokkaido mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 7. Layunin umano ng JENESYS 2.0 na maglunsad ng matibay na pagkakabuklud-buklod sa Asya, sa pamamagitan ng malawakang youth exchange. “The program presented a pro-active set of changes in Japan-Philippines bilateral relations covering broad canvas of partnerships and collaborations on various matters including peopleto-people relations and culture,” pahayag ni Jeffrey Ballaret, isa sa mga student participants. Kasama umano sa mga aktibidad na isinagawa ng nasabing mga estudyante ay ang paggawa ng action plans para mas mapalawig pa ang pagkakaintindihan, pagkakaibigan at tiwala sa pagitan ng mga Pilipino at Japanese. Inorganisa ang naturang programa ng Japanese government.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

November 2014

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

I

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

The True Victim

sa sa mga mainit na balita ngayon ay ang kaso ng pagpatay sa Pilipinang transgender na si Jeffrey Laude o mas kilala sa pangalang Jennifer. Ang suspek ay isang US Marine, si Private First Class Joseph Scott Pemberton, na bumibisita sa Olongapo City kaugnay na rin ng mas pinalawak na kasunduang pangseguridad sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa lumabas na report mula sa pulisya, itinuturing na “hate crime” ang pagpatay sa transgender na maaaring nagsimula sa hindi niya tunay na pag-amin ng kaniyang kasarian hanggang sa malaman ito ng suspek na maaaring naging sanhi ng krimen. Sa mga kumakalat na komento sa social networking sites at internet, m a ra m i a n g p u m u n a s a umano’y “pagsisinungaling” o hindi pagiging tapat ng biktima sa kaniyang tunay na kasarian kaya nangyari ito sa kanya. Sa kabilang banda, marami naman ang

nagpapakita ng pagtuligsa at kinukundena ang mga krimen laban sa mga lesbian, gay, bi, at transgender o LGBT community. sino ang totoong biktima: ang pinatay na transgender dahil sa kaniyang kasarian; … ang akusadong US Marine na nagkamali sa pagpili ng kaniyang makakasama; o ang Pilipinong taumbayan na nananatiling mga biktima sa kanilang sariling bayan? Totoo at parehong mayroon pinaglalaban ang dalawang panig. Parehong may basehan ang kanilang pinaniniwalaan. Pero kapag may pinatay na kapwa Pilipino sa iyong sariling bayan kahit ano pa ang kasarian ng biktima o ano pa ang kulay ng akusado, ano nga ba ang tutukan at pagtuunan ng pansin? Mga tanong tungkol sa kasarian ng biktima? O kung totoong niloko nga ng biktima ang suspek? Hindi kaya ang mas mahalagang dapat itanong ay: nasaan na ang hustisya para sa biktima at paglilitis para sa akusado?

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com

Oo nga’t mahalagang masagot ang mga naunang dalawang katanungan dahil ito ang maglalantad ng tunay na nangyari noong gabing iyon. Pero sa pagsagot at pagtuon ng pansin dito ay siya namang paglihis sa mahalagang katotohanan: may pinatay at may dapat managot.

Madalas sabihin na “justice delayed is justice denied.” At sa usad ng mga pangyayari, hindi malayong ganito ang kahinatnan ng kaso. Sa puntong ito, sino ang totoong biktima: ang pinatay na transgender dahil sa kaniyang kasarian; ang naiwang pamilya ng biktima; ang akusadong US Marine na nagkamali sa pagpili ng kaniyang makakasama; o ang Pilipinong taumbayan na nananatiling mga biktima sa kanilang sariling bayan?


November 2014

KONTRIBUSYON

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Mula sa Pahina 1

SPO1 Ariel Camiling – Good Samaritan ng QC, Viral sa Facebook

S

a pamamagitan ng Facebook, nakapagpasalamat nang maayos ang isang ginang sa isang pulis na walang pag-aatubiling tumulong sa kaniya at kaniyang asawa nang walang anuano’y nagkaproblema ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ng EDSA sa Metro Manila. At, dahil nagmala-Good Samaritan, naging viral si SPO1 Ariel Camiling, ang ating ka-Daloy of the Month, sa mundo ng social media. ANG INSIDENTE Nagkaroon ng aberya sa sasakyan sina Ginang Joann Angeles Delos Santos sa EDSA North Bound at ng kaniyang asawa habang papunta sa family day ng kanilang anak sa isang eskuwelahan, ka m a ka i l a n . N a p i l i t a n a n g m a g - a s awa n a itulak ang sasakyan papuntang Gate 4 ng Camp Aguinaldo at naghanap ng tulong para sa tumirik nilang sasakyan. Ayon kay Delos Santos, marami silang tinawagan upang humingi ng tulong, kasama na ang mga kaibigang malapit sa kanilang kinaroroonan. Dalawang oras ding naghintay ang mag-asawa sa Gate 4 ng Camp Aguinaldo. Maraming mga dumaan na tow-truck at taxi, ngunit dahil walang dalang pera ay hindi magawa ng mag-asawang kumuha ng katuwang sa noo’y nakatirik nilang kotse. Mabuti na lamang at dumating si SPO1 Ariel Camiling – isang Quezon City police officer na nakapansin sa mag-asawang ilang oras nang naghihintay ng tulong. Lumapit siya at ilang saglit lamang ay na-diagnose na ang sira ng kotse:

naputol daw ang distribution assembly. Dahil sa ipinakitang kabaitan at pagpapakumbaba ni SPO1 Camiling ay agad agad na nag-post si Delos Santos sa Facebook at ikinuwento ang nangyari. “Sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ating kapulisan ngayon, nais kong ipaalam at ibahagi sa lahat ng mga Pilipino na totoong mayroon pa pong mga kawani at opisyal ang ating pamahalaan na gumagawa ng mabuting mga bagay, higit pa sa kanilang sinumpaang tungkulin nang walang anumang hinihinging kapalit,” ika ng ginang habang nagpapasalamat kay Camiling na talagang hinintay pang maayos ang sasakyan bago iniwan ang magasawa. Bagama’t inalok siya ng pang-meryenda, tumanggi si Camiling na masayang nakatulong sa mag-asawa. HUWARAN Ayon kay Quezon City Police District Director, Senior Superintendent Joel Pagdilao, napansin na nila ang post ni Delos Reyes at pinarangalan ang magandang asal ng pulis. Ayon kay Pagdilao, si Camiling ay isa sa mga opisyal na tunay na sumisimbolo ng motto ng Quezon City police force. Napag-alaman ding hindi pala iyon ang unang award na natanggap ng nasabing pulis – bagay na sadyang kahanga-hanga at nawa ay tularan ng iba pang mga nakasuot ng kaparehong uniporme. Mabuhay ka, SPO1 Ariel Camiling!

1広告で3つ媒体に掲載 より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)

1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス

2*ウェブサイト

4,600+毎月のページビュ

3*フェイスボック

2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均

Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)

For details, contact: D&K Corporation

03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)


8

November 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

TOKYO BOY Mario Rico Florendo 090-1760-0599 (work) 03-5835-0618 (work) Email: marioflorendo@daloykayumanggi.com

SENDAI VOLUNTEER EXPERIENCE

B

awat taon, hindi mabilang ang mga trahedya at kalamidad na tumatama sa lahat ng bansa sa buong daigdig. Pero kahit papaano, masasabi kong masuwerte pa rin ako at ang aking pamilya dahil hindi masyadong naaapektuhan ng baha, lindol o iba pang sakuna ang tinitirhan at mga kaanak ko sa Pangasinan. Gayunpaman, hindi rin maalis sa akin ang pag-aalala sa kababayang Pilipinong apektado ng mga kalamidad na ito. Kaya ganun na lang ang paghanga ko sa mga kababayan ko at mga dayuhan na agad nagbo-boluntaryo para tumulong lalo na sa mga naging biktima ng tsunami sa Tohoku Region noong ika-3 ng Marso 2011 at maging ng Bagyong Yolanda noong ika-8 ng Nobyembre 2013.

Ang paghangang ito at ang pag-iisip na kung kaya nilang ilaan ang kanilang panahon at lakas para makatulong sa ibang tao, ang naging lunsaran ko bakit ako napadpad sa Sendai sa unang pagkakataon. Sa alok ng isang kaibigan ko sa unibersidad, hindi na ako nagdalawang-isip na umoo sa kaniyang paanyaya na sumama sa isang volunteer na trabaho sa dalawang komunidad sa rehiyon ng Tohoku.

Si Eitan Oren, mula sa Israel, ang siyang orihinal na miyembro ng Himawari Project at siyang unang nagimbita sa akin na maging bahagi ng proyekto ORANGE GANG Maaga ang call time namin papunta ng Sendai kaya kahit hirap akong gumising ng umaga, pinilit kong hindi maiwan ng shinkansen. Mahigit 90 minuto ang byahe kaya hindi rin ako gaanong nakatulog lalo na at sabik rin ako sa tanawin dahil first time ko nga sa bahaging ito ng Japan.

ang Team Himawari Project ang nanguna ng volunteer activities sa Mitazono, Natori, Miyagi Prefecture

Pagdating ng Sendai, agad nagtipun-tipon ang mga miyembrong galing Tokyo. Nagulat ako kasi marami pala kaming nakasuot ng kulay orange na damit (opisyal na damit ng mga volunteers ng Himawari Project). Marami sa kanila ay nagtatrabaho na pero pinipili pa ring lumuwas ng Sendai at sumali sa proyekto sa kanilang yasumi sa trabaho. Sa araw na iyon, kami ay tutungo sa Mitazono para tumulong sa rehabilitation projects na ipinagpapatuloy sa lugar. Pagdating sa lugar na tapat lamang ng istasyon ng tren, dumiretso kami sa hall kung saan madalas nagtitipun-tipon ang mga residente kapag mayroong gawain. Sinalubong kami ng matatamis na ngiti at pagbati ng mga residenteng naabutan namin. Hindi nagtagal, agad ng nahati ang grupo para masimulan na ang gawain sa araw na iyon. Ang iba ay naiwan sa hall para tulungan ang mga nanay at lola sa pagkolekta at pag-aayos ng mga bulaklak. Habang kami naman ni Eitan ay pinili na tumulong sa pagkalkal ng lupa at pag-alis ng mga damong ligaw sa halamanan ng sunflower.

tinutulungan ng mga volunteers ng Himawari project ang mga residente ng Mitazono ng mga gawain na maaari nilang pagkaabalahan. Ang ganitong mga proyekto ay nakakatulong lalo na sa mga nakakaranas ng depresyon DISASTER TOURISM Nababad man sa init ng araw, masaya ang naging trabaho dahil kitang-kita sa lahat ang kasipagan sa pagtatrabaho. Ganito rin ang naging senaryo ng isa pang lugar na pinuntahan namin--ang Minamisanriku. Ito ang isa sa mga matinding tinamaan ng tsunami dahil na rin sa lapit ng lugar sa dagat. Nakaligtas ang mga residente dahil na rin sa kanilang agarang pagkilos ng makita nila ang senyales ng paparating na tsunami.

nilinis namin ni Eitan at ng iba pang volunteers ang malalaking floaters na ito na ginagamit sa pagkuha ng clams sa ilalim ng dagat Kung kaya, ng marating namin ang lugar ay halos bagong tayo lahat ng mga bahay na makikita sa lugar. Kahit mabagal man noong una, unti-unti na ring naibabalik ng mga residente dito ang dati nilang hanapbuhay. Isa sa naging malaking tulong ay ang “disaster tourism� na sinimula sa mga bahaging apektado ng kalamidad. Isang malakas na panghikayat ang ganitong klase ng gawain para hindi lang mamasyal kundi makatulong na rin sa mga apektadong lugar. Parte ng turismong ito ang syempre pagtikim sa ipinagmamalaking seafoods ng lugar. Sa pagtatapos, hindi lang nabusog ang aming mga tiyan dahil sa masarap at sariwang seafoods ng lugar kundi pati ang aming mga kalooban lalo na nung makita kong balik na ulit sa normal na buhay ang mga tao sa maliit na komunidad na ito sa Minamisanriku. Malayo man ang biyahe pabalik ng Sendai at pabalik ulit ng Tokyo mula Sendai, umuwi akong baon ang mga kuwento hindi lamang ng pagkaligtas sa isang kalamidad kundi pagpapatuloy ng buhay. (ang mga litrato ay kuha nina Kyoko Ikeda at Masaru Aizawa)

ang grupo ng Himawari Project kasama ang mga magaaral ng isang lokal na pamantasan sa Miyagi prefecture sa kanilang pagibisita sa Minamisanriku


9

November 2014

Daloy Kayumanggi

Tips: Pang-Pasko

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Paano magbudget tuwing Pasko

P Mga tips upang mapadali ang pamimili at pag-iisip ng mga pangregalo

P

anahon na naman ng Pasko, na siya ring umpisa ng pamimili para sa mga bibigyan ng aguinaldo. Bagama't ilang buwan pa bago magbakasyon ay nararapat lang na umpisahan nang mamili upang maiwasan ang dagsa ng mga tao sa mga supermarkets. Una sa lahat, gumawa ng listahan ng mga reregaluhan at pag-isipan ang mga regalong ibibigay sa kanila. Kung mayroon silang hiling, maaari rin itong ilista para maisama sa iyong pamimili. Bukod sa regalo ay maganda ring ilista ang mga

Paghahanda ng masasaluhan tuwing Pasko

posibleng lugar kung saan sila mabibili. Mapapadali nito ang shopping dahil kailangan lang pumunta sa iisang lugar para sa ilang mga regalo. Upang mabawasan ang oras sa pamimili, makabubuti ring pera ang iregalo sa ilang mga mahal sa buhay. Sa tagal ng pagsasama ay mayroon ka nang idea sa kung sino sa iyong mga mahal sa buhay ang mas nanaising tumanggap ng ganitong regalo. Iwasan ang dagsa ng mga tao sa mga pamilihan. U m p i s a h a n n a n g m a m i l i a t m a g h a n d a p a ra s a kapaskuhan.

A

ng paghahanda ng pagsasaluhan para sa mga kamag-anak at kaibigan tuwing Pasko ay isang masayang gawain, subalit nakakapagod at nakaka-stress din. Heto ang ilan sa mga payo kung paano maging masarap at masaya ang paghahanda ng pagkain para sa mga mahal sa buhay: 1. Kung sa sariling bahay ka maghahanda, hatiin ang mga gawain. Hindi mo kinakailangang solohin ang lahat ng obligasyon sa pagluluto. 2. Gawing simple ang handaan. Halimbawa, magorganisa ng isang “buffet lunch” kung saan ang mga kamaganak o kaibigan ay magdadala ng platter. 3. Gumawa ng listahan ng mga lulutuin at mga sangkap sa pagluluto. Bumili na ng mga hindi nabubulok na mga pagkain habang maaga pa kasi kapag sumapit na ang bisperas ng Pasko, abala na ang lahat ng supermarket. Isa pa, mas mura ang mga bilihin ngayon kaysa sa mga araw na malapit na ang Pasko. 4. Gumawa ng Christmas Day timetable. Gawing detalyado ang iyong iskedyul. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang iyong stress sa paghahanda sa mga kakailanganin sa mismong araw ng kapaskuhan.

ara sa ilan, ang karaniwang senaryo ay ganito: Kapag tapos na ang Pasko, siya namang dating ng mga bills sa credit cards, kung saan buwan ang kailangang bilangin bago ito mabayaran. Ang Pasko ay hindi kinakailangang sakit sa ulo pagdating sa usaping pinansyal. Paano nga ba mababawasan ang stress hinggil dito? Naririto ang ilang mga pamamaraan: 1. Isipin ang budget na inaasahan para sa lahat ng gastusin, kasama na ang mga “hidden expenses” tulad ng bill sa pagkain at overseas telephone charges. Magbudget nang maaga. 2. Kwentahin ang makukuhang income simula ngayon hanggang sa darating na Pasko. Maglaan ng porsyento para sa inaasahang gastusin para hindi biglaan ang paglabas ng pera. 3. Kung hindi aabot ang iyong inilalaan para sa Pasko kaugnay ng nakikitang gastusin, maaaring kalkulahin ulit sa makatotohanang halaga.

Panatilihing malusog ang pangangatawan ngayong Pasko

A

ng Pasko ay panahon ng pahinga at bakasyon para sa ilan. Gayunpaman, hindi maikakailang kailangan pa ring panatilihin ang mabuting kalusugan sa kabila ng kasiyahang ito. Gawin ang mga sumusunod na mga paalala upang manatiling malusog. #1: Hinay-hinay lang sa pag-inom ng alak. Hindi nawawala ang alak sa mga selebrasyong gaya ng Pasko. Pero, tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Isa pa, siguraduhing uminom sa tamang oras at may laman ang tiyan upang hindi makaramdam ng pananakit. #2: Bagama’t bakasyon ay himukin pa rin ang iyong pamilya upang gumawa ng ilang mga aktibidades. Maglaro kayo sa labas o pumunta sa isang lugar na gusto ninyong puntahan. Makakabuti ito sa inyong kalusugan bukod pa sa mapapatibay ang inyong samahang magpapamilya. #3: Ang kapaskuhan ay panahon din ng taglamig. Huwag kalimutan na panatilihing malusog ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong immune system. Kumain ng maraming prutas para mapataas ang tinatanggap na vitamin C ng iyong katawan. Mapipigilan din nito ang pagkakaroon ng sipon. Walang masamang maging sobrang saya ngayong pasko. Pero, mas makabubuti na bantayan ang iyong pangangatawan at protektahan ang iyong sarili sa potensiyal na mga sakit.

Pagbibigay ng tip para sa mga service provider

H

indi na iba ang pagbiyahe tuwing Pasko. Nais ng maraming mga tao na masubukan at masilayan ang iba’t ibang mga lugar. Bukod sa saktong gastusin sa pagbiyahe, isa sa mga kailangang pagkagastuhan rin ng mga turista ang pamimigay ng tip sa mga nagbigay-serbisyo habang nananatili sila sa isang lugar. Magkano nga ba ang kailangang ibigay? Ang average na tip na ibinibigay sa isang tao ay nasa $20. Maaaring maging $10 kada tao kung ang serbisyo ay ginawa ng isang grupo. Ang halaga na ito ay madalas ibinibigay sa mga taong nagbibigay-serbisyo sa mga hotel. May iba naman na hindi tumatanggap ng perang tip. Ang ibinibigay sa kanila ay regalo na nagkakahalaga ng $20. Kabilang sa mga ito ay ang mga kartero na palaging nagdadala ng sulat sa iyong lugar. Ang pagbibigay ng tip ay isa na sa mga gawain ng mga turista. Gawing mas masaya ang Pasko ng mga tumulong sa'yo sa pamamagitan ng pagbibigay ng karampatang tip.


10

November 2014

Tips: Pang-Pasko

Mas pasayahin ang selebrasyon ng Kapaskuhan sa inyong tahanan

M

ay mga pamilyang madalas nagbibiyahe tuwing panahon ng Kapaskuhan. Gayunpaman, may ilang mga pamilya na nais lang manatili sa kanilang mga bahay dahil sa ilang mga rason. Kung gagawin mo ito, panatiling masaya ang inyong selebrasyon sa pamamagitan ng tips na ito. #1: Magtulung-tulong kayo ng iyong pamilya na maghanda ng pagkain para sa noche buena. Bagama’t madali lang mag-order ng pagkain, wala pa ring tatalo sa bonding na naidudulot ng aktibidad na ito. Ang tanging oorderin na lang sa labas ay ang mga hindi niyo kayang gawin sa bahay. Bigyan ng kanya-kanyang gawain ang bawat miyembro. #2: Maglaro ng mga nakakaaliw na larong pampamilya. 'Wag lang limitahan ang inyong sarili sa videogames dahil mas maraming masasayang laro kayong puwedeng gawin gaya ng charades at ilan pang aktibidades na maaaring makagising ng isipan. Gawing mas masaya ang selebrasyon ng Kapaskuhan sa iyong tahanan para sa pamilya. Siguradong mas magiging kapana-panabik ang Paskong ito lalo na’t 'pag kapiling ang iyong kapamilya o kaibigan.

Paglilinis ng tahanan para sa Kapaskuhan

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Paghahanda para sa pagdating ng mga bisita ngayong Pasko

A

ng pagdalaw ng mga pamilya ay natural na sa panahon ng Kapaskuhan. Mas pinapasaya nito ang okasyon at nagkakaroon din ng pagkakataon na magkita ang bawat isa. Kung kayo ang magiging host ng pagtitipon na ito, makakatulong ang mga sumusunod na tips upang mapadali ang iyong paghahanda. Kung wala kayong sapat na espasyo sa inyong tahanan, maaaring makipag-usap sa kamag-anak o kaibigan na may mas malaking espasyong tahanan upang doon ilunsad ang pagtitipon. Maaari ring magrenta ng ibang venue para sa pagtitipon. Ang kinagandahan nito

ay mapapadali rin ang paghahanda ng pagkain para sa mga bisita. Kung may mga bisitang manggagaling sa ibang probinsiya ay maaaring patulugin sila pansamantala sa ilang mga kamag-anak kung wala kayong sapat na mga kuwarto. Maaaring magpatulog ng isang kamag-anak o kaibigan sa isang pamilya upang hindi magsiksikan ang mga bisita sa isang tahanan. Maging handa sa pagdagsa ng mga bisita ngayong Pasko. Gawin ang mga ito upang mas maging maalwan ang pagdiriwang ng panahon na ito.

Paano maiiwasan ang homesickness sa darating na Pasko

H

indi maitatanggi: isa sa mga panahong nagpapaalala sa mga mahal natin sa buhay sa Pilipinas ay ang panahon ng Kapaskuhan. Kung kaya, ang matinding kalaban sa panahong ito: homesick-

ness. Pero, 'wag patatalo sa homesickness. Maraming mga paraan para maiwasan ito, lalo na ngayong darating ang Kapaskuhan. Naririto't alamin mo: #1: 'Wag kaligtaang makipag-usap sa iyong mga mahal sa buhay sa Pinas, sa pamamagitan ng mga social media o telepono. Ngunit, mas praktikal at tipid na gamitin ang modern technology, kagaya ng Skype, Facebook at iba pa kaysa sa telepono. Makipagpalitan ng larawan o videos. #2: Yayain ang mga kaibigan na mamasyal. Ang sim-

pleng pagkain sa labas ay makatutulong. Manood din ng mga pelikula o 'di kaya ay magluto, kasama ang ilang kaibigan, ng mga pagkaing madalas niluluto sa Pilipinas. #3: 'Wag mahiyang ikuwento ang iyong nararamdamang "homesickness" sa ilang mga kaibigan. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang bigat na iyong dinadala. #4: Subukang isulat ang iyong mga nasa isipan sa isang journal, o maganda nga kung gumawa ng isang blogsite, na pwede mo na ring gawing hobby. Muli, ang homesickness ay isang bagay na hindi kailangang pairalin. Nakasisira lang ito ng iyong focus tungo sa iyong goal sa buhay. Kaya nga, ugaliing sundin ang mga nabanggit na tips.

Ilang mga magandang iregalo sa iyong mga mahal sa buhay sa Pinas ngayong Pasko

I

sang matagal nang tradisyon ang paglilinis ng bahay tuwing Pasko at bago dumating ang bagong taon. Nagbibigay ito ng maalwan na pakiramdam sa lahat at kilala ring nagpapapasok ng suwerte para sa buhay. Sundin ang ilang tips na ito upang mas mapadali ang paglilinis ng bahay. #1: Piliin ang mga bagay na kailangang itapon upang mabawasan ang mga kalat. Hindi maiwasan ang patuloy na pamimili ng mga gamit na siyang nagpapadami ng kalat sa bahay. Agahan ang pamimili ng mga gamit na ito at itapon ang mga dapat itapon. #2: Dahil ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan, makakatulong din na itabi ang ilang gamit na maaaring ipamigay sa ilang mga kaanak at mga biktima ng kalamidad. Maglaan ng sariling kahon para sa mga gamit na ito. Ihanda ang inyong tahanan para sa darating na Kapaskuhan sa pamamagitan ng tips na ito. Papasukin ang swerte habang isinasaayos ang itsura nito para sa mga maaaring maging bisita sa masayang pagdiriwang na ito.

Pasko na naman. Panahon na naman ng bigayan ng mga regalo. Pero, ito rin ang panahong laging nagagahol sa oras sa pag-iisip ng mga ireregalo sa mga mahal natin sa buhay na nasa Pilipinas. Para mabawasan ang iyong stress, naririto ang ilang mga ideya: #1: Cakes. Sa ngayon, usung-uso na ang online shopping. At pati mga pagkain ay pwede nang bilhin gamit ang Internet. Pwede mo itong regalo sa panahon ng Kapaskuhan. Mayroon namang opsyon ang ilang shops kung saan pwede mong ilagay ang petsa kung kailan ito pwedeng i-deliver sa inyong tahanan. #2: Flowers. Para sa taong reregaluhan mo sa Pinas, pwedeng ang iyong ina, asawa o anak, wala pa ring katulad kapag pinapadalhan siya ng bulaklak with matching dedication note. Muli, pwede mo na rin itong i-order online, kahit nasa abroad ka. #3: Gift Cheques. Isang convenient choice lalo na sa mga anak na teenager. Sa pamamagitan nito, sila ang bahalang pumili ng kanilang gustong bilhin sa store

kung saan pwedeng makapamili gamit ang nasabing gift cheque. #4: Electronics. Ang computers at cell phones ay gustung-gusto ng karamihan. Para sa mga kabataan halimbawa, ito ay isang perfect gift sapagkat pwede nila itong gamitin upang i-access ang kanilang social networking accounts, na usung-uso ngayon. Pwede mo itong bilhin dito sa Japan o 'di kaya ay bilhin online at ang kumpanya na ang bahalang magpadala sa iyong reregaluhan.


11

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Tips: Pang-Pasko

Kakaibang Regalong pampasko na siguradong makakataba sa kanilang puso

N

ag-iisip ka ba ng magandang regalo para sa iyong pamilya o mahal sa buhay habang wala ka sa piling nila? Bagama’t ang materyales na bagay ay magandang regalo, mas maganda pa rin na bigyan sila ng kakaibang regalo na siguradong mula sa iyong puso. Bago magpasko ay magandang isulat ang mga mensahe para sa iyong mahal sa buhay. Ilagay ito sa maliliit na pirasong papel. Lagyan ito ng petsa upang malaman ng makakatanggap na araw-araw mong sinusulat ang mga ito. Sabihin ang mga gusto mong sabihin sa isang tao araw-araw. Mas nakakataba ng puso na mabasa ang mga mensaheng ito at mas ikatutuwa pa ng makakatanggap ang regalo na ito maski mukha itong simple. Kolektahin at ilagay ito sa isang lagayan. Ipadala ang regalong ito kasama ng iba pang mga regalo. Gawing mas masaya ang Pasko para sa iyong mahal sa buhay sa pamamagitan ng regalong ito.

U

Panatilihin ang tradisyon ng Kapaskuhan saan ka man naroon

M

araming mga tao ang nagpapasko nang malayo sa kanilang sariling mga bansa. Dahil dito ay hindi nila m a iwa s a n g m a g i n g m a l u n gko t sa panahong ito. Gayunpaman, mapapanatiling masaya at mapapanatili ang tradisyon ng iyong sariling kultura sa pamamagitan ng mga ito: Ang pinakamadalas na gawain ay magluto ng mga tradisyunal na pagkain na madalas ninyong ihanda sa inyong bansa. Madali na lang itong gawin lalo na’t sanay ka nang lutuin ito sa iyong tinitirhan. Bukod dito ay maaari ka ring magpatugtog ng ilang mga musika na madalas pinapatugtog sa iyong kinalakhang lugar, lalo na sa panahon ng pasko. Mas mararamdaman mo ang init ng kapaskuhan malayo kaman sa pamilya. 'Wag ding kalimutang tawagan ang iyong pamilya

Online shopping tips ngayong Pasko

na malayo sa'yo upang mas mapanatili ang tradisyon. Kahit papaano, sa pamamagitan ng teknolohiya, tila magkakasama na rin kayo ng iyong mga minamahal sa buhay. Isipin mo na ginagawa mo ang sakripisyong ito para makamit ang iyong "goal" sa buhay. Higit sa lahat, piliing maging positibo at masaya. Panatilihin ang tradisyon ng kapaskuhan malayo ka man sa iyong bansa. Gawin ang mga ito upang maging mas masaya ang okasyon.

sung-uso ngayon ang online shops. Kung kaya, uso rin ngayon ang scams online. Kaya naman, upang magabayan ka sa iyong pamimili mo online ng mga regalo sa iyong mga mahal sa buhay sa Pinas, naririto ang ilang tips na kailangang isaalang-alang: #1: I-check ang kanilang website. Isang palatandaan na ang kumpanya ay legit ay kung laging up-to-date ang kanilang website. Maganda rin kung may opsyon sila para sa pagbabayad ng iyong mga binili na "credit card" o "paypal," dahil isa rin itong palatandaan na ito ay hindi scammer. #2: Kailangan ding may magandang relasyon ang kumpanya sa mga Filipino suppliers. Halimbawa, kung nagbebenta ito ng cake, mas maganda siyempre kung konektado ito sa mga established na mga kumpanya na gumagawa ng cake sa Pilipinas, kagaya ng Goldilocks at Red Ribbon. #3: Mayroong malawak na seleksyon ng mga produkto. Palatandaan ito na well-established at malaki itong kumpanya. #4: Mayroong magagandang reviews o feddback mula sa mga customers. Maaari itong makita mula mismo sa kanilang mga official social networking sites o 'di kaya sa ilang forums online. Muli, maging maingat sa pamimili, lalo na sa mundo ng Internet.

Paano pasisiyahin ang iyong Pasko kahit nag-iisa

Mga kailangang isaalang-alang ng mga uuwi sa Pinas ngayong Pasko

U

uwi ka ba nitong darating na pasko? Magandang balita 'yan. Kung gayon, basahin ang mga sumusunod na tips nang sa gayon ay maging "seamless" at "stress-free" ang iyong pag-uwi. #1: Maging aware sa iyong baggage allowances pati na ang baggage charges, depende sa iyong sasakyang airline at destinasyon. Mayroon kasing ibang destinasyon at airline na hanggang 20 kilos ang allowance, meron namang 10 kilos lang. #2: Piliin ang iyong mga pasalubong. Iwasan ang mga maaaring ipagbawal ng Customs. Iwasan din ang mga babasagin at madaling mapanis. Isa pa, mas magiging magaan lang ang iyong bagahe kung pili ang iyong mga pasalubong. #3: I-maximize ang iyong hand-carried luggage. Mayroong ilang airlines na pumapayag sa extra handbag o tote, lalo na sa mga kababaihan. Alamin ito sa ilang mga airline representatives bago sumakay sa eroplano. 'Wag lang kalimutang ilagay ang extra bag sa ilalim ng upuan sa iyong harapan, sa halip na sa overhead bin. #4: Siguruhing konsiderahin ang maaaring maging delays sa mga flights. Ito'y kung magko-connecting flight ka patungo sa local destination kapag nakarating ka na ng Maynila. Hindi kasi maiiwasan ang ilang delays, kagaya ng runway traffic o ng panahon mismo. I-

schedule ang flights na may tatlong oras na pagitan. I-enjoy ang iyong Christmas vacation, ka-Daloy!

A

ng pagse-celebrate ng Pasko ay mas masaya kapag kasama ang pamilya. Kung ikaw naman ay nag-iisa at nasa ibang bansa, hindi naman ibig sabihin na magiging malungkot ang iyong Pasko. Gawin ang mga sumusunod upang maging mas masaya ang Pasko: Una sa lahat, wag nang mag-abala na pumunta sa isang restaurant maliban na lang kung mayroon kang maagang reserbasyon. Siguradong puno ang mga lugar na ito at mahihirapan ka lang pag-uwi. Mas magandang manatili na lang sa bahay at maghanda ng iyong pagkain. Libangin din ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng ilang masasayang pelikula sa bahay. Maaari ka ring manood ng ilang episodes ng paborito mong serye. Magandang libangan din ang pakikinig sa mga magagandang musika o pagpunta sa mga idinaraos na concerts. Kung mayroon kang ibang kaibigan na mag-isa ring ise-celebrate ang pasko, maaari ka ring sumama sa kanila upang sama-sama kayong magsaya sa okasyong ito. Ang Pasko ay hindi kailangang maging malungkot maski malayo ka sa iyong pamilya. Gawin ang mga ito at mararamdaman mo na mas masaya ang iyong pasko.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13

“What has life in it must eat what has life.” This is the saying left behind by Noboru Ohtaka, the founder of ‘Ohtaka Enzyme’ The long-held conviction of the above saying is well reflected in his particular approach to manufacturing ‘Ohtaka Enzyme’ – It is a manufacturing process from the perspective of Life, characterized by maing the abundant use of the produce that Mother Earth bestows. ‘Ohtaka Enzyme’ has never forgotten its origin. Other noble wishes of the founder in protecting the healthy environment and social harmony through his contribution of this “plant extracted fermentation drink” have been passed down even to this day.

Ang enzyme ay importante para mabuhay. Ang taong kulang sa enzyme ay madaling mapagod at magkasakit. Kung kaya, mahalaga ang magkaroon ng tamang enymes sa katawan para manatiling malusog at malakas.

relieves stress for good bowel movement releases bad viruses from the body strengthens the immune system helps prevent the spread of cancer cells slows down aging fertilizes the egg for women protects the liver perfect for diet


14

November 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

November 2014

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

Koyo sa Arashiyama

P

anahon na naman ng taglagas. Ang mga dahon ay unti-unti ng nagpapalit ng kulay. Ang maraming puno ay mistulang lumiliyab sa ganda ng kulay ng mga dahong dulot ng lamig na panahon. Napakaganda ng paligid, ngunit may bahid ng kalungkutan, kapag ang kagandahang taglay ng mga puno ay unti-unti ng nalalagas. Hindi ko pinalalagpas masaksihan ang nakakamanghang ganda ng “koyo” or foliage sa Ingles simula ng ako ako ay nanirahan sa bansang America at maging dito sa Japan. Dito sa Kansai area ang lugar ng Arashiyama sa Kyoto ay sikat na puntahan para masaksihan ang pagpalit ng kulay ng mga dahon ng taglagas. At kasabay sa nakararami ang “culture” 文 化 の 日 weekend holiday sa buwan ng Nobyembre ay ang aking free day, na kung saan dagsa din ang turista sa lugar na ito. Kasama ang aking pamilya, ilang kaibigang at ilang iskolar mula sa iba’t ibang bansa sa South East Asia, na kinabibilangan ng aking magaling na propesor sa kolehiyo, una naming tinahak ang Arashiyama Monkey Park sa Iwatayama Mountain, kung saan makakakita ka ng maraming free roaming monkeys. Mabuti na lamang at malamig ang panahon at naging maaliwalas ng konti ang aming pagakyat. Sinasabi ng mga travel guides na around 40 minutes ang hike, pero wala yatang nakapagsabi na medyo matarik ang trek. Pero sulit naman pag nakarating ka na sa tuktok at makita mo ang napakaraming unggoy at ang kagandahan ng view mula dito. Pwede ka rin magpakain ng mga unggoy, habang ikaw ay nasa loob ng isang cottage, na nagsisilbing proteksyon. Buti na lang naghanda ako ng bento na aking pamilya para sa trip namin. Kami ay gutom na gutom pagkatapos naming makababa ng bundok. Habang ineenjoy ko ang aming baon na pagkain, ang aking ilang mga kasama ay pumila ng mahigit kalahating oras para lamang makabili ng ma-

tabang na yakisoba, sa isa sa mga kiosks na itinayo para sa busy weekend na ito. Matapos ang pananghalian kami naman ay lumakad na patungo sa pomosong Togetsukuyo Bridge. Napakaganda ng area na ito, tinahak namin ang puno at siksikang pedestrian area pagtawid ng tulay. S u m a g l i t d i n k a m i s a Te n r y u j i Temple na isang World Heritage Site, maganda siya pero sa tagal na ng nilagi ko sa Japan, medyo sawa na akong mag temple tour.Madaming gardens na pwedeng bisitahin dito, ang iba ay libre ngunit ang karamihan ay may entrance fee. Nadaanan namin ang Okochi Sanso Villa, na pag-aari ng yumaong silent movie actor na si Denjiro Okochi. Bibisitahin ko siguro ito sa susunod kong punta sa Arashiyama. At ang highlight ng aming walking tour ay ang pagsabay sa Oi River against the backdrop of a mountain bursting with autumn colors. Pagkatapos ng ilang minutong pahinga, ay lumakad na naman kami baybay ang paakyat na trek patungo sa Bamboo Forest. Nakakamanghang tanawin makita ang napakaraming bamboo on both sides of a long walkway. Tinapos namin ang nakakapagod ngunit napakagandang araw kasama ang pamilya at mga kaibigan sa pagkain ng macha ice cream at pagbili ng omiyage, partikular na ang paborito kong triangular mochi, “yatsuhashi” ng Kyoto. Explore and enjoy the beauty of our adopted country mga ka-Daloy !!!


16

November 2014

BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com

Maglibang at Mag-ehersisyo sa Himpapawid

S

a tuwing sumasakay ako ng eroplano, maliban sa matulog sa kahabaan ng lipad, dalawang bagay ang malimit kong gawin:

ang manuod ng in-flight movies at magbasa ng magazine o diyaryo. Kasama ang

pakikinig sa musika, halos wala ka naman talagang

magagawa sa loob ng eroplano maliban sa dalawang bagay na ito.

Daloy Kayumanggi

Komunidad

IN-FLIGHT MOVIES

Ang una, ang panunuod ng sine, ay ginagawa ko

ang mga pelikula ni Ate Vi (Ekstra), Eugene Domingo (Tuhog) at Kim Chiu (Bakit Hindi ka Crush ng Crush

Mo). Nakakatuwang makakita ng pelikula mula sa Bol-

lywood, Hong Kong at Korean movie outfits, at ilang art films mula sa Europa. Pero syempre, walang tatalo sa mga pelikulang Pinoy –swak na swak ang humor!

LOCAL FILMS AS CULTURAL FILMS Maliban sa nakakalibang ang panunuod ng sine sa

dahil halos hindi ko ito magawa sa Japan. Maliban sa

eroplano, kung isang local film ang iyong papanuodin,

na kapag may bagong palabas na sine at mahaba ang

nawa. Nalibang ka na, lumawig pa ang iyong pagtingin

may kamahalang gawin ito, halos wala ka ring oras

para dito. Excited nga akong bumiyahe minsan, lalo aking babyahihen dahil kadalasan samut-sari ang seleksyon ng mga pelikulang mapapanuod mo.

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

pagbabasa ng mga in-flight magazines at mga local na diyaryo kung saan galing ang eroplanong nasakyan ko.

BUSINESS, LIFESTYLE AT CLASSIFIED SECTIONS

Aaminin ko sa inyo, halos hindi ko binabasa ang

lokal na balita sa mga dyaryong iyon dahil kadalasan hindi sapat ang alam ko sa lokal na konteksto. Ang kadalasang binabasa ko ay ang business, lifestyle at classified ads sections.

SULAT-SULAT DIN KUNG MAY TIME! Kung may oras pa akong nalalabi, sinisimulan ko

na ding isulat sa aking notebook ang ideya o bagay na

aking nakita at isinusulat ko na din ang mga tanong o

bagay na nais ko pang malaman. O kaya naman, isinusulat ko din kung saang bagay relevant ang impormasyong iyon sa akin.

Sa business section, mabibigyan ka ng pasilip sa

kung ano ang kalagayan ng ekonomiya ng lokal na bansa at landas na kanilang tinatahak. Sa lifestyle

section, dito mo makikita kung ano ang mga bagay na pinapahalagahan ng mga locals. Makikita mo dito ang

mga trends na kadalasang pinagkakaabalahan ng middle class. At sa classified ads naman, nakakatuwang makita kung ano ang mga ibinebenta at hinahanap sa lokal na bentahan.

(Laging kasama sa biyahe: Isang maayos na notebook,

ko, lagi kong bitbit ang aking smart phone at isang

mo, lalo na kapag naghahanap ka ng ideya o inspira-

PICTURE, PICTURE!

Dahil samut-saring ideya ang kadalasang nakikita

maliit na notebook. Ang smart phone ay para kunan ng picture ang mga interesanteng bagay na aking nababasa. Kinukunan ko kung ano mang impormasyong

pede kong magamit kapag mas may oras na ako upang lalo pang magbasa ukol sa bagay na ‘yon.

pen at smartphone)

Ang sarap ding balikan ang mga bagay na naisulat

syon para sa susunod mong proyekto.

FLIGHT = LIESURE + CREATIVITY

Sa tulong ng dalawang gawaing ito, hindi ako naba-

bagot sa biyahe. Sa katunayan, nabibigyan ako ng pagkakataong makapaglibang (sa panunuod ng sine) at paganahin ang aking creativity (dulot ng pagbabasa) upang ma-exercise naman ang aking mga mental

nabibigyan ka din ng pagkakataong magkasilip sa

muscles..

kung anong kultura mayroon kung saan lugar ito gi-

Kung kaya’t sa susunod na biyahe mo, bakit hindi

mo subukang gawin ang dalawang simpleng bagay na

sa ilang bagay-bagay.

ito para malibang ka sa biyahe at makapangalap din

ng isang magandang ideya. Tayo ng maglibang at magehersisyo sa himpapawid!

Sabi nga ni Brian Tracy, author ng Getting Rich

Your Own Way, “ One good idea is all you need to

change your life.” Baka sa susunod mong biyahe, maki(Mga interesanteng bagay na aking nabasa kaya’t aking piniktyuran.)

ta mo na ang ideyang hinahanap mo.

HANGGANG SA MULI, MGA KA-DALOY!

PHILIPPINES

They STILL need our HELP.

Evangelistic and Discipleship Mission Feeding programs and Manga Bible distribution to reach 4,000 children survivors of Typhoon Haiyan in Tacloban, Philippines

Please

Be our Partner

TODAY.

You may send your donation via the following:

Japan Post Bank

(Mga Pinoy Movies na kasama sa selection ng Qatar Airways)

SAKAY SI ATE VI, UGE AT KIM Kapag pinapalad, ang movie selection ay maaaring

mayroong commercial, indie at art films. Minsan nga

sa isang biyahe, hindi ko inaasahang makita sa listahan

Branch Name: Japan Post Bank 019 Branch Regular Account No: 0759926 Account Name: NLL Kaigai Senkyou Bu

DYARYO, DYARYO KAYO DYAN! Ang pangalawang gawain, ang pangangalap ng ideya ang talagang kalimitan kong nagagawa sa mga nakaraang biyahe ko. Nagagawa ko ito sa pamamagitan ng

new life ministries For more details, contact New Life Ministries or visit our website.

Bank of TokyoMitsubishi UFJ Bank Name: Mitsubishi-Tokyo UFJ, Ltd. Niiza-shiki Branch Account No: 1897554 Account Name: New Life Ministries Swift Code: BOTKJPJT (For International Transfers)

http://newlifeministries.jp Tel. +81-49-296-0706 sponsor@newlifeministries.jp


17

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad


18

November 2014

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Horoskopu Atorni Ton Email: atty_tonton@yahoo.com Facebook: www.facebook.com/ RockyShowbizTsismis Aries March 21 - April 20 (Para sa walang bahay na Aries) Iwasang pakainin ng masasarap na pagkain ang iyong mga bisita. Lalo na at ikaw ay nakikitira

Taurus April 21 - May 21 (Para sa mamasel na Taurus) – Magigi n g a m b i s yo s o k a ngayong araw na ito. Ito’y dahil gugustuhin mong magsuot ng spaghetti dress, kahit na hindi bagay sa’yo. Gemini May 22 - June 21 (Para sa naguguluhang Gemini) – Ipagtapat sa pamilya anuman ang gumugulo sa iyong isipan. Maiintindihan nila ‘yan, dahil ang isip mo ay dumarating lamang paminsan minsan.

Cancer June 22 - July 22 (Para sa mapagbigay na Cancer) – Magiging mapagbigay ka ngayong araw na ito. Ang problema lang, wala namang kumukuha sa inaalok mo. Ito’y dahil ang inaalok mo, ay ang mismong katawan mo. Leo July 23 -August 21 (Para sa palautot na Leo) – Kung mapapansin mo na ang mga tao sa paligid mo’y tila nagmamadali at nag-aapura, ‘wag kang mag-alala, wala namang bomba. Umiwas lamang sila sa baho ng iyong ibinuga

Libra September 24 October 23 (Para sa may kakapalang mukha na Libra) – Pairalin sa pagkakataong ito ang lakas ng loob at hindi ang kapal ng mukha.

(Para sa mahilig manilip na Virgo) – Hahangaan ka ng iyong kapitbahay na guwapo. Ito’y dahil nagawa mong silipan siya kahit na ang bintana niya’y nakasarado.

(Para sa kamaganak ng Sagitarius na Leo) – Huwag munang kausapin ang nagalit na kaibigan. Hayaan munang mawala ang amoy ng iyong utot sa kanyang harapan.

Virgo August 22 September 23

Scorpio October 24 November 22 (Para sa may pangarap na Scorpio) – Huwag nang pangarapin pang maging isang modelo. Lipas na ang panahong, pangit ang kinukuhang endorser ng mga produkto. Sagittarius November 23 December 22

Capricorn December 23 January 20 (Para sa nabuking na Capricorn) – Isa itong masamang araw para sa’yo. Ito’y dahil mabubuko, na ikaw ang nagpapadala ng mga sweet messages sa kapitbahay mong guwapo.

Aquarius January 21 February 19

(Para sa maganda ang gising na Aquarius) – Maganda ang gising mo ngayong araw na ito. Ito’y dahil ngayon ang kaarawan mo. Ngunit kahit gaano kaganda ang gising mo, ay masisira ‘yan kapag nakita mong sarili mo sa salamin n’yo.

Pisces Fe b r u a r y 2 0 – March 20 (Para sa minamahal pa ring Pisces) Matatagpuan mo na ang lalakeng magpapatibok sa puso mo. Ngunit malas lamang, dahil ang lalakeng ito ay may kasamang nobyo.


19

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

FILIPINO TIME

IPASOK SA LABAS

MABIGAT NA HIBI

namin, hindi kinakain! Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo! K a p a g m a g u g u n aw a n g m u n d o , h u l i n g Sa Opisina... GURO: Ang tawag sa maliit na hipon ay hibi. magugunaw ang Pilipinas.... Filipino time eh. Boss: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko. JUAN: Mam! Bakit po hibi eh magaan lang Juan: Ano ba ang ulam nyo? Pedro: Asin! Sekretarya: Sa loob po? naman yun?

INCEST

Boss: Hindi, sa labas, ipasok nga ‘di ba? Pwede Babae: Mabuti pa nagpakasal na lang ako sa bang ipasok sa labas. Sige subukang mong demonyo! ipasok doon sa labas! Lalaki: Weh, bawal kaya magpakasal sa kamagMAINTENANCE PARA SA BINTANA anak! Misis: Hello, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko tatalon sa bintana! EPIC EXCUSE Bilis! GF: Hayop ka, niloloko mo ako! Maintenance: Mam bakit po maintenance? BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah! Misis: Eh ayaw MABUKSAN ng bintana! GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawak pa ANONG TAWAG SA GUMAGAWA NG KANTO kamay niyo! Niloloko mo ako! Gumagawa ng tubo? Tubero. BF: Makinig ka muna... Hindi kita niloloko, Kumukuha ng basura? Basurero. maniwala ka... Yung kasama ko kanina ang Ang mahilig sa gimik? Gimikero. niloloko ko! Ang mahilig sa babae? Babaero.

ANSWER IN SPANISH

WISE SUICIDE

TRANSLATION IN ENGLISH

UBUSIN MO 'YAN

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish. Pedro: What is more important? Heart or Mind? Juan: Spanish!!!

Teacher: Juan i-english mo eto. Juan: What mam? Te a c h e r : "A n g uwa k ay h i n a n g - h i n a n g naglakad" Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."

BOYPREN NA MAKA-DIYOS

Dad: Mabait ba ang boyfriend mo? Ah, ano ang tawag sa taong gumagawa ng Anak: Yes, Daddy. GOOD GRADES Daddy: Maka-Diyos? INAY: Binigay na ba card ninyo sa eskwelahan? kanto? Eh 'di, Inhinyero. Inhinyero lang! Huwag kang Anak: Sobra Dad. PNOY: Opo nay, good news wala na po ako line mag-imbento ng kabastusan diyan! Daddy: Nasaan siya? of 7! Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa! SINO MASMALAKI ANG KITA INAY: Talaga? Patingin! English-68 Math-60 Q: Sino mas malaki kita? Intsik o boldstar? TIRSO CRUZ III Science-69 Filipino-69. Wow, wala nga! A: Siyempre boldstar... kasi lahat kita. Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso

MAX: Pare bakit may tali ka sa paa? JUAN: Magbibigti ako! MAX: Eh bakit sa PAA, dapat sa Leeg! JUAN: Sinubukan ko na kanina, hindi ako makahinga eh! Nanay: Anak, ubusin mo lahat ‘yan! Anak: Eh ‘nay, busog na busog na ho ako talaga. Nanay: Naku, nag-iinarte ka lang. Alam mo bang maraming nagugutom? Anak: Oh ngayon kung nabusog ako, mabubusog din ba sila?

GAMOT

Adik: Dok, grabe yung panaginip ko gabi-gabi, kasi lagi raw akong nanunuod ng basketball. Dok: Sige, halika may gamot ako para riyan. Adik: 'Wag muna, Dok. Championship game na mamaya, eh!

FUTURE TENSE

Titser: Ano ang present tense ng luto? Student: Nagluluto po, ma'am! Titser: Tama! Ano naman past tense? Student: Nagluto po! Titser: Eh, ang future tense? Student: Kakain na po, ma'am!

PAMATAY IPIS

KALAHATING LIBO

AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes ma'am! *Nagsulat si Inday sa pader: "EPES, MAMATAY KAYO! LOVE, ENDAY"

Pedro: Pare, bilhin ko na kambing mo, P700. Juan: Ang barat mo naman. Pedro: Sige, P800. Juan: Ayoko pa rin. Pedro: Kalahating-libo Juan: Sige! Deal!

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

May idudulog na problema ang iyong asawa o kasintahan na maaring sumubok sa inyong pagsasama. Huwag basta-basta magdesisyon at pagusapan muna ang sitwasyon nang mabuti. Sa trabaho, pupurihin ang resulta ng pinagpaguran mong proyekto. Masuwerteng numero ay 16, 12, at 21. Okay

Usisaing mabuti ang kahit anong bibilhin mo ngayong buwan, lalo na kung ‘yan ay lupa o bahay. Maaaring magulat ka sa natatagong bayarin sa iyong bilhin kaya magtabi ng kaunting pera para sigurado. ‘Wag pabigla-bigla sa iyong desisyon kahit na gaano mo kagusto ang bibilhin. Masuwerteng numero ay 8,12,

Isang hindi inaasahang pangyayari ang magdadala ng saya para sa iyo ngayong araw na madarama pa rin buong buwan. Maraming susulpot na responsibilidad sa trabaho at pamilya, pangalagaang mabuti ang kalusugan dahil higit mong kakailanganin ‘yan sa mga susunod na araw. Masuwerteng numero ay

Makukuha mo na ang hinihintay mong balita tungkol sa trabaho. Kaunting hirap ang mararanasan sa mga susunod na araw, ngunit tama lamang ito kung gusto mong matanggap ang biyaya sa dulo ng buwan. Maglaan ng oras sa pamilya, lalung-lalo na sa iyong anak at asawa. Masuwerteng numero ay 15, 6, at 28. Kulay: Blue-Green.

ang Blue sa’yo.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

Masuwerte ang mga Scorpio ngayong buwan dahil sa p o s i s y o n n g M e r c u r y. M a r a m i n g oportunidad na darating sa’yo – mag-isip nang mabuti bago magdesisyon. Sa pamilya, isang malapit na kamag-anak ang may magandang balita. Masuwerteng numero ay 15, 10, at 9. Kulay: Yellow.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Maghinay-hinay sa mga desisyon mo ngayong buwan dahil maraming darating na impormasyon na maaaring magpagulo ng iyong isip. Magiging napaka-aktibo ng mga susunod na araw at halos mawawalan ka na ng oras para sa iyong sarili. Maglaan ng oras para sa pahinga. Ang katumbas naman nito ay magandang kinabukasan para sa’yo at iyong pamilya. Masuwerteng numero ay 28, 23, at 15. Kulay: Gray.

at 15. Kulay: Green.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Malaki ang tsanyang magbiyahe ka ngayong buwan – siguraduhing lahat ng kailangan mo ay nakahanda na. Maaaring magkaroon ng konting aberya sa iyong lakad, ngunit masosolusyonan mo rin ito. Ngayong buwan, matatapos mo na ang proyektong kailangan sa iyong trabaho at tatanggap ka ng papuri para rito. Masuwerteng numero ay 11, 12, at 19. kulay: Brown.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Magkakaroon ka ng konting problema pagdating sa pera dahil sa mga ‘di inaasahang pangyayari. Matutong magtipid habang may problema sa pera. Bandang katapusan ng buwan ay lilipas din ito at makakatanggap ka ng magandang balita. Masuwerteng numero ay 4, 10, at 20. Kulay: Puti.

Cruz III? Erap: (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima! Kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

MABAIT NA PUSA

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam

17, 21, at 23. Kulay: Orange.

TAURUS Abr. 21 - May. 21

Maging mapagkumbaba – may mga mangyayari sa mga susunod na araw na maaaring makapagpalaki ng iyong ulo. Magiging maganda ang buwan na ito para sa’yo, Taurus, kung kaya’t kunin mo ang bawat oportunidad na dumating. Magiging malapit kayo ng kamag-anak o kaibigan na matagal mo nang hindi nakakausap. Masuwerteng numero ay 27, 21, at 3. Kulay: Beige.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Medyo magulo ang mga susunod na araw – pero hindi ibig sabihing masama ang mangyayari. Magandang balita ang sasalubong sa’yo na nangangailan ng agarang pag-aayos ng buhay, papeles, trabaho, atbp. Masuwerteng numero ay 10, 16, at 30. Kulay: Red.

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Huwag magpadalus-dalos sa mga desisyong may kinalaman sa negosyo. Pag-usapan ang mga detalye, ngunit h i n tay i n a n g s u s u n o d n a b uwa n ba g o pumirma sa anumang dokumento. Siguraduhing nakapagtanong sa isang eksperto bago magdesisyon, lalo na pagdating sa pera. Masuwerteng numero ay 2, 22, at 26. Kulay: Violet.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23

Matutong magtimpi – may mga mangyayari ngayon na susubukin ang kakayahan mong mag-isip at maging kalmado sa harap ng problema. Kaunting problema sa pamilya ang lalabas ngayong buwan, ngunit malalampasan mo rin ito at makakabalik ka sa dating takbo ng iyong buhay. May mga kaibigang muling makakatagpo. Masuwerteng numero ay 10, 1, at 5. Kulay: White.


20

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Kobe Paras, nakikilala na sa US

W

ala na nga yatang makapipigil sa tuluy-tuloy na pagsikat ni Kobe Paras, anak ng two-time PBA Most Valuable Player na si Benjie Paras.

Matunog kasi ang pangalan ng basket-

bolista sa Los Angeles Cathedral High pati

na sa social media. Base sa ulat ng bomboradyo.com, “Kobe in town”

ang taguring ngayon kay Paras, matapos na kunin bilang scholar ng University of California, Los Angeles, ang itinuturing na top US NCAA.

Naging bahagi si Kobe ng Batang Gilas Pilipinas national team sa

FIBA Asia U-18 Championship nitong nakaraang Agosto.

Base sa ulat, nakatanggap din si Kobe ng ilang offers mula sa Arizona

State University, California, Fresno State, UC Santa Barbara at UC Irvine. Higit na nakilala si Kobe dahil sa galing niya sa pagda-dunk.

ALL FILIPINO CUP

SPORTS UPDATES Chess grandmaster Wesley So, kampeyon sa Millionaire Chess Open sa US

B

itbit ang bandera ng Pilipinas, inungusan ni Filipino chess grandmaster Wesley So ang kanyang mga kalaban para maiuwi ang $100,000 na premyo at ang kampeyonato sa Millionaire Chess Open Championships na inilunsad sa Planet Hollywood Resort and Casino nitong Oktubre 14. Base sa ulat ng inquirer.netat rappler.com, hiniya ni So ang kanyang mga kalaban, kabilang na ang kanyang fellow Webster University roommate na si Roby Robson ng US. Ito na ang ikatlong beses na kampeyonato ni So ngayong taon.

NU, kampeyon UAAP Season 77 men's basketball matapos ang 60 taon

M

N

apag-iwanan nang husto ng Philippine Azkals ang bisitang Papua New Guinea sa isang friendly match noong Oktubre 12 na isinagawa sa Rizal Memorial Football Stadium. Sa kabuuan, base sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, 5-0 ang iskor ng laban, kung saan, nakapuntos ng apat na goals si Mark Hartmann at isa naman ang kay Phil Younghusband. Ito na ang unang laro ng nasabing koponan matapos mabigo sa pagpapanatili sa kanilang titulo sa Philippine Peace Cup nitong Setyembre laban sa Myanmar sa Rizal Memorial Sports Complex, sa iskor na 3-2. Ang nasabing laro ng Azkals at Papua New Guinea ay bilang bahagi ng tune-up para sa pagsali ng Azkals sa AFC Suzuki Cup na isasagawa sa Singapore at Vietnam.

Coach Chot, dismayado sa nakuhang ranggo ng grupo

akasaysayan ang pagkakapanalo ng National University Bulldogs laban sa Far Eastern University Tamaraws nitong

Oktubre 15 sa Smart Araneta Coliseum. Matapos kasi ang 60 na taong hindi naha-

wakan ng unibersidadang kampeyonato, sila na ngayon ang

bagong champ sa UAAP Season 77 men's basketball, kung saan dinurog nila ang kalabang FEU Tamaraws sa iskor na 75-59.

Sa naturang laro, itinanghal na Finals MVP si Alfred Aroga

ng NU, kung saan nakapagtala siya ng 24 puntos at 18 rebounds, base sa ulat ng rappler.com.

Unang naka-ungos ang FEU sa iskor na 11-5 bago nakabawi

ang NU, 11-11. Sa hulihan ng unang quarter, angat ang NU sa iskor na 20-18.

Hindi na nakabawi pa ang FEU sa second at third quarter,

49-35 at 55-44.

Sunud-sunod na three-point shots ang pinakawalan ng NU

sa fourth quarter para mapanatili ang paglampaso sa FEU at tuluyang makuha ang pinaka-inaasam na kampeyonato.

Record breaking ang numero ng mga nanood ng live sa Ara-

PBA Season 40 Schedule for November 2014

Azkals, panalo vs Papua New Guinea sa friendly match

neta na umabot ng 25,118.

Kampeyon din ang women's basketball team ng NU ngayong

season. Ito naman ang kanilang kauna-unahang UAAP title.

I

pinakita ni Chot Reyes, coach ng Gilas Pilipinas, ang kanyang pagkadismaya at pagkabigo sa inilabas na bagong FIBA ranking kung saan ang Pilipinas ay gumalaw lamang ng tatlong puntos, galing 34 ngayon 31, matapos magpakitang gilas sa 2014 FIBA World Cup na naganap sa Espanya. Matapos makakuha ng 1-4 panalo-talong tally at makamit ang “best efficiency rating among all Asian teams,” maliit lamang ang punto ng kanilang pag angat. Ayon kay Reyes, base sa ulat ng yahoo.com: “Masaya kaming umangat ang aming ranggo pero sa totoo lamang, hindi ko alam kung bakit mas umangat pa sa atin ang Korea. Umakyat sila ng apat na puntos samantalang tayo, tatlo lang. Subalit alam kong mas naglaro at nagpakitang gilas tayo kumpara sa Korea sa nakalipas na tatlong FIBA tournaments.” Sa kabuuan, nangunguna pa rin ang China sa lahat ng grupo sa Asya kahit na bumaba sila ng dalawang puntos, ngayon ay nasa ika-14 sila.


21

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Ang totoong score kina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria

I

tinanggi na ng Bise-Gobernador ng Cavite na si Jolo Revilla ang mga lumalabas na report na nagkakalabuan sila ni Jodi Sta. Maria. Aniya sa isang panayam sa Bandila noong Setyembre 16, 2014, “Okay kami.” Sa katunayan, dumalo pa siya sa premiere ng Star Cinema horror-drama ni Jodi na “Maria Leonora Teresa.” Masaya si Revilla na nagkakaroon at sumasama na sa ibang genre ng pelikula si Jodi matapos ang romantic-comedy na “Be Careful with my Heart.” Sa kabilang banda, masaya naman si Jodi na nagkaroon ng oras si Jolo para sa movie premiere. Subalit, sinasabing “dateless” si Jodi noong naganap na 8th Star Magic Ball, dahil masyadong busy ang kanyang boyfriend.

Vhong Navarro, nalungkot at naiyak sa Daniel Padilla, humingi ng paumanhin pagbigay ng bail grant kay Cedric Lee hinggil sa audio scandal

P

inalabas na ng kulungan si Cedric Lee noong Martes, Setyemre 16, 2014, matapos payagang makapagbigay ng piyansang Php 500,000 hinggil sa akusasyong condominium mauling incident nitong taon. Ayon kay Vhong Navarro noong mabalitaan niya ito: “Ngayon untiunting nagsi-sink in ulit. Kasi before, babalik doon kung ano yung naranasan ko before sa loob ng condominium, yung mga paratang na binigay sa akin, yung pagtutok sa akin ng baril, yung mga sinabi sa akin na pwedeng mangyari sa akin at sa pamilya ko.” Pahayag rin niya sa isang panayam ng Bandila: “Nalungkot, nadepress. Naiyak ako nung gabing iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung luha, bigla na lang bumagsak.” Subalit, kahit na ganoon ang nangyari sa ipinaglalaban niyang kaso, nananatili pa rin siyang may lakas na loob at pananalig na ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga fans.

H

umingi ng paumanhin si Daniel Padilla sa kanyang on-screen partner at espesyal na kaibigang si Kathryn Bernardo hinggil sa audio clip scandal na sinasabing naglalaman ng boses ng aktor. Ang audio clip na iyon ay nagpapahiwatig ng pagkasabik ni Daniel sa isang text conversation. Pinapaniwalaan ng mga netizen na si Jasmine Curtis ang kapalitan ng text ng aktor. Ani Padilla sa panayam sa Aquino ang Abunda Tonight noong Setyembre 22, 2014: “Alam naman natin na talagang nalungkot si Kathryn, dahil misunderstanding eh. Na-explain ko na lahat at naintindihan niya naman. Yung yakap na iyon (na ipinakita nila sa Bench’s Naked Truth fashion show) ay talagang pagpapasalamat na pinatawad niya ako. Talagang kami ay back to normal kaya masayangmasaya ako.” Samantala, ayaw madawit ni Daniel ang ilan pang mga artistang nasangkot tulad ni Sam Concepcion na nabanggit din sa nasabing audio clip. Hayaan na lamang daw ang sisi sa kanya. Sa kabilang banda, pahayag ni Jasmine na ayaw niyang makisawsaw sa relasyon nina Daniel at Kathryn.

Mga hubad na litrato ni Ellen Adarna, nagkalat online

M

atapos maging viral sa Internet ang boxing video ni Ellen Adarna, ngayon naman ay nagkalat ang kanyang mga hubad na litrato. Si Ellen ang itinampok na model ng magasin na Esquire Philippines noong nakaraang Abril 2014 isyu nito. Kinundena naman ng Esquire ang pagpapakalat ng mga nasabing litrato na kuha ng photographer na si Jake Versoza. Pumayag si Ellen na itampok sa ganoong istilo dahil sa pagkakaunawaan nila ng Esquire na walang hubad na litrato ang lalabas sa publiko. Ang paglabag sa “privacy” ni Ellen at “right to dignity” ang nagtulak sa Esquire para gumawa na ng legal na aksyon hinggil sa nasabing isyu. Wika ng Esquire, base sa ulat ng yahoo.com, “The recent circulation of such sensitive photos without her (or our) knowledge or consent is in blatant violation of her privacy, and her right to dignity. We share her outrage; we are deeply angry; we will not hesitate to take the appropriate legal action.” Dagdag pa nila, hindi nila ginamit sa magasin at wala sa kanilang mga kamay iyong mga litratong kumalat online.

URGENT HIRING!

WANTED FILIPINA ~ FILIPINO

R.O CORPORATION DRY CLEANING

Hamura. Hakonegasaki Station 1Hour TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

900

Monday to Saturday

PLACE: Musashi Sunagawa Station Time: 8:00 - 17:00 Compo, Kumitate, Kenga, Mishin Overtime - Kailangan

1Hour GIRL

1Hour BOY

900 1000

PLACE: Sayama Shi (Cleaning) Time: 8:00 ~ 17:00 GIRL

1Hour

900

1Hour

BOY

900

Can Speak Japanese, Tagalog, English LOOK FOR

MORITA

080-6500-1819


22

November 2014

Sarah Geronimo, nominado sa 2014 MTV European Awards

N

ominado si Sarah Geronimo sa Best Southeast Asian Act sa 2014 MTV European Awards. Naganap ang nominasyon noong Setyembre 16, 2014, kung saan nakitang nangunguna si Sarah sa anim na galing Indonesia, Singapore, Malaysia, Vietnam, at Thailand. Ang Indonesia ay may dalawang nominado sa nasabing kategorya, kung saan nanalo si Agnez Mo sa “wild card” nomination ng kanyang fans. Sa kabilang banda, nominado rin ang lokal na indie band na Up Dharma Down para sa ika-anim na “wild card” slot. Nagpasalamat naman ang nasabing banda sa mga bumoto dahil hindi nila akalaing makakauha sila ng ganoong suporta. Sa huling araw ng botohan, heto ang pahayag nila sa kanilang Facebook page, “we had over a hundred thousand votes, with people signing up on Twitter just to show us how the music has touched them.”

Cherry Pie Picache, nagpasalamat sa mga tumulong sa pagkakahuli sa unang suspek sa pagpaslang sa ina

I

sang malaking dagok man sa aktres na si Cherry Pie Picache ang pagkakapaslang sa kanyang ina, nagpasalamat naman ito sa mga taong tumulong upang mahuli ang unang suspek sa naturang insidente. Matapos ang isang buwang pananahimik ng aktres ay ipinahayag nito, sa ulat ng TV Patrol, ang pasasalamat sa mga nagbigay-daan sa pagkakadakip ng suspek. Sa parehong ulat, sinabi ng batikang aktres na ito pa lang ang umpisa tungo sa pagkakamit ng hustisya para sa ina bagama’t nabanggit din nito na mahaba pa ang daan na tatahakin para sa kumpletong resolusyon. Ang nais ng aktres ay ma-convict ang suspek na si Michael Flores. Ipinakalat ng aktres ang larawan ng suspek sa pamamagitan ng social media bukod sa panawagan nito sa TV Patrol. Emosyonal ang paghingi ng tulong ng aktres para sa sino mang nakakaalam sa kinaroroonan ng suspek. Ang pagkakahuli sa suspek ay kulminasyon ng hinagpis ng aktres pati na ng kanyang tatlong kapatid. Umpisa pa lang ito ng proseso ng pagsampa ng kaso para sa nadakip na si Flores at ang mga suspek na hindi pa nahuhuli. Ninanais naman ng pamilya ng nasawi na makamtan na nila ang hustisya para sa kanilang ikatatahimik.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Kim Chui, pinangalang Mulan ng Disney Southeast Asia

P

inili si Kim Chiu bilang Mulan para sa Disney Southeast Asia calendar. Sa panayam ng TV Patrol, sinabi ng Chinita Princess na ang kanyang pagkakapili ay isang achievement ng kanyang buhay. Ayon pa sa aktres, childhood dream niya ang maging isang Disney princess. Sinabi rin ni Chiu na ang pagbibigay sa kanya ng ganitong offer ay nakakatuwa na nakakaiyak. Kinumpirma mismo ng Walt Disney Southeast Asia ang pagkakasama ng aktres para sa proyekto. Gayunpaman, ang karagdagang detalye ng proyekto ay maibabahagi pa sa mga susunod na buwan. Ang nasabing kalendaryo ng Disney Project na ito ay lalabas sa susunod na taon sa Southeast Asia.

Failon Ngayon at Matanglawin, pasok sa Association for International Broadcasting bilang finalists

N

a k a p a s o k a n g Fa i l o n N g a y o n a t Matanglawin bilang finalists sa Association for International Broadcasting (AIB). Ang Failon Ngayon episode na pinamagatang “Delubyo” ang naging susi upang muling makasali ang News and Current Affairs show sa AIB. Ang episode na ito ay pasok sa ilalim ng Domestic Current Affairs Documentary Television category. Ipinakita sa nasabing ulat ang ilang mga video ng nasabing episode. Ipinakita ng naturang episode sa buong mundo ang aktwal na epekto ng Super Typhoon Yolanda sa mga nasalantang lugar. Nakasama ng Failon Ngayon ang ilang palabas mula sa ibang networks gaya ng Dispatches: Breadline Kids ng Channel 4, Spotlight: Guns and Government ng BBC, John F. Kennedy a Legacy Remembered ng Voice of America, The Way they Steel ng Antena 3, at

Celestine concert ni Toni G., matagumpay na idinaos

P

unung-puno ng mga fans ang Mall of Asia Arena para matunghayan ang concert ni Toni Gonzaga na pinamagatang “Celestine” nitong Oktubre 3. Maraming mga pasabog performances ang inihandog ni Toni G. sa kanyang mga fans. Damangdama rin ng mga fans ang uncontrollable energy ni Toni sa kanyang mga dance at song numbers. Ang concert ay bilang selebrasyon sa 15 maningning na taon ni Toni sa mundo ng showbizness. Samantala, ilang mahahalagang special guests ang sumorpresa sa mga fans, kagaya nina Vice Ganda at Richard Yap. Matindi naman ang hiyawan ng mga fans nang magperform na sa entablado ang Gonzaga sisters -- sina Toni at Alex. Present din siyempre ang kanyang boypren sa concert na si Direk Paul Soriano.

Suidlanders: Preparing for a Revolution ng E Sat Pty. Ltd. Si Ted Failon naman, ang host ng nasabing palabas, ay nakasali rin bilang finalist sa International television personality sa AIB. Ang Matanglawin naman ay pasok din sa AIB. Isasagawa ang awarding ceremony nitong Nobyembre 5.

Lea Salonga, muling sumasabak sa international shows

M

uli na namang nagiging matunog ang pangalan ng Pinay international Star, Lea Salonga. Ito’y matapos siyang mapasama sa mga kabi-kabilang international shows, kamakailan. Isa na rito ang kumpirmasyong kasama si Salonga sa Il European Tour ng sikat na classical singing group, ang Il Divo, na pinamagatang “A Musical Affair World Tour.” Kamakailan din ay napasama si Salonga sa 25th anniversary ng Miss Saigon sa West End, kung saan nakasabayan niyang kumanta si Rachelle Ann Go, na kasalukuyang gumaganap din sa naturang show. Naging matunog din ang kanyang pangalan sa pagkantang muli ng theme song ng Alladin movie na “A Whole New World,” kung saan nagboses din siya bilang Jasmin. Pagkatapos ng tour ay inaasahang babalik si Salonga sa Pilipinas para mag-judge sa The Voice Philippines.


23

November 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol

Angelica Panganiban

Heart Evangelista

K

amakailan, naging matunog ang mga pangalan ng ating mga tampok na celebrities sa mundo ng Philippine showbizness. Alamin natin, kung bakit: Erich Gonzales – Balik-teleserye kasi sa ABS-CBN ang aktres para gumanap bilang isa sa mga “Two Wives,” kung saan kasama niya sa teleserye sina Jason Abalos at ang nagbabalik-limelight na si Kaye Abad. Angelica Panganiban – Naging matunog ang kanyang pangalan kamakailan sapagkat kinasuhan siya ng dating asawa ni Derek Ramsay, kasama ng aktor, ng concubinage case. Heart Evangelista – Matapos ang mga major na paghahanda ng aktres sa kanilang kasal ni Senator Chiz Escudero, napabalitang hindi pa rin daw dadalo sa kanilang kasal ang mga magulang ni Heart. Ngayon naman, sa pamamagitan ng kanilang tweets, kukumustahin natin ang mga nabanggit na controversial actresses. Erich Gonzales (@ErichGonzales) Angelica Panganiban (@IamAngelicaP) Heart Evangelista (@heart021485)

Erich Gonzales

N

Lyca, nakalipat na sa bagong bahay akalipat na sa kanilang bagong tahanan ang The Voice Kids Champ na si Lyca Gairanod. Bukod kasi sa P1 milyon at recording contract, kasama rin sa mga papremyo sa Little Superstar ay ang Camella Homes sa General

Trias, Cavite. Matatandaang pagkatapos ng pagkakapanalo niya sa nasabing kumpetisyon, bumida na rin siya sa iba't ibang mga TV shows, kagaya ng "Maalaala Mo Kaya," kung saan ginampanan niya ang kanyang sariling kuwento at napasama rin siya sa "Hawak Kamay," na kasalukuyang primetime show sa Dos. Ayon sa ilang mga balita, nakaline-up na ang kanyang next acting venture: ang "Nathaniel."

"Mahal Mo o Mahal Ako' ni KZ Tandingan, kampeyon sa Himig Handog Pop Love Songs 2014

P

analo sa Himig Handog Pop Love Songs 2014 ang kantang ininterpret ni KZ Tandingan, ang "Mahal Mo o Mahal Ako." Ang nasabing kanta ay komposisyon ni Edwin Marollano, na base umano sa kuwento ng isang kaibigang babae na dumanas ng parehong problema sa pag-ibig, kung saan, kinailangan niyang mamili sa dalawa -- ang kanyang mahal o ang mahal siya. Idinaos ang awards night noong Setyembre 28 sa Smart Araneta Coliseum. Ilan pa sa mga panalo ay ang mga sumusunod, base sa ulat ng pep. ph: Star Music Listeners' Choice award: "Bumalik ang Nakaraan" by Jessa Zaragoza MOR Listeners' Choice Award: "Simpleng Katulad Mo" by Daniel Padilla MYX Choice for Best Music Video: "Mahal Kita Pero" by Janella Salvador Star Studio Readers' Choice Award: "If You Dont Wan't to Fall" by Jed Madela Star Cinema Choice Award: "Halik sa Hangin" by Ebe Dancel and Abra ABS-CBN Favorite Interpreter Award: "Mahal Ko o Mahal Ako" by KZ Tandingan TFC Choice: "If You Dont Wan't to Fall" by Jed Madela ABS-CBN mobile fan favorite: "Simpleng Katulad Mo" by Daniel Padilla Fifth Best Song: "Hindi Wala" by Juris Fourth Best Song: "Walang Basagan ng Trip" by Jugs and Teddy Third Best Song: "Mahal Kita Pero" by Janella Salvador Second Best Song: "Halik Sa Hangin" by Ebe Dancel and Abra

"Sexiest Woman Alive" ngayong taon, pinangalanan na bing titulo sina Scarlettte Johansson,

P

inangalanan na ng Esquire Magazine, isang sikat na lifestyle magazine, sa November 2014 issue nito ang "Sexiest Woman Alive." Ito'y ang Spanish actress / model na si Penelope Cruz. Sa kasalukuyan, 40 anyos na ang aktres at mayroong dalawang anak kay Javier Bardem. “I’ve played a lot of tricks on myself. I’ve made it hard for me sometimes, especially in my teens and twenties. I had an attraction to drama," ika ng aktres sa naturang magazine. Si Penelope na ang ika-11 personalidad na ginawaran ng naturang pagkilala. Nauna sa kanya sa nasa-

Ex-Eat Bulaga Segment Host, wagi bilang Miss World Philippines 2014

Mila Kunis at Rihanna. Higit na nakilala si Penelope bilang aktres nang manalo siya noong 2009 ng Best Supporting Actress award para sa kanyang role sa "Vicky Christina Barcelona." Tampok din siya bilang isa sa mga bumida sa popular Johnny Depp movie, "Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides" noong 2011.

W

agi ang PinayGerman at dating segment host ng E a t B u l a ga a t housemate ng Pinoy Big Brother na si Valerie Weighmann sa Miss World Philippines 2014. Hindi umano makapaniwala ang dalaga sa pagkakasungkit ng korona, sapagkat ito pa lang kasi ang unang beses niyang pagsali sa ano mang beauty pageant. Kaya lang daw ito sumali, sapagkat gusto niyang masubukan kung ano ang pakiramdam ng sumasali sa mga katulad na kumpetisyon. Iniaalay daw niya ang panalo sa kanyang mga magulang na sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa. Excited na raw ang dalaga na irepresenta ang bansa sa Miss World 2014 Competition sa Disyembre sa London, UK.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.