Daloy kayumanggi 2014 april

Page 1

Daloy Kayumanggi

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.3 Issue 34 April 2014

www.daloykayumanggi.com

KONTRIBUSYON

Ichigogari sa Chiba

TRAVEL

Beautiful Taiwan II

7

SHOWBIZ

Kim at Coco Loveteam

15

21

PAGBABA NG TAX, ISINULONG M

ula 32 percent, bababa umano ang individual income tax rate sa 25 percent pagdating ng taong 2017. Ito ay kapag naipasa ang Senate Bill no. 2149 na isinusulong ngayon sa senado ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara. Pangunahing basehan umano ng naturang panukalang batas na iayon ang pagpapataw ng buwis sa kapasidad ng mga magbabayad na indibidwal. Sa tala kasi sa kasalukuyan hinggil sa mga Pinoy na naghihirap, tinatayang 30 hanggang 40 porsyento ng kabuuang populasyon ang nasa ibaba ng poverty line. Sundan sa Pahina 5

DPWH, magtatayo ng mas matibay na paaralan sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda

I

naasahang mas magiging matibay ang mga bagong paaralan na itatayo sa mga lugar na hinagupit ng Super Typhoon Yolanda nung Nobyembre. Ayon sa opisyal na pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga bagong pasilidad ay gagawing mas matatag kahit na tamaan man ng malakas na hangin na may bilis na 250 kilometro kada oras. Ani DPWH-Bureau of Design chief na si Gilberto Reyes, ang disenyo ng mga bagong paaralan ay pareho lamang sa mga nasalanta noong nakaraang taon. Ang kaibahan ay ang mas pinagtibay na konstruksyon. Ang proyektong ito ay naplano kasama ang Department of Education (DepEd). Ipinangako rin ni Reyes na sisiguraduhin niyang ang mga gagamiting materyales para sa mga dingding ay de-kalidad at pumasa sa mga pamantayan na itinalaga ng DPWH.

Mga bagong pambansang simbolo, inirerekomenda sa Kamara

I

sinusulong ngayon sa Kamara ng isang house representative ang ilang mga pambansang simbolo ng Pilipinas. Inirerekomenda rin ni Bohol Representative Rene Relampagos na gawing pambansang sasakyan ang Jeepney, ang Bakya bilang pambansang tsinelas, Adobo bilang pambansang pagkainang Bahay-Kubo bilang pambasang bahay, Cariñosa para sa pambasang sayaw, Arnis bilang pambansang martial arts at sport, kalabaw bilang pambansang hayop, bangus para sa isda, Philippine pearl bilang pambansang hiyas, Anahaw bilang pambansang dahon, Mangga bilang pambansang prutas, Sampaguita bilang pambansang bulaklak at Philippine Monkey Eating Eagle bilang pambansang ibon. Nararapat umano, ayon kay Relampagos, ang pagsusulong sa mga ito nang sa gayon ay magkaroon ng klaro at konkretong depinisyon ang pambansang simbolo. Makakatulong din umano ito sa maipakilala ang Pilipinas sa ibang bansa, gayundin ang kakaiba at katangi-tanging katangian nito.

TIPS

Feng Shui by Emosians

9 - 11

"SOMETHING FISHY: Limited to 120 visitors per day, the tuna auction in Tsukiji Market at around 4AM is a one-ofa-kind-experience for foreigners because of it's lively atmosphere and the huge frozen tunas from around the world housed in the world's largest fish market.

SPECIAL REPORT:

Timeline ng mga Pangyayari Hinggil sa Pagkawala ng MH370

I

sa sa mga balitang gumimbal sa mga tao at bumandera sa iba’t ibang mga pahayagan at telebisyon sa buong mundo ay ang misteryosong pagkawala ng MH370, isang Boeing 777 at Malaysia Airlines passenger jet nitong Marso 8. Isang special report ang inilabas ng pahayagang Philippine Daily Inquirer hinggil sa mga huling kaganapan noong Marso 8 bago ang naturang pangyayari. Halika’t sundan natin: TAKE-OFF: Eksaktong 12:41 am (1641 GMT Friday), lumipad ang Flight MH370 mula Kuala Lumpur International Airport patungo sanang Beijing. ACARS SHUTDOWN: Bandang 1:07

am, tumigil bigla ang Aircraft Communications Addressing and Reporting System (ACARS), ang device na nagtatransmit ng mga impormasyon hinggil sa mechanical condition ng eroplano. LAST WORDS: Ang huling narinig

KA-DALOY

NTT Community Event

17

na voice communication mula sa eroplano mula sa cockpit, matapos ang ACARS shutdown, ay ang mga katagang “All right, good night,” habang dumaraan ang eroplano sa Vietnamese air traffic control sa ibabaw ng South China Sea. Sundan sa Pahina 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Daloy kayumanggi 2014 april by Daloy Kayumanggi Newspaper - Issuu