Daloy Kayumanggi newspaper September 2014

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.4 Issue 39 September 2014

www.daloykayumanggi.com

DEAR KUYA ERWIN

Mt. Fuji Experience

4

KONTRIBUSYON

Alamin ang Kapalaran

10-11

GLOBAL PINOY

Ms. & Mr. Thai-Philippines

18

HOME AT LAST Sundan sa Pahina 5

Ang miyembro ng Japan Pinoy Outdoor Club (JPOC) sa kanilang pag-akyat sa Mt. Fuji. Ang JPOC ay grupo ng mga Pilipino na mahilig sa outdoor adventures gaya ng hiking, camping, fishing at iba pang mga aktibidades. (kuha ni Josephine Go)

Estudyante sa Tagum City, nagsauli ng malaking halagang napulot

I

sang 4th Year High School student sa Tagum City National High School ang nagsauli ng wallet na naglalaman ng cheque at cash na nagkakahalaga ng P150,000 sa kanilang Principal’s Office. Si Jeffrey Balbero, na isang working student, ay kinikilala ngayon ng kanyang paaralan bilang isang matapat na estudyante dahil sa kanyang ginawang pagsauli sa napulot na halaga.

Sundan sa Pahina 5

TOKYO BOY Summer sa Hong Kong

8

KA-DALOY OF THE MONTH

Lyca: Mula sa Pagiging Mangangalakal at Anak ng Mangingisda Tungo sa Pagiging Makinang na Bituin ni Loreen Dave Calpito E-mail: davecalpito529@ gmail.com

Sundan sa Pahina 7

JOBS

Trabaho sa Chiba

NTT CARD

21

30

MINS

NA ULIT!!!


2

September 2014

Kwelang Pinoy Chef sa London, sikat sa social media dahil sa kakaibang estilo

K

akaibang estilo at karisma ang naging daan upang makilala ang kwelang Pinoy Chef sa isang restawran sa London. Sikat ngayon sa social media, partikular sa YouTube, ang isang video na nagtatampok sa Chef na tubong Zambales, si Charlie Bueno, dahil sa nakakatawang estilo nito ng pagluluto upang maaliw ang mga kumakain sa London Diners. Ang kanyang kakaibang tricks ang nagpahanga sa daan-daan libong mga taong nakapanood at nag-share ng video na ito sa social media. Taong 2006 pa nang pumunta sa London si Bueno upang magtrabaho. Dalawang dekada na ngayong nagtatrabaho sa culinary industry si Bueno, na bago mapunta sa London ay nagtrabaho pa sa Manila at sa Dubai, ayon sa ulat ng TV Patrol. Katunayan, mga VIPs na ang kanyang mga napagsilbihan, kagaya ng Dutch Royalties at pati Kris Aquino. Ayon kay Bueno, ang kanyang asawa’t anak ang kanyang mga inspirasyon sa pagtatrabaho.

Inarkilang barko ng gobyerno, sinundo ang mga apektadong Pinoy sa Libya

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Loboc Children's Choir, pumangalawa sa isang int'l chorus festival sa China

M

uli na namang nagkamit ng panalo ang kilalang Loboc Children’s Choir mula sa Bohol, matapos itong makapag-uwi ng silver medal sa nakaraang 12th China International Chorus Festival (ICF), kamakailan. Sa ulat ng philstar.com, isinagawa ang naturang kumpetisyon mula Hulyo 29 hanggang Agosto 4 sa Beijing.

Binubuo ang LCC ng mga batang may edad na siyam hanggang 13 mula sa Loboc Central Elementary School sa Loboc, Bohol. Nag-perform din ang grupo sa opening concert noong Hulyo 29 sa Great Hall of the People kasama ang mga grupo mula sa China, Mexico, Romania, Hungary, Lithuania, United States, Egypt, Portugal, South Africa, Ukraine, at Nigeria..

Fil-Am, commanding officer ng US Navy aircraft carrier

I

sang Filipino-American ang kasalukuyang nagsisilbing commanding officer ng US Navy aircraft carrier. Siya ay si Capt. Ronal Ravelo. “During exercises with the US, we meet a lot of servicemen. It will be a pleasure to meet him,” ika ni Lt. Cdr. Marineth Domingo, ang acting spokesperson para sa Philippine Navy, sa pahayagang Philippine Star.

Proud umano si Domingo dahil isang FilipinoAmerican ang commander ng napakalaking barko ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Graduate umano si Ravelo ng Bachelor of Science degree sa Industrial and Systems Engineering sa University of Southern California noong 1987. Sa San Diego, California nakabase ang kanyang pamilya.

Pinoy groups at representatives, kasali sa Yokohama Sparkling Twilight 2014

I

sang barko o ferry ang inarkila ng gobyerno ng Pilipinas upang sunduin ang mga OFW na gustong lumikas mula sa Libya, bunsod ng lumalalang kaguluhan doon. Ayon sa ulat ng TV Patrol, nasa Malta na nitong Agosto 15 ang inarkilang ferry upang magsakay ng mga Pinoy evacuees. Kasama sa barko ang rapid response team at ilang opisyales ng DOLE, OWWA, at DFA para matutukan ang pagpapauwi sa mga apektadong Pinoy sa nasabing bansa. Kasama na rin sa pagkakataong iyon ang port immigration officer ng Malta upang agad na maproseso ang mga dokumento ng mga evacuees. Mula Malta, chartered flights ang maglilipad sa mga Pinoy mula sa bansang ito. Walang maiiwan na Pinoy sa Malta. Mahigit isang libo ang kapasidad ng naturang barko.

I

lang mga grupo at representative ng Pilipinas ang lumahok sa taunang pagdiriwang tuwing summer sa Yokohama, ang Yokohama Sparkling Twilight 2014 na idinaos sa Yamashita Park, Yokohama City nitong Hulyo 19-20. Ilan sa mga napasali sa naturang pagdiriwang ay ang mga Pinoy groups na “Abraenians,” “Samahang Pilipino,” Tokyo University of Foreign Studies (TUFS) Cultural Dance Troupe kasama ang mga representative ng Philippine Embassy, ayon sa ulat ng tokyo. philembassy.net.

Sari-saring mga aktibidad ang isinagawa at sinalihan ng mga Pinoy representative sa naturang pagdiriwang, kagaya ng parade, stage show, seafront performances, at paglulunsad ng seaside restaurant booths. Matatandaang ang Yamashita Park sa Yokohama ay ang lugar na pinagdausan din ng Philippine Festival Barrio Fiesta noong mga taong 2012 at 2013. Mayroon ding sister city agreement ang Yokohama sa Manila. Gayundin, tinutulungan din ng siyudad ang Cebu City sa pagresolba sa ilang mga usapin hinggil sa urban development.


3

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pilipinas, nag-uwi ng 155 medalya mula sa int'l 11 taong gulang na estudyante, Math competition nagtala ng pangalan sa kasaysayan

I

niuwi kamakailan ng Philippine Team ang 155 medalya galing sa isang international Math competition sa Singapore. Sa kabuaan, pumangalawa ang Pilipinas na nalamangan ng 38 na medalya ng China, ang nanguna sa lahat. Pangatlo naman ang Malaysia, sumunod ang Indonesia, Singapore, South Korea, Thailand, Iran, Myanmar at India. Nakipagtagisan ng talino at galing ang mga Pili-

pinong estudyante sa mahigit 1000 kalahok. Ilan sa mga gold medalist ay mga estudyante ng Ateneo High School, Xavier School, Philippine Science High School, Colegio San Agustin ng Makati, De La Salle University Integrated High School. (Para sa kabuuang listahan ng mga nagwagi, pumunta sa http://www.rappler.com/ nation/65343-ph-second-singapore-math-contest). Dumating ang Philippine Team sa Manila nitong Agosto 4, 2014.

Mga lugar sa sinalanta ni Yolanda, naghahanda sa pagdalaw ng Santo Papa

M

alugod na ibinalita ng Archdiocese of Palo sa Leyte ang balita na handa na itong salubungin si Pope Francis na nakatakdang dumalaw sa susunod na taon sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda. Inihayag ni Palo Archbishop John Du sa ulat ng Philippine Star na nagsasagawa ng malawakang rekonstruksyon sa mga apektadong lugar, lalo na sa lugar kung saan mananatili ang Santo Papa sa susunod na taon, bilang parte ng kanyang pagdalaw.

Pamahalaan, nagpalabas ng polisiya para sa mga mandaragat laban sa Ebola

N

a g p a l a b a s n g i s a n g p o l i s iya a n g gobyerno upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga Pilipinong m a n d a ra ga t m u l a s a E b o l a v i r u s matapos mapabalita ang muling pagkalat nito sa West African countries. Sa pahayagang Philippine Star, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang polisiyang ito ay para sa mga Pilipinong magtatrabaho bilang seafarers sa mga apektadong bansa upang makapagingat sa nakamamatay na virus. Sa ilalim ng nasabing polisiya, ang mga shipping company na may mga barkong dumadaan sa Guinea,

Bukod dito, abala rin si Du at ang ilang opisyales ng mga simbahan sa pagtatayo ng Pope Francis Center, na siyang magiging tirahan ng mga naulilang mga bata at mga matatanda. Magkakaroon din ito ng klinika at kapilya para sa lugar. Inaayos din ang mga daanan bilang paghahanda sa pagdalaw ni Pope Francis mula Enero 15 hanggang 19 sa susunod na taon. Ito ang ikalawang na pagdalaw ng Papa sa bansa mula noong 1995, kung saan si St. John Paul II naman ang pumunta sa Pilipinas para sa pagdiriwang ng World Youth Day. Sierra Leone, at Liberia ay kailangang magbigay ng mga gas mask, goggles, gloves, at iba pang proteksyon upang maiwasan ang pagkakahawa sa naturang virus. Nabanggit din sa ulat ng pahayagan noong Agosto 6 ang pinakahuling bilang ng Ebola cases, na umabot na sa mahigit 1,700 na mga biktima, at naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit 900 na tao sa mga nasabing bansa.

N

akuha ni Ashley Nicole Abalos, 11 taong gulang na estudyanteng Pilipino, ang pinaka-unang medalya ng Pilipinas bilang premyo sa pagkakapanalo sa naganap na International Letter-writing Contest for Young People. Si Abalos ay nag-aaral sa PAREF-Woodrose School sa Muntinlupa City. Napanalunan nya ang bronze na medalya sa nabanggit na kompetisyon na inorganisa ng Universal Postal Union (UPU), isang espesyal na ahensya ng United Nations. Ang unang gantimpala ay napanalunan ng 13 taong gulang na estudyante ng Bosnia and Herzegovinia. Samantalang ang pangalawa naman ay nakuha ng sampung taong gulang na estudyante ng China. Isa itong makasaysayang achievement sa mga Pinoy, dahil halos 43 taon na ang nakalipas subalit hindi pa kailan nakasungkit ng medalya ang Pilipinas. Matatanggap ng mga nanalo ang kanilang premyo sa Oktubre 9, 2014, sa araw ng anibersaryo ng UPU.

4 na kumpanya sa Japan, pagpipilian para sa DOTC Project

I

n i h aya g n a n g D e p a r t m e n t o f Tra n s p o r t a t i o n a n d Communication (DOTC) ang apat na Japanese firms na bidders na kasama sa mga pagpipilian para sa maritime safety capability improvement project na nagkakahalaga ng P8 bilyong piso. Ang proyektong ito na inihahanda ay para sa Philippine Coast Guard. Sa pahayagang Philippine Star, inulat ni DOTC Undersecretary Jose Perpetuo Lotilla ang pagpapadala ng mga sulat sa Japan Marine United Co., Nigata Shipbuilding and Repair Inc., Sumidagawa Shipyard Co. Inc., at Mitsubishi Heavy Industries Ltd upang abisuhan na sila ang mga nakasama sa kinukunsiderang mga kumpanya para sa proyekto. Ang proyektong ito ay isasagawa para mas mapag-ibayo ang pagpapa-unlad sa coast watch, patrol at rescue capabilities ng PCG para sa mas matibay na maritime safety at pangangalaga sa kapaligiran. Magkakaroon din umano ng pre-bid meeting kasama ang apat na kumpanya. Pinirmahan nina Finance Secretary Cesar Purisima at JICA president Akihiko Tanaka ang loan package na nagkakahalaga ng mahigit P7 bilyong piso noong Disyembre para sa maritime safety.


4

September 2014

Global Filipino DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

Ang Mt. Fuji At Ang Public Commitment

D

ahan-dahang sumulpot sa alapaap ang bolang apoy, bilog na bilog, nagbabaga at napakainit kung iisipin pero nakapa-cool kung titignan. Sa kalahating ibabang bahagi, kung nasaan ang mga ulap, ay itim na itim pa. Ang kalahating itaas naman ay samot-saring kulay asul, malumanay at hindi matingkad ang kulay. Ang itim na ulap, at asul na kalangitan ay hinati ng kulay orange mula sa sumusulpot na bola ng araw. Habang lumalaki ang bolang apoy, lalo namang nagkulay orange ang paligid, hanggang sa maging asul na asul na ang kalangitan, at ang itim na mga ulap ay naging mga puti. Sa katunayan, dito ko pa napagtanto na ulap pala ang sa ibaba, hindi sa itaas. Dati ay parang tuldok na orange, ngayon araw na araw na ang porma ng bolang apoy, at sumikat na rin si Haring Araw. Ito pala ang dahilan kung bakit araw-araw, libo-libong tao ang umaakyat sa Mt. Fuji upang makita ang bukang liwayway. Ito pala ang dahilan kahit sa sobrang pagod at hirap sa pagakyat. Ang paglitaw ng haring araw sa alapaap ay isang hindi makakalimutang eksperensya dito sa Japan. Oo, sa alapaap ito lumabas, hindi

sa horizon. Tunay ngang nakakabighani ang pagsikat ng araw sa tuktok ng Mt. Fuji. Ito ang tunay na kakaiba at kahanga-hangang bukang liwayway ng Mt. Fuji. Ngayon alam ko na kung bakit di dapat palagpasin ang pagkakataon na akyatin ang Mt. Fuji habang nandirito ka pa sa Japan. Ngayong taon, Limang taon na ang anak ko. Ibig sabihin, Anim na taon na pinangarap ko, namin ng asawa ko, na akyatin ang Mt. Fuji. Bumili pa agad kami ng 2 headlamp nuon nung makita namin sa sale. Kailangan ng maghanda. Subalit hindi natuloy ito dahil nagdadalang-tao pala si lover ko. Lumipas ang araw, buwan at taon. Nasira na lang ang aming nabiling headlamp, subalit hindi ko pa rin naituloy ang plano kong pagakyat. Ang daming dahilan. Tsaka na, may oras pa. Wala akong kasama. Hindi ko alam. Magastos. Subalit, inaasam ko pa ring umakyat ng Mt. Fuji. Isang araw, nag-message sa Facebook ang isa kong FB friend. Aakyat daw ang mga Pinoy mountaineers sa Mt. Fuji. Inimbitahan akong sumama. Gusto ko, ngunit bumalik na naman ang mga pagdududa. Hindi ako mountaineer. Magastos ang akyat dahil maraming

gamit na bibilhin. Hindi ko kilala ang mga aakyat dahil tanging sa FB ko lang sila nakausap. Sa mga nababasa kong self-help na mga libro at maging sa mga artikulo sa internet, ang isang mabisang paraan upang tuparin ang sariling plano ay ang pag-anunsyo nito sa mga kaibigan o sa publiko na ito ay gagawin mo. Ito ang tinatawag na “public commitment” kung saan nangako ka na gagawin ang iyong plano. Mabisa ang public commitment dahil normal sa atin na ayaw nating makita tayo ng ibang tao na pumalpak o walang nagawa. Kung ikaw lang ang nakakaalam, ok lang ang pumalya dahil di naman nila alam kung kaya madaling mag-back-out o tumigil sa pinaplano. Sa mata ng publiko, ayaw natin na makita nila tayo na pumalya. Kung kaya nag-public commitment ako na ako ay sasali sa pag-akyat. Nag-oo ako kahit nagdadalawang isip pa ako at hindi sigurado. Nagsabi na rin ako sa mga kaibigan. Nagsabi rin ako sa aking boss, nagsabi rin ako sa aking pamilya. Mga isang buwan bago ang akyat, naging aktibo na ang mga mensahe sa Facebook group tungkol duon. Ako, nanatiling tahimik kasi nga di pa rin ako sigurado. Subalit isang araw, nag-decide ako na sige gawin ko ito dahil sa public commitment na sinabi kong gagawin ko. Pangalawa, gawin ko na ring birthday gift sa sarili ko. Pangatlo, para matanggal na sa listahan ng mga plano na dapat kong gawin sa Japan. Sumunod naman ang mga agam-agam kung ano ang mga preparasyon na dapat gawin. Mga 10 araw na lang bago ang akyat, duon pa ako nagkarupag ng pagtanong sa mga kakilala na aakyat. Parang, ito na, totoo na ito. Ano ang mga gagawin. Tinanong ko ang organizer ng grupo, si Maestro El Tarik. Tinanong ko ang mga sasama sa kanilang preparasyon. Tinanong ko ang aking Singaporean na kaibigan na umakyat sa Mt. Fuji.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Di naman ako nabigo at tinuruan ako kung ano-ano ang mga preparasyon na dapat gawin. At heto na nga ako sa tuktok ng Mt. Fuji, kasama ang mga bago kong kaibigan. Napakasarap isipin na nakaya kong akyatin ang pinakamataas na bundok sa buong Japan. Nakaya ng sarili ko. Simula 7 ng gabi, narating namin ang tuktok ng 7 ng umaga. Ang natitirang 3 kilometro ay halos 3 oras at kalahati ding lalakarin, sa tarik ng akyat at sa dami ng tao na halos nakapila sa pag-akyat. Nasaksihan ko din ang human candle, ang mga taong paakyat ng tuktok sa gabi na may kanya kanyang headlamp. Para itong fluvial parade. Parang mga fireflies na naka pormang Z dahil pa zigzag ang disenyo ng trail o akyatan upang hindi masyadong matarik. Naging kasabwat at saksi din ako ng pagpropose ng isa naming kasamahan sa kanyang irog. Napaka-sweet ang masaksihan at maging kasabwat sa pagmamahalang ito. Pinaka Higit sa lahat, naakyat ko din sa wakas ang Mt. Fuji. Sa halos 8 taon ko dito sa bansang Japan, ngayon lang nagkatotoo ang isa sa mga gusto kong gawin. Ang pinakamahalagang leksyon na natutunan ko sa pag-akyat sa Mt. Fuji ay ang “public commitment”. Anim na taon ko rin sinusulat sa aking New Year resolution ang pag-akyat sa Mt. Fuji. Subalit dahil ako lang ang nakakaalam, ok lang na huwag munang gawin kahit 6 na taon ng pabalik-balik. Tsaka na lang. Nagawa ko ito ngayong taon dahil sa aking public commitment. Kung wala ang public commitment, baka hindi ko naranasan ang kakaibang pag-ahon ng bolang apoy sa bukang liwayway ng Mt. Fuji. Baka hindi ko masasabi sa aking sarili na nakaya ko at naakyat ko ang pinakamataas na bundok ng Japan. Naakyat mo ba na ang Mt. Fuji? Ano ang mga karanasan mo duon? May mga pangarap ka ba sa buhay na hindi mo pa “naakyat” ? Subukan mo kaya ang public commitment.


5

September 2014

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

~ Pag-a-apruba ng Malakanyang sa bagong Magna Carta of Poor, inaasahan

Mula sa Pahina 1

DFA at OWWA, tiniyak ang cash assistance sa mga pinauwing Pinoy mula Libya

I

sang cash assistance ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs ( D FA ) a t O v e r s e a s Wo r k e r s Welfare Administration (OWWA) para sa mga Pilipinong pinauwi m u l a s a b a n s a n g L i bya b u n s o d n g nagaganap na kaguluhan doon. Tig-10 libong piso umano ang nakalaang cash assistance mula sa Financial Relief Assistance Program ng OWWA ang ipamimigay sa mga ito. At, kahit umano hindi miyembro ng OWWA ang OFW na pinauwi basta kasama sa mandatory evacuation ay sigurado pa ring mabibigyan nito upang magsilbing tulong sa gastusin sa Pilipinas. Para naman sa mga gustong makahanap ng trabaho, ayon sa ulat ng TV Patrol, tutulungan umano silang makahanap ng job opening ng gobyerno. Sapilitang pinauuwi ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pinoy na nasa Libya upang hindi madamay sa lumalalang gulo roon. Ang gobyerno ang sasagot sa pamasahe ng mga ito.

P

anatag ang mga nagsulat ng Magna Carta of Poor matapos nilang repasuhin ang nasabing bill na siyang inaprubahan ng House of Representatives. Ayon sa mga manunulat, na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno, naniniwala silang aaprubahan na rin ng Malakanyang ang nasabing Magna Carta. Layuning ng bill na ito na iangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng “sustained opportunities” tungo sa kaunlaran. Umaasa rin ang mga nagsulat ng House Bill 4629 na magbibigay ang senado ng kanilang sariling bersyon ng bill upang tanguan ni Pangulong Aquino. Ayon sa Manila Bulletin, ang HB 4629 ay inaprubahan ng Lower House nitong Agosto matapos ng pangatlong reading. Nilalaman din ng bill ang ilang mga puntos na nirekomenda ng Malakanyang upang mas masiguro ang pag-a-apruba ng Palasyo.

Pilipinas, handang rumesponde sa Ebola sa publiko matapos ihayag ng World threat ayon sa DOH bosa Health Organization (WHO) ang pagiging

H

anda ang gobyerno sa pagpigil sa pagkalat ng Ebola virus disease sa bansa. Ito ang siniguro ni Health Undersecretary Ted Her-

internasyonal na problema ng nasabing sakit, base sa pahayagang Philippine Star. Ani Herbosa, gagamit ang pamahalaan ng bagong sistema upang gabayan ang health professionals sakali mang pumasok ang mga pasyenteng may Ebola virus dito sa bansa. Kabilang sa sistemang ito ay ang pagsunod sa istriktong quarantine procedures, pagmatyag sa mga taong papasok sa bansa, at paghahanda ng mga pasibilidad para gamutin ang mga pasyente na tinamaan ng virus. Nilinaw naman ng undersecretary na ang pag-alerto na ito ay hindi para takutin ang publiko, kundi para lang ipaalam na wala silang dapat ikabahala sa sakit na ito dahil sa pagiging handa ng gobyerno.

Mula sa Pahina 1

Pagmamay-ari umano ito ng magulang ng isang estudyante sa naturang eskwelahan. Nakita ito ni Jeffrey sa school gym at kaagad itong isinauli sa Principal’s Office. “Kapag meron po kayong makitang bagay na hindi sa inyo, dapat isauli niyo po,” paniwala ni Jeffrey. Ayon naman kay Dr. Eugenia Hingpit, ang amo ni Jeffrey: “Na-internalize ng bata na since dumating siya dito, honesty is the best policy ang prinsipyo within the house.” Iniwan si Jeffrey ng kanyang mga magulang mula pa pagkabata.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

September 2014

Editoryal

Inspiring Global Filipinos in Japan

Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Persona Non Grata

Daloy Kayumanggi

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549

Daloy Kayumanggi

“you know there’s something wrong in your country when politicians provide comic relief and comedians are taken seriously”

S

a gitna ng kasiyahan

sa Kadayawan, ang

na hindi na kailanman welcome o

isang hindi masayang

nasaktan at dinamdam ng mga taga-

taunang pista sa Davao, pumutok ang

balita. Mistulang isang kabalintunaan, ang hindi kaaya-ayang balitang ito ay nanggaling sa isang

komedyante, si Ramon Bautista.

Mula sa isang biro tungkol sa pa-

giging “hipon” ng mga kababaihan ng Davao, nauwi ang isa sanang

masayang gabi sa isang paghingi ng paumanhin at pagkatapos ng

ilang araw ay, pagkakadeklarang persona non grata kay Bautista.

Ano na ba ang persona non

grata? Ano ang implikasyon nito?

Ayon sa diksyunaryo ng isang laptop, ito ay:

persona non grata*

pəˌsəʊnə nɒn ˈɡrɑːtə,nəʊn/ noun

noun: persona non grata; plural noun: personae non gratae

an unacceptable or unwelcome person.

Maliwanag na nakasaad dito

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com

karapat-dapat si Ramon Bautista

umano’y hindi naging magandang

Davao ang biro/pangungutyang

kundi lalo sa kaso ng rape. Kinalau-

sa Davao. Ibang sabihin rin nito,

iyon ni Bautista. Sa mas malalimang pagsipat, nagsisilbing senyales at

babala ang kaso ni Bautista para sa kahit sinumang kukutya o mang-

aapi sa kahit sinumang mamamayan

ng Davao, pabiro man o seryoso, intensyunal man o hindi. Sa isang iglap, ang mga taong tumanggap kay

Bautista ang siya ring nagtaboy sa kanya ng hindi nila magustuhan o

hindi sumunod sa kanilang panlasa ang klase ng pagpapatawa ng aktor.

Ang kaso ni Bautista ay hindi

nalalayo sa isyu na kinasangkutan rin ng isa pang komedyante na si Vice Ganda matapos niyang magbiro

tungkol sa pagkaka-rape kay Jessica Soho, isang sikat na journalist

at brodkaster. Hindi man naiuwi

sa pagkakadeklarang persona non grata, marami ang kumondena sa

biro ni Vice Ganda hindi lamang sa

pisikal na kaanyuhan ng brodkaster

nan, humingi ng paumanhin si Vice Ganda hindi lamang kay Jessica Soho kundi pati sa lahat ng manonood.

Nakakatuwa lang isipin marahil sa sa parehong pagkakataong iyon, ang parehong mga taong tumawa at humalakhak sa mga biro at pangungutya ng dalawang komedyanteng nabanggit ay ang mga pareho ring tao na kumondena sa naging asal ng dalawa. Dahil dito, hindi maikakailang maitanong sa lahat ng mga Pinoy, ano nga ba ang komedya sa hindi? Alam ba talaga natin ang pinagkaiba nito sa seryosong usapan? Totoo nga bang kulang tayong mga Pinoy ng pisi dahil hirap tayong tanggapin ang katotohanan sinabi man ito sa diretsahang paraan o pabirong istilo? Hangga’t hindi nagiging klaro o

konsistent ang sagot natin sa mga

ito, mananatiling totoo ang sipi na binanggit sa itaas.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

7

September 2014

KONTRIBUSYON

KA-DALOY OF Paano maiiwasan ang THE MONTH spam Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Mula sa Pahina 1

Lyca: Mula sa Pagiging Mangangalakal at Anak ng Mangingisda Tungo sa Pagiging Makinang na Bituin

B

agama’t maliit, malaki naman ang pangarap ng tubong Tanza, Cavite na si Lyca Gairanod, siyam na taong-gulang, ang kauna-unahang kampeon ng “The Voice Kids” 2014 – ang ating Ka-Daloy of the Month.

Napanalunan ni Lyca ang isang recording contract mula sa MCA Universal, ang P1 million cash prize, house and lot mula sa Camella Homes, at marami pang ibang mga papremyo. Bukod sa mga napanalunang materyal na papremyo, mas nabiyaan pa ang batang singer, sapagkat agad siyang pinasabak sa pag-arte. Kamakailan, napanood si Lyca sa isang episode ng “Maala-ala Mo Kaya” ng ABS-CBN, kung saan, mismong siya ang gumanap sa kanyang sariling istorya sa buhay. BAGO MAKAMIT ANG TAGUMPAY

Ngunit, bago pa nakamit ni Lyca ang tagumpay at kinagiliwan ng husto ng maraming mga tao dahil sa kanyang husay sa pagkanta at madamdaming pag-awit, namuhay muna siya bilang isang batang namumulot ng basura at anak ng isang mangingisda. Napanood sa episode ng MMK ang kanyang buhay noong siya’y nangangalakal pa lang ng basura sa Cavite, kasama ang kanyang ina.

Marami ang naantig sa kwento ng “Little Superstar.” Ipinakita sa kanyang istorya na, bagama’t mangingisda at mangangalakal ang kanyang mga magulang, nagawa pa rin nilang mapag-aral, kahit papaano, si Lyca, at higit sa lahat, mapalaki siyang mabait at mahusay na bata. Sa isang panayam, lubos ang pasasalamat ni Lyca sa mga taong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya: “Thank you po sa mensahe niyo po sa akin na hindi po ako magbabago. Para sa inyo po ito, at sa pamilya ko, lalong-lalo na po kay God.” LEKSYON MULA KAY LYCA

Marahil, isang malinaw na leksyong makukuha mula sa istorya ni Lyca ay: sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas, darating at darating din ang pagkakataong magliliwanag ang mga bituin. Dahil hindi bumitaw sa kanyang pangarap si Lyca, at patuloy na nagtiwala sa kanyang sarili, at sa tulong na rin ng mga taong lagi-laging nasa likod niya (ang kanyang pamilya), unti-unti ay nakuha niya ang liwanag ng tagumpay. Tunay ngang sa murang edad ay maraming naantig at napahanga si Lyca. Nawa ay magsilbing inspirasyon din siya, hindi lang sa mga gaya niyang kabataang nangangarap, kundi sa lahat ng taong minsang nadapa ngunit patuloy na lumalaban.

A

4. Gumawa ng “disposable” email address para malaman kung alin ang spam. Magkaroon ng isang main account subalit gumawa rin ng hiwalay na account na para sa social networking sites, entertainment sites or kung ano pa man. 5. ‘Wag na ‘wag magrereply sa isang spam email. Ang pagre-reply o pagki-click ng “unsubscribe” ay magpapadala lamang ng mas marami pang spam, dahil ito ang batayan na lehitimo ang isang email address. Mangyari lamang na i-report o burahin na lamang ang naturang spam email.

ng artikulong ito naman ay tatalakay sa mga pamamaraan kung papaano makaiwas sa mga spam.

1. ‘Wag na ‘wag ibigay ang email online. “Robots” ang tawag sa script na ginawa para likumin ang lahat ng email addresses na pwedeng makuha ng publiko. Subalit, may mga ilang tao rin na nangongolekta ng mga email address para padalhan ang mga email users ng mga sign-up offers. 2. Siguraduhing “unscannable” ang iyong email address. Kung ibibigay ang iyong personal na impormasyon, gawin ito sa malikhaing paraan tulad nito myemail [at] gmail [dot] com. Maraming paraan kung paano maibibigay ang email address para hindi ito mabasa ng spambots. 3. ‘Wag gawing magkapareho ang username at email address. Ang username ay karaniwang pampubliko at ang paghula kung anong service provider ang gamit mo ay madali lang malaman.

Pag-iwas sa kadalasang pagkakamali ng isang blogger

A

ng pagba-blog ay isang masaya at kakaibang karanasan kung ikaw ay mahilig magsulat, nais magbahagi ng sariling mga ideya, saloobin o perspektibo sa buhay, o gustong makita ng mundo kung paano mo tingnan ang mga bagay-bagay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga payo kung paano maiiwasan ang kadalasang mga pagkakamali ng isang blogger: 1.

Maging orihinal. Ang iyong blog ay dapat na sumasalamin sa’yo at ang kakaibang katangiang nasa sa’yo.

2. 3. 4.

‘Wag mangopya. ‘Wag isipin na ang hiram na mga pahayag ay hindi makikilala ng t o t o o n g m a y akda nito. Mas mainam na kilalanin na lamang kung saan mo kinuha ang pahayag. Unawain ang mga legal na isyu sa pagba-blog. Mahalagang malaman at maunawaan mo ang mga salitang copyright, trademarks, defamation at illegality. Manaliksik hinggil sa pagba-blog. Makakatulong din ang mga materyal na mababasa mo hinggil dito.

Ano ang LinkedIn at paano ito gamitin

A

ng LinkedIn ang pinakamalaking directory ng mga propesyunal at mga kumpanya sa kasalukuyan. Ginagamit ito para sa networking, sa paghahanap ng trabaho, sa pananaliksik hinggil sa isang kumpanya, o sa pagkonekta sa isang dating kasamahan o dating kaklase sa unibersidad. Madali at mabilis lang ang proseso sa paggamit nito. Heto ang mga pamamaraan: 1. Pumunta sa link na ito https://www.linkedin.com at mag sign-up gamit ang iyong email address. 2. Ayusin ang iyong profile. Iyan ang paraan para kumonekta sa mga tao sa iyong network. Ang profile mong iyan ay naglalaman ng iyong mga karanasan sa trabaho, mga kwalipikasyon at mga kasanayan o

3. 4. 5.

skills. Mainam na kumpletuhin mo ang lahat na hinihinging datos sa LinkedIn para mabigyang-pansin ang iyong profile. Ito na ang magsisilbing online resume mo. ‘Wag kalimutang lagyan ng litrato ang iyong account. Ang litratong ito ay dapat sumasalamin ng “propesyunal” na ikaw, hindi iyong masyadong casual ang dating. Gawing public ang iyong profile para makita ito ng publiko.


8

September 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

TOKYO BOY Mario Rico Florendo 090-1760-0599 (work) 03-5835-0618 (work) Email: marioflorendo@daloykayumanggi.com

g n o K g n o H a s Summer kasalukuyang Consul General ng Japan sa Hong Kong na si Ambassador Hitoshi Noda. Dito ako muling nakakain ng sushi kahit hindi ako mahilig sa hilaw na pagkain. Sino ba naman ang makakatanggi sa sushi na ginawa sa harap mo ng isang private chef? Syempre sinamantala ko na ang pagkakataon at kinain ang halos lahat ng klase ng pagkaing nakahain nokng gabing iyon. Ang buffet na dinner na iyon ay ilan lamang sa marami pang buffet dinner na dinaluhan at pinuntahan namin. Kaya naman pagbalik ko dito sa Japan ay bumigat ako ng ilang kilo. Women in Hong Kong

maaari ko pang makapiling ang mama ko ng libre! Marahil tama nga sila, masarap talaga ang libre! Japan in Hong Kong Pinalad akong natanggap sa programa bilang representante ng Tokyo University kasama ang 15 Hapon, dalawang Singaporean at dalawang taga-Mainland China. Nakasama rin namin sa programa ang 11 mag-aaral mula sa Hong Kong University. Hinati kami sa limang grupo at simple lang ang naging hamon sa amin ng dalawa naming propesor, makapag-isip ng paksa na aming sasaliksikin sa Hong Kong at mai-presenta ito sa harap ng manonood sa loob ng 15 minuto. Para matulungan kami sa aming pananaliksik, bahagi ng programa ang pagbisita sa mga industriya at planta ng iba’t ibang produkto na itinayo ng mga negosyanteng Hapon. Ilan sa mga binisita namin ay ang planta ng Yakult sa

Ang limitadong kaalamang ito ang naging lunsaran ko para mag-apply sa Hong Kong University-Tokyo University Joint Summer Program na pinapangunahan ng sensei ko noong nakaraang semestre. Lalo pa akong naging pursigido nang malaman ko na maaari kang makapunta at makapag-aral sa Hong Kong University ng dalawang linggo ng libre sa pamamagitan ng scholarship. Sa makatuwid, matututo na ako,

Hong Kong kung saan ang pamumuno ng planta ay pinaghahatian ng mga Hapon at mga lokal na taga-Hong Kong. Binigyan rin kami ng tour ng presidente ng C!ty’super, isang sosyal na supermarket tulad ng Kinokuniya, kung saan ibinahagi niya sa amin ang kuwento ng pagsisimula at kasalukuyang pamamayagpag ng kanilang negosyo sa Hong Kong. Inimbita rin ang grupo namin ng

(Si Tokyo Boy habang ibinabahagi ang pasasalamat ng grupo sa lahat ng tumulong sa kanilang pananaliksik. Copyright ng litrato ay hawak ng School of Modern Languages and Cultures, HKU)

Pagtatapos Ang mga nakolekta naming impormasyon mula sa aming mga impormante ang siyang ibinahagi namin sa huling araw ng summer program. Kasabay nito, bilang representante ng aming grupo ay pinasalamatan ko rin ang mga taong tumulong at humubog sa aming pananaw hinggil sa mga propesyunal na babae saanman sila nagtatrabaho. Kabilang dito ay ang aming dalawang sensei (isa sa Japan at isa sa Hong Kong), lalo na ang mga kaklase namin na siyang nagpasaya sa programa. (Hawak ni Tokyo Boy at kasamahan niya sa grupo ang kanilang sertipiko ng partisipasyon sa programa. Copyright ng litrato ay hawak ng School of Modern Languages and Cultures, HKU)

(Ang grupo ng mga estudyante mula sa Hong Kong University at Tokyo University kasama ang presidente ng Hong Kong University at presidente ng Shun Hing Corporation na siyang main distributor ng Panasonic products sa Hong Kong. Kuha ang litrato mula sa opisyal na HKU100 FB page)

First Time Hindi ko na mabilang kung pangilang punta ko na sa Hong Kong. Madalas akong bumisita sa siyudad dahil dito nagtatrabaho ang mama ko bilang domestic helper. Sa mga panahong hindi siya makauwi, ako ang pinapapunta niya doon tuwing bakasyon para tumira sa bahay ng amo niya. Naaalala ko pa noon ang pagkamangha ko sa double-deck buses na normal na uri ng transportasyon, sa tram na dumadaan sa gitna ng lansangan, at sa mga matatayog na gusali at makukulay na ilaw na normal na sa lansangan ng Hong Kong. Gayunpaman, nakakalungkot mang aminin, limitado ang naging kaalaman ko sa Hong Kong maliban sa Mong Kok, Ocean Park at Disneyland na pawang mga lugar pasyalan at sa Central na lugar kung saan nagtitipon ang maraming Pinoy tuwing linggo.

concentrate sa kanilang trabaho at makaakyat sa corporate ladder ng kanilang kumpanya.

Sa pagbisita namin sa maraming kumpanya at pakikipanayam sa mga Hapon na pinadala ng kanilang mga kumpanya at naka-base na ngayon sa Hong Kong, kapansin-pansin ang pamamayagpag ng mga kababaihan Hapon sa iba’t ibang larangan. Dahil dito, naging curious ang aming grupo sa kung ano ang kondisyon ng pagtatrabaho sa Hong Kong at kahit hindi marami ay mayroong mga babae sa mga matataas na posisyon sa mga kumpanya dito. Para malaman ang mga sagot sa aming tanong, nakipag-set-up kami ng miting sa apat na babaeng Hapon na nakilala namin sa Hong Kong para sila ay makapanayam namin. Isa sa mga nakapanayam namin ay nagtatrabaho sa kumpanya ng sasakyan bilang senior manager. Sa kanyang palagay, malaki ang epekto ng kawalan ng overtime na oras sa kanilang kumpanya. Aniya, dahil dito ay nae-enjoy niya ang kanyang oras pagkatapos ng trabaho tuwing weekdays pati na ang kanyang weekends kung saan maaari siyang makapamasyal sa loob at labas ng Hong Kong. Ang isa namang nakausap namin ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang akademikong institusyon bilang researcher at parttime instructor. Sa kanya namang obserbasyon at karanasan, malaki ang tulong ng mga domestic helpers kung kaya’t nakakapagtrabaho ang mga babae sa Hong Kong, kasama na ang mga Hapong babae dito. Ang murang labor na ito sa katauhan ng mga DH mula sa Pilipinas, Indonesia at iba pang bansa ang nagiging nagbibigay daan para sa mga babaeng ito na makapag-

Ilan sa mga hindi ko malilimutang karanasan ay ang pagpunta namin sa Macau para pansamantalang mag-unwind pagkatapos ng sunodsunod na lecture at fieldtrip. Sa Macau ay sinubukan naming mag-skywalk sa Macau Tower (world record holder ng pinakamataas na skywalk sa buong mundo); kumain sa pinakamatandang restawran (kung saan nakilala ko ang isang Pinoy na staff doon na nagbigay sa amin ng diskwento); at siyempre mamangha sa glamorosong casino at tumaya sa slot machine at iba pang laro. Ito ay bukod pa sa walang humpay na kulitan at tawanan sa loob ng bus habang nagbibyahe papunta sa susunod na destinasyon o ang magdamagang diskusyon para makapag-isip lamang ng magandang paksa para sa pinal na presentasyon. Sa pagtatapos ng dalawang linggo, pakiramdam ko hindi na lamang ako naging simpleng turista katulad noon na bumibisita sa Hong Kong tuwing bakasyon o summer sa eskwela. Maging ang mga produktong Hapon na nakikita ko noon dati sa Hong Kong ay hindi na lamang mga pasalubong para sa akin. Gayundin ang mga babaeng nagtatrabaho, domestic helper man o propesyunal, para itaguyod ang kanilang pamilya ay hindi ko basta-basta maituturing lamang na mga simpleng manggagawa. Dahil ngayong summer sa Hong Kong, na-enjoy ko ang aking pagbisita kahit hindi ko nakita si Mickey Mouse sa Disneyland o nakasakay ng roller coaster sa Ocean Park o nakapag-shopping sa Mongkok.


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

9

September 2014

KONTRIBUSYON

Japan-philippines ngo network (jpn) Working for a Brighter Future

WHAT IS JPN? WHAT IS PJP? JPN was established in 2006 to promote mutual understanding and to establish strong cooperative relationships between Japanese NGOs and the Filipino people, and to construct a more creative relationship between both countries’ civil societies through the promotion of strong cooperative relationships between Japanese and Philippine NGOs. As of July 2014, there are 20 Japanese organizations whose activities involve poverty alleviation, environment conservation, and protection of human rights. PJP, on the other hand is JPN’s counterpart in the Philippines and is composed of 11 Philippines NGOs. Some of the members are network NGOs such as Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), while others are NGOs working in relation to Japan such as Development Action for Women Network (DAWN). JPN, together with PJP, has organized the Japan Philippines NGO Symposium for three times, conducted researches and studies on various topics such as Japanese NGOs, and did advocacy work to the Japanese Government about its assistance program to the Philippines. JPN also worked with PJP in past disasters such as Ondoy in 2009 and Sendong in 2011. Wherever a disaster occurs, JPN cooperates with PJP, whose network covers the whole of the Philippines.

caused severe damage. Partnering with a local NGO already familiar with the area and the needs of the people is also the fastest way to provide emergency assistance. When the disaster occurred, groups and organizations in Eastern Samar were not functioning because they themselves were affected. WESADEF, situated in Calbayog, were urged to help people in Eastern Samar, but it took hours to reach the severely affected areas from Western Samar. JPN started a fund raising campaign in Japan immediately after the disaster. Not only the member organizations of JPN, but also individuals and groups throughout Japan sent donations. Some organized charity live concerts, while others solicited donations on the street. JPN even received donation from Tohoku region, The place hit by a tsunami in 2011 that killed thousands of people. A JPN staff, Megumi Nishijima, was sent to Eastern Samar, where she witnessed the severe damage caused by the typhoon: there was nothing left except for collapsed houses and fallen coconut trees. She recalls the heartbreaking scene, “It was raining and eerie. Hundreds of bold coconut trees, heap of debris on the street, tarpaulins and sheets on the roofs. People looked tired.” However, she also witnessed some families who had already started building houses from debris.

families in Barangay Sta. Margarita. The area is a coastal barangay, 10kms away from the national road where the major means of livelihood is fishing. After Barangay Sta. Margarita, the team proceeded to Barangay Mabini to distribute relief goods to 52 families living in the area, an upland farming community. After the distribution, the team facilitated different games for the kids, and provided food to the community. On December 29, WESADEF conducted relief operations in some barangays in the Municipalities of Lawaan and Sulat in Eastern Samar, again using donations from JPN. In the coastal area of Sulat, houses were all washed out by the typhoon. WESADEF also provided shelter materials to seven (7) families in Guiuan who were living in one temporary house together after the typhoon. The assistance was provided based on the needs assessment and claims of the people.

term assistance is necessary for the people to fully recover from the damage. Therefore, although many organizations have started terminating their support, JPN shall continue to provide support for the full recovery of the areas affected. One of the ongoing rehabilitation projects JPN is supporting is the distribution of carabaos (water buffalos) to the farmers to help them cultivate their land. The farmers had received seeds and seedlings through the assistance programs of other NGOs, but they need to plow their land. Therefore, in response to the needs of the people, JPN supported the purchase and distribution of carabaos. WESADEF organized the farmers, so carabaos shall be equally shared. Farmers were happy to receive carabaos. While assistance is continually provided to severely affected areas like Tacloban and Guiuan, inner and upland Samar continue to be left out from disaster assistance. Infrastructure such as houses, schools, and hospitals are needed, but at the same time, recovering livelihood especially in remote areas should not be forgotten. We shall continue to work with the people in need.

JAPAN-PHILIPPINES FRIENDSHIP RUN & WALK ON SEPTEMBER 23

ONGOING REHABILITATION PROJECT

10 months have passed and the people still have a long way to go to restore their lives before the typhoon came. JPN believes that long-

We would like to invite everyone to the Japan-Philippines Friendship Run & Walk, a charity run and walk event on September 23, 2014 (national holiday, Tuesday) at the Tokyo Imperial Palace grounds. Part of the proceeds from this event will be used to support the ongoing rehabilitation projects for the benefit of Typhoon Yolanda survivors in Samar. We are encouraging Japanese, Filipinos and everyone in Japan to participate. Please see our website for more details: http://jphilnet.org/en/

Enjoy jogging and walking for a cause!

JAPAN-PHILIPPINES FRIENDSHIP RUN AND WALK Sept 23, 2014, Tue 12:30 ~ Tokyo Imperial Palace

JPN’S SUPPORT TO YOLANDA SURVIVORS IN EASTERN SAMAR

In response to Super typhoon "Yolanda", (International name Haiyan) which caused severe destruction in Central Philippines in November last year, JPN immediately coordinated with PJP members to take a grasp of the situation. We learned that PhilDHRRA (Philippine Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas) is working with an NGO in Western Samar, the Western Samar Development Foundation (WESADEF) in providing relief goods to the typhoon victims in their area. JPN decided to cooperate with WESADEF through PhilDHRRA since Eastern Samar, being one of the poorest provinces in the country, is where the typhoon first made landfall and

RELIEF OPERATIONS

According to reports of needs assessment done by PhilDHRRA and WESADEF, through consultation with the key community leaders, visits to the municipal hall and gathering data, it was found out that municipality of Quinapondan was left out from the ongoing relief operations, probably due to the low death toll in Guinapondan. Many relief operations then were done based on the number of casualties. The barangay captains in Quinapondan asked for assistance, and WESADEF staff validated the needs from the Municipal Disaster Risk and Reduction and Management officer, and finally determined which areas they were to assist. On December 18, 2013, WESADEF’s relief operations team distributed food and non-food items such as kitchen utensils and blankets, purchased with donations from JPN, to 169

VOL UN WAN TEERS TED ! FEE*:

PARTICIPATION Adult \3000 Student \2000 Child \1000

* Part of the proceeds will be used to support rehabilitation projects in Yolanda-affected areas in Samar Province.

REGISTRATION via SPORTS ENTRY website is until August 30 only! On-site registration is OK! For details/inquiries, visit

http://jphilnet.org/en Organized by:

Media Partner:


10

September 2014

KONTRIBUSYON

KAPALARAN NGAYONG 2014 NI: EMOSIANS

(Editor's Note: Due to public demand, binabalik namin at muling nilalathala ang artikolong ito na naunang inilabas noon Enero 2014)

Year of the Rat Ang pinanganak sa taon ng DAGA ay charming at agresibo. Sila ang mga taong expressive at minsan sobra ang pagiging talkative. Mahilig silang lumabas para mag-party at ang ilan naman sa kanila kuntento na lang sa mahabang oras na pakikipag-usap or bonding. Pero sobrang bihira sa pinanganak na sign na ito ang tahimik. Kaya sa taong 2014 ay maraming pagsabok sa iyong pagkatao lalo na sa pakikisama pero dahil ikaw ay experyensyado na sa mga ganitong pagsubok makakayanan mo rin ito. Sa mga naghahanap ng bagong trabaho ito ang pinaka-swerteng taon na makakakita ka ng “dream job” mo pero sa bagong trabaho na ito magkakaroon ka ng bagong pakikisama na mahihirapan ka kasi nasanay ka na kahit bago mong kakilala ay nakakagaanan mo ng loob. Kaya sa 2014 wag na kang mawalan ng kumpiyansa at maniwala sa inyong kakayahan. Sa usaping pangkalusugan naman, kailangang pagtuunan ng pansin ang sariling katawan pag may iniinda ka ng sakit dapat wag balewalain at agarang magpatingin. At dahil maraming trabaho na darating sa taong 2014 wag masyadong abusuhin ang katawan sa trabaho at bigyan ang oras ang sariling magpahinga. Sa taong 2014, ang usapang pinansyal ay makakaroon na rin ng panimulang ipon, siguraduhin mo lang na ‘di mo na ito magagastos pa para sa darating na mga taon. Sa taong ito umiwas muna sa paglabas labas, sobrang pamimili at iba pang bagay na di naman importante. Ang sobrang pakikisama ay iwasan. Mag-ingat na isang matagal ng kakilala na maaring umutang sayo at di bayaran. Year of the Ox Ang mga pinanganak sa taon ng mga BAKA ay kinakonsiderang hard-working at pursigido sa trabaho sila ang mga taong tumatagal sa kumpanya at di matawaran ang loyalidad. Sa taong 2014, dito ka makakaranas ng tinatawag na work politics kaya mag-ingat sa opinyon na maaaring ikasangkot mo sa isang away. Mag-ingat sa mga taong double face ang pag-uugali dahil pwede ka nitong baliktarin. Mag-isip munang mabuti sa mga desisyon at wag ibase sa emosyon. Sa usapang lovelife, magkakaroon kayo ng “trust issues” ng iyong partner at dahil very vocal ang mga pinanganak sa taon ng BAKA kinakailangan mong magpakumbaba at iwasang makapagbitiw ng masasakit na salita sa iyong partner. Para naman sa mga single, ito din ang swerteng taon para sa love life di gaanong seryoso pero magiging parte ng pagbabago sa iyong pagkatao at pananaw sa buhay. Mas may improvement rin ang usapan pinansyal sa taong 2014 pero umiwas sa sobrang kagarbuhan dahil ito lagi ang nagiging rason ng pagkawala ng pera. Huwag hayaang magpatalo sa stress sa taong ito isipin na lamang na wala ito sa mga napagdaanan mo. Year of the Tiger Pinanganak na mga liders ang mga taong pinanganak sa taong TIGRE. Sa taong 2014 ay napakaswerte sa iyo pero kinakailangan mong tanggapin yun mga pagbabago at buksan ang pag-iisip mo sa mga suggestion ng ilan. May ugali ka kasing ayaw mo sumunod at gusto mo ikaw lagi ang manguna dapat sa taong ito matutunan mo naman ang maging tagasunod at kapag natutunan mo yan maibabalanse mo na ang mga bagay bagay at diyan magsisimula ang swerte mo. Sa 2014, financially secure ka rin. Sa taong ito makakaranas ka ng recognition at promosyon. Nakikitaan ko rin ang magandang tagumpay sa taong ito at dahil dito panatilihin ang pagiging mapagkumbaba dahil minsan nagiging dahilan ito ng pagkalaki ng ulo at pagkairita ng ilan mong kasama. Sa mag-asawang tapat ay susuwertehin pero kapag ikaw ay may sikreto lalabas at maaaring sumira sa relasyon at tiwala sa taong ito. Usapang pangkalusugan naman, minor na sakit la-

mang tulad ng lagnat, sipon at iba pa na di naman nakakabahala. Sa taong ito ang pinakaswerte ay maglakbay sa malalayong lugar upang magtrabaho o di kaya naman magbakasyon.

Year of the Rabbit Sa taong 2013 ay di gaanong naging kaayaaya sayo dahil sa mga stressful na sitwasyon na naranasan mo at asahan mo naman ang taong 2014 ay simula ng iyong pagbangon o simula ng magandang buhay para sa iyo. Sa mga zodiac sign ang KUNEHO ay ang pinakaentertainer sa lahat, madalas sila ay kapansin-pansin at ugali na rin nila humingi ng atensyon at dahil dito mag-ingat sa kilos na maaaring ikasama o di kaya magkaroon ng maaaring maling interpretasyon sa iyo. Maraming trabaho para sa iyo sa taong ito kaya mawawalan ka ng oras sa iyong mahal sa buhay kaya siguraduhin mong maging balanse ka sa bagay na ito. Sa taon ding ito makikitaan mo ang mga kaaway na nagbabalat kayong kaibigan, mag-ingat magbahagi ng iyong sikreto. Sa 2014 ay marami ka ring nakikitaan ng magagandang karanasan sa paglalakbay. Sa lovelife naman, ay makikitaan ng kaunting pagkabagot sa iyo at iyong partner kaya gawing masaya ang relasyon sa pamamagitan ng bagong activities na di niyo pa pareho nagagawa. Sa mga singles naman, medyo di swerte kasi hindi pa darating yun “the one.” Sa usapang kalusugan maging maingat at mapanuri sa pagkain

Year of the Dragon Ang mga pinanganak sa year of the DRAGON ay kinokonsiderang dugong bughaw sila sa lahat ng sign at pinapangarap na maging anak ng mga Instik dahil may swerte daw silang hatid. Sa taong ito ay normal naman at walang gaanong pagbabago. Pero may darating na di halatang oportunidad na dapat pag-isipan mabuti hangga’t maari maging mapanuri at ibase sa iyong intuition kung ano dapat ang gawin para di ito pagsisihan. Ang tamang pagdedesisyon ang magiging dahilan sa magandang buhay na hinahangad mo. Magkakaroon ka rin ng mga problema sa kasamahan sa trabaho/kapitbahay/kaibigan na kokontra sa iyong mga opinyon na maaaring maging worst enemy mo. Sa 2014 medyo magiging tagilid ka sa pinansyal at kapag ang gawain mo ay sangkot sa illegal na gawain, di magiging maayon ang taong ito sa’yo. Maging maingat sa mga offer na sobrang mura o di kaya sa negosyong nanganganako ng pagyaman dahil sa taong ito malapitin ka sa mga manloloko kaya maging maingat. Sa lovelife naman walang pagbabago isang normal na taon ito sa inyong mag-asawa. Sa usaping kalusugan ay di naman magiging problema sa taong it Year of the Snake Ito ang taong ng pagbabalat ng ahas kaya magkakaroon ka ng magandang pagbabago. Sa mga nagtatatrabaho naman dito mo madidiskubre ang panibagong talent at mas malalaman mo na ang direksyon na gusto mong patunguhan at higit sa lahat mas makilala mo na ang iyong sarili. Ugaliin lamang magpokus at iwasan ang ugali mong ningas kugon kinakailangan pag nasimulan ang isang bagay ay tapusin ito. Ang taong ay napakaswerte mo sa usaping pinansyal kaya ilagay sa ayos ang ipon pero take note may mga pinanganak sa taong ahas ang di susuwertehin sa pera sa kadahilanang may malaki silang pagkakagastusan sa taong ito. Sa mga ahas ito ay magandang taon sa relasyon para magbonding at sa mga singles naman goodbye na sa status na ito. Sa usaping pangkalusugan, magiging masayahin ka kaya wala kang magiging problema. Magandang taon ito para pumasok sa mga activities tulad ng gym, dance school, etc. Year of the Horse Sa mga pinanganak sa taon ng KABAYO napaka-importante sa kanila ang salitang freedom at independence dahil sa taong ito ay medyo magiging mabagal at pangkaraniwan sa’yo ang pang-araw-araw pero mas magiging masaya kapag natanggap mo at natutunan mo ang salitang responsibilidad. Sa 2014 magkakaroon ka rin ng biglang kayamanan kaya maging maingat sa paligid na maaaring ikapahamak mo o di kaya ng malapit sa’yo o di

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

kaya umiwas ka na sa sugal kundi dadaan lang sa palad ang magandang swerteng ito. Sa usapin ng lovelife mas makikilala mo ang partner mo kaya may makikitang pagbabago sa kanya at mabuting mag-adjust at tanggapin ito. Sa usaping pangkalusugan, perfectly fit ka pero mabuting pagtuunan ng pansin ang baga kung nakakaramdam ka ng hirap sa paghinga dapat itigil ang bisyo o maling diet.

Year of the Sheep Sa lahat ng mga sign ang taong pinanganak sa KAMBING ay pinakainsecure ibig sabihin gusto nila makaramdam ng pagmamahal at proteksyon sa taong nakapaligid sa kanila kundi sila ay nagiging maiwasin sa taong ito. Ituturo sa’yo na ang salitang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili, pag nagawa mo itong matutunan mas magiging masaya ka sa buong taon ng 2014. At dahil emosyonal din ang mga kambing minsan nababalewala niya ang talino kapag emosyon ang pinairal kinakailangan maging matigas ang dibdib mo sa mga desisyon at wag umayon lamang parati sa sinasabi ng iba. Sa mga may partner na kambing wag ka maging demanding this year kundi magiging dahilan ito ang laging pag-aaway ng kapareha, sa mga singles makakaroon ka ng mga karelasyon pero di nangangako ng seryosong pagmamahal kaya siguraduhin wag ibigay lahat at ibuhos ang pagmamahal. Sa taong ito may magiging smooth ang pasok ng pera wag ipasok sa maling gawain o negosyong walang kasiguraduhan. Sa pangkalusugan magkakaroon ng kaunting problema sa balat kaya maging maingat sa mga pinapahid o iniinom.

Year of the Monkey Sa pinanganak sa taon ng UNGGOY, sa taong ito ay nahahati sa dalawa: 6 na buwan ng kamalasan at 6 na buwan na swerte kaya maging maingat sa mga maling desisyon lalo sa biglang pag-alis sa trabaho, paglipat ng bahay at iba pang kinakailangan ng malakihang desisyon. Napakaimportante sa taong itong ang commitment sa trabaho wag mong hayaang kontrolin ka ng galit dahil yan ang makikitang kahinaan sa’yo ng kaaway. Sa taong itong magiging swerte ka sa usapin ng pera pero wag pairalin ang ugaling makasarili kasi gulong ang buhay maaari nasa itaas ka ngayon at pano ang pagbaba mo sino ang tutulong sa’yo kaya isiping mabuti ang tamang pagmamahal sa kapwa kaya hangga’t maari wag kang gumawa ng bagay na panglalamang sa kapwa. Sa usapin ng lovelife, medyo lie low ka muna dito pagtuunan mo ng pansin ang mas importanteng mga bagay tulad ng kinabukasan at wag masyadong bigyan ng luho ang kapareha. Sa mga singles naman walang garantisadong maayos na karelasyon kaya i-enjoy na lang ang karanasan at wag masyadong seryosohin. Sa usaping pangkalusugan, wag masyado maging emosyonal baka magkaroon ka ng sakit sa puso or nervous breakdown panatilihing malakas ang loob ito ang magandang oras para sa touch therapy tulad ng pagyakap sa mahal sa buhay dahil ito ay magbibigay sa iyo ng lakas ng loob para harapin ang mga hamon sa buhay.

Year of the Rooster Ito ang taon ng pagbabago sa’yo at kinakailangan mong tanggapin iyon at dahil maluho ka sa magagandang damit at pamumuhay, ang taong ito para sa ROOSTER ay panahon para matutunan mong makiayon at maging ordinaryo. Ang pinanganak sa taong ito ay kilala sa kanilang talino kaya hangga’t maaari hayaan mo ang kapwa mo makapansin nito pagnatutunan mo sa 2014 ang salitang karungunan mapapasayo ang hinahangad mo na buhay minsan kailangan mangyari sa’yo ang mga paghihirap na naranasan mo para matutunan mo ang mas malalalim na ibig sabihin ng talino. Ito rin ang tamang panahon para gamitin ito kaya sa usapin ng pera dapat this time natuto ka na isipin mo ang kinabukasan hindi ang temporary na kasiyahan dulot sa’yo ng panglabas na katayuan sa buhay. At dahil natural sa tadyang ang pagiging mabuti sa pamilya ito ang panahon na isipin muna ang sariling pangangailangan at siguraduhin ang iyong kinabukasan. Sa mga may kapareha, makikitaan ko ng madalas na pagtatalo sa isa’t isa kaya mabuting sarilinin na lamang ang hinanakit at wag magdamay ng iba para di na lumaki pa ang isyu. Sa mga singles malungkot ang lovelife pero ito ang time i-enjoy ang mga importanteng tao sa paligid. Sa kalusugan ang madalas na pag-ubo ay kinakailangan ng ipasuri.


11

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

KONTRIBUSYON

Year of the Dog sa kanilang kapwa. Kung sa taong 2013 ikaw ay sinuswerte ibig sabihin hangang 2014 magpapatuloy ang iyong swerte ito ay isang handog sa asong walang hanggang ang kabaitan isang reward at isa naman sumpa sa lahat ng nakaaway at umabuso sa mga aso. Kung naging good karmatic year sa’yo ang 2013 mas magiging mas maganda ang pagbabago sa buhay ng 2014 wag lamang magbabago at panatilihin ang pagiging mabuti sa kapwa. Sa 2014 nakikitaan ko lang ang madalas na paglabas-labas at pag-attend sa mga okasyon kaya kinakailangang isiping mabuti di lahat ng bagay ay mananatiling pareho kaya isipin rin ang kinabukasan. May ugali ang aso na binibili nito ang pagmamahal sa materyal na bagay kaya baguhin ang iyong istratehiya at hayaan mo tanggapin ka at mahalin ka kung ano at sino ka pa man. Sa 2014 di mo pa rin maiiwasan ang mga inggit na nakapaligid kaya maging mapanuri ka sa taong pakikisamahan mo baka gamitin ka lamang. Sa 2014 dodoble ang iyong timbang dahil kung busog ang pera sobrang kabusugan din ang tiyan kaya isipin mabuti ang diet. Ilagay sa tama ang pagkain

Year of the Pig Kung di nakiayon sa’yo ang 2014 kung saan marami kang naging nakaalitan o madami kang naging pagsubok, sa taong ito ka babangon at may makikilala kang tutulungan kang bumangon. Nakikitaan ko rin magkakaroon ka ng mga tapat na kaibigan bagama’t bago mong kakilala sigurado soulmate mo di ibig sabihin magiging kasintahan mo pero isa o marami tao na andyan at dadamay sa’yo at nasayo ang suporta. Sa usaping pinansyal naman, ang BABOY ang pinakaswerte pero ang madalas na nagiging problema nila ay di nila alam kung paano i-activate ang wealth luck nila. Simple lamang ito kung magimbak at mag-iipon sa maliit na bagay, makikita mo ang swerte at kusang darating pag may laman ang iyong ipon at siguraduhing laging may kaban ng bigas ang bahay. Sa mag-asawa swerte ngayong taon marami kayong magagandang alaala na maaari ninyong balikan at ito ang tamang panahong puntahan ang mga lugar na may espesyal na pangyayari sa inyong buhay dahil makakakuha kayo ng kakaibang enerhiya mula doon. Sa mga single naman magiging malakas ang appeal mo kaya siguraduhing tapat ka sa magiging partner or else magkakaroon ka ng sanga-sangang problema. Sa mga pinanganak sa taon ng baboy lalo na ang laging umiinom ng alak ngayon ang taon na dapat iwasan ito dahil bago magtapos ang 2014 nakikitaan ko ng mga kumplikasyon sa bandang sikmura o tiyan.

Zodiac Signs at Taon Year of the Rat 02/18/1912 - 02/05/1913 02/05/1924 - 01/23/1925 01/24/1936 - 02/10/1937 02/10/1948 - 01/28/1949 01/28/1960 - 02/14/1961 02/15/1972 - 02/02/1973 02/02/1984 - 02/19/1985 02/19/1996 - 02/06/1997 02/06/2008 - 01/25/2009

Year of the Horse 02/11/1918-01/31/1919 01/30/1930-02/16/1931 02/15/1942-02/04/1943 02/03/1954-01/23/1955 01/21/1966-02/08/1967 02/07/1978-01/27/1979 01/27/1990-02/14/1991 02/12/2002-01/31/2003

Year of the Ox

Year of the Tiger

Year of the Rabbit

Year of the Dragon

Year of the Snake

02/06/1913-01/25/1914 01/24/1925-02/12/1926 02/11/1937-01/30/1938 01/29/1949-02/16/1950 02/15/1961-02/04/1962 02/03/1973-01/22/1974 02/20/1985-02/08/1986 02/07/1997-01/27/1998 01/26/2009-02/13/2010 02/11/2021-01/31/2022

01/26/1914-02/13/1915 02/13/1926-02/01/1927 01/31/1938-02/18/1939 02/17/1950-02/05/1951 02/05/1962-01/24/1963 01/23/1974-02/10/1975 02/09/1986-01/28/1987 01/28/1998-02/15/1999 02/14/2010-02/02/2011

02/14/1915-02/02/1916 02/02/1927-01/22/1928 02/19/1939-02/08/1940 02/06/1951-01/26/1952 01/25/1963-02/12/1964 02/11/1975-01/30/1976 01/29/1987-02/16/1988 02/16/1999-02/04/2000 02/03/2011-01/22/2012

02/03/1916-01/22/1917 01/23/1928-02/09/1929 02/09/1940-01/26/1941 01/27/1952-02/13/1953 02/13/1964-02/01/1965 01/31/1976-02/17/1977 02/17/1988-02/05/1989 02/05/2000-01/23/2001 01/23/2012-02/09/2013

01/23/1917-02/10/1918 02/10/1929-01/29/1930 01/27/1941-02/14/1942 02/14/1953-02/02/1954 02/02/1965-01/20/1966 02/18/1977-02/06/1978 02/06/1989-01/26/1990 01/24/2001-02/11/2002 02/10/2013-01/30/2014

Year of the Sheep

Year of the Monkey

Year of the Rooster

Year of the Dog

Year of the Pig

02/01/1919-02/19/1920 02/17/1931-02/05/1932 02/05/1943-01/24/1944 01/24/1955-02/11/1956 02/09/1967-01/29/1968 01/28/1979-02/15/1980 02/15/1991-02/03/1992 02/01/2003-01/21/2004

02/20/1920-02/07/1921 02/06/1932-01/25/1933 01/25/1944-02/12/1945 02/12/1956-01/30/1957 01/30/1968-02/16/1969 02/16/1980-02/04/1981 02/04/1992-01/22/1993 01/22/2004-02/08/2005

02/08/1921-01/27/1922 01/26/1933-02/13/1934 02/13/1945-02/01/1946 01/31/1957-02/17/1958 02/17/1969-02/05/1970 02/05/1981-01/24/1982 01/23/1993-02/09/1994 02/09/2005-01/28/2006

01/28/1922-02/15/1923 02/14/1934-02/03/1935 02/02/1946-01/21/1947 02/18/1958-02/07/1959 02/06/1970-01/26/1971 01/25/1982-02/12/1983 02/10/1994-01/30/1995 01/29/2006-02/17/2007

02/16/1923-02/04/1924 02/04/1935-01/23/1936 01/22/1947-02/09/1948 02/08/1959-01/27/1960 01/27/1971-02/24/1972 02/13/1983-02/01/1984 01/31/1995-02/18/1996 02/18/2007-02/06/2008

'Pinoy Talks 3': Pilipinas, Pera, o Pag-iisip?

P

ilipinas, pera, o pag-iisip? Mahirap pumili, dahil lahat sila ay mahalaga. Kaya naman sa ikatlong ‘ P i n o y Ta l k s ’, t i n a l a k a y a n g t a t l o n g mahahalagang paksang ito. Ang ‘Pinoy Talks’, ay isa sa mga event na inoorganisa dalawang beses kada isang taon ng samahan ng mga estudyante ng Pilipinas sa bansang Hapon o ang Association of Filipino Students in Japan (AFSJ). Layunin nito na pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa buhay ng mga Pilipino sa bansang Hapon, lalo na ng mga estudyante. Sa pagkakataong ito, nakipag-ugnayan ang AFSJ sa Embahada ng Pilipinas sa Japan upang talakayin ang tatlong napapanahong isyu noong Agosto 16, 2014 sa Philippine Embassy. Tokyo sa taong 2014 ay pinagdiriwang natin ang ika-150 na kaarawan ni Apolinario Mabini, ang utak ng Himagsikang Pilipino na siya ring may akda ng ‘Decalogue’ o sampung kautusan na naging saligan ng Konstitusyon ng Pilipinas. Ang ‘Decalogue’ ni Mabini ay tinalakay ni Ginoong

Josel Palma na nagtapos ng B.S. Political & Social Science at M.Ed. in Educational Management sa Pilipinas. Dahil namamayagpag ang ekonomiya ng Pilipinas, napapanahon din na pag-usapan kung paano pamahalaan at palaguin ang sari-sariling kita sa Japan. Ang pundasyon ng ‘financial wealth’ at mga prinsipyo ng pag-iipon at pagpapalago ng pera ay ibinahagi ni Engr. Eman Guiruela, isang Software Engineer sa Tokyo na isa ring ‘financial literacy advocate’ at ‘stock investor.’ At syempre, dahil sa sunod-sunod na pagkamatay dahil sa suicide ng ilang mga personalidad tulad ng actor na si Robin Williams at mananaliksik na si Yoshiki Sasai, napapanahon din na pag-usapan ang tungkol sa ‘mental health’ o kalusugan ng pag-iisip. Ilang tips at mga pagliliwanag ang ibinigay ni Bb. Tiffany May Gobangco, isang psychologist, tungkol sa ‘depression’ at kung paano ito maiiwasan o malalabanan. Mahigit 50 katao mula sa Filipino community, AFSJ, Philippine Embassy, at ilang mga Hapon ang dumalo sa

nasabing pagtitipon. Nagpapasalamat ang AFSJ sa Philippine Embassy, sa lahat ng dumalo, nakibahagi sa diskusyon, at tumulong, lalong-lalo na sa mga ‘Tita’ at ‘Ninang’ na nagbigay ng masasarap na pagkain, inumin, at Filipino-style chicken inasal. Bitbit ang obento ng chicken inasal mula sa EM Bacolod, pumunta ang karamihan sa mga dumalo sa Jingu Hanabi upang makinood at makisaya sa isa sa mga malalaking ‘hanabi’ o ‘fireworks event’ sa Tokyo. Masaya at makabuluhan, hindi ba? Gusto mo bang sumali o makibalita sa mga pagtitipon ng AFSJ? I-like ang kanilang Facebook page sa: https://www.facebook.com/afsjpage o i-bookmark ang kanilang webpage: http://www.afsj.jp/ ( Kontribusyon ni Cherry Mae Mateo)


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

September 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

September 2014

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pagsulat sa

Wikang Tagalog Slice of Mango, Slice of Life

A

Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

couple of times I have attempted to write my column in Tagalog. Not that my English is excellent but its unfortunate that my writing skill in English is far better than that of my Tagalog. Nung ako ay sabihan ni Kuya Erwin, mahigit dalawang taon na ang nakalipas na sumulat para sa Daloy Kayumanggi, pinilit kong sumulat gamit ang ating wika. Mahabang oras ang aking ginugugol sa online dictionary finding the right Tagalog term or translation of a certain English word. Sa dahilang ako ay Pinoy na Pinoy, sa kulay, sa ugali at lahat ng aspekto akala ko ay napakadaling magsulat gamit ang ating sarling wika. Araw araw naman akong nagsasalita ng Tagalog, so I thought well, I can just put that into writing right? ..... Wrong! When I tried doing that, my article looks like it was written by a second grade elementary student. Hangang-hanga ako sa mga manunulat ng Daloy Kayumanggi at maging sa mga Tagalog blogs na aking mga nababasa.

Since my writing in Daloy Kayumanggi focuses on travel most of the time, somehow I felt like it is justified that I write mostly in English. Well, I couldn't even find a handful of Filipino travel writers or even bloggers using our vernacular. Coming from a lower middle class background, maswerte ako na pinilit ng aking mga magulang na ako ay pag-aralin sa isang pribadong paaralan sa Maynila kahit na medyo nagigipit sila kung minsan. However, looking back at the instructional system in our school, all subjects were taught in English except for well, Filipino. The recent economic success the country is now experiencing, can be attributed in some part by the growth of call centers and

our English capability that investors find favorable. Sa ngayon lalo pang pinagsisikapan ng academe at pati na rin ng gobyerno na pagyamanin ang ating English proficiency. Back when I was in school, I remembered that I will simply rush doing my Filipino formal theme writing, and will devote more time coming up with a well thought, grammatically, and beautifully written pieces for my English formal theme requirement. Not that I like English more, but no teacher will give you a failing grade in Tagalog and they are very considerate as opposed to the strict English teacher. May halo pang pangungutya minsan kung Filipino subject lang ang mataas mong grado. Back in college, English 101 and English 102 were required courses , which both courses geared to enhance and develop our creative, formal and research writing skills.Plus there are two more required courses in English and world literature. And then there were only two Filipino required courses, one in literature and the other on creative writing. Maraming Pinoy ang may parehas na educational background, kaya hindi ako magugulat na hindi ako nag-iisa at maraming Pilipino ang nahihirapang sumulat ng pormal or creatively gamit ang Tagalog.

Our educational system says something a lot about our country and what we value as a people. I always see and hear about all those loud declaration of love for the Philippines. Ngunit mahal ba nating talaga ang ating bansa when there is no real effort to give the language of its people due respect and intention to enrich

it. Its hard enough defining Filipino culture, in a world obsessed with authenticity misconstrued as basis of a nation's identity. Huwag nating hayaan na pati ang ating wika ay hindi na natin mabilang pa na isang aspekto ng ating pagka-Pilipino. Pilipino or Filipino? ******************

Note: As I am writing this article, there is even a debate going on should Pilipino or Pilipinas be spelled with an F or a P. Definitely drives home my point. Nakakalungkot sa napakahabang panahon, pinagtatalunan pa din natin kung paano ang akma at tamang pag-bigkas at pag-sulat ng pangalan ng ating wika at bansa.


16

September 2014

BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com

N

Daloy Kayumanggi

Komunidad

Alaala ng Biyahe (part 1)

agsimulang mabuo ang konsepto ng “Buhay Gaijin” sa aking isipin nuong minsang sakay ako ng kotse, habang binabaybay ang maliliit na daan ng Abiko, Chiba, papuntang Narita International Airport para sa isa na namang business trip. Ang pagbibiyahe ay isa sa mga gusto kong parte ng aking trabaho dahil nabibigyan ako ng pagkakataong makasalamuha ang iba’tibang klase ng tao at makakita ng bagong kultura. At dahil sa hindi ito bakasyon, ibang pagtanaw ang daladala ko sa mga pagbiyahe kong iyon. Nais ko sanang ibahagi sa inyo ang iba’tbang bagay na aking naranasan sa ilan sa aking mga pagbibiyahe, na kahit saan man ako mapadpad, may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng iyong tahanan. Hong Kong, China Ilang beses na din akong nakarating ng Hong Kong ngunit kadalasan umikot lamang ako sa Central, Causeway Bay o sa Tsim Sha Tsui. Minsan, nasubukan ko na din tumawid papuntang Shenzhen mula Sheung Sui. Kaya laking gulat ko nuong minsang gawin namin ang aming strategic meeting, kami ay tumigil sa Cheung Chau Island.

naming puntahan sa Palawan.

Jakarta, Indonesia Isa sa mga pagawaan ng aming kumpanya ay matatagpuan sa Indonesia. Kaya’t ilang balik din ako sa lugar na ito. Nuong una akong bumisita dito, pagdating sa airport, pakiramdam ko na nasa Maynila ako – yung pakiramdam na pamilyar ang lugar pero iba. Kaya simula pa lamang ay at-home ako kaagad dito. Ang talagang tumatak sa aking isipan sa bansang ito, maliban sa mga mababait na taong nakilala ko, ay ang iba’t-ibang klase ng pagkaing matitikman mo. Isa na dito ang tinatawag nilang Padang food, na kilala dahil sa malinamnam na lasa dulot ng paggagamit ng gata ng niyog at spicy chili. Sa mga restawran na naghahain ng pagkaing ito, normal na nagkakamay ang mga tao para kumain. Sa bawat lamesa ay may nakahandang mangkok ng tubig na mayroong lime para paghugasan ng kamay bago at matapos kumain. Pero kung hindi ka sanay dito, maaari ding gumamit ang kustomer ng kubyertos.

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Hindi ko maiwasang isipin na masayang gawin ang bagay na ito kasama ang iyong pamilya, hati-hati kayo sa pagkain habang masayang nagkukwentuhan. Paju, South Korea Sa aming pagbisita sa isang planta sa South Korea, nabigyan kami ng pagkakataong makapunta sa Imjingak Resort, isang parke na matatagpuan katabi ng Imjin River, ang isang malaking ilog na tumatakbo mula North Korea tungo sa South Korea, tumatagos sa Demilitarized Zones, s u m a s a n i b s a H a n R ive r s a S e o u l a t nagtatapos malapit sa Yellow Sea ng China (Wikipedia).

Parte ng Imjingak kung saan matatanaw ang Imjin River.

And parke ay ginawa upang i-console ang mga taong napaghiwalay ng digmaan sa Korea. Sa parkeng ito, may ibat-ibang istatwa at monumento tungkol sa Korean War. Mayroong ibat-ibang restawran at isang observation deck. Dito din matatagpuan ang "Bridge of Freedom," na tumatawid sa Imjin River. Ang tulay na ito ay dating railroad bridge na ginamit ng mga pinabalik na POW mula sa norte.

Dulo ng access bridge malapit sa Bridge of Freedom kung saan naglalagay ang mga South Koreans ng liham o dasal para sa mga kaibigan o kamag-anak na nasa North Korea.

Habang nakatayo ako sa harap ng mga mensahe at panalanging ito, hindi ko maiwasang isipin ang pamilya ng mga OFWs na magkakahiwalay dahil kailangang isa sa kanil a ay manirahan sa ib ang b ayan, magtrabaho upang matulungan ang mga naiwan sa Pilipinas na magkaruon ng maayos na buhay. Abangan ang part 2! Sa susunod, ibabahgi ko din sa inyo ang ilang bagay na nakita ko sa Taiwan, Cambodia at Kenya. *** Patuloy pa rin po ang ating kampanya para sa Hope for Living Philippines. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin mo aming website newlifeministries.jp o basahin ang advertisement dito *** At ang pinaka-importante sa lahat, binabati ko ng maligayang kaarawan ang aking maybahay, Avic Tatlonghari, at Happy Anniversary! Salamat sa anim na taong masayang pagsasama at pag-aalaga sa amin. Araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos na ikaw ang ibinigay N’ya sa akin bilang aking kabiyak. PHILIPPINES

They STILL need our HELP.

Isa sa dalawang beaches sa Cheung Chau: Tung Wan Beach

Ayon sa Wikipedia, ang islang ito, na ang literal na kahulugan ay “Long Island” sa Chinese characters, ay matatagpuan 10 kilometro timog-kanluran ng Hong Kong Island. Ito ay tinatawag ding “dumbbell island’ dahil sa kanyang hugis sa mapa. Mula Central boat station, maaari kang sumakay sa isang ferry papunta sa islang ito. Nagulat ako dahil hindi ko naisip na mayroong lugar na ganuon sa Hong Kong. Isang isla na walang traffic dahil bawal ang ko t s e , l a h a t ay n a g l a l a k a d l a m a n g o nagbibisikleta. Natuwa ako sa napakahabang beach na meron ang islang ito, sa mabagal na usad ng buhay sa parteng ito ng Hong Kong. At hindi mo din naman iisiping isolated ka dahil kung kailangang mong bumalik sa downtown, 30 minutos lang ang biyahe ng ferry na tumatakbo 24/7. Iba’t-ibang tindahang matatagpuan sa plaza ng Cheung Chuan Island Iniisip ko nuon na sa susunod na pagbisita ko sa Hong Kong at kasama ko ang pamilya ko, dadalhin ko sila sa islang ito dahil pinapaalala nito ang beach na malimit

Evangelistic and Discipleship Mission Salansan ng ibat-ibang putahe ng Padang food

Ang nakakatuwa sa pagkaing ito, maliban sa masarap ang mga putahe at pamilyar sa panlasang Pinoy, mula sa salansan ng pagkain, pipili ang kustomer ng gusto niyang kainin. Ihahain ito sa lamesa, at babayaran lamang ng kustomer kung ano man ang kanilang nakain.

Feeding programs and Manga Bible distribution to reach 4,000 children survivors of Typhoon Haiyan in Tacloban, Philippines

Please

Be our Partner

You may send your donation via the following:

Japan Post Bank Branch Name: Japan Post Bank 019 Branch Regular Account No: 0759926 Account Name: NLL Kaigai Senkyou Bu

new life ministries Ibat-ibang putahe ng Padang food

TODAY.

For more details, contact New Life Ministries or visit our website.

Bank of TokyoMitsubishi UFJ Bank Name: Mitsubishi-Tokyo UFJ, Ltd. Niiza-shiki Branch Account No: 1897554 Account Name: New Life Ministries Swift Code: BOTKJPJT (For International Transfers)

http://newlifeministries.jp Tel. +81-49-296-0706 sponsor@newlifeministries.jp


17

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad


18

September 2014

Ang 10th Annual Miss & Mr. Thai-Philippines in Japan ay ginanap sa Gyoutoku Hall i&i Chiba noong June 29, 2014. Ang event na ito ay inorganisa ng Life Support Com Softbank Reseller at 0570 LSC. Ang mga nagwagi sa naturang pageant ay ang mga sumusunod: Miai Tanaka - Miss Philippines in Japan 2014 Kento Kiyota - Mr. Philippines in Japan 2014 Titui Taksapon - Miss Thailand in Japan 2014 Kaison Supashat - Mr. Thailand in Japan 2014 Kaison Supashat - Mr. Popular Kelly Ann Fujibuchi - Miss 0570 Life Support Com Pongtong Niracha - People's Vote Award Miho Hirozane - Miss Popular Kotchakorn Boonyaleeka - Best in Traditional Dress Edythe Rae Cambare - Best in Swimsuit Yohei Sato - Best in Talent Yuna Goto - Little Miss in Japan 2014 Masato Yoneyama - Little Mr. in Japan 2014 Liany Tomokane - Little Miss Popular Pangunahing layunin ng event na ito ay ang magkaroon ng magandang relasyon ang Thai, Philippines at Japan at maipakita ang kultura ng bawat isa.

Global Filipino

Ang mga awardees at maging ang mga non-awardees ay nabigyan ng magandang oportunidad sa pamamagitan ng event na ito. Ilan sa kanila ay napili ng Horipro at iba pang talent agencies na makapag ensayo at mapikita pa ang kanilang kakayanan kung saan sila ay mayroong pagkakataon na magkaroon ng career sa entertainment industry. Sa mga nais sumali sa pageant na ito at sa iba pang event ng Life Support Com gaya ng sports fest at marathon ay maari kayong tumawag sa 03-5636-0033 para sa detalye at iba pang impormasyon. Ang kabuuang video ng pageant ay maaring mapanood sa link na ito: vimeo.com/m/100378390

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"


19

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

EYE CANDY Upcoming Movies September 2014

Jagger Aziz Tel: 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com Email: jaggeraziz@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com http://jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Hindi mo man na-meet ang target o goal mo nitong nakaraang buwan, susuwertehin ka naman ngayon. Pangalagaan lang nang husto ang iyong kalusugan. Lucky color at numbers: YellowGreen; 16, 6, 18 at 24.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 S a l u b u n g i n a n g b awa t araw ng ngiti. May unos ka mang dinaraanan ngayon, mananatili ang pagiging matatag mo sa bawat pagsubok na darating sa’yo. Kapit lang. Masusuwerteng numero: 38, 31, 21 at 27. Masuwerteng kulay: gray.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

May dating kakilala kang magiging close mo ngayong buwan. Magiging malapit din sa iyo ang iyong mga katrabaho. Iyon marahil ay dulot ng iyong pagiging laging positibo. Yellow ang swerteng kulay sa’yo; 9, 8, 20 at 27 naman ang mga numero mo.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Maigi kung ibahagi mo sa iyong malapit na kaibigan o kapamilya ang dinaramdam mo ngayon upang maalis ang bigat sa iyong dibdib. Tandaan, pagkatapos ng bagyo, sisikat din ang araw. Swak sa’yo ang kulay na navy blue. Numerong 11, 15, 4 at 21 naman ang okay sa iyo.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Alagaan ang respeto sa iyo ng ibang tao. ‘Wag gagawa ng anumang imoral na bagay na maaaring makapagpa-turn-off sa ibang tao. Ang maroon ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 9, 6, at 26.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Hindi ka magtatagumpay k u n g p a i i ra l i n m o a n g pagiging hindi palakibo o pagiging mahiyain. Kailangan mo ring matutong makipaghalubilo sa ibang mga tao para maging mas produktibo. Power numbers at colors: 23, 8 at 19; brown naman ang kulay mo ngayon.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Ingatan ang iyong ipon. Maging malay sa mga taong nanloloko lang. Bago magbitiw ng desisyon, m a g - i s i p m u n a n a n g m a ra m i n g beses at konsultahin din ang mga taong nalalapit sa iyo. Numbers of the month: 17, 3 at 15. Color of the month: violet.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Iwasan ang pagiging m a s ya d o n g e m o s yo n a l . M a g i n g sensitive rin sa mga taong nakapaligid sa’yo. Minsan kasi ay nasosobrahan mo na ang pagiging masyadong madrama. Baka ka pa layuan ng mga ito. Ang iyong color of the month ay Green. Numero mo naman ngayon ang 15, 12, 3 at 26.

TAURUS Abr. 21 - May. 21

Suwerte ang buwang ito para sa iyo. Magsisilbing lucky charm mo ang iyong kababaang-loob para ma-attract ang good vibes at mga tao. Lucky numbers: 9, 20, 14 at 23. Lucky color: Orange.

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Hayaan lang ang mga taong hindi mabuti ang pakikitungo sa iyo. Mas lalo ka lang nilang aasarin kung papatulan mo ang kanilang mga pagpaparinig. Sa halip, maging focus lang sa iyong goal. Lucky numbers at color: 17, 19, 4, white.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

May makikilala kang magbibigay sa iyo ng good news. P w e d e n g m ay k i n a l a m a n i t o s a panibagong oportunidad. Tandaan lang na bago ka umoo, pag-isipan mo muna ang offer nang maraming beses. Swerte sa iyo ang 29, 1, 10 at 2. Red ang kulay mo ngayon.

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Hindi lang basta talino ang ga m i t i n m o . M a s m a i g i kung sabayan mo ito ng diskarte at lakas ng loob. Panatilihin ang pagiging mababang-loob. Blue ang masuwerteng kulay sa’yo; 7, 19, 3 at 30 naman ang sa numero.


20

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Gilas Pilipinas, pinataob ang isang European Team sa tune-up game

P

analo ang Gilas Pilipinas laban sa isang European Team sa isinagawang tune-up game sa bansang Espanya. Sa iskor na 89-58, natalo ng Gilas ang kalabang ACB All star Select Spanish League Team. Ayon sa ulat ng TV Patrol, si Andray Blatche, ang center ng Gilas, ang umangat sa naturang laban at nagbigay ng malaking tiyansa para makamit ang panalo kontra sa kalabang koponan. Matatandaang isang taon na ang nakalilipas mula nang matalo ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Korea sa isinagawang FIBA Elite Championships. Inaasahang mas matitindi pa raw na mga koponan ang kakaharapin ng Gilas sa mga susunod na linggo sa pamamagitan ng tune-up games.

SPORTS UPDATES kilala sa kanyang bilis at power. Manny, back-to-back ang Dahil dito, naniniwala ang Mehikanong boksingero na maaaring manalo si Pacman sa pamamagitan ng knockout. pag-eensayo Hindi naman pinansin ni Algieri ang mga komento. “That is fine by me. That is on paper. And on paper, I am not supposed to win,” ika ng WBO light welterweight champion sa thesweetscience.com.

August 10 2014 2PM UE vs Ateneo

91

VS

93 70

62

VS

August 13 2014

2PM UST vs UE

VS

84

4PM Adamson vs FEU

72 62

VS

71

August 16 2014 2PM Adamson vs UST

59

VS

70

VS

August 17 2014

VS

VS

Augus 20 2014

VS

68

D

oble-doble ang pinagkakaabalahan ngayon ni Boxing Champ Manny Pacquiao. Ang mga ito ay ang kanyang laban sa darating na Nobyembre kay Chris Algieri at ang isa naman ay ang paghahanda ng kanyang koponan para sa pabubukas ng PBA sa darating na Oktubre. Kinumpirma sa ulat ng ABS-CBN news na sa Pilipinas mageensayo si Manny. At sa huling linggo ng kanyang ensayo ay tutungo si Manny sa Macau para mag-training. Sa isang panayam, hindi kampante si Manny sa darating na laban kay Algieri, sapagkat ayon kay Manny: “Champion siya. Magaling. Undefeated pa.” Tiwala rin si Manny na kaya niyang pagsabay-sabayin ang lahat ng kanyang mga career basta ang sikreto lang daw ay ang tamang paghahati-hati ng kanyang oras.

Marquez, nakikita ang panalo ni Pacquiao sa pamamagitan ng KO

4PM Ateneo vs DLSU

74 86

2PM Adamson vs NU

50

4PM UP vs UE

61 41

2PM NU vs FEU

Mga babaeng chess players, nanguna

4PM UST vs DLSU

88

4PM UE vs Ateneo

71 73

VS

78

S

a lahat ng dating nakarahap ni Manny Pacquiao, masasabing si Juan Manuel Marquez ang pinakanakakakilala sa Pambansang Kamao mula ulo hanggang paa. Nakalaban na ng pambansang kamao ang bosksingerong mula sa Mexico nang apat na beses at may pagkakataon pa ngang napatumba ito ni Manny. Kamakailan, naiulat ang opinyon ni Marquez sa nalalapit na laban ni Pacman kay Chris Algieri. Ayon kay Marquez, base sa ulat ng Philippine Star, maliit umano ang tyansang manalo ni Algieri sa laban sa kabila ng kanyang lakas at tibay. Ipinakita rin nito ang kanyang abilidad sa pagbo-boxing subalit hindi pa rin ito sapat, ayon kay Marquez, upang matalo si Pacman na kilala sa kanyang bilis at

B

agama’t hindi nagiging masyadong maganda ang 41st World Chess Olympiad para sa mga lalaking representante ng Pilipinas ay kabaligtaran naman ito para sa mga babaeng chess players. Tinalo ng mga babaeng manlalaro ang Egypt sa puntos na 3-1, na siyang naging daan upang makapasok ang mga ito sa Top 40. Sa ulat ng Manila Bulletin, kinailangan ng 32 moves ni FIDE Master Janelle Frayna upang matalo ang kanyang kalaban. Si Jan Jodilyn Fronda naman ay nagwagi matapos makumpleto a n g 7 5 m ove s n g C a ro - K a n n d e fe n s e . A n g Wo m e n’ s International Master naman na si Catherine Perena ay nanalo gamit ang parehong defense na ginamit ni Frayna at gumamit din ng 32 moves. Nabanggit din sa ulat na ito na ang ikalawang straight wins nina Frayna at Fronda na siyang nagtala ng 4.5 at 5.5 na puntos.

Bagong season ng WNCAA, binuksan

N

a g b u k a s kamakailan ang Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA). Ipinangako ng La Salle College Antipolo (LSCA), na siyang host ng WNCAA ngayong taon, ang isang magarbong opening rites para sa mga manonood. N a gh a n d a u m a n o s a l o o b n g i l a n g b uwa n p a ra s a pinakahihintay na pagbubukas ng bagong season ang LSCA officials, ayon sa ulat ng Manila Bulletin. Ang ace spiker ng De La Salle na si Mika Reyes, na dati ring manlalaro ng St. Scholastica’s College, ang isa sa magiging guest speakers para sa pinakabagong season ng WNCAA. Ang tema ngayong season ay “Women in Action @ Forty Fifth Season.” Ayon naman sa executive ng WNCAA na si Ma. Vivian Manila, ang koponan ng CEU ang pinakamabigat na koponan na kailangang talunin ngayong taon. Gayunpaman, hindi nito maikakaila ang improvement ng iba pang mga koponan nitong mga nakaraang taon. Nagkaroon ito ng mga magagaling na coaches at inaasahan ni Manila na makikipagsabayan ang mga ito sa CEU ngayong taon.


21

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Heart Evangelista, dumalo sa SONA kasama si Chiz Dingdong, nagpropose na kay Marian

N

itong ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, isa si Heart Evangelista sa mga artistang dumalo sa Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon noong Hulyo 28, 2014. Pangalawang beses niya itong pagsama sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Senador Francis Escudero. Ang una ay noong 2013. Ayon kay Heart, ang pagdalo sa SONA ay kakaibang karanasan. Aniya, “It was always an experience to attend something like that. It’s very different from what we artistas do.” Marami rin daw siyang natututunan at kakaiba talaga sa pakiramdam ang mga karanasang kagaya nito. Dagdag pa niya,

Nora Aunor at iba pang artista, nanalo sa Cinemalaya 2014

N

analo sina Nora Aunor, Eula Valdes, Dante Rivero at Robert Arevalo sa pinakamahahalagang acting awards sa naganap na ika-10 edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival. Nakuha ni Nora Aunor (“Hustisya”) ang Best Actress sa kategoryang Directors Showcase, samantalang si Eula Valdez (“Dagitab”) naman ang naging Best Actress sa kategoryang New Breed. Sa kabilang banda, ang tropeyo ng Best Actor ay iginawad naman kay Robert Arevalo (“Hari ng Tondo”) sa kategoryang Directors Showcases. samantala, si Dante Rivero (“1st ko si 3rd”) naman ang Best Actor sa kategoryang New Breed. Subalit, sa kabuuan ay iginawad ang parangal na Cinamelaya 2014 Best Actress kay Nora Aunor para sa pelikulang “Hustisya.” Umani ng standing ovation si Ate Guy sa madla.

ang mga nakakahalubilo niya umano sa mga ganitong kaganapan ay mga senador at mga mambabatas, kung kaya ‘di raw niya maiiwasang mahiya at “ma-conscious.”

K

Coleen Garcia: Billy is worth fighting for

ebs lang si Coleen Garcia sa mga intrigang natatanggap niya hinggil sa kanilang relasyon ni Billy Crawford. Sa isang live interview sa Aquino and Abunda Tonight noong Hulyo 30, 2014, ang 21 taong gulang na TV host at aktres ay hindi nagdalawang-isip na sabihing “Billy is worth fighting for.” Swabe ang pagsagot ni Coleen sa mga katanungan. Kasama na rito ang intrigang kung siya nga ba ang tunay na dahilan ng makontrobersyal na hiwalayang Billy at Nikki Gil. Pahayag niya, “definitely not.” Noong nakaraang linggo lang kinumpirma nina Billy at Coleen ang kanilang relasyon sa live episode ng It’s Showtime, kung saan sila magkatrabaho bilang hosts, pitong buwan makalipas aminin ni Crawford na nililigawan niya si Coleen.

N

ag-propose na ng kasal ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa girlfriend nitong Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Ang proposal na iyon ay naganap noong Agosto 9, 2014 sa “Marian,” isang live telecast na dance show ni Marian. Ginawa niya ito kasabay ng birthday celebration ng aktres, kung saan naroon ang kanyang pamilya at mga kaibigan, gayundin ang pamilya ng aktor. Bago naganap ang mismong proposal, nagsilbi munang tagapanayam ni Marian si Dingdong kung saan nagpakita siya ng mga litrato na nagpaiyak sa aktres. Ayon kay Marian, kaya at handa niyang ibigay ang lahat, kahit ilang anak at kahit na masira pa ang hubog ng katawan niya. Nasorpresa at emosyonal na tinanggap ni Marian ang proposal ni Dingdong.

URGENT HIRING!

WANTED FILIPINA ~ FILIPINO

R.O CORPORATION DRY CLEANING

Hamura. Hakonegasaki Station 1Hour TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

900

Monday to Saturday

PLACE: Musashi Sunagawa Station Time: 8:00 - 17:00 Compo, Kumitate, Kenga, Mishin Overtime - Kailangan

1Hour GIRL

1Hour BOY

900 1000

PLACE: Sayama Shi (Cleaning) Time: 8:00 ~ 17:00 GIRL

1Hour

900

1Hour

BOY

900

Can Speak Japanese, Tagalog, English LOOK FOR

MORITA

080-6500-1819


22

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Lovi Poe at Marian Rivera, Coco at Kris, magtatambal sa isang pelikula may alitan?

M

M

ay mga kumakalat na chismis hinggil sa ‘di pagpapansinan ng dalawang Kapuso actresses na sina Lovi Poe at Marian Rivera. Ayon sa lumabas na report, dalawang beses na silang nakitang hindi umano nagkibuan. Ang unang pagkakataon ay naganap sa isang parking lot kung saan kasama raw ni Marian ang kanyang kasintahang si Dingdong Dantes. Si Dingdong lang daw ang pinansin ni Lovi. Ang ikalawang pagkakataon naman ay naganap sa studio ng Sunday All Stars ilang linggo na ang nakararaan. Katabi raw ni Solenn Heussaff noon si Lovi. Binati at bineso raw ni Marian si Solenn pero dineadma nito si Lovi. At dahil sa kaganapang ito, kinuha ng Philippine Entertainment Portal ang panig ni Lovi noong Agosto 3, hinggil sa bali-balitang ito. Ani Poe, “You know, first of all, have you seen me getting into fights? Because I don’t like fights. It’s a waste of time. It’s a waste of energy. Ngayon, I’m just here… be professional. Nandito lang ako para magtrabaho. Hopefully, everybody can just be professional and mature about it.” Sina Lovi Poe at Dingdong Dantes ay magkasama sa umeereng primetime teleserye ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real.

Patrick Garcia: "It's the right time"

N

agdesisyon na si Patrick Garcia na mag-propose sa kanyang girlfriend na si Nikka Martinez matapos magkaroon ng matatag na relasyon sa Panginoon. Sa naganap na interbyu sa The Buzz noong Agosto 3, 2014, ibinahagi ng magkasintahan kung paano lumalim at namulaklak ang kanilang relasyon. Ayon kay Nikka, inimbitahan niya raw si Patrick na bisitahin siya sa Dumaguete kung saan naroon ang kanyang pamilya. Doon daw nagsimula ang kanilang relasyon. Ang mag-asawa ay may anak na babae, si Chelsea. Si Patrick naman ay may anak na lalaki, Alex Jazz, sa kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ayon kay Patrick, kapag pumupunta siya sa simbahan tuwing Linggo ay alam niyang kinakailangan niyang gawin ang tama, lalo na ang kanyang relasyon sa Panginoon. Kung kaya’t naisip niyang iyon na rin ang tamang panahon para mag-propose kay Nikka. Aniya, “before kasi, ako ay Sunday Christian lang. I didn’t really read His work, the Bible. When I took my walk with the Lord seriously, I found out things that would be right.” Ang kasal nila ay nakatakda na sa susunod na taon.

atapos ang sampung taon, muling magkakasama sa isang horror film si Kris Aquino at ang batikang horror film director na si Chito S. Roño sa isang panibagong pelikula. Excited naman ang publiko sa pagtatambal, sa unang pagkakataon, nina Coco Martin at ni Kris. Ayon sa aktor, bagama’t excited siya sa naturang proyekto, kinakabahan din umano siya sapagkat batikan ang mga makakasama niya sa panibagong pelikula. Ayon pa sa aktor, “dream come true” umano ang makasama si Kris sa isang pelikula. Samantala, paniwala naman kay Kris, sigurado namang kagigiliwan umano ni Direk Chito si Coco na makatrabaho.

Maja at Gerald, ibinihagi ang matatamis na pagsasama nila sa Africa

M

aliban sa naganap na photoshoot ni Maja Salvador sa South Africa, nagkaroon din siya ng oras para sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Ang 25 taong gulang na aktres ay nagbahagi ng mga litrato at bidyo ng biyahe nila ni Anderson sa kanyang Instagram account. Ayon sa kapsyon nito, “I love you south africa... salamat pogi masaya ako nakasama kita #bucketlist #capetown #northcape”. Naging bukas na sa publiko ang relasyon ng magkasintahang Salvador at Anderson simula noong naibalitang nagkaroon na ng pagkakasundo sa pagitan ng dalawa at ni Kim Chui, ang matalik na kaibigan ni Salvador at ex-girlfriend naman ni Anderson. Si Maja ay nasa isang photoshoot noon para sa isang lokal na magasin na MEGA kung saan kasama niya ang

She's Dating the Gangster, kumita ng daang-daang milyon

D

aan-daang milyon na ang kinita ng She’s Dating the Gangster na pinagbibidahan ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero pagkatapos ng movie na ito, ano kaya ang pakaaabangan ng Kathniel fans sa kanilang dalawa? Sa Thanksgiving Party ng naturang pelikula, inanunsyo sa mga fans na isang teleserye ang nakatakdang pagbibidahan ng dalawang sikat na artista. Ang She’s Dating the Gangster ay sa ilalim ng direksyon ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina na matatandaang box-office hit din ang mga nakaraang pelikula. Ayon kay Kathryn, nakaka-proud umano ang pelikulang ito, sapagkat kahit mga matatanda ay napasaya nila. Mapapanood din si Kathryn sa isang episode ng Once Upon a Time.

ilan sa mga Kapamilyang stars na sina Erich Gonzales, Julia Barretto, at Kathryn Bernardo.

Anne at Cristine, gaganap ng kakaibang roles sa bagong pelikula

K

ung dati, sana’y ang mga taong makita sa pelikula sina Anne Curtis at Cristine Reyes na hot, sa kanilang bagong pelikulang “The Gifted,” isang kakaibang Anne at Cristine ang kanilang

mapapanood. Isang dark comedy movie ang naturang pelikula, kung saan gaganap na mataba si Anne at palalakihin naman ang ilong ni Cristine. Makakasama nilang dalawa sa pelikula si Sam Milby na pag-aagawan ng dalawang babae sa nasabing pelikula. Natatakot din bang tumaba si Anne? “At least alam kong bagay,” ang mabilis na sagot ni Anne sa isang panayam sa telebisyon. Sa Setyembre na ipalalabas ang pelikulang ito ng dalawang aktres.


23

September 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol

Alex Gonzaga

Daniel Padilla

Jenny Mercado

Luis Manzano

Updated ka ba sa buhay-buhay ng iyong mga idols? Pwes, kahit pa wala ka sa Pinas, maaari ka pa ring makakuha ng scoop mula sa iyong mga idolo sa pamamagitan ng pagfa-follow sa kanilang mga twitter accounts. Ilan sa mga featured stars natin ngayong buwan, na talaga namang walang kupas ang kinang, ay ang mga sumusunod. Tara't silipin natin ang ilang bahagi ng kanilang buhay-buhay sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang latest tweets

Ejay Falcon, magbabalik-teleserye

B

alik-teleserye na sa darating na Setyembre ang hunk actor na si Ejay Falcon. Ito ang kanyang kinumpirma kamakailan, kasabay ng pagtanggi sa ibinabatong isyu sa kanya na may relasyon umano sila ni Sunshine Cruz. “Hindi po totoo yun,” ika ni Ejay. Malabo

umano ang balitang iyon at humingi pa nga raw siya ng pasensya sa nasabing aktres. Samantala, nagpapasalamat naman si Ejay, sapagkat sunud-sunod umano ang tinatamong blessings, kasama na ang kanyang bagong endorsement. Inilalaan umano ni Ejay ang kanyang ipon sa isang coconut farm sa Mindoro.

Jennylyn Mercado, in good terms sa lahat ng ex-es maliban sa isa

I

tinanggi ni Jennylyn Mercado na nagkikita na naman sila ng kanyang exboyfriend na si Dennis Trillo. Aniya sa Startalk, “Hindi pa ulit. Hindi pa ulit.” Naibalitang in good terms na si Mercado sa lahat ng kanyang ex-boyfriends maliban na lamang kay Luis Manzano. Ayon sa kanya, “Lahat naman ng mga ex ko, except itong pinaka-recent, magkakaibigan na kami so I don’t think kailangang bigyan ng malisya yung pagiging magkaibigan ‘di ba?” Sa kasalukuyan, nagiging malapit ang Kapuso StarStruck Alumna sa kanyang love team partner na si Mark Herras. Sa katunayan, noong nalaman ni Mercado na pumanaw na

ang adoptive father ni Herras ay agad itong nagmadali para makiramay.

Bea at Jake, muling bibida sa primetime

M

uling bibida sa primetime ang sikat na mga teen stars na sina Jake Vargas at Bea Binene, kasama ang iba pang mga sikat na Kapuso stars, kagaya nina Kim Rodriguez at ang nagbabalik na si Kiko Estrada. May working title na “Strawberry Lane” ang nasabing teleserye na siguradong aabangan ng mga avid Kapuso. “Sobrang saya ko. Gagalingan namin ni Bea dito,” ika ni Jake sa isang panayam sa telebisyon. Very thankful naman umano si Bea sa GMA sapagkat pinagkakatiwalaan nito ang kanilang tambalan ni Jake. “Sobrang happy. Ang tagal naming

hindi nagkasama sa trabaho,” pag-amin naman ni Kim hinggil sa pagbabalikshowbizness ni Kiko. Ika ni Kiko: “I’m happy. I’m thinking positive now... I’m very happy and blessed.”

Darren ng The Voice Kids Philippines, sikat na sikat na

W

alang dudang matapos ang T h e Vo i c e K i d s Philippines ay umugong na ang pangalang Darren sa mundo ng showbizness. K a t u n aya n , m ay ro o n n a n ga n g nabuong Darrenatics na grupo ng mga taong lubos na sumusuporta sa batang singer. Sa isang episode ng Gandang Gabi Vice, inamin ni Darren na tinatawagan pa raw sila ng isang malaking network sa Canada, ang CBC, para lamang mainterbyu siya. Uuwi raw dapat sina Darren at ang kanyang pamilya sa Canada para sa

nasabing interbyu ngunit hindi umano ito natuloy sapagkat nakapagdesisyon silang dumito muna pansamantala ang pamilya ng batang singer upang subukan ang kapalaran sa showbizness sa Pilipinas.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.