www.daloykayumanggi.com
Vol.2 Issue 4 April 2012 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Kaso ng AIDS sa Pinas Tumaas I
niulat ng Department of Health (DOH) ang 39 na porsiyentong pagtaas sa bilang mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) noong Enero 2012 na may 212 na kaso, kumpara sa 152 kaso sa parehong panahoon noong 2011. Apat sa 212 na kaso ay positibo na sa Acquired Immune Deficiency Sydrome (AIDS). Ayon sa pinakabagong ulat ng National Epidemiology Center ng DOH, ang pinakamataas na kaso ng HIV ay mula sa National
Capital Region na may 123 na kaso o 58 porsiyento ng kabuuang bilang. Sumunod ang rehiyon ng 4, 3, 11, 6 at 7. Karamihan sa mga kasong naitala ay sa mga lalaki. Ang mga
naobserbahang kaso ay may edad na pito hanggang 56 na taong gulang. Ang age group na 20 hanggang 29 taon ang may pinakamaraming bilang ng mga kaso. Ang pakikipagniig, na may 208 na kaso, ang pinakamataas na bilang ng paraan ng paglipat ng virus. Sumunod dito ang pakikibahagi ng karayom sa mga gumagamit ng bawal na gamot na itinurok na may tatlong kaso. Mayroong isang kaso kung saan ang virus ay nailipat mula sa ina
Unang Green Convention Center Itatayo sa Palawan
I
tatayo ang isang state-of-theart at maka-bagong City Hall and Convention Center sa lungsod ng Puerto Princesa, Palawan na gagamit ng konsepto ng green architecture. Ginawa ang conceptual design ng naturang City Hall and Convention Center ng Danilo A. Silvestre & Associates at itatayo ito sa isang burol malapit lang sa kinatatayuan ng kasalukuyang city hall. Sa budget na P782 milyon, ang buong complex ay kabibilangan ng isang convention
center na may 3,000 kapasidad at ang apat na palapag na city hall building na may sariling water treatment facility, solar panels, roof garden, helipad, generator at power supply, at fire-fighting facility. Kabilang na din dito, ang mga furnitures na gagamitin sa gusali at convention center. Sa b i n i C ity Ad mi n i stra to r Agustin Rocamora, ang bagong city hall ay dinesenyo upang gamitin ang natural na liwanag sa araw at ang pagpasok ng preskong hangin na magdudulot ng energy efficiency, at ang
paglilimita sa paggamit ng mga non-biodegradable na kagamitan. Aniya, sinusundan ng disenyo ang natural na topograpiya at hubog ng burol upang mabawasan ang negatibong impak sa kalikasan. Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng buong complex sa loob ng 18 buwan. Ang kasalukuyang city hall ay ginawa noong huling bahagi ng dekada ochenta sa ilalim pa ng dating Mayor Feliberto Oliveros.
PAANO MAGREKLAMO
Ninakawan ng Cellphone Load sa Pilipinas?
T
iniyak ng National Te l e c o m u n i c a t i o n s Commission (NTC) na handa nitong tugunan ang reklamo ng publiko hinggil sa nawawalang load balance ng m g a p re p a i d m o b i l e p h o n e subscribers na gumagamit ng Smart, Globe, at Sun Networks. Sinabi ni Common Carriers Authorization Department Director Edgardo V. Cabarios na maaaring idulog ang reklamo sa One Stop Public Assistance Center ng NTC (02) 926-7722 /
P.9
436-7722 o kaya ay mag-email sa ospac@ntc.gov.ph. Bukod pa rito, maaari din isumbong sa NTC kapag may alinlangan hinggil sa inyong cellphone bill charges, mababang kalidad ng serbisyo ng mga telecom company at pagkakatanggap ng mga unsolicited text messages. Bahagi ito ng layunin ng administrasyon ng Pangulong Benigno S. Aquino III na maipagtanggol ang karapatan ng mga consumer, partikular ng NTC
Special Feature: Green Living
sa mga cellphone user. "Asahan po ninyo na ang komisyon (NTC) ay gagawin ang lahat ng makakaya para protektahan ang ating mga consumer ng telekomunikasyon at brodkast," pagtitiyak ni Cabarios. May 95 milyon sim card ang aktibong ginagamit sa bansa ngayon, ani Cabarios, batay sa datos ng NTC. At tinatayang dalawang bilyong text messages ang ipinapadala kada araw sa Pilipinas.
P. 19
Jokes
patungo sa anak. Pakikipagniig ng lalaki sa kapwa lalaki, na umabot ng 90 porsiyento, ang namamayaning uri ng sekswal na transmisyon. Sa mga bagong naiulat na m g a p o s i t i b o s a H I V, 1 5 porsiyento ay mga overseas Filipino workers (OFWs) na may 32 kaso, 30 lalaki at 2 babae, lahat ay nakuha ang impeksyon sa pamamagitan ng sexual contact (4 sa heterosexual, 12 sa homosexual, at 16 sa bisexual). Iniulat din ng DOH na sa Enero
2012, may 2,087 mga taong may HIV ang kasalukuyang sumasailalim sa Anti-Retroviral Therapy (ART). Noon pang 1984, ang bansa ay naiulat nang may kabuuang 8,576 na may HIV ab seropositive cases, kung saan ang 7,601 dito o 89 porsiyento ay a s y m p t o m a t i c a t 9 7 5 o 11 porsiyento ay kaso ng AIDS, 342 o 35 porsiyento ay naiulat na namatay na sanhi ng naturang sakit.
NGAYONG HUNYO NA!
Sariling Wika Gagamitin Na Sa Pagtuturo
G
a g a m i t a n g Department of Education (DepEd) ng 12 pangunahing lengguwahe bilang paraan ng pagtuturo sa pagsisimula ng klase sa Hunyo bilang bahagi ng layunin nitong ipatupad ang Mother TongueBased Multi-Lingual Education (MTB-MLE). "Pinatatatag natin ang pagtuturo ng MTB-MLE bilang isa sa mga aralin mula sa unang Grado hanggang pangatlong Grado at bilang paraan ng pagtuturo mula kinder hanggang pangatlong Grado," wika ni DepEd Secretary Armin Luistro. Ang 12 pangunahing wika ay Ta g a l o g , K a p a m p a n g a n , Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Ta u s u g , M a g u i n d a n a o a n , Maranao at Chavacano. Batay sa DepEd Order No. 16, ang MTB-MLE ay ipatutupad sa dalawang module, bilang isang asignatura (subject) at bilang isang paraan ng pagtuturo. Ang ‘mother tongue’ bilang isang aralin ay tututok sa pagunlad sa pagbabasa at pagsasalita mula sa Grade 1 hanggang 3. Bilang paraan ng pagtuturo, gagamitin ang mother tongue sa
P. 22
lahat ng asignatura mula kinder hanggang Grade 3 maliban sa pagtuturo ng mga araling Filipino at Ingles. Ipakikilala ang Filipino sa unang semestre ng unang Grado para sa oral fluency (katatasang magsalita). Para sa mga pagbabasa at pagsusulat, ituturo ito simula sa ikalawang semestre ng unang Grado. Ang iba pang apat na pangunahing kasanayan ay ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat sa Filipino ay patuloy na binubuo mula sa ikalawa hanggang ikaanim na Grado. Ang Ingles bilang aralin ay ipakikilala sa ikalawang semestre ng unang Grado habang ang pagbabasa at pagsusulat sa Ingles ay magsisimjla sa unang semestre ng Grade 2. Ipinakita sa mga pag-aaral na ang wikang gamit sa tahanan na ginagamit sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ng magaaral sa pagpasok sa paaralan ay nagbubunga ng mas mahusay at mas mabilis na mag-aaral na madaling makaakma upang matuto ng pangalawa (Filipino) at pangatlong wika (English).
Showbiz