Daloy Kayumanggi November 2013

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.2 Issue 29 November 2013

www.daloykayumanggi.com

KULTURA

Japanese Punk Rock

TOKYO BOY New York City

7

8

SHOWBIZ

Angel, Darna Ulit

22

WORLD'S MOST BEAUTIFUL A CELEBRATION OF FILIPINO CULTURE: Fellow Filipinos, Japanese and Foreigners of different nationalities celebrated with the Filipino Community at the annual Philippine Barrio Fiesta at Yamashita Park, Yokohama City last September 28-29, 2013. (mga litrato kuha ni Erwin Brunio)

H

indi talaga pahuhuli ang galing at ganda ng Pinay pagdating sa mga timpalakpagandahan. Ito ang pinatunayan ng aktres at ngayon ay beauty queen na, si Megan Young, sa nakaraang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia nitong Setyembre, 28.

$ 2 m i lyo n , h a n d o g n g Credit Assistance sa OFWs, Japan sa mga residente ng isinusulong sa senado Zamboanga redit Assistance sa mga Overseas Filipino Work-

K

C

ers (OFWs). Ito ang inihahain ngayon sa senado upang makapagbigay-tulong umano sa mga OFWs sa kanilang mga gastusin, kagaya ng placements, recruitment at documentations gayundin ang airfare, bago sila makaalis ng bansa. Sundan sa Pahina 5

inumpirma ng Philippine Information Agency ang $2 milyon na kaloob ng Government of Japan bilang tulong sa mga naapektuhang residente ng Zamboanga Si Megan na ang maituturing na kauna-unahang Pinay sa nakaraang labanan sa pagitan ng mga pwersa ng militar at na nakasungkit ng nasabing prestihiyosong korona nang ng isang paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF). sumali ang Pilipinas sa nasabing beauty contest. Ang naturang halaga ay nagsisilbing emergency grant aid ng

Itinanghal naman na first runner-up si Miss France Marine naturang bansa bilang tugon umano sa hiling na suporta ng Lorephelin at second runner up naman si Miss Ghana Car- Philippine government, gayundin ng United Nations (UN). ranzar Naa Okailey Shooter. Sundan sa Pahina 5

TIPS Budget Plan

11

Sundan sa Pahina 5

KA-DALOY

Daloy Invades Yokohama

17

NTT CARD 1110

30MINS NA!!


2

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

PM Abe: 10 patrol ships para sa Pinas, kumpirmado

K Pinas, UAE pipirmahan ang kasunduang magbibigayproteksyon sa HSW's

umpirmado na ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, sa pamamagitan ng ilang Japanese officials ayon sa Kyodo News, ang pagbibigay ng 10 mga patrol ships sa Pilipinas bilang suporta sa Philippine Coast Guard. Ayon sa report, nabanggit ito mismo ng prime minister kay Pangulong Benigno Aquino III sa isang bilateral meeting sa Brunei Darussalam, kasabay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit nitong Oktubre 10, 2013. Batay naman sa report ng Philippine Star, na base rin sa isang ulat, ang bawat vessel na ido-donate ng Japan sa bansa ay nagkakahalaga umano ng $11 million o humigit-kumulang P473 million. Matatandaang noong July visit ng PM sa Manila ay napagkasunduan din ng dalawang pinuno ang pagkakaroon ng financial at economic cooperation ng dalawang bansa.

I

sang magandang balita ang iniuwi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, matapos nitong makipagpulong sa United Arab Emirates Labor Minister Saqr Saeed Ghobash at ng ilang mga opisyal ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) nitong Setyembre 29-30, 2013 sa Abu Dhabi. Ito ang planong paglalagda sa isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE hinggil sa isang unified contract na magbibigay ng mas matibay na proteksiyon sa mga Pinoy household service workers (HSWs). Ayon kay Baldoz, ilan umano sa mga probisyong napagkasunduan sa naturang unified contract ay may kaugnayan sa working hours and days, working conditions, salaries, rest and recreation, proper treatment, at iba pa. Isa rin umano sa pinakamahalagang probisyon sa kasunduan ay ang pagresolba sa isyu ng contract switching at alteration. Bahagi umano ito ng kampanya ng DOLE na mabigyang-proteksyon at mabigyan ng disente at produktibong trabaho ang mga Filipino HSWs na nasa iba-ibang panig ng mundo.

Rice Trading Center sa Bulacan, baliknormal ang operasyon

P

resyo ng bigas, bumaba. Balik-normal na ang magdamagang operasyon ng 200 rice mill sa intercity industrial estate sa Bocaue, Bulacan. Kaya naman, inaasahan na umano ang tuluy-tuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa

bansa. Matatandaang nitong mga nakaraang buwan, tumaas ang presyo ng bigas, dahil hindi panahon ng anihan o panahong kapos ang suplay ng palay. Ayon sa tala ng GMA News, umabot kasi mula P23 hanggang P24 kada isang kilo ng bigas noong mga nakaraang buwan. Samantala, ngayon ay nagkakahalaga na lamang ito mula P17 hanggang P18 bawat kilo. Ang suplay ng mga palay sa intercity ay nagmumula pa umano sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Tarlac at Nueva Ecija.

DOLE: 10,000 mga Pinoy, ide-deploy sa Iraq sa 2014

S

akaling mapirmahan ang isang bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at bansang Iraq, mahigit 10,000 mga Pinoy umano ang pwedeng i-deploy sa bansang Iraq sa kalagitnaan ng taong 2014. Kasunod ito na pag-aalis sa ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa naturang bansa nitong Hulyo lamang. Ito ang kinumpirma ni Labor Recruitment Consultant Emmanuel Geslani sa GMA News. Ika niya, nasa huling stage na umano ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng pag-aayos sa mga detalye ng naturang kasunduan. Nangunguna umano sa mga kakailanganing manggagawa ay sa sektor ng medisina at konstruksyon. Ang iba naman ay sa telecommunications at port sectors. Nakasaad umano sa kasunduan na pinapayagang magtrabaho sa anumang rehiyon sa Iraq ang mga Pinoy, bukod na lang sa mga lugar na binansagang “no go zones,” kagaya ng Salahuddin/Salahaddin, Kirkuk/Tamim, Ninewah/ Nineveh, at Anbar.

Unang babaeng archbishop, itinalaga sa Sweden

DFA: Mga pinoy hairdressers, make-up artist wagi sa kumpetisyon sa Malaysia

N

ag-uwi ng medalya ang ilang Filipino hairdressers at make-up artists sa katatapos lang na 17th Asia Pacific Hair and Make-up Olympics sa Kuala Lumpur Convention, Oktubre 6 at 7. Batay sa pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs sa isang artikulo ng GMA News, pumangatlo ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang nagwagi sa nasabing kumpetisyon. Nanguna naman ang mga bansang Taiwan at Malaysia. I ka t l o n g pwe s to a n g n a i uw i n i Ro n a l d Esperanzate, make-up artist, at ikaapat na pwesto naman si Jason Hisola, hairdresser, para sa mga kategoryang bridal make-up category at ladies’ designer haircut and men’s avant-garde haircut. Patunay umano ito na kinikilala sa buong Asya Pasipiko ang husay at pagka-malikhain ng mga Pilipino. Ilan pa sa mga bansang lumahok ay ang China, Cambodia, Australia, India, Hong Kong, Japan, Indonesia, Macau, Myanmar, Mongolia, Singapore, Papua New Guinea, South Korea, Sri Lanka, at Thailand.

S

a unang pagkakataon sa kasaysayan ng Sweden, itinalaga nitong Oktubre 15 ng The Church of Sweden ang kanilang kauna-unahang babaeng archbishop, sa katauhan ni Antje Jackelen. Pinalitan ni Jackelen ang kasalukuyang lider ng simbahan na si Anders Wejryd sa bisa ng 55.9% na boto. Ika ni Wejryd sa isang news agency, ang TT, panahon na umanong magkaroon ng isang babaeng lider ang kanilang simbahan. Karamihan sa mga residente ng bansa ay mga miyembro ng nasabing simbahan. Mayroong dalawang anak si Jackelen sa isang pari. Siya ay 58 taong-gulang sa kasalukuyan.


3

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Presyo ng tinapay, magmumura Batas para madagdagan ang benepisyo ng mga sundalo, ipinanukala

H

indi na tataas pa ang presyo ng tinapay sa pasko, pati na sa pagpasok ng bagong taon. Ito ang pahayag ni Chito Chavez ng Philippine Bakers Association sa TV news program na Bandila hinggil sa balitang pagmumura ng presyo ng tinapay, partikular na sa pagpasok ng holiday season. Sa merkado, bumaba kasi ang presyo ng harina at trigo--mga pangunahing sangkap ng tinapay at ng ibang pastries. Mula P900 kada 25 kilo ng harina, mula P870 hanggang P900 na lamang ngayon. Samantalang mula $300 kada metric ton, bumaba naman ang presyo ng trigo sa $250 na lamang sa ngayon. Ayon din sa ulat ng naturang programa, kinumpirma na rin umano ng Department of Trade and Industry ang 50 sentimos na pagbaba ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ngayong holiday season.

Batas na nag-aamyenda sa Juvenille Act, nilagdaan na

P

irmado na ni Pangulong Aquino ang Republic Act No. 10630, isang batas na nag-aamyenda sa RA No. 9344 o Juvenile Justice Welfare Act of 2006 at nagpapatibay sa juvenile system sa bansa. Sa ilalim ng batas na ito, sinasabing hindi maaaring makasuhan ng kriminal ang isang batang lumabag ng batas na may edad na 15 anyos pababa. Bahagi rin ng naturang batas ang pagtatayo ng isang 24-hour child-caring institution, ang Bahay Pag-asa, na pangangasiwaan ng local government units (LGUs) at/o mga lisensyadong nongovernment organizations (NGOs). Ituturing umano ang Bahay Pag-asa bilang intensive juvenile intervention at support center, na magbibigay ng panandaliang residential care para sa mga batang lumabag sa batas.

BFAR, nangangampanyang huwag hulihin at kainin ang mga babaeng talangka

K

asabay ng selebrasyon ng Golden Year of Fish Conservation Week, malakas ang apela ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) na “huwag habulin, hulihin at kainin ang babaeng” talangka. Ang kampanyang ito, ayon sa National Director ng BFAR na si Asis G. Perez, ay hinggil sa konserbasyon sa mga talangka at sa mga kaparehong species nito. Ang hindi paghuli at pagkain sa mga ito ang pinakamabisang pamamaraan umano para hindi maubos ang mga lahi nito. Batay kasi sa ipinalabas na mga tala ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS), mayroon daw kasing “slight decline” ang produksyon ng mga mud crabs. Sa buong reproductive cycle kasi umano ng isang babaeng talangka, kaya nitong makapag-produce ng mahigit sa tatlong milyong crablets. Sa halip na mga babaeng talangka, ikinakampanya ngayon ng ahensya na bilhin ang mga lalaking talangka—iyong may makikitid at mas matulis na mga “apron.” Samantala, sakop din umano ng kampanya ang mga tinatawag na “baklang” talangka, iyong may mas malapad na apron kaysa sa mga pangkaraniwang lalaking talangka, sapagkat ayon sa ahensya, ang mga ito’y mga babaeng talangka.

...[T]he government should also prioritize providing more benefits for the families and loved ones of our gallant soldiers.” Ito ang naging pahayag ni Sen. Juan Edgardo Angara sa ulat ng GMA News Online kaugnay ng inihain niyang panukalang-batas sa Senado, kung saan may pagkakataong madagdagan ang mga benepisyo sa pangkalusugan, pabahay, maging sa edukasyon para sa mga pamilya ng mga military personnel. Sa ilalim kasi ng Senate Bill No. 261 o ang Military Dependent’s Benefits Act, ilan sa mga benepisyong matatanggap ng mga dependent ng mga sundalo ay ang mga sumusunod: 1. Makatatanggap sila ng free hospitalization. Kabilang na rito ang mga gamot at medical supplies, professional services, dispensary o outpatient, ambulance, maging ang libreng dental services. 2. Makatatanggap ang mga ito ng tulong-edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo: P6,000 kada taon sa loob ng apat hanggang limang taon para sa mga mag-aaral sa kolehiyo; P4,000 kada taon sa loob ng dalawang taon para sa mga vocational students; P3,000 kada taon sa loob ng apat na taon para sa mga mag-aaral sa high school; at, P2,000 kada taon sa loob ng anim na taon naman para sa mga mag-aaral sa elementarya. Ika pa ni Angara: “It’s the least we can do as they put their own lives at stake in their commitment to protect and defend our country’s sovereignty and integrity.”

Batas na magbibigay proteksyon sa mga taxi passengers, ipinanukala

B

unsod umano ng dumaraming bilang ng mga nabibiktima ng abusadong taxi drivers, ipinapanukala ngayon sa Senado, sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1206, o ang “Taxi Passenger Bill of Rights.” Sa naturang panukalang batas ni Sen. Mirriam Defensor-Santiago, mabibigyang-proteksyon ang mga sumasakay ng taxi, dahil nakasaad dito na kailangang ,malinis, smoke-free, at maayos ang kundisyon ng taxi. Kailangan din umanong maging magalang at matulungin ang mga drayber at kailangang ihatid ng mga ito sa wastong patutunguhan ang kanilang mga pasahero. Ilan naman sa mga parusang naghihintay para sa mga lalabag nito ay ang pagkakaroon ng multa, suspension ng driver’s license, at pati na ang suspension sa lisensya ng kanilang mismong operators. Sa naturang panukalang batas, ito ang mga multa ng mga violators: P2,000 para sa first-time violators, P5,000 para sa ikalawang offense, at P10,000 naman para sa ikatlo at sa mga susunod pang paglabag, kabilang na ang driver’s license suspension.


4

November 2013

M

ay isang langgam na patalon-talon sa init ng araw habang naghahanap ng pagkain. Nakakita ito ng bahay-uod (chrysalis). Ang buntot ng uod (pupa) ay biglang gumalaw, na ikinagulat ng langgam dahil ito pala ay buhay. “Ah isang kalunos-lunos na nilalang” ang kanyang nasambit. “Napakasama naman ng iyong kapalaran”, wika nito. “Kung nanaisin ko, maari akong tumakbo paroo’t parito sa pinakataas na puno, subalit sa anyo mo na iyan, ikaw ay bilango ng iyong sariling bahayan.” Narinig itong lahat ng uod subalit hindi ito kumibo at nanahimik lamang. Pagkalipas ng ilang mga araw, ng dumaan ang langgam sa parehong lugar na iyon, wala ng buhay ang bahay-uod. Habang iniisip ng langgam kung ano ang nangyari sa uod, may biglang pumayong sa kanya na isang napakagandang paruparo. Ang kanyang mga pakpak ay parang mga brilyate na kumikislap sa sinag ng araw. “Heto, tingnan mo”, ang sabi ng paruparu, “ang iyong sinasabing kalunos-lunos na nilalang. Ipagmalaki mo ngayon ang iyong kakayahan na tumakbo at umakyat sa punong iyon, at tingnan mo kung akoy makikinig sa iyo”. Pagkasabi, biglang

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

lumipad at nagpatangay sa sayaw ng hangin ang paruparo at mundo? Bakit buhay ka pa rin? Hindi ba nakangiti ka ngayon naglaho sa paningin ng langgam. habang iniisip mo yung mga eksenang iyon? Natatawa ka na isipin ang mga nakakaloka mong adventures in life. Nakaranas ka na ba ng isang problema na sa tingin mo ay mukhang napakahirap harapin? O kaya kasalukuyang may Kung ngayon ay pasan mo ang buong daigdig, o may kakilala hinaharap na hamon ng buhay na sa tingin mo ay walang ka na parang pinagkaitan ng tadhana, huwag mawalan ng pagparaan na ito ay malusutan o maayos? Ano ang ginawa mo? asa. Tandaan, na minsan, ang tamang paraan ay maghintay. Parang paro-paro. Naalala mo ba yung unang heart break mo? Ibinuhos mo ang lahat ng iyong makayanan ipaglaban lamang ang iyong first May katanungan ka ba na nais naming mabigyan ng love? Tanda mo pa ba na nakapag-away ka pa sa iyong mga kasagutan sa Daloy Kayumanggi? Sumulat lamang sa aming kaibigan, o kaya sa iyong mga magulang, mahalin lang ang email address na erwin@daloykayumanggi.com o kaya maghampas-lupa na iyo. At anong nangyari, bigla ka na lang niyang message sa aming facebook page sa www.facebook.com/ iniwan ng walang karason-rason? daloykayumanggi. Makikita din kami sa Google+, Linkedin o Sa eksaktong panahong iyon, di ba na parang gumuho ang Twitter (daloyJapan). Makabuluhang pagbabasa! iyong mundo, na ikaw laban sa mundo? Hindi pa na pakiramdam mo ay parang sasabog ka at wala ng pwedeng Acknowledgement: Ang kwento ng langgam at paruparu ay solusyon sa problema mo. hango sa mga pabula ni Aesop (www.aesopfables.com). Ngunit ngayon, anong nangyari? Bakit hindi gumuho ang

Wanna Inspire Pinoys In Japan?

We are looking for cartoonists, writers, columnists and contributors for Daloy Kayumanggi

Contact Person: Erwin Brunio Email: erwin@daloykayumanggi.com


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

5

November 2013

Balita

Palasyo: Maayos at mapayapa ang isasagawang Barangay Elections

Mula sa Pahina 1 Si Megan din ang nanguna sa Top Model contest ng nasabing timpalak, kung saan inirampa ng mga kandidata ang iba’t ibang kasuotang gawa ng mga Indonesian designers. Hindi natinag Hindi talaga natinag si Megan Young ng dalawang malaking kontrobersiyang lumutang nang siya ang tanghaling kinatawan ng ‘Pinas sa Miss World Pageant. Ang una ay ang hindi patas na laban sa Ms. World-Philippines, dahil isa nang artista si Megan. Ikalawa ay ang kumalat na sexy photo ng beauty queen at ang pangambang ma-disqualify siya sa world pageant. Nalampasan ang lahat ng ito ng actress-turned-beautyqueen na si Megan. Wala siyang ibang sinunod kundi ang basic rules na kailangang sundin ng isang beauty queen. Isa sa mga kapansin-pansin sa kaniyang transformation mula sa pagiging actress ay ang gorgeous body na kaniyang inirampa sa Bali, Indonesia noong Setyembre para sa pageant. Ayon sa kaniyang mentor na si Jonas Gaffud ng Aces and Queens, hindi nag-undergo ng strict diet ang beauty queen, kundi kumain lang siya nang maayos.

F

ree, orderly, honest, peaceful, and credible Barangay Elections. Ito ang sinisiguro ng Malakanyang sa isasagawang eleksyon sa bawat barangay sa bansa nitong Oktubre 28. Inatasan ng palasyo ang Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang Commission on Election (Comelec) gun ban. Katunayan, marami-rami na umano ang bilang ng mga taong naaresto kaugnay ng paglabag sa naturang gun ban. Mahigpit na pagpapatrolya at paglulunsad ng mga checkpoints ang isinasagawa umano ng pulisya, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa isang panayam sa dzRB Radyo ng Bayan. Ang nasabing gun ban ay nagsimula nitong Setyembre 28.

Mula sa Pahina 1 Isa sa mahahalagang probisyon ng Senate Bill No. 1421, na inihain ni Sen. Grace Poe, ay nagsasaad na maaaring mag-loan ang isang OFW ng P50,000 sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ito ay kung ang isang OFW ay mayroong valid certified contract ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ang naturang halaga ay babayaran ng OFW sa loob ng 12 buwan, sa pamamagitan ng installment basis. Hindi lalagpas sa 6% ang magiging interes. Batid ng gobyerno ng Pilipinas na malaki ang suporta sa ekonomiya ng mga ipinapasok na remittances ng mga OFWs, na ayon sat ala ng World Bank, ay umaabot sa $24 bilyon taun-taon.

Mula sa Pahina 1 Ilalaan umano ang handog na halagang ito sa mga pagkain, tubig, sanitasyon at iba pa para sa mga mamamayan ng Zamboanga. Bahagi pa rin ito ng bilateral friendship and cooperation ng dalawang bansa.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

November 2013

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Japan Correspondent: Aries Lucea Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Disaster Preparedness

U

maga ng ika-15 ng Oktubre ng binulabog ng isang 7.2 magnitude na lindol ang mga residente ng Bohol at karatig probinsiya nito kabilang na ang Cebu. Tumatayang milyong-milyong ari-arian kasama na ang mga lumang simbahan at ilang daang buhay ang nawala dahil na rin sa lakas ng naging impact ng lindol. Isang linggo naman bago nito, nanalasa ang bagyong Santi sa Luzon at hanggang ngayon ay paralisado ang pamumuhay ng mga tao sa Cabanatuan dahil sa kawalan ng kuryente sa ibang parte ng probinsiya. Sa kasalukuyan, patuloy na kumikilos ang pamahalaan at iba pang NGOs para agarang matulungan ang mga naging biktima ng magkasunod na sakunang ito. Gayundin, sinisimulan na ng mga taga-Luzon at Visayas ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura at kabuhayan para mabilis na makabalik sa normal ang kanilang buhay. Para sa karaniwang Pilipino, ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago, sabi nga nila “the Filipino spirit is waterproof, at kamakailan lamang, “earthquake-proof” na rin daw. Hindi tulad ng mga isyu tungkol sa Pork Barrel o gulo sa Zamboanga, walang panahon para magsisihan o magturuan kung sino ang dapat managot o may kasalanan kung may mga ganitong natural na kalamidad. Gayunpaman, ang maaari sigurong paghandaan ng ating pamahalaan lalo na ang bawat pamilya ay kung paano mas magiging handa pagkatapos ng mga ganitong hindi maiiwasang pangyayari. Kung kaya’t ang tanong ngayon ay: gaano ba tayo kahanda sa pareho o mas malakas na lindol o bagyo sa mga malalaking siyudad sa Pinas

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com tulad ng Metro Manila o Metro Cebu? Kung mga bagyo ang pag-uusapan, obvious na ang kasagutan dito dahil taon-taon na lamang ay binabaha hindi lamang ang Metro Manila kundi mga karatig bayan nito. Pero kung lindol ang pag-uusapan, hindi tiyak kung gaano katibay ang mga gusali at kabahayan para sa isang mega-quake sa hinaharap. Ito ang nakakatakot sa lindol—ang walang katiyakan na pagdating nito. Pero ito rin marahil ang kagandahan nito—maaari itong paghandaan. Ang mahalagang tanong na lamang siguro dito ay kung magkano ang inilalaan ng gobyerno para sa disaster preparedness para sa mga sakuna tulad ng lindol. At kung naglalaan nga, baka mas magandang pag-aralan kung makakapaglaan ng mas malaking pondo sa paghahanda sa mga sakuna kumpara sa pondo para sa rehabilitasyon pagkatapos nitong manalasa. Ngunit maganda ring isaisip na hindi lamang sana iasa sa gobyerno ang ganitong pasanin. Responsibilidad rin ng bawat pamilyang Pilipino na maging handa at maglaan ng budget para sa pagdating ng mga malalaking kalamidad sa hinaharap.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Kultura at Sining

7

November 2013


8

November 2013

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

“City of Angels,” “City That Never Sleeps,” “Big Apple,” “Gotham”—ilan lamang iyan sa mga bansag sa isa sa pinakasikat na siyudad sa buong mundo—ang New York City.

A

aminin ko, noong una ay hindi ako naging ganoon ka-excited sa aking unang pagbisita sa Amerika. Isa sa mga dahilan ay personal na paniniwala at isa naman ay kakulangan sa oras para makapaghanda. Dahil na rin sa impluwensiya ng aking mga nabasa at natutunan sa unibersidad, hindi naging maganda ang dating sa akin ng pakikialam at kung minsan ay pagmamalabis ng bansang Amerika sa iba pang mga bansa lalo na sa mga giyera sa Afghanistan at Iraq pati na rin sa patuloy na malakas na impluwensiya nito sa Pilipinas. Kaya kumpara sa Paris, hindi ito kasali sa mga lugar na pinangarap ko talagang bisitahin. Dagdag pa nito, hindi ako masyadong nagkaroon ng oras makapaghanap ng mga papasyalang lugar dahil na rin sa inaayos ko ang presentasyon ko para sa kumperensya na siyang pangunahing dahilan ng pagpunta ko doon at isa pa, tinatapos ko ang internship ko noong mga panahong iyon. Gayunpaman, dahil na rin sa madalas na panonood ng mga pelikulang Hollywood, aaminin kong naengganyo rin ako sa posibilidad na mapasyalan ang mga lugar na napanood ko sa mga pelikulang Spiderman, X-men, at Batman. Nasabik rin akong malakaran ang mga kalye na nilalakaran ng mga bida ng mga paborito kong US TV drama tulad ng Glee at Suits. Kaya kahit pa ang orihinal na pakay ko sa pagpunta sa New York ay para mag-present ng aking pananaliksik tungkol sa media ng Japan at kultura nito, hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makapamasyal pagkatapos ng kumperensya.

sa US, nagsisilbi pa rin itong inspirasyon para sa karamihan ng mga New Yorkers at Amerikano. Marahil isa ring kontribusyon ng mga Amerikano sa buong mundo ay ang sining ng pagtatanghal sa entablado. Kung kaya’t hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mapanood ang hit Broadway musical na Wicked. Ito ang una kong panonood ng kahit anong Broadway musical kaya pinilit kong magdamit kahit semi-formal lang, bilang paggalang sa tradisyon ng sining na ito na kinikilala sa buond mundo. Pagkatapos ng palabas ay lubos ko ng naunawaan ang pagkawili ng marami sa ganitong palabas—nakatutuwa, nakamamangha at naka-eenggayo ang pag-arte, kuwento at interaksyon ng buong cast sa isa’t isa kaya kahit may kamahalan, sulit ang bayad ng kahit na sino.

We gonna jump and shout The Statue of Liberty said, “come!” NYC…NYC…NYC Que pasa Ny?... Que pasa NY? --New York City, John Lennon

ang Empire State Building ng marami bilang ang gusali na inakyat at pansamantalang ginawang tirahan ni King Kong sa pelikulang may pareho ring pamagat. Ang Top of the Rock naman ay kilala sa mga turista dahil sa open-air na tuktok nito kung saan makikita mo ang kabuuan ng siyudad ng walang sagabal na salamin o bakal. Isa pang pasyalan sa gitna ng mga gusali at makukulay na ilaw ay ang Times Square na dinudumog ng mga tao at pinapanood ng buong mundo dahil sa maingay, makulay at masayang selebrasyon ng New Year dito. Dahil sa dami ng mga nangyayari sa paligid, hindi mo alam kung ano ang una mong bibigyan mo ng atensyon. Dahil sa dami ng mga kumikinang, hindi mo alam kung alin ang un among titignan at kukuhanan ng litrato. Kadalasan, nararamdaman ko lang ang ganitong pakiramdam tuwing nasasadya ako ng Shibuya at dumadaan ako sa scramble kousaten kung saan tinatayang libo-libong tao ang tumatawid araw-araw.

American Tradition Bago pa man naging tanyag ang New York dahil sa mga matatayog nitong gusali, kilala na sa lahat ng mga manlalakbay na pumapasok sa tinatawag nilang New World (tawag ng marami noon sa Amerika) ilang dekada na ang nakararaan ang Liberty Enlightening the World o mas kilala sa pangalang Statue of Liberty. Kumakatawan sa mga konsepto ng kalayaan at bagong oportunidad, ang Statue of Liberty ang nagsilbing inspirasyon ng mga sinaunang migrante na nanirahan sa Amerika. Gayunpaman, kahit hindi na ito ang dinadaanan ng mga bagong salta kapag bumibisita

“In New York, concrete jungle where dreams are made, oh There's nothing you can't do, now you're in New York” --Empire State of Mind, JayZ

Sky is the limit Kahit pa sa pagkawala ng Twin Towers dahil sa atake ng mga terorista noong 9/11, isa pa rin ang New York sa may pinakamatayog na skyline sa buong mundo. At hindi kumpleto ang paglalagalag ng isang turista sa New York kung hindi aakyat sa dalawang pamosong skyscrapers ng siyudad, ang Empire State Building at Top of the Rock. Kilala

If I can make it there I'll make it anywhere It's up to you New York, New York --New York, New York, Frank Sinatra Diverse Food Siyempre, hindi pwedeng matapos ang kuwento ko sa New York kung hindi ko matitikman ang nagkalat at iba ibang kainan at pagkain ng siyudad. Dahil na rin sa udyok ng kaibigan ko na naka-base sa New Jersey at kasama ko sa aking pamamasyal, nasubukan kong kumain sa isang mamahaling restawran kung saan umabot ang tip na ibinigay ko sa waitress ng $20! o Y2000 (kadalasan ay 15-20% ng total bill ang dapat na tip kaya isipin niyo na lang kung magkano ang nagastos namin!) hanggang sa mga stalls sa lansangan na nagbebenta ng chicken rice, at ng sikat na pizza para sa mga taong on-the-go. Dito ko sa New York napatunayan ang katotohanan sa katagang, “you are what you eat!” dahil sa mga pagkaing kinain ko, inilarawan nito ang diversity ng pinanggalingang bansa, kultura, at panlasa ng mga taong nakatira at bumibisita sa siyudad. Sa pagkain rin namulat ang pag-iisip ko sa uri ng lifestyle mayroon ang mga tao sa New York, kung saan para sa kanila ang pinakamahalagang bahagi ng pagkain nila ay ang hapunan kaya laging puno ang mga restawran sa ganitong oras. Hindi ko maikakaila na habang nandun ako ay pilit kong ikinukumpara kung ano ang pagkakaiba ng New York sa Maynila at sa Tokyo. Kung kaya’t ng tanungin ako ng kaibigan ko tungkol sa inisyal na impresyon ko sa siyudad, nabanggit ko na para lang itong “mas maunlad na Maynila pero mas maduming Tokyo.” Pero habang binibisita ko ang mga sikat na lugar, inaakyat ang mga matatayog na gusali, pinapasyalan ang maingay at buhay na buhay na siyudad ng New York, tila na-appreciate ko na kung bakit tinatawag nila itong greatest city on earth. At hindi ito dahil sa nagtataasang skycrapers, o sa modernong konsepto ng kalayaan at sining, at mas lalong hindi sa halo-halo nitong mga pagkain—ito ay ang kombinasyon ng lahat na sa New York mo lamang makikita.


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Personal Tip: Kabuhayan

Sundin ang 7020-10 Rules ng Guminhawa ang Buhay

Halaga ng Edukasyon Hinggil Sa Tamang Paghawak ng Pera

M

adalas, ito ang nagiging problema ng ilang mga tao: “Kakasuweldo ko pa lang, paubos na naman! Ano bang gagawin ko para hindi na lang paulitulit na ganito ang buhay ko?” Ang tawag ng mga financial experts sa mga taong may ganyang litanya sa buhay ay “survivors.” Ito’y sapagkat parang umiikut-ikot lang ang kanilang buwang routine: Earnspend-earn-spend. At minsan pa nga may dumaragdag-debt. Malamang sa hindi ay ayaw mong matawag na survivor. Kaya naman, basahin mo ang mga pamamaraang babanggitin sa artikulong ito, nang sa gayo’y makitaan ka naman ng ngiti sa iyong mga mukha. Pokus ng artikulong ito ang teknik na tinatawag na 70-20-10 rule.

bong pamumuhay, puwes, masasanay ka naman ngayon na mamuhay gamit ang 70 percent ng iyong kita--ito’y kung gusto mong hindi matawag na survivor. 20 percent Sa 20 percent, dito naman pumapasok ang iyong savings. Bago mo pa magastos ang iyong kita, itabi mo na sa iyong savings account ang 20 percent ng iyong sahod. At siyempre pa, tandaan: Ang naipong pera ay ‘wag mong gagalawin o babawasan. 10 percent Ano naman ang 10 percent. Ito naman ang ilalaan mo sa Panginoon. Sa katawagan ng mga Kristiyano, ito yung “tithe.” Marapat lang din namang ibalik mo ito sa Panginoon, sapagkat siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng buwanang kita. Isa pa, may nabasa akong libro na ang sikreto umano ng isang may-ari ng isang sikat na brand ay ang 70 percent Ang numerong 70 ay nagre-representa sa 70 percent ng pagbibigay ng ikapu ng kita ng kanyang kinikita sa kanilang iyong buwanang kita. Ika ng mga eksperto, matutong simbahan. Ito umano ang kanyang “secret weapon.” Oo, mahirap baguhin ang iyong nakasanayan na. Pero, mamuhay sa 70 percent lang ng iyong sahod. ‘Wag nang kung motivated ka talagang mabago ang takbo ng iyong sosobra pa. Dito pumapasok ang popular na kasabihan ng buhay at ng iyong pamilya, mas magandang mamaluktot na mga Pinoy: “Kapag maiksi ang kumot, marunong namang muna. mamaluktot.” Ibig sabihin nito, kung nasanay ka sa magar-

Ilang mga Motibasyon Tungo Sa Pagkamit ng Iyong mga Plano sa Buhay

Napakahalaga ng motibasyon.​ Ito kasi ang nagsisilbing “diving force” ng isang tao para gawin ang isang bagay o makamit ang isang pangarap. Kaya naman, magandang haluan natin ang partikular na isyung ito ng Daloy Kayumanggi ng ilang mga teknik na pwedengpwedeng gawin ng sino mang indibidwal nang sa gayon ay ma-enforce o ma-motivate pa siyang mag-ipon para sa kinabukasan. Kung interesado ka, basahin mo ang ilan sa mga ito: 1. Gumawa ng iyong sariling financial goals. Isulat sa isang papel o post-it ang iyong mga plano sa buhay, e.g. “Sa susunod na limang taon, bibili ako ng sarili naming bahay;” “Papag-aralin ko ang aking mga anak sa magagandang eskwelahan;” “Gusto kong ipasyal ang aking pamilya sa Hong Kong Disneyland;” “Gusto kong bumili ng sariling kotse;” at iba pa. Ilagay ito sa isang lugar sa inyong tahanan na lagi mong pinupuntahan, halimbawa, sa harapan ng salamin, sa pintuan ng iyong closet, at iba pa. 2. Mag-set ng time limit para sa iyong mga goals. Epektibo ito, sapagkat inoobliga mo ang sarili mong makamit ang iyong mga goals sa buhay. Iyon nga lang, iwasan ang ma-

9

November 2013

syadong mahigpit na time-limit na nakasasakal na. Baka magiging dahilan pa ito ng iyong pagkadismaya kapag hindi mo nakamit ang iyong mga goals sa mga deadline na iyong itinakda. 3. Maglagay din ng mga larawan ng iyong balak bilhin sa inyong tahanan. Kung gusto mo halimbawang bumili ng kotse, maglagay ka ng visual clues sa iba't ibang bahagi ng inyong bahay. Halimbawa'y bumili ng isang unan na ang disenyo ay kotse, o 'di kaya mag-display ng pigurin ng isang sasakyan sa harapan ng telebisyon, at iba pa. Ang mahalaga, napapaalala sa iyo lagi ang iyong partikular na goal. 4. Isama mo ito sa iyong journal o blogs. Maganda rin, para hindi mo talaga makalimutan ang iyong mga plano sa buhay, gawin mo itong paksa sa ilan sa iyong mga blog entries halimbawa, kung ikaw ay mahilig sa pagba-blog. Sa pamamagitan nito, mas pumapasok sa iyong sistema ang mga gusto mong gawin sa buhay. Ilan lamang ‘yan sa mga pamamaraan. Marami pang iba ang tiyak na makapagbibigay sa iyo ng motibasyon tungo sa pagkamit ng iyong mga plano sa buhay. Ang gawin mo: Magsaliksik.

M

alaking bagay ‘pag ikaw ay educated...lalung-lalo na pagdating sa paghahawak ng pera. Madalas, nagkakaroon ang ilan sa atin ng problema sa pera dahil, ang nangungunang rason, wala tayong kaalam-alam o sapat na edukasyon hinggil sa tama at hindi tamang paghahawak ng ating mga pera. Kaya naman, mungkahi ng artikulong ito: Magbasa’t magaral nang ikaw ay yumaman. Magbasa ng mga Inspirational Books Isang magandang babasahin ay ang mga libro na tumatalakay sa buhay, madalas “from rich to richest story,” ng ilang mga personalidad. Mula sa bawat kuwentong ito, tiyak ay makakapulot ka ng inspirasyon o teknik para makawala sa hirap ng buhay na nararanasan mo ngayon. Ilista mo sa isang kuwaderno ang ilang mga maliliit na detalyeng natutunan mo at ugaliing balik-balikan ang mga ito nang sa gayon ay magsilbing gabay mo tungo sa iyong ikatatagumpay.

Magbasa ng Ilang mga Financial Literacy Books Noon, ang madalas kong binibili sa bookstore ay mga nobela, ngayon mas madalas na akong bumibili ng mga librong tumatalakay kung papaano magkaroon ng financial freedom. At sa ilang buwang pagbabasa ng mga ito, masasabi kong malaking bagay ang naidulot ng mga ito, partikular na sa pagbabago ng aming pang-araw-araw na routine. Tulad na lamang halimbawa, nang dahil sa isang librong nabasa ko, natuto kaming maglista ng mga expenses, gayundin ng aming income. Natuto rin kaming mag-assess kung paano pa paliliitin ang aming expenses nang sa gayon ay mas marami ang mapunta sa aming savings. Gayundin, naging bahagi na rin ng aming sistema sa tuwing lumalabas kami ng mall at napapadaan sa ilang mga nakakaengganyong bilhing mga items ang pagtatanong ng apat na mga tanong ni Vic Garcia (na tinalakay din sa isyung ito ng Daloy Kayumanggi). At hindi lang ito base sa aking personal na karanasan. Sumasang-ayon din sa gawaing ito ang ilang mga financial experts. Kung kaya, payo ko sa mga nagnanais magkaroon ng financial freedom: Matutong makinig sa mga eksperto. Matutong magbasa ng mga libro.

Ituro sa Ating mga Anak ang Halaga ng Pag-iimpok at Pagiging Responsable

I

ka nga nila, ang pundasyon ay napakahalaga sa paghuhubog sa isang indibidwal para maging responsable sa buhay. Dito pumapasok ang pagtuturo sa isang indibidwal, bata pa lang, hinggil sa wastong paghahawak ng pera. Ito’y nang sa gayo’y paglaki niya ay mas magiging maalam siya sa tunay na halaga ng bawat pisong lumalabas sa kanyang bulsa.

pagtitipid. Halimbawa, kung mayroon silang gustong bilhing gamit, sabihin sa kanila na itabi ang ilan sa kanilang mga allowance para kapag maiipon ay pwedeng-pwede na nila itong ipambili ng kanilang gustong gamit. 3. Ituro rin sa iyong mga anak ang pagkakaiba ng “pangangailangan” vs. “luho.” Ipaalam sa kanila na: Ang ilang bagay ay sadyang kailangang bilhin dahil Kaya, habang bata pa ang iyong mga anak, sundin talagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay mo ang mga sumusunod na tips: ng isang tao, halimbawa ay pagkain. Subalit, mayroon 1. Bigyan ng lingguhang allowance ang iyong mga namang iba na nagsisilbing luho lang, halimbawa anak. Ang layunin nito ay para matutong mag-budget ay gadget. Ito ay para maipaalam sa kanila ang mga at magtipid ang iyong mga anak. Maigi rin kung ang kailangang iprayoridad sa buhay, habang bata pa. gawin mo ay, bigyan mo muna ng mga maliliit na gawain sa bahay ang iyong mga anak, halimbawa ay pagSa mga tips na nabanggit sa itaas, malaki ang didilig o paghuhugas ng pinggan, bago mo ibigay sa tiyansang paglaki ng iyong mga anak ay “unleasher” kanila ang kanilang allowance. Ito rin ay para maging din ang mga ito--ibig sabihin, marunong sa buhay at malay sila na ang pera ay kailangan din paghirapan mulat sa halaga ng mga bagay-bagay, partikular na sa bago ito makuha. halaga ng bawat sentimong ipinapalabas sa ating mga 2. Ipaalam sa iyong mga anak ang benepisyo ng bulsa.


10

November 2013

Personal Tips: Kabuhayan

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Mahahalagang 'Wag Maging Pretender Itanong sa Sarili Bago Bumili ng mga Bagay

U

gali mo bang bumili ng mga bagay na hindi naman gaanong importante sa’yo? Kung oo, ang tawag diyan: paggagasta. Pero sabi nina Vic at Avelynn Garcia, mga financial management experts, sa kanilang librong “Kontento ka na ba sa kaPERAhan mo?”, bago raw bumili ng kung anu-anong bagay, kailangan mo munang tanungin ang iyong sarili ng apat na mahahalagang tanong bago maglabas ng pera. Naririto’t basahin mo’t pagnilayan: Tanong #1: Gusto mo ba iyan? Karaniwang sagot marahil natin dito ay, “Oo. Hindi lang gusto, gustung-gusto!” Pero, hindi ito sapat para bilhin ang isang partikular na bagay. May tatlo ka pang itatanong sa iyong sarili. Tanong #2: Kailangan mo ba iyan? Damit? Oo naman, kailangang-kailangan nating lahat ‘yan para mas magmukhang presentable sa ibang tao. Pero, wait, ‘wag muna! Tanong #3: Kaya mo ba iyan? Naku, ito na yung puntong mapapa-”Ah... Eh...” ka. Eh kung libo ang halaga ng isang damit lang, magmu-move-on ka pa ba sa susunod na tanong? Pero teka, ano ang susunod na tanong? Tanong #4: Kagustuhan ba ng Diyos? Kung para lang din naman sa luho mo, baka hindi. Kung ilalaan mo sa edukasyon ng anak mo yung perang ipambibili ng mamahaling damit na iyong gustong bilhin, baka hindi. Kung para lang magpasikat ka at matawag na “mayaman,” baka hindi rin. At kung hindi ito kagustuhan ng Diyos, bibilhin mo pa ba? Baka mas maiging, huwag na lang. Kaya, sa susunod na pagsa-shopping mo, mangyaring tanungin ang iyong sarili ng mga nabanggit na apat na tanong.

Mary: OMG! I wanna buy that LV bag! Nicole: Kaya mo? Mary: Ah... Eh... (Sad face) Nicole: Ayun na nga sabi ko eh. Alam mo, Mary, ‘wag ka kasing pretender! Nakaka-relate ka ba sa usapang ito nina Mary at Nicole? O ‘di kaya, kagaya ka ba ni Mary na isang pretender? Aray ko po! Masakit bang pakinggan? Marahil, ang sagot mo’y “Oo. Parang ako kasi ang tinutukoy.” Kung gayon, kailangan mong malaman na isa sa mga sikreto para makuntento sa iyong buhay, at nang sa gayo’y makapag-ipon ng pera ay huwag maging mapagpanggap. Anong ibig sabihin nito? Kinakailangan mong makuntento sa kung anong meron ka at matutong mamuhay sa realidad—kung hindi mo kayang bumili ng gamit (na sa realidad ay hindi mo naman talaga “afford”), mas maigi na lamang na mamuhay nang simple. Dahil, kung magpapatuloy ka sa pagiging pretender, baka ka mauwi sa pagiging lubog sa utang para lamang mabili mo ang bagay na wala naman talaga sa iyong kapasidad. At mas matindi: Baka ka pa maging sentro ng katatawanan, dahil alam ng mga taong nasa

Kurot Lang, 'Wag Dakot

​I

kaw ba yung tipong kakasahod mo pa lang ay kung anu-ano nang iniisip mong bilhin? Bagong flat-screen TV, mamahaling gadget, branded na damit, at iba pa? Naku, kung ganyan ang prinisipyo mo sa buhay, baka ilang araw pa lang ang nakararaan ay butas na ang iyong bulsa. Ika ng mga financial experts, kung gusto mong umasenso sa buhay, matuto ka sa prinsipyong ito: “Huwag kang dumakot, kumurot ka lang.” Anong ibig sabihin nito? Kapag halimbawa natanggap mo na ang iyong sahod sa kinsenas, ibibili mo ba ito ng mamahaling TV? Hindi muna, maiging magtiis ka muna sa iyong lumang telebisyon, basta ang mahalaga, nakakapanood ka. Tiis-tiis din ‘pag may time. Isa pang halimbawa: Napadaan ka sa isang mall, isang araw paguwi mo mula sa trabaho. Bigla kang nagutom. Eksaktong nasa tapat ka ng dalawang restawran: ang isa, mamahalin; yung isa naman, malayong mura kaysa sa isa (pero halos parehas lang din naman ang laman ng menu list nila). Saan ka pupunta? Siyempre, hindi na sa mamahalin. Doon na lang sa kayang-kaya ng iyong bulsa. Ang mahalaga, kumain ka--nagkalaman ang iyong tiyan. Isa pa, hindi

Manalangin Muna Bago Bumili

N

paligid mo na naglalangoy ka sa isang huwad at mapagpanggap na pamumuhay. Tandaan mo na, hindi lang iba ang niloloko, mas lalo na ang iyong sarili. Kaya naman, sa halip na magagarbong gamit ang paglaanan mo ng iyong pera para lamang matawag kang “asensado,” “sosyal,” o “rich kid,” maglaan na lamang ng pera sa iyong savings o, mas maganda, mag-invest sa isang negosyo. Ito’y nang sa gayo’y magiging maluwag sa iyong bulsa ang pagbili ng mga bagay na nais mong bilhin.

agtataka ako sa isa sa aking mga kaibigan: “Bakit kaya tila bumubuhos ang biyaya sa pamilya niya? Noong isang taon, nakabili siya ng kotse. Ngayon naman, bahay sa Antipolo.” Pero, nang makausap ko siya kung ano ang kanyang sikreto, ika niya: “Lahat ng mga plano naming bilhin ng asawa ko, ipinapanalangin muna namin. At sa awa ng Diyos, nakukuha namin ang gusto naming bilhin.” Maging ang bibliya ay may binabanggit din kaugnay nito. Ayon sa Philippians 4:19, “My God shall supply all your need according to his riches in glory by Christ Jesus.” Ibig sabihin nito: Lahat ng mga pangangailangan natin ay galing sa kanya--ito’y kanyang biyaya sa atin. Kaya, marapat lamang na ipaalam natin sa kanya ang lahat ng ating mga plano, nang sa gayon ay magabayan tayo tungo sa pagkamit ng ating mga naisin. Kung kaya, sa susunod na pagbili mo ng property, sa pagbubukas ng panibagong negosyo, maging sa pagbili ng iyong bagong gadget, ‘wag kalimutang kausapin Siya. Ipaalam ang iyong mga balakin. Manalangin.

ka makokonsensyang gumastos nang malaki, sapagkat kumurot ka lang sa iyong bulsa. Ang problema kasi sa karamihan sa atin, madalaas ay mas pinipili nating bilhin ang isang bagay na mas mahal. Bakit? Karaniwang rason ay dahil mas sunod sa uso, para masabing “you belong” sa ibang taong nasa paligid mo, o ‘di naman kaya’y para masabing ikaw ay may-kaya sa buhay. Pero, kung gusto mo talagang maka-ipon at magkaroon ng maalwang buhay, matutong kumurot. Iwasang dumakot.

Mamuhay Nang Simple, 'Wag Maging Gastador

N

akakarinig tayo ng mga taong ang mga linya ay ganito: “Ano ba ‘yan? Ba’t ganun? Tumaas naman ang aking income ah? May bago naman akong raket? What’s wrong?” Ang mali: Ang kanyang pagiging gastador. Ika nga nila, “It’s not how much you make; it’s how much you save / keep.” Hindi porke’t tumaas ang iyong buwanang kita, marahil dahil sa panibagong mga negosyo / raket, ay pwedengpwede ka nang magwaldas. Dahil baka sa huli, sa halip na naging maalwan ang iyong buhay, maaaring mauwi sa nabanggit na linya sa itaas ang magiging litanya mo kinalaunan. Kaya naman ang sikreto: Control spending. ‘Wag matempt na bumili nang kung anu-ano sapagkat lumaki ang iyong monthly i n c o m e . ‘ Wa g m a g i n g gastador. Huwag gumaya sa ilang

mga personalidad, gayundin ng mga napabalitang nanalo sa lotto ngunit sa isang iglap lang ay nawalang parang bula ang lahat ng pera. Muli, ito’y sapagkat hindi sila natutong magkontrol ng kanilang mga sarili sa paggastos. Nilunod sila ng kanilang pera. At hangga’t maaari, iyon ang dapat nating iwasan. Mamuhay nang simple, ka-Daloy!


11

November 2013

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Kabuhayan

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Kung Gustong Umasenso, Ilista Mo

M

ayroon akong kakilala. Noon, mahilig siyang maglista ng lahat ng kanyang mga expenses. Ultimong sentimong pinambibili ng kendi ay nililista niya sa isang notebook, kung saan nakalista rin ang lahat ng kanyang mga income o pumapasok na pera. At akin ding nalaman na sa hulihan ng buwan, binabalikan niya ang kanyang listahan at binubusisi kung ano ang pwedeng alisin sa kanyang mga expenses nang sa gayon ay tuluyang makapag-ipon para sa kinabukasan. At, walang duda, ang taong tinutukoy ko sa ngayon ay asensado na. May sariling bahay. May negosyo. Napapag-aral ang mga anak sa magagandang eskwelahan. Hindi ba’t nakakainggit? Kaya naman, upang makaipon din kagaya ng aking kakilala, gawing bahagi na rin ng iyong pang-araw-araw na sistema ang mga sumusunod na hakbangin: • Ilista sa isang notebook ang lahat ng mga gastusin, mula sa iyong mga major expenses hanggang sa iyong ipinambili ng

Matutong Mag-Invest

I

sa sa mga kahinaan nating mga Pilipino ay ang pagte-take ng risk, halimbawa, sa pag-iinvest sa isang partikular na bagay. Ika ng ilang librong nabasa ko hinggil sa financial literacy, isa umano sa mga sikreto ng maraming mga mayayaman ngayon (o iyong mga nakararanas ng magandang buhay) ay ang kalakasan ng loob sa pag-iinvest ng kanilang pera sa isang bagay na alam nilang makapagbibigay sa kanila ng makinang na kinabukasan. Halimbawa, isang magandang investment umano ang pagbili ng ilang mga real estate properties (bahay at lupa). Maganda ring bumili ng mga foreclosed properties—ito yung mga inutang na properties at hindi nabayaran kaya hinila ng bangko o ng iba pang financial institution na napag-utangan ng dating may-ari. Ang maganda rito, pwedeng-pwede mo itong iparenta sa ibang tao at mae-enjoy mo na ang buwanang dating ng pera. Ang maganda pa rito, tumataas ang halaga ng real estate properties habang tumatagal. Maganda rin umanong mag-invest sa stock market. Sa pinasimpleng proseso: Ito yung pagbili ng shares o “blue chips” sa mga kumpanya at pagbebenta ng mga ito kinalaunan kapag tumaas na ang halaga ng bawat shares. Maraming mga yumayaman sa pamamagitan nito. Ngunit, malaki rin ang risk na iyong

kendi; • Ilista rin sa isang hiwalay na pahina ang iyong mga income; • Sa hulihan ng buwan, icompute ang lahat ng iyong expenses, gayundin ang iyong mga income. Pagtabihin ang mga ito at doon mo makikita kung kumita ka ba o lugi ka; Kung sa tingin mo naman ay lugi ka, maiging balikan ang iyong listahan: Alin sa mga ito ang mga pwedeng iwasang bilhin, sapagkat hindi naman talaga importante. Epektibo umano ang gawaing ito, nang sa gayo’y malimitahan mo ang sarili mo na gumastos nang malaki sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Sa pamamagitan nito, tiyak aasenso ka rin balang araw! Goodluck!

kakaharapin sa stock market. Sapagkat, nakadepende ang iyong kikitain sa takbo ng kumpanyang pinagbilhan mo ng iyong shares. At siyempre pa, maganda ring mag-invest sa isang business, halimbawa, isang franchise business. Sa halip na nakatago lang sa bangko ang iyong pera, dito, pwedeng-pwede mo itong mapalago, depende sa iyong abilidad na maghawak ng isang negosyo. Pero, kagaya ng nabanggit sa isang artikulo, bago mag-invest sa isang bagay, marapat lamang na ugaliing magdasal, nang sa gayo’y magsilbing gabay mo anuman ang iyong mga balakin sa buhay.

Paggawa ng Budget Plan

I

sa ka rin ba sa mga nagtatanong nito sa sarili: Malaki-laki naman ang aking sahod, pero bakit kaya hindi ko alam kung saan napupunta? Kung ganyan na ang tanong mo sa iyong sarili, mukhang may bagay na nakakalimutan kang gawin-ang pagba-budget. Pero, paano ima-manage ang iyong personal finances? Alamin sa artikulong ito kung paano ang tamang pagba-budget para hindi maging tuliro pagdating sa iyong kaperahan:

1. Sa isang Excel file, o kung walang kompyuter ay maglaan ng isang kwaderno, gumawa ng isang column kung saan nakalista lahat ng iyong mga monthly expenses: mula pambayad sa renta, pagkain, damit, pamasahe, pang-sine, pangkain sa labas, at iba pa. Hangga’t maaari ay maging detalyado sa paglilista. 2. Gumawa rin ng column hinggil sa lahat ng iyong mga income (o ang mga pumapasok na kita) sa loob

ng isang buwan. ‘Pag may asawa ka na, isama mo sa iyong listahan pati ang income ng iyong asawa.

3. Sa hulihan ng bawat buwan, sumahin mo ang parehong column. I-subtract mo ang iyong income sa iyong expenses. Ang matitira, iyon ang iyong savings. 4. I-assess mo kung alin ang mga items sa iyong expenses column na pwede mong alisin o iwasang bilhin. Kung hindi naman ito maituturing na necessity, maiging ‘wag na lang itong bilhin. 5. ‘Wag itapon ang iyong buwanang budget list. Ito’y para ma-track mo ang progress ng iyong kapasidad na mag-budget ng iyong mga pera.

Nawa ay sa pamamagitan ng mga hakbanging ito sa pagba-budget, mas magiging responsable ka na sa paghahawak at pagma-manage ng iyong mga personal finances tungo sa ikagaganda ng iyong buhay at ng iyong pamilya.

Mga Pamamaraang Kailangan Ikonsidera Para Lumobo ang Pera

S

a panahon ngayon, isang magandang ideya ang pagtitipid at pag-iipon ng pera. Ika nga, maganda nang maghanda sa darating na unos, kaysa saka pa lang aaksyon ‘pag nandiyan na. Kabilang sa artikulong ito ang ilang mga epektibong tips nang sa gayon ay makapag-ipon para sa maganda at maalwang kinabukasan ng iyong buong pamilya: • ‘Wag magdala ng malaking cash. Bakit? Ito’y upang ‘wag kang maengganyong mag-”impulse buying”--ito yung akto ng pagbili ng mga bagay na nakita mo lang at nagka-interes kang bilhin, kahit na hindi namang gaanong importante. • Hindi dahil sale, bili na agad. Minsan, malaki ang tendesiyang gumastos ng mga tao sa tuwing nagsesale ang mga malls o tindahan. Ngunit, kung hindi naman talaga kailangan ang item na nag-sale, maiging ‘wag mo na lang itong bilhin. Dahil, kahit sale ito, tandaan: Gumastos ka pa rin. Nabawasan pa rin ang pera mo. • Humiram sa halip na bumili. Ito’y lalo na kung gagamitin mo lang naman ito nang panandalian o isang beses lang. Halimbawa, kung may okasyong pupuntahan, magandang ideya kung humiram ka na lamang sa iyong mga kaibigan o kapamilya. • Huwag tumaya ng lotto. Tandaan na napakaliit lamang ng tiyansa na ikaw ay manalo sa isang lotto. Kaya naman, kung ikaw ay tataya araw-araw, isipin mo na lamang kung magkano ang nagagastos mo sa isang buong buwan. Ang maigi pa, idagdag mo na lamang ito sa iyong savings para lumaki ang iyong pera. • Huwag gastusin ang iyong savings. Kaya mo nga ito tinawag na savings sapagkat kailangan lamang itong nakatabi para magamit mo sa isang bagay na may katuturan sa hinaharap, halimbawa sa pag-aaral ng iyong mga anak, sa pagbili ng inyong sariling bahay, at iba pa. Ang kailangan sa panahong ito ay marunong kang maghawak ng iyong pera. Dahil kung hindi, baka maging isa ka sa mga taong nananatiling “stagnant” ang uri ng kanilang pamumuhay, sapagkat paikot-ikot lang ang takbo ng kanilang pera, buwan-buwan.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

November 2013

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

November 2013

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

OSAKA: A PHOTO ESSAY Slice of Mango, Slice of Life. By: Aries Lucea

I

’m running out of things or places in Japan that I can write about. I realized that rarely do I write anything or focus on the city I call home. Osaka is the second largest city in Japan, and although always outranked by Tokyo in the list of most expensive cities in the world, it still managed to find itself on the top 10 every year. Osaka is a modern and vibrant city that a lot of travelers often ignore; instead use it as a jumping point to experience the grand temples and exquisite culture of Kyoto, the ancient and rustic feel of Nara, or the sophisticated and cosmopolitan vibe of Kobe. Osaka is a very interesting city and its charms should not be missed. It has something for all types of travelers; foodies, theme park aficionados, culture and nature enthusiasts and family with children. Enjoy the photos of the beautiful city of Osaka.


16

November 2013

Philippine Federation of Panay Islands in Japan (PFPIJ) Schedule of Activities

October 27, 2013 - 1st Anniversary Venue to be assigned November 3, 2013: Bus tour (Gotemba Wine Factory, near Mt. Fuji) December 15, 2013: Christmas Party Iriaria Omori

Komunidad

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


17

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad


18

November 2013

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

ENDER'S GAME An upcoming American science fiction action film based on the novel of the same name by Orson Scott Card. Directed and written by Gavin Hood, the film will star Asa Butterfield (Peter Pan) as Andrew "Ender" Wiggin, an unusually gifted child who is sent to an advanced military school in space to prepare for a future alien invasion. The cast also includes Harrison Ford(Indiana Jones), Ben Kingsley (Sexy Beast), Aramis Knight, Hailee Steinfeld, Jimmy Pinchak, Viola Davis, and Abigail Breslin.

MUST WATCH!

FOR SALE & OTHER

PROMOS

THOR: DARK WORLD One year after the events of The Avengers, Thor battles to save the Nine Realms from a mysterious enemy older than the universe itself. A primeval race led by Malekith, who is out for revenge, intends to plunge the universe into darkness. Confronted by an enemy that even Odin and Asgard cannot overcome, Thor must reunite with Jane Foster and set out on a dangerous journey that will force him to make the ultimate sacrifice.

MUST WATCH!

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

WOLF OF WALLSTREET

ABOUT TIME

An upcoming biographical drama film directed by Martin Scorsese, based on Jordan Belfort's memoir of the same name. The screenplay was written by Terence Winter, and the film stars Leonardo DiCaprio as Belfort, along with other cast members including Jonah Hill and Matthew McConaughey, among others. The Wolf of Wall Street marks a fifth collaboration between Scorsese and DiCaprio, and a second with Winter after Boardwalk Empire.

A british romantic comedy science fiction film revolving around time travel where a young man tries to change his past to have a better future. Written and directed by Richard Curtis, and starring Domhnall Gleeson, Rachel McAdams and Bill Nighy. At the age of 21, Tim discovers he can travel in time and change what happens and has happened in his own life. His decision to make his world a better place by getting a girlfriend turns out not to be as easy as you might think.

MUST WATCH!

MUST WATCH!

HUNGER GAMES: CATCHING FIRE After winning the 74th Annual Hunger Games, Katniss Everdeen (Jennifer Lawrence) returns home to District 12 along with fellow winner Peeta Mellark (Josh Hutcherson). Shortly after returning home, they must embark on a "Victory Tour" of the districts, leaving behind their close friends and family again. On the day of the Victory Tour, President Snow (Donald Sutherland) threatens Katniss' best friend a n d p re te n d c o u s i n , G a l e Hawthorne, outraged after she and Peeta broke the rules of the 74th Hunger Games that allowed them both to win. To defeat their foes and come out on top once again and ignite the flames of rebellion in Panem.

MUST WATCH!

LIKE US ON FACEBOOK

www.facebook.com/daloykayumanggi


19

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

MAS MATIPID TATAY KO

ba ang gumagamit nito? HON, KAMUSTA DIYAN Inday: Aba ma'am, hindi po ah! Baka si sir po. Mister: Hon, sorry ha? Ngayon lang ako Kasi, kung ako ang gumamit niyan, lagi ko napatawag. Misis: Oks lang. namang binabalik eh! Mister: Kumusta nga pala yung barung-barong MAS MATALINO AKO KAYSA KAY natin? DADDY Mommy: What the...?! Hanggang sampu lang Misis: Mansyon na. Mae, hindi mo pa kayang bilangin? Mister: Eh yung tricycle natin? Mae: Eh bakit si daddy? Hanggang lima lang Misis: Wala na yun. Tinapon ko na. Mercedez ang kayang bilangin? Benz na ngayon. Mommy: Why did you say so? Mister: Ah good. Eh yung tatlong anak natin, Mae: Eh kasi mommy, narinig ko si daddy hon? kagabi sa kwarto ni Inday. Sabi niya, "Tama na Misis: Lima na! Inday, hanggang lima lang kaya ko." BA'T ANG KABAYO NANANADYAK Tuknoy: Buknoy, alam mo ba kung bakit BABAERO nananadyak ang kabayo? Teacher: Jake, alam mo ba ang tawag sa hayop Buknoy: Hindi eh! na ito? Tuknoy: Hala, parang yun lang hindi mo alam? Buknoy: Eh bakit ikaw alam mo ba? Jake: Ma'am sorry, hindi po eh! KAMUKHA NG MISIS Tuknoy: Oo naman. Teacher: Clue, Jake: Ito ang tawag ng nanay mo Misis: Nambababae kaya ang mister ko? Buknoy: O sige nga! sa tatay mo! Subukan ko ngang magpanggap na prosti at Tuknoy: Eh kasi hindi siya nanununtok. Jake: Ah ma'am, ngayon alam ko na! Babaero paparahin ko siya sa may kanto. NASA SM KA BA KAHAPON? ba tawag diyan? Sa may kanto... Boy: Pre, nasa SM pala kayo ng misis mo Misis: Pssst... Very much available ako ngayon. 50 LANG MERON AKO kahapon? Mister: Leche, ayoko sa'yo! Juan: Pedro, pautang naman ako ng 200. Pedro: Ah wala pre, nasa Hong Kong ako Misis: Ha? Eh bakit? Pedro: Naku pards, wala ako ngayon eh. 50 kahapon? Mister: Sawa na ako sa ganyang mukha! Look- lang meron ako rito. Boy: Ah talaga? Akala ko... a-like kayo ni misis eh! Pedro: Bakit pre? Ba't mo natanong? Juan: Oh? Sige oks na 'yan! Boy: Ah... Eh... Akala ko kasi ikaw yung TOOTHPICK Pedro: Oh eto oh! Amo: Inday halika nga rito! Juan: Salamat pards ha? Basta, may utang ka nagsusubo sa kanya sa isang resto sa SM. Ang sweet nga eh! Inday: Ah... Eh... Bakit ho? pa sa akin na 150. Okay? Buknoy: Alam niyo mga pre, ang tipid ng tatay ko nung nag-aaral pa siya. Sa baon niyang 10 pesos, nakakapag-uwi pa siya ng 8 pesos nun. Pedro: Wala ang tatay mo sa tatay ko. Nuwebe pesos ang nauuwi niya sa sampung pisong baon niya. Juan: Huwat? Yun lang matipid na tatay niyo?! Wala ang mga tatay niyo sa tatay ko! Buknoy: Ano? Paano naman aber? Sa sampung pisong baon niya, wala man lang siyang nagagastos? Juan: Oo. Pedro: Eh, ba't ganun? Juan: Eh kasi, nung nag-aaral siya, wala naman siyang baon eh. Wala lang pumapasok lang siya. Humihingi sa mga kaklase. Kawawa nga eh.

Amo: Ba't ubos na naman ang toothpick? Ikaw

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Hindi ito ang tamang oras para makipag-deal sa ibang tao, lalo na pagdating sa pera. Mas maigi rin munang gawin mo ang mga bagay-bagay nang hindi hinihingi ang tulong ng iba. Samantala, maganda kung paminsan-minsan ay binibigyan mo rin ng panahon ang iyong sarili. Okay na okay sa’yo ang kulay Gray. Numerong 10, 13, at 29 naman ang okay sa iyo.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Sinusuwerte ka ngayon sa mga kumpetisyon, kaya kung may oras, walang mawawala kung sumali ka rin. Samantala, maglaan ng oras para sa'yong sarili. Kailangan mo ring pahalagahan ang iyong katawan, na puhunan mo para sa paghahanap-buhay. Ang Black ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 27, 12, at 20.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Maganda rin kung maipadama mo sa iyong mga kasamahan sa trabaho na sila ay mahalaga sa'yo. Hindi masama kung paminsan-minsan ay nagbibigay ka sa kanila ng kaunting bagay. Dahil ang kaunting bagay na ito ay baka mas malaki ang balik sa'yo. Power numbers at color: 32, 11, 14, at Puti.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Alisin ang pagiging mahiyain. Ito ang magbibigay sa iyo ng mga karagdagang swerte. Maglaan din ng oras para sa ehersisyo at paggawa ng ilan pang mga healthy activities. Ito'y para siguradong makakaiwaas ka sa sakit. Numbers of the month: 18, 28, at 3. Color of the month: Pink.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Mabubuksan ang iyong pananaw ngayon pagdating sa paghahawak n g p e ra . I s a n g t a o o i s a n g m a te r ya l (maaaring bidyo o artikulo) ang magpaparealize sa'yo na kinakailangan mong baguhin ang iyong pananaw pagdating sa paggastos sa'yong pera. Power numbers: 5, 6, at 2. Lucky color: Red.

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Huwag basta-basta magtitiwala, kahit pa sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak. Isipin muna nang maraming beses kung magpalabas ng pera. Ang mga numero at kulay na suwerte sa’yo ngayon ay: 10, 14, 15 at Asul.

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Kailangang maging positibo ang pananaw sa buhay. Ang pagtawa at positibong aura ang magiging susi mo sa isang mas matiwasay at masayang pamumuhay, pati na sa iyong buhay-pagibig. Ang iyong color of the month ay Green. Numero mo naman ngayon ang 3, 7, at 22.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Ang kailangan mo ngayon ay ang pagiging matatag. Sa kabila ng ilang mga panaka-nakang pagsubok na dumarating sa buhay mo ngayon, piliin mo pa ring maging malakas. Epektibo sa'yo ang linyang: "Life must go on, no matter what happens." Swerte para sa’yo ang mga numerong 11, 30, at 29. Maroon ang suwerte mong kulay ngayong buwan.

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Tamang pagkakataon ito para maipadama sa'yong mga minamahal ang iyong pagpapahalaga sa kanila. Hangga't maaari ay ipadama sa kanila na ang bawat oras ng iyong buhay ay iniaalay mo sa kanila. Yellow ang okay na kulay sa’yo; 8, 17, at 16 naman ang sa numero.

KAILANGAN NG GLOVES

Anak: Dad, ba't kayong mga doktor nakagloves 'pag nag-oopera. Tatay: Eh kasi anak, importante 'yan! Anak: Eh ba't naman po? Tatay: Eh kasi, 'pag namatay ang pasyente, hindi makikita yung finger prints namin.

PABORITO

Teacher: Boy, sagutin mo nga ito: 1 + 2. Boy: Easy. That's 3. Teacher: Very Good! Eh ikaw Juan, 2+1? Juan: Ayan na nga sabi ko eh. 'Pag mahirap sa'kin ibinibigay ni ma'am? Favorite mo ako ma'am?

SIMPLENG INSTRUCTION

Masungit na Amo: Inday, ang bobo mo talaga. Simpleng instruction, hindi mo magawa-gawa? Inday: With due respect ma'am, even if I'm a maid, I deserve to be respected. There is one law which states that, someone like me should be treated the right way. I don't deserve your insult. Further, someone like me should be loved. Masungit na amo: (Nga nga)

FREE TASTE PO

Promo girl: Free taste po! Babae: Ah sige nga, pahingi nga ako ng isa! (Pagkatapos kainin.) Babae: Ba't ganito, parang ang sakit ng tiyan ko? Promo girl: Oh kitams ma'am? Ganyan at mapapanis ang isang pagkain kung hindi nakaref. Kaya, bili na kayo ng aming binebentang ref. 50% off po 'yan ma'am! mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 'Wag masyadong seryosohin ang mga kritisismo na ipinupukol sa iyo. Ang mahalaga ay naka-pokus ka sa iyong mga mahahalagang gawain. 'Wag maging masyadong sensitibo. Lucky color at numbers: Orange; 15, 23, at 25.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Maging firm sa iyong mga desisyon. 'Wag mong ipakita sa mga tao na ikaw ay nagdadalawang-isip, sapagkat baka ito pa ang magiging daan para makatanggap ng kritisismo. Maglaan din ng oras sa ibang tao ngayon. Makakapagbigay pa ito sa'yo ng enerhiya. Masusuwerteng numero: 25, 20, at 17. Masuwerteng kulay: Green.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Bawas-bawasan mo na ang iyong pagiging bulagsak o magastos. Pag-isipan mo muna ng maraming beses bago ka magpalabas ng pera sa iyong bulsa. Sa halip, simulan mo nang mag-impok para sa iyong kinabukasan. Navy Blue ang swerteng kulay sa’yo; 1, 3, at 9 naman ang mga numero mo.


20

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Green Archers binigo ang Growling Tigers sa UAAP title

N

aitala ang ikawalong kampeyonato ng De La Salle University sa UAAP matapos nitong pataubin ang University of Sto. Tomas sa nakaraang Game III ng UAAP Season 76 men’s basketball championship sa Mall of Asia Arena, Oktubre 12, 2013. Close fight ang naging laban sa pagitan ng Green Archers at Growling Tigers, 71-69, sa isang overtime game. Naging makasaysayan din ang naturang championship game, sapagkat nagkaharap ang dalawang magkapatid, sina Jeron Teng at Jeric Teng, na mula sa magkatunggaling koponan. Ang sophomore na si Jeron Teng ng Green Archers ang itinanghal na Finals MVP, na nakapagtala ng 25 puntos sa buong laban.

“UST had a good game. We just didn’t give up and we fought for the La Salle community,” pahayag ni Teng sa Philippine Star. Pinangunahan ni head coach Juno Sauler ang buong team. Ito rin ang unang taon ni Sauler bilang coach ng Green Archers.

Unang NBA pre-season sa Pinas, naging matagumpay

I

sa na namang kasaysayan ang naitala kamakailan. Ito’y nang mag-host, sa unang pagkakataon, ang Pilipinas ng pre-season exhibition game sa pagitan ng Indiana Pacers at Houston Rockets na dinumog ng maraming basketball fans sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Bagamat umuulan nang gabing iyon, umaapaw pa rin ang suporta ng 12,885 fans— ang ilan ay mula pa sa ibayong lugar, kagaya ng Hong Kong at Davao. Sa naturang laban, inungusan ng Rockets ang Pacers, 116-96. Pinaka-paborito ng fans sa gabi ng laban si Jeremy Lin

SPORTS UPDATES

Bradley, muling nasungkit ang WBO welterweight crown vs. Marquez

FINALS Game 1 VS Petron Blaze Boosters

100

San Mig Coffee Mixers

Game 2

84

VS Petron Blaze Boosters

93

San Mig Coffee Mixers

Game 3

100

VS Petron Blaze Boosters

90

San Mig Coffee Mixers

Game 4

68

VS Petron Blaze Boosters

86

San Mig Coffee Mixers

Game 5

88

I

sang split decision ang nagpanalo kay Timothy Bradley laban sa kanyang katunggali sa WBO welterweight crown, si Juan Manuel Marquez. Gayunpaman, nabahiran ng kontrobersiya ang muling pagkakasungkit ni Bradley sa korona. Dahilan sa split decision, umalingawngaw rin sa gabing iyon ang malakas na “boos” para sa itinanghal ni kampeyon. Hindi rin naman ito tanggap nang buo ng 40-anyos na Mexican fighter. Ika niya, “I came to win. I felt that I did win. The judges took it away. You don’t have to knock out a guy to win.” Sa cards ng mga hurado, dalawa ang pumabor kay Bradley, 116-112 at 115-113. Samantala, ang pumabor naman kay Marquez ay may iskor na 115-113. Matatandaang nitong nakaraang Disyembre, pinabagsak ni Marquez si Pacquiao sa ika-anim na round. Ngunit, sa nakaraang bakbakan nila ni Bradley, mukhang hindi umepekto ang kanyang “big punch.” Sa ngayon, nananatiling “unbeaten” ang rekord ni Bradley sa buong 31 laban. Samantala, 55-7-1 naman ang kasalukuyang rekord ng paparetiro nang si Marquez.

Pinoy athlete, wagi sa Int'l skimboarding competition

VS Petron Blaze Boosters

103

ng Rockets, na nakatanggap ng pinakamaugong na cheers sa tuwing magsu-shoot ng bola, magkaroon ng free throw, at kahit kapag makahawak ng bola. “It’s been a good experience. It was a fun game tonight. I know a lot of guys did some fun things here. It was a nice trip. It was a good atmosphere,” pahayag ni head coach Kevin McHale sa panayam ng Inquirer.net. Ilang mga personalidad ang namataan sa nasabing historic battle sa pagitan ng dalawang NBA teams, kabilang sina KC Concepcion, Vice President Jejomar Binay, ilang PBA players, at marami pang iba.

San Mig Coffee Mixers

114

San Mig Coffee Mixers leads series 3-2

H

indi totoong nahuhuli pagdating sa larangan ng isports ang mga Pilipino. Pinatunayan ng Pinoy skimboarder na si Sonny Boy “Bayugyug” Aporbo, matapos itong mag-uwi ng gintong medalya sa nakaraang 7th Penang International Skimboarding Competition sa Malaysia.

Ito na ang pangatlong kampeonato na nasungkit ng pambato ng Pinas sa naturang sport, na tubong Mati City sa Davao Oriental. Pinataob ni Bayugyug ang mahigit 150 mga kalahok na mula sa Malaysia, Hong Kong, China, at maging sa Amerika. First-time umano ng 19-year old na atleta ang lumabas ng bansa. Miyembro siya ng Amihan Boys, isang grupo ng mga skimboarders na mula rin sa Davao Oriental. Nang tinanong siya ng TV news program na Aksyon kung ano ang kanyang sikreto sa kanyang pagkakapanalo, ito ang kanyang naging tugon: “Bawal ang sigarilyo, alak at durgs. Yun ang importante sa sports.” Samantala, isa pang kasamahan ni Bayugyug ang nag-uwi rin ng medalya sa naturang kumpetisyon, sa katauhan ni Winston Plaza. Si Plaza naman ay nagkamit ng pangalawang puwesto sa International Paddling Boat Fun Race naman. Nakatakdang makikipaglaban ngayong Nobyembre sa Thailand at sa susunod na taon naman sa Amerika ang mga miyembro ng Amihan Boys.

Pinas, host sa 2013 ASEAN Schools Games Golf Tournament

N

apiling host ang Pilipinas sa isasagawang 2013 ASEAN Schools Games Golf Tournament (ASG-GT), ngayong buwan. Ayon sa website ng Philippine Information Agency (PIA), napirmahan na nitong Oktubre 7 ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng ICTSI Foundation Inc. Sa ilalim ng MOA na ito, magkatuwang ang dalawa sa pagma-manage ng golf tournament ng ASG na isasagawa sa Splendido Country Club, Taal, Batangas nitong Nobyembre 25 hanggang 29. Sa panayam ng pahayagang Pilipino Star Ngayon, ipinahayag ni Education Secretary Armin Luistro na pangunahing layunin ng ASG na payabungin pa ang pag-uugnayan at pagkakaibigan ng iba’t ibang mga mag-aaral mula sa mga bansang kalahok. Ayon pa kay Luistro, nagsisilbing daan umano ang ASG para ma-expose sa iba’t ibang kultura ang mga school athletes, gayundin ay napapatibay umano nito ang ASEAN solidarity sa mga kabataan, sa pamamagitan ng school sports. Ang mga bansang kalahok ay ang Brunei, Malaysia, Indonesia, Thailand, Singapore, at ang Pilipinas.


21

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Filipino child actress, wagi ng acting award Derek-Christine, break na

P

inarangalan ng Outstanding Achievement in Acting Award ang Pinoy child actress na si Sandy Talag noong Setyembre 29 para sa kaniyang performance sa Dutch-Filipino film na Lilet Never Happened. Kinilala ang 15-year old actress sa Oaxaca International Film Festival sa Mexico para sa kaniyang pagganap bilang Lilet, isang 11 taong gulang na pulubi na pangarap maging aktres. Ito ang unang lead role ni Sandy Talag. Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang pagganap kay Lilet lalo na sa pag-aaral ng mga pinagdaanan ni Lilet sa istorya. Ang Lilet Never Happened na idinirehe ni Jacco Groen ay una nang nagwagi ng Best Youth Film sa 2013 Copenhagen Film Festival at naipalabas na sa mahigit 22 bansa.

Power of Two nina Aiza at Charice, exponential sa galing

N

aging matagumpay ang concert ng dalawa sa mga tinitingalang mang-aawit na Pinay ng bagong henerasyon – sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco. Hindi lamang musika ang nagbuklod sa dalawa sa concert na naganap sa Araneta Coliseum noong Setyembre 28 kundi ang kanilang mga personal na buhay at pagpapasiya na naging malaking bahagi kung paano sila kinikilala ng kanilang mga tagapakinig at tagapanood sa ngayon. Naging pagkakataon ng dalawang mang-aawit ang kanilang concert upang kuwentuhan ang kanilang tagapanood sa mga pinagdaanan nila, nang mag-out sila bilang lesbians, ang kanilang personal struggles, at pagtatagumpay kung kaya hanggang ngayon ay nakaaawit pa rin sila. Dumoble ang kilig ng kanilang fans nang magkaroon ng duet sina Charice at girlfriend niyang si Alyssa. Inanunsiyo naman ni Aiza Seguerra ang pagiging official na nila ng girlfriend na si Liza Diňo.

Miriam Quiambao, engaged na

E

ngaged na ang Pinay beauty queen at first runnerup sa 1999 Ms. Universe sa businessman-author na si Ardy Roberto, Jr. nang tanungin ng bestselling author ang magic question na “Will you marry me?” sa Bonifacio High Street Gardens. Inanunsiyo ni Miriam ang kanilang engagement sa Instagram sa pamamagitan ng mga picture ng bouquet ng white at red roses, ang white banner ng “Will you marry me?” at ang kamay nilang dalawa na naka-holding hands. Una nang naikasal kay Claudio Rondinelli si Miriam Quiambao noong 2004, pero nagkahiwalay rin noong 2006. Samantala, January 2013 naman nang sumakabilangbuhay ang asawa ni Ardy na si Tingting Roberto. Ilan sa mga librong sinulat ni Ardy ay ang “Ang Pera na Hindi Bitin” at and “Heart of Healing.”

Transit, frontliner ng 'Pinas sa Busan'

A

ng award-winning Cinemalaya film na “Transit” ang magiging pambato ng Pilipinas sa New Currents category sa prestihiyosong Busan International Film Festival. Na-capture ng Pinoy film na ito ang layunin ng nasabing film fest na ipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga Asyano. Ito naman ang unang beses na nakapag-direct ng kaniyang film si Hannah Espia, ang director ng Transit. “I wanted to show the lives of children born in foreign lands, and their struggles with identity,” banggit ni Espia. Sa pagkapanalo ng major awards sa Cinemalaya 2013, pambato rin ang Transit sa Academy Awards sa susunod na taon. Pinagbibidahan ang naturang pelikula ng Kapatid star na si Jasmine Curtis-Smith at ng Israeli actor na si Omer Juran.

M

atapos ang umuugong na usapan noong mga nakaraang buwan sa pagmamabutihan ng sexy Kapamilya actress na si Cristine Reyes at ng Kapatid hunk actor na si Derek Ramsay, kumpirmado na ng dalawa ang kanilang paghihiwalay. Isang buwan lamang ang itinagal ng relasyon ng dalawa. Sa press conference ng Kapatid network sa bagong primetime show ni Derek, binanggit niyang “No one is at fault” hinggil sa nangyaring hiwalayan. “Walang may mali. Walang masama. It’s just a decision we made. It’s just that nangyari ang nangyari.” Matagal na umanong magkaibigan ang dalawa kaya alam na ni Derek ang ugali ni Cristine kahit anupaman ang sinasabi ng iba na masama tungkol sa dalaga. Pangako rin ng hunk actor na lagi siyang nandiyan para kay Cristine na kanyang inilarawan bilang “strong woman.”

Galema, nanguna sa Pilot Week

G

ood news para sa cast ng Galema ang pag-arangkada ng Kapamilya afternoon show sa ratings sa una nitong linggo. Nagsimula ang Galema: Anak ni Zuma noong Setyembre 30 at nagkamit ito ng 16.6 percent sa national TV rating ayon sa Kantar Media. Samantala, 8.3 percent lamang ang tinapatan nilang show na Pyra: Babaeng Apoy, ayon pa rin sa Kantar Media. Adaptation mula sa Galema na comic book series ni Jim Fernandez ang bagong afternoon offer ng ABS-CBN. Pinagbibidahan ni Andi Eigenmann ang show na siyang gumaganap na Galema. Kasama rin dito sina Matteo Guidicelli, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, at Lito Legaspi. Ipinakikilala rin sa afternoon drama series sina Derick Hubalde bilang Zuma at Brenna Garcia bilang batang Zuma. Idinidirehe ang Galema ng box-office director Wenn V. Deramas. Abangan na lang natin kung maipagpapatuloy ng naturang show ang magandang standing nito pagdating sa ratings sa mga susunod na araw.


22

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

KC, kumpirmadong nakipag-date sa isang NBA star

K

inumpirma mula sa isang ulat sa Spin.ph at rappler.com na naka-date ni KC Concepcion ang Houston Rockets basketball star na si Chandler Parsons kasabay ng pagdalaw ng NBA stars sa Pilipinas para sa NBA pre-season game sa Pilipinas. Agad namang inamin ng dalawang stars ang naturang date sa pagitan ng dalawa. Sa October 10 Instagram post account ng aktres, “xtina_ ontherocks,” ipinost ni Kristina ang larawan ng kanilang night-out, na may caption na: “Mabuhay! So much to see, so little time! Fun night with my ladiez & the big boys.” Sa ulat naman ng Spin.ph, inamin din ng basketbolista na nagkaroon nga siya ng dinner sa aktres sa kanilang pagbisita sa Manila: “She is a great girl and we had a good time last night.” Abangan na lang natin kung matutuloy sa seryosohan ang naturang pagkikita ng dalawang celebrities.

Bea at Dingdong, first-time magtatambal

P

anibagong pelikula sa labas ng bakuran ng mother studio ni Dingdong Dantes ang mapapanood ng kanyang mga fans— ito ang pelikulang pagtatambalan nila ng kanyang first-time leading lady na si Bea Alonzo, ang “She’s the One.” Sa pelikulang ito, maraming first-times ang nangyari sa naturang aktor. Bukod sa first-time niyang leading lady si Bea, first-time din siyang gumanap sa isang romantic-comedy film at first-time ding hindi makakasama sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang ito ni Dingdong with Star Cinema. Batay sa pahayag ng aktor sa tabloid na Bandera, hindi na umano kinailangan pang mag-adjust ni Dingdong sa pakikipagtrabaho kay Bea: “...[S]obrang generous bilang aktres and napakabait niya. Kumbaga, yung dynamics namin sa screen, it just came naturally.” Samantala, para kay Bea naman, naging magaan naman daw umano ang pakikipagtrabaho niya sa naturang aktor. Katunayan, nabibiro umano niya ang hunk actor at hindi umano siya nahihiya rito. Hindi naman kaya magselos si Marian dahil sa pelikulang ito na idinerehe ni Mae Cruz?

Angel. kumpirmadong gaganap na "Darna"

M

ismong si Malou Santos, ang managing producer ng Star Cinema, ang nagkumpirma na ang gaganap sa 2014 movie version ng “Darna” ay walang iba kundi si Angel

Locsin. Pero batay sa pahayag ng aktres sa isang column sa diyaryong Bandila, hindi umano ine-expect ng award-winning actress ang naturang balita. Nagulat nga umano siya nang malaman niyang kumpirmado nang siya ang may-ari ng role, sapagkat hindi umano gaanong pormal ang pagkakasabi sa kaniya dati ng isang executive sa Star Cinema. Gayunpaman, magkahalong tuwa at excitement umano ang nararamdaman ni Angel sa ngayon. Pero, bago pa gugulong ang kamera sa shooting ng Darna ay uunahin daw munang isu-shoot ang pelikula nila ni Vhong Navarro na isang horror comedy, gayundin ang isang soap opera na pagtatambalan naman nila ni Jericho Rosales.


23

November 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

I

Genesis, sci-fi ang peg

pinagpapatuloy ng GMA ang paghahandog ng mga dramang hindi pangkaraniwan. Simula sa My Husband’s Lover na pinakilig ang mga babae at homosexuals sa buong bansa at napakilos ang buong Simbahan, isang sci-fi drama series naman ang isinabak ng Kapuso network nitong Oktubre. Susubukan ng Genesis kung handa na ang Pinoy sa isang science fiction sa primetime na siyempre punung-puno ng aksiyon, drama, at pag-ibig. Gaganap bilang Isaak Macalintal si Dingdong Dantes, na isang military officer na itinalaga bilang guwardiya ng Vice President ng bansa na si Edgardo Sebastian. Makakatambal ni Dingdong sa Genesis si Rhian Ramos na gaganap naman bilang si Raquel. Makakasama rin ng love team ang mga bigating artista tulad nina TJ Trinidad, Jackielou Blanco, Lorna Tolentino, Bembol Roco, Robert Arevalo, Snooky Serna, at marami pang iba. Directed by Bb. Joyce Bernal at Mark Reyes ang Genesis. Magtatagumpay kaya ang attempt na ito ng GMA Network?

Metro Manila, lumibot sa buong mundo

A Laurice Guillen Director c

entertainment.inquirer.net

ng United Kingdom entry sa Oscars Awards para sa Best Foreign Film na Metro Manila ay lumilibot ngayon sa mga cinema houses sa buong mundo. Ayon kay Sean Ellis, anim na taong nakaimbak sa kaniyang utak ang ideya at istorya ng Metro Manila at nagkatotoo nga ngayong 2013. Ang Metro Manila ay tungkol sa isang magsasaka at kaniyang pamilya na nagmula sa probinsiya at tumungo sa lungsod dala-dala ang pag-asang makatatamasa ng mas magandang buhay. Ngunit, pagdating nila sa Maynila ay nahulog sila sa panloloko at iba pang suliranin. “The Filipino story and Philippine cinema are what a lot of people are talking about right now. There seems to be a new movement of independent filmmakers here,” pahayag ng British director nitong si Sean Ellis sa panayam ng pahayagang Inquirer. Umiikot na ang naturang pelikula sa Singapore, Pilipinas, Belgium, France, Finland, at Spain. Nauna nito, nagkamit na ng audience award sa World Cinema section ng Sundance fest sa United States ang Metro Manila. Ipalalabas sa US ang Metro Manila sa susunod na taon.

MMK at Wansapanataym, pang-internasyunal

B

ig time ngayon ang dalawang Kapamilya shows sa international scene. Ito’y matapos kilalanin ng dalawang malalaking award-winning bodies ang husay ng mga Pilipino pagdating sa telebisyon. Una na sa listahan ang dalawang episodes ng MMK, ang Manika at Pulang Laso, na kapwa idinirehe ni Nuel Naval at kapwa pasok bilang mga nominado sa Emmy Awards 2013 ngayong Nobyembre 25 sa Hilton New York Hotel, USA. Tampok sa mga episodes sa ito sina Jane Oineza, Angel Aquino, Carlo Aquino, at Joem Bascon. Samantala, finalist naman sa isang kategorya ang isang ep ng Wansapanataym, ang One Father and Son, sa Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2013, tampok naman sina Zaijan Jaranilla at Epy Quizon. Hanoi, Vietnam naman ang venue ng ABU Prizes sa Oktubre 28. Sumasalamin ang mga kinikilalang shows na ito sa international scene sa buhay ng mga Pilipino sa bansa.

Megastar, tampok sa isang dramedy series ng TV5

B

ibida sa isang dramedy sa Kapatid Network si Megastar Sharong Cuneta, bilang si Madam Chairman. Bahagi ang barangay-seryeng ito sa inilulunsad ng TV5 na Everyday All the Way nito. Si Sharon, na gagampanan ang papel ni Elizabeth “Bebeth” de Guzman, ay hindi lamang kikilalanin bilang isang loving and caring mother sa kanyang mga anak, kundi pati na ng buong Barangay Sta. Clara. Hindi rin naman biro ang mga bumubuo sa naturang show, isama mo pa ang bigating direktor na si Joel Lamangan at batikang scriptwriter nitong si Joey Reyes. Kasama sa cast ng programa sina Jay Manalo, Regine Angeles, Bayani Agbayani, Malou de Guzman, Nanette Inventor at marami pang iba. Samantala, ito naman ang TV comeback ni Ciara Sotto. Nagsimula na nitong Oktubre 14 ang Madam Chairman ni Megastar,

Juday, host sa isang children's game show

M

atapos ang successful hosting ng Pinoy version ng Master Chef at Junior Master Chef, muling magve-venture sa hosting ang actress na si Judy Ann Santos sa kaniyang pinakabagong show sa ABS-CBN na Bet On Your Baby. Isang game show ito na siguradong mag-eenjoy at matututo ang mga bata. Maaari ring magamit bilang good bonding time ito ng mga magulang sa kanilang mga anak. Magandang experience ang bagong game show ni Juday dahil isa siyang magandang ehemplo ng responsableng magulang at very proud siya sa pagiging hands on sa mga anak na sina Yohan at Lucho. Paano naman kaya siya bilang isang ina sa kanyang mga anak? “I can work three straight days, but give me two free days. I need to make up for lost time with my children. If not, the call time should be at 11 a.m. So I’ll be up when Yohan goes to school. Si Lucho napapaliguan ko pa, nahihintay ko pa na sunduin siya ng lola niya. With that, I have the time to see my kids before I leave. I just need to see my kids in the morning. If I can’t catch up with them in the evening, at least I can see them the following morning. It is like, a day won’t pass without them seeing me or me seeing them. I feel sad and I feel something missing if I don’t see them before going to work. The hug and the kiss are my vitamins when I go to work in the morning,” pahayag ni Juday sa Philippine Star. Umere na ang premiere ng Bet On Your Baby nitong Oct. 19 pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

Willie, pahinga muna

N

atapos na ang kontrata ng Kapatid noontime variety show host na si Willie Revillame nitong Oktubre 15, 2013. Hindi rin nagpahiwatig ng renewal of contract ang TV host dahil nais niya raw munang magpahinga. Sumulat umano si Willie Revillame kay Kapatid network chairman na si Manny Pangilinan ukol sa kaniyang pagli-leave sa network. “His job is physically draining. He’s been at it for so many years. He’s in front of the camera, talking for around three hours, six days a week—that’s aside from being a producer. I imagine it took a toll on him,” banggit ni Jay Montelibano na business unit head ng Wil Productions, Inc. na siyang coproducer ng Wowowillie sa Inquirer.net. Pahayag naman mismo ni Willie sa column ni Cristy Fermin sa Bandera: “Alam kong maninibago ako, pero kailangan ko rin namang bigyan ng panahon ang sarili ko. Bumibigay rin kasi ang katawan, nakakaramdam din tayo ng kapaguran, pero siguradong mami-miss ko ang pagso-show.” Samantala, wala pang ipinahihiwatig si Willie kung hanggang kailan ang kaniyang pamamahinga.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.