1
PB Vol. 9, Issue No. 5
August 1, 2014
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2014 Ang Departamento ng Sining sa Pakikipagtalastasan sa Filipino (Communication Arts Department in Filipino) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang BUWAN NG WIKANG PAMBANSA tuwing Agosto 1-31, 2014 alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 (Presidential Proclamation No. 1041, s. 1997). Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay WIKA NG PAGKAKAISA (Language of Unity). Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod : a. ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; b. magamit ang wika sa pamamagitan ng pagsasalin bilang instrumento sa wika ng kapayapaan; at, c. maipakita ang kahalagahan ng wika na higit na mauunawaan ng nakararami para sa pambansang pagkakaisa. Ang mga lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod: Agosto 4-8 Agosto 11-15 Agosto 18-22 Agosto 25-29
Ang Wika ng Usaping Pangkapayapaan ay Wika ng Pagkakasundo; Ang Wikang Nauunawaan ng Nakararami ay Wika ng Kapayapaan; Ang Wika ng Pagsasalin ay Wika na Pagkakaunawaan; at, Ang Wika ng Kapayapaan ay Wika ng Pambansang Pagkakaisa.
Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang magiging gabay at batayan ng lahat ng mga gawaing bubuuin at isasagawa ng Kagawaran ng isang buwang pagdiriwang. Nakaayos na ito ayon sa pagkakasunud-sunod. Ang mga gawain sa pagdiriwang ay ang mga sumusunod: PETSA
ORAS
Agosto 1 (Biyernes)
Pang-umagang Seremonya
Paglulunsad ng mga Gawain
Agosto 8 (Biyernes)
8:30 – 9:30 nu
Primarya Pagsusulit Laywan o Quiz Bee Intermedya Paggawa ng Kolahe o CollageMaking Haiskul Panulatang Pagsusulit o Literature Quiz Primarya Paggawa ng Pamansag o Sawikain (Slogan-Making) Intermedya Pagsulat ng Tugma o Tula (PoemMaking) Haiskul Paggawa ng Poster at Pagsulat ng Sanaysay
Agosto 22 (Biyernes)
8:30 – 9:30 nu
GAWAIN
LUGAR HCECi MPC o Lunsuran ng HCEC
Mga Silid-Aralan ng Bawat Pangkat o Baitang
Mga Silid-Aralan ng Bawat Pangkat o Baitang
Tema : (FILIPINO : WIKA NG PAGKAKAISA)
Pangwakas na Palatuntunan LIT-MUS-DA 2014 Pampanitikang Musika at Sayaw : Ang Pagtatanghal 1. Parada ng mga Kasuotang Pilipino 2. Panalangin o Doksolohiya 3. Pambansang Awit 4. Pambungad na Pananalita 5. Natatanging Bilang : Sayawit (Primarya) 6. Balagtasan – Ika-7 Baitang 7. Natatanging Bilang : Mapakahulugang Sayaw (Intermedya) 8. Sabayang Pagbigkas – Ika-8 Baitang 9. Dula-Dulaang Komedya (Comedy Skit) Ika-9 ng Baitang 10. Pasasalamat Pamalit Bilang ang Paggawad ng Katibayan sa mga Nanalo sa Paligsahan
MGA KATUTUBONG KASUOTAN, MULING MASISILAYAN Kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2014, inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at mga kawani ng paaralan na magsuot ng katutubo o pambansang kasuotan bilang pakikiisa sa bansa ukol sa pagdiriwang na nabanggit. Narito ang alituntunin ng pagsusuot ng Katutubong Kasuotan: 1. Ang unang bahagi ng Pampinid na Palatuntunan ay ang Parada ng mga Katutubong Kasuotan o Pambansang Kasuotan. 2. Upang makasali sa parada, kailangang magparehistro ang lalahok sa gawaing ito sa kanilang tagapayo. 3. Ang isusuot ay kailangang sumisimbolo ng pagkamakabayan. Ibig sabihin, hindi lamang limitado sa baro’t saya at barong tagalong ang maaring isuot. Maaari din ang mga kasuotan sa iba’t ibang panig ng bansa. 4. Ang lalahok sa gawaing ito ay mabibigyan ng 3 puntos sa CCP 5. Ito ay hindi sapilitan o noncompulsory .