Spring 2009

Page 1


Mensahe
Mula
sa
Pangkalahatang
Patnugot
 Mga Minamahal kong Katipunero at Mambabasa, Inihahandog namin sa inyo ang espesyal na edisyon at ika-34 na isyu ng ating Katipunan Magazin. Sinulat at pinagtulung-tulangan itong buuin ng mga estudyante sa Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas upang ipakita at sanayin ang mga natutunan nila sa kani-kanilang mga klase. Isang paraan ang Katipunan Magazin upang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga kakayanan hindi lang dito sa Hawaii, kundi sa iba't ibang panig din ng mundo. Dahil sa mga pangyayari sa ating ekonomiya sa kasalukuyan, nagkaroon ng mga bawas sa badyet. Nagresulta ito sa kamuntikang hindi paglalathala ng Katipunan Magazin. Alam naman natin na importante ang Katipunan Magazin dahil bahagi na ito ng programa mula pa noong 1992 at bahagi na rin ito sa karunungan ng mga estudyante. Pero dahil sa pagtutulungan ng mga guro, estudyante at iba pang sumusuporta sa magazin, nalathala ito. Kaya naman simbolo ng pagkaka-isa ang edisyong ito. Pelikula ang tema ng magazin na nagtuon ng pansin sa mga dekalidad na gawa ni Lino Brocka. Isang batikang direktor ng pelikulang Pilipino si Lino Brocka na nagkamit ng mga parangal sa loob at labas ng Pilipinas. Marami tayong matututunan sa bawat pelikulang kanyang ginawa tungkol sa mga Pilipino kaya patuloy sana nating suportahan at panoorin ang kanyang mga gawa at ang iba pang pelikulang Pinoy. Mula sa bumubuo ng patnugutan ng Katipunan Magazin, maligayang bakasyon sa inyong lahat at magkikita ulit tayo sa susunod na semestre! ~Monica Agluba~

Special
Thanks
to:

Associated
Students
of
the
University
of
 Hawaii

MGA
NILALAMAN
 
 Editoryal, 3 Balita, 4 Lino Brocka Film Festival, 7 Panayam ng mga Dalubhasa sa Kasaysayan at Agham ng Pampulitika, 9 Piknik at Dramafest Tagsibol 2009, 10 FIL 435, 11 FIL 402, 13 FIL 330, 14 FIL 302, 15 FIL 202-1, 16 FIL 202-2, 17 FIL 102-1, 18 FIL 102-2, 19 FIL 102-3, 20 IP 432, 21 IP 273E, 22

Paliwanag
sa
Pabalat
 Ginugunita ng disenyo ng pabalat ang isa sa pinaka impluwensyang direktor sa kasaysayan ng Pilipinas: si Lino Brocka. Ipinapakita ng kanyang obra ang pang-arawaraw na pamumuhay ng ating mga kababayan. “Mula Pelikula Hangang Drama” ang titulo na nagpapahiwatig na pwede maging isang katotohan ng ating buhay ang mga pelikula. ~Modesto Bala~

Mensahe
Mula
sa
Presidente
ng
Katipunan
 Sa Mga Mahal Kong Katipunero, Kumusta po kayo! Sana ay masaya at mabuti kayong lahat. Kung hindi niyo pa napapansin, ito na ang aking huling semestre bilang Presidente ng Samahang Katipunan. Habang binabasa niyo ito, tapos na ang aking term kasama ng aking ibang
 ka-opisyales. Kay bilis ng paglipas ng panahon! Dili ko napansin ang napakamaraming aktibidad na ginawa nating lahat sa nakalipas na taon. May mga ilan kaming di sinasadyang pagkakamali ngunit mas marami namang tagumpay ang aming nakamit para sa taong ito. Bago ako magpaalam, nais kong pasalamatan ang aking mga opisyales: sina Joe, Ver, Joel, Joanne, Kayla, Jodel at Karen para sa lahat ng tulong na ibinigay nila sa akin. Maraming salamat din sa inyo sa ibinigay ninyong oportunidad para kami’y mamuno. Gayundin sa paniniwalang magagampanan ang katungkulan ko bilang presidente ng programang ito. Napakaraming pawis, luha, at pagsisikap ang aming naranasan para maisagawa o maisatupad ang mga iba’t ibang aktibidad ng samahan. Gayunpaman, lagi naming tinatandaan, ang lahat ng ito ay para manghimok, mas mapasigla at mapanatili ang kulturang Pilipino na siyang aming pinakamahalagang layunin at dahilan kung bakit kami naging mga opisyal. Sana magpatuloy ang layunin na ito habang umiiral ang programang Filipino. Siyempre, hindi makukumpleto ang aking mensahe kung hindi ko mapapasalamatan ang mga guro sa programa na naging gabay sa lahat ng aming yapak. Sila ay sina Tita: Ime (aming kasangguni), Betchie, Irma, Terry, Ruth at Kuya Lester. Salamat po sa inyong tulong at suporta sa amin bilang mga estudyante. Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Pilipino! ~Randy Cortez~


EDITORYAL
 Isang
Bagsak
Para
sa
Lino
Brocka
Film
Festival
 nina: Jovanie de la Cruz at Monica Agluba Matagumpay na nailunsad ng Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas ang tatlong araw na pagpapalabas ng mga dekalidad na pelikula ng batikang direktor na si Lino Brocka. Sa ikalawang araw ng naturang pagtatanghal, nagkaroon din ng tagapagsalita na si Dr. Nerissa Balce, Assistant Professor ng Asian American Literature sa State University of New York sa Stony Brook. Dinaluhan ito ng mga estudyante ng Unibersidad ng Hawai`i, mga propesor at mga tao mula sa komunidad na mayroong matinding malasakit sa ikauunlad ng kultura at pelikulang Pilipino. Hangarin ng Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas na maipakilala ang mga tanyag na pelikula ni Lino Brocka sa bagong henerasyon ng mga estudyante. Sinasalamin ng mga pelikula ni Brocka ang totoong kalagayan ng lipunang Pilipino kaya layunin din ng film festival na maibahagi ang larawang-diwa ni Brocka at ang kanyang pananaw sa katangiang dapat taglayin ng isang matiwasay na lipunang Pilipino Hahamakin Ang Lahat; Insiang; Ina, Kapatid, Anak; Cain at Abel; at Orapronobis ang mga pelikulang naipalabas. Kilala ang mga ito hindi lamang sa loob ng Pilipinas bagkus maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Napakahusay ng mga pelikulang ito sa paglalantad ng mga isyung panlipunan at pampulitika gaya ng kahirapan, kawalan ng katarungan, paglabag sa mga karapatang pantao, masamang epekto ng kapitalismo, atbp. Iniangat ng mga pelikula ni Brocka ang kamalayan ng mamamayanang Pilipino sa mga pangyayaring ito. Dahil nakilala ang mga pelikula ni Brocka sa labas ng Pilipinas, naisiwalat din sa mamamayan ng mga ibang bansa ang mga suliraning ikinahaharap ng Pilipinas. Hindi naging hadlang kay Brocka ang pangingikil ng pamahalaan sa kanya dahil ipinakikita ng kanyang pelikula ang kawalan ng bisa o epekto ng mga nasa panunungkulan upang lutasin ang mga problemang ito. Makikita rin sa mga pelikula ni Brocka na kung minsan ang mga awtoridad pa mismo ang nagpapalaganap ng pang-aabuso sa mga tao, lalo na sa mahihirap at walang kaya. Mahusay na naipakita ni Brocka ang ganitong bulok na sistema sa pelikulang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Si Julio ang pangunahing tauhan. Napagbintangang nagnakaw ang kaibigan ni Julio at ito

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009 3

ang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong dahil wala siyang pambayad sa abogado. Ginamit ng nagpakulong sa kaibigan ni Julio ang kakilalang pulis upang iligpit ang kawawang kaibigan ni Julio sa bilangguan. Pinapakita din sa pelikula ang kawalan ng mga programang pampamahalaan upang bigyang solusyon ang mga ginagawang pang-aabuso sa mga manggagawa. Mahusay din ang paglalarawan ni Brocka sa kapalpakan ng sistemang kapitalismo. Patuloy na yumayaman ang mga may-ari ng kapital mula sa dugo at pawis ng mga manggagawa. Sa halip na bigyan ng maayos at ligtas na lugar ng pagtatrabahuhan at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa para maipon ang kanilang lakas-paggawa na bumubuhay sa sistema, higit pa silang inaabuso. Sa sistemang kapitalismo, isang ilusyon lamang ang umangat sa iyong pinagmulaang uri. Kadalasan, mamamatay kang kabilang pa rin sa uring iyong kinagisnan. Hindi aangat ang antas ng pamumuhay ng mahihirap dahil kinakailangan ng mga may-ari ng kapital na manatiling mahirap ang malaking bahagi ng populasyon upang magkaroon ng mapagkukunan ng mga manggagawa. Kung mayroon mang nakaaangat mula sa mas mababang antas ng pamumuhay, bihira lamang iyon. Ayon sa ekonomistang si Dr. Solita Monsod, kinakailangan ang edukasyon upang makaangat sa mas mataas na antas ng pamumuhay subalit hindi naman binibigyan ng kaukulang pansin at pondo ng gobyerno ang edukasyon. Ipinapakita naman sa pelikulang Orapronobis ang kahinaan ng pamahalang Aquino upang panatilihin ang kaayusan ng lipunang Pilipino pagkatapos mapatalsik ang diktadurang Marcos sa kapangyarihan. Bagamat tapos na ang Batas Militar, maraming mga armadong bigilante ang sumunod na nagpalaganap ng mga paglabag sa mga karapatang pantao. Nakalulungkot na walang matakbuhan at mahingan ng tulong ang mga mamamayan. Wala namang silbi ang puwersa militar ng Pilipinas sa mga panahong iyon. Sa halip na sugpuin ang pinanggagalingan ng pang-aabuso, hinahayaan lamang nila ito. Napakahusay ang paglalahad ni Lino Brocka sa kanyang mga pelikula sa mga suliraning ito kaya naman itinuturing siya sa buong industriya ng pelikulang Pilipino bilang isa sa mga primiyadong direktor.


BALITA
 Nakakatawang Sine ni Zaldymar Cortez Honolulu, HI -- Noong ika-6 ng Marso 2009, nanood ang mga estudyante ng Filipino ng isang pelikulang pinamagatang, “Ang Tatay Kong Nanay” ni Lino Brocka sa Spalding 155. Pinagbidahan ito nina Dolphy Quizon (Coring), Nino Muhlach (Nonoy), at Marissa Delgado (Mariana). Tungkol ito sa isang baklang may relasyon sa isang lalake na nagngangalang Dennis (Phillip Salvador). Si Dennis naman ay merong relasyon sa ibang babae, si Mariana. Nalaman ni Dennis na may anak si Mariana. Pero, hindi ipinapa-alaga ni Mariana ang kaniyang anak sa ibang tao. Sa hindi inaasahan, humingi ng tulong si Dennis kay Coring para alagaan ang anak ni Mariana. Ipinagkatiwala ni Dennis si Nonoy kay Coring at pumunta siya sa Navy upang masustentuhan niya si Nonoy. Madamdamin ang pelikulang ito dahil ipinakita ni Dolphy ang hirap na pinagdaanan niya. Bukod doon, nakakaiyak rin ang pelikula dahil nalaman ni Dolphy ang kahirapan ng pagiging ama’t ina. Sa kabilang banda, nakakatawa rin ang pelikula dahil sa iba’t ibang eksena kung saan katuwa-tuwa ang mga pangyayari. Sa huli, maganda ang istorya dahil pinakita ang kasaysayan ng mga baklang Pilipino. Pinakita ni Lino Brocka ang kahalagahan ng mga bakla sa Pilipinas.

Paghihirap sa Pilipinas: Hindi dahil sa Ekonomiya! ni Cherry Lou M. Rojo Honolulu, HI -- Noong ika-20 ng Abril 2009, sa Center for Korean Studies Auditorium, nagpanayam si Dr. Solita “Winnie” Collas Monsod tungkol sa lumalaganap na kahirapan sa Pilipinas. Isa siya sa mga maimpluwensya at kahanga-hangang ekonomista, manunulat, at propesor sa Pilipinas. Kilala si Dr.

4

Monsod dahil sa mga naging trabaho niya sa gobyerno, pati na rin sa mga palabas niya sa telebisyon. Maliban doon, marami ring natanggap na gantimpala galing sa iba’t ibang organisasyon. Kabilang sa mga gawad na kaniyang nakuha ay “Best TV Program Host”, “Broadcaster of the Year”, “Cabinet Secretary of the Year”, at “Woman of the Year”. Hinayag ni Dr. Monsod ang mga bagay na sumisira sa ekonomiya ng Pilipinas at kung bakit marami ang mahirap doon. Sa huli, halos kalahati ng mga dumalo sa panayam ni Dr. Monsod ay nagtanong sa kanya. Madami ang nagtanong dahil interesado silang malaman ang mga paraan kung paano bigyan solusyon ang mga problema sa Pilipinas. Mahusay niya namang nasagot ang mga tinanong sa kanya.

“100” na Pasasalamat kay Dir. Chris Matinez ni Lovely Abalos Honolulu, HI -- Noong ika-16 ng Abril 2009, bumisita ang direktor at manunulat ng pelikula na si Chris Martinez sa klase ng Filipino 330 ni Kuya Lester. Isa siyang mahusay na manunulat sa Pilipinas. Siya ang sumulat sa istorya ng pelikulang “Caregiver” at “100”, kung saan maraming gantimpalang napanalunan sa “Cinemalaya Film Festival” noong nakaraang taon. Nagkuwento at nagbigay payo si Dir. Martinez sa mga estudyante tungkol sa pagdidirektor at pagsusulat ng maganda at ipektibong istorya na pwedeng gawing isapelikula. Naging isang parang kuwentuhan tungkol sa kaniyang karanasan sa pagiging baguhang direktor at manunulat ng pelikulang Pilipino ang buong lektura ni Dir. Martinez. Masaya at talagang nakapagbibigay ng kaalaman ang mga kuwento’t payong sinabi niya sa mga estudyante at gurong dumalo nang araw na iyon

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


BALITA
 Nakakatawa’t Nakakalungkot na Tanghalan ng Dula ni Lovely Abalos

kaaya-aya ring tignan ang mga dekorasyon sa silid ng “Banquet”. Mayroong mga estudyanteng nagbigay-aliw at nagpasaya sa mga dumalo para sa selebrasyon ng huling simestre ng taon. Tulad ng ibang “banquet” sa mga nakalipas na taon, matagumpay at masayang nagwakas ang pagdiriwang na taun-taon nating ginaganap.

Honolulu, HI -Nagpakitang gilas ang mga estudyante ng iba’t ibang baitang ng wikang Pilipino sa UH-Manoa noong “Dramafest”. Ginanap ito noong ika-25 ng Abril 2009 sa Art Auditorium. Labing-tatlo ang mga grupong nakilahok sa pag-arte ng mga pelikulang Pilipino, habang apat na grupo o klase sa intermisyon ang umiksena sa gitna ng programa. Nagwagi ang “Red Group” na gumanap sa pelikulang “A Very Special Love” ng Filipino 102-03 at nanalo naman ang grupong “The Dream Team: Pilipino sa Puso” na gumanap sa pelikulang “Anak” ng Filipino 202-02. Marami ring papremyong binigay sa bawat grupong nakilahok. Siyempre, hindi nawala ang pagbigay ng gantimpala sa mga pinaka-mahusay na estudyante sa pag-arte, tulad ng “Best Actress” at “Best Actor”. Lahat-lahat, tagumpay at masayang tinanghal ang “Dramafest” dahil sa mahuhusay na estudyante’t gurong walang humpay na nag-ayos sa programang ito. Sa wakas, nabigyang halaga rin ang pinaghirapan at mahabang ensayo ng lahat ng grupong nagbigay saya’t lungkot sa mga panauhin.

Katipunan Piknik ni Lovely Abalos Honolulu, HI – Ginanap ang piknik ng Katipunan Club noong araw ng mga puso o ika-14 ng Pebrero 2009. Sa nakaugalian na ng mga miyembro ng Katipunan, maraming nagdala ng makakain, palaro, at iba-iba pang libangan para sa lahat ng tao sa piknik. Bukod sa mga ito, meron ding hinandang maliit na tanghalan ng pag-awit ang mga estudyante ng Pilipino. Sa kabuuan, matagumpay at maayos na isinagawa ang piknik sa Ala Moana Beach Park ng bawat mag-aaral ng Filipino.

Honolulu Festival: Tuloy na tuloy pa rin ni Lovely Abalos

Taun-taong Selebrasyon sa Banquet ni Lovely Abalos

Honolulu, HI – Kahit na hindi maganda ang panahon noong araw ng Honolulu Festival, marami pa ring taong dumating at nanood ng parada. Marso 15, 2009 nang pumarada’t nagdiwang ang iba’t-ibang kulturang makikita sa Asya-Pasipiko. Isa sa mga pangkat na nagmartsa ay ang grupo ng Tekniqlingz at ibang estudyante ng Filipino sa UH. Kabilang rin sa mga

Honolulu, HI -Pinagdiwang ng mga estudyante’t guro ng Katipunan Club ang tauntaong “Banquet” noong ika-8 ng Mayo 2009 sa “Hale Koa Hotel” sa loob ng “Banyan Tree Showroom”. Kitang-kita ang kasayahan at kagalakan ng lahat ng mga dumalo sa okasyong ito. Hindi lang sa naggagandahan at nagsisiguwapuhang mga panauhing dumalo, magarbo’t

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

5


BALITA
 ito ay ang isang grupo ng mga batang estudyante na galing pa sa Pilipinas. Umulan man o umaraw, tuloy na tuloy pa rin ang pagmamartsa ng lahat ng grupong sumali sa pistahan. Nakatutuwa ring isipin na mayroong mga organisasyon sa Pilipinas na sumusuporta sa mga nagpupunta sa ibang bansa para ipakita ang husay ng mga Pilipino sa kahit anong gawain.

Aritkulo ng Pamantasan Conference ni Randy Cortez Maui, Hawaii – Nagsalu-salo ang mga estudyante, mga eskolar, mga guro at propesor, at mga opisyal ng pulitika sa Maui Community College (MCC) para sa Pamantasan Conference noong Linggo, ika-3 ng Abril 2009. Ang nagsponsor ng conference ay isang samahang Filipino sa MCC, ang Samahang Kabatak. Ang isang keynote speaker ay si Dr. Emmanuel Calairo, isang Historian galing sa Unibersidad ng De La Salle – Das Marinas, Pilipinas. Tinalakay niya ang mga pista sa Cavite. May tatlong uri ng workshops ang inihandog ng MCC: ang isa ay kasaysayan at kultura katulad ng Exploring Filipina/o American Identity: A Call to Our People, Awit at mga Sining katulad ng Breaking the Silence: Spoken Word and the Pilipino/Pilipina American Community, at ang Pamumuno/Edukasyon katulad ng Filipinos in Arts and Humanities. Dumating din si Jordan Segundo kung saan ikinuwento niya ang karanasan at buhay niya bilang manganganta nang sumikat sa tanyag na show American Idol. Sumama rin sina Amy Agbayani, ang direktor ng SEED dito sa UHManoa.

6

Natatanging Parangal kay Tita Ruth Ni Jovanie de la Cruz Manila, Philippines – Lumipad patungong Pilipinas si Dr. Ruth Mabanglo upang tanggapin ang parangal na iginawad sa kanya ng Unibersidad ng De La SalleManila. Matatandaan na ipinangalan ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad ang kanilang 3rd Lecture Series in Filipinology kay Dr. Mabanglo bilang pagbibigay pugay sa kanyang hindi matatawarang pagmamalasakit at pagsusulong ng wikang Filipino maging sa labas ng Pilipinas. Dinaluhan ng mga kilalang personalidad pagtitipon.

Ikalawang Pandaigdigang Komperensya sa wikang Filipino bilang Global na wika, kasado na! ni Jovanie de la Cruz Honolulu, Hawaii – Noong Marso 2008 naganap ang kauna-unahang pandaigdigang komperensya sa wikang Filipino bilang Global na wika sa Unibersidad ng Hawaii na pinamunuan ng Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas. Ngayon, naitakda na ang araw ng pangalawang komperensya. Sa darating na Enero 1518, 2010 magaganap sa San Diego State University ang pinakaaabangang komperensya. Mga Scholarship sa mga Majors ni Monica Agluba Honolulu, Hawaii - Nakatanggap si Randy Cortez ng scholarship mula sa Venacio C. Igarta Arts Center. Samantala, nakatanggap din si Cherry Lou Rojo ng scholarship mula sa Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas. Lubos na nagpapasalamat ang mga estudyante sa tulong pinansyal na kanilang natanggap.

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


LINO
BROCKA
FILM
FESTIVAL

Lino Brocka Film Festival Ni: Mary Rose de la Cruz at Jodel Lanzaderas taong sumusuway sa kanya – mga inosenteng tao, bata, babae o lalake. Ang mga ito ay walang pusong niyang pinapatay. Hindi naging makatarungan ang pagtingin ng hustisya sa mga tao lalo na sa mga kapos palad na ang tanging hiling lamang katotohanan sa likod ng mapanlinlang hustisya. Sa pamamagitan ng Cain at Abel naunawaan ng mga tagasubaybay ng mga pelikula ni Brocka na ang away sa loob ng pamilya ay sanhi sa hindi pagkakaunawaan at pantay na pagtrato ng magulang sa kanyang anak. Ito’y nagdudulot ng mga masasalimuot na karanasan nang walang hanggang paghihiganti. Kahit sa kasalukuyang panahon nailalarawan pa rin sa pamayanang Pilipino ang walang hanggang pag-aaway ng magkaibang angkan. Ilan sa mga eksenang makikita mo sa mga pelikulang ni Lino Brocka ay nakasusuka at nakapangingilabot na hindi madaling makalimutan. Maitatanong mo ang iyong sarili kung bakit ba ito nangyayari o kung talagang bang nangyayari ang mga ito. Mahirap isipin na ang mga ito’y nangyayari hindi lamang sa kapanahunan ni Lino Brocka kundi pati na rin sa kasalukuyang panahon. Ang kanyang mga pelikula ay kilala sa mga hinahangaang mga festival kagaya ng Cannes Film Festival. Hanggang ngayon na hindi na nabubuhay si Lino Brocka ay patuloy pa ring tinatanghal at hinahangaan ang kanyang mga obra. Bagamat ang kanyang pelikula ay naipapakita ang masang Pilipino, ito’y malaman din sa mga mensaheng nais iparating sa mga opisyales ng gobyerno. Sa pamamagitan ng ganitogn pagtitipon ng mga bihasang direktor o manunulat upang gunitain ang kanilang obra ay isang magandang oportunidad sa aming mga kabataan para maunawaan ang pamayanang Pilipino mula sa kasaysayan hanggang sa kalagayan ng bansa. Sana’y patuloy natin suportahan ang mga independent Film dahil kadalasan ng mga realidad na istorya ay nakapaloob sa mga pelikulang ito. Isa na dito ang Filipino Language and Philippine Literature Program ng University of Hawaii-Manoa. Ang Lino Brocka film festival ay ginanap noong ika-20 hanggang ika-22 ng Abril. Sa festival na ito ay nabigyan ng pagkataon ang mga estudyante at kumunidad ng Hawaii na tangkilikin ang mga obra ni Lino Brocka na siyang mismo nagbigay sa Pilipinas recognasyon sa buong mundo at bigyan pansin ang mga bagay dapat bigyang pansin. Kahit pumanaw na si Lino Brocka patuloy pa rin ang pagyabong ng mga pelikulang Pilipino upang maipakita ang tunay na kahirapan at kalagayan ng ating bansa.

Kahirapan. Kaguluhan. Kasuklaman. Kamatayan. Kapatiran. Katarungan. Ilan lang ito sa mga paksa at temang tinalakay sa mga pelikula ni Lino Brocka. Sino ba si Lino Brocka. Si Lino Brocka ay isa sa mga kilalang direktor sa larangan ng Pilipino cinema. Mula nang siya ay unang makilala hanggang ngayon ay tinanghal na siyang bilang isa sa mga pinakatanyag at hinahangang direktor sa Pilipinas pati na Si Lino Brocka rin sa buong mundo. Ang tanyag na ito ay nagbunga sa mga obrang nagawa ni Lino Brocka tungkol sa mga pangyayari at isyu sa Pilipinas. Mga isyu na hindi madaling lunukin o ipamahagi sa buong mundo tunkol sa isang lipunang walang hanggang nakakaranas ng mga mapait na kapalaran. Subalit, si Lino Brocka ay isang matapang na director kaya’t ipinamahagi at ipinaglaban ang karapatan ng kanyang kababayang Pilipino. Dahil dito ay kilala ang kanyang mga pelikula sa kategoryang political melodramas. Kung saan makikita at nararamdaman mismo ng mga tao ang mga kasayahan at kahirapan nadadanas ng mga tauhan. Maaaninag natin ang kahirapan na nag-ugat hindi lamang sa paglobo ng populasyon kundi pati na rin ang mga mapagsamantala sa kaban ng bayan. Ilan sa mga kilalang pelikula ni Lino Brocka ay “Insiang” at “Orapronobis.” Sa Insiang ay makikilala mo ang babaeng si Insiang na lumaki sa kahirapan ng estero sa Pilipinas. Ang kanyang ina ay may kasintahan na nagtatrabaho sa isang “slaughter house ng mga baboy.” Ang lalakeng ito ay siyang gumahasa sa inocenteng Insiang at nagdulot sa mga kasuklamang nabunga sa kaisipan ni Insiang. Itong kasuklaman mismo ang nagtulak kay Insiang na maghiganti gamit ang kanyang ina. Sa “Orapronobis” naman ay ginanap sa mga unang taong pamumuno ni Corazon Aquino. Sa isip na mga tao ay mapayapa na dahil wala na ang BataMilitar sa Pilipinas. Subalit, nakita ni Brocka sa mga napapanahong isyu na hindi ito ang mga nangyayari. May mga militanteng umaabuso sa kanilang mga kapangyarihan na ibinigay ng gobyerno. Sa pelikula ay makikila natin si Kapitan Kontra na umaabuso sa kanyang kapangyarihan at pinapatay ang lahat ng mga

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

7


LINO
BROCKA
FILM
FESTIVAL
 Panayam ni Dr. Nerissa Balce-Cortez: The Artist at a Time of Dictatorship: Lino Brocka and His Films Ni Roderica Tuyay Ang panahong kinalakihan ni Lino Brocka ay panahon ng kahirapan, karahasan at katakutan na naging inspirasyon sa marami niyang pelikulang nagpapalabas ng mga suliraning panlipunan at nagbibigay sa kanya ng karangalan bilang mataguyod na direktor. Sa panayam ni Dr. Nerissa Balce-Cortes noong ika-21 ng Abril, ibinahagi niya ang tungkol kay Lino Brocka at ang kanyang mga pelikula sa panahon ng mahigpit na pamamalakad ng gobyerno. Sa unang parte ng presentasyon, malalaman natin kung sino si Lino Brocka. Nailarawan kung paano nahuhubog ang kanyang mga istorya mula sa karanasan niya sa buhay. Halimbawa ang Wanted: Perfect Mother. Ito ang kauna-unahang pelikulang ginawa pagkatapos niyang matuklasan ang katotohanan tungkol sa kanyang inang naging “taxi dancer” para buhayin silang magkapatid. Ang kanyang karanasan sa Leper’s colony sa Hawaii ang naging inspirasyon sa likod ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang na naglarawan ng paghihirap ng mga tauhang nag-iisa at hindi tanggap ng lipunan dahil sa kaibabawan ng isip sa maliit na pook na lumalait sa kanila. Sa taong 1972, lumala ang mga pangyayari sa panahon ng diktador nang tunay na nawalan ng karapatan ang mga tao nang tinatag ang Martial Law. Ginamit ni Brocka ang pulitikal na melodrama na nakatutok sa mga pambansang suliranin na epektibo dahil sa “romance, sex, and violence” na laging angkop sa mga proyekto niya katulad ng Insiang, Bayan ko: Kapit sa Patalim, at Orapronobis. Nailantad niyang maigi ang mga suliraning panlipunan katulad ng kawalan ng katarungan, karalitaan, pag-diktador, paniniil sa kababaihan at maralita gamit ang mga pangyayari mula sa tunay na buhay. Sa mga melodramang ito nabihag ni Lino Brocka ang mga manonood na umiyak, natunawan ng puso, namulatan o nagalit man. Hindi takot si Brocka sa hamong ipalabas ang sensitibong isyu laban sa gobyerno. “I was exhausting all means of expressing my disgust with the present government. We want them out.” Kahit 8

na may itinaguyod nang batas laban sa uring nakikibaka, patuloy na pinalabas ni Lino Brocka ang pelikulang Bayan Ko. “If they ban it, they ban it. I have been banned before. I have broken laws before. If we held to existing laws, we would never be able to do anything sensible in my country.” Walang takot na pinahayag ni Brocka ang kaniyang mga pinaglalaban at mga pinaniniwalaang pangyayari sa pamayanang Pilipino. Pinanindigan ni Brocka ang kanyang paniniwalang maibahagi sa iba ang katotohanang nangyayari sa paligid niya kahit pag-initan siya ng gobyerno. Bagkus, ang pagkapopular ng kanyang pelikulang naglalahad ng mga katiwalian ng gobyerno ay kaalinsabay ng lumalakas na pakikibaka ng mamamayan. Pagkatapos ng kapanahunan ni Marcos, naging miyembro siya ng komisyon sa ilalim ng sumunod ng presidenteng si Corazon Aquino noong 1986. Ngunit natuklasan niyang marami pa ring hindi nagbago kahit na sinabing malaya na ang Pilipino sa katiwalian ng gobyerno. Umalis siya sa kanyang posisyon para ipakita muli ang katotohanang palaban sa bagong administrasyon na lumabas sa pelikulang Orapronobis. Ito ang unang pelikulang pinanood ni Dr. Balce na nagpahanga sa kanya at nagpakilala ng tunay na kakaibang direktor na hindi takot tumindig at magmungkahing hindi pa tapos ang laban. Ngayon, naparatangan si Presidente Gloria Macapal Arroyo ng pag-aabuso sa mga karapatan ng tao at korapsyon. Nasabing may 992 taong biktima ng patayang pulitikal at 193 na nadukot bunga ng militar sa ilalim ni Arroyo. Tulad sa panahon nila Marcos at Aquino, ang malayang sining, lalo na sa porma ng mga independent films ang maaring maging ilaw sa mga hindi makatarungang nagaganap. Sino kaya ang magiging Lino Brocka ng kasalukuyan?

**Maraming salamat kay Dr. Nerissa BalceCortes sa kanyang mabuting panayam. Siya ay isang Assistant Professor ng Asian American Literature sa State University ng New York sa Stony Brook. Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


PANAYAM
NG
MGA
DALUBHASA
SA
KASAYSAYAN
AT
AGHAM
NG
PAMPULITIKA
 Sinikap ng Programang Filipino at Literatura ng Pilipinas na maitanghal at makapagbigay ng lektyur sa mga kaguruhan at mag-aaral ng Unibersidad ng Hawai`i sa Manoa ang dalawang kilalang propesor sa kani-kanilang larangan mula sa Pilipinas. Mula sa Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas si Dr. Emmanuel Franco Calairo, propesor ng kasaysayan at kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining. Mula naman sa Pamantasan ng De La SalleManila si Dr. Antonio Contreras, propesor ng Agham Pampulitika, naging dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, at kasalukuyang visiting professor dito sa Unibersidad ng Hawai`i sa Departamento ng Agham Pampulitika. Dinaluhan ng madaming mag-aaral, guro, at mga tao galing sa komunidad ang mga nasabing lektyur. Cavite at Mga Piyesta nina Jovanie de la Cruz at Monica Agluba

Katotohanan sa Wikang Filipino ni Jovanie de la Cruz

Honolulu, Hawai`i – Pinagyaman ni Dr. Calairo ang kamalayan at kaalaman ng mga dumalo sa kanyang panayam sa mahahalagang impormasyon tungkol sa lalawigan ng Cavite. Ayon kay Dr. Calairo, dahil sa kalapitan ng Cavite sa Maynila na siyang kabisera ng bansa malaki ang bahaging ginampanan o ginagampanan nito sa kalinangan ng kasaysayan ng bansa. Isa sa mga walong lalawigan na unang naghimagsik laban sa mapang-alipustang pamamalakad ng mga Kastila ang Cavite. Dahil dito, madaming mga makasaysayang pook ang lalawigan. Sa bayan ng Maragondon,Cavite nilitis at hinatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio, ang tinaguriang Ama ng Katipunan. Matatagpuan din sa lalawigan ng Cavite ang bundok Buntis kung saan dito pinatay si Bonifacio at ang kanyang kapatid. Dagdag pa dito, matatagpuan din sa lalawigan ng Cavite ang Aguinaldo Shrine, tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo – unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, kung saan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at idineklara ang kalayaan ng bansa. Ilan lamang ang mga ito sa mga makasaysayang pook sa Cavite. Malaki rin ang bahaging ginagampanan ng Cavite sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Mula pa sa panahon ng mga Kastila, mahalaga ang Cavite sa kalakalang Galeon. Sa Sangley Point dumadaan ang mga barkong galing Mexico bago pumasok sa Manila Bay. Dito rin inaayos ang mga nasisirang mga sasakyang pandagat. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling importante ang Cavite sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga kaakit-akit na lugar nito sa mga turista. Itinuturing ang bayan ng Tagaytay na pumapangalawang Baguio ng Pilipinas dahil sa malamig na klima nito. Matatanaw din ang kilalang bulkang Taal sa bayang ito. Hindi rin naman magpapahuli ang mga piyesta ng Cavite katulad ng Regada at Maytinis upang ipagdiwang ang kanilang pasasalamat sa mga patron ng kani-kanilang bayan. Parte ng kanilang pagdiriwang ang tinatawag na karakol na isinasagaw sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kalsada. Paraan ito upang magkaisa at magkasiyahan ang mga pamilya at mga magkakaibigan.

Honolulu, Hawai`i – Buong tapang at husay na sinagot ni Dr. Contreras ang mga ipinupukol na kontrobersya sa wikang Filipino na siyang pambansang wika ng Pilipinas. Sa panayam na ito, muling iginiit ni Dr. Contreras ang kahalagahan ng pagpapayaman sa wikang pambansa upang mahubog ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ayon pa kay Dr. Contreras mahalagang mapagtibay ang ating identidad para sa pagbuo ng bansang Pilipinas. Tahasang sinabi ni Dr. Contreras sa panayam na ito na hindi wastong sabihing mayroong “Tagalog Hegemony” o “Tagalog Tyranny” na nangyayari. Ayon kay Dr. Contreras, kung titignan natin ang kasaysayan, ang mga Kastila ang pumili na Maynila ang gawing kabisera ng bansa kaya naging Filipino – Tagalog based, ang pambansang wika dahil ito ang wikang ginagamit sa Maynila. Dagdag pa dito, ang mga Tagalog na paghihimagsik ang hinangad upang mapalaya ng buong bansa at sila rin ang nagpasimuno ng pagbuo ng isang bansa para sa mga Pilipino. Dahil patuloy din na mayroong oposisyon sa Pilipinas sa pagkakaroon ng wikang Filipino bilang pambansang wika at gawing medium of instruction sa Pilipinas, isang patunay lamang ito na walang “Tagalog Tyranny” na nangyayari. Kung mayroon man, sana hindi na maririnig ang mga oposisyong ito. Ayon kay Dr. Contreras, kung mayroon mang wika sa Pilipinas na mayroong hegemony o estadong tyrant ito ay ang wikang Ingles sapagkat sinusuportahan mismo ng pamahalaan ang panukalang gawing Ingles ang medium of instruction sa pamamagitan ng pagpasa ng EO 210 – naglalayong gawing Ingles ang medium of instruction. Sa wikang Ingles isinasalin ang iba’t ibang wika sa Pilipinas upang maipaunawa ang sinasabi sa hindi nakakaintindi ng wikang ginamit imbes na Filipino. Sa panayam ding ito, muling ipinaalala ni Dr. Contreras na dapat suriing maigi at gumawa ng masusing pag-aaral ang propesor bago siya magbitiw ng mga salita. Mahalaga ito sapagkat sa propesor umaasa ang mga estudyante ng impormasyon. Hindi dapat padalos-dalos bagkus magkaroon dapat ng batayan.

Katipunan Magazin / Tagsibol 2009

9


PIKNIK
AT
DRAMAFEST
TAGSIBOL
2009

10

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


FIL
435

Handog
na
Salin
mula
sa
Amin

 Halina’t damhin at intindihin ang bawat taludtod ng tulang aming sinalin mula sa orihinal Ingles na orihinal na bersyon patungong Filipino. Inihahandog ng FIL 435-Translation Class ang dalawang tula na sinalin sa abot n gaming makakaya.

Orihinal:

Salin:

What They Say About Scheherazade by Ramon C. Sunico

Ang Usap-usapan tungkol kay Scheherazade isinalin nina Mary Rose, Leila, Erica, at Jovanie

She is the Sultan's new wife.

Siya ang bagong asawa ng Sultan.

Though no one sees her, those who hear cannot forget. Her voice is sullen like the first rains of summer that come to wake you from the edge of a sultry night.

Bagamat walang nakakakita sa kanya, yaong mga nakaririnig ay di siya malilimutan. Mapangalaw ang boses niya gaya ng unang patak ng ulan sa tag-araw na gumigising sa iyo sa hangganan ng maalinsangang gabi.

Her voice is sullen and it soothes. Mapanglaw ang boses niya at nakakakalma. Those who can hear her cannot forget the incessant beauty of her telling; the endless, delicate constructions that move the hearts of people who do not know her.

Hindi makakalimutan ng mga nakaririnig ang walang hanggang ganda ng kanyang pangangatha; ang walang hanggan, marupok na kathang isip na nag-uudyok sa mga puso ng nakikinig bagamat di siya kilala.

Truly, she is blessed. As to the source of her power, they say her art is bought with great sadness, with pain sharper than the pointed moon. They say she speaks with great longing for the islands she has forever left behind.

Tunay nga siyang pinagpala. Tungkol sa poon ng kanyang kapangyarihan, sabi nila'y tinubos niya ito ng malubhang lumbay, ng pasakit na higit pang matalim sa matulis na buwan. Sabi nila'y kung magsalita siya'y kasama ang pangungulila sa islang habambuhay niyang hindi na masisilayan.

It is saddening to think of her own people who have lost her. But the sultan would be a fool to let her go. I myself have witnessed these things. I have heard her stories and wept as vestiges of her voice caromed off the walls of her palace.

Nakakalungkot isipin ang mga taong nilisan niya, ngunit magiging hunghang ang sultan kung pakakawalan siya. Nasaksihan ko mismo ang mga bagay na ito. Narinig ko ang kanyang mga kuwento at nalugmok ako habang umaalingawngaw ang kanyang naglalahong tinig sa mga dingding ng palasyo.

for Mailin

para kay Mailin

FIL 435

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

11


FIL
435
 Some Women Learn to Read by Ramon C. Sunico

Mga Babaeng Natuklasan ang Pagbasa isinalin nina Jovanie, Randy, Maria at Rochie

Because it is not done, first, they must shut windows, draw shutters, in short, hide from those who disapprove of such adventures as they would undertake.

Dahil hindi ito tanggap, una, kailangang isara ang bintana, ipinid ang kurtina, sa madaling sabi, magtago mula sa mga hindi sumasang-ayon sa ganitong paglalakbay na kanilang tatahakin.

Then, there, in a house of handmade night, they light the lamps of their eyes, they who have now met to learn how to read. Their frowns reflect the winding mysteries of script. Their eyes strain to trace the path of letters into the sound the mind makes when it can see. For some, the journey takes longer than the way to the sea. (It is more treacherous than the trail that splits the mountain.) For some, the incessant roil of noise and ink will never crest. Trapped as they are in a zone of whispers and sighs. But now, today, one voice electrifies this handmade night, she cries and speaks the name she sees: her name. She sees her name. She reads! She scales the crags of A and Zed and spies the sea. And the tears of friends crash—exuberant! —on the sunlit shore.

Pagkatapos, doon, sa bahay ng gabing yaring-kamay, sinisindihan nila ang lampara ng kanilang mga mata, silang nagkita ngayon upang matutong bumasa. Ang pagkunot ng noo nila ay sumasalamin sa mga palikulikong hiwaga ng sulat. Naniningkit ang mga mata nila upang taluntunin ang pinagdaraanan ng mga sulat sa tunog ng isipan kapag nakakakita. Para sa ilan, mas matagal ang paglalakbay kaysa sa daan patungong dagat. (Higit itong mapagkanulo kaysa sa landas na bumibiyak sa bundok.) Para sa ilan, ang walang tigil na kaguluhan ng ingay at tinta ay hindi kailanman guguho. Bilanggo sila sa daigdig ng mga bulong at buntong-hininga. Subalit, sa kasalukuyan, ngayon, isang boses ang nagpapaningning ng yaring-kamay na gabi, umiyak siya at sinabi ang pangalang nakita: pangalan niya. Nakita niya ang pangalan niya. Nakapagbasa siya! Inakyat niya ang mga batong matarik ng A hanggang Z at siniyasat ang dagat. Nagsalpukan ang mga luha ng magkaibigan – maluwalhati! – sa dalampasigang nasisinagan ng araw.

12

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


FIL
402

F I L 4 0 2 Isdang Ligaw Ni: Rian Michael Calugcugan

Alaala Ni: Jodel Lanzaderas

Balita Ni: Rochie Mamalias

Walang bahay ang isda. Hinanap ang pamilya. Naglakbay siya sa mundo Ngunit maraming gulo.

Libo-libong buhangin Ating pwedeng anihin. Ilan, mawawala lang Sa daang nalampasan.

Halos hindi maguhit Ng babaeng ngumiti Ang balitang natanggap Tungkol sa hinaharap.

Mag-Ingat sa Puno Ni: Marleen Centeno

Himagsik Ni: Roderica Tuyay

Ang Dahon Ni: Francess Gagarin

Magsasayaw ang puno Kapag inuuga mo. Kung mahulog ang bunga Ingat! Madidisgrasya ka!

Sa may bangin pumanaw Liwanag na pag-asang Pinipilit ilitaw Nang bukas makahinga.

Ang dahon ay nalaglag Sa lupa ay bumagsak. Unti-unting naglaho Ang makulay na anyo.

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

11


FIL
330

14

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


FIL
302

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

15


FIL
202­1

16

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


FIL
202­2

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

17


FIL
102­1
 “Teka, Sino itong magandang babae?” ‐ Jesus Thomas “Gusto kong maglaro ng Street Fighter 4.” ‐ Ben Realica “’Di ba!?” “Gusto ba ninyong maglaro ng basketbol?” ‐ Craig Ponting “Hoy pare, bakla ka ba?” “Bakit, crush mo ba ako? Ooohhh, Crush mo ako!” ‐ Derrick Monis “Wow! Ang cute!” “Teka, teka, teka! Magbasa tayo ulit!” ‐ Christine Licato “Mas guwapo si Cedric Diggory kaysa kay Harry Potter sa Harry Potter and the The Goblet of Fire.” ‐ Isa Realica "Mahalaga ang buhok sa babae... flip your hair!" "Malalaman mo, kung natagpuan mo na ang soulmate mo, kapag maglapat ang mga linya sa palad mo... just clap your hands!" ‐ Yvonne Villegas “Miss na miss kita Jason! Puwede ba tayong magusap?” “Ano ulit ang pangalan mo? Dennis? Salamat! ‐ Kara Day “Hoy nanay! Wala akong pera!!!” “Pupunta ako sa tabing dagat at mag-paddle.” ‐ Daven Astero

“Gusto ko lang sabihin kung gaano kita gusto. Sobra! Kahit wala kang sabihin.” “What! Oo, I'm obese. I'm not healthy. Siguradong mamamatay akong maaga. Pero ayoko ang programa ninyo, okey?” “Puwede ba kitang tigilan?” Justin Cadiz “’Di Bale!” “Basta ikaw!” “Pustahan tayo ako ang unang magugustuhan niya!” Nicole Rombaoa “Eh puro good time na lang yata ang nasa isip mo eh!” “Pagod na pagod ako eh.” Maureen Taasin

“Ingat ka ha!” “Maging masaya.” Becka Gueco “Tita Ime, Maganda naman ang bagong haircut mo, kamukha mo si Rihanna.” “Bigyan mo ba ako ng extra credit para sa maganda kong compliment?” Paulo Clemente

Sabihin Mo Na!

“Sa Kaua’i, wala kaming traffic, hindi maingay, at hindi masyadong maraming tao.” “Ang totoong kaibigan ko lang ang maghihintay para sa akin!” Lesther Papa “Alam mo, ang importante ay susundin mo ang nasa puso mo.” “Gusto kong magbisita sa Pilipinas kasi miss na miss ko ang pamilya ko!” McDaniel Martinez “Gusto kong uminom ng dyus.” Sacha Hemenway “Oy! Sandali lang!!” “Sophia?! Ano ginagawa mo dito?” - Jonathan Lucena

18

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


FIL
102­2

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

19


FIL
102­3

Ang Biyaya Ay Pwedeng Mangyari FIL 102-3

Kaliwa tungo Kanan (Wala: Kimberly Blythe) Likod (lalaki): Michael Cera, Kristian Guillen, Rineil Perez, Paul Allas, Richard Tabalno, Collin Carlos, Joneal Altura, Christopher Vinluan Gitna (babae): Robyn Oishi, Jericah Baxa, Stella Bugarin, Jennifer Piloton, Danielle Sacramento, Tiffany Cezar Harap (babae): Katherine Jumalon, Liezl Saoit, Tita Ime Gasmen, Brittany Kiyabu, Kuuleilani Reyes

Rineil Francis Perez • Tita Ime, puwede ko ba gamitin ang C.R? Kuuleilani Reyes • Ihurno ang brownies para mga 20 minutos. Jericah Baxa • Huwag kang kumain ng aso ditto. Richard Tabalno • Kinain ko ang chocolate-chip waffles...Hindi ako kinain ng chocolate-chip waffles. Danielle Sacramento • Patigilan mo ang ulan. -Laida Stella Bugarin • Paki ulit tayo klase… Robyn Oishi • Wala kang pera at trabaho dapat magpulut ng lata. Joneal-Anthony Altura • Gusto kong maglasing at pumunta ako sa simbahan bukas. Michael Cera • Ayoko na sa iyo kasi wala kang pera! Kimberly Blythe • Gusto kong guwapo nobyo.

20

Liezl Saoit • Magkasing tangkad sina Kat at Liezl. Katherine Jumalon • May balingkinitang katawan at mahabang buhok ako. Jennifer Piloton • Hoy, kumain ka na, ang ganda mo. -Zoyla Kristian Guillen • Hoy Shawwtty...punta dito kasi ang sarap dito. -C. Brown Angela Mae Lactaoen • Hindi ka pa nagbihis? Bilisan mo, mahuhuli na tayo! Tiffany Cezar • Ipaglalaba ko ng lahat ng tao dito sa perya! -Angelina Christopher Vinluan • Huwag maging dayuhan sa sariling bayan! Paul Allas • Sa palagay ko, si Tita Ima ang pinakamahirap at pinakamagaling guro sa Tagalog na kurso!

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


IP
432

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009

21


IP
273E

IP 273E

Ikaw ba'y nalulungkot Naiinip, nababagot? Ikaw ba'y napapagod Araw gabi'y puro kayod?

Palawan, Vigan at Batanes Subic, Baguio at Rice Terraces?

Buhay mo ba'y walang saysay Walang sigla, walang kulay? Bawa't araw ba'y pareho Parang walang pagbabago? Tara na, biyahe tayo Kasama ang pamilya Barkada at buong grupo Para mag-enjoy nang todo. Chorus: Halika, biyahe tayo, Nang ating makita Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.

Namasdan mo na ba Ang mga vinta ng Zamboanga Bulkang Taal, Bulkang Mayon Beach ng Boracay at La Union? Tara na, biyahe tayo Mula Basco hanggang Jolo Nang makilala ng husto Ang ating kapwa-Pilipino.

Nasubukan mo na bang Mag-rapids sa Pagsanjan Mag-diving sa Anilao Mag-surfing sa Siargao?

Namiesta ka na ba Sa Peñafrancia sa Naga Umakyat sa Antipolo Nagsayaw sa Obando?

Natikman mo na ba Ang sisig ng Pampanga Duriang Davao, Bangus Dagupan Bicol Express at Lechong Balayan?

Tara na, biyahe tayo Upang ating matamo Ligaya at pagkakaibigan Kaunlaran, kapayapaan. (Chorus)

Tara na, biyahe tayo, Nang makatulong kahit pano Sa pag-unlad ng kabuhayan Ng ating mga kababayan.

(Chorus)

Napasyal ka na ba Sa Intramuros at Luneta

From city to city, Seven thousand and a hundred plus islas Sa mahal kong Pilipinas Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!

Tara na, biyahe tayo Upang ating matamo Ligaya at pagkakaibigan Kaunlaran, kapayapaan.

(Chorus) (Chorus) Nakisaya ka na ba Sa Pahiyas at Masskara Moriones at Ati-Atihan Sinulog at Kadayawan?

Halika, biyahe tayo...

Song produced by WOW Philippines and sang by famous Filipino singers

22

Katipunan
Magazin
/
Tagsibol
2009


Katipunan
Magazin
 Opisyal
na
Publikasyon
ng
Programang
Filipino
at
Literatura
ng
Pilipinas
 Nalalathala
dalawang
beses
isang
taon
 Tagsibol
2009

PATNUNUGUTAN

Jovanie de la Cruz Tagapagpaganap
na
Patnugot

Monica Agluba Pangkalahatang
Patnugot
at
 Patnugot
ng
Ley‐Awt

Mary de la Cruz Patnugot
ng
Lathalain

Lovely Abalos

MGA
GURO:
Tita
Ime,
Tita
Ruth,
Tita
Betchie,






 Tita
Pia,
Kuya
Lester,
Tita
Irma
at
Tita
Terry

Patnugot
ng
Balita

Mga
Kontribyutor

Roderica Tuyay Jodel Lanzaderas Lathalain

Zaldymar Cortez Cherry Lou Rojo Randy Cortez Balita

Modesto Bala Disenyo
ng
Pabalat

Dr. Ruth Elynia Mabanglo Dr. Pia Arboleda Mga
Tagapayo

Taos
na
Nagpapasalamat
 ang
mga
guro
at
estudyante
ng

 Programang
Filipino
at
Literatura
ng
Pilipinas
 sa
mga
sumusunod
na
indibidwal
at
grupo
na
 patuloy
ang
kanilang
walang
sawang
pagsuporta

 at
pagmamalasakit
sa
ikauunlad
ng
wikang
Filipino

Nagbigay
ng
Pondo
para
sa
Scholarship
 VENACIO
C.
IGARTA
ARTS
CENTER
 DR.
TERESITA
V.
RAMOS
 DR.
RUTH
ELYNIA
S.
MABANGLO
 
 Pasasalamat
sa
Dramafest
 Mga
Hurado

Dr.
Francisco
Conde
 Dr.
Antonio
Contreras
 Ms.
Milagros
Gavieres
 Mr.
Josef‐Troi
Orias
 Ms.
Margie
Pascua
 Ms.
Agnes
Subia‐Macaraeg

Filipino
and
Philippine
Literature
Program
 Department
of
Indo‐Pacific
 Languages
and
Literatures
 University
of
Hawai’i
at
Manoa
*
Spalding
459
Maile
Way
*
Honolulu,
Hawai’i
96822
 Tel.
#
(808)
956‐6970/8933
*
Fax
#
(808)
956‐5978
 www.hawaii.edu/filipino
*
www2.hawaii.edu/~kati
*
magkatipon@yahoo.com



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.