Para sa aking ikat’long buwan bilang Ulong Patnugot ng Lapis sa Kalye Online Magasin, aking ipapahatid ang aking taospusong pasasalamat sa LsK Publishing sa muling pagtitiwala sa akin sa nasabing online magasin. Hindi ko aakalain na sa aking anim na buwan na pamamalagi sa nasabing grupo ay nabigyan na agad ako ng regular segment dito sa grupo. At para sa aking huling pagtusok at paghugot bilang inyong lingkod para sa pagdiriwang natin sa buwan ng wika, aking itatanim sa inyo ang talinghaga na aking naisip mula sa kolonya ng mga langgam. Naalala ko ang wika natin bilang isang langgam, minamaliit, pakalat-kalat, umaaligid sa kung saan-saan. Minsan, naiisip ko na katulad ng mga langgam ay nagkakaroon tayo ng pagkakaisa, magkakaroon tayo ng kolonya ng mga taong may pagpapahalaga sa ating sariling wika. Nakakalungkot kasing isipin na sa pagtungtong ng modernisasyon, siyang limot na ng iba sa ating sariling wika. Hindi ba’t mukhang ironiko itong mabasa mula sa isang kolehiya na kumukuha ng kursong may kinalaman sa wikang Ingles? Sa tingin ko nama’y hindi. Para sa isang payak na kabataan na nakasabay sa rumaragasang modernisasyon, masasabi ko na iba pa rin talaga kung ang kabataan at ang darating na kabataan na katulad ko ang magpapatuloy at magtataguyod ng ating sariling wika. Sana’y katulad ng mga langgam ay magkapit-bisig tayo sa pagtataguyod ng ating nasyon. At sa pagtaguyod natin, huwag sanang makaligtaan ang wikang sariling atin. Magliyag, Kalapis! Lapis sa Kalye Online Magasin
Luz V. Minda Ulong Patnugot, Lapis sa Kalye Online Magasin pahina 2
Talaan ng Nilalaman Juan Bautista Interbyu ni Dudong Daga
pahina
4
“Pagtataksil”
pahina Maikling Kuwento ni Silent Sakura
Cindz dela Cruz Interbyu ni Luz V. Minda
pahina
8
17
“Si Langgam at si Matsing” Tula ni Jeng de Dios
pahina
LUMAD
pahina
Interbyu ni Dudong Daga
“NEO”
pahina
20 23
24
Maikling Kuwento ni Froilan Elizaga
“Siya’y Isang Makata” Tula ni Reagan A. Latumbo
pahina
“Sa Bahay ni Rizal” pahina Halaw sa sariling karanasan ni Reagan A. Latumbo Lapis sa Kalye Online Magasin
30 31 pahina 3
Inihahandog ng Lapis sa Kalye Webmag ang isang interview mula sa isa sa mga modern writer ng ating panahon. Sino ang hindi nakakakilala sa author ng “Hector�? Narito ang ilan sa mga napagusapan nina Dudong Daga at ni Juan Bautista para sa August issue ng Lapis sa Kalye Webmag.
Juan Bautista Interbyu|| Dudong Daga
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 4
lat? u s u gs a p t? a l a u s ta um n s u g p n o na y a ‘ k a s Nag-umpisa akong suno k a a l a u t P mulat n’ung 1999. Labing-siyam na ag n g n taong gulang ako n’un. Nagsusulat ako ng Sino
mga kanta para sa banda namin. Bukod sa pagiging gitarista, ako din ang primero unong nagsusulat ng aming mga kanta. Sa pagku-kuwento naman, sa totoo lang, hindi libro ang nagbukas ng interes ko sa pagsusulat, kung ‘di ‘yung pelikulang “The Legends Of The Fall”. Sobrang nagustuhan ko y’ung istorya nya, tapos nalaman ko na lang isa pala ‘yong novella ni Jim Harrison. Ang mga inspirasyon at paborito kong mga manunulat ay sina Lualhati Bautista at Norman Wilwayco sa lokal na literatura. Khaled Hosseini at Stephen King naman sa wikang Ingles.
Para
kanino
ka sum
Para sa lahat, ‘Tol. Hindi lang naman kasi ako basta nagkukuwento lang. Ang importante kasi sa ‘kin ay ang maikalat ang mga mensaheng nais kong ipaabot sa aking mga mambabasang Rockstars.
usulat?
r”? to c e H “ ha ng k li g a p a os m n o y l dito. s a o k ir g p n s tu in ang atikim o p n g a n ti o n o o Sin gk n i m a k “Hector” ang kaunan a m a n o m unahang nobelang isinulat ko. Inumpisahan ko Bigyan ito n’ung 2004 pa. Isang dekada ang inabot bago ‘to tuluyang matapos. Unang parte lang ‘to ng The Royal Brothers Trilogy. Sino at ano ang inspirasyon? Madami, tungkol sa kung anu-ano. Pero isa lang ang gusto kong patunayan sa Trilogy na ’to. “Not all of us can be the most powerful. But each and everyone could be the most dangerous.” Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 5
?
ak p a y ng
gus a g m
‘yo a s nod
t
u m u s ong
Iba’t iba ang klase ng tao sa mundo. May mayaman, mahirap, makapangyarihan, alipin, meron, at wala. Pero lahat tayo, may boses. Lahat tayo, may kakayahang magsulat base sa mga nararanasan, nakikita, at nararamdaman natin patungkol sa iba’t ibang bagay. ‘Yon ang kapangyarihang mayroon tayong lahat. Kung may gusto kang ikuwento, ikuwento mo sa amin. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo sa amin. Ano bang mawawala sa ’yo kung susubukan mo? H’wag mong ipunin lahat sa utak mo delikado yan. Baka maging taong grasa ka. Pero mga ‘Tol, kung nangangarap kang yumaman, mag-negosyo ka. Kung nangangarap kang ikaw ay tilian, mag-artista ka. Ngunit kung gusto mong maging isang imortal; na kahit may ilang dekada ka nang nakabaon sa lupa ay ginugunita pa ng mga nabubuhay ang iyong pag-iral, magsulat ka.
o sa
m e c i Adv
Paano
makaka -score ng unan at iba m g libro o pang mong “ likha na Hector availab ” le sa eSa BUQO, ‘Tol. Install nyo book? lang yung Buqo App (For PC, Tablets or Mobile). Tapos i-type nyo sa search bar “Juan Bautista”. Para sa “Hector” Paperbacks naman, mag-message lang kayo sa Facebook Page ko: www.facebook.com/JuanBautistaStories
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 6
g
ng a n u g
n
o n a , l a ‘To
p o m aalala
lib
on m o r
sa a b a n
“Around the world in 80 days”
n g n u K
Sa tingin m
o bakit m araming
rakistang
manunula
t?
Isa sa mga pinaka-importanteng tao ngayon sa modernong pagsusulat ay si Norman Wilwayco. Siya ang pinaka-Rockstar sa lahat. Naniniwala ako na isa lang ako sa sandamakmak na naimpluwensyahan nya sa kanyang istilo ng pagkukwento at pagsusulat. Isa yan sa mga dahilan. Dumami na din ang mga rakistang manunulat natin dahil nasa panahon tayo ngayon na kung saan hindi na ganon kahirap maabot ang mga mambabasa. May web na. Dati kasi hangga’t hindi ka pinapansin ng publisher at hindi nagiging pisikal na libro ang akda mo, ultimo kapitbahay mo hindi malalamang nagsusulat ka pala kung hindi mo sasabihin dito. Ngayon nandyan ang Web, Facebook, Twitter, Wattpad etc. Kaya dumadami ang mga manunulat natin ngayon. Shout outs din sa mga aktibong Literary Groups natin ngayon. Siyempre andyan ang LSK (Lapis Sa Kalye), PAPEL, Save Literature, Writer’s Mind at marami pang iba. Ang kagandahan nito mga kabataan halos ang mga miyembro. Kaya naniniwala akong madami pa tayong Rockstars na makikilala sa hinaharap.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 7
?
Pagtataksil Kuwento || Silent Sakura
Anim na taon ng kasal si Malou at Ronnel, nagsumpaan sila sa harap ng simbahan at nagmahalan sila ng buong puso, magsasama sila hanggang walang hanggan. Biniyayaan sila ng isang napaka-cute na supling na si Mark Ronne, apat na taong gulang. Isang masipag na empleyado si Ronnel sa isang Cooperative Institution at tumigil naman sa pagtratrabaho si Malou bilang isang office assistant para mag-focus sa pag-aalala sa anak at pagiging maasikasong asawa. May munting tindahan sila sa bahay na naging libangan na rin ni Malou. Sa umaga maaga siyang gumigising para ipaghanda ang asawa, sa pagising ni Ronnel lahat ay maayos na at naka-ready, laging malinis at plantsado ang damit niya. “Ang sipag talaga ng misis ko,” lambing ni Ronnel sa asawa sabay yakap rito. Napangiti si Malou. “Syempre, para sa gwapo kong asawa.” Umupo si Ronnel sa mesa at naghahanda ng kumain. Inihanda ni Malou ang almusal nilang mag-asawa. Ganito araw-araw ang ginagawa ni Malou at kahit kailan ay hindi siya magsasawa na pagsilbihan ang pinakamamahal na asawa. Pagkatapos niyang ilapag ang huling putaheng niluto niya ay agad siyang umupo katabi ng asawa. Siya mismo ang kumuha ng kanin at ulam at inilagay ito sa plato ng asawa. “Ang sarap talaga mag-alaga ng asawa ko.” Saad ni Ronnel na hindi mawala ang ngiti sa mga labi. “Sus! Nambola pa ang asawa ko. Sige kumain ka na baka malate ka sa trabaho.” Pinong kurot ang iginawad ni Malou sa asawa. Masaya at kuntento sila sa pamumuhay nila, hindi man masyadong marangya pero sapat naman ang kita ni Ronnel at pagtitinda ni Malou para may makain sila sa araw-araw. Nakapagpundar din sila ng munting bahay na matatawag nilang tahanan. Sa loob ng anim na taon napakasimple lang ng set-up nila Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 8
hanggang isang araw naassign si Ronnel sa ibang branch na malayo sa bahay nila at kailangan niyang magstay-in doon for months. Wala namang choice siya dahil tawag ng trabaho ito. Kaya kailangan niyang sabihin ito sa kanyang asawa, sa susunod na araw na kasi ang alis niya dahil biglaan din ang pagtransfer niya. Nasa higaan na sila at abala naman sa pagbabasa si Malou. “Mahal,” tawag sa kanya ng kanyang asawa. “Mahal bakit?” sagot niya na hindi man lang inaalis ang mga tingin sa binabasa. “Ma-aassign ako sa ibang branch at kailangan kung magstay doon ng ilang buwan din.” siwalat nito. Napatingin siya dito bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa hindi pagpayag niya. Ngunit walang bakas na kahit na anong pagaalala sa loob niya, alam niya kasing mahal siya ni Ronnel at mapagkakatiwalaan niya ito. “Oo bakit parang gulat na gulat ka diyan? Napatingin sa kanya si Ronnel at halatang nagulat ito sa reaksyon niya. “Papayag ka, Mahal?” parang hindi pa rin makapaniwala ito. Kinurot niya ang pisngi ng asawa. “Oo naman, Mahal. Alam kong gagawin mo ito para sa pamilya natin, ‘di ba? at alam ko namang hindi ka gagawa ng kalokohan doon, ‘di ba?” paniniguro niya. “Oo naman Mahal, pangako ikaw lamang.” malambing na sagot ni Ronnel at tsaka hinagkan siya. Masuyo din niya itong niyakap. Totoong mamimiss niya ang ang kanyang asawa pero magtitiis siya para sa kanilang anak. Sa loob ng dalawang buwan ay palaging tumatawag si Ronnel sa asawa hanggang dumating ang ika-tatlong buwan kung saan naging madalang ang pagtawag at pagtetext nito. Hindi na lamang niya iyon pinansin sa pag-aakalang busy lang ito sa trabaho. Sa kabilang dako naman hindi inaakala ni Ronnel na makikila niya si Lalaine isang Loan Officer sa cooperative na Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 9
kanyang pinagtratrabahuhan, hiwalay na ito sa asawa pero hindi pa rin maitatanggi ang pagiging sexy nito, naging magkaibigan sila at madalas silang magkasama, hindi rin lingid sa kaalaman niya na tila ba may pinapahiwatig si Lalaine sa kanya, madalas kasi siya nitong tawagan at i-text at napaka-sweet nito sa kanya hanggang hindi niya inaasahang may mangyayari sa kanila dalawa. Napakabuti rin nito sa kanya at talagang sobrang sweet kaya nahulog din ang loob niya. Hanggang dumating ang araw na umuwi na si Ronnel kay Malou, muli kasi itong binalik sa dating branch na kanyang pinagtratrabahuhan pero naramdaman ni Malou na tila ba may nagbago na sa pakikitungo nito. “Mahal, sobrang na-miss kita.” Paglalambing ni Malou sa asawa ng minsan silang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Hindi ito sumagot, tutok na tutok ang mga mata nito sa pinapanuod na palabas. “Mahal kumusta ka na ba? Bakit parang pumayat ka, Mahal?” Kiniliti pa niya ito na dati niyang ginagawa pero nagulat siya sa naging reaksyon nito. “Ano ba Malou! ‘Wag mo nga akong disturbuhin, nagpapahinga ‘yung tao, e.” Sikmat nito. “Sorry na mahal.” Nilambing pa niya itong muli pero sa halip na kumalma ay bigla itong tumayo at pumasok sa kwarto nila, pabalibag nitong isinara ang pinto. Sa totoo lang, nasaktan siya. Hindi naman kasi gan’un si Ronnel noon, malambing ito at hindi ito naninigaw pero ngayon hindi niya alam kung bakit bigla itong nagbago. Ang akala ni Malou dahil pagod lang ito pero dumaan ang ilang araw na palaging mainit ang ulo ni Ronnel sa kanya madalas din itong hating gabi na kung umuwi at madalas ding idahilan nito ang pag-o-ot daw nila. Nagsimula na siyang maghinala sa mga kinikilos nito lagi din kasi nitong hawak ang cellphone at laging may katext o di kaya ay may tumatawag. Nakapagdesisyon si Malou na mag-imbestiga kaya ng minsang umalis ang asawa niya at naiwan nito ang cellphone, doon niya binasa ang mga text. Nanginig ang kamay ni Malou ng mabasa ang text sa cellphone ng kanyang asawa.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 10
Lalaine: Honey, kailan ka ba uuwi dito? Miss na miss kita. Magkita naman tayo minsan, I love you. Lalaine: Honey, kailan mo ba hihiwalayan ang asawa mo? Akala ko ba ako ang mahal mo? Magsama na tayo. Lalaine: I love you very much honey. Hihintayin kita magkita tayo ngayon. Maghihintay ako sa labas ng cooperative. Nanlalamig ang buong katawan niya. Agad niyang ibinalik sa lamesa ang cellphone ng asawa. Agad siyang nagpunta ng CR at dun ay inilabas niya ang mga luhang kanina pa gustong magbagsakan. “Mahal,” tawag ni Ronnel sa asawa. “Aalis muna ako. Pupuntahan ko lang si kumpare.” Nagmamadali itong umalis ng bahay. Narinig niya ang pagsara ng pinto at doon palang siya lumabas ng CR. Humagulgol na lamang siya na tila ba pinagsakluban siya ng langit. Isang ang tanong niya. “Bakit mo ito nagawa sa akin, Ronnel?” namutawi sa isip niya. Sinilip niya ang kwarto ng anak at nakita niya na mahimbing itong natutulog. “Napakabata pa ng anak ko para mawalan ng ama! Hindi! Hindi p’wedeng mawalan siya ng ama.” Naisaloob niya sa sarili. Agad niyang tinawag ang kapatid na kapitbahay lang niya at ibinilin muna ang kanilang anak sa kapatid niya at agad niyang sinundan ang asawa. Nasa loob siya ng taxi ng makita niya ang pagbaba ng kanyang asawa sa isang taxi na sinakyan nito. Agad na sumalubong ang isang babaeng sobrang iksi ng short at naka-sleeveless lang. Humalik pa ito sa labi ng asawa niya. Uminit ang ulo niya sa nakita, sigurado siyang ito ang kabet ng asawa niya. Agad na pinasakay ng asawa niya ang babae at sinundan naman ito ng taxi na sinakyan niya, hanggang huminto ang taxi na sinakyan ng asawa niya sa isang hotel, tuloy-tuloy na pumasok ang dalawa habang siya nakatunganga lamang sa labas. Tama nga ang hinala niya. May kabet ang asawa niya. Umuwi siya ng bahay na lantang-lanta para bang nakalutang lamang siya at wala siya sa matinong pag-iisip, hindi pa rin niya lubos maisip na pinagtaksilan siya ni Ronnel. “Ate, ano bang nangyari saiyo? Bakit ba magang-maga yang mata mo?” tanong agad ng kapatid ni Malou ng makita siya. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 11
Unti-unting dumaloy muli ang mga luha niya, napayakap na lamang siya sa kapatid. “May kabet ang Kuya Ronnel mo. Pinagtaksilan niya ako.” humagulgol siya ng humagulgol. Tila ba pinunit ang puso niya sa sobrang sakit. “Ano?! Totoo ba ‘yan ate?” hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kapatid. “Oo, kitang kita ko sila. Mga hayop sila!” galit at sakit ang kanyang naramdaman sa mga oras niya. Naaawa din siya sa kanyang anak, masyado pa itong bata para mawalan ng ama. Nang gabing iyon ay hindi na umuwi si Ronnel, alam niyang nasa piling na ito ng kabet niya. Kinabukasan ay nakapagdesisyon siyang komprontahan ang dalawang hayop —este ang asawa at kabet ng asawa niya. Maaga siyang nagpunta sa hotel na pinuntahan ng asawa niya at agad siyang nagtanong kung meron bang Lalaine na naka-check in doon. Kailangan pa niyang magsinungaling na kapatid niya ang babae para lang ibigay sa kanya ang room number. Mabilis ang mga bawat paghakbang niya kating-kati na ang kamay niya sa pagsampal sa malanding babaeng yon at sa magaling niyang asawa. Ngunit bago pa siya makarating sa room number na sinabi ng receptionist ay hindi niya inaasahang masasalubong niya sa lobby ang dalawang hayop. Halata sa mga mukha nito ang pagkagulat kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito at isang humahagibis na sampal ang kanyang iginawad sa asawa. “Hayop ka Ronnel! Hayop ka!” sigaw niya sa asawa. Wala siyang tigil sa paghampas dito. “Paano mo ito nagawa sa akin? Halos ‘di na ako matulog sa pag-aalaga ko sa ;yo tapos ganito ang isusukli mo? Buong buhay ko Ronnel minahal kita! Hayop ka talaga!” ang sigaw niya ay unti-unting napalitan ng paghihinagpis. Paghihinagpis ng pusong nasaktan. “Tama na Malou!” bulyaw ni Ronnel sa asawa. “Tama na? Iyak-tawa ang ginawa niya para siyang baliw. “Ronnel buong puso ko binigay ko saiyo pero bakit mo ito nagawa sa akin? Anong pagkukulang ko?!” humahagulgol na siya sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. “Kasalanan ito ng haliparot na iyan!” agad niyang sinugod si Lalaine at malakas na hinila ang buhok. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 12
“Aray ko! Ano ba!” pilit naman ang pag-iwas ni Lalaine. “Ano ba Malou tama na!” awat ni Ronnel. “Malandi ka talagang babae ka! Mang-aagaw ka ng asawa! Wala kang konsensiya kukunin mo ang ama ng anak ko! Malandi kang babae ka!” patuloy siya sa hila sa buhok at paghampas kay Lalaine. Sigaw lang ng sigaw ang naging sukli ni Lalaine. Dahil sa kagustuhang mapatigil si Malou ay hindi inaasahang matulak ni Ronnel ang sariling asawa dahilan upang masubsob ito sa sahig. Agad namang lumapit si Ronnel upang akayin ang asawa pero bago pa niya yon magawa ay agad ng tinabig ni Malou ang kamay ni Ronnel. “Magbabayad kang babae ka hindi pa ito ang katapusan!” banta niya kay Lalaine. Agad din siyang umalis sa lugar na iyon. Dumating siya sa bahay na hindi alam kung anong gagawin, umiyak lang siya ng umiyak. Naroon naman ang kapatid niya na siyang nagpapakalma sa kanya. “Mama, yayay! po kayo Mama?” tanong ng anak niyang walang kamuwang-muwang sa nangyayari. “Wala baby ko, hug mo nalang si Mama ok?” Agad namang lumapit ang bata at yumakap sa ina. Mahigpit siyang yumakap sa anak. “Hindi ka mawawalan ng ama anak ko pangako ko ‘yan saiyo, lalaban ako para sa karapatan mo!” piping sigaw ng isip niya.
Galit na galit si Lalaine kay Ronnel. “Letche din yang asawa mo ano? Ang sakit ng ulo ko.” Napailing ito at mataman na tinitigan si Ronnel. “Kailan ka ba makikipaghiwalay sa asawa mo?” diretsong tanong nito. Hindi nakapagsalita si Ronnel. “Hindi mo ba ako kayang ipaglaban?” tila naghahamon ang tono ng boses ni Lalaine. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 13
“Alam mong may anak ako Honey, kaya nahihirapan din ako.” “Ah ganun e ‘di bakit pa tayo mag-uusap? Bumalik ka na lang sa asawa mo!” Walang ganang tugon nito at akmang aalis. “Teka lang.” maagap na hinawakan ni Ronnel ang braso ni Lalaine. “Makikipaghiwalay na ako sa lalong madaling panahon, bigyan mo lang ako ng konting panahon.” “Mahal mo ba ako?” malanding tanong ni Lalaine. “Oo naman.” Sagot ni Ronnel at mahigpit na yumakap kay Lalaine. Ilang araw ang lumipas at hindi na umuwi si Ronnel sa bahay nilang mag-asawa, nagulat na lamang siya ng i-text siya ni Lalaine. Lalaine: Mahal ako ng asawa mo at makikipaghiwalay na siya sa ‘yo. So be ready, sign the annulment papers as soon as matanggap mo na ito. Nataranta siya. “Annulment?! Paano na ang anak namin? Hindi pwede ito, hindi pwedeng mawalan ng ama ang anak ko kailangan kong gumawa ng paraan mapaalis sa buhay namin ang malanding babaeng iyon.” Isang desisyon ang naging laman ng isip niya, alam niyang mali iyon pero desidido siyang gawin para sa anak niya. Ilang araw ding sinubaybayan ni Malou ang asawa dahil pumapasok pa naman ito sa trabaho pero sa ibang bahay na ito umuwi kaya natunton niya ang bahay ni Lalaine. “Anong ginagawa mo rito? Nakataas ang kilay ni Lalaine. “Kung narito ka para sabihin sa aking tigilan ko na ang asawa mo hindi na iyon mangyayari dahil magfa-file na ng annulment si Ronnel saiyo para magsama na kami.” Tila nagmamalaki pa ito sa kanya. Akmang isisirado na sana nito ang pinto pero hinarang niya iyon. “Lalaine hindi ako narito para maghanap ng gulo.” Mahinahong sabi niya. Nakataas pa rin ang kilay nito. “P’wede ba tayong mag-usap sa loob?” suhestiyon niya. Agad naman siyang pinapasok ni Lalaine, doon lang niya mas natitigan si Lalaine. Hindi man ito masyadong kagandahan pero sexy naman ito at halatang maalaga sa sarili hindi tulad niya na wala ng ginawa kundi pagtuonan ng pansin ang pamilyang binuo niya kaya siguro nakalimutan na niya ang sarili. “Upo ka.” Anyaya ni Lalaine. Buo na ang loob niyang gawin ang bagay na iyon. “Kukuha lang ako ng inumin natin.” Kalmado na ang boses ni Lalaine. Agad itong nagtungo sa kusina. Nanginginig ang kamay niya habang kinakapa sa bag ang isang bagay. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 14
Ilang minuto ang dumaan at bumalik si Lalaine na may dalang juice – isa para sa kanya at isa para sa sarili nito. “Bakit ka ba naparito?” tanong nito sa kanya. “Ah, kasi. . . gusto ko lang sabihin na sana alagaan mo si Ronnel at…” Pinutol nito ang sasabihin niya. “Hindi mo na ‘yon kailangan sabihin dahil mahal na mahal ko si Ronnel.” Uminit ang ulo ni Malou sa sinabi ni Lalaine. “Malandi ka talaga!” piping sigaw ng isip niya. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ni Lalaine na nakapatong sa mesa. Agad nitong dinampot ang cellphone at nagpunta sa may kusina upang sagutin ang tawag. ‘Yon ang pagkakataon niya para isagawa ang balak niya, mabilis niyang kinuha ang muriatic acid na isinilid niya sa isang perfume bottle at binuhos niya lahat sa inumin ni Lalaine. Agad niyang ibinalik sa bag ang wala ng lamang perfume bottle. Ilang minuto bago nakabalik si Lalaine. “O sige, makakaalis ka na. May pupuntahan pa ‘ko.” Pagtataboy nito sa kanya. Nataranta siya, kailangan muna kasing makita niyang ininom ni Lalaine ang juice bago siya umalis para magtagumpay siya. “Sige, pero iinom muna ako ng juice sayang kasi yung tinimpla mo.” Agad niyang kinuha ang juice na walang muriatic at ininom ito. Sumunod naman si Lalaine at kinuha ang basong may muriatic, agad itong ininom. Napangiti siya sa ginawa nito. Sa wakas! Naisaloob niya. Ilang minuto lang ay para itong nahilo. “A-anong gi—ginawa mo sa-sakin?” sabi nito at bigla itong natumba. Bumula din ang bibig nito. Nagdiwang ang puso, nagtagumpay siya. Agad din niyang inilagay sa lamesa ang sulat pamamaalam kuno ni Lalaine para mas maging kapani-paniwala ang pagpapakamatay nito. Nakasaad doon na hindi na kinaya ni Lalaine ang konsensiLapis sa Kalye Online Magasin
pahina15
ya na makakasira siya ng pamilya kaya magpapatiwakal na lamang siya upang tapusin ang lahat. Mabilis din siyang umalis sa lugar na iyon mabuti na lamang at walang tao sa labas noon. Pagdating niya sa bahay ay agad niyang nakita ang malungkot na mukha ng kanyang asawa, alam niya ang sanhi ng kalungkutang iyon. Lihim siyang napangiti, ngayon wala ng sagabal sa kanilang relasyon, siya ang nagtagumpay at hindi ang kabet ng asawa niya. Ngayon ay haharap siya sa panibagong araw kasama ang buo niyang pamilya.***
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 16
Isa sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye Publishing ay si Cindy dela Cruz, o mas kilala bilang “Princess Cindz” sa larangan ng pagsusulat. Narito ang ilan sa mga katanungan na sinagot niya. “Kailan po kayo nagsimula sa writing industry? Sino ang nagtulak sa inyo para magsulat?” Siguro sampung taong gulang pa lang ako noong una akong nag-compose ng isang tula. Noong una, ako lang talaga ang nakakabasa ng mga sinusulat ko (minsan pinipilit ko pa ang kapatid ko para basahin ang mga komiks at nobelang ginagawa ko). Hanggang sa mauso ang pagba-blog, kinagiliwan ko ang halos araw araw na pagsusulat, yung tipong binabahagi ko sa iba ang buhay ko o yung mga kuwentong galing sa imahinasyon ko. Wala naman talagang nagtulak sa akin para magsulat, kung ‘di ang sarili ko. Mahilig akong magbasa at dahil wala naman akong pambili ng libro noon at umaasa lang ako sa library ng aming unibersidad, nauubusan ako ng babasahin. Naisip ko bakit hindi ako ang gumawa ng sarili kong istorya na puwedeng mabasa ng iba? ***
“Paano napabilang si "Cindz Dela Cruz" sa Lapis sa Kalye? Saan nga ba hango ang pangalan mo?”
CINDZ DELA CRUZ Lapis sa Kalye Online Magasin
Nagpasa ako ng isang maikling kuwento na pinamagatang “Sakit ng Kahapon”. At hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang istorya ni Ginny, isa sa mga karakter ng kuwentong iyon. Napagpasyahan ko na siyang gawing nobela ngayon. Hango ang pen name ko sa tunay kong pangalan, Cindz mula sa pahina 17
Cindy; at Dela Cruz bilang apelyido ng aking asawa. Mas gusto kong gamitin ang Dela Cruz dahil mas sumasalamin sa mga isinusulat ko, mas Pilipino. ***
“Anong uri ng sulatin ikaw kilala?” Hindi ko masasabing kilala na ako, pero ang madalas kong sinusulat ay mga maikling kuwento at nobela. Maikukumpara ko ang pagsusulat ko sa hangin, dahil malaya ito. Kung ano naisin kong isulat, ‘yon ang ginagawa ko. Maaaring tula, maikling kuwento o nobela. Hindi ako tipong ‘stick-toone’, pagdating sa paglilikha. ***
“May maipapayo ba kayo sa mga manunulat?”
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 18
Meron. Ang maipapayo ko ay magbasa sila nang magbasa, hindi lang yung mga kuwentong katha, kung di pati na rin yung mga nangyayari sa paligid, o sa ibang bansa. Mas lalawak ang kanilang pagiisip, importante ito para hindi manatiling naka-focus lang sa sariling nararamdaman ang sinusulat mo. Maging mapagmasid ka sa tao, sa lugar o sa isang karanasan, importante ‘ yan lalo na sa paggawa ng isang kuwento. Kung hindi mo na alam kung ano ang mangyayari sa karakter na ginawa mo, huwag mong ibase sa sarili mo o nararamdaman mo ang gagawin ng iyong karakter. Isipin mo kung anong klaseng karakter ang ginawa mo, ano ang mga katangian niya, ano ang pinaniniwalaan niya? Hayaan mo ang iyong karakter na mag-isip para sa sarili nito.
***
“Saan namin mababasa ang akda ninyo?� Bukod sa pahina ng Lapis sa Kalye, mababasa rin nila ang mga gawa ko dito:
https://www.wattpad.com/user/PrincessCindz http://cindy-storybooks.blogspot.hk/ http://cindywongdelacruzofficial.blogspot.hk/ ***
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 19
Langgam at Matsing Tula || Jeng Guansing de Dios
Sa isang maliit na bayan, doon sa perlas ng Silangan Mayroong nananahan, mistulang mga langgam Buhay nila ay kay hirap, walang sariling tahanan Sa kapalaran ay sumugal, sa s’yudad ay nagsiksikan.
Minsan sila’y nilapitan ng isang tusong matsing Nangako ng tulong at ang bulsa’y kumalansing Barya-barya’y iniabot, ipinaradang kanyang galing Ibibigay daw ay kaginhawahan kung siya’y papalarin.
Ito namang mga langgam, kaagad na naniwala Tinanggap nang maluwalhati kaloob na barya-barya Sa kumakalam na sikmura, iyon daw ay sapat na Sukdulang kanilang boto’y ipagpalit pa sa pera.
Nang ang matsing ay naluklok sa posisyong minimithi At ang mga langgam ay lumapit, at ang sukli ay hiningi Ang tuso’y umiwas na, kanyang ngiti ay napawi Mga langgam ay itinaboy, itinuring na pulubi. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 20
Maliliit ay nasindak, sa pighati ay nasadlak Sa halip na tulungan, sila’y nilublob pa sa lusak Ng halimaw na matsing, sadyang huwad at mapagpanggap Nagmabuti’t nagmagaling, animo puso’y busilak.
Mga langgam ay naghinagpis nang ang kolonya’y nasunog Sa pagkawala ng ilan, pagkatao nila’y nabulabog Sa kalituhan niyong puso, kay matsing ay nagkumahog Muling humingi ng tulong, nagsumamo’t nanikluhod.
Ito namang si matsing, sadyang mapagsamantala Pagkakatao’y nasilip kaya’t nagbunyi’t nagsaya Muling nagbigay ng tulong sa mga langgam na maralita Basta’t sa susunod daw na eleksyon, siya raw at ihalal pa. Sa isang maliit na bayan, doon sa perlas ng Silangan Mayroong nananahan, mistulang mga langgam Buhay nila ay kay hirap, walang sariling tahanan Sa kapalaran ay sumugal, sa s’yudad ay nagsiksikan.
Minsan sila’y nilapitan ng isang tusong matsing Nangako ng tulong at ang bulsa’y kumalansing Barya-barya’y iniabot, ipinaradang kanyang galing Ibibigay daw ay kaginhawahan kung siya’y papalarin.
Ito namang mga langgam, kaagad na naniwala Tinanggap nang maluwalhati kaloob na barya-barya Sa kumakalam na sikmura, iyon daw ay sapat na Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 21
Sukdulang kanilang boto’y ipagpalit pa sa pera.
Nang ang matsing ay naluklok sa posisyong minimithi At ang mga langgam ay lumapit, at ang sukli ay hiningi Ang tuso’y umiwas na, kanyang ngiti ay napawi Mga langgam ay itinaboy, itinuring na pulubi.
Maliliit ay nasindak, sa pighati ay nasadlak Sa halip na tulungan, sila’y nilublob pa sa lusak Ng halimaw na matsing, sadyang huwad at mapagpanggap Nagmabuti’t nagmagaling, animo puso’y busilak.
Mga langgam ay naghinagpis nang ang kolonya’y nasunog Sa pagkawala ng ilan, pagkatao nila’y nabulabog Sa kalituhan niyong puso, kay matsing ay nagkumahog Muling humingi ng tulong, nagsumamo’t nanikluhod.
Ito namang si matsing, sadyang mapagsamantala Pagkakatao’y nasilip kaya’t nagbunyi’t nagsaya Muling nagbigay ng tulong sa mga langgam na maralita Basta’t sa susunod daw na eleksyon, siya raw at ihalal pa.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 22
LUMAD Interbyu || Dudong Daga Isa sa ating pambansang isyu sa kasalukuyan ay ang karumal-dumal na pagpatay sa mga kababayan nating Lumad sa Mindanao. Para sa nasabing isyu, hiningi namin ang opinyon ni Stum Casia, isa sa mga Head ng Kilometer 64 (KM64). Narito ang kan’yang tugon sa aking mga katanungan:
“Paano ba nagsimula ang sigalot sa Lumad at ano ang mga pinaglalaban ng mga kapatid nating ito? May ginawa na ba ang ating gobyerno para sa solusyunan ang nasabing isyu?” Noong ika-1 ng Setyembre, pinaslang ng Bagani, isang paramilitary group sina Emerito Samarca, executive Director ng ALCADEV, Dionel Campos, lider ng isang organisasyon ng mga katutubo sa Lianga, Surigao del Sur at si Datu Bello Sinzo. Lahat sila ay pinahirapan bago paslangin. Si Datu Bello Sinzo ay basag ang panga at bali ang mga braso. Si Emerito Samarca ay pinagsasaksak sa katawan at giniltan ng leeg. Si Dionel Campos, ay iniharap pa sa mga kanayon niya bago barilin sa ulo na tila pagbabanta sa mga makakakita. Bago ang insidente may mga paratang na ang mga militar na ang ALCADEV ay isang eskwelahang pinapatakbo ng mga NPA. Hindi na bago ang ganitong pagturing sa mga eskwelahang nagbibigay ng alternatibong edukasyon sa mga kapatid nating katutubo. May mga ganito ring pangyayari sa iba pang lugar sa Mindanao kung saan tinatakot at pinapasara ang mga kaparis na katangiang mga eskwelahan. Sa dokumento mismo na galing sa mga sundalo at tulad ng lagi nilang binabanggit sa mga panayam, na ang mga napatay ay mga NPA. Tahasan din nilang sinabi na 70% ng kasapian ng mga NPA sa lugar ay mga Lumad. Kaya nakapokus ang kanilang counter insurgency program sa mga komunidad ng mga Lumad. Kung papansinin ang mga serye ng masaker na naganap sa nito lang mga huling linggo at buwan, makikita na kung saan may mga counter insurgency program ay andun din ang mga insidente ng pananakot at pagpatay sa mga Lumad. Halimbawa na ito ang naganap sa Talaingod, Panagtukan, at nito ngang huli ay sa Lianga. Kung papakinggan ang mga kwento ng mga Lumad sa iba't ibang lugar, parehas ang kanilang mga kwento. Sa Lianga ay mga paramilitary ang itinuturong mga pumatay pero hindi maikakalia ang partisipasyon ng mga sundalo. Nung araw at panahon na naganap ang masaker mataas na ang bilang ng mga sundalong nakadeploy sa lugar. Pero Lapis sa Kalye Online Magasin
walang rumesponde nung pagpapapatayin ang tatlo. Kakatwa lalo at ang sinasabi nga nila ay mga NPA ang gumawa. Ang mga paramiltary group din na ito ang ginagamit ng mga kumpanyang nagmimina sa lugar para protektahan ang pagmimina sa lugar at takutin ang mga tumututol. Makikita naman na walang maibigay na solusyon ang gobyerno sa halip ay pagtanggi na may ganitong polisiya ng pagpatay at panggigipit sa mga katutubo.
“Bilang head at kasapi ng Km64, paano niyo pinaglalaban ang karapatan ng mga kapatid nating Lumad? Sa tingin mo ba’y nakatulong ito sa nasabing isyu sa ngayon?” Bilang mga manunulat at makata, katulad ng ibang mga isyu, ginagamit namin ang aming mga tula at mga pagkakataon na kami ay nakakapagtanghal ng mga tula na iparating sa aming mga mambabasa at tagapanood ang naganap at nagaganap sa Mindanao. Sa tingin ko naman, kahit papaano ay may epekto rin naman ang ginagawa namin. At ipagpapatuloy namin ang paglikha at pagtatanghal ng mga tula na nagpapakita ng mga nagaganap sa ating bayan.
“Nabanggit mo kanina ang ALCADEV bilang isang eskwelahan. Ito ba’y government school o ano?” Hindi ito eskwelahan ng gobyerno. ‘Yung kapabayaan ng gobyernong maabot ang ating mga kapatid na katutubo ag primaryang dahilan kung bakit naitayo ito. ‘Yung pinakamalapit na eskwelahan ay ilang oras ang layo. Kung gusto mo ‘wag maglakad, kakailanganin mong mamasahe. Kaya karamihan ng mga estudyante ay tumitigil na lang sa pag-aaral. Hanggang sa dumating sa buhay nila ang ALCADEV.
pahina 23
NEO Kuwento || Froilan F. Elizaga
Mula sa loob ng tahanan ni EF19 ay tanaw niya ang pagsabog ng malaking bahagi ng mundong kanyang kinalakhan. Hindi niya maiwasang maluha sa nakita. Mahigit sampung taon na rin siyang nasa himpapawid, kaya naisip niyang iyon na ang panahon upang bumalik sa mapanganib na lugar ng kanyang tinakasan. Lumunok siya ng pulang tabletas
bago nagsuot ng kulay na
pilak na kasuotan at muli niya itong pinagmasdan mula sa malaking monitor. Isang tahimik, mausok at wasak na lugar ang nakikita niya. Bumagsak ang mga balikat niya, kasabay ang pagtulo muli ng kanyang mga luha. “O, Diyos ko! Patawarin mo ang Pilipinas..� sambit niya. Pinaharurot ni EF19 ang kanyang tahanan
patungo sa
kanyang bayang minahal mahigit tatlong dekada. Tumigil siya 1000 kilometro ang layo mula sa kalupaan. Sapat ang layo niya upang matanaw niya ang mga wasak na tahanan, ari-arian, inprastraktura at agrikultura. Wala siyang nakikitang gumagalaw na tao o hayop. Naisip niya ang kanyang mga kamag-anak na nag-aruga sa kanya at nag-aral. Hiniling niya sa Panginoon na sana ay buhay pa sila. Kung hindi man, tatanggapin niya na lamang sapagkat matitigas ang kanilang mga ulo. Kung nagtiwala lamang sila sa kanyang kakayahan disin sana’y may hininga pa sila hanggang ngayon. Muli niyang pinaandar ang kanyang hugis-mangkok na sasakyan upang makita pa ang ibang bahagi ng Pilipinas. Wala na ngang buhay sa kanyang bansa. Nagmistulang kinaingin ang kanyang lupang Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 24
sinilangan. Nasisiguro siyang bago pa ito sumabog ay talagang sirang-sira na ito. Hindi niya sinisisi ang teroristang nagtanim ng bombing X13aR. Mas sinisisi niya ang mga kapwa niya Pilipino na hindi pinahalagahan ang bawat nilalang sa mundo. Naging ganid sila sa yaman at kasiyahan. Nalimutan nilang pangalagaan ang kalikasan. Desidido siyang bumaba sa kalupaan at magdala ng isang mahalagang bagay pabalik sa kanyang paraiso. Kaya, inikot niya ang Pilipinas upang humanap ng patag na lugar na paglalandingan ng kanyang sasakyan. Sa loob ng madilim na kuweba, may dalawang pusong pumipintig. “Araay!” bulalas ng babae sa kuweba. “Langgam ka!” Hindi nag-aksaya ng oras si EF19. Bumaba siya sa kanyang tahanan. Tanging ang nilunok na tabletas ang kanyang sandata sa posibleng kapahamakan. Namulat siya sa takot dahil sa kasamaan ng mga tao pero ngayon ang takot na iyon ay naglaho. Ang mga nakahandusay na bangkay na natanaw niya kanina ay patunay na hindi na siya kailanman masasaktan ng kanyang kapwa. Nais lamang niyang mag-uwi ng isang bagay na maaari niyang mapag-aralan at maging bagong obra maestra. Hindi lamang niya maihakbang ang kanyang mga paa. Kahit saan kasi siya bumaling ay hindi kaaya-aya ang kanyang nakikita. Matindi ang pagkawasak ng Pilipinas. Hindi niya kanyang buuin. Hindi niya lubos maisip kung makakaya niyang tumulong upang magkaroong muli ng panibagong buhay ang kanyang pinagmulan. Napangiti siya nang sumagi sa utak niya ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso. Alam naman niyang kailanman ay hindi na niya makikita ang dating kasintahan. Gayunpaman, umaasa siyang makakaisip siya ng paraan upang magkaroon ng bagong tao sa kalupaan na siyang magmamahal sa mga nilikha ng Diyos.
At
kapag
nangyari
iyon,
muli
siyang
babalik
dito
at
makikipamuhay kasama niya. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 25
Sinipat niya ang kanyang orasan. Dalawang oras lamang ang epekto ng pulang tabletas. Isang oras na lang ang maaari niyang itagal sa lupa. Kapag lumampas siya, maaari niyang ikamatay. Isang ingay ng pagpupunyagi
at paggamit ng lakas ang
narinig sa loob ng kuweba samantalang si EF19 ay palapit sa kuweba. Tumakbo siya palapit doon nang may nakita siyang parang kamay. Nalaglag pa ang mga malalaking bato na nakaharang sa kuweba. “May tao ba diyan?” pasigaw na tanong ni EF19. “Tulong! Tulungan niyo ako!’’ sagot ng babae. Mabilis at isa-isang binuhat ni EF19 ang mga bato. Maya -maya, lumabas ang buntis na babae. “Salamat! Maraming salamat..” Nanghina ang babae at bumagsak. Maagap na nasalo ni EF19 ang buntis. Sinikap niyang mabuhat ito sa kabila ng mabigat nitong timbang. Bente minutos na lamang ang nalalabi. Kailangan na niyang makapasok sa sasakyan. Hindi niya maaaring iwanan ang babae. Para sa kanya, siya ang katuparan ng kanyang pangarap. Gabutil ng monggo ang mga pawis ni EF19 nang maipasok niya ang buntis sa kanyang M80K. Tatlong minuto pa, bago tuluyan siyang mawalan ng hininga. Ang babae ay agaw-buhay na kaya nagmamadali niyang kinuha ang isang silver box sa kanyang cold storage. Mula doon ay nilabas niya ang isang injection. “God bless you. Hindi ako sigurado… pero, sana tumalab ito sa’yo..” Marahan niyang itinurok ang hiringgilya sa braso ng babae at marahan ding idiniin upang masalin sa katawan niya ang dilaw na likidong maaaring magpanumbalik ng kanyang natitirang lakas at hininga. Pagkatapos ay sinilip niya ang kanyang relo. Tinantiya niya ang pag-eepekto ng gamot. Isang oras ang lumipas. Halos mawalan na siya ng pag -asa, kaya naman nagdesisyon na siyang bumalik sa kalawakan. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 26
Pinindot niya ang ‘Self-Flight’ button at inilapat niya ang kanyang likod sa kanyang pulang swivel chair. Kasabay ng pagpinid ng kanyang mga mata upang matulog at magpahinga ay ang pagasam na sana ay umepekto ang gamot sa katawan ng buntis. “Kung sino ka man… maraming salamat!” Isang mahinang boses ang gumising kay EF19 mula sa pagkakahimbing. Pareho silang nagulat nang umikot ang swivel chair ni EF19. “Huwag kang matakot!” Tumayo na si EF19. “Tao rin akong katulad mo. Salamat at buhay ka. Ako nga pala si EF19. Ikaw? Anong pangalan mo?” Tiningnan muna ng babae si EF19 mula mukha hanggang paa. “Katulad ka rin ba nila?” May nginig ang boses niya. Mariing umiling si EF19. Lumamlam ang kanyang mga mata. Tapos, bumalik siya sa swivel chair. Hindi siya humarap sa babae. “Sampung taon na akong nakalutang sa kalawakan… Walang kasama. Walang kausap… Sa sasakyang panghimpapawid na ito ako nakahanap ng kaligtasan at buhay. Iniwan ko ang mga kamag-anak kong nagpalaki sa akin pagkatapos nilang tanggalan ako ng tiwala sa sarili. Pero, heto ako ngayon… Buhay. Nakaligtas. At patuloy na mamumuhay hanggang kunin ako ng Panginoon… Ikaw, bakit ka kaya binuhay ng Diyos?” Humarap na siya sa buntis at nakita niyang namimilipit siya sa sakit. “Manganganak na yata ako! Ang sakit!” Kagyat na kumilos si EF19. Nabuhat niya agad ang babae patungo sa mahabang mesang stainless. Parang bihasa siya sa ganung sitwasyon. Hindi siya kakitaan ng pagkataranta. Alam niya rin ang mga gagawin at mga bagay na ihahanda. Hindi niya ininda ang pagsigaw at pag-iyak ng babae habang inihahanda niya ang mga kakailanganin. “Magtiwala ka sa akin, kaibigan. Isa akong siyentipiko. Ang Panginoon ang gumagabay sa akin…” litany ni EF19. Nakita naman niyang kumalma ang babae. “Wala nang buhay ang Pilipinas nating mahal. Kung paano ka man napdpad sa kuweba at kung Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 27
paano kita natagpuan doon, ituring na natin na biyaya Niya. At… itong anak mo… biyaya siya ng Maykapal. Kaya, pakiusap… manalig ka sa Kanya. Pagkatiwalaan mo ako…” Isang mahabang pagtangis ang naganap. Punong-puno ng pighati ang pag-impit ng babae. Kuyom-kuyom niya ang kanyang mga kamao. Pinipilit niyang itago ang sakit na nararamdaman habang humihilab ang tiyan. “Sige na, kaibigan… Gusto kong mabuhay kami.” Walang inaksayang sandali si EF19. Kalmado at maingat niyang isinagawa ang pagpapaanak. Ginawa niya itong painless, gamit ang isang gamot na kanyang na-formulate ilang taon na ang lumipas. Pagkatapos ng kalahating oras, narinig nilang dalawa ang uha ng isang sanggol. “Lalaki ang iyong anak.” masayang pagbabalita ni EF19. Itinaas pa niya ito upang makita ng ina na puspos ng kaligayahan. “Maaari ko ba siyang tawaging Neo?” “Oo! Salamat, EF19! Ituring o na siyang anak mula ngayon. Bahala ka na sa kanya.” Nanghihina na ang babae. Inilapag niya muna ang sanggol sa tabi ng ina at dalidaling hinalungkat ang isang salaming kabinet. “ Hindi ka mamamatay… Hindi.” “Maligaya na ako sa pagsilang ni Neo…” “Ito… Nguyain mo ito.” Isinubo ni EF19 ang isang itim na tabletas sa babae. “Iyan ang magbabalik ng iyong lakas.. Dali… nguyain mo. Dali!” Tumalima ang babae. Nang malunok, kinuha ni EF19 ang sanggol at nilinisan. Pagkatapos, muli niyang itinabi sa ina--na unti-unti nang nanunumbalik ang sigla. Pinagmasdan ni EF19 ang bata. Ngumiti ito sa kanya; tila nagpapasalamat at nagbubunyi. Nasilayan niya rin ang kislap sa mga mata ng babae. Noon niya lamang napansin ang taglay niyang kagandahan. Nabighani siya. Nais niyang hagkan ang mapupula niLapis sa Kalye Online Magasin
pahina 28
yang mga labi at hawakan ang kanyang mapuputing daliri. Pinigil lamang niya ang kanyang sarili. “May langgam…” bulalas ni EF19. Nakita niyang gumagapang ang itim na langgam sa may braso ni Neo. “May kakambal siyang langgam?’’ Natawa ang babae. “Hindi… Isa iyan sa mga kumagat sa akin doon sa kuweba.” Natawa na rin si EF19 habang maingat na kinuha ang langgam. “Makakasama natin siya dito mula ngayon.”
Kumuha
siya ng isang garapon at maingat na nilapag doon ang langgam.
Hinagkan naman ng ina ang noo ni Neo—ang bagong pag-asa ng Pilipinas.***
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 29
Siya’y Isang Makata Tula || Reagan A. Latumbo
Kilala mo ba siya? Naalala mo ba ang mga ginawa niya? Hindi lang buhay ang ibinuwis niya, Siya ay isa ring makata.
Mula sa pagkabata, Sa kanyang pagbibinata, Maging sa kanyang pakikibaka, Isa siyang makata.
Sa mga salitang isinulat niya, Sa mga katagang binigkas niya, Sa mga wikang isiniwalat niya, Matunog na matunog ang pagiging makata.
Kung tawagin siya noon ay Pepe, Mahilig sa bangkal papel at laging hinehele-hele, Ng kanyang inang tinuruan ding mag-do-re-mi, Upang bigkasin ng tuwid ang bawat sinasabi.
Simpleng man ang mga salitang ginamit niya, Tagos naman sa puso ng bawat mambabasa, Naging kalaban pa siya ng ilang prayle't inalipusta, Pagiging makata niya'y naging dahilan ng pagkamatay niya.***
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 30
“Sa Bahay ni Rizal� Halaw sa sariling karanasan ni Reagan A. Latumbo
"Ang hindi magmahal sa sariling salita, ay higit pa sa hayop at malansang isda."
Sa loob ng tatlumpung taong nabubuhay ako, hindi maipagkakailang buhay na buhay pa rin sa aking puso at isipan ang mga salita ng ating nag-iisang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
At mas lalong naging buhay pa ito sa aking puso ng kamakailan ay sinadya kong puntahan ang lugar kung saan siya ay ipinanganak - ang bayan ng Calamba, Laguna.
Kahit moderno na ang pagkakatayo ng tinatawag ng iba na antigong disenyo ng bahay ng pambansang bayani ng ating bansa, hindi naman naging kabawasan iyon sa buhay ng ilang mga taga-Laguna.
"Kahit pala ilang libong taon at dekada na ang nakalipas ay ramdam ko pa ring buhay si Rizal sa aking puso at isip."
Mga katagang hindi ko sinasadyang marinig sa isa sa mga bumisita sa lugar. Kaya napalingon ako at nakita ang isang matandang babae. Nakangiti siya sa akin habang kumukuha ako ng litrato sa labas ng museo ni Rizal.
"Magandang araw po sa inyo Ma'am," nakangiti kong bati sa kanya.
"Binabati rin kita iho ng isang magandang umaga. Hindi ka yata taga-Laguna. Mukhang malayo yata ang iyong pinagmulan," sagot naman niya sa akin. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 31
"Opo. Galing po ako ng Cavite. Matagal ko na pong gustong pumunta rito. Isa po kasi si Pepe sa mga makatang hinahangaan ko noong nag-aaral ako," nakakamot sa ulo kong wika sa kanya.
"Gan’un ba? Magandang ehemplo iyan, iho. Gusto mo bang samahan kita sa paglilibot sa bahay nila? Magsisimula tayo siyempre sa loob. Pagkatapos ay sa labas at musuleo naman tayo titingin," paanyaya niya sa akin.
"Kung hindi ko po kayo maabala, ikinagagalak ko pong kayo ay aking maging gabay," patula kong tugon sa kanya na agad naman niyang ikinangiti.
Dahil hindi pa tirik ang araw ng mga oras na iyon at wala pang masyadong bisita sa bahay ni Rizal ay pumasok na kami sa loob. Manghang-mangha ako sa aking natuklasan. Napakalawak pala ang angkang meron ang pamilya ng ating pambansang bayani. At kay Soledad na namuhay noong ikawalong-siyam at pitumpo hanggang labing-siyam at dalampu't siyam nanggaling ang mga huling tubo. Nasa ibaba rin pala ng bahay ang study area kung saan ginawa ang rebulto ng batang si Rizal kasama ang kanyang ina habang siya'y tinuturuang mag-aral.
Hindi ko na iniisa-isa pang buklatin ang mga libro ng buhay ng pamilya Rizal. Sa halip ay isa-isa ko na lamang na kinuhanan iyon ng litrato. Sinunod ko namang tingnan ang mga lumang librong ipinabasa noon ng kanyang inang si Teodora Alonzo na namuhay naman mula labingwalo't dalawampu't anim hanggang labing-siyam at labing-isa. Kahit pa napakaluma na ng mga librong binasa ni Rizal noon ay buhay na buhay pa rin ito.
Napapailing na lamang ako ng mga sandaling iyon. Gaya ng nakagawian ko ay hindi ko tinangkang buklatin at basahin din iyon. Natatakot kasi akong masira ang kahit na anong bagay na mahawakan ko roon. Kaya sobrang ingat na ingat ako. Natatawa na nga lamang ang matandang babaeng magiliw na ginabayan ako sa loob.
Pagdating naman sa taas ng bahay ng pamilya Rizal gamit ang hagdanan ay una Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 32
mong makikita ang munting kusina. Sa kanang bahagi naman ay ang hapag-kainan at ang munting pahingaan ng pamilya. Sa kanan at kaliwang bahagi ay ang maliliit na kwarto. Aliw na aliw rin akong pagmasdan ang mga antigong muwebles at kasangkapang naroroon.
Bumalik kami sa kusinang bahagi ng bahay kung saan naroroon ang daanan palabas. Pero bago iyon ay natuwa at natawa akong pagmasdan ang simple nguni't napakalinis na banyo ng pamilya. Makikita mo rin ang antigong timbang gawa na ginamit nila noong pansalok ng tubig. Ang dating pinagsasalukan ng tubig naman ng pamilya ni Rizal ay naging wishing well na ngayon.
"Ngayong nakapasok ka na sa bahay, may bumalik ba sa alaala mo noong mga panahong nag-aaral ka pa iho?" biglaang tanong sa akin ng matanda habang pababa na kami ng bahay.
"Marami po. Muntik na nga po akong maiyak. Unang pagkakataon ko po kasi ito. Ni hindi ko nga po naranasang mapasama noon sa mga lakbay-aral namin kasi kapos sa pera. Bumalik po ang lahat ng bagay na napag-aralan ko noong nasa kolehiyo pa lamang ako at iyun ay ang simpleng buhay meron ang pamilya ni Rizal," sagot ko sa kanya.
"Marami ka pang malalaman tungkol sa buhay na kinalakihan niya. Nakikita mo ba yang munting kubong 'yan?" tanong at sabay turo niya sa isang kubong nasa likod ng bahay nila Rizal. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Diyan malimit magpahinga si Rizal pagkatapos maglaro sa napakalawak na hardin nila dito sa likuran ng kanilang bahay. Simple at masayang pamumuhay na malayo sa anumang sakuna't sakit ang nakagawiang gawin noon ng batang si Rizal," paglalahad niya habang nakatingin roon. Tila ginugunita ang bawat alaalang meron siya tungkol sa pambasang bayani.
"Mukhang marami pa yata akong hindi alam," bahagyang napangiti ang labi ko sa sinabi kong iyon na ginantihan naman niya sa pamamagitan ng pagngiti sa'kin. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 33
"Pumunta ka na sa musuleo. Doon matutuklasan mo pa ang mga bagay tungkol sa buhay niya. Mula sa kanyang pagbibinata, sa mga tagumpay niya't paglalakbay, sa unang pag-ibig at buhay makata niya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Sana'y hindi siya kailanman mawaglit sa iyong puso iho. Hanggang dito na lamang ako at kailangan ko ng umuwi't magpahinga," pamamaalam niya sa akin.
Lilingon at sasagot pa sana ako pero bigla na lamang siyang naglahong parang bula. Hinanap ko siya sa mga pumaparoo't paritong mga tao pero hindi ko na siya mahagilap. Sinulyapan kong muli ang bahay ng pamilya Rizal at nahagip ng aking dalawang mata ang imahe ng isang matandang babae sa may bintana.
Nakangiti siya sa akin. Walang kakurap-kurap naman akong ngumiti sa kanya. At sa di malamang dahilan, kusang gumalaw ang aking kanang kamay at kumaway sa kanya. Pagkatapos noon ay isinara na ang bintana.
Huli ko na lamang napagtanto dahil ang babaeng nakausap at gumabay sa akin sa loob ng bahay ay iisa. Ito ay walang iba kundi ang ina ng ating pambansang bayaning si Teodora Alonzo. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng makita ko siya o guniguni ko lamang iyon.
Nguni't sadyang totoo dahil hindi nawaglit sa isipan ko ang huling katagang sinabi niya sa akin; sana'y hindi siya kailanman mawaglit sa iyong puso iho. Iyon ang kanyang huling sinabi.
Makalipas ang isang linggo, hindi umalis sa isipan ko ang nangyaring pakikipag-usap ko sa isang estrangherong babae. Nanatili iyong misteryo sa akin pero buhay na buhay sa aking puso. Ako at ang sarili ko lamang ang nakakaalam ng buong pangyayari. Ni isa sa mga bumisita noon ang walang ideya sa kanya. Ang sabi ng iba, minsan na rin nilang naramdamang may nakamasid sa kanila habang sila'y nasa loob ng bahay ng pamilya Rizal.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 34
Sa halip na pagtuunan ng pansin ang nangyari sa akin, pinili kong gumawa ng isang storyang ipapasa ko sa isang online magazine. Ibinase ko ang kabuuan ng istorya sa kabataan at simpleng buhay meron si Rizal sa kanilang bahay.
Habang isinusulat ko iyon ay napapangiti na lamang ako. Gusto ko kasi ang simple at tahimik na pamumuhay noon. Walang kinatatakutan at masayang nagagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa atin. Gaya na lamang ang mga larong pambata noon katulad ng patintero.
Pero ang higit na nais kong balikan ay ang buhay makata ni Pepe. Simpleng mga salita ang kanyang ginamit na magpahanggang ngayon ay nababasa pa rin ng mga bata sa paaralan. Idagdag pa ang ibang mga tulang gawa niya na may iba't ibang tema.
Lahat ng iyon ay nasa wikang Pilipino. Mahal na mahal ng ating pambansang bayani ang wikang sinalita niya noon. At kung nabubuhay lamang siya ngayon, marahil hindi matatabunan ng wikang banyaga ang ating sariling wika.
Siguro marami pa rin ang magkakainteres na iangat pang lalo ang literatura ng Pilipinas sa wikang Tagalog, kung buhay pa si Rizal. Nguni't daan taon na ang nakalipas. At alam kong katulad ko ay marami pa rin ang umaasa at sisibol na mga batang Rizal sa modernong panahon.
Alam kong magiging isang kolonya sila ng mga langgam na bubuhayin at bubuhayin ang literaturang Pilipino. Gagamitin at gagamitin nila ang wikang Tagalog sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.
At isa ako sa magsasabi sa winika ni Rizal sa mga taong mangmang at nagmamaangmaangan sa ating wika, ang hindi magmahal sa sariling salita ay higit pa sa hayop at malansang isda.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 35
Abangan ang mga aklat na ililimbag ng Lapis sa Kalye Publishing. Disenyo at Kaayusan || Luz V. Minda Ang “Langgam” ay ang ika-labing isang buwanang edisyon ng Lapis sa Kalye Magasin, ang opisyal na Online Magazine ng Lapis sa Kalye Publishing. Ito ay inililimbag sa Issuu account ng Lapis sa Kalye kada isang buwan.
Ang anomang puna, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan ay maaring ipadala sa ilan sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. Maari ring makipag-ugnayan sa lapissakalye@gmail.com. Maari ninyong subaybayan ang mga akdang likha ng LsK sa mga sumusunod na mga account:
* Titser, May I go Out? (Koleksyon ng mga Maiikling Kuwento) * Sino? (Mga Kuwento ng Pag-ibig) * Utak Daga (Ang Koleksyon ng mga likha ni Dudong Daga) * Disminoriya: Ang Aklat para sa Modernong Kababaihan
LAPIS SA KALYE ONLINE MAGASIN Editorial Board
Weebly: www.lapissakalye.weebly.com Facebook Page: www.facebook.com/LAPISSAKALYE Wattpad: http://www.wattpad.com/user/lapissakalye Instagram: https://instagram.com/lapissakalye/ Twitter: https://twitter.com/lapissakalye Issuu: http://issuu.com/lapissakalye
*** Ulong Patnugot: Luz V. Minda Manunulat: Anino, Anti'nyakis, Cindz Dela Cruz, Kunis Salonga Positivo Uno, Wind Up Bird, Buddy, Sakura Chan, Dudong Daga, Seksing Patatas Matalabong Kwago, Raytroniko Kontributor: Froilan Elizaga, Jeng de Dios
***
“Basa lang nang basa. Sulat lang nang sulat.”