Lapis sa kalye online magazine issue no 13

Page 1


Sulat mula sa Editor Habang isinusulat ko ito ay masayang masaya ako sa narinig na balita na nanganak nang ligtas ang asawa ni Dudong Daga na si Arlene. Pinangalanan siyang Isla, ang sarap pakinggan. Sa totoo lang ay wala akong masabi sa suportang natatanggap ni Dudong Daga mula sa kanyang asawa sa pagtupad ng pangarap ng Lapis sa Kalye. Kaya sa ika-13 isyu ng Lapis sa Kalye ay nais naming pasalamatan ang mga taong walang sawang sumuporta sa amin - kaibigan, katrabaho, pamilya at mga mambabasa ng aming pahina. Hindi naging madali ang taong 2015, pero nalampasan pa rin at patuloy na nagsusulat, hinihikayat ang isa’t isa na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap. Kung hindi dahil sa mga taong handang umagapay sa amin, ay malamang wala na rin ang aming grupo.

Oo nga pala, ilang linggo na lang ay mabibili niyo na rin sa wakas ang “Titser, May I Go Out” sa Pandayan bookstores, sa parehong Cindz Dela Cruz buwan ay ilalabas na rin ang SIYA - mga koleksyon ng tula na isinulat ni Gab Barrantes na kailan lang ay nanalo sa isang regional writing contest. Sa taong 2016 Editor - in - Chief of Lapis sa Kalye din ilalabas ang librong Disminoriya - isang antolohiya ng modernong Maria Online Magazine Clara kung saan isinama namin ang mga tagumpay na natanggap mula sa mga nagsumite ng kanilang mga sulatin. Marami pang naghihintay na surpresa sa susunod na taon at kahit gustong gusto ko nang sabihin ay ititigil ko muna ang pagtipa ng mga daliri ko.

Madugo dahil unang una eto ang buwan kung kailan pinatay si Jose Rizal, ang buwan ng anibersayo ng Lapis sa Kalye at higit sa lahat, ang buwan ng kapanganakan ni Hesus. Maraming salamat sa iyo kalapis! Nawa’y maaliw ka sa pagbabasa ang magasing naglalaman ng mga sulating may temang “MADUGO”. Maligayang Pasko sa lahat!

Nagmamahal, Cindz Dela Cruz Una sa lahat gusto ko munang pasalamatan ang LSK sa pagkakataong muli na maging layout designer para sa edisyon na ito. Narito na naman ang isang matagumpay na Lapis sa Kalye Online Magazine kung saan tampok ang iba’t-ibang uri ng akdang pampanitikan na sinumite ng mga taong may angking galing sa pagsusulat. Espesyal ang edisyong ito dahil na rin sa iba’t-ibang okasyon na ipinagdiriwang sa buwan na ito, nariyan ang Pasko, Rizal Day at ang Anibersaryo ng Lapis sa Kalye. Iba ang kasiyahang hatid ng buwan na ito para sa Lapis sa Kalye dahil na rin sa iba’t-ibang kaganapan na nangyari sa taong ito kahit na medyo may mga bagay na hindi naging maganda pero patuloy pa rin sa pag-usad ang Lapis sa Kalye at hindi ito titigil hangga’t may mga taong sumusuporta kagaya mo, kaya maraming salamat Kalapis! Ngayong Pasko sana ay mas magkaroon ng kabuluhan ang pagdiriwang natin, at sana huwag din nating kalimutan na gunitain ang araw ng pagkamatay ni Rizal. Maligayang Pasko Kalapis! - Silent Sakura

Silent Sakura Layout Designer of Lapis sa Kalye Online Magazine

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 02


Tungkol sa Editor - in - Chief: Cindy spent her childhood years in a town in Cavite, Philippines before moving to the bustling city of Hong Kong. Both country’ s influence plus her imagination intertwined whenever she writes a story. She works as a travel specialist during the day, as after the love of books and writing, her next love is traveling. So far, she had been to five continents, and is now planning for the sixth and the seventh.

Blogs: www.cindycanwrite.com www.cindycantravel.blogspot.com www.wattpad.com/user/PrincessCindz

Tungkol sa Layout Designer: Si Silent Sakura ay isang simpleng probinsyanang galing sa Cebu, isang tahimik na babae na naging takbuhan ang pagsusulat sa lahat ng oras, pangarap niyang makakita ng isang tunay na Sakura at mahilig sa photography. Peaceful, Hopeful and Faithful, that's me!

Website: https://www.flickr.com/people/130358661@N03/

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 03


Mga Bagong Manunulat ng Lapis sa Kalye Karla Canlas PeĂąa Mahilig ako sa Hello Kitty at sa psychological-thriller movies. Isa din akong germaphobe - parating may alcohol at hand sanitizer sa bag. Website: titakarlamobadtrip.blogspot.com

Frozen Hart Cold and mysterious yet unpredictable. That's how "Frozen Hart" described himself, known for the catchphrase "A frozen heart coated in glaze; a bewildered mind like maze". Website: https://www.facebook.com/FrozenHartNovels/?fref=ts

Tanikala Baguhan palang ako sa larangan ng pagsusulat at katulad ng iba hinahanap ko pa rin ang boses ko sa bawat pahina. Umaasa na masasalo ng papel ang mga ideya na di ko mailabas at masulat ng aking panulat ang mga salita na hindi ko mabigkas bigkas. www.facebook.com/Tanikalaph

Gab Barrantes Si Gab Barrantes ay isang manunulat na walang pakialam sa kung ano ang isinusulat, basta’t totoo ito at nagmula sa tunay na pagibig sa mga bagay-bagay sa ilalim ng araw. Mas madalas din siyang hindi sumusunod sa mga batas o alituntunin sa pagsusulat, sapagkat naniniwala siya na ang pagsusulat ay hindi dapat lagyan ng mga pamantayan dahil ang pagsusulat ay matinding pagsigaw ng damdamin at ng isip.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 04


TALAAN NG NILALALAMAN TULA / POETRY 4

Alay Americo Tabora

5

Posisyon Lee Ann Pradas

7

Determinasyon Suzi Ma

8

Tagumpay Lee Ann Pradas

9

Hating - Gabi na Mahal Reagan A. Latumbo

10

Sa Taong Una Kong Minahal Jacqueline Sia

12

Bala Tanikala

12

Puso Tanikala

13

Dugo Tanikala

14

Sa Bagong Mundo JR Fernando

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 03


MAIKLING KUWENTO / SHORT STORY 15

Tagos Cindz Dela Cruz

17

Ang Liham ni Aurora by MeasMrNiceGuy Reagan A. Latumbo

21

Bente Pesos Froilan F. Elizaga

SANAYSAY / ESSAY / NON-FICTION 22

Ang “Affordable Food Stand” Dudong Daga

29

Tatak Lapis sa Kalye Cindz Dela Cruz

32

Pasko Na Naman! Silent Sakura


Tula / Poetry


Alay Kuwentula ni Americo Tabora Isang malayong nayon ngunit may kaparehong sibilisasyon. Pareho ang pinaniniwalaang relihiyon ang kultura nilang yaon. Nalalapit na ang kapaskuhan kung kaya't pati sila ay nakahanda na. Masayang masaya ang tribo dahil may isang babaeng nagdadalantao. At mukhang ang kapanganakan ng sanggol ay sasabay sa pagsilang ng anak ng kaitaasan. Pinuno; Napakapalad mo Airam, Pagka't ang iyong sanggol ay tanging nag-iisa lamang. Airam: Opo pinuno, Ako man ay nagagalak pagka't ang aking anak ay napatapat sa panahong kung kailan ang anak ng bathala ay ipinanganak. Tuwa at ligaya ang nadarama ng buong tribo nila. Dahil may maisasabay na alay upang ibigay sa nilalang na nagbigay buhay. Dumating ang gabi na hinihintay ng marami. Nagluwal si Airam ng isang sanggol na lalake. Pinuno: Airam,ang iyong anak ay mapalad at gay’on ka din. Ikaw ang ina ng ating tagapagligtas na siyang handog para sa ating bukas. Airam: Marami pong salamat, ako po'y handa na sa magaganap. At nagdiwang ang buong tribo at iginala ang sanggol sa buong nasasakupan nito. At inihanda ng mga tao ang pagsasadlakan sa sanggol upang ipahayag ang mabuting handog sa kanila. Inilagay na ng pinuno ang sanggol sa harap ng kanilang anito at nagpasalamat sa nilalang na lumikha ng lahat. Matapos manalangin ang lahat ng tao sa tribo ay nagsalo salo sa alay ng gabing iyon. Masaya ang lahat sa pag-alay ng sanggol. Dahil ang sanggol ang mismong kakainin ng buong tribo.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 04


Posisyon Isinulat ni Lee Ann Pradas Malapit na naman ang eleksiyon,

Ang posisyon na paglilingkod sa tao?

Marami na namang naghahangad ng iba't ibang posisyon.

O ang kaban ng gobyerno?

Pero ano ba talaga ang iyong desisyon? Kaya tanong ko sa'yo,

Bakit? Kulang pa ba ang puhunan mo sa negosyo?

Bakit ka tatakbo?

Kaya nagbabalak kang tatakbo

Dahil ba gusto mo?

Para makuha mo ang titulo

O dahil may iba kang motibo?

At may pandagdag ka na sa iyong negosyo,

Ikaw, sila at kayo na naman ang dahilan kaya kami ay mahihirapan

Gamit ang pera ng publiko?

Madami na naman ang maging bulag sa katotohanan,

Magpakatao

Na ika'y tatakbo para lang sa iyong kapakanan,

Huwag naman puro pansarili ang isipin ninyo,

At hindi para sa taong bayan. Maawa naman kayo, tigilan niyo na ito! Isipin niyo na mayaman na kayo, Kaya hindi niyo na kailangan ang posisyong ito Kung kayo'y hindi magpakakatotoo Mas mabuti pang mauna na kayo sa sementeryo.

Makonsensiya naman kayo at

Dahil madaming naghihirap sa ginagawa ninyo. Kanya-kanya ng plata porma, Kanya-kanya ng propaganda, Pero ang tanong matutupad ba?

Dahil sa posisyong inyong hinahangad,

Baka kasi nakasulat lang sa hangin ang mga pangakong iyong binitawan,

Madami na namang buhay ang babaliktad.

Kaya pagdating ng araw na ika'y nakaupo

Dahil sa hangarin n'yong makalipad

Bigla mo nalang itong nakalimutan.

At maabot ang inaasam ng inyong mga palad.

Ano ba ang nangyayari sa Inang bayan?

Madami na namang dadanak na dugo

Bakit puno ng gahaman?

Dahil sa pag-aagawan ni'yo,

Ang laging nasa isip ay kung paano

Madami na namang sasabog

yumaman,

Dahil sa kagagawan niyo. Dahil ang isa sa inyo gustong manalo Kaya gagawin ang lahat para makuha ang isang boto.

Pero hindi para sa taong bayan Kundi sa pansarili nilang kapakanan.

Ano ba talaga ang hangarin ni'yo?

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 05


Madami ng kurakot sa ating pamahalaan Kaya sana huwag mo ng dagdagan Para naman mabawasan ang salot sa ating lipunan. Kitilan ng buhay, para maabot ang kani-kanilang tagumpay, Kaya madaming namamatay Dahil sa posisyong kanilang gustong mapasakamay. O, ano? Isa ka rin ba sa katulad nilang kandidato? O, isa ka sa taong nagpapauto sa mga katulad nilang manloloko? Buksan ang iyong mata Harapin mo kung ano ang tama Para naman ang buhay natin ay maging mapayapa.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 056


Determinasyon Isinulat ni Suzi Ma Heto na naman,

Talagang mahirap ng itaas ang antas ng

Mga salitang ngayon ko lang natagpuan,

kabuhayan,

Mga salitang nagbibigay kalituhan sa'king isipan,

Kung ikaw ay isang simpleng mamamayan.

Mga salitang naiiba sa'king kinalakihan.

Na kung tawagin ay dukha,

Salitang banyaga ay kinaiinisan,

Na isang kahig isang tuka.

Dahil sa hindi ko alam ang tamang kahulugan,

Lalo pa't maririnig mo ang mga katagang gal-

Sapagkat ako'y lumaki sa kahirapan,

ing sa'yong ina,

Kahit sa pagtungtong sa paaralan, ay hindi ko naranasan.

Huwag ka nang mag-aral dahil sa balang araw

Lumaki sa isang pook na halos mangmang sa karunun-

ika'y mag-aasawa,

gan,

Sayang lang ang perang sayo'y igagasta,

Malayo sa sibilisasyon kaya lugmok sa kahirapan.

Kaya't magtanim ka ng gulay mapapakina-

Kaya madaling maloko kung pupunta ng bayan,

bangan ka pa.

Dahil walang alam sa pera kundi barteran.

Sama-sama na tayong maghirap,

Kaya kahit ako'y musmos pa lamang,

Total kahit anong gawin pa nating pagsisikap,

Alam ko na ang pinagdaanan ng aking mga magulang.

Sa kahirapan pa rin tayo'y yumayakap.

Kaya iisa lang ang tumatakbo sa'king isipan,

Kaya tanggapin mo na't buhay natin ay

Iyon ay makapag-aral kahit ako'y mahihirapan.

kasaklap-saklap.

Hindi naman siguro sagabal ang kahirapan,

Ngunit dahil sa ikaw ay determinado,

Upang magkaroon ng karunungan,

Kahit ano pang ibabatong salitang negatibo,

Sipag at tiyaga ang kinakailangan,

Hindi iyon hadlang upang ika'y susuko,

Upang mapagtagumpayan.

Dahil naniniwalang balang araw tagumpay ay

Naiinggit ako sa mga batang aking nakasabayan,

matatamo.

Lalo na't nakikita kong nakabihis damit pampaaralan,

Kung hindi ka kikilos upang buhay mabago,

Ako'y nagmamasid lang sa aming tarangkahan,

Mananatili kang isang bobo.

Sa mga estudyanteng dumadaan.

Bobo sa mga salitang banyaga kaya't 'di ka

Maya-maya'y hindi ko namalayan,

marunong makikihalubilo,

Maging emosyonal sa'king nasaksihasan,

Kaya kailangan mo ng DETERMINASYON

Kaya't luha'y unti-unting nagsilaglagan,

upang buhay mo'y magbago.

Na puno ng kapighatian. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 07


Tagumpay Isinulat ni Lee Ann Pradas Pinanganak na salat sa kahirapan Kaya laging naaapakan, Nang mga maysabi sa lipunan Lalo na sa mga nakatataas at mga mayayaman. Kaya lalo kaming nagsusumikap Upang makaahon sa hirap, Upang walang sinuman ang makaka-apak Sa katulad naming mahihirap. Ginawa naman namin ang lahat Para kami ay umangat Subalit hanggang ngayon kami ay salat Kaya't laging ulam asin sa dagat. Paano ba malalampasan ang hirap? Lahat ng mga pagsubok aming hinarap Lagi naman kaming nagsusumikap Iyon nga lang laging palpak, O anong saklap Pero ang sabi ng iba Habang may buhay may PAG-ASA Kaya kami ay makikibaka

Dahil alam kong siya ang gagabay para kami'y makaahon sa buhay, Patuloy kami sa pagsusumikap, Para makaahon sa hirap Kahit alam kong pinagtatawanan kami ng aming kaharap Ako'y nagtitinda ng balot sa gabi Sa umaga nama'y mangbobote

Upang tugatog ng tagumpay ay makukuha.

Ito ang aming puhunan upang marating ang matayog na inaasam

Andito ako ngayon sa taas ng bubong,

Kahit ganito lang ang trabaho ko

Habang ang mga mata sa kalangitan nakatuon,

Marangal naman ito

Pati ang isipan ko'y nagtatanong,

Kaya ipinagmamalaki ko ng buong puso

Kung paano ba makakaahon,

Dahil alam kong darating ang araw aasenso din ako.

Pero bigla akong napaisip,

Sa aming paghihirap at pagsusumikap

Habang nakatingala sa langit.

dumating ang aming pinakakahintay ang maging TAGUMPAY sa buhay.

Kailangang huwag mag-isip Nang mga negatibo upang pangarap ay madaling makamit.

Lahat tayo naghahangad ng tagumpay,

Taimtim akong nanalangin,

Dahil siya ay lagi sayo'y nakaalalay

Upang hiling at hinaing ay kanyang dinggin

At nakabantay.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Kaya ika'y huwag malumbay

Pahina 08


Hating - Gabi na Mahal Isinulat ni Reagan A. Latumbo Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan? Naghihintay ako sa ating tarangkahan. Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan, Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan. Madaling araw na mahal, wala ka pa rin. Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan. Nagbabakasakaling aking masaksihan, Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan. Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na.

Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain. Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin. Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban.

Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana.

Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan.

Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik,

Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli.

Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan.

Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi.

Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na.

Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi.

Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa. Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila. Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila. Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan. Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin, Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain, Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi. Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na. Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pirapiraso na. Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya, At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga. Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?

Pahina 09


Sa Taong Una Kong Minahal Isinulat ni Jacqueline Sia Kung patuloy kitang minahal noon.. Para ko na ring sinabing mamatay na lamang ako.. Dahil ibig sabihin noon parang binigyan kita ng pagkakataon na saktan mo ako ng paulit ulit sa puso ko.. Kung patuloy kitang minahal noon.. Malamang paulit ulit mo lamang sisirain ang buhay ko.. Kasi di ko makikilala ang taong tunay na magmamahal sa akin.. Kaya salamat na nakilala kita dahil sa pamamagitan mo.. Nakilala ko ang mga klase ng taong di dapat pagkatiwalaan at taong di dapat mahalin at higit sa lahat di dapat maging kasama habang buhay.. Mas maraming luha kesa ngiti ang nadama ko mula ng minahal kita.. Pero sa bawat araw noon at sa kabila ng lahat patuloy kang minamahal ng puso ko... Hanggang sa dumating ang araw na napagod din ako at tuluyan na kitang iniwan.. Araw, Linggo, Buwan, Mga Taon ang lumipas muli na naman tayo nagkita.. Sa di hinihiling na panahon.. Tama lang naman na di na kita pansinin pa... Ang hindi ko lang maunawaan.. Di ko maiwasan na malungkot at manghinayang sa dati nating pagmamahalan.. Naghihinayaang lang ako sa pagmamahal at magagandang bagay na inalay ko para sayo Naghihinayang lang ako sa samahang inumpisahan natin na nauwi sa wala.. Di naman ako nagsisisi na iniwan kita ngunit di ko lang maiwasan ang lungkot lalo na sa mga sandaling nakikita ko sa iba yung mga bagay na dapat noon ay ipinamalas mo sana sa akin.. Tanong ko tuloy sa sarili ko sana ganoon ka na lang.. Pero hindi, siguro may dahilan ang lahat kung bakit kita nakilala kahit na alam ko na puwede akong lumuha at mabigo‌ Nabigo man ako pero may natutunan naman ako.. Kung siguro ikaw ang nakatuluyan ko.. At kung ikaw siguro ‘yon klase ng tao na hinihiling ng bawat babae.. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo‌ Kahit Simpleng Buhay ay taos puso kong yayakapin.. Tama na yung tatlong Beses isang araw may makakain.. Sapat na yung may pantustos sa bawat araw.. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 10


Pagkat di kayang tumbasan ng Salapi ang Tunay na Kaligayahan ng Pamilya at Tahanan na mabubuo natin na may wagas na pagmamahalan at iba pang katangian ng Isang Masayang Pamilya na mabubuo sa Piling mo.. Lumipas ang mga taon nakita mo akong muli.. Patawad kung di na kita pinansin pa dahil alam ko naman sasaktan mo lang ako.. Palulungkutin at paluluhain mo lang ang puso ko.. Gustuhin ko man pero di na maaari pagkat mayroon nang sayo'y nagmamay ari.. Di ko lang maiwasang isipin na napakapalad niya... At sabay sabi sa sarili ko... 'Buti pa siya mas minahal mo' Sabay sabi ko pang muli sa sarili ko 'Sana ako na lang yung nasa katayuan niya' Maaaring tatanungin niyo ako o sasabihin nyo sa akin...'Mahal ko pa rin siya' Ang sagot ko "Di naman sa ganoon" Di naman kasi basta basta makakalimutan yung taong dati mong minahal dahil naging parte siya ng nakaraan mo at ng buhay mo... At Isa sya sa mga naging rason kung ano ka ngayon.. Pero di naman ibig sabihin non ay mahal mo pa at mananatili ka sa nakaraan... Para sa taong minahal ko noon... Gusto kong malaman mo na mahalin mo ang kasalukuyan mo ngayon at wag mo na siyang sasaktan tulad ng nagawa mo sakin.. Salamat sa’yo sa magaganda at masasaya nating nakaraan.. Mas pipiliin ko na lamang na huwag kang makita.. Idadaan ko na lamang sa mga nobela ang mga naunsyami kong mga pangarap patungkol sa atin noon... Idadaan ko na lamang sa mga tulat literatura ang mga salitang kailanman di ko na masasabi pa sayo... At higit sa lahat mas mahahalin ko ang kasalukuyan kong minamahal na mas minahal ako ng higit sa inaakala ko... Gusto kong malaman mo masaya na rin ako kahit na papaano.. Kahit na minsan di ĺahat ng araw ay magaganda.. Sana gay’on ka din... Hanggang dito na lamang... Paalam...

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 11


Bala

Puso

Isinulat ni Tanikala

Isinulat ni Tanikala

Bang! Ganun lang kadali At lahat ay natapos ng ganun ganun lang Bang! Hudyat ng huli Hudyat ng wakas Hudyat na hindi na kita makakasama bukas Bang! Sa isang putok ng baril Nagwakas ang lahat Bang! Nagwakas ang lahat Bang! Tapos na ang lahat Bang! Ito na pala ang huli Bang! Ito na pala ang wakas Bang! Dito na pala tayo magwawakas Bang! Kinuha ng isang bala ng baril ang lahat Bang.. Bang.. Bang.. Hindi ko manlang nasabi sayo na iniibig kita nang wagas.. Bang!.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Sana ay pinatay mo nalang ako Kahit sa pinaka marahas na paraan ay okay lang Di ko iindahin ang sakit Kahit ibaon mo pa ang kutsilyo dito sa aking dibdib Dahil mas okay na ‘yon Mas okay na.. Kesa naman pinapatay mo ako sa bawat ‚mahal kita‛ na sinasabi mo, sinta O di kaya ay sa bawat Kasinungalingan na sinasabi mo pa Na pilit ko pinaniniwalaan dahil galing sayo, diba? Kaya sige na Patayin mo na ako nang lubusan Wag ka maaawa. Ibaon mo ang kutsilyo ng paulit ulit Ibaon mo At pakiusap wag mo sabihin Na ako pa ay iyong iniibig Dahil alam ko Hindi na ito totoo Hindi na totoo ang bawat salita Na lumalabas sa bibig mo At hindi ko narin alam kung ano pa nga ba ang totoo sa mga sinasabi mo.. Kaya sige na, patayin mo na ako Dahil matagal nang naghihingalo ang puso ko Dahil sayo… Pahina 12


Dugo Isinulat ni Tanikala

Ang dugo na umaagos sa kalsada na ito ay hindi lamang basta dugo Ito ay ang dugo na bumubuo sa pagkatao ko. Dugo na dumadaloy sa katawan ko. Iisa lang kami ng dugo.. Iisa.. Ang bilis ng pangyayare Ni hindi ko man lang narinig ang kanyang huling habilin Ni hindi ko manlang nakita ang muka nya Kahit sa huling pagkakataon Ni hindi ko manlang nakita ang muka nya. Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang duguan nyang muka Malayo sa litrato na pinakita sa akin ni papa Ni hindi ko manlang naramdaman ang yakap nya Ni hindi ko manlang natikman ang mga luto nya Buti pa sila Buti pa yung mga pinagsisilbihan nya Nakasama sya, natikman ang luto nya at nakausap nya Samantalang ako.. Ni minsan hindi naramdaman ang yakap nya.. Ang halik nya. At ng gabi na dapat sana ay mayayakap ko na sya.. Anong ginawa at sinabi mo? ‚ Takbo!! Walang nakakita!!‛ At dali dali mo iniwan ang malamig na bangkay nya sa kalsada Bangkay na sana ay yayakap sa puso ko na nangungulila.. Iisa lang kami ng dugo.. At ang dugo na ito ang umaagos sa kalsada na ito, Kasabay ng mga luha ko.. Sumisigaw ng hustisya para sa nanay ko. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 13


Sa Bagong Mundo Isinulat ni JR Fernando

Sila ay mararahas sa bagong mundo

Ang mga pasista ay may sariling drama

Silang mararahas sa bagong mundo

Na normal sa bagong mundo

Mga berdugo ng estado

Magbigay pugay sa bagong mundo

Pinaslang sina Tay Emok, Dionel at Bello

Libreng pumatay sa bagong mundo

Ito ay normal sa bagong mundo

'Di puwedeng manlaban sa bagong mundo

Wala ng hustisya sa bagong mundo

Matutong sumabay

Walang hustisya sa bagong mundo

Lahat ay abnormal sa bagong mundo

Tangan n'yang timbangan na kinakalawang

Lahat abnormal sa bagong mundo

Ay normal sa bagong mundo

Pumatay at manggahasa ng lumad na katutubo

Magbigay-pugay sa bagong mundo

Ay normal sa bagong mundo

Balewala ang buhay sa bagong mundo

Abnormal ang bagong mundo

'Di puwedeng sumuway sa bagong mundo

Pinaratangang kaaway

Matutong sumabay

Kinitil ang mga buhay

Sila'y mga demonyo sa bagong mundo

Ito ay normal sa bagong mundo

Lahat ay hugas kamay sa bagong mundo

ABNORMAL ang bagong mundo

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 14


Maikling Kuwento / Short Story


Tagos Isinulat ni Cindz Dela Cruz Heto na naman ako, nalulunod sa sakit, naghihintay na tumalab ang dalawang tabletas ng paracetamol na tig limang daang gramo. Nakatulala sa may kawalan, hindi malaman kung ano ang gagawin maibsan lang ang sakit na aking nararamdaman. Maputla ang mga labi’t, nanglalamig ang parehong palad, nagpupumilit, nagdadasal na sana matapos na. Tila ako nalulunod sa sakit na nararamdaman, tuluyan nang nilamon ng pait ng mga gamot.

Naghintay pa ako ng ilang sandali, nagbilang na rin ng kung ilan na ba ang langaw na pumapasok sa silid na paulit-ulit na umuugong sa aking tainga. Sa bandang huli, ay wala pa rin. Para na akong mamamatay sa kirot na nadarama ng aking puson. Kung puwede lang magmura ay malamang nakatikim na ng sandamakmak na suntok ang puson kong ito. Hanggang ngayon ay di ko pa rin mawari kung bakit nakakayanan ng isang babae ang pagdaanan ang lahat ng ito? Buwan buwan kang magkakasakit tapos kailangan mo pang gumastos ng para sa napkin, o yung tinatawag nilang tampon na isasaksak mo sa iyong puwerta habang nakabukaka. Pagkatapos ay iinom ka ng gamot kung hindi ka takot na magkaproblema ang iyong bato, kakain ka ng chocolate, ng ice cream, ng kahit na anong makita mo sa iyong harapan. Tutubuan ka pa ng maraming taghiyawat kahit ba mamahalin ang mga nilalagay mo sa iyong mukha. Nandiyan pati ang pagsakit ng likod, ng balikat‌ at minsan pati ng puso. Oo, hindi lang puson, kung di pati na rin ng puso.

Marco. Iyan ang pangalan niya. Siya yung IT guy sa opisinang aking pinapasukan, matangos ang ilong, mapulang mga labi, maputi at makinis ang kutis, laging naka-gel paitaas ang buhok, kupas na maong, sneakers, G-shock na relo. Halos kabisado ko ang kanyang pagmumukha, ang kanyang hitsura, postura at maging anino. Kabisado ko, kahit pa isang beses pa lang kami nagkatinginan doon pa sa may elevator. Sa elevator kung saan meron akong dalang walis tambo at siya naman ay may dalang attache case. Nakatali ang mahaba kong buhok, parehong luma ang suot kong t-shirt at pantalon. Wala akong koloreteng nilagay sa mukha nang araw na iyon. Muntikan pa kaming magkahawak ng kamay dahil sabay sana naming pipindutin ang elevator. At sa pagkakataong iyon, kami ay nagkatinginan na tila ba bumagal ang ikot ng aking mundo. Nais kong pigilan ang oras dahil hindi ako makahinga, tila sasabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng aking puso. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 15


Eto ang unang beses na ako ay nakaramdam ng... love at first sight ba „yon? Bigla kong hiniling sa langit na sana ako ay magkapakpak para puwede kitang dalhin sa aking kaharian. O kung di naman kaya ay baka pwedeng ako ay iyong saluhin dahil heto ako ngayon, nahuhulog na sa iyo Marco. Marco Dela Fuente. Pangalan ng isang prinsipe. Ako ang iyong prinsesa at ikaw naman ang aking prinsipe... Teka! Mas type ko ang kabalyero. Oo, tama. Puwede bang maging kabalyero ka na lang at ako ay iyong sagipin mula sa masamang panaginip ng reyalidad?

Dahil alam kong sa totoong buhay ay hindi puwede maging tayo. Hindi puwede! There will never be an us!

“Puwede na, Romel.” sabat ng aking fairy godmother na hindi ko na namalayang nakaupo na pala sa gilid ng aking kama, naputol tuloy ang pagde-day dream ko. “Ano pong sabi niyo?” “Sabi ko, puwede nang maging kayo ni Marco. Sumasakit ang puson mo di ba? Iyan ay dahil ginawa na kitang dalaga.” Bigla akong napabalikwas. Kinapa ang aking dibdib at napansing hindi na ito kasing lambot ng face towel na nilalagay ko tuwing umaga, meron na itong laman na tila ba sapat na para magpasuso ng isang sanggol. Tiningnan ko si fairy godmother na naluluha sa galak. “Alam kong matagal mo na itong kahilingan at kagabi habang natutulog ka ay ginawa na kitang babae. Ginamit ko na lahat ng natitira kong kapangyarihan para tuluyan ka nang maging babae. Babae ka na Romel. Ikaw na ngayon si Romella!” “Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa‟yo fairy godmother! Hindi ako makapaniwala!” Dali dali akong tumayo at naghubad ng shorts ko. Pagtingin ko ng bandang ibaba, ay siya nga! Wala na ang lawit kong matagal ko nang itinatago. Kaya naman pala masakit ang puson ko. Kaya pala… Akala ko umaarte lang ako kanina! OMG. Halos maglupasay ako sa tuwa habang isinasayaw si fairy godmother. Kaya pala tunay na masakit ang aking puson dahil totoo ngang isa na akong babae. Grabe! “Romella, sandali lang, meron akong sasabihin sa iyo hija.” sabi ni fairy godmother na dilat na dilat pa ang mga mata. “Ano po „yon?” kunot noo kong tanong. “May tagos ka…”

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 16


Ang Liham ni Aurora by MeasMrNiceGuy Isinulat ni Reagan A. Latumbo

Nagsimula ang lahat sa isang liham para sa akin na may sulat-kamay ni Aurora. Noon ay bisperas ng pasko.

Wala akong alam sa liham na ginawa niya para sa akin. Nagkataon lang na pumunta ako sa kanilang bahay upang kumustahin sila. Nguni't hindi ko inasahan ang tagpong tinadtad nang saksak ni Agosto si Aurora. Tumambad sa akin ang duguang katawan ng kanyang kasintahan.

Sinabi ni Agosto na tatakas si Aurora at ako ang hihihintay niya. Nalaman niya iyon sa liham ni Aurora na hawak-hawak nito. Aniya, nagdilim ang kanyang paningin. Sinakal nang sinakal niya si Aurora hanggang sa malagutan ito nang hininga. Hindi pa raw siya nakontento at tinadtad niya pa ito nang maraming saksak sa dibdib kung saan naabutan kong nakahandusay sa sahig si Aurora.

Magkahalong kaba, takot at galit ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Alam kong ako ang susunod niyang puntirya. Kaya, hindi ako nagpakita nang anumang kaduwagan sa harapan ni Agosto. Hawak -hawak niya ang matulis na kutsilyong anumang oras ay itataga niya sa akin.

Inihanda ko na rin ang aking sarili. Bago niya ako sugurin ay inihagis niya sa akin ang isang lukot na lukot na papel. Nasalo ko ito pero hindi ko na muna tiningnan at binasa. Pansin na pansin na kasi ang matatalim na titig nito. Kaagad akong inambahan nito ng saksak. Nakailag ako at sinuntok naman siya tagiliran. Nang namimilipit siya sa sakit, hindi ko pinalampas ang pagkakataong makatakas.

Hindi ako lumingon. Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa napadpad ako sa ilalim ng punong manggang una naming tagpuan ni Aurora. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 17


Napasandal ako sandali. Huminga nang malalim. Umupo at isinandal ang katawan sa puno at binasa ang papel na initsa sa akin ni Agosto. Sumusunod sa sulat-kamay ni Aurora ang aking mga mata.

Mahal kong Eduardo,

Sumumpa ako sa kaibigan mong si Agosto na ako'y hindi kailanman makikipagkita sa iyo. Alam niyang may lihim parin akong pagtingin sayo.

Patawarin mo sana ako kung hiniwalayan kita noon. Mga bata pa tayo at masyado pang mapusok. Ngayong nasa tamang edad na, mahirap palang turuan ang puso.

Pinagsisihan kong naging kami ni Agosto. Oo, minahal ko siya. Natutunan ko siyang mahalin pero pinagkaitan niya ako ng kalayaan. Napakaseloso niyang tao.

Naranasan ko ang lupit nang kanyang galit. Isang beses, bumili ako sa tindahan sa tapat ng aming bahay. Bumili ako ng toyo at suka na gagamitin ko sa lulutuin kong adobong manok.

Hindi ko sukat akalaing binantayan niya pala ako. Ayaw na ayaw niyang nakikisalamuha ako sa ibang tao lalong-lalo na sa mga lalaki.

Pagdating na pagdating ko sa aming tahanan ay sinuntok niya ako sa sikmura. Sinampal-sampal ng ilang beses sa mukha. At ang masaklap pa, ang sukang puti na binili ko ay binuksan niya at ipinainom sa akin.

Akala ko katapusan ko na, pero nagising na lamang akong nasa ospital at iyak nang iyak. Mag-isa na lang ako sa buhay at wala ng pamilyang uuwian.

Nang gumaling ako, akala ko ay magbabago na siya. Nagkamali ako dahil isang gabing nagpapahinga ako sa aming kwarto ay naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay. Hinipuan niya ako.

Bigla akong nagising. Pumalag ako pero tinutukan niya ako ng kutsilyo habang malaya ang isang kamay niya pagsakal sa akin.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 18


Wala akong kalaban-laban sa kanya. Nagpaubaya ako sa takot na tuluyan na niya akong lagutan ng hininga. Kapag nagpupumiglas ako ay pinapakain niya ako ng iba't-ibang bagay na mahawakan niya gaya ng pira-pirasong papel.

Kaya heto ako ngayon, nagsusulat gamit ang lapis at papel upang ipaalam sa iyo ang sinapit ko sa piling ng iyong matalik na kaibigan.

Tulungan mo ako Eduardo. Ikaw lang ang tanging taong alam kong makakatulong sa akin. Gusto kong magkita tayo sa bisperas ng pasko.

Kung sakaling makatakas tayo ay sabay nating sasalubungin ang araw ng kapanganakan ng ating mahal na Panginoon.

Kung ano man ang pagkukulang ko sa iyo, sana mapatawad mo ako.

Hihintayin kita sa lugar kung saan ua tayong nagkakilala. Doon sa ilalim ng punong mangga.

Ps. Hanggang ngayon mahal pa rin kita.

Nagmamakaawa at maghihintay sa iyo,

Aurora

Parang gripong tuloy-tuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Naihilamos ko ang papel na binabasa ko hanggang sa ito'y mabasa at mapunit.

Nagkamali ako sa paghabilin sa kanya kay Agosto. Dati na kasing lulong sa droga si Agosto. Binigyan ko siya ng pagkakataong magbagong buhay dahil tinamaan siya ni Kupido kay Aurora na noo'y akin, nagkakalabuan na kaming dalawa. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 19


Malaki ang ipinagbago ni Agosto dahil kay Aurora. At 'yon na nga, nahulog ang loob ni Aurora sa kanya. Ako na ang kumalas sa aming relasyon. Nagparaya ako.

Kung sana'y naipaglaban ko siya, noon. Naging masaya sana siya sa piling ko. Naging masaya sana kami.

"Alam kong dito kita matatagpuan, Romeo. Ito ang tagpuan nating tatlo kaya alam na alam kong mapapadpad ka rito."

Nang marinig ko ang boses na iyon, sumiklab ang galit ko. Lalo pa itong nag-apoy nang binigyan ako ng mala-demonyong ngiti ni Agosto.

"Hayop ka! Pinagkatiwala ko sa'yo si Aurora. Akala ko ay tuluyan ka nang nagbago. Iyon pala may nakatago pang santermo riyan sa katawan mo. Alipin ka pa rin ng droga, Agosto."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Agad ko siyang sinuntok sa panga. Nguni't ipinaglihi yata sa buwaya ang balat niya kaya hindi tinablan.

Buong pwersa kong sinangga ang bawat kamao niya. Nanghina ako. Natumba at tumihaya sa damuhan. Sinakal nang sinakal niya ako. Nang maramdaman niyang pumipikit ako, binunot niya ang punyal sa kanyang likuran at isinaksak sa aking dibdib. Bumulwak ang dugo sa aking bibig. Nagmamakaawa ang aking mata sa kanya pero nginitian niya lamang ako at inulit-ulit ang pagsaksak sa akin.

Sa bawat pagbaon at paghugot niya ng punyal sa aking dibdib ay ang unti-unting pagtigil ng tibok sa aking puso. Tumingala na lang ako sa langit hanggang sa maramdaman ko ang huling patak ng mga luha sa aking magkabilang pisngi.

Aurora, mahal pa rin kita. Sa wakas, makakasama na rin kita sa kabilang buhay. Mahal na mahal kita. Doon ay malaya nating ipagdiwang ang araw ng kapaskuhan.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 20


Bente Pesos Isinulat ni Froilan F. Elizaga Sumakay ang payat na binatilyo sa pampasaherong dyip. Hindi pa siya nakakaupo ay bumati na agad siya na tila isang makata. Nahulaan ng lahat ng mga pasahero na siya ay manghihingi ng donasyon. Napatunayan nila ito nang maglabas ito ng isang death certificate. "Huwag niyo po sana akong katakutan o pagisipan ng masama. Ako po ay tumatanaw lang ng utang na loob sa aking namayapang lolo na siyang nagpaaral sa aking dalawang kapatid. Siya po ay isang vendor lamang..." Iniladlad pa niya sa mga pasahero ang sertipiko. Binasa naman iyon ng iba. Ang iba naman ay nakinig lang. May ilan ding nakataas ang kilay. "Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso. Hindi naman po masama ang ginagawa ko. Hindi po ako katulad ng ibang kabataan na idinadaan ang kahirapan sa masa. Ang babaeng nagbasa ng death certificate ang unang naglabas ng bente pesos. Dumukot na rin ng pera ang iba. "Salamat! Salamat mga Kuya, Ate!" Hindi pa naman sa kanya naiaabot.Bumaba ang isang pasaherong lalaki na hindi nakumbinsi ng bata. Matapos ay sumunod na rin ang bata tangan ang mga nakuhang donasyon.Napakamot na lang ang ibang hindi nagbigay. "Naku, nagpapaniwala kayo sa ganyang klaseng tao!" sabi ng drayber. "Ilang linggo nang patay ang lolo niya." Tila napahiya ang mga pasaherong nagbigay ng pera. "Nung nakaraang buwan ang lola niya." patuloy ng driver. "Sa susunod, sino naman kaya ang mamamatay?" Isang malakas na tunog ang narinig nila mula sa kanilang hulihan. Tumilapon ang gawain..." Ala na ang binatilyo nang mabangga siya ng isang humaharurot na pampasaherong dyip. Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo hanggang sa death certificate at sa mga perang papel na nasa kanyang ulunan.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 21


Sanaysay / Essay / NonFiction


Ang “Affordable Food Stand� Isinulat ni Dudong Daga

Ano ba ang dapat nating gawin? Kakaresign ko lang sa trabaho pre... Ako gagaradweyt na ako, lapit na mag bakasyon.. Ako wala na rin ako trabaho mag business kaya tayo? Isang txt ng isang kaibigan... "Pre may kilala yung kaibigan ko, trabaho, ito tamang tama kailangan lang natin maglabas ng pera, ok ito business magiging businessman na tayo..." (Itatago namin ang pangalan ng mga karakter sa mga artistang medyo kahawig nila, para sa ikasasaya ng kwentuhan) Isang umaga habang nasa biyahe... Koko Martin sigurado ka ba sa business na tinutukoy mo na yan? Oo Aljur ok ito, yung isang kakilala ko nagsimula na, ilang buwan na may kotse na siya... Pagdating namin sa lugar... Kayo ba yung mga mag-aaply? Hintayin lang po natin si Sir. Baktolino para masimulan na natin ang session... Pagkatapos kami kausapin ng isang lalakeng naka business attire, nakaramdam ako na parang may gustong lumabas sa katawan ko, oooops!!! Naiihi na ata ako kailangan kong bumanyo‌ Koko Martin kailangan ko munang umihi, san kaya ang banyo dito? Doon oh, magtanong ka sa guard... Tumakbo ako ng mabilis kay Manong Guard dahil malapit ng lumabas ang water falls.. Manong Guard san ho ba rito ang Cr? Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 22


Ah, iho sa may taas, kaliwa ka diyan may hagdan, sabay kanan ka makikita mo yung Cr... Salamat ho... Habang paakyat sa hagdanan may narinig ako mga taong nagpapalakpakan, sa pagiging tsismoso ko nawala ang pakiramdam ko ng pag kaihi at sumilip sa isang pintuan na malapit sa Cr. Nakita ko ang isang lalakeng nagsasalita, at maraming taong nakikinig na tuwang tuwa habang pinapakinggan siyang nagpapaliwanag tungkol sa business nila. Ayos pala ang pinasok namin ni Koko Martin, mga franchiser pala ang mga ito ng isang food product, mukhang magandang trabaho ito... Nakanang!!! Nakalimutan ko naiihi na nga pala ako, muntikan ng sumabog ang pantog ko dito. Pagkatapos maglabas ng tubig ng kalikasan, bumalik na agad ako, baka nag aalala na si Koko Martin at magtaka bat ang tagal ko. Habang pabalik, nakita ko si Koko Martin na sumisenyas na mag double time daw ako sa paglalakad, siguro andun na yung kakausap sa amin kaya dali dali akong tumakbo.. Aljur nandiyan na yung lalakeng kailangan nating kausapin, mag ayos ka... Sa isang pintuan lumabas ang isang lalakeng naka long sleeve na pink at nakakurbatang kulay brown, kagalang galang ang lalaking papunta sa amin, mukhang bigatin ang pinuntahan namin... Mukhang this is it... Good Moning guys, my name is Mr. Baktolino, I'm an agent of this Company so have a seat... Nagkatinginan kami ni Koko Martin, mata sa mata mukhang nababasa niya ang iniisip ko, nakakaramdam na ako ng kaba sa dibdib ko.. "Sa buhay ng isang tao akala nila ‘yon na ‘yon, di nila alam wala pa sila sa simula... At sa pag kakataong ‘yon, ni sa pintuan di kami nakatapak, kungbaga nasa kabilang street palang kami..." At tama nga kami di kami nagkamali sa aming iniisiip... "Willing ba kayo magbenta ng aming products? Kung hindi naman pwede kayong bimili sa amin sa murang halaga" Naglabas ang lalake ng isang black folder na maraming litrato at example check, hindi pala business ang napuntahan namin isa pala itong Netwoking Company. At kailangan naming ibenta ang produkto nila at magluwal ng pera... Kala namin magiging manager na kami o ahente sa isang kampanya nagkamali kami ng akala... Wala na kaming magagawa sa oras na iyon, kundi makinig kay Mr. Baktolino na walang bukang bibig kundi pera na lalago at mga taong kailangang irecruite para maka limang milyon ka sa isang linggo at daang milyon sa buong buwan, at mag kabilyon naman sa buong taon na kung abnormal ka eh, malamang seseryosohin mo‌ Pasintabi sa mga kaibigan natin diyan na nag networking kagaya nito, kaso di ko lang talaga makuha ang point na sinsabi nilang madali lang daw yumaman pag lumuwal o bimili ka ng produkto nila na presyo lamang ng isang phone na may camera.. Sa isip ko kung ganito lang naman pala kadaling yumaman wala na sanang pinoy na nagugutom at wala na rin sanang pinoy na nasa lansangan. Para sa akin at itinuro ng magulang ko, ang isang maunlad na buhay ay pinaghihrapan at pinag tutuluan ng pawis. Hirap at tiyaga ika nga nila, at yan ang kailangan... Pati facebook ay pinupurga nila ng mga tag nila ng easy money, easy income... Ayaw namin magkaplastic pero maniwala ka at sa hindi, kinagat namin siya dahil sa idolohiyang subukan natin walang mawawala, pero sa isip ko may nawala, kinain ko ang sinabi ko sa sarili ko. I eat my own pride at it doesn't taste good.. Ewww... Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 23


Trivia: Baka isa rin kami sa mga nagtag sainyo ng easy money, easy income.... Magbalik tayo sa kwento, habang nag lalakad pauwi at tumitingin-tingin ng karinderyang pwedeng pag kaininan nararamdaman na namin ang init at pag papawis ng aming mga kili-kili, langya! Nag longsleeve kasi ako at si Koko naka polo. Pero infairness ang gwapo namin tignan... Tamang tama nakakita na kami ng tindahan, murang mura lang kasya sa bulsa namin 40 pesos isang order may kasama ng kanin at ulam. Gulay lang ang pinili ko para mura at makatipid, Laing na may sabaw ata ‘yon kung di ako nagkakamali at kay Koko naman ay tortang talong at repolyo. (Mas mapera siya sa akin sumoftdrinks pa nga) Pare ano kakagatin ba natin, wala naman tayong trabaho pero sayang ‘yon ha, makapag recruite lang tayo may 2000 na tayo at pag nakaipon tayo pwede na tayo gumawa ng business... Pwede din naman kaso kailangan natin ng strategy, hindi basta-basta ang mga ganyan kailangan may puhunan tayo, san tayo kukuha ng puhunan. Pwede naman wag na muna tayong magrecruite, umutang tayo ng pera sa bangko babayaran din naman natin agad. Napag-aralan ko yan sa course ko kaya nating i-manage yan. Sabay ngiti ni Koko.. Sa bangko? Wag dun, eh kung makulong tayo pag di natin binayaran, sa bumbay na lang mas maganda, madali pa natin takbuhan.. hehehehe... (Sabay Apir naming dalawa) Sa pag kakataong ‘yon may pumasok sa isip ko, parang may lumabas na bombilya sa ibabaw ng ulunan ko, umilaw kasabay ng tunog na TING!!! Pero teka pare, naisip ko, hindi natin kailangan ng pera, sa kanila tayo kukuha ng pera, may mga internet tayo sa bahay, dun tayo mag recruite. Itatag natin yung mga kakilala natin sa litrato ng produkto natin. Makikita rin ng mga kaibigan nila kaya maraming makakakita. Ilagay natin ang presyo sa litrato, pati mga benefits na makukuha nila para maengganyo silang bumili. Isang buyer lang kailangan natin at may instant 2000 na tayo, mas ligal ito kesa manloko ng bumbay. Tama ka gawan natin ng strategy pwede rin tayo pumunta sa SM para magbigay ng flyers may papel at printer naman tayo sa mga bahay natin, tama subukan natin ito, malay mo may kumagat. Pag uwi natin gagawa na ako ng page natin at website para mas maganda at tatawagin natin itong.... "AFFORDABLE FOOD STAND" Buo na ang tiwala namin sa mga sarili namin kaya namin ito... Pag-uwi sa bahay dali dali kaming nagbukas ng facebook at gumawa ng page, tuwang-tuwa kaming ginawa ang page na parang naamoy na namin ang pera... Sinuggest namin ang pahina sa mga kaibigan namin at tinag sila... Wala kaming ginawa nung araw na ‘yon... Kundi kausapin ang mga nanay, kaibigan, tropa, at mga di namin kakilala na ka Fb namin... "Maganda ang binibenta namin kaibigan, murang mura lang pwede pang family business, pag bumili kayo nito sisikat kayo kasi kami ang nagbebebenta" Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 24


Lumipas ang ilang araw at linggo, wala paring nangyari, mukhang malabo ata... Dumating na din kami sa puntong, parang gusto na namin lapitan ang mga pamilya namin at umutang ng konting halaga. Alam ni Mama may pera pa ako galing sa huling trabaho ko, di niya alam naubos na, panu ko kaya sasabihin ito. Wala din si Koko, akala din ng magulang niya may pera siya dahil kakaresign lang niya at nakuha na niya ang backpay. Bakit ang tao kung kailan walang pera saka nag-iisip mag business, nagsisi tuloy ako nung panahon na may pera ako, malaking pera ang hinahawakan ko dahil sa trabaho ko. Nakakapgod siya pero ok lang dahil sa sweldong natatanggap mo. Pero ang kalaban mo ay sarili mo, di ka masaya kasi may hinahanap ka pang iba. Habang nag-iinom kaming dalawa ni Koko napag kwentuhan ulit namin ang tungkol sa pwede naming gawin. Pare mukhang malabo na yung business natin, mukhang di na kita matatawag na kumpanyero... Oo nga Aljur eh, malabo na nga, kailangan natin mag isip ng trabahong mababa lang ang puhunan pero kakaiba‌

Ito ang mga trabahong naisip namin na baka gusto niyong subukan: 1. Ihaw-ihaw na nilalako (Tingin namin papatok ’yon kasi wala pang ihaw-ihaw na nilalako na parang balot at fishball at kami ang kauna unahang taong sisisgaw ng "IHEEEEEEEEWWWWWW!!!!") 2. Shot ng Beer, Tequila at Vodka na nilalako (Isa na namang kakaibang ideya na tingin namin maganda kasi kami na naman ang kauna unahang maglalako ng mga susyal na drinks sa kanto at kami ang kauna unahang taong sisisgaw ng "ALEKKKKKKKKKK!!!!") 3. Naisip din namin ang Jeepney bar, na kakaiba naman talaga, pupunta kami sa ibat iba lugar sa manila habang sakay ang mga taong nag iinuman sa loob ng jeepney kaso ang problema, baka mahuli kami ng MMDA at baka pag nalasing ang mga customer namin bigla na lang tumalon sa sasakyan habang naandar. 4. Fishball at kwekwek, (lahat naman siguro na isip na itong gawing business simple pero easy money, ang kalaban lang namin ay oras..) 5. Clothing Line (Aba dito medyo sumususyal na kami, mahilig kasi kaming gumuhit ng mga stickman at bilog-bilog, kaya naisip naming magtayo ng isang damitan na kami ang gagawa ng design) 6. Katawan namin na ilalako namin in street, ito na yung pinakamatinding naisip namin, inisip namin mga gwapo namin kami at may katawan bakit hindi na lang katawan ang ibenta namin, tiyak na may bibili pa. Oh! Wala ng kokontra diyan... Kaso ang tanong may bibili ba talaga? May susuporta ba? At lahat ng naisip namin ay usapang lasing lang, kinabukasan hindi din namin siniseryoso.

Dumaan ang oras, araw at buwan hindi na kami nakakapag kita ni Koko Martin, naging busy din kami ng matagal na panahon, naging busy kami sa trabaho at trip sa buhay. Si Koko Martin naging busy dahil sa trabaho. Ako busy dahil sa arts... Bumalik ulit ako sa tahanan ko. Nakita ko ang isang kasiyahan. Sabi nila kahit anung gawin mo kung sining ang gusto mo kahit san ka pa, hindi ka makakawala. Pumasok ulit ako sa mundong matagal ko ng iniwanan, pag tungtong ko sa lugar na iyon. May kasiyahan na naman akong di maintindihan. Bumalik na naman ako sa buhay ko, ang buhay ng tiyatro, sining at musika....

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 25


Habang pinapakinggan ang isang kaibigan na ginagalang ko dahil sa galing niyang umarte sa larangan ng Indie Film at Theater Act... Nagtanong siya sa aming lahat. Anu ba ang nawawala ngayon sa kabataan? Madaming sumagot, may sumagot ng Paninindigan, Salita, Sining, Musika, at Literatura. Sumagot siya sa amin ng may ngiti, tama kayo diyan, pero may isa pang nawawala na importante sa lahat na kung wala ito, wala rin ang mga sinagot niyo. Ang mahalagang nawawala ay ang Kultura... Pasalamat kayo at nandito kayo ngayon, binubuhay niyo ang kulturang ipinamana sa inyo. Hindi ko sinasabing wag na kayong maging teki, sige mag-facebook kayo, twitter, at tumbler. Sumabay tayo sa agos ng panahon, pero wag natin kalimutan ang kultura natin. Ang pagbabago sa teknolohiya ngayon ay isang sandata na pwede nating gamitin, isang sandatang doubleblade, may negatibo at positibo. Ang iba ginagawang negosyo ang internet, sige post ng diet pills, products at kung ano-anu pa. Panu na ang matutunan ng kabataan? Buhayin niyo ang kultura natin sa pamamagitan ng teknolohiya. Habang patapos na siyang magsalita, sumulpot sa gilid ang isang manunulat na di ko na babanggitin ang pangalan at sinabing. Magsulat kayo, yan ang nawawala ngayon, kung kaya ko at kaya ng ibang magsulat aba'y kayo niyo din. Dati marami tayong manunulat, ngayon kakonti na lang dahil sa takot na malugi ang librong ilalabas nila. Wag kayong matakot, hindi mahalaga ang pera, ang mahalaga ang hilig mo na ipabatid ang nararamdan mo. Kung pera ang nasa isip mo hindi ka yayaman at mag-susucess, dahil isa lang ang ingredients ng buhay, ang magsaya. Kung masaya ka sa ginagawa mo, wala kang pag sisihan. Kaya kung ako sa inyo pag kauwi niyo mag sulat kayo... Nahulog ako sa mga sinabi niya, di ko makakalimutan ang pangyayaring ‘yon... Dala-dala ko ang bawat salita hanggang ngayon..

Madaling araw ng bagong taon nakatanggap ako ng mensahe kay Koko Martin, niyaya ako mag-inom sa kanila para icelebrate ang bagong taon at kasabay din nito ang kaarawan ng isang kaibigan na si Dennis Trillo. Tamang tama at tulog na rin ang mga tao sa bahay at tahimik na rin ang lugar dahil wala ng nag papaputok. Dali dali akong tumungo sa kanila at nag-inom.. Nagkwnetuhan ulit kami tungkol sa page na ginawa namin, nagtanung siya kung may nag txt na ba? O nag post ng mensahe sa pahina. Sumagot ako ng wala kasabay ng iling ng ulo ko. Habang nag kakasiyahan tulad ng dati, mahilig kaming mag isip ng kung ano-anu... Nagtanung si Koko Martin ng ano bang magandang gawin na pwedeng kaabalahan yung magagamit natin ang talento natin.. Sumagot si Dennis Trillo ng, eh di magpatawa diyan tayo magaling eh... Sabay tawanan ang lahat... Sumagot ako ng, masyado ng common ‘yon madami ng gumagawa ng ganun ngayon, san ba talaga tayo magaling? Anu ba ginagawa natin dati nung hayskul tayo? Nagflashback samin ni Koko Martin ang ginawa naming "Funny Diyaryo" nung mga hayskul kami, tawang-tawa kami sa mga sinulat namin nun, kung makikita lang sana namin ulit ‘yonn, magandang remembrance ’yon ng kabataan namin... Kaya naisip namin na ang magandang gawing pampalipas oras ay mag-sulat, akala ko nung una di nila seseryosohin pero nag kamali ako kaibigan, tama ka nabuo ang "Lapis sa kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa) dahil sa pag mamahal sa sining at literatura, nung una usapang lasing lang, ngayon realidad na. Maraming nagtatanung kung paano nag simula ang pahinang ito, ang totoo nito kaibigan maraming nangyari bago ito nabuo. Nagsimula kami sa katanungang. "Anu ba dapat ang magandang gawin?". Kung aking aalahanin lahat-lahat, malayo ang plano namin at nauwi lang kami sa isang ideyang, siguro kailangan nating mgasulat. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 26


Misyon ng pahinang ito ay isabuhay muli ang tradisyon ng Pilipinong magsulat, buksan ang isipan ng mga kabataan na kaya din nilang gumawa ng obra. Masaya kami sa naging resulta ng pahina, nakaka tatlong buwan at kalahati na kami pero parang matagal na naming kakilala ang mga taga subaybay namin. Nagkaroon din kami ng mga kaibigan dahil sa pahinang ito, kahit hindi nila kami gaanong kakilala, sa kadahilanang di kami nag papakita ng mukha sa mga mambabasa namin, salamat at tuloy parin ang suporta. Di namin ginagaya si Bob Ong o kung sino pa man, ang gusto namin, basahin ang mga sulatin namin hindi dahil sa kung sino kami kundi dahil sa akdang ginawa namin. Nakakatuwa din ang mga sulating ipinapasa niyo sa amin, maraming salamat at naging inspirasyon niyo kami sa pagsusulat. Kabataan pa nga nila tayong ituring pero kaya na nating makipag sabayan sa kanila. Ipakita natin kaya natin. Sulat lang nang sulat at basa lang nang basa. Gawin nating inspirasyon ang mga sarili natin para sa iba. Ito ang Lapis Sa Kalye salamat sa pagbabasa.

Trivia: Ang pahinang AFFORDABLE FOOD STAND ay ang LAPIS SA KALYE pinalitan lang namin ang pangalan dahil sa kadahilanang tamad na kaming gumawa ng isa pang pahina...

-Dudong Daga-

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 27



Tatak Lapis sa Kalye Isinulat ni Cindz Dela Cruz Paano nga ba nag-umpisa ang lahat? Paanong sa loob ng anim na taon ay nagpapatuloy pa rin ang Lapis sa Kalye? Ano ba ang pinaglalabanan nito? Paano ko ba mailalarawan ang samahang tatak Lapis sa Kalye?

Pare-pareho lang siguro ang mga layunin namin sa pagsusulat, at iyon ay ang maipahayag kung ano nga ba ang nasa aming saloobin, kung ano tumatakbo sa aming mga makukulit na kukute. Naranasan mo na siguro ‘yon kung isa kang ‚frustrated writer‛. Alam mo ‘yong mga panahong hindi pa uso ang wattpad? Hindi pa masyadong uso ang e-book? Medyo bata bata pa kami, kaka-graduate lang, matataas ang pangarap, walang limitasyon ang aming imahinasyon, naniniwala pa kami sa ideyalismo - o yung pananaw na puwede naming mabago ang bansa sa pamamagitan ng aming mga sulatin.

Hanggang ngayon, aaminin ko, iyan at iyan pa rin ang aming hangarin. Nasaksihan ng aming henerasyon ang pag-impeach kay Erap, ang pandaraya ni Gloria sa halalan, ang pagtakbo ng FPJ at muntikan nang pagkapanalo nito, ang pagtakbo ni Ninoy dahil sa pagudyok ng nakararami nang mamatay ang kanyang ina na si Cory, at ngayon naman ang kaguluhang nangyayari sa pagitan ni Duterte at Roxas. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas, pero ang bilis nating madala sa mga mabulaklak na salita, ng mga kuwentong pang telenobela. Nabubulag tayo sa mga maling rason, pumipili tayo nang nakapikit ang mga mata. Ang bibilis nating nagpatawad nang binoto pa ulit natin si Gloria kahit pa inamin na niyang nandaya siya. Pero bakit ganoon? Bakit ganito ang nangyayari sa Pilipinas? Totoo kaya na aabutin pa tayo ng ilang dekada bago tayo magbago para sa ikabubuti ng bansa? Sabi nila edukasyon daw ang sagot, pero patuloy pa rin ang pagmahal ng matrikula. Sabi nila mag-abroad ka na lang, iwanan mo na ang Pilipinas, magsikap na lang tayo sa ibang bansa, tutal wala namang mangyayari. At siguro kung maglilitanya ako dito, aabot ang sulating ito sa pagiging nobela.

Balik tayo sa hangarin. Hangarin pa rin ng Lapis sa Kalye magpasahanggang ngayon ang sa pamamagitan ng aming mga talento sa pagsusulat o pagguhit, maaaring umunlad ang bansa. Papaano? Libre na ngayon ang Facebook kung saan libo libong impormasyon ang maaari mong mabasa sa isang araw. Pero sa libo libong impormasyon na ‘yon, alin dito ang may kabuluhan at makakatulong sa iyo? Alin dito ang tutulong mapaunlad ang bansa?

Siguro mas kailangan natin ng mga sulating pupukaw sa ating damdamin, sa ating pagkamakabayan, sa ating pagmamahal sa ating kapwa. Hindi ito madali, oo dahil tayo ay hindi pa buo. Kung may isang bagay na kailangan ang mga Pilipino, iyon ay ang pagkakaisa. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 29


Nabasa niyo na ba ang Affordable Foodstand na siyang sinulat ni Dudong Daga? Kung hindi pa, basahin niyo para malaman niyo kung paano nagsimula ang pahinang ito. Nagsimula ang grupong ito sa dalawang tao, hanggang sa lumago nang lumago. Sa paglipas ng panahon, may mga umalis, nagkapamilya at nawala na ng tuluyan sa mundo ng pagsusulat. Meron namang nag-quit na nang tuluyan dahil sa mga hindi magagandang pangyayari. Dumating ang panahon na tumahimik muli ang pahina, wala nang nagsulat, naabandona. Dumating ang panahon na wala nang nagbabasa.

Himalang nabuhay muli ang pahina gawa ng isang pa-contest na sinalihan ng maraming manunulat. Nabuhayan kaming muli ng loob at nagkaroon ng motibasyon. Halos araw-araw na kami kung mag-usap, hindi lamang ng mga masasaya kung hindi pati na rin ang mga dagok na dumadating sa aming buhay. Wala kaming sawang makinig sa mga walang katapusan na hinaing ng bawat isa. At kung kami ay magkita kita, siguradong may shot na kasama. Sa pangalawang pagkakataon ay nangangako kaming wala nang bibitaw sa pagbuo ng aming mga pangarap. Nagkita kita kami sa unang pagkakataon noong nilalakad pa namin ang librong Pendulum.

Noong araw din na iyon ay makikipagkita pa sana kami sa mga manunulat ng ibang pahina, pero ang nangyari ay nadarag lang kami ng isang agresibong manunulat - hindi ko na babanggitin ang pangalan, tawagin na lang natin siyang Jeje, isa na siyang mabuting kaibigan ngayon (Peace tayo kung nagbabasa ka man!). Nagkaroon kasi ng pagtatalo sa Facebook at galit na galit si Jeje dahil sa sinabi ni Matalabong Kwago tungkol sa kanilang pahina. May pagkakamali si Kwago nu’n pero sa tapat ng rebulto ni Rizal sa Luneta kami pinagmumura. Nag-walk-out na lang kami dahil wala namang maidudulot na maganda kung haharapin lang namin sila. Sa bandang huli, isang tao lang mula sa grupong iyon ang sumama sa amin - at siya si Positivo Uno na matagal na palang nagbabasa sa aming pahina.

Naging magkaibigan kami ni Positivo Uno at sa ngayon ay miyembro na rin siya ng LSK. Sa ngayon, kapag naaalala namin ang nangyari sa tapat ng rebulto ni Rizal ay natatawa na lang kami. Alas dose na ata nung nagdesisyon na kaming umuwi sa aming mga bahay dahil sobrang haba ng aming kuwentuhan. Mga kalapis, alam niyo ba na sa Luneta Park namin unang nai-record ang aming video blog? Mukha lang kaming mga tanga sa video dahil umaga pa lang ay dugo’t pawis na ang aming pinupuhunan sa libro. Pero ayun at tawa pa rin kami nang tawa.

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 30


Heto pang isa. Noong pumunta ako ng Cebu ay kinita ko si Silent Sakura, isang matagal nang tagasubaybay ng pahina. Kinita ko siya dahil bibili siya ng Pendulum. Masaya niyang inabot sa akin ang isang libro at notebook na naglalaman ng isang sulat para sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. Sobrang na-touch ako sa ginawa niyang iyon. At mula nga noon ay madalas na siyang nagpapasa ng sulatin sa pahina. Hindi nagtagal ay naging opisyal na manunulat na rin siya ng Lapis sa Kalye at isa sa mga patnugot ng magasin na binabasa mo ngayon.

Dalawa lang ‘yan sa aming mga naging karanasan, sana dumating ang panahon na makapagsulat ako ng libro kung saan mas maibabahagi ko pa sa inyo ang aming pakikipagsapalaran sa mundo ng pagsulat.

Hindi ganoon kadali ang pagpapatakbo ng isang pahina na katulad nito. Pakiramdam namin ay meron kaming part time job dahil hindi lang mga trabahong nagpapakain sa amin ang aming ginagawa. Pakiramdam namin ay meron kaming responsibilidad sa aming kapwa na makapagbahagi pa ng mga dekalidad na sulating kapupulutan ng inspirasyon at aral, yung mga tipo ng aral na makakapagpaunlad sa ating bansa.

Sa pagtatapos ng taong 2015, nais po namin kayo ay muling pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa aming pahina. Masaya kaming ibahagi sa inyo na nailuwal na namin ang pangalawa na naming libro - ‚Titser, May I Go Out?‛ at papunta na ito sa Pandayan Bookstore. Sana ay makarating na rin ito sa iba pang bookstore‌ (ehem, hello National Bookstore, sana mabasa niyo po ito).

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 31


Pasko Na Naman! Isinulat ni Silent Sakura Pasko na naman! Parang kailan lang, ang bilis talaga ng panahon. Ito at excited na naman ang mga bata sa parating na Pasko. Naalala ko pa noon kung papaano ako tumatalon sa tuwa tuwing nagpupunta kami ng pamilya ko sa mall, dahil naririnig ko na naman ang mga tugtuging pang-pasko, mga nagkikislapang Christmas Tree at syempre ang pinakapaborito ko ang naggagandahang laruan. Hindi ko rin makakalimutan kung gaano ako katuwa ng makita ko si Santa Claus sa isang mall, at lalo pang sumaya ng kinarga niya ako at binigyan ng candies. Noong bata pa ako kapag pasko ay nagsasama kaming magpipinsan sa bahay ng Lola’t Lolo ko para pumila sa harap nila tapos ay pinapasayaw kami o pinapakanta para bigyan kami ng pera at dahil ako ang pinakabunso sa lahat ng magpipinsan, medyo may pagkahiyain pa ako kaya ng pilit nila akong pinapasayaw ay bigla na lang akong pumalahaw ng iyak. Kaya ang ending binigyan na nga ako ng pera, binigyan pa ako ng maraming candies para tumigil na ako sa kakaiyak. (HAHAHA! Iyak lang pala ang katapat instant may aginaldo na ako!) Noong medyo malaki na ako ay tinutulungan ko si Mama na maglagay ng ceres light sa aming bahay at hindi syempre makakalimutan ang paglagay ng belen sa altar namin. Naalala ko rin noon kung gaano ako kapursigido na gumawa ng parol para sa isang kompetisyon sa aming paaralan kung saan ang tema ay indigenous materials at dahil sagana naman sa probinsya ang likas na yaman, gamit ang kawayan ay tinutulungan ako ni Papa para buuin ang parol at ang pinambalot ko sa aking parol ay juice wrapper yung bang sa Zesto, Fun Chum at Nestea, naging instant recycle parol yung gawa ko sayang at hindi ako nanalo pero proud na proud pa rin ako at hanggang ngayon buhay at nakasabit pa ang aking parol sa aming bahay. Pasko na naman! At alam kong tuwang-tuwa na naman ang mga bata dahil sabi nila ang pasko ay para sa mga bata, ito yung panahon kung saan bibigyan sila ng regalo galing kay Ninong at Ninang kaya yung mga Ninong at Ninang huwag kayong magtago! Ramdam na ramdam ko kung gaano kasaya ang isang bata na mabigyan sila ng regalo dahil naramdaman ko rin iyon noong bata pa ako. Ang saya lang ng panahong ito pero lahat ba talaga ay masaya pagdating ng Pasko? Pasko na naman! Pero nasaan ka ngayon? Kasama mo na naman ang mga barkada mo, habang ang pamilya mo nasa bahay at hinihintay ang pagdating mo. Pasko na naman! Pero ito at nag-iisa ka, hindi mo kasama ang pamilya mo dahil nasa ibang bansa ka at kumakayod para sa pamilya mo. Nakakalungkot pero kakayanin mo pa rin para sa kanila. Pasko na naman! Pero hindi kumpleto ang pamilya n’yo, kasi wala na ang Ama o Ina mo, maaga nilang nilisan ang mundo pero mapagayunpaman mananatili pa rin sila sa puso mo.

Pasko na naman! Pero walang handaan at walang regalo dahil walang pera ang mga magulang mo, sa kalsada ka lang tumitira at naghihintay na isang araw ay may isang Santa Claus na magbibigay ng regalo saiyo. Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 32


Pasko na naman! Pero nasa loob ka ng silda at binubuno ang ilang taon na sentensya dahil sa isang krimen na ginawa mo pero ngayon pilit ka namang nagbabago. Pasko na naman! Pero nasa loob ka ng ospital at nilalabanan ang malubhang sakit na dumapo saiyo, isa lang ang wish mo na sana balang araw ay gumaling ka na. Pasko na naman! Panahon na naman ng kaliwa’t kanang Christmas Party, nariyan ang kainan, inuman at ang palitan ng mga regalo. Ang saya ng lahat, ang sarap sa feeling kapag nakakatanggap ka ng regalo mula sa ibang tao. Ang sarap rin ng mga pagkain at ang humahagod sa lalamunan na alak, mga tugtuging mapapaindak ka sa sayaw. Sana lang huwag nating kalimutan ang tunay na kahulugan ng pasko, hindi lang naman tungkol ito sa mga kainan, sayawan, regalo, inuman pero ito rin ang panahon kung saan dapat tayong magpasalamat sa mga biyayang ating natanggap. Nagpasalamat ka na ba? O nakalimutan mo naman Siyang pasalamatan? Minsan ganyan tayong mga tao, nakakalimutan natin kung ano ba ang tunay nating pinagdiriwang, ito ang panahon kung saan isinilang ang isang napakaimportante tao, ang pagsilang ni Hesus. Ito ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan at sana ipaabot natin iyon sa iba. Kahit anuman ang pinagdaanan mo ngayon, nag-iisa ka man, malayo ka man sa pamilya mo, may sakit ka man, o nakakulong ka tandaan mo na may mga tao pa ring nagmamahal at nagpapahalaga saiyo at kahit anong unos man sa buhay ang kinakaharap mo, meron at meron pa ring pag-asa na handang maghintay saiyo. Hindi mo man iyon makita sa ibang araw sana ngayong Pasko ay makita mo at maramdaman mo ito. Katulad ng kumukutitap na liwanag mula sa Christmas Tree at masayang tugtugin ito ang magpapaalala sa atin na isinilang si Hesus na siyang tunay na kahulugan ng Pasko. Pag-asa ang hatid Niya sa ating lahat at sana ngayong Pasko ipagdiriwang natin itong masaya, hindi man magarbo ang handaan natin ang importante ay nagbigyan pa rin tayo ng pagkakataon na masalubong ang Pasko na may ngiti sa ating mga labi. Pasko na naman! At para sa akin isang simple selebrasyon lamang ang magaganap, uuwi ako ng probinsya para makasama ang aking pamilya. Simpleng salo-salo lang solve na ako doon basta ang importante kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Basta kumpleto lang kami okay na ako doon. Sana maging merry ang Pasko nating lahat! Kaya naman una na akong babati na Maligayang Pasko Kalapis!

Lapis sa Kalye Online Magasin

Pahina 33


Ang “Madugo” ay ang ika-labing tatlong buwanang edisyon ng Lapis sa Kalye Magasin, ang opisyal na Online Magazine ng Lapis sa Kalye Publishing. Ito ay inilimbag sa Issuu account ng Lapis sa Kalye.

Ang anomang puna, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan ay maaring ipadala sa ilan sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. Maari ring makipag-ugnayan sa lapissakalye@gmail.com. Maari ninyong subaybayan ang mga akdang likha ng LSK sa mga sumusunod na mga account:

Weebly: www.lapissakalye.weebly.com Facebook Page: www.facebook.com/LAPISSAKALYE Wattpad: http://www.wattpad.com/user/lapissakalye Instagram: https://instagram.com/lapissakalye/ Cover Design || Silent Sakura

Twitter: https://twitter.com/lapissakalye

Photos || Google

Issuu: http://issuu.com/lapissakalye Soundcloud: https://soundcloud.com/the-podcast-cafe

Maaari rin kayong sumali sa aming official facebook group chat: Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/LapisSaKalyePAGBABAGO/

LAPIS SA KALYE ONLINE MAGAZINE STAFF Editor - in - Chief: Cindz Dela Cruz Layout Designer: Silent Sakura LSK Writers: Dudong Daga, Luz V. Minda, Kunis Salonga, Anti’nyakis, Seksing Patatas, Wind Up Bird, Anino, Positivo Uno, Raytroniko, Buddy, Taga Batis, Karla, Tanikala, Frozen Heart, Knappy Happy

Contributors: *Tula / Poetry: Americo Tabora, Suzi Ma, Lee Ann Pradas, Reagan A. Latumbo, Jacqueline Sia, JR Fernando *Maikling Kuwento / Short Story: Reagan A. Latumbo, Froilan F. Elizaga

“Basa lang nang basa, sulat lang nang sulat.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.