Lapis sa Kalye Online Magazine issue no 9

Page 1


Sa

unang

pagkakataon,

ngayon

lamang

akong

nabigyan ng pagkakataon na maging isang Ulong Patnugot ng isang online magazine. Ngayon pa lamang, nais kong ipahatid ang aking taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Lapis sa Kalye Publishing dahil sa pagbibigay-pagkakataon nila upang maging kabahagi ako ng kanilang pamilya sa pagsusulat. Para sa buwan ng Hunyo, nais kong pasimulan ang aking tudling sa isang kaisipan na laging pinapaalala sa akin ng aking ama: "Hindi lahat ng karunungan ay makikita sa silidaklatan. Mas marami kang matutuhan sa iyong kapaligiran." Maituturing ang paaralan bilang ikalawang tahanan ng bawat isa sa atin.

Dito

natin nailinang ang ating kakayanan,

karunungan at maging ang pakikipagkapwa-tao. Pero hanggang saan nga ba ang nararating ng iyong karunungan? Masasabi ko na sa 18 taon kong pamamalagi sa lupa, ang karunungan na nakuha ko sa aking paaralan ay malugod ko nang naibabahagi sa iba –sa pamamagitan ng aking pluma’t papel, na siyang naipaparating na sa iba’t-ibang lupalop ng

Bb. Maria Kristelle Castillo Jimenez (“Binibining_K” at “Luz V. Minda”) Ulong Patnugot, Lapis sa Kalye Magasin

Pilipinas. Hindi dahil lamang ito sa aking pagiging edukado, mas higit dito ang aking pagiging dedikado. Mahalin mo ang iyong gawain sa pang-araw-araw at aaraw-arawin ka rin niyang mamahalin. Maglayag. Maglinang. Magmulat.



Panulat at Disenyo || Binibining_K Larawan || Google Images


Isa nang palasak sa pandinig ang kataga sa isang guro bilang isang ‘marangal at dakila na propesyon’. Kaya kung ikaw ay isa sa mga nagnanais na mapabilang sa hanay nila, isang malaking responsibilidad ang naka-atang sa iyong mumunting paglalakbay. Ang pag-abot sa propesyon bilang isang guro ay hindi isang gawang biro, kaibigan. Datapwat ang pagkamit sa mithiin na iyon ay maituturing na pribilehiyo na hindi dapat pakawalan. Magiging guro ka, da rating ang panahon na kung saan ang bagay na iyong pinag-aralan at pinaghirapan sa loob ng mahabang panahon ay siyang isasalin mo sa iyong magiging estudyante. Kapag narating mo na iyon, doon mo higit na mauunawaan na ikaw ang nagsisilbing pananggal-piring sa mga kabataan na minsan na ding nangarap sa kanilang ambisyon.

Kapag guro ka na, doon mo makikita ang bawat pagkakamali mo noong estudyante ka pa lamang. Kulang ang daliri sa paa’t kamay sa dami ng pagkakamali mong nagawa’t nabitawan. Nariyan ang talamak na pangongopya, ang minsanang pagliban sa klase, at kahit ang simpleng hindi pagbigay-pansin sa inyong talakayan. Makikita mo ang repleksyon mo sa iyong sarili kapag nakasalamuha mo na ang mga estudyante mo. Mapapansin mo ang mga nakakairitang gawain nila na kung tutuusin, isa lamang sa mga bagay na iyo ding ginawa. Higit sa lahat, mapagsisisihan mo ang mga bagay na sana ay naiayos mo habang may oras ka pa.

Kapag guro ka na, natututo kang itama ang sadyang mali. May mga bagay na kahit mabigat man sa iyong kalooban ay kailangan mong gawan ng paraan. Merong mga pagkakataon kang mararanasan na kung saan ‘literal’ na may gagawin kang ‘maneobra’. Sa madaling sabi, matuto kang mandaya kahit alam mo sa sarili mo na talagang hindi iyon tama. Mababang marka ang nakuha ng estudyante mo, at magiging pasanin mo ang sitwasyon na iyon. Hindi maiiwasan na madismaya ka sa sarili mo, lalo na sa mga panimulang taon mo sa pagtuturo… normal lang naman iyan. Mas nauuna ang awa kesa sa tamang gawa, ganyan talaga ang payak na tao.

Kapag guro ka na, natututo kang magpanggap. Nakakainis ang ilang estudyante, at ilan sa mga iyon ay magdadala sa iyo ng init ng ulo. Kadalasan, sa umpisa’t sapul ng iyong araw ay darating ang panahon na kung saan ikaw ay mapupuno at halos madadala ka na ng iyong emosyon. Ang isang epektibong guro ay hindi nadadarang ng negatibong disposisyon, datapwat sila ay nagmimistulang mga maskaradong nilalang na kung saan ang iyong tunay na nararamdaman ay tago… tanging sila lamang ang may alam.

Kapag guro ka na, mamahalin mo ang magturo; pati na rin ang matuto. Nanaisin mo ang magturo sa loob ng mahabang oras sa halip na magpahinga na lamang. Iindahin mo ang init ng panahon, ang ingay mula sa mga di-gaanong interesadong estudyante, pati ang mga distraksyon na ibabato nila sa iyo. Dahil dito, mas mamahalin mo ang iyong propesyon… wika nga nila’y mas mamahalin mo ang mga taong pinaglalaanan mo ng matinding oras at panahon. Hindi mo maituturing na kabagutan ang pagtuturo, hindi dahil sa mga benepisyong iyong nakukuha mula sa iyon kundi dahil ikaw mismo ang may gusto nito. At isa pa, mas nahahasa mo ang iyong sarili sa propesyong pinasok mo. Sa madaling sabi, ikaw rin mismo ang siyang natututo.

5


Kapag guro ka na, gumagawa ka ng pagbabago hindi lamang para sa iyo kundi lalong higit para sa kanila. Ikaw ang primadong tao na magbibigay sa kanila ng inspirasyon upang magbago sa mas mabuting aspeto. Dahil sa iyo, ang mga estudyante ay magkakaroon ng mga matibay na pundasyon na magagamit nila bilang gabay sa propesyong nais nilang tahakin. Marahil, matuwa sila sa angking galing mo sa Matematika kung kaya’t pinangarap nilang maging inhinyero; nakuha mo ang kanilang interes sa pagguhit kaya nagustuhan nilang maging pintor; lalong higit ang nahikayat sila na sundan ang yapak mo bilang isang guro. Sadyang nagbabago ang lahat, at nasa iyong mga kamay kung paano mo gagawing kapaki-pakinabang ang pagbabago ng mundo mo.

Kapag guro ka na, ang bawat minuto sa iyo ay maituturing na napakahalaga . Patuloy kang maghahatid ng kaalaman sa iyong estudyante upang sa ganon ay mayroon silang maibabaon na kaalaman na magagamit nila sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga, hindi mo mamamalayan kung gaano kabilis tumakbo ang panahon dahil ‘napapasarap’ ka na sa pagtuturo. Masarap sa pakiramdam na iyong nagamit ang buong minuto mo ng tama; na ang mga estudyante mo ay may kinapulutan na aral mula sa iyo.

Ilan lamang iyan sa mga bagay na mararanasan mo KAPAG GURO KA NA. Nakakatuwang malaman na ganito ang naibabato mong aral at prinsipyo mula sa kanila, hindi ba? Pero hindi ba’t lalong nakakatuwa kung ang mga prinsipyong iyan ay iyong isinasabuhay HABANG ESTUDYANTE KA PA LAMANG? Hindi pa huli para isakilos ang wastong disposisyon mo sa larangan ng pagtuturo. Hindi dahil ikaw ay hindi ka nag-aaral para maging guro ay hindi mo na isasabuhay ang gawain mo bilang estudyante. Tandaan, ang pagiging isang guro ay hindi lamang isang propesyon, ito ay maituturing na pagkilos mo bilang isang tao na magturo at magpakatuto. Tandaan, mas mabuti pa ang magpakatino HABANG ESTUDYANTE KA PA LAMANG, at hindi KAPAG GURO KA NA.

6



Malulumanay na awitin ang syang narinig, Mga lirikong tagos sa puso't nakakakilig. Dilaw, pula't puting ilaw sa gitna'y nanaig, Isabay pa ang likhang ingay ng mga kuliglig.

Ang buhay ay pag-ibig, ang pag-ibig ay buhay. Kasing rikit ng langit tuwing bukang-liwayway, Kasing puti ng sampaguita kapag dalisay, Kasing tamis yaong asukal kung sadyang tunay. Sumisibol sa puso ng sinumang nilalang, Sapagkat sapul pa lamang noong pagkasilang, Ipinadama na sa'tin ng ating mga magulang, Kanilang mga pakahulugang hindi mabilang. Habang unti-unting yumayabong yaring musmos, Pangaral at gabay nyaring kanyang Ina'y lubos. Sa pag-ibig ay wag munang magpadalus-dalos, Subalit ito'y hindi nya gaanong natalos.

Sa kanyang relos ay alas onse na nang gabi, 'Sang oras na lang ang palugit na nalalabi. Pagbaling sa kaliwa'y may binatang katabi, "Maaari ba kitang maisayaw?" kanyang sabi. Hindi maipaliwanag ang kabang nadama, Tatanggihan kaya niya o s'ya ba'y sasama? Pumikit at sa isip ay bumilang ng lima, Sya'y bahagyang tumango sa binatang maporma Siya ay tumayo't iniabot kanyang kamay, Mga kamay ng binata'y sa bewang nya lumagay, Sa saliw ng awiting "Pag-ibig" nagkakulay, Ang malamlam na gabi't unang sayaw na alay.

Panaho'y napakatuling umusad talaga, Dekada'y lumipas at musmos ay nagdalaga. Naitaguyod ng Ina sa pagtitiyaga, Kahit Ama'y lumisa'y nabusog sa aruga. Masisilayan ang mga pagbabago sa dilag, Kanyang mala-adang rikit ay nakakabihag, Datapwat sa kanya'y balana ang lumiliyag, Puso'y nakalaan daw sa isa't parang bulag. At sya nga'y napagtuunang pansin ng binata, Kanilang landas ay pinagtagpo sa Luneta, Parang prinsipe raw ang kanyang nakita, Damdami'y lumundag sa sayang animo'y bata. Kanilang mata'y nagtama nang di sinasadya, Mga ngiti sa bawat labi nila'y nagbabadya, Mauuliniga'y huni ng iilang maya, Hindi madalumat ang nag-ugat na ligaya. At sila'y muling nagkita sa isang bulwagan, Kanya-kanyang gayak itong mga kababaihan, Baka sakaling isa sa mga kalalakihan, Ang maaaring makapareha sa sayawan. Musika ay nagsimula nang tumugtog agad, Makukulay na pangdiskong ilaw ay tumambad. Bailehan lang kaibigan, wala namang bayad. Tugtuging humahataw maya-maya'y kumupad.

Panulat || Coleen Magtibay Disenyo|| Binibining_K Larawan || Google Images

8


Oras di alintana, alas dose na pala. Buwan ay malawak na liwanag yaring dala, Sa ilalim ng sanlaksang bituin at tala, Mga anino sa paligid, isa -isang nawala.

'Sang matamis na halik at mahigpit na yapos, Sa mga bisig ng binata'y nais magpagapos, Bakit nga ba panahong nakasama'y kinapos, Parehong nangakong di pa dito matatapos.

Maya-maya dalaga'y nag-aya nang umuwi, Bago pa ang madilim na mga ulap mahawi. Inihatid sya ng binata nang makabawi, Naglakad na't sa tagong eskinita nagawi.

Pag-ibig ng binatang sundalo ay magiting, Pagsusulatan nilang lagi ay pinaigting, Kabuwanan ng pagluluwal ay paparating, Makasama yaring tanging irog kanyang hiling.

Ilang oras ba ng pagkakakilala'y sapat? Kamay magkahawak, nadama ba'y nararapat? Puso ba kaya ng kasamang binata'y tapat? At kanilang mga labi'y bigla na lang naglapat. Saglit na pagdadaop ng mga labi'y tumagal, Bumilis ang tibok ng mga puso't nagpapagal. Kahit natanto ng mga isipang ito'y bawal, Mapusok na pag-ibig ay di na maiduwal. Bawat pag-ibo'y parang batang sabik na sabik, Kanilang damdami'y nag-aalsa nang tahimik. Kakaibang init ang syang dulot ng mga halik, Nang madama ang langit, katinua'y bumalik.

Ilang linggo nang di nakakatanggap ng sulat, Natakot sa narinig ng balitang kumalat, May ingkwentro't may mga nakitil ayon sa ulat, Puso nya'y nagpuyos sa kaba't animo'y malat. Ito na rin ang panahon ng kanyang pagluluwal, Pag-iri'y mahirap, ngalan ng binata'y usal. Saglit lang nasilayan bunga ng pagmamahal, Bago mawala'ng ulirat, taimtim ang dasal. Irog ay dumating, kanyang dasal ay dininig, Subalit huli na't nilisan yaring daigdig, Anong rupok ng naipundar nilang pag-ibig, Kailangang labanan buhay na may ligalig.

Napatunghay sa kalangitan at natanaw, Sa eskinita'y naglagos ang sinag ng araw. Umaga na pala't kapwa sila ay nasilaw, Kaninang malalim na emosyon ay bumabaw.

O tadhana nilang dalawa'y sadyang kaylupit, Sa Panginoo'y patuloy ang tanong kung bakit, Kuko ng kamataya'y sa mahal niya dumalit, Binuo nilang banig ng pangarap, napunit!

Ginawa'y dahil sa marubdob daw na pagsuyo, Nadiligan kanilang pusong tulog at tuyo. Namulaklak, gumarbo parang Flores de Mayo, Nangakong magiging tapat kahit magkalayo.

Matamlay nyang Ilang baldeng Suyuan Kinuyom sa

Binata'y naipakilala sa kanyang Ina, Mala-nobelang sermon ay di nya alintana, Ano pa nga bang magagawa kundi wala na, Nang unang pag-ibig dumantay at nanagana. At dumatal nga ang araw kung kailan lilisan, Ang kanyang irog ay tutungo na sa silangan, Pagkat doo'y mamamalagi ng ilang buwan, Puso'y namanglaw, nakadama ng kahinaan.

iginala ang kanyang paningin, luha pa ba kanyang gugugulin? ng piling ibig nais apuhapin, pusong pagal noo'y tagubilin.

Ang buhay pag-ibig nila'y pag-ibig ang buhay, Nahihimbing nilang mga puso ay nagkamalay, Malamlam nilang mga larawan ay nagkakulay, Pinangarap nilang sana'y panghabambuhay. Ako nga po pala ang siyang bunga ng kwento, Saling gunita ng aking Ama ang mga ito, Wagas na pagliyag sa'king Ina'y di nahinto, Isang marikit na ala-alang parang ginto.

9


Tila nagtagumpay ang iyong pag-alis, Ngunit kasama ay hindi kinilatis, Ika'y nagtiwala naman ng kay bilis At ngayo'y nahulog sa bisyo ng labis. Ang alak at sugal iyong sinubukan At itong droga hindi nakaligtaan, Sayo'y tinuro ng bagong kaibigan At sila nama'y hindi mo matanggihan. Dugo na nabuo sa sinapupunan, Ika'y iningatan hanggang maging laman, Layuning ibigay itong kasiyahan Sa magkasintahan na nagmamahalan. Sa mundong ito ay iyong nasilayan Yaong mukha ng iyong mga magulang, Masasalamin tunay na kasiyahan, Dulot sa kanila ng iyong pagsilang. Sa bawat iyak na iyong malilikha, Iyong ina'y hindi magkandaugaga, Hindi malaman dahilan ng pagluha Kaya't nakabantay upang m ag-aruga. Puyat at pagod ang kanilang puhunan, Pag-ibig nila'y sa iyo inilaan, Iniisip lagi iyong kapakanan Kaya kahit gabi ika'y binantayan. Sa bawat araw na dumadaan, Iyong paglaki ay sinusubaybayan, Bugbog sa pangaral na dapat tandaan At disiplina pinunla sa isipan. Sa pagpasok Tila ngayon Mas sinunod At magulang

mo sa iyong bagong mundo ikaw naman ay nagbago, mo payo ng ibang tao mo wari'y binibigo.

Ngayo'y nanariwa sa iyong isipan, Araw na nilisan ang inyong taha nan, Mga mata mo'y nabasa ng tuluyan Kaya napagtanto mga kasalanan. Nagdesisyon ka na umuwi na lamang Dahil sa sabik sa yakap ng magulang, Pagkakita palang sa inyong tahanan, Iyong mga luha'y dumaloy nang tuluyan. Pagpasok mo palang iyo nang natikman Ang yakap na iyong pinananabikan, Salitang patawad ang iyong tinuran At napaluhod sa kanilang harapan. Ang iyong ina ikaw ay hinalikan At iyong ama habag ang naramdaman, "Ayos lang iyan" ang kanilang tinuran, "Narito kami ikaw ay gagabayan." Kinalimutan mo iyong nakaraan, Binaon sa limot katampalasanan At itinuwid mga kasalanan, Iyong pangarap ngayo'y pinagtuunan.

Panulat || Reniel Gallardo Disenyo|| Binibining_K Larawan || Google Images

Ikaw ay pantas sa sariling isipan, Payo ng magulang hindi pinakinggan At sila ngayon ay handa mong labanan Alang-alang sa bagong kaibigan. Tanging pagtangis nagawa ng 'yong ina At nasaktan ka ngayon ng iyong ama, Kaya desisyon mo nama'y lalayas na At sa kaibigan ikaw ay sasama.

10


Tunay na nagbalik mabuti mong asal, Dahil din sa mga mabuting pangaral, Ikaw ay natapos na ng pag -aaral At magulang mo ikaw ay kinarangal. Ang iyong pag-ibig ngayo'y natagpuan, Puso't panahon sa kanya inilaan, Siya lang naman ang iyong pinakasalan At bubuo ng iyong bagong tahanan. Nang isinilang na ang iyong panganay, Luha sa mukha mo ngayon ay namaybay Mga kamay mo sa kanya ay nag -aantay Upang ibigay yakap ng isang tatay. At ngayon ay iyo na ding nadarama Ang pakiramdam ng iyong ama't ina, Pagkat ikaw ngayo'y isang magulang na Laking pasalamat sa paggabay nila. Ika'y nangako na pangangalagaan At buong buhay sa anak ilalaan, Mabuting asal siya'y tuturuan Na sa ‘yong magulang mo din natutunan.

11


Paggising sa umaga ikaw agad ang nakikita Higpit ng yakap mo magmumulat sa aking mata Wala pang sipilyo'y hinahalikan mo na At ibubulong mong minamahal mo akong sobra

Labis ang tuwa sa iyong mga mukha Dahil sa galak mata mo'y lumuluha Nasambit mong wala ka nang maihihiling pa Makatuwang lang ako'y iyo nang ikaliligaya

Ipinaghahanda mo ng masarap na almusal May kape, keso at tustadong pandesal Bago kumain sabay tayong magdarasal Magpapasalamat sa Poong Maykapal

Dumating ang Nang sabihin mo sa Labis-labis ang Madaragdagan na

Aking naaalala ang mga gabi Sa dilim maglalapat ating mga labi Bago mahimbing maghaharutan pa ng kaunti Hanggang sa makatulog tayong magkatabi

Siyam na buwan mong dinala sa iyong sinapupunan Ang bunga ng ating wagas na pagmamahalan Sa araw na ating kinasasabikan Hatid niya ay walang katumbas na kaligayahan

Ang ating pagiisang-dibdib ay 'di ko malilimutan Isa sa mga araw na aking pinahahalagahan Nangako sa isa't-isa at ito'y paninindigan Na magmamahalan tayo magpa sa walang hanggan Hindi mawala sa isip ko, una natin g anibersaryo Ang unang beses na nagkatampuhan tayo Buong akala mo kasi ay nakalimutan ko Ang 'di mo alam may sorpresa ako para sa 'yo

araw na ating pinakahihintay akin na ako'y magiging tatay tuwa p'wede na akong mamatay ang makakatuwang ko sa buhay

Buong pamilya lahat sa kanya ang tuon Pinapaliguan ni Inay ng mababangong mga sabon Binibihisan ni Itay ng damit na pang poon Kinagigiliwang talaga ang anak nating si Aron Sa kanyang kaarawan may kaunting salo -salo Pamilya't mga kaibigan ay nagsipag -dalo Ang wagas na kaligayahan ay bakas sa mukha mo Nang magsayaw na ang anak nating mabibo

Panulat || Marc Arayan Disenyo|| Binibining_K Larawan || Google Images

12


Ang mga taon na iyon ay tunay na maligaya Ang puso ko'y pinupunuan niyo ng sigla Ngunit isang unos pala ang sati'y nagbabadya Isang unos na wawakas sa kaligayahang ating tinatamasa Isang hindi inaasahang pangyayari Malubhang sakit ang sa 'yo ay gumapi Sa Diyos Ama ako'y dumudulog palagi Dumadalangin na sana'y sakit mo'y iwaksi Ngunit tadhana'y sadyang kaylupit sa akin Kahit anong dalangin ay kinuha ka parin Sa kadalamhatiang sa aki'y umalipin Hindi na napigilan pa bugso ng damdamin Katas ng kalungkutan sa mata ko'y dumaloy Napuwing sa unos na sa aki'y isinaboy Kahit na ganoo'y aking ipagpapatuloy Malamig man o maiinit hanging sumisimoy Pangakong pagsasama sa pang habang buhay Isa na lamang bang pangarap na malulumbay? Saan ka man naroroon ikaw sana'y gumabay Sa aming mag-amang nilisan mong tunay Sa iyong pagkawala nalugmok man ako May isang tao pang pakamamahalin ko Isang tao na wala pang muwang sa mundo Iniwan mo sa aking magpapa-alala sa iyo

Sa kanyang paglaki pangakong 'di ka malilimutan Sa mga larawan mong kupas kanya kang masisilayan Busilak mong kalooban kanyang matututuhan Iyong sakripisyo'y kanya ring malalaman Ilang taon din ang lumipas matapos ang unos Kadalamhatian sa puso ko'y 'di pa naaalis ng lubos Nananabik parin sa iyong halik, yakap at haplos Pagmamahal sa iyo'y wagas parin at umaagos Hawak ang isang larawang nangungupas Nananariwa ang ating mga nakalipas Pagmamahal na 'di magwawakas Sa puso't damdamin ko'y tunay at likas Sa isang kupas na larawan na lamang natatanglaw Mga kislap ng iyong ngiting nakasisilaw Sa gabing kaylungkot at kaypanglaw Nagsusumamong puso'y umaalingawngaw Mga larawang kupas iniwan mong alaala Higit pa rito ang aking nadarama Mga nakalipas nating sa litrato itinala Pakahahalagahan at iingatang nawa Sa paggunita sa araw ng iyong pagkawala Kasama ang anak mo na pilit umaalala Mga magulang na patuloy sa pagluha Isa lamang ang nasambit nitong yaring diwa: Ano't-ano pa man daranasing unos Wasakin ka man at mag-iwan ng mga galos May mga tao parin ang sayo'y hahaplos At sasabihing minamahal ka naming lubos

13


Panulat || Eveask Evangelista Disenyo || Binibining_K

Kabataan, ako’y nagalak ng tayo’y nagtagpo Kahit na sa kalagitnaan na ito ng Agosto. Sa unang araw pa lamang ng rehistro, Ang suporta n’yo ay todo-todo. Maging sa ikalawang araw, kayo ay aktibo. Tumulong sa bawat nangangailangang miyembro. Tumugon sa bawat tanong na ibinato sa inyo. Sadyang maasikaso ang inyong grupo. Sa ikatlong araw, mas lalo ko kayong hinangaaan. Pagsasalita sa wikang filipino ,inyong pinatupad sa paaralan. Hindi inalintana ang maaring mangyari, Maisabuhay lamang ang wikang itinatangi. Sa pagsapit ng ika-apat at ika-limang araw, Masidhing pagmamahal ang aking natanaw. Sa tula, nobela at paskil na inyong ginawa, Naipakita ninyo ang inyong pagdakila sa sariling wika. Sa ika-anim na araw, inanunsiyo n’yo ang mga nagwagi. Ang iba ay tumangis, ang iba ay ngumiti. Napakasakit nito sa mga taong nabigo Ngunit wala ng sasakit pa sa ginawa ninyong pagbabalik-anyo. Sa ika-pitong araw, bumalik na kayo sa dati Tila ba walang man lang nangyari. Paksang pangungusap o paggamit ng tamang bantas man, O maging ang simpleng pagsalita ng sariling wika ay inyong kinalimutan. Kabataan, bakit tuwing Linggo ng wika lamang kayo nagiging Filipino? Napakasakit dahil napakagaling n’yong magbalat -kayo. Kung gaano n’yo kabilis ang wika ay itinangi, Ganoon n’yo rin kabilis iniwaksi.

14


T: "Paano po ba nagsimula ang Km64?" S: "Nag-umpisa ang KM64 bilang isang mailing list 12 years ago. Nung una, isa lang siyang school based organization na binuo ko. Pangconsolidate yung simula ng grupo, ito yung paraan ko para kulumpunin yung mga kasama kong nagkaproblema at hindi tinanggap nung enrollment sa dati naming eskwelahan sa Maynila. Kaya gumawa ako ng mailing list para magkaroon kami ng patuloy na komunikasyon at interaksyon kahit nagkahiwa-hiwalay na kami (marami ay lumipat ng ibang eskwelahan at ang iba ay tumigil na sa pag-aaral) at dun nga kami nagsimula, sa simpleng mailing list na parang bulletin board na pwedeng magshare ng maaring pag-usapan at magkumustahan. At sa daloy ng panahon ay naisip naming mas maganda siguro kung magkaroon kami ng common interes na pwede naming pagkaisahan at yun nga, yung magappreciate ng mga tula. Nung umpisa nagpapalitan lang kami ng mga paborito naming tula nila Pete Lacaba, Maningning Miclat at iba pang paborito naming manunulat na makata. At dahil sa pagkahilig namin sa pagbabasa ng mga likha ng ibang makata at manunulat ay natuto na rin kaming gumawa ng mga orihinal na tula at dun na nga kami nagsimula. Nagkaroon kami ng pagkakataon ng magtipon-tipon para magpalitan ng mga tula, gumawa ng mga renga at magkaroon ng poetry reading na ginaganap namin sa pader ng Intramuros hanggang sa napunta at tumambay kami sa mga coffee shop at mga bar. Ganun, dun nag-umpisa ang regular poetry night ng KM64.

T: "Bakit tula ang napili at ginamit ninyong sandata?" S: "Simple lang kasi ang disiplina ng tula hindi katulad ng awit na kailangan mong matutong gumawa ng melody or music. Sa simpleng pagko-compose ng salita at ng mga imahen ay makakagawa na tayo ng akda. Tinuturing din naming napakahalaga ng papel ng tula at sining para magmulat o mag-educate ng mga tao.Kaya sa pamamagitan ng tula at ng aming mga pagtatanghal ay naipapahayag namin ang suporta at pagtutol namin sa isang issue o partikular na usapin."

Panulat || Dudong Daga Disenyo || Binibining_K

15


T: "Naintriga ako sa pangalan niyo. Bakit Km64? Nasabi niyo nga kanina ay Kilometer 64? Bakit yun ang naisip niyong pangalan?"

T: "Sino-sino ang mga nagmulat sa inyo o tinatawag ninyong bayaning manunulat o sabihin na nating, sino ang mga idolo ninyo?"

S: "Ah.... Una sa lahat ay yung pangalang Km64 ay isang simpleng tribute sa isang organisasyon ng mga kabataan na itinatag nuong 1964 ito yung "Mga Kabataang Makabayan". Pag dinaglat mo ang kilometer- KM, tapos 1964. Bihira na siyang mabanggit sa history kasi kadalasan iniuugnay siya sa mga underground movement ng mga kabataan pero ang hindi nababanggit, napakahalaga ng naging papel na ginampanan ng Kabataang Makabayan sa paglaban sa diktaduryang Marcos. Wala pang naglalakas loob na mga tao o politiko na labanan yung pandarahas ni Ferdinand Marcos nandoon na ang Kabataang Makabayan na isa sa nagungunang tumutuligsa sa mga paglabag sa karapatang pantao na ginagawa ni Marcos. Ganundin, sabi nga natin, sa Pilipinas kadalasan ipinapangalan natin ang mga anak natin sa mga paborito nating artista o kadalasan sa mga paborito nating banda, so ganun din ako, ganun din kasimple kung gaano ko tinitingala yung Kabataang Makabayan. Dagdag pa, nag-aral din kasi ako ng Architecture at bahagi ng isang quiz ay itinanong kung "Ano ang sentro ng Pilipinas? Ang sagot dun ay Km0 na matatagpuan sa Luneta, na ibig sabihin ay si Jose Rizal o ang rebulto niya sa Luneta. Naintriga ako, ano ba itong Km0? Paan o ba isinusukat yung layo ng isang lugar sa Pilipinas? Sabay nakita ko yung mga dilaw na poste sa kalsada na may nakalagay na km1, km2 at km3 na ibig sabihin ay bilang ng kilometrong layo sa Km0. Ganun pala, nalaman ko kung paano sinusukat ang layo ng isan g lugar o partikular na kilometro sa Pilipinas. Gaano kaya kalayo ang km64? Naisip ko na napakalayong paglalakbay siguro para marating ang km64, at maraming kwentong madadaanan at mga issue na makakasalubong sa daan na makabuluhang ikwento sa pamamagitan ng tula.�

S: "Minsan din kaming tinawag na mga anak ni Gelacio Guillermo. At mapalad kami na nabigyan kami ng pagkakataon na personal siyang makilala. Si Gelacio Guillermo ay isang bantog at premyadong manunulat na makata na nagmulat sa aming gamitin ang sining hindi lang sa mga simpleng bagay at pag-express ng sarili. Palagi niya kaming tinatanong "Para kanino kayo nagsusulat?" Ito ang tanong na lagi naming iniisip pag gumagawa kami ng tula. Para kanino ba ang aming mga tula? Masasabi naming si Gelacio Guillermo ang isa sa mga tinitingala naming manunulat na palaging nagpapaalala sa aming gamitin ang tula sa pagmumulat at pageeducate sa mas malawak na bilang ng mamamayan. At siyempre nandiyan din sila Pete Lacaba, Emmanuel Lacaba at iba pang manunulat at makata tulad nila Ericson Acosta, Kerima Tariman, Richard Gappi, Axel Pinpin at iba pang mahuhusay at nakikisangkot na makata." * * * T: "Sinabi niyo kanina na 12 years na ang Km64, tama po ba? Sa nakikita niyong daan, ano pa ba ang mga gusto niyong marating ng grupo? Ano pa ba ang mga layunin inihahanda o programa para sa mga kabataan?" S: "Ganun pa rin naman, kung ano yung ginagawa namin ngayon gusto naming pagbutihin pa at palawakin pa ang mas naabot namin. Ito nga at nagpapasalamat kami sa social media. Napapabilis ang pagpapakalat ng mga tula, isang click lang at mababasa na kahit sa malalayong bansa o sa mga malayong parte o probinsiya sa Pilipinas. Pwede rin silang mag-contribute. Mas gusto naming mapalawak pa ang naabot ng aming mga tula at makapagsilbi siya sa mga interes ng mamamayan. Ito naman talaga yung gustong -gusto naming gawin yung magamit ang tula para magmulat at makatulong sa pamamagitan ng mga tula at sa pagsuporta sa mga issue halimbawa na lang ay yung issue ni Mary Jane Veloso. Bagamat sabihin nating maliit na bahagi lang o maliit na ambag lamang yung mga tula pero sa nakita natin at sa daming nag-ambag ng tula ay marami tayong naimulat na kailangan talagang suportahan ang kampanya kay MJV."

16


T: "Proud ka bang maging Pinoy?" S: "Siyempre naman proud talaga tayo kaya ganito yung mga ginagawa natin at patuloy tayong nagmumulat ng mga kapwa nating pilipino dahil gusto natin mapaunlad ang bansa. Para pantay pantay nating maranasan ang biyaya at opportunities na dapat tinatamasa ng mga pilipino kasi deserve naman nating lahat at hindi naman pwe-pwedeng iilan lang na pamilya o iilang grupo lamang yung nagtatamasa ng kanilang yaman o karangyaan sa Pilipinas. Kaya ito yung paraan namin ng pagpapakita na mahal namin ang bansang ito at proud kami at gusto namin magkaroon ng pagbabago sa bansa natin at gusto naming maging bahagi sa pamamagitan ng sining na aming nalalaman." * * * T: "Anong masasabi niyo sa mga kabataang manunulat?" S: "Palagi nating sinasabi pag may nakakasalubong tayong bagong manunulat na gamitin natin ang ating sining sa mas makabuluhang bagay. Gamitin natin para magmulat at wag tayong mahihiya dahil sa panahon ngayon ay kailangan natin yung mga tulang at mga akdang nakikisangkot. Huwag na tayong mag-ambag pa sa ikahihimbing ng tulog ng mga kababayan natin." * * * T: "Huling tanong Sir, Bonifacio o Rizal?" S: "Bonifacio, Siyempre."

Maaring antabayanan ang KM64 kanilang opisyal na Facebook Page: https://www.facebook.com/KM64.Web

sa

17


Panulat || Dudong Daga Disenyo || Binibining_K

Bilang pagtatampok ng Lapis sa Kalye sa mga natatanging alagad ng sining, inihahatid namin sa inyo ang interbyu na isinagawa ni Dudong Daga kay Andoy, ang komikero ng “Andoy Komiks�.

T: Kailan ka unang nagsimulang gumuhit at gumawa ng

T: Sa makabagong panahon natin ngayon, paano mo

komiks?

masasabi na umunlad na ang pagkokomiks sa ating bansa?

S: Pinakamaagang naaalala ko ay noong kinder pa ako.

S: Sa ngayon, hindi pa nito naaabot ang "Golden Age of

Noong ikalimang baitang naman ako unang sumubok lumikha ng komiks.

Philippine Comics" dati pero malaki na ang inilaki at inilawak nito kumpara noong panahon pagkatapos mawala ang mga malalaking tagapaglimbag ng komiks.

T: Kalapis, naalala mo pa ba ang unang komiks na ginawa mo?

S: "The Adventures of Elmo" ang pamagat ng unang komiks na ginawa ko. Tungkol ito sa isang stick figure at isang bampira na hindi naman nakita sa kwento. Sa kwaderno ko lang ito ginawa.

T: Andoy, maari ba naming malaman kung sino o sinosino ang mga taong tumulak sayong pumasok sa mundo ng komiks?

S: Wala. Ako lang. At mga nabasang Shogun Komiks.

T: Anong masasabi mo sa comics industry sa Pilipinas? S: Napakaraming komiks at dumarami na rin ang

T: Andoy, maari ba naming malaman kung sino o sino-

naglilimbag ng komiks. Masaya ang ganitong estado kung ako ang tatanungin. Konting push pa at tiyaga para puwede nang pambuhay ng pamilya ang komiks tulad noon.

S: Wala. Ako lang. At mga nabasang Shogun Komiks.

sino ang mga taong tumulak sayong pumasok sa mundo ng komiks?

18


T: Sino-sino ang iyong mga idolo? S: Masyadong marami. Siguro ang Top 5 sa mga iniidolo ko ay sina: Francisco Coching, Alfredo Alcala, Arnold Arre, Pol Medina, at Manix Abrera.

T: Ano-ano na ang mga achievements na iyong nakukuha sa larangan ng pagkokomiks?

S: Wala. Haha. Tagumpay na sa akin na naka-collaborate ko ang isang magaling na doktor at manunulat at nagustuhan ng isa pang hinahangaan kong manunulat ang mga komiks ko. Siyempre ganoon din kapag nasisiyahan ang mambabasa ng mga gawa ko.

T: Sa mga nagnanais na pumasok sa mundo ng pagkokomiks, anong payo ang ibibigay mo?

S: Huwag na pasukin ang pagkokomiks. Napakahirap, e. Biro lamang.

T: Saan nila maaring makuha ang mga gawa mo? S: Puwede nilang mabasa online ang mga gawa ko. Pero mas maganda kung bibili sila ng mga komiks ko sa Filbar's sa Megamall, Comic Odyssey sa Robinson's, at tuwing Komikon bilang pagpapakita ng suporta. Tapos ikalat nila sa social media. Nag-promote pa ako, 'no? Hahaha.

Maaring subaybayan ang paglalakbay ni Andoy sa mga sumusunod na social media sites: -Facebook, Twitter, Instagram, WordPress, Tumblr (@andoyman) - Facebook Page: “Ang Sumpa�

19


Panulat || Silent Sakura Larawan || Deviantart Disenyo || Binibining_K

M araming sitwasyon dito sa mundo ang dapat isaalang-alang mga bagay o sitwasyon na minsan hindi na natin nabibigyan ng pansin at mapapansin na lamang natin sa oras na dumating na ito sa ating buhay. Gusto kong tukuyin sa artikulong ito ang mga bagay na minsan ay hindi na sumasagi sa isip natin. Sa panahon ngayon marami ng aksidente ang nangyayari sa ating paligid, saan man tayo magpunta may piligro sa ating buhay o sa buhay ng iba. Paano kung dumating na yung hindi mo inaasahang mangyari? Mga sakuna na hindi mo inaakala na bigla na lamang susulpot? Katulad na lamang ng lindol, tsunami, sunog, pagkalunod, banggaan, barilan at kung ano-ano pa at ikaw na isang ordinaryong tao ay nasaksihan kung paano itinumba ang mga tao sa iyong harapan? Handa ka ba? Handa ka bang tumulong? Sapat ba ang iyong kaalaman para tumulong? Sa aking karanasan bilang isang ordinaryong tao ay minsan na rin akong humarap kay kamatayan mabuti na lamang at may mga anghel dito sa lupa na handang magligtas ng buhay at handa silang ibuwis ang kanilang buhay para sa iba. Nasabi ko sa aking sarili na hindi pa pala akong handa at kung sakaling dumating man sa puntong naroon ako sa lugar kung saan may sakuna baka mag-panic lang ako.

Nitong nakaraang araw ay may nakilala akong mga tao, mga tunay na palaban pagdating sa sakuna, kung tawagin sila ay isang rescuer o mga tagasagip sa oras ng sakuna. Humanga ako kung paano sila sumabak sa sitwasyong karamihan sa ibang tao ay aatras. Iba-iba man ang kanila estado sa buhay o agwat ng edad pero isa lang ang kanilang layunin ang siguraduhing mailigtas ang buhay ng tao. Sila yung mga taong handang suungin ang kahit na anong piligro mailigtas lang ang isang tao. Nakaka-inspire di ba? Pero hindi pala madali ang kanilang pinagdaanan kailangan nilang mag-training para sa panahon ng sakuna handa sila. Disiplina sa sarili ang numero unong sangkap para maging rescuer. Isa sa mga rescuer na nakilala ko ay isang vegetarian sa loob ng 15 taon. Sa totoo lang namangha ako sa kanya sa hindi niya pagkain ng karne, grabe ang disiplinang pinapakita niya, talagang tunay. Sa telebisyon parang ang dali lang, hindi ba? Aakyat ng bukid, building, sa kahoy, tatawid ng lubid, lalanguyin ang rumaragasang tubig –sa telebisyon madalas nating makita, simple lang tignan pero ang hirap gawin, mahirap maging rescuer sabi nga ng isang rescuer na nakilala ko, “Dadaan ka talaga sa butas ng karayom.� Nariyang ang almusal ay alas tres na ng hapon,

20


nariyang pupunta ka ng bukid at kutsilyo lang ang dala mo kailangan mong mabuhay doon gamit lamang ang kutsilyo. Dumaan sa iba’t ibang training ang mga rescuer upang masiguradong sapat ang kanilang kaalaman at kakayahin upang sumagip ng tao. Sa ilang araw na kasama ko sila ang sarap sa pakiramdam na ligtas ka. Sa pananatili ko sa kanila ay marami akong natutunang mga bagay, mga bagay na akala ko noon tama dahil yon ang nakasanayan pero ito’y mali pala. Minsan napapanganga na lamang ako, napapa-AH GANUN PALA na lamang ako. Dumaan din pala sila sa hirap bago maging rescuer lalo na ang malayo sa kanilang pamilya. Sabi nila tayong lahat ay puwedeng maging rescuer kung sapat lang ang ating kaalaman para tumulong dahil minsan sa ating pagtulong napapasama pa lalo ang kondisyon ng taong ating tinutulungan kaya kailan wasto ang bawat galaw natin bago tayo tumulong dahil kung hindi mapapahamak lang lalo yung taong ating tinutulungan. Sabi ng isa sa mga rescuer bago ka tumulong siguraduhin mo munang safe ka at dapat kalmado ka lang hindi ka dapat magpanic. Mga ordinaryong tao din pala sila kagaya natin at minsan nakakalungkot dahil sa pagtulong nila minsan sila pa ang napapasama, kagaya ng isang volunteer rescuer na nawalan daw ng trabaho dahil tumulong mag-rescue ng mga tao sa ibang lugar. Hindi madali maging

rescuer, kailangan talagang mag-take ng risk pero kahit na anong bunga ng kanilang ginawa kahit mawalan pa sila ng trabaho walang bahid ng pagsisisi dahil sa puso nila, bukal sa kanila ang pagtulong. Adventurous nga ang kanilang propisyon pero yung isang paa naman nila nakatungtong sa isang bangin at anumang oras baka mamatay sila. Nakakamangha na meron pang mga taong katulad nila na hindi sumusuko sa pagtulong sa ibang tao. Isa silang bayani at dapat lang tayong magpasalamat dahil may mga taong katulad nila na dedicated sa kanilang propesyon. Sana ay hindi natin makalimutan ang kanilang kontribusyon dito sa ating lipunan, hindi man sila madalas makita sa telebisyon, hindi man sila madalas marinig sa radyo pero nariyan lang sila sa tabi-tabi mga simpleng tao na handang sumagip sa oras ng pangangailangan. Salamat sa mga taong tulad nila dahil sa kanila may mga taong hanggang ngayon ay buhay pa. Iniaalay ko sa kanila ang artikulong ito. Mabuhay kayo, mga rescuer! Sana dumami pa ang tulad niyong may mabuting hangarin sa ibang tao!

21


Ang “Eskwela� ay ang ika-walong buwanang edisyon ng Lapis sa Kalye M agasin, ang opisyal na Online M agazine ng Lapis sa Kalye Publishing. Ito ay inilimbag sa Issuu account ng Lapis sa Kalye. Ang anomang puna, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan ay maaring ipadala sa ilan sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. M aari ring makipag-ugnayan sa lapissakalye@yahoo.com. M aari ninyong subaybayan ang mga akdang likha ng LSK sa mga sumusunod na mga account: Weebly: www.lapissakalye.weebly.com Facebook Page: www.facebook.com/LAPISSAKALYE Wattpad: http://www.wattpad.com/user/lapissakalye Instagram: https://instagram.com/lapissakalye/ Twitter: https://twitter.com/lapissakalye Issuu: http://issuu.com/lapissakalye Larawan || Cindz Dela Cruz Dibuho || Binibining_K


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.