Lapis sa Kalye Online Magazine Issue no. 10

Page 1


Sa ikalawang kong pagkakataon na maging ulong patnugot ng Lapis sa Kalye Online Magazine, lubos akong nagpapasalamat sa pamunuan ng LSKph Publishing dahil binigyan na nila ako ng permanent position dito. Wala na ito sa inaasahan ko, sa totoo lamang. Pero, salamat at salamat pa rin dito. Uumpisahan ko ang aking pagkaing pangkaisipan sa isang kaisipan na aking nabuo habang nakatanaw ako sa aking almusal. Sabi nila, ang pinakamahalagang pagkain sa pang-araw-araw ay ang almusal. Ang almusal na maituturing nating mga Pinoy bilang pambansang kain natin. Hindi kumpleto ang ating araw kung walang laman ang ating sikmura ng kahit kaunti. Kahit sa kaunting higop ng mainit-init na kape, kagat ng pandesal; na siyang gagamitin nating lakas upang makapagpatuloy sa pang-araw-araw na buhay. Kung sabagay, masarap nga namang kumain ng almusal na binubuo ng isang tasang mapait na nakaraan, isang takal ng sama ng loob, at isang basong luha. Heto talaga ang tipikal na amusal nating mga Pinoy, ang pinaghalong tamispait ng buhay. Walang pinipiling estado sa buhay ang problema. Kumbaga, wala ni isa sa atin ang makakaligtas sa nasabing “patikim” ng ating almusal. Hanggang kalian nga ba matatapos ang lasap ng masaklap-saklap na almusal na ito? Sa tingin ko naman dito, normal lamang sa tao ang magkaroon ng ganitong disposisyon sa buhay. ‘Yun nga lamang, kung mananatili ka sa pag-inom ng kape at hindi mo pinapansin ang tamis na dulot ng asukal, ikaw na rin mismo ang nagtarak sa iyo sa mapait na sitwasyon. Ang emosyon ay isang mapaglarong disposisyon ng tao. Ika nga, “it is all in the mind.” Kung uumpisahan mo ng lungkot, kaba at takot ang araw mo, mamamahayan ka talaga ng takot. Sa pagbabasa mo sana ng aming mumunting magasin ay magkaroon ka ng magandang simula sa iyong araw. Tara, busugin na natin ang ating sarili sa pait ng buhay. Mabusog nang mabusog hanggang ang pait na iyo'y maging matamis na pulot-pukyutan ng tagumpay. Tama, masarap kumain ng almusal. Masarap kumain ng almusal, basta marunong kang magpasalamat sa bawat pagpapatikim sa iyo ng buhay. Lahat ay nakakaranas ng sakit at pighati, at katulad ng ng isang almusal, ang iyong tatag at determinasyon ang iyong magiging “starter meal” sa tinatawag nilang tagumpay.


Talaan ng Nilalaman PAHINA

PAHINA

PAHINA

5 8 11

MGA LIBRO akda ni Cindz Dela Cruz

BAKIT NGAYON KA LANG? akda ni Angela Mae Pamaos

SI MARIA CLARA SA PANAHON NGAYON akda ni Silent_Sakura

PAHINA

PAHINA

PAHINA

16 21 24 28 31

PAHINA

PAHINA

SA UGOY NG DUYAN akda ni Zharlyn Valmonte

LITERARI’T SAMOT-SARI akda mula sa mga mambabasa ng LSK

SI LOLA KALAKAL akda ni Froilan F. Elizaga

Eugene Madayag Interview patungkol sa Graphic Artist ng Libreng Komiks Facebook Page

ALMUSAL akda ni Mei_Blu


Panulat || Cindz Dela Cruz Larawan || Google Images

H

indi ko na maalala kung kailan ko sinimulang mahalin ang pagsusulat. Ang masasabi ko lamang ay inuna ko munang minahal ang pagbabasa. Isa sa mga naaalala ko sa aking pagkabata ay ang araw na tuwang-tuwa ang aking mga guro sa akin dahil napakabilis ko raw magbasa sa edad na lima. Naaalala ko noong ako ay pinatayo at pinabasa sa akin ang limang pangungusap sa may pisara. “Tapos ka na?” Di makapaniwalang usal ng aking guro pagkatapos ko magbasa, na tila ba di makapaniwala. Sa sobrang saya ko nang araw na iyon ay naaalala ko pa nga hanggang ngayon ang isa sa mga pangungusap na aking binasa sa berdeng pisara: “The car is red”. Noong ako ay nasa pre-school, nauso ang pagreregalo ng mga story books sa batang katulad ko. Una kong minahal ang mga tinatawag nilang story books, yung mga may makukulay na larawan tapos may iilang pangungusap sa may baba. Cinderella, Snow White, Hansel and Gretle, Ugly Ducking, Three Little Bears. Medyo nabitin nga lang ako dahil ang konti lang ng pangungusap na babasahin. Wala pang sampung minuto (kasama na ang pagtitig sa mga larawan) ay natapos na ako. Nang ako ay pumasok sa grade school, hindi pa man nagsisimula ang klase sa buwan ng Mayo ay nagsisimula na akong magbasa ng mga istorya sa mga librong patungkol sa asignaturang Filipino at Inggles. Mas mahaba, mas masaya. Minsan kapag may dumadalaw na kaibigan ni Mama ay naglalakas loob akong magtanong kung meron ba silang lumang libro, baka puwedeng mahiram? O kaya naman „pag kaarawan ko na, iisa lang ang hinihiling kong iregalo nila, “Puwede po bang libro na lang? Kahit na ano po.” Di ko malilimutan ang galak ng munti kong puso sa tuwing makakahawak ako ng libro. Ilan sa mga kuwentong di ko malilimutan ay ang maikling kuwento na ang pamagat ay “Hindi na ako bampira”, tungkol ito sa isang Grade II na estudyante na nabungi at hindi ngumiti ng ilang buwan sa takot na asarin siyang bampira.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

5


Dumating ang panahon na naipakilala rin sa akin ang silid-aklatan at nagkaroon ako ng library card, halos araw araw akong nasa langit dahil tila ako nagkaroon ng napakaraming posibilidad, napakaraming oportunidad para magbasa at matuto. Pinakapaborito kong basahin sa lahat ay ang mga kuwentong gawa-gawa lamang o yung tinatawag nilang „Fiction‟. Pakiramdam ko kasi ay nakakapasok ako sa isang mundo at nabubuhay ako sa ibang pagkatao. Nandiyan ang “Sweet Valley High”, “Nancy Drew Files” at “Goosebumps” na sa tuwing natatapos ko ay nagkakaroon ako ng kakaibang satisfaction. Nahilig din ako sa pagbabasa ng Pinoy Komiks na tig anim na piso lang noon. Sino bang makakalimot kay Eklok kuwento ng isang makulit na bata? Eh kay Tinay Pinay - isang super hero na naka pig tails na kamukha ni Sailor Moon? Isa pang kuwento ang di ko malilimutan noon ay ang kuwentong may pamagat na “Shiny Long Black Hair” na patungkol sa magkasintahan kung saan inlab na inlab ang lalake sa babae dahil sa napakahaba ang perpektong buhok nito, hanggang sa maupo ang babae sa kanyang hita at nu‟n niya nakita ang mga malalaking kuto nito. May kuto pala si girl. Ang mga komiks din ang nagpakilala sa akin sa mundo ng horror, dito ko nalaman ang mga kuwentong engkanto, tikbalang, manananggal at duwende. Naaalala ko ang mga gabing di ako makatulog dahil sa sarili kong imahinasyon. Pero isang araw, nangyari ang di inaasahan, binenta ni Mama ang mga komiks ko sa lalakeng sumisigaw ng “Diyaryo, boteehhhhhh”. Sayang, siguro kung hindi niya iyon binenta ay malamang pina-frame ko na yun ngayon at masasabing “vintage collection”. Naipakilala rin sa akin ang mga “Romance Pocketbooks” sa mga panahong ako ay nagdadalaga na. Madalas ay uuwian ako ng Tita ko ng sandamakmak na pocket books, yung tig 25 pesos? Sa pagbabasa ko nito ay nagkaroon ng mukha ang “Ideal guy” ko, mayaman, matipuno ang katawan at mga labing kay sarap halikan. Syempre medyo may pagkabastos, oo dito unang namulat ang pagkatao ko sa kuwentong TOOOT. Isang araw nabasa ni Mama ang isa sa mga pocket books at sa sobrang galit niya ay binato niya ako ng libro. “Ano „tong nakasulat dito? Naghahalikan sa ilalim ng puno tapos pinagkakakagat sila ng mga langgam? Eto ba ang mga tinuturo sa iyo ng Tita mo? Mula ngayon, di ka na puwedeng magbasa ng mga ganito, mga bastos! Sunugin lahat ng yan!” Di ako umiyak, sa halip ay napabuntong hininga. How sad. Magmula noon ay nagkaroon ako ng mga tinatagong libro sa aking cabinet, na siyang binubuksan ko lamang pag wala o pag natutulog si Mama. At pag nauubusan naman ako ng babasahin ay didiretso ako sa kapitbahay kung saan nagpaparenta sila ng mga pocket books sa halagang limang piso lamang. Grabe, dito nasusubok ang mga katagang, “Kung gusto ay maraming paraan.” Hindi naglaon, matapos ma-expose sa iba‟t ibang uri ng babasahin ay nagkaroon ng sariling hubog ang aking mga hilig, sa madaling salita, nabuo ang sarili kong “preference”. Alam ko na ang mga babasahin na alam kong magbibigay sa Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

66


akin ng hinahangad kong emosyon. Naging mapili ako sa libro dahil ayoko na rin ng paulit-ulit na kuwento. Natuto akong mag-categorize sa puwedeng maging paborito at tipong alam kong hindi makakatulong sa aking pagkatao. Sa isang banda, di ko napansin ang mga kuwentong nabubuo sa aking isipan, mga araw araw na karanasan at nakakasalumuha, mga kuwentong nais lumabas, nais maisulat. Di sila matahimik na kung hindi ko sila masusulat, tila ba ako ay mababaliw. Di pa uso ang computer noon kaya naman lumang notebook at lapis lang sapat na. Maghapon akong nagsusulat hanggang sa maging kalyado ang aking mga daliri. Maririnig ko na lamang ang aking Ina na magsasalita gamit ang bisaya accent, “Cindy baka ma-buang ka diyan, itigil mo na „yan!” Masunurin akong bata kaya naman susundin ko ang aking mga magulang, susubukan kong maglaro ng barbie doll o di naman kaya ng playhouse. Ang sabi ng isang nabasa ko sa mundo ng internet patungkol sa pagdye-dyeta, “You are what you eat.” Ako naman ay merong ibang paniniwala - “You are what you read”. Sa hilig ko sa pagbabasa, hindi ko akalaing nahubog ako ng mga nabasa ko. Nagkaroon ng kakaibang pundasyon ang pagkatao ko, pakiramdam ko higit pa sa isang habambuhay ang naranasan ko. Sa pamamagitan ng mga nabasa ko, ako ay naging super hero, naging isang manlalakbay at higit sa lahat ay naranasan kong umibig ng napakaraming beses - lagpas pa sa sampung daliri na meron ako ang naging kasintahan ko. Dahil sa mga nabasa ko, hindi ko na basta basta pinapaniwalaan ang sinasabi ng ibang tao. “I have read too much to believe what I am told.” Minsan kapag ako ang nagkaroon ng isang suliranin, tatanungin ko ang aking sarili, “What will Ms. Isabel Dalhousie do?” Si Isabel Dalhousie ay isang karakter sa isa sa mga paborito kong series - The Sunday Philosophy Club Series na isinulat ni Alexander McCall Smith. Dahil sa mga nabasa ko, nabuo ang aking pananaw sa mundo. At bilang ganti sa lahat ng mga manunulat ng mga nabasa kong libro na siyang bumuo sa aking pagkatao, nais ko ring magbigay impluwensya at tumulong sa pundasyon ng isang mambabasa. Pinangarap kong mabuhay ang mambabasa sa isang karakter na binuo ko, nais kong maipasa ang lahat ng natutunan ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, magsusulat ako. Isusulat ko ang mga makukulit na bumubulong sa aking tainga. Bumuo ako ng kasunduan sa sarili ko, kinakailangan di ako magsusulat dahil gusto ko lang, kailangan bukod sa mapapatahimik ko ang mga bulong sa akin, kailangan ay magkaroon rin ng “impact” sa mga mambabasa, kinakailangan hindi yung basta basta nila malilimutan, at maaalala nila hanggang sa nabubuhay sila. Tapos iku-kuwento nila sa kanilang mga apo ang aral na nakuha nila sa aking isinulat. Hindi ako matagumpay na tao, lalong hindi ako mayaman, hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay masasabi ko pa ring may ilang bagay na di kailanman mananakaw sa akin. Kung pinapangarap mong maging manunulat, tandaan mo na maaari mong mabago ang isang tao dahil sa sinulat mo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, ang talento, ang kuryente, ang papel, ang pambura, higit sa lahat ang iyong . . .LAPIS.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

76


“Bakit Ngayon Ka Lang?” Panulat || Angela Mae Pamaos

Larawan || Google Images

Tatlo. Dalawa. Isa. Hindi oalaging kaowa tao ang kalaban sa buhay. Nagkakamali ang ilan. Ang haharang sa mga bagay na sana ay magawa mo ay oras. Panahon.Nagmamadaling segundo. Naalala ko oa ang mga sandali. Madalas ko siyang itakas oara oumunta sa hardin. Pangarao niyang umakyat ng bundok oara masilayan ang oaglubog ng araw, makasama ang mga bituing nangungusao at gisingin ng oaoasikat na araw. Gustong-gusto ko ang mga ngiti niya ng nasa oaanan na kami ng bundok. Ramdam ko ang kanyang oananabik. At kanyang nag-aalinlangag mga mata ng dumating na ang oras oara bumalik. Tatlo. Pinioilit ko na nasa tabi niya ko sa tuwing gigising siya. Sa tuwing ididilat niya ang mga maououngay niyang mga mata. At sa bawat oaggising niya, siya oa rin ang Lily gaya sa aming unang oagkikita. Para bang oaulit-ulit kong nakikita ang unang tagoo ng buhay namin. *** Hawak niya ang outing bulaklak no’n habang nakauoo siya sa damuhan, sa hardin ng Osoital na mag-uugnay sa aming dalawa. Hindi ko siya naiwasang titigan. Mayroon kung ano sa oagkakatitig niya sa hawak niyang bulaklak. Naoakaganda niyang oagmasdan.Araw-araw siyang lumalabas ng kanyang kwarto, tuwing magdadaoit-haoon. Araw-araw ko rin siyang oinagmamasdan. Hanggang sa maglakas loob akong laoitan siya. Sa unang oagkakataon, nakita ko siya ng malaoitan. Naoakaganda niya. Nangungusao ang kanyang mga mata. At binahaginan niya ko ng umaasang ngiti. "Anong ginagawa mo dito? Baka hanaoin ka na." Hindi niya ko sinagot. Pero itinuro niya sa akin ang dahilan. Ang araw na oaoalubog na tila nagtatago sa bundok. Na naoakagandang oagmasdan. Umabot ng mga taong oinagmamasdan niya ang oaglubog ng araw hawak-hawak ang outing bulaklak na oinioitas niya sa hardin. Pero di naglaon at sabay na kaming nanonood Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

8


sa oaglubog nito. *** Tatlong Taon. Sa bawat araw na nagdadaan, hindi masyadong nagsasalita si Lily. Bibihira siyang magkwento. Madalas nakikinig lang siya at tititigan ako at saka marahang-marahang sasabihin sa akin, "akyat tayo ng bundok." "Pag okay na. Paoaalam muna tayo sa Dad mo." Bigla siyang iismid at matatawa ako. Ang mga sandaling yaon ay oara bang wala kaming iniindang kung ano man. Itataas niya ang kanyang kanang kamay at ilalaoat ko roon ang kaliwa kong kamay. Ngingiti siya ng bahagya, at saka hihilahin ako at yayakaoin.Iyon ang kanyang mga salita. Masasarao at maoaoait na salita. Lumilioas ang mga buwan na oalagi kaming magkasama, madalas na itinatakas ko siya ng oagbawalan na siyang lumabas ng kwarto at tuwing maoaoagalitan kami ng Dad niya, ang tanging taong kasama niya, kukuhanin niya ang kamay nito at saka hahalikan ito; naoakalambing niya. Arawaraw ko rin siyang dinadalhan ng outing bulaklak. Subalit kahit kailan sa bawat araw na nagdadaan, wala kaming ginawang oaguusao tungkol sa nararamdaman namin. Siguro nga, saoat na ang anyo ng oagsasalita ni Lily. Tititigan ko siya sa kanyang oaghiga hanggang sa oumikit ang kanyang mga mata at sa mga minutong akala ko ay tulog na siya, saka niya hahatakin ang kamay ko at ngingiti. *** Dalawa. Pasalamat din talaga ako sa Dad ni Lily at oinilit niya sa Boss ko na ako na mismo ang magbantay sa kanya. Basta hindi ko na raw siya itatakas. Natawa ako bigla, oag nalaman ni Lily ito, tiyak na iismid na naman ito. Pero laking gulat ko sa reaksyon niya ng malaman niyang di na kami owedeng lumabas. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka oarang bata na nagsasabing, "dito ka lang ha? Ha?" Paulit-ulit niyang sinabi ito.Sa oagkakataong ito, ako naman ang humatak at yumakao sa kanya. Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

Magkayao lang kami ng mga sandaling iyon, ni hindi na namin naoansin ang oaglubog ng araw sa labas ng kwarto niya. *** Dalawang buwan. Bumuti-buti na ang lagay ni Lily. Sabi nila. Sabi lang nila. "Hindi ako ouwedeng umakyat ng bundok di ba? Pumunta na lang tayo kahit sa oaanan lang o sa bandang oaanan lang. Please." Halos maoatili siya ng oumayag ang Dad at mga doktor niya. Iyon nga lang, hindi kami owedeng oumunta ng haoon. Alas singko ng umaga ang sabi oara makabuti rin daw kay Lily. Alas kwatro oa lang at ginising niya na ko sa tabi niya. Kitang-kita ko ang oananabik sa mga mata niya. Agad kaming lumabas ng kwarto niya, at mabilis siyang oumunta ng hardin oara oumitas ng bulaklak. Dalawang bulaklak. Ibinigay niya sa akin ang isa, at nilagay ko ito sa kanyang tainga. Ngumiti siya at inilagay niya rin ang hawak niyang bulaklak sa tainga ko. Tumawa siya. At itinaas niya ang kanyang kanang kamay at inilaoat ko ang kaliwa kong kamay. Tumingin siya sa kalangitan, at saka hinawakan ang kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigoit.Naoakahigoit. Tumakbo kami. Naoakasayang oakiramdam na heto't kasama ko ang aking oinakamamahal. Tumigil siya at nagoaoasan sa akin. Naririnig ko ang tibok ng kanyang ouso. Dahandahang lumalakas at bumibilis, natatakot akong isioin na baka dahil ito sa oagaalinlangan, oagod, o oras na nagbabadya. Nakatago oa rin ang liwanag ng dumating kami doon. Pero sige ang oagkislao ng mga bitwin at nasumoungan ko ang natatanging ngiti ni Lily. Niyaya niya kong umuoo sa balabal na inilagay niya. Umuoo siya sa taoat ko at bigla niyang oinitik ang ilong ko. "Aray!"

9


Tawa lang ang sinukli niya sa akin. At saka niya ioinikit ang kanyang mga mata at hinaolos ang aking mukha. Mata. Ilong. Buhok. Tainga. Bibig. At biglang umulan sa mukha niya. "Kung nabulag oala ako, malalaman ko oa ring ikaw 'yan.Makakasama oa din kita sa ilalim ng mga bituing ito."

Tumango siya sa sinabi ko. Habang wala oa ring tigil ang oag-iyak, oero kahit nanginginig na ang boses niya, oinilit niya oa ring sabihin sa akin na mahal niya ko. Niyakao ko siya ng mahigoit kasabay na oagluha ko't sambit ng oanalangin. Dahil ito lang ang alam kong daoat kong gawin. At sumikat na ang araw. *** Isa. Sinisilio niya ang oaoalubog na araw mula sa kanyang kwarto ng datnan ko siya.

"Lily." "Ioinitas kita ng bulaklak." "Kung hindi ako nakakarinig, malalaman ko oa rin ang gusto mong sabihin dahil sa iisa na ang ouso natin at kaya kong basahin ang labi mo." Nasasaktan ako. Pero wala ng salita ang kaya kong sambitin. Hinaolos niyang muli ang mukha ko, inilaoit niya ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako at umulan na rin oati sa akin. At dahan-dahang naglaoat ang aming mga labi. "Pero hindi e..." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Mawawala na ko." At bumuhos na ang mga luha namin. "Bakit kasi ngayon ka lang? Bakit ngayon na hindi ko na kayang umakyat ng bundok? Bakit kung kelan nagmamadali na ang oras? Bakit ngayon na mamamatay na ang ouso ko? Bakit kung kailan matindi na ang leukemia ko? Sabihin mo." Tama si Lily. Alam naming lahat na kahit sabihin oa nila na bumuti na ang kalagayan niya; di rin magtatagal ay ako na lamang ang tutuoad sa oangarao niya.Nasa huling mga segundo na siya ng kanyang buhay.Naoakasakit. "Lily, hindi ko rin alam. Pero kung maaga ba kong dumating, ganito oa rin ba ang mararamdaman natin sa isa't isa? Hindi kaya tama ang oanaho ng oagdating ko? Oo, limitado na oero hindi naman nakukulong ang oag-ibig sa oanahon. Mahal kita, mamahalin at minamahal." Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

"Salamat. Di na kasi ko makakasuot ng damit oangkasal. Buti nga’t dumating ka na. Pag andyan ka na at hawak ko ito oara na rin tayong ikinakasal. Puti. Parang walang ibang kulay na owedeng ilagay, na iingatingatan mo at baka madumihan. Puti ang maghahatid sa atin oara magoalitan ng "oo" at outi rin ang maghahatid sa akin, oara sa oagoaoaalam ko sa'yo." Nabasag na ang boses niya. Niyakao ko siya. At saka ako sumambit ng mga salita, "Ooo. Tinatanggao ko oo si Lily. Mamahalin ko siya sa hirao at ginhawa, sa lungkot o kasaganahan, hanggang sa tuluyan kong lisanin ang mundong ito." Umagos na ang mga luha ko at saka niya ko hinalikan at sinabing, "Mahal kita.Salamat at dumating ka." Tinitigan ko siya sa kanyang oagkakahiga. Ngumiti siya.At oumikit. Isa, dalawa, tatlo.Tatlong minuto. Wala ng humawak sa kamay ko, wala ng humila, hindi na siya ngumiti, wala ng yumakao sa akin. "Lily!" Ang unang sigaw ko ng maakyat ko na ang bundok na sabay sana naming aakyatin, at saka ko inihagis ang huling bulaklak na outi na hawak ng aking oinakamamahal.

10


Panulat at Larawan|| Silent_Sakura

Isa lamang itong ordinaryong akda na ginawa ko para sa mga kababaihan. Oo, tama ang narinig mo ang mga kababaihan ang bida sa akdang ito. Kung isa kang lalake maari mo din itong basahin baka sakaling may mapulot kang aral dito. Sa mga kababaihan naman ito na yung panahon na marealize mo kung ano ka at ano ba ang ginagawa mo sa iyong sarili. Halina’t saluhan natin ang munting akdang ito at makakuha ng mga iba’t – ibang aral sa buhay.

Bilang isang ordinaryong babae may mga paniniwala ako na minsan salungat sa nakakarami, minsan pakiramdam ko hindi ako kabilang sa lipunan, para akong tanga na hindi alam kung saan lulugar dahil alam kong sa bawat paghakbang ko, sa bawat desisyong aking gagawin may mga matang nakabantay sa akin at ano mang oras ay puwede nila akong husgahan. Takot ako! Takot akong mahusgahan kaya tila ba isang akong outcast sa lipunan. Ang akala ko okay lang iyon pero sa bawat oras na pinipilit ko ang sarili kong makibagay sa gusto ng iba, bawat pagtatakwil ko sa aking paniniwala at pilit na umayon sa kanila - ay unti-unti ko namang pinipigil ang pagtibok ng aking puso. Isang araw nagising na lamang ako at nasabi sa sarili, “Tama na! Ayoko na!” Ayoko ng maging pipi at bulag sa mga nangyayari sa ating lipunan, ayoko ng umayon sa nakakarami dahil kaakibat naman nito ang sakit na nararamdaman ng aking puso, hindi ko namamalayan na unti-unti ko na palang pinapatay ang aking sarili. Pinapatay sa pamamagitan ng hindi pagpapahiwatig ng aking saloobin, pinupusasan ko ang aking sarili sa paggawa ng mga bagay na gusto ko, binubusalan ang bibig sa pagsasalita at unti-unti akong lumulubog sa putikan kasabay ng maruming pananaw ng iba, ako ang mismong umaapak sa sarili ko. Bago paman ako mawala ng tuluyan sa aking sarili ay muli akong tumayo iwinawagayway ang karapatan - isang paglaya mula sa mapanghusgang lipunan. Wala akong pakialam kong anuman ang sabihin nila sa akin basta alam kong malaya ako, malaya kong naipapahiwatig ang aking saloobin. Pero nagtagumpay nga ba ako? O may parte pa rin sa puso ko ang bumabalik sa dating ako? Hindi ko pa alam ang sagot sa aking katanungnan, pero alam kong malaya ako ngayon sa mga bagay na gusto kong gawin at sabihin. Sa panahon ngayon ayaw kong manghusga kaya ipinahihiwatig ko ang aking sarili sa paraang alam ko, sa paraang hindi ako nakakapanakit ng iba pero alam kong may mga matatamaan talaga kaya pasensiyahan na tayo. Ito ang pananaw ko kaya sasabihin ko ito.

Gusto kong bigyan ng importansiya sa sulating ito ang mga kababaihan ngayon. Isa din akong babae na may sariling pananaw sa buhay. Ano nga ba ang tingin mo sa mga kababaihan ngayon? Mapangahas? Mapanganib? Baka naman Matang Lawin na iyan. Sa totoo lang humahanga ako sa mga kababaihan ngayon, nakikita ko kasi ang “Woman Empowerment.” Palaban na ngayon ang mga kababaihan hindi tulad sa mga telenovela na mga api at sinasaktan pero ngayon matatapang at handang lumaban sa anumang unos ng buhay. Minsan na rin tayong nagkaroon ng mga kababaihang tumatak sa ating lipunan katulad na lamang ni Melchora Aquino o mas kilala sa tawag na Tandang Sora, si Corazon Aquino na naging unang babaeng presidente natin. Si Maria Clara na pinapapakita ang pagiging isang tunay na Pilipina, mahinhin ngunit may pinaglalaban. Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

11


Sa paglipas ng panahon unti-unting umaangat ang istado ng mga kababaihan, yung tipong makikita mo na lamang ang mga babaeng hindi umaatras sa laban o sa sakuna, katulad na lamang ng mga unipormadong kababaihan na handa sa anumang oras para sumagip ng buhay, lumaban para sa bayan o tumulong sa kapwa. Umaangat din ang mga kababaihan sa blue collar jobs katulad ng mga welders, plumbers, mechanics na noon ay para sa mga lalake lamang pero ngayon ay unti-unti na ring nakikilala ang mga kababaihan sa larangan ng skilled workers. May mga kababaihan din tayong umaangat pagdating sa white collar jobs katulad na lamang ng mga kababaihang CEO o managers sa iba’t ibang kompanya. Ngayon humahanga ka na ba? Hindi na basta-basta ang mga kababaihan ngayon dahil yung mga bagay na ginagawa ng mga kalalakihan ay kayang gawin na rin ng mga babae. Ilang kababaihan na ba ngayon ang gumagawa ng pangalan sa ibang bansa? Katulad na lamang ng pagkakaroon ng mataas na posisyon sa ibang bansa o hindi naman kaya mga kababayan nating OFWs na tinitiis ang layo para lang sa pamilya. Sila ‘yong mga tinatawag kong Working Woman sa ating bansa ngayon. Ito ang maipagmamalaki natin sa ating mga kababaihan dahil kahit na anumang sitwasyon ang ibigay sa kanila, hinding-hindi sila umaatras sa anumang laban. May mga negatibo din akong nakikita ngayon katulad na lamang ng mga kababaihang halos kapiranggot na saplot na lamang ang suot sa katawan, sa facebook puro cleavage ang pinapakita, wala naman akong sama ng loob sa fashion nila dahil sa kanila din yon pero naiirita lang talaga ako dahil minsan kung gaano kaikli ang suot nila ganun din kaikli ang pananaw nila, hindi ko naman nilalahat ha? Wag mag-react agad! Nakikita ko kasi kapag binabastos sila kung magalit wagas! Hello! Nagsuot ka ng super ikling short at maypacleavage-cleavage ka pang pinapakita at kapag binastos ka tila ba pinagsakluban ka ng langit!? Sapakin kaya kita! Wala naman akong magagawa kundi sampalin sila ng realidad. Gumising ka Ineng, hindi ito fairytale! Minsan hindi tumutugma sa iba ang pananaw ko sa buhay, wala akong pakialam basta ito ang pananaw ko at kailangan ko silang imulat sa realidad ng mundo. Sa panahon ngayon tila ba hindi na uso ang mga Maria Clara effect, para bang naglaho na si Maria Clara sa mga kabataan ngayon. Minsan kasi sa edad ng labing dalawang taong gulang ay luma-lovelife na si Ineng. Hindi ako bitter sa pag-ibig pero nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon. Nabasa ko kasi sa isang newspaper na pabata na ng pabata ang mga nagkaka-HIV ngayon. Saan ka man pumunta may mga kababaihang handang kumapit sa patalim para lang magkalaman ang tiyan o hindi kaya para matulungan ang pamilya. Sino nga ba ang may salarin sa nangyayari ngayon? Ako? Siya? Tayo? Hindi ko alam ang sagot. Pero alam kong ito’y mali. Bakit nga ba kailangan maipit sa ganoong sitwasyon ang isang babae? Bakit nga ba kailangan niya’ng magdusa at tanggapin ang paglalapastangan ng mga kalalakihang may maitim na budhi? Bakit? Bakit? Bakit? Kung noon ang relationship ay isang seryosong bagay, ngayon tila ba isa na lamang itong laro at minsan ang nag-uugnay na lamang sa dalawang tao ay ang tinatawag nilang “Lust.” Masakit mang isipin pero marami ng kabataan at kababaihan ang nauugnay sa ganitong kalakaran. Hindi man lahat ay ganito pero hindi makakaila na talamak na ito ngayon. Nasaan na nga ba si Maria Clara? Buhay pa kaya siya sa panahon ngayon? Ilang beses na ba ang mga kabataang napapabilang sa iba’t ibang sex scandal o mga babaeng nabibiktima ng cybersex at human trafficking. Hindi ko alam kung paano nangyayari ang mga bagay na ito na minsan dumudurog sa ating puso sa tuwing nakikita na lamang natin sa networking site o telebisyon. Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayari ito? Gobyerno nga ba? Ang lipunan? Ang mga biktima? Ikaw na ang humusga kaibigan pero sa totoo lang may parte tayong pagkukulang din, minsan kasi dahil madalas na itong nangyayari ay nakasanayan na natin ito. Kaya sa halip na umaksyon ay wala tayong ginagawa kundi ang tumingin lamang. Oo, tanggapin na natin na minsan ay nagiging manhid tayo sa ating nakikita sa ating kapaligiran. Sabi nga ng iba, “buhay nila yan” pero ganito ba talaga ang tamang pag-iisip? Ang hindi makialam sa kapakanan ng iba, lalong – lalo na yung mga taong naapi at inaapakan. Sa tingin ko ito yung panahon na kailangan nating maging sensitibo para sa iba, maging sensitibo sa ating kapwa dahil kung hindi nila kayang lumaban para sa kanilang sarili, kailangan nila ng isang taong tulad mo na handang ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa panahon ngayon kailangan nila ng isang tulad mo, isang taong handa silang ipaglaban. Handa mo ba silang tulungan? Handa ka bang kumilos para sila’y ipaglaban? Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

12


Akala ko nawala na si Maria Clara pero sa pagmamasid ko sa panahon ngayon nagbagong anyo lang pala siya. Hindi pala siya nawala at nananatili pa rin siya sa mga kababaihan ngayon. Minsan nga lang ay hindi ito madaling makita sa panahon ngayon pero kung susuriing maigi ay masisiwalat ang totoong anyo ni Maria Clara. Ito ang mga uri ng kababaihan na masasabi kong may mga Maria Clara effect, ito ay base lamang sa pagmamasid ko sa aking kapaligiran at hinati ko ito sa iba’t ibang kategorya.

Palaban Type Ito yung mga tipo ng babae na nakikibaka para sa karapatan at kapakanan ng iba o para sa sarili. Madalas ko silang makita sa lansangan na may dalang banners at sumisigaw ng karapatan, minsan nama’y nasa korte at pinaglalaban ang hustiya, pero may iba din na ipinalalabas ang paglaban sa pamamagitan ng pagsulat, pagtula, pagkanta o sa ibang paraan. Ito yung tipo ng mga babae na hindi takot sa anumang problemang dumating sa kanila. Minsan napapagkamalan silang maldita dahil hindi sila basta-basta napapasunod ng iba, may sariling paninindigan at paniniwala sila. Kung tawagin ko sila mga Babaeng Palaban.

Mahinhin Type Ito naman ang tipo ng mga babae na makikita sa probinsiya. Hindi makabasag-pinggan kung sila’y tignan at madalas mahahabang palda ang suot nila. Pinong-pino kung sila’y kumilos. Ang mga babaeng ito ay alam na alam ang mga gawaing bahay dahil madalas nasa bahay lang sila. Hindi sila marunong uminom ng alak, makipagsayawan sa bar o ang makipagharutan sa mga kalalakihan. Inosente man silang tignan pero alam kong may sariling paniniwala din sila. Sila naman yung tinatawag kong Dalagang Pilipina.

Weird na Matalino Type Ito naman ang mga tipo ng babae na kung kakausapin mo animo’y isang walking encyclopedia dahil sa dami ng alam. Madalas nakasuot sila ng mga thick eye glasses dahil lumalabo na ang mga mata nila dahil sa kababasa ng sandamakmak na libro. Napagkakalaman silang strikta dahil sa itsura nila pero mabubuting tao naman pala. Ang numero unong kaligayahan nila ay ang pagbabasa ng libro. Kung titignan mo parang ang weird nila. Kung paramihan ng alam ang labanan sila dapat ang pambato mo dahil totoo namang high IQ ang mga kababaihang ito kaya hindi ka mapapahiya. Kung paramihan ng alam sa libro ang magiging kompetisyon siguradong panalo na sila kaya wag ka ng lumaban. Wag kang magkakamaling galitin sila baka mahampas ka ng 10 inches na kapal ng libro. Siguradong bukol ang aabutin mo. HAHAHAHA! Joke lang! Tinatawag ko silang Brilliant Woman.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

13


Fashionista Type Ito naman ang tipo ng mga babae na mahal na mahal ang fashion. Madalas silang makita sa loob ng Mall at namimili ng mga damit at accessories. Masasabi kong creative din ang mga babaeng ito dahil kahit gaano man kasimple o kamura ang ibigay mo sa kanilang damit kaya nilang gawan ng paraan yan para maging stylish ang dating kaya instant model ang kinalabasan. They just love thereselves kaya binibigyan nila ng malaking importansiya sa pamamagitan ng pagbibigay reward sa sarili. Kung kailangan mo ng instant stylish tawagin mo lang siya at to the rescue agad sila. Kung tawagin ko naman sila “Kikay Girls.”

Punk Type Ito yung tipo ng mga babae na akalain mong mga tomboy pero hindi naman lahat. Madalas ko silang makita na may mga tattoo at gothic ang style. Astig na astig silang tignan. Masasabi kong mas malapit sila sa mga boys dahil hindi sila pabigat sa anumang bagay dahil kung saan ang tropa dun din sila, kaya nilang kumain, uminom, mag-enjoy ng mag-isa hindi tulad ng iba na kailangan hatid-sundo at text ng text sa buong araw. Independent ang mga babaeng ito at masasabi ko ring palaban. Sila naman ang tinatawag kong Babaeng Astig.

Holy Type Ito naman ang tipo ng mga babae na tinatawag ng Diyos. Ika nga “A calling to be Holy.” Sila yung mga babaeng sinunod ang pagtawag na magsilbi sa Diyos sa buong buhay nila. Kabilang diyan ang mga Missionaries at Nuns. Meron din’g mas piniling magsilbi sa kapwa katulad ng mga Volunteers na buong pusong nagsisilbi sa mga orphanage at foundation na walang anumang kapalit. Bukal sa puso nila ang pagtulong at tunay ang pinapakita nilang pagmamahal. Madalas tahimik ang mga babaeng ito dahil contemplative type silang tao, madalas silang mag-Lectio Divina. Sila yung madalas lapitan ng mga taong depressed o frustrated dahil mga good listener din sila at marami silang maipapayo sa mga taong nangangailangan ng gabay. Totoong mabubuti ang mga taong ito at may tunay na sa malasakit sa kapwa. Tinatawag ko naman silang Pure Hearted Woman.

Marahil isa ka sa mga nabanggitin kong uri ng babae. Saan ka nga ba nabibilang? Kahit saan ka man mapabilang isa lang ang dapat mong tandaan, may malaki kang tungkulin dito sa ating lipunan at tanggapin mo man o hindi ay malaki ang impluwensiya mo sa ibang tao. Isa ka sa mga tinitingala ng kabataan at ng iba pang sektor sa lipunan. Kung ano man ang meron ka ngayon gamitin mo ito sa tamang paraan, gamitin mo ang talento mo upang maging inspirasyon para sa iba.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

14


I am a worthy woman Dapat tayong mga babae alam natin kung gaano tayo ka-worthy. Kaya wag mong ibaba ang standards mo dahil lang sa mga sinasabi ng ibang tao, dahil lang sa pananaw nilang baliko. Alam mo sa sarili mo kung gaano ka ka-importante. Remember girls! Diamonds tayo at Diamonds will always shine forever, Diamonds will always be Diamonds, ang punto ko lang ay mahalaga tayo sa iba’t ibang aspeto, kahit anumang istado natin sa buhay. Hello! Rare breed kaya tayo. Mahalin mo ang sarili mo and know your value.

I am a Woman of Faith and Hope According to Ed Hindson, “Faith is not a blind leap into the dark. Faith is believing the principles of God’s word and ordering our life accordingly.” We are the author of our life at kung paano tayo mamuhay dito sa mundo ‘yon ang pagiging tunay na Woman of Faith and Hope. Ang isang babae ay hindi dapat sumusuko sa anumang laban sa buhay bagkus mas nagiging matapang at matatag siya sa pagharap ng anumang problema. Hindi natin kontrolado ang pagdating ng problema sa ating buhay pero kontrolado natin ang ating sarili kung ano at paano tayo magreact sa sitwasyong iyon. “The Lord Himself goes before you and will be with you; He will never leave you nor forsake you. Do not be afraid; do not be discouraged.” – Deuteronomy 31:8. Ito ang isa sa mga pangako ng Diyos sa atin na hindi dapat tayo matakot at mangamba dahil hindi Niya tayo pababayaan sa anumang sitwasyon na dumating sa ating buhay. Kailangan lang natin siya’ng tawagin at kausapin, we need to have a strong connection with God, a strong bond that nothing or no one can break. Sabi nga ni Darlene Sala, “All we have to do is speak to Him. His line is never busy.” Handa ka na bang kausapin Siya ng masinsinan? Bakit di mo simulan ngayon kaibigan.

I am a Woman who Dream Dapat tayong mga babae ay may matayog na pangarap sa ating sarili. Sabi nga nila Soar high, fly high and achieve your Dreams. Hindi masama ang mangarap dahil libre lang daw iyon pero kapag nangarap ka siguraduhin mong gumagawa ka ng paraan para maabot mo iyon. Remember Girls! Wala ding mangyayari kong puro daydreaming ka lang. Dedication, Prayer, Sipag at walang katapusang fighting spirit ang kailangan para maabot mo ang nais mo sa buhay. Haya! Fighting lang!

I am a woman with Dignity Hanapin mo ang sarili mo at kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. Kilalanin mo ang sarili mo. Tandaan mo special ka! Hindi porke’t ganito na ako, ito na talaga ako ‘eh hanggang diyan ka na lang din. Wag kang maging insecure sa iba dahil maganda ka inside and out ‘yan ang tandaan mo. Dapat ding maging matatag ka sa paniniwala mo dahil minsan sinusubok ang ating paniniwala sa iba’t ibang sitwasyon at diyan natin makikita kung gaano ba natin kakilala ang ating sarili. Wag mong isuko ang Bataan dahil lang hiningi niya saiyo, dahil sasabihin niya’ng ito ang batayan kung gaano mo siya kamahal. Kapag sinabi niya iyon saiyo sapakin mo! HAHAHA! Fight for what you believe lalo na kung alam mong nasa tama ka. Alam mong kung ano ang value mo, alam mo kung sino ka talaga kaya kapag may nambastos, umapi o umapak sa pagkatao mo wag na wag mong hayaang tratuhin ka nila na parang basura. Kung kinailangan ay ipaglaban mo ang iyong karapatan.

Ngayon alam mo na siguro kung ano ka talaga dito sa mundo, sabihin man ng iba na hindi ka espesyal pero sa sarili mo alam mong natatangi ka. Nothing can replace your value. Lahat tayo ay unique kaya wag mong i-deprive ang sarili mo, wag mong hayaang apak-apakan ka ng ibang tao. Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay, nandito ako, nandito kami at handang lumaban din. Let’s stand for what we believe, continue to strive hard and achieve our dreams and of course be sensitive enough for the needs of others. Tandaan mo, isa kang Maria Clara sa makabagong panahon. Ipakita mo kung sino at ano ba talaga ang tunay na Maria Clara sa panahon ngayon. Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

15


n a y u D g n y o g Sa U Sa Panulat ni: Zharlyn Valmonte Larawan: Luz V. Minda

T

umingin ako sa paligid ng aking tinutuluyan. Sa tinagal-tagal ng panahon na naririto ako sa lugar na ito, masasabi ko na ni isang araw na pamamalagi ko rito ay wala ng ipinagbago makalipas ang malagim na trahedyang sinapit ng aming bayan. Tulad na lamang ngayong gabi: ang madilim, malamig, nakaririnding katahimikan – ang bumubuo sa aking kamalayan dito sa mundong aking ginagalawan. Alam kong marami pang bagay ang maaaring maisalarawan sa aming lugar. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon.

Mula sa aking silid, naririnig ko na ang pigil na paghikbi ng aking ina. Ang kanyang sunud-sunod na paghikbi ay tila nakadaragdag sa kalungkutan ng aking daigdig. Sa tuwing nangyayari ang mga ganitong bagay, napapabuntong hininga at napapailing na lamang ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mawari ang tunay na dahilan kung bakit lagi na lamang nangyayari ito. Hindi ko alam ang damdaming umaalipin sa kanya.

Dahil sa ako‟y bata pa lamang, wala akong ibang alam na maaaring dahilan ng laging pag iyak ng aking ina. Minsa‟y nagtanong ako sa kanya kung ano ang dahilan at lagi ko na lamang siyang naririnig na humihikbi, ang lagi lamang niyang sinasabi ay huwag ko na lamang iyon pansinin. Bagama‟t ako‟y batang walang muwang sa mundo, alam ko na may hindi magandang nagyayari. Hindi siya iiyak gabi-gabi kung wala siyang dinadalang paghihirap sa kanyang dibdib. Ngunit kahit na may dinadala siyang walang katumbas na sakit o pasakit, ni minsa‟y hindi nya ipinakita na malungkot siya. Sa halip na lungkot ang makita ko, matamis na ngiti at kasiyahan sa kanyang mga mata ang aking nakikita.

Maliwanag na sa labas ng aming bahay nang ako‟y bumangon. Sa pagkakataong iyon, may ngiti sa aking mga labi at nagtungo ako kung nasan palagi ang aking ina. Sa hindi malamang pangyayari, bigla na lamang akong kinabahan. Nang makapunta ako sa aking destinasyo, sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pananakit ng aking ama sa aking ina. Hindi ko alam ang aking gagawin ng mga panahong iyon kundi ang manood na lamang sa ginagawang pagmamaltrato niya. Puno na ng mga luha ang mukha ng aking ina. Labis na kinakikitaan ang sakit na nararamdaman tuwing dumadait sa balat ng aking ina ang palad ng aking ama. Unti- unti kong nakikita ang dugo mula sa labi ni ina. Habang nakikita ko ang mga pangyayaring ito, hindi ko na napigilang mapaluha. Sobra na ang ginagawa ni ama kay ina. Nang muling lalapat ang palad ng aking ama, dali-dali na akong lumapit sa kaawaawa kong ina. Hindi dapat niya nararansan ang mga ganitong bagay. Isa siyang mabuting ina. Hindi siya katulad ng ibang babae na puro pasarap lang sa buhay ang alam at pag may nabuo, ipinalalaglag na lamang ang bata. Isang matinong babae ang aking ina.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

16


Dahil sa paglapit ko sa aking ina, napatigil ng bahagya ang aking ama. Laking gulat ko ng makita ko sa kanyang mga mata ang labis na sakit at galit. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasaktan si ina.

Yinakap ko ng mahigpit si ina na ngayo‟y humahagulgol na.

“Umalis ka diyan Nelson! Kung ayaw mong sa iyo ko ibaling ang galit ko diyan sa magaling mong ina.” Galit na wika ni ama sa akin. “Bakit n‟yo po ba sinasaktan si ina? Wala naman po siyang kasalanan ah? Ano po ba ang dahilan ha ama?” Wika ko nang makita kong sasaktan niyang muli si ina. “Pumunta ka na sa iyong kwarto Nelson! Wala kang alam dito kaya umalis ka na!” Nanggagalaiting sabi ni Ama.

“Paano ko po malalaman? Hindi ko po kayo maintindihan eh. Hindi ninyo sinasabi sa akin kung ano ang dahilan kung bakit n‟yo sinasaktan si ina. Lagi ko na lamang po siyang naririnig na umiiyak. Lagi na lang po bumabagabag sa aking isipan ang tunay na dahilan kung bakit umiiyak sya. Ano po ba talaga ang dahilan? Hindi po ba kayo naaawa sa hitsura ni ina? Pumutok na po ang gilid ng kanyang labi. Hindi pa rinpo ba kayo tumitigil?” Tila natauhan ang aking ama sa aking mga sinabi at bigla na lamang siyang umalis ng walang paalam kung saan pupunta.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, agad kong tinulungan si ina na itayo at iupo sa upuan. Ginagamot ko ang sugat sa gilid ng labi niya nang bigla siyang magsalita. “Kahit na anong mangyari anak, huwag na huwag kang magtatanim ng galit sa iyong ama. Mahal na mahal niya tayo. Maliwanag pa sa sikat ng araw na lagi niyang sinasabi na mahal niya tayo. May bagay lang na hindi namin napagkaunawaan kaya nangyari ang pangyayaring iyon.” “Opo ina. Hindi naman ho ako nagalit sa kanya. Nagtataka lamang po ako kung bakit niya kayo sinasaktan. Lagi ko na lang po kayong naririnig na umiiyak. Kahit hindi ninyo sabihin sa akin. Alam kong may problema kayo.”

Nang mga sandaling iyon, tila natigilan si ina at napabuntong hininga na lamang siya. “Basta anak. Mahalin mo lang ang iyong ama tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo at sa akin. Sa ngayon hindi ko pa masasabi sa iyo ang dahilan kung bakit nangyayari ito.” Malungkot na wika ni ina. “Ayos lang po iyon. Hindi ko po kayo pinipilit na sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. Handa po akong maghintay hanggang sa maging handa na po kayong sabihin sa akin ang lahat.” Sa sinabi kong iyon. Nakita ko ang matamis na ngiti ni ina. Ang ngiti niya ay tila nakahahawa kaya sa di malamang dahilan, napangiti na rin ako.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi pa rin nagbabago ang mga senario na nangyayari sa loob ng aming bahay. Tulad ng nangyari nung araw na iyon, ganoon na lang palagi ang nangyayari. At pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, lagi akong nagtutungo sa aking silid upang mag isip. At sa tuwing nasa loob ako ng aking kwarto, ang isang maliit na kahon na nakalagay malapit sa salaminan ko ang laging pumupukaw sa akin. Tila nanghihikayat na kunin ko ito at buksan. Hindi ko alam ang nasa loob niyon sapagkat ni isang Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

beses ay hindi ko pa iyon nabubuksan. Natatakot akong buksan iyon. Hindi ko alam kung bakit.

Sa pagkakataong iyon, tila nagkaroon ako ng lakas para buksan ang nasabing kahon. Nang mabuksan ko na iyon ay laking gulat ko ng malaman kong isang napakagandang kwintas ang nilalaman niyon. Hindi ko alam na may ganito pala ang aking ina. Napakaganda niyon. Tila isang bituin sa kalangitan ang ningning no‟n. Dahil sa katuwaan na aking nadarama ng makita iyon, dali-dali akong bumangon at nagtungo sa sala na kung saan andoon ang aking ina.

Nang malapit na ako sa sala, narinig ko ang boses ni ina. “Hanggang ngayon ba‟y hindi ka pa rin nakalilimot Charles? Alam mo at alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Hindi ko alam na hindi ikaw taong yaon. Magkahawig kayo ng taong yaon. Hindi lamang sa mukha, pati na rin sa kilos at pangangatawan. Huli na ang lahat nang malaman ko ang totoo. Alam mo din na niligawan niya ako pero hindi ko siya sinagot dahil ikaw ang mahal ko. Hindi mo pa rin ba iyon nalilimutan?” Hindi na nakasagot ang aking ama dahil naramdaman na nila ang aking presensya. Nakita kong nakatayo ang aking ama. Ang aking ina naman ay nakaupo at umiiyak.

Nanlilisik na tumingin sa akin si ama at biglang tingin sa kwintas na hawak ko. “Saan mo nakuha ang bagay na iyan Nelson?!” Galit na galit na wika ni ama. “Sa aking kwarto po. Nakalagay malapit sa salaminan ko po.” Tapat na sagot ko kay ama. Galit na tumingin siya sa kwintas pagkatapos ay tumingin din siya sa akin. Takot. Takot ang una kong naramdaman ng tumingin siya sa akin. Alam kong may ibig ipahiwatig ng tingin na iyon ngunit hindi ko alam ang ibig niyang iparating sakin.

Mula noon lalong gumulo ang aking isipan. Ano ba ang mayroon sa kwintas na iyon at ang laki ng galit ni ama doon? Wala namang ginagawa ang kwintas na iyon ah? Itinago ko na lamang ang kwintas at hindi ko na pinakialaman pa. Alam kong may misteryo sa likod ng kwintas na iyon. Hindi ganoon ang magiging reaksyon ni ama kung wala silang tinatago. Alam kong si ina lamang ang makasasagot sa aking mga katanungan. Pero handa akong maghintay.

Ngayon, nilapitan ko ang aking ina na sobrang lalim ng iniisip. Malungkot siya. Hinalikan ko ang likod ng kanyang palad. Gusto kong magtanong ng tungkol sa kwintas ngunit, alam kong hindi siya handang sagutin ang mga katanungan ko. Natigil ako sa pag-iisip ng namalayan kong napatitig na pala ako sa magandang mukha ng aking ina.

“Alis ka na Nelson. Malapit nang dumating ang iyong ama mula sa palengke. Kailangan mo nang puntahan siya.”

Sa labas ng bahay, sumalubong sa akin ang magandang sinag ng araw na kung saan nagbibigay ng liwanag sa aming magandang bayan. Nagsimula na akong maglakad. Malayo-layo rin ang palengke sa aming bahay kaya nang makarating ako sa palengke pinagpawisan agad ako. Wala si ama sa kanyang pwesto sa palengke ng makarating ako doon kung kaya‟t naisipan kong maglibot muna malapit sa palengke. Habang naglilibot, may narinig akong tumutugtog

17


ng piano at umaawit „di kalayuan sa aking kinatatayuan. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng awiting aking naririnig. Ang sarap pakinggan ng awiting ito.

“Ang pag-ibig niya ay walang kapantay Pagmamahal na hangad panghabambuhay Itong nadaramang aking itanataglay Kaligayahan hanggang sa sumakabilang buhay”

Napadpad ako sa isang malaking bahay. Tumigil ako sa harapan at pinakinggan kong maigi ang awitin. Napakasarap talaga sa pakiramdam na marinig ang awiting yaon lalo na sa malapitan. Kahit na isang malungkot na awitin iyon, hindi ko mapigilang humanga sa kumakanta. Nararamdaman ko na may mabigat siyang dinadala na kahit na sinong makarinig ng awitin niya‟y mararamdaman din ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa sarili. Bigla na lamang akong pumasok sa bakod at sumilip sa bintana. Doon, nakita ko ang taong tumutugtog at umaawit. Maganda ang pangangatawan at masasabi kong gwapo siya kahit na may katandaan na siya. Pakiramdam ko‟y nakita ko na ito sa kung saan. Pamilyar ang mukha nito para sa akin. Pinakinggan kong muli ang awiting kanyang inaawit. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ang lalaking tumutugtog sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tumigil siya at ngumiti sa akin. Nagulat ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin, doon na ako natauhan. Tatakbo na sana ako ng pigilan niya ako. “Saglit lang. Huwag kang matakot sa akin.” Nakangitiniyang wika sa akin. Dahil sa sinabi niya, nawala ang takot na aking nararamdaman.

Muling humarap ako sa kanya. Tumingin ako sa kanyang mukha. Sa kanyang mata. Hindi ko alam sa sarili kung bakit sa mata ng taong nasa harapan ko ako unang tumingin. Masaya ang matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa pagtingin ko sa mata ng taong iyon ay nakaramdam ako ng kaligayahan. Magaan ang aking loob para sa kanya.

Laking gulat ko ng bigla na lang niya ako yakapin. Mahigpit na yakap. Yakap na alam kong kayang promotekta sa akin kung sakaling may mananakit. Yakap na hinahanap-hanap ko ng ilang taon. Sobrang kaligayahan ang aking nadarama sa pagkakataong ito.

Nang humiwalay ito ng pagkakayakap, matamis na ngiti ang agad na bumungad sa akin. “Ang laki mo na. Dati-rati‟y pagnakikita kita eh ang liit liit mo pa. Ngayon, magbibinata ka na pala.” Masayang wika niya sa akin. Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Dati-rati pag nakikita niya ako? Wala akong matandaan na nagkita na kami kahit na pamilyar ang mukha niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya.

** *

Hindi ko namalayang ang oras. Nagtagal na pala ako dito kung kaya‟t nagulat ako ng makita ko ang aking ama sa labas ng bahay. Galit ang kanyang mga mata na tila‟y may apoy na nag-aalab na nakatingin sa bahay kung saan naririto ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na naandirito ako. May nagsabi kaya sa aking ama?

“Nelson! Lumabas ka di‟yan! Makakatikim ka sa akin ngayon bata ka!”. May diin ang bawat salitang binibitawan niya. Malalaman mong galit na talaga ito. Natatakot ako ngayon. Natatakot ako sa maaaring gawin ng aking ama. Niyakap lang ako ng taong katabi ko at ngumiti sa akin. Sa ginawa niya, kumalma ako.

Lumabas kami ng bahay. Dahil sa galit ng aking ama, masakit ang kanyang ginawang paghablot sa aking kamay. Mahigpit at sobrang sakit. Hinayaan ko na lamang iyon dahil alam kong may kasalanan din ako dahil tumagal ako sa bahay ng taong nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan. Umalis na kami roon.

Nang makarating kami sa aming bahay, dali-daling itinulak ako ng aking ama sa sala – sa pader ng sala. “Ano bang pumasok sa kokote mo at pumasok ka sa bahay ng walang modong iyon!” Asik ng aking ama sa‟kin. Siguro‟y sa sobrang lakas ng pagkakasabi ng aking ama, narinig na ito ng aking ina kaya may narinig akong mga yabag na nagmamadali papunta sa akin. Ang aking ina. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sobrang gulat at takot – takot na saktan ako ng aking ama.

“Ano ba Charles! Huwag mong saktan si Nelson! Wala siyang kasalanan dito! Kung anoman ang nangyari sa nakaraan, huwag mo sa anak natin ibunton ang galit na iyan!” Wika ng kanyang ina. Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

18


“Sino ba ang may pahintulot jan sa anak mo na pumunta na lang doon ng basta-basta sa malaking bahay na malapit sa palengke? Hindi siya nagpaalam sa akin! Alam mo kung gaano ako kagalit sa taong yaon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaganito!” Galit pa ring wika ng aking ama. Nakita kong susuntokin na niya ako. Ipinikit ko na ang aking mga mata sa takot. Hinihintay kong lumapat ang kanyang kamao ngunit nabigo ako doon dahil ilang sigundo na ang nakalilipas ay wala pa rin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang aking ina na nasa harapan ko. Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang aking ina. Sinalo niya ang suntok na dapat ay sa akin.

Mabilis akong umagapay sa aking ina. Nakita ko ang putok sa gilid ng kanyang labi. Nagalit ako sa aking ama. Wala siyang karapatan na saktan ang aking ina!

“Ano po ba ang problema n‟yo aking ama? Wala naman po akong nakikitang mali sa ginawa ko. Kung mali man po iyon, sana‟y pinalayas na ako ng taong nakatira doon! Isa pa‟t anong masama kung pumunta man ako doon sa bahay na iyon. Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, labas na ako doon! Huwag na huwag mong sasaktan ang aking ina. Hindi ba‟t mahal niyo siya? Kung gayon, bakit nyo siya sinasaktan ng ganito? Araw-araw ko na lang siyang naririnig na umiiyak. Hindi ba kayo naaawa?” Hindi na ako nakatiis at kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang dati rati‟y nasa utak ko lamang.

“Huwag kang magsalita! Wala kang alam! Kung hindi lang dahil sa kamalian na ginawa ng iyong ina, sana ngayon ay masaya na kami!” “Paano ko po ba maiintindihan? Sa tuwing tinatanong ko kayo kung ano ang mga kaganapag naganap na itinatago n‟yo sa akin eh hindi ninyo sinasabi sa akin. Nahihirapan na po akong unuwain kayo ng paulit ulit. Sabihin n‟yo kung ano ba iyang problema nyo ng maayos na itong problemang namamagitan sa inyo ng aking ina.” Naiinis na talaga ako. Bakit ba nila ipinagkakait ang karapatan kong malaman ang mga nangyayari sa paligid ko.

“Kahit anong gawin mo, hindi na kailanman maayos ang problemang ito!” Sigaw na aking ama sa akin. “Hindi din naman papayag ang ina mo kung sakaling sabihin ko.” Dagdag pa niya. Dahil sa sinabi ng aking ama, nagmamakaawang tumingin ako sa aking ina.

“Ano po ba iyon? Ina, nagmamakaawa po ako sa iyo. Sabihin n‟yo na sa akin ng maayos na ito.” nagsusumamong sambit ko sa aking ina. Gusto ko na talagang malaman kung anoman ang itinatago nila sa akin.

“Anak, mangako ka munang hindi ka magagalit.” malungkot na sabi ng aking ina. Bilang sagot ay tumango na lamang ako.

“Anak . . . Hindi ka tunay na anak ng ama mo. Anak kita sa ibang lalaki.” Nahihirapang wika ng aking ina. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Kaya ba ganoon na lamang ang pakikitungo ng aking ama? “Paano pong hindi siya ang aking ama? Hindi po Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

ba‟t . . .” “Inakala ko ang lalaking katabi ko ng panahong iyon ay ang iyong ama. Hindi ko inaakalang hindi siya iyon.” Gulat na gulat ako sa aking mga nalalaman. Hindi ko alam ang tungkol dito.

Habang tulala ako, bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang larawan ng lalaking yumakap sa akin. Kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin. Nakita ko na ang mukhang iyon. Araw-araw. Tuwing tumitingin ako sa salamin sa aking kwarto. Tumingin siya sa kinikilala niyang ama.

“Kaya po ba ayaw n‟yo akong mapalapit sa lalaking nakatira doon sa malaking bahay na malapit sa palengke? Kaya ba ama?” Nanginginig na sambit ko. Sana‟y hindi ko na lang sila kinulit na sabihin sa akin ang totoo. Naiiyak akong tumingin sa dalawa na sa ngayo‟y mga nakatungo.

Walang sabing umalis ako sa loob ng bahay. Hindi ko nakaya ang mga kaganapang nagaganap doon. Hindi ko inaasahan ang mga matutuklasan ko. HIndi ko alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako ng lakad nang mapadpad ako sa malaking bahay na malapit sa palengke. Pumasok ako sa loob noon. Hindi ko din inaasahan ang maaabutan ko sa loob ng bahay iyon. Ang lalaking yumakap sa akin kanina lang ay nakahiga na sa malamig na semento. Maputla ang kanyang kulay. Dali-dali akong lumapit sa kanya at lalo akong nagulat ng hawakan ko ang kanyang dalawang kamay. Malamig. Malamig na tila yelo na. Hinanap ko agad ang pulso niya upang kumpirmahin ko kung talagang tama ba ang nasa aking isipan.

Nang pinakiramdaman ko ang kanyang pulso, unti unti akong nanginginig na ibinaba ang kanyang mga kamay at patuloy na umaagos ang aking mga luha.

“Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nalaman ko na ang katotohanan?” Umiiyak na saad ko. Ang taong nagparamdam sa akin na kaya niya akong protektahan sa kahit na sino. Ang taong nagpadama sa kanya na kumpleto na siya kahit sa sobrang ikli ng panahon. Ang taong iyon ay wala na. Patay na.

***

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilang araw na akong parang wala sa sarili. Hindi ako makausap ng matino ng aking mga magulang. Kapag kinakausap nila ako, hindi ako sumasagot. Masakit sa dibdib. Kahit na isa akong lalaki, masakit pa din. Nasasaktan din ang mga kagaya ko.

Gabi na ng araw na iyon. Pumunta ako sa tindahan at bumili ng makakain. Pumunta ako sa tirahan ng aking tunay na ama. Nanatili lamang ako doon. Ilang beses na akong pumupunta dito. Kapag wala akong magawa, dito ako tumatambay.

“Andito na muli ako aking ama. Kumusta ka na diyan sa langit? Nami-miss na kita. Kung nalaman ko lang ng mas maaga, ako ang mag aalaga sa iyo. HIndi ko man kayo nakasama ng matagal, gusto ko lamang po malaman mo na mahal na

19


mahal ko po ikaw ama.” Nakangiti kong sabi habang nakatingin ako sa litrato ng aking ama.

Nalaman ko na ang kwintas na nakita ko malapit sa salaminan ko ay ang kwintas na tanging bigay ng aking tunay na ama. Kaya pala galit na galit ang aking kinikilalang ama ng makita iyon.

Nang mamatay ang aking ama, nalaman kong may dinadala pala siyang sakit. Sakit na kung saan walang pang gamot ang makalulunas dito.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa bahay ng aking ama. Tatayo na sana ako ng may marinig akong mga yabag at malalakas na halakhakan ng mga lalaki sa labas. Hindi ordinaryong halakhak iyon. Halakhak na nakakatakot. Mas pinili kong hindi kumilos sa loob ng sa gayon ay wala akongng mailikha na anumang ingay.

pangyayari.

Nami-miss ko na ang mga haplos ng aking ina. Gusto ko na siyang makasama. Gusto ko ng mayakap pero alam kong hindi na mangyayari iyon. Nakalulungkot man pero ito na ang aking kapalaran. Kahit gusto ko makabalik sa nakaraan upang maranasan muli ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng aking ina, wala na.

Nang maihanda ko na aking mga gagamitin para maisakatuparan ko ang aking planong paghihiganti sa taong pumatay sa mga inosenteng tao. Tumingin ako sa paligid ng aking tinutuluyan. Sa tinagal-tagal ng panahon na naririto ako sa lugar na ito, masasabi ko na ni isang araw na pamamalagi ko rito ay wala ng ipinagbago makalipas ang malagim na trahedyang sinapit ng aming bayan.Tulad na lamang ngayong gabi: ang madilim, malamig, nakaririnding katahimikan – ang bumubuo sa aking kamalayan dito sa mundong aking ginagalawan. Alam kong marami pang bagay ang maaaring maisalarawan sa aming lugar. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon….

Habang ako ay tahimik na nag-iintay sa loob, narinig ko ang mga sinabi ng lalaki na gumimbal sa aking mundo.

“Boss! Wala ng natitirang buhay sa lugar na ito. Lahat po ay napatay na namin.” Dahil sa narinig ko, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Umiyak na lang ako ng tahimik. Ayaw ko pang mamatay. Kaya mas pinili ko ang manahimik na lamang.

“Ina, magagawa ko na kayong ipaghiganti sa mga taong pumatay sa inyo at sa lahat ng taong nakatira dito sa bayan...”

Lumipas ang buwan. Sa aming bayan, ako na lamang ang natirang buhay. Napag-alaman kong ang nagpapatay sa mga taong inosente ay ang taong may galit sa dating Mayor namin at sa mga taong nakatira dito sa kadahilanang hindi ito ibinoto noong panahon ng halalan. Labis akong nagagalit dahil pati mga magulang ko ay dinamay. Hindi lamang ang aking magulang pati na din ang mga inosenteng nakatira sa aming bayan. Mga batang kasisilang pa lamang at ang mga batang wala pang kamalay-malay. Napaka sakim ng taong gumawa nito.

***

Ngayon ay nagpaplano ako kung paano ko maipaghihiganti ang aking mga magulang lalo na sa aking butihing ina. Gusto ko ng hustisya para sa hindi magandang sinapit nito. Kahit buhay ko pa ang kapalit, gagawin ko. Hindi ako makapapayag na wala na lamang akong gagawin.

Habang nag-iisip ako ng mga planong aking gagawin para maipaghiganti ang aking mga magulang lalong lalo na aking aking ina, naalala ko ang mga panahong masayang magkasama kami ng aking ina. Kahit na nagalit ako dati, nagawa ko ng patawarin siya. Naiinis ako sa aking sarili sapagkat kung hindi ko lang pinairal ang galit ko noon, sana‟y nagawa ko pang iligtas ang aking ina.

Naalala ko kung paano niya ako inalagaan, inaruga, minahal. Mahal na mahal ko ang aking ina ng higit pa sa buhay ko. Nagsisisi talaga ako. HIndi na dapat aabot sa ganitong Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

20


Umaga Luz V. Minda

Dumating, ang gabing nagpataob sa aki‟t bumulag, Dumating, ang gabing nagpahina sa aki‟t tumibag. Dumating, mapasaan ma‟y muling babalik Ngunit ika‟y dumating, puso ko‟y pinanhik.

Darating, ang hapong minsan sa aki'y nagpalumbay, Darating, ang hapong minsan sa aki'y nagpahinay. Darating, mapasaan ma‟y di na babalik Dahil ika‟y darating, isip ko‟y nanahimik.

Mananatili, ang umagang sa aki‟y nagpasaya,

Almusal Maebe Jane Paderna

Mananatili, ang umagang sa aki‟y nagparaya. Mananatili, at patuloy akong maghahanda Dahil ika‟y dumating, umaga ko‟y pinaganda.

Sa umaga'y nagising, Sa amoy ng masarap na pagkain. Gutom ko ay kailangang pahupain, Agarang tumayo upang makakain. Sinangag na kanin, Ni Inay ay inihain. Kasama ang mainit na gatas, At masustansyang prutas. Masayang nag salo-salo, Para sa grasya ng Diyos. Na di maubos-ubos, Sympre simulan ang almusal

Almusal Zelyn Yan

—sa dasal. Pagkatapos n‟un ay ang pagkagat ko, Sa masarap na pandesal. Oh! kay sarap ng aking almusal Lalo na at kasama ko ang pamilya kung mahal.

Unang pagsasalo sa unang sikat ng araw, Unang salita kasabay nang paghigop ng kape, Unang hakbang, kasabay ng pagsubo ng pandesal. Unang ngiti sa umagang kay ganda. . . Kasabay ng pagbati ng: “Magandang umaga, Inay at Itay, Kapatid at kaibigan.” Unang salu-salo sa unang bungad Ng masiglang umaga. Unang pagsasama sa hapag-kainan, Bago gawin ang mga bagay Na nakatakdang gawin ng bawat isa.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

21


Sabik Coleen Magtibay

Ang Ina ko'y binuksan yaring kapis naming bintana, Sinag ng araw ay agad lumagos at nanghalina,

Tuyo’t Daing Jeng Guansing de Dios

Mga mata ko'y nasilaw, antok ay di na alintana, Mumukat-mukat ako at naisipang bumangon na.

Kalantog ng kaldero ang gumising sa kanya Kasunod ang pagtalak ng mahaderang ina

Tiniklop yaring kumot at inayos aking higaan,

Umiktad siya, tumagilid at gumulong pa sa kama

Nanghilamos, nagsuklay at bumaba na'ko ng hagdan,

Ngunit mata‟y muling ipinikit, siya raw ay antok pa.

Ako ay agad nakalanghap ng bangong pang-agahan, Aking natantong yaong niluluto'y may kasarapan.

Maya-maya‟y narinig niya, isang malakas na kalabog Sa pinto ng kanyang silid, aba‟t utak niya‟y naalog

Bumungad sa aming mesa ay sinangag na may tutong,

Kaagad na banat ng ina‟y isang malupit na sapok

Sa kaliwa nito'y ilang isdang danggit na malutong,

Sabay wikang, “Aba‟t Berto, ikaw nga‟y „wag patulog-tulog!”

Naro'n din ang paborito ni Itay na tortang talong, Meron ding nakahain na sariwang pritong galunggong.

Ang Berto‟y kaagad na bumangon, sa ulo‟y pakamot-kamot Ina‟y „di man lamang pinansin, mukha‟y lubos ang simangot

Mabango na tapa, tocino at pati longganisa,

Kahit pa nga talak nito‟y pilit pa ring nanunuot

Na may nakahandang kanyang sawsawan at kanyang sarsa, Pritong tuyo, tinapa, hotdog at itlog na ginasa,

Sa utak niyang anong liit, malaki pa ang ga-kurot.

Isawsaw sa suka o ketchup ay tunay na malasa.

“Inay, ano bang ating almusal?” pahinamad niyang wika.

Samahan pa ng 'sang supot ng mainit na pandesal,

“Magbuklat ka at gamitin ang „yong mata!” sigaw naman ng ina.

At palamanan ng hiniwang keso na makapal,

“Tuyo‟t daing? Talaga po bang wala ng iba?”

Kape o gatas na sakto lang ang timpla at asukal,

“Aba‟t magtigil ka! Ikaw ba ngayo‟y sosyal na?”

Dama ko na ang Ina namin ay sobra kaming mahal. Si Berto‟y hindi na kumibo upang maiwasan ang gulo Ito yung napakasarap paggising mo sa umaga,

Kapag siya‟y nangatwiran at sadyang „di nagpatalo

Ang matanto mong ikaw ay pinagpala sa aruga,

Mahuhuli siya sa eskwela, sasakit pang kanyang ulo

Sabay-sabay kayong mag-almusal, kaysaya talaga,

„Pagkat malamang sa hindi, mabalibag siya ng kaldero.

Galing ni Nanay sa pagluluto ay sadyang hiwaga. Tuyo at daing na naman, almusal niya‟y anong saklap Ako ma'y umiiyak minsan at loob nanghihina,

Ayon nga sa kanyang ina‟y pagkain nilang mahihirap

Tinitiis ko't ilang buwan ay makakabalik na,

Kaya‟t ang wika nito‟y, “Mag-aral ka‟t magsumikap

Bansang pinagtatrabahuhan, lilisanin ko muna,

upang sa „yong almusal, makalasap ng masarap.”

Sabik nang matikman ang almusal na luto ni Ina.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

22


Minsan may Isang Musmos Panulat || Frozen_Hart Larawan || Luz V. Minda

Minsan may isang musmos na ang pangalan ay Pendelton, Laruan niya‟y mga bote, kahoy na bloke, at kariton. Mga dami‟t niya‟y tila mga pinagtagpi-tagping retaso, Panawid gutom niya minsa‟y tinapay lamang na kapiraso.

Minsan may isang musmos na ang isipan ay pahat, Buto‟t balat na kung maglakad dahil sa kaniyang pagkapayat. Ngunit sa murang edad, responsable na at maaasahan, Paggising sa umaga, hahabulin ang bisikleta ng tinapay para lamang sa agahan.

Minsan may isang musmos na ang nais lang ay maglaro, Ngunit dahil sa hirap ng buhay, ginagawa na lamang ito nang patago. Sapagkat, kapag nahuli ng ina –agad itong magagalit, Sa bawat bulyaw at palo ng tsinelas, kaakibat nito‟y pasakit.

Minsan may isang musmos na kinulang sa pagkalinga, Sapagkat, kapag lasing ang ama –latay ang abot sa tuwi-tuwina. Puso niya‟y nabalot ng lungkot, pagtataka at hinagpis, Pikit-mata sa pagluha, tahimik lamang na nagtiis.

Minsan may isang musmos na nangarap ding lumaya, Ngunit swerte ay mailap, tila binigo siya ng tadhana. Karapatan sa edukasyon, sa kaniya ay pinagkait, Dapat sana‟y magandang buhay, naranasan niya‟y pait.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

23


Si Lola Kalakal Panulat || Froilan F. Elizaga Larawan || Google Images

Isang araw, patungo ako sa paaralang pinapasukan ko. Maaga naman akong nakasakay pero pagdating sa Taft Avenue, naipit ako sa matinding traffic. Nauyam ako sa tagal ng paghihintay, kaya naisipan kong bumaba na lang upang maglakad patungong Mabini.

Sa aking paglalakad, napansin ko ang matandang babae na naghahalukay sa basurahan. Kinukuha niya ang basurang maari pang ibenta at pakinabangan.

Naawa ako sa kanya. Naalala ko kasi ang nanay ko sa probinsya. Ayaw kong danasin ito ng aking minamahal na ina. Nahapis ang aking maawaing puso, kaya nilapitan ko siya. "Magandang araw po!" Malambing ang boses ko. Sapat para hindi niya ikagulat o ikatakot. Tapos, isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko nang lumingon siya sa akin. Hindi man siya ngumiti, alam ko hindi naman siya natakot sa akin.

"Ano ang atin, apo?" Matanda na talaga ang tono ng boses niya. Ang tantiya ko ay nasa animnapu't walo na siya. Kulu-kulubot na ang kanyang kamay. Halos, puti na ang kanyang mga buhok .

"Lola, nag-almusal na po ba kayo?" Kaswal lang ang tanong ko. Parang matagal na kaming magkakilala o talagang kami ay maglola.

"Hindi uso ang almusal sa akin, apo." Matabang. Ipinagpatuloy niya ang pagpili ng mga basura. "Simula ng mabalo ako, dalawang beses na lang ako kumakain sa isang araw. Mas malimit pa sa eklipse ang pagkakataong ako ay nakakakain ng agahan. Kung sinuswerte sa pangangalakal.."

Mas lalo akong nahabag kay Lola. Hindi agad ako nakaisip ng isasagot. "Ngayon po, makakapag-almusal na po uli kayo. Tamang-tama hindi pa rin po ako kumain." Pilit kong pinapasaya ang tinig ko para hindi siya mailang sa akin. Nais kong ipadama sa kanya na malinis ang hangarin ko sa pagyakag sa kanya upang kumain ng agahan. "Kain po tayo sa Jollibee. Gusto niyo po ba? Libre ko naman po."

Lumiwanag ang mukha ni Lola. Tila bumata siya ng walong taon nang ipasilip niya sa akin ang kanyang ngiti. Tapos, nagmadali siyang iligpit ang mga kalat niya. Inakma ko pang tulungan siya, pero sinabi niyang huwag na kasi nakapostura ako. Madudumihan pa daw ako. Maalalahanin siya. Naisip niya pa ang kasuotan ko kesa sa kumakalam niyang sikmura.

Inalalayan ko na lang siyang tumayo. Marahan at maingat ko siyang pinatayo.

Medyo baluktot na ang kanyang likod. Mas bumaba tuloy siyang tingnan. "Let's go, Lola!" Nginitian niya ako ng napakatamis. Sinuklian ko siya ng isa ring sakarina. Alam ko, may tiwala siya sa intensiyon ko. Naramdaman ko na ito ang unang pagkakataong may nang-alok sa kanya ng isang agahan.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

24


Handa akong lumiban sa klase para lamang mapasaya si Lola. Ito ang unang pagkakataong gagawin ko ito sa aking kapwa. Wala naman akong hangaring masama o anupaman, maliban sa tumulong. Hindi ko rin balak na magpasikat sa social media.

Hindi niya sa akin binigay ang malaking plastic bag na may lamang mga kalakal o mga recyclable materials. Medyo mabigat din iyon, ngunit di niya ako pinagbigyang bitbitin ko iyon. Inulit niya ang salitang postura. Sobrang maalalahanin niya talaga.

Tumawid kami ng kalsada, habang hawak ko ang lolang-lola niyang kamay. Ramdam ko ang hirap na pinagdaanan niya sa buhay. Naalala ko ang aking ina, kumusta na kaya siya. Naalagaan pa kaya siya ng dalaga kong anak. Tumigil na kaya siya sa paghahalaman at pagbubungkal ng lupa?

"Huwag na tayong sumakay, apo." sabi niya nang akma akong papara ng dyip.

"Bakit po? Doon po tayo sa Pedro Gil, malayo-layo din po iyon."

"Malapit lang yun, nilalakad ko nga lang ang Sta.Ana." Binitiwan niya ang kamay ko at nagsimula siyang maglakad. Bago ako sumunod, napansin ko muna ang paika-ika niyang paglalakad. Nakapaa din siya. Ang talampakan niya ay kay-itim at nagbibitak-bitak na. Naaawa akong lalo sa kanya.

Naisip ko, nasaan kaya ang mga anak niya? O, may anak kaya siya? May kasama kaya siya sa bahay? Bago, pa nakalingon si Lola, nakahabol na ako sa kanya. Hindi ko na inabot ang kanyang kamay para alalayan sa paglakad. Para kasing nahiya na ako.

Habang naglalakad kami, tinanong ko siya kung nasaan ang kanyang pamilya. Humangos siya bago sumagot. "Wala na akong pamilya." Kaswal lang na tinuran ng matanda. Hindi ko na tuloy alam ang susunod na tanong. Ang nasabi ko lang ay mahabang aah.

"Masalimuot ang buhay, apo.. Kailangan mong paghandaan ang buhay at bukas." Matalinghaga si Lola. Hindi ko kaagad naunawaan ang sinabi niya. "Hindi ka makakatakas sa pagsubok ng Diyos. Ngayon, mayroon ka.. Bukas...maaaring mawala lahat sa'yo ang mga iyan..sa isang iglap."

Nanghilakbot ako. Manghuhula ba dati si Lola? Grabe, advance ang kanyang isip.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang pinilipit ang dila ko. Gusto kong itanong kung bakit niya sinasabi ang mga iyon sa akin, ngunit di ko maibuka ang aking bibig, hanggang sa magsalita uli siya. Pero, sa tonong garalgal. Hindi ko makita ang mga mata niya, dahil natatakpan ito ng magulo niyang buhok. Alam ko, naiiyak siya. Na-gets ko na. Marami ngang pagsubok na nadaanan ang matanda kaya niya sinabi ang mga bagay na iyon sa akin.

"Mayaman ang mga magulang ko dati. Ipinanganak nga daw akong may gintong kutsara sa bibig. Nakapag-aral ako sa pribadong kolehiyo. Nabibili ko lahat ng nais ko. Nakakain ko lahat ng gusto kong kainin. Hindi lang tatlong beses kami kong kumain sa isang araw. Apat. Lima... Nakahiga ako sa malambot na kutson. Nakatira sa magarang bahay. Maraming kaibigang kapwa namin mayayaman. Maraming manliligaw.. Pero, bakit ganun, apo? Bakit ganito ako ngayon?" Tumigil siya sa paglakad at pinunasan ang mga luha ng nangingitim niyang mga daliri. At, muli siyang naglakad ng marahan.

Tahimik na kami at hindi na siya nagsalita hanggang marating namin ang kalye ng Pedro Gil.

Pinagbuksan kami ng salaming pinto ng guwardiya, ngunit hinarang niya si Lola. Bawal daw ang basurang bitbit niya. Nainis ako sa guwardiya. "Hindi po iyan basura! Pera po iyan!" Ngumisi pa ang sikyung pangit. Ang sarap sipain. "Papasukin mo ba kami, kasama ang pera ni Lola o irereport ko kayo sa..." Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay pinapasok na niya kami.

Pinaupo ko muna si Lola sa upuang kutson. Sa apatan kami pumuwesto para may lugar ang kanyang kalakal. Kaya lang nagtitinginan sa amin ang mga parokyano. Parang nandidiri sila. Kaya, tinitingnan ko rin sila na tila nagtatanong ako kung ano ang problema nila. Bawal bang kumain sa food chain ang madungis? Tapos, kukunutan ko pa sila ng noo.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

25


Ang mahalaga, hindi iyon napansin ni Lola. Nakita ko ang kasiyahan niya sandaling iyon. Naramdaman ko na napakasaya niya. Hindi niya lang alam na napakasaya ko rin sa oras na iyon. Hindi man ako nakapasok sa paaralan, nakatagpo naman ako ng tao na may inspirasyong hatid.

Iniwan ko sa kanya ang bag ko, pagkatapos kong magpaalam na ako'y pipila lamang para makabili ng pagkain. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang gusto niyang kainin.

Nang nasa pilahan na ako, nagkatinginan kami. Nginitian niya ako. Sinuklian ko ng mas matamis na ngiti. Alam kong marami siyang pinagdaanang hirap sa buhay, kaya sa paraang ito ay mapawi ko man lang ang kanyang gutom.

"Kain na po tayo, Lola!" Masaya kong nilapag ang tray ng mga pagkain. Nakita kong bumilog ang mga mata niya at kiniskis pa ang mga palad na animo'y may alcohol. "Apo, pasensiya ka na..madumi ang kamay ko.." Nahiya siya ng kaunti.

"Halika po, huhugasan ko po ang mga kamay ninyo doon." Tapos, niyakag ko siya.

Ako ang nagsabon at nagbanlaw sa mga kamay niya. Ramdam kong muli ang mga ugat at guhit ng kanyang hirap na pinagdaanan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang aking ina, habang marahan kong hinahaplos ang bawat sulok ng daliri ni Lola. Naalala ko ang aking butihing ina, habang hirap na hirap sa paglalabada, makatapos lamang ako ng pag-aaral. Pareho sila ng mga kamay, naisaloob ko.

"Salamat, apo! Parang hindi ako sanay ng ganito kalinis ang mga kamay ko." Tumawa si Lola ng napakasarap. Nahawa ako, kaya pinagtinginan uli kami ng mga naroon. Wala akong pakialam.

Inabot ko na sa kanya ang hot chocolate. "Mainit po talaga siya, Lola. Ingat po." Pinagbuksan ko siya ng burger at iniabot ko sa kanya ang spaghetti.

"Thank you." Ngumiti uli siya, bago siya humigop ng mainit na tsokolate. Hinalo na rin niya ang spaghetti. Saka lamang akong nagsimulang kumain.

"Lola, paano po kayo naging..." Hindi ko alam kung ano ang tamang salita na hindi siya mao-offend. "Sabi niyo po kasi, mayaman kayo dati. Bakit po? Ano pong nangyari? Pwede ko po bang malaman?"

Hindi ako nagsalita habang nagkukuwento si Lola. Sinisingit-singit niya rin ang pagsubo at paghigop. Mabagal siya magsalita at kumain. Pero, ayos lang hindi naman ako nagmamadali. Pinakinggan ko siya, habang ako rin ay nag-aalamusal.

Wow! Kakaiba ang istorya ng buhay niya. Hindi ko akalaing makakakilala ako ng isang katulad niya sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar. Marami na akong nakilalang tao. Pero, siya ang kumurot ng husto sa aking puso.

Si Lola pala ay isang guro. Sampung taong siyang nagturo sa isang pampublikong paaralan dito sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng isang jeepney driver, na kalaunang lumimas sa kanyang minanang ari-arian. Pagkatapos niyon, namuhay siyang mag-isa. Nadepress. Nagpakalango sa alak at sa bawal na gamot. Napabayaaan niya ang pagtuturo, hanggang natanggal siya sa serbisyo. Bago pa siya, nakabangon ay huli na ang lahat. Hindi na siya matanggap sa bawat aplayan niyang paaralan.

Wala na siyang pera. Nawalan na ng mga kaibigan. Nagpalaboy-laboy na lamang siya dahil wala siyang pang-upa. Sinubukan niyang maghanap ng ibang trabaho. Sa karinderiya. Sa palengke. Namasukan bilang katulong. Hindi rin naman siya nakabangon, bagkus lalo siyang hinila ng kapalaran pababa. Pinagsamantalahan lamang siya ng kanyang among lalaki. Kaya, umalis siya. Gustuhin man niyang magsuplong ay hindi na niya ginawa. Naisip niyang umuwi ng Davao upang makasama ang kaisa-isa niyang kapatid, pero naisip niya ang kahihiyan. Nahihiya siyang malaman ng kapatid niya ang sinapit niya.

Hindi siya umuwi. Nagpatuloy siya sa paglaboy. Kung saan-saan siya natutulog. Nalilipasan siya ng gutom. Nagkasakit siya sa

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

26


tabi ng gusali. Walang tumulong. Walang nagbigay ng awa. Gusto na niya noon mamatay. Gusto na lamang niyang kitilin ang sariling buhay, pero di niya ginawa. Isang lalaking nagbabasura ang nakapansin sa kanya na nagdedeliryo. Kaya, agad siya nitong isinakay sa kanyang kariton. Inalagaan siya ng lalaki hanggang sa gumaling siya.

Sa madaling sabi, nagsama sila. Umibig siya sa lalaking mambabasura, dahil sa utang na loob niya dito. Malaki man ang agwat ng edad nila ay hindi na niya iyon pinahalagahan. Ang mahalaga sa kanya ay ang pagmamahal at respeto sa kanya ng lalaki. Nais din naman niyang magbagong-buhay, at maranasan ito sa pinakasimpleng paraan.

Namuhay sila ng masaya sa kabila ng payak an pamumuhay at sa kabila ng kawalan ng sariling anak. Sabay silang nangangalakal. Sabay at punung-puno ng pag-asa nilang tinutulak ang kariton umaga't hapon. Tinatahak nila ang buong Kamaynilaan sa paghahanap ng tambak ng basura.

Maligaya sila sa ganoong pamumuhay. Kariton ang bahay. Pinupulot ang pagkain. Kinakalkal ang pagkakaperahan.

Limang taong taon silang nagsama sa de-gulong na tahanan, hanggang sa bawian ng buhay ang kanyang kabiyak, dahil sa pneumonia. Labis ang dalamhati niya sa pagkawala ng asawa. Halos, sisihin niya ang Diyos. Kung kelan siya namumuhay ng simple, saka naman siya pinarusahan ng husto. Naitanong niya nga, wala ba siyang karapatang lumigaya?

Umiiyak na si Lola. Hindi na siya makakain. Malamig na ang tsokolate. Nakalahati pa lamang niya ang burger at spaghetti. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaagaw na kami ng atensyon. Kaya, inalo ko siya at pinatahan. Hindi naman agad naputol ang mga luha niya. Pinabalot ko ang mga tira niyang pagkain. Umorder pa ako ng fried chicken at kanin para ipabaon kay Lola.

"Ihahatid ko na po kayo, Lola."

"Wag na, apo. Sapat na ang kabutihang dulot mo sa akin ngayon. Maraming salamat! God bless you!" Nginitian niya ako, pero, this time, medyo malungkot na ngiti. Pilit na ngiti.

"Walang anuman po. Sana po, ingatan po ninyo ang sarili niyo. Huwag po kayong magpalipas ng gutom."

Hindi na siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako sa mata. Matagal siyang tumitig sa akin. Tapos, hinalungkat niya ang plastic bag. Nilabas niya ang isang pulang rosaryo. "Huwag mong kalimutang magdasal at magpasalamat sa Panginoon." Isinabit niya ito sa aking leeg at lumabas na siya ng food chain, bitbit ang kalakal.

Tiningnan ko siya hanggang siya ay di na maabot ng aking tingin. Saka ko lang naalala, hindi ko pala naitanong ang pangalan niya. Kaya, bumalikwas ako palabas upang habulin siya, ngunit hindi ko na nakita si Lola Kalakal.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

27


Eugene Madayag

Libreng Komiks

Isang interbyu ni Dudong Daga

Kilala ba ninyo ang komikero sa likod ng “Libreng Komiks”? Atin nang kilalanin si Eugene Madayag sa tulong ni Dudong Daga para sa ikasiyam na isyu ng Lapis sa Kalye Online Magasin.

T:

S:

“Kailan kayo unang gumihit?”

“Nagsimula ako n’ung mga 12 or 13 years old ako. Madalas akong sumali sa mga poster-making contests sa school dati.

Parati akong natatalo dahil kulelat ako sa colors. Simula noon, madalas na akong magdrawing ng Dragonball at Ghost Fighter characters.”

T:

“Ayos. Mabuti hindi kayo sumuko ‘pag natatalo kayo. Ano’ng ginagawa n’yo para ma-motivate upang magpatuloy ka sa

mga contest?

S:

“Well, n’ung mga time na ‘yun, mahirap talaga kapag natatalo ako dahil bata pa ako n’un at hindi pa gan’un kadaling ma-

tanggap ang pagkatalo dati. Pero siguro, ramdam ko na rin dati pa na ang pagguhit ay isang passion na dapat ko talagang i-pursue, kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagsali.”

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

28


T:

S:

“Naalala niyo pa ba ang unang likha niyang komiks?”

“Training noon sa call center at walang ganoong ginagawa. Naumpisa-

han ko ang pagguhit sa Kolsenter Komiks gamit ang MS Paint. Tungkol ito sa buhay ng isang call center agent. “

T:

S:

“Naalala niyo pa ba ang unang likha niyang komiks?”

“Training noon sa call center at walang ganoong ginagawa. Naumpisa-

han ko ang pagguhit sa Kolsenter Komiks gamit ang MS Paint. Tungkol ito sa buhay ng isang call center agent. “

T:

“Mabuti naman at naalala mo pa. Maraming bahagi ng pagiging call

center agent ang talaga naming nakakatuwa at mabuti para sa’yo dahil nabibigyan mo ito ng buhay sa pamamagitan ng komiks. Nasa call center ka pa rin ba? O ‘pag hindi ka na gumuguhit, what makes you busy?”

S:

“May day job na akong iba ngayon. Umalis na ako sa BPO industry

dahil nagkasakit ako sa 6 years na deretsong graveyard shift. Ngayon ay nagtatatrabaho na ako bilang isang Graphic Artist, at kung hindi nama’y nagdodrawing ay nakikipaglaro ako sa baby ko, namamasyal kasama ang mag-ina ko, or tumutugtog kasama ang banda.

T:

“Nahanap ko ‘yung page mo dahil mahilig akong mag-search sa intenet. Interesado ako kung bakit “Libreng Komiks” ang

pangalan ng inyong pahina. Totoo ba na every week ay laging may libreng komiks sa pahina mo?”

S:

“Laging may libreng komiks, oo. Sinusubukan kong mag-release ng dalawa o tatlong komiks every week. Ang idea is gusto

ko muna sanang ipakita sa mga tao kung okay ang mga gawa ko, at tingnan kung ano’ng mararating ng komiks ko.”

T:

S:

“Sino-sino ang mga idolo mo sa larangang ito? Ano ang sa tingin mo ang lagay sa industriya ng pagko-komiks?”

“Of course. Locally, naandiyan sina Pol Medina, Jr. at Manix Abrera sa linis ng art nila and sa evident na consistency ng

mga komiks nila. Sa foreign comic artists, si Matt Inman ng “The Oatmeal”, si Gavin Aung Than dahil sa sobrang cool na idea ng Zen Pencils, sina Bill Waterson ng “Calvin and Hobbes”, at Gary Larson ng “The Far Side”. Pagdating naman sa lagay ng industiya, hindi ako expert tungkol dito at bihira rin akong bumili ng local comics, pero marami akong nakakasalamuha at mga kaibigang local comic artists. I think, malusog ito sa ngayon, at masasabi ko lang ay kung mas sinusuportahan ng mga TV stations, brands at media outlets ang mga ito na magproduce pa ng quality work.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

29


T:

“Sa tingin niyo Sir, bilang manlilikha ano kaya ang problema bakit walang suporta sa mga TV station at sa iba pa ninyong binanggit. Dahil ba ito sa makabagong panahon?”

S:

“Marahil ay dahil naghihintay lang na ma-invade ng comic enthusiasts ang TV networks at ibang companies na pwedeng

sumuporta sa artists natin. Hindi rin natin masasabing dahil sa interest ng mga readers, nandyan pa rin naman yata 'yan.”

***

T: S:

“Naalala mo po ba ang unang komiks na nabasa mo sir? At ano po ang mga future plans mo na dapat namin abangan?”

“Unang komiks na nabasa ko. Hmmm... Siguro yung mga hiram na Pugad Baboy at The Far Side nung high school. At 'yung

mga Garfield sa library, at malamang mga komiks sa dyaryo tulad ng Sherman's Lagoon at mga komiks ni Sir Jess Abrera. Dun naman sa future plans. Tingnan na lang muna natin kung saan tayo dalhin ng komiks. Haha! Pero sisikapin ko talagang maglabas ng compilation, dahil walang Facebook page o website ang tatalo sa isang actual na librong hawak mo sa iyong mga kamay.”

** *

T:

“Totoo po ‘yan. May konti na lang akong katungan. Ang pagdradrawing ba napag-aaralan ba yan o nasayo na yan pagkapanganak pa lang.”

S:

“Sa tingin ko napag-aaralan sya, at hindi totoo 'yung ipinanganak ka nang meron ito sa dugo mo. Of course, as with other

endeavors in life, kasama sa pag-aaral at pag-improve sa craft mo ang tindi ng passion mo dito. Malaking factor 'yun sa pag-learn ng isang bagong skill.”

***

T:

“Sarap. Nakakainspire may pag-asa pa ako. Ano ang maipapayo niyo sa mga kabataang gustong gumuhit din kagaya mo?”

S:

“Siguro ang maipapayo ko lang ay sundin mo ang sigaw ng puso mo. Gaano man ka-corny, ganun talaga yun para sa akin.

Magtrabaho ka sa day job mo, pero pagdating mo ng bahay gawin mo kung ano'ng nagpapasaya sa yo, kahit wala pa itong kapalit o kabayaran sa umpisa. Kapag frustrated ka na, be comfortable na idistansya mo ang sarili mo sa pagguhit. Find time to look around for inspiration. Ako mas inspired akong gumawa kapag nakakakita ako ng napapa-wow akong artwork galing sa ibang artist. Keep an open mind always. 'Wag kang magpapadala sa popular opinion. Maging kumportable ka na ipakita ang weirdness mo, otherwise, hindi mo malalaman kung ilang tao ba ang nagsh-share ng weirdness na yun. Maging receptive ka sa criticism ng ibang tao. Ignore mo yung mga may sinasabi pero walang substance. 'Wag kang matakot maging corny or cheesy. 'Wag matakot na hindi maging relevant. Hindi lahat ng tao matutuwa sa gawa mo; tanggapin mo yun. Yun lang! Haha. Hindi ko pa rin naman considered ang sarili ko na nasa rurok na ng tagumpay, pero sana makatulong 'yang mga 'yan.” ***

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

30


Almusal Panulat: Mei_Blu

Larawan halaw sa internet

Bacon. Sunny side up. Kanin. Kape. Iyan ang almusal namin sa umagang iyon. Nakapalibot kami sa aming hapag-kainan. Pagkatapos umusal ng isang maikling panalangin ay tahimik naming pinagsaluhan ang agahan. "Almusal? Ano kamong almusal natin? Aba'y kundi ka ba naman katarantaduhan-" Natawa ng mahina sina Tatay at Kuya Harvey sa sigaw ng kapitbahay naming si Aleng Josefa. Kami naman ni Nanay ay napailing. Narinig naming sumagot ang asawa nito na si Mang Salde, pero hindi klaro ang mga salita. "Ano'ng nakakabulahaw ng kapitbahay? Hindi mo naisip 'yan kagabi noong hindi ka maawat sa kakavideoke mo kahit wala namang videokehan dito sa bahay? Gago ka pala talaga e!" Natawa na rin kami ni nanay. Naalala ang pagatungal at pagbirit ni Mang Salde kagabi. Kagaya ng mga gabing nakainom ito, halos hindi kami makatulog sa lasing at basag nitong boses. "Ikaw lang naman itong tinanghali nang gising, gago! Hoy, ikaw! Saan ang punta mo, ha?" Wala kaming narinig na sagot. Pero alam naming hindi na si Mang Salde ang sunod na pag-iinitan ni Aleng Josefa. Ganoon kasi iyon lagi. Pagkatapos talakan ang lasenggerong asawa ay ibubunton nito ang inis sa anak na si Johnson. Hindi kasi pinapatulan ni Mang Salde ang asawa. Samantalang si Johnson ay palaging sumasagot. Kung sa bahay namin, bawal ang sumagot sa magulang, lalo na yung pasigaw at pabalang, ordinaryong eksena na iyon sa bahay ng mga Suarez. At kahit masaya ako na sa maayos na pamilya ako lumaki, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa mga ganoong klase ng pamilya. Lalo na sa mga anak na nawawalan ng respeto at napipilitang bastusin ang mga magulang. "Mahiya naman kayo! Nakakabulahaw kayo ng kapitbahay. Buti pa yang asawa mo, may dahilan kagabi dahil lasing. E kayo? Aga-aga..." "Sefa, tama na 'yan. Sa halip na ipagluto mo ng almusal ang anak mo ay-" Bog! "Ayan! Magsaing ka ng kalderong walang laman! O di kaya kunin mo yung pinagsukahan mo kagabi at ‘yon ang subukan mong isaing, gago ka! Bwisit!" Mula sa bintana ay nakita naming umalis ng bahay si Aleng Josefa, bitbit ang umiiyak na bunso nitong si Jasmin na noo’y limang taon pa lamang. Gigil itong naglakad palayo pero patuloy ito sa pagtalak na akala mo'y may kalaban. Si Mang Salde naman ay nakayuko na tila nalugi. Malamang, kagaya ng madalas nitong gawin, nagastos nito sa inuman ang dapat sana'y pambili ng pagkain. Naiwang nakatayo sa isang tabi si Johnson, nakatingin lang sa ama. "Muli, sobrang salamat sa nakakabusog na almusal." Iyon lang at isinukbit nito ang backpack. Saglit na tumingin sa direksyon ko at tumango. Tumango rin ako. Kita-kits sa skwela, iyon na ang ibig sabihin non. Dati rati, sa bahay siya tumatakbo kapag nagrarambulan ang mga magulang niya. Sa bahay na rin siya nag-aalmusal. Pero noong tumuntong kami ng High School, dumalang ang pagpunta niya sa bahay. Tinubuan na raw siya ng hiya. Hindi lang sa libreng kain kundi sa klase ng perwisyong nabibigay ng mga magulang niya sa aming mga kapitbahay nila. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinagkainan, naghanda na akong pumasok sa eskwela. Binati ko ang gwardiyang may hawak na record book. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ininspiksyon kung anong kulang sa dapat ay complete school uniform. Naisip ko tuloy si Lapis Lapis sa sa Kalye Kalye Online Online Magasin: Magasin: ALMUSAL ALMUSAL Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

31


Johnson. Ano na naman kayang alibi niya sa hindi pagsusuot —hindi dahil ayaw niya kundi wala siyang maisuot—ng sapatos? Baka nagdrawing na naman ng pulang tinta sa gilid ng kuko 'yon para lang masabing may sugat. Worse, sasadyain niyang sugatan ang paa. O di kaya'y nag over the bakod na gawa sa tagping yero. Napailing ako. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan doon. Pero ayaw niyang malista dahil may kaakibat na five pesos penalty ang bawat wala sa dapat ay complete school uniform. Ewan ko ba sa school namin. Makalimutan mo lang ang ID mo ay five pesos agad ang penalty. Palaisipan din sa'kin kung saan napupunta ang ibinabayad ng mga estudyante roon. Pagpasok ko sa first class namin ay dumiretso ako sa tabi ni Johnson. Magkaklase rin kami dahil natigil siya ng dalawang taon. Sinalubong niya ako ng isang malawak na ngiti. Ginantihan ko 'yon. "Buti na lang talaga andito ka." Pinisil pa niya ang pisngi ko bago ginulo ang buhok ko. Tinampal ko ang kamay niya. Ugali na niya iyon. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa mukha at buhok ko kaya niya ginagawa iyon. Nakakainis pero hindi ko siya magawang pigilan sa katuwaan niya. Pakiramdam ko kasi, sa ganoong paraan parang nakakatulong akong mapagaan ang magulo niyang buhay. Maya-maya'y biglang sumeryoso ang mukha niya. "Wagas ka na naman makatingin, Hera. Narinig mo na naman ang tula ni tatay at rap ni nanay, ano? Pagpasensyahan mo na ha? Nakakahiya talaga sa pamilya mo. Sana nakatulog pa rin kayo nang mahimbing." “Ayos lang, sanay na rin naman kami." Kumuha ng one fourth at kinopya ang mga sagot sa examples na sinusulat ni Sir L sa blackboard. Napatingin ako sa paa niya. May guhit nga iyon ng pulang ink. Kung paanong napapaniwala noon ang gwardiya, wala akong ideya. Pero hindi ako nakatiis sa tanong na bumabagabag sa'kin. "Hindi ka na naman kumain, ano?" Nagkibit-balikat siya. “Hindi naman ako mamamatay kapag hindi nakakain ng agahan,” sagot niya na hindi ako nililingon. Patuloy lang ito sa pagtatakedown notes. Tinalo pa ako. “Ano nga’ng in-almusal mo?” pangungulit ko. Baka lang naman kumain siya kanina sa canteen. Tinapik niya ang ginagawang notes, "Eto, “ itinuro si Sir L at ang blackboard, “ayan, lesson ni Sir L." Kinunutan ko siya ng noo. "Paano naman naging almusal ang class lesson?" "Kasi nabubusog ang utak ko? Nadadagdagan ako ng kaalaman? Bakit, kailangan ba tiyan lang ang mabusog at malagyan ng laman?" Bumusangot ang mukha ko. Pinipilosopo na naman ako nang magaling na lalaking ito. "Iyong binibigay na samples ni Sir L, iyan din ang binibigay niya sa quiz. Pwede namang kopyahin na lang di ba?” Tumawa siya. "Huwag mo kasi ako igaya sa'yo, Hera. Hindi lang ako basta kumukopya ng binibigay niyang sagot. Pinag-aaralan ko 'yan, kala mo ba?” Noon pa man, hindi ko na maintindihan kung bakit sa lahat yata ng estudyante, si Johnson lang ang excited pumasok sa unang subject. Siya lang din ang sumeseryoso sa lesson ni Sir L. English pa ‘yon. Subject na ikinaka -nosebleed ko. “Talagang may nakukuha ka sa lecture niya?" Tumango siya. “At kung ako ikaw, huwag kang gumaya diyan sa iba. Wala ka rin namang dinadaya sa ginagawa mong pangongopya kundi ang sarili mo. Ano ba naman yan kay Sir L? Basta para sa kanya, nagturo siya, may sweldo siya. Ikaw ang lugi kapag hindi ka nakinig." Napaisip ako sa sinabi niya. At sinikap kong askyunan iyon. Tinularan ko siya pagdating sa pag-aaral. Naisip kong tama siya. Hindi lang dapat tiyan ang nalalagyan ng laman. Dapat ang utak ay busog rin sa kaalaman.

Lapis sa Kalye Online Magasin: ALMUSAL

32


Larawan at Dibuho ni: Luz V. Minda *** Ang “Almusal” ay ang ikasiyam buwanang edisyon ng Lapis sa Kalye Magasin, ang opisyal na Online Magazine ng Lapis sa Kalye Publishing. Ito ay inililimbag sa Issuu account ng Lapis sa Kalye kada isang buwan. Ang anomang puna, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan ay maaring ipadala sa ilan sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. Maari ring makipag-ugnayan sa lapissakalye@gmail.com. Maari ninyong subaybayan ang mga akdang likha ng LsK sa mga sumusunod na mga account: Weebly: www.lapissakalye.weebly.com Facebook Page: www.facebook.com/LAPISSAKALYE Wattpad: http://www.wattpad.com/user/lapissakalye Instagram: https://instagram.com/lapissakalye/ Twitter: https://twitter.com/lapissakalye Issuu: http://issuu.com/lapissakalye ***

LAPIS SA KALYE ONLINE MAGASIN Editorial Board Ulong Patnugot: Luz V. Minda Manunulat: Anino, Anti'nyakis, Cindz Dela Cruz, Kunis Salonga Positivo Uno, Wind Up Bird, Buddy, Sakura Chan, Dudong Daga, Seksing Patatas Matalabong Kwago Kontributor: Angela Pamaos, Zharlyn Valmonte, Froilan Elizaga, Mei_Blu, Maebe Jane Paderna, Zelyn Yan, Froilan F. Elizage, Jeng de Dios, Coleen Magtibay, Frozen Hart

“Basa lang nang basa. Sulat lang nang sulat.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.