Una sa lahat gusto ko munang pasalamatan ang lahat ng bumubuo sa Lapis sa Kalye Publishing dahil sa pagtitiwala nila sa akin na mapabilang sa malaking pamilya na ito. Ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon na maging ulong patnugot para sa ika-12 na isyu ng Lapis sa Kalye Online Magasin at lubos ko iyong ikinagagalak. Maraming salamat sa kabutihan ninyong lahat! Buwan ng Nobyembre ang buwan kung saan ginugunita natin ang Undas. Inaalala ang ating mga mahal sa buhay na tuluyan ng lumisan sa mundong ibabaw. “Paglisan” ang isa sa pinakamasakit na sitwasyon na maaari nating harapin sa buhay, may iba’t – iba mang uri ang paglisan ng tao pero isa lamang ang dulot nito sa atin at iyon ang kirot sa ating puso. May mga paglisan din na panandalian lamang ang kirot katulad na lamang ng paglisan mo upang maghanap ng bagong pagkakataon upang mas mapabuti ang buhay pero ang pinakamasakit na paglisan ay iyong hindi na babalik o wala ka ng babalikan. Naranasan ko na rin ang mawalan ng isang tao na malapit sa puso ko at labis na sakit ang naging dulot nito sa akin pero sa bawat paglisan ng isang tao o isa mang bagay, uusbong ang panibagong pag-asa, maghihilom ang sugat at muli tayong makakabangon sa matinding unos sa ating buhay. Isang bagay lamang ang hindi mawawala kailanman at iyon ang ala-ala na mananatili sa ating mga puso. Paglisan na yata ang isa sa mga bagay na mahirap paghandaan, Silent Sakura Ulong Patnugot para sa ika-12 isyu ng LSK Online Magasin
papaano ka ba magpapaalam sa isang taong malapit sa iyong puso? Eh, ang magpaalam ka sa taong mahal mo? Paglisan lang bang ang tanging solusyon upang makawala ka sa sakit at hirap na iyong nararamdaman? Halina’t saluhan natin ang isa na namang matagumpay na Lapis sa Kalye Online Magasin kung saan mababasa mo ang iba’t – ibang uri ng paglisan, mga paglisan na nagdulot ng sakit sa isang tao. Maraming Salamat Kalapis sa patuloy mong pagsubaybay at pagtangkilik sa Lapis sa Kalye. Mabuhay tayong lahat Kalapis!
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 02
Talaan ng Nilalaman Sining Interbyu ni Silent Sakura
pahina 04-05
Mga Tula
Matalik na Kaibigan ni John Dave Villalino
pahina 07
Paalam ni Taga Batis
pahina 08
Sa Iyong Paglisan ni Eugene Latumbo
pahina 09
Masidhing Pamamaalam ni Chubibo Mondejar
pahina 10
P.I. Mo! ni Karla Canlas Peña
pahina 10
Sa Tabi ng Palayan ni MLS
pahina 11-12
Gusto mo bang sumama? ni Taga Batis
pahina 13-14
Anino ni Karla Canlas Peña
pahina 15
Kung ito na ang huling araw ko sa mundo ni Iñigo Ibarra
pahina 16-17
Tutubi ni Tanikala
pahina 18-20
Pagmamahal ang Inalay ni Frozen Hart
pahina 21
Mahal ni Emma Nuñez Malapo
pahina 22-23
Nang Ikaw ay Nawala ni Kaykay Cuarte
pahina 24
Bagyo ni Tanikala
pahina 25
ABAKA...DA? ni Julius Samonte
pahina 26-27
Mga Maikling Kuwento
Ang Kariton ni Froilan F. Elizaga
pahina 29-33
Isang Pares ng Tsinelas ni Abigaille Arcena Pecson
pahina 34-35
Sa May Bintana ni Eugene Latumbo
pahina 36-40
A Journey of Faith Sa Panulat ni Silent Sakura
pahina 41-47
Tatlong Araw Isang kabanata mula sa librong “The Adventures of Blogger Girl”
pahina 48-56
Sa Panulat ni Cindz Dela Cruz
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 03
Interbyu ni Silent Sakura
Nakilala ko si Mark Anthony Padal dahil naging kasamahan ko siya sa trabaho noon at pareho din kami ng kolehiyong pinapasukan. Si Mark ay isang Bachelor of Science in Graphic Design graduate. Dahil na rin sa hilig niya sa sining ay kinuha niya ang kursong ito. Sa ngayon ay patuloy siya sa pagguhit ng iba’t ibang larawan at kasalukuyang nakatira sa Cebu.
TANONG: Para saiyo ano ba ang sining?
SAGOT: Ang sining parang kalikasan ‘yan na nakakagaan ng damdamin habang tinititigan mo. Ito ay isang tipo ng pribilehiyo na kahit san ka man pumunta ay makikita mo.
TANONG: Ilang taon ka ng matuklasan mo na may talento ka sa sining? Paano ka nagsimulang gumuhit? Mark Anthony Padal
SAGOT: Nung mga anim na taon palang ako ay gumuguhit na ako pero hindi ko alam na may potensyal pala ako hanggang sa nakagawa ako ng obra na gamit ang lapis. Palpak yung una kong gawa kaya tumigil ako ng mahigit isang taon. Nagbago ang lahat nung may nakilala akong isang babae. Ika nga umiibig that time kaya nung nag-attempt ulit akong gumuhit sa lapis ay nagtagumpay na ako kaya dun na nagsimula ang pagiging tunay kong artist.
Lapis sa Kalye Online Magasin
TANONG: Sino ang inspirasyon o masasabi mong malaking impluwensiya mo sa paglikha ng iba’t-ibang artworks?
SAGOT: Ang impluwensiya ko talaga ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Alam naman natin na maraming alam ang ating bayani sa iba’t-ibang larangan ng sining kaya siya ang maiituturing kong isang magandang ehemplo sa akin at maging sa kabataan lalo na ngayong lahat ay dinadaan sa hi-tech makinarya. pahina 04
TANONG: Anong nag-uudyok saiyo para gumawa ng iba't-ibang artworks? Ano ang ginagawa mo kung hindi ka gumagawa ng artworks, I mean may mga ibang hobbies ka ba?
SAGOT: Maraming mga elemento ang nag-uudyok sa akin na gumawa ng mga arts isa na dito ang kuryusidad ko. Maliban din sa sining may ginagawa din ako katulad ng pagba-banda. Sa banda ko ay nagke -keyboard ako at kumakanta. Mahilig din ako magbasa ng libro at maglaro ng mga video games. TANONG: May mga techniques or tips ka bang maiibahagi para sa iba na mahilig din sa arts? Anong masasabi mo para sa iba na mahilig din sa arts?
SAGOT: Sa techniques kasi minsan di mo yan maituturo, ikaw mismo yung makakadiskobre ng sarili mong technique katulad ng nangyari sa akin di ko makuha yung tinuturo ng guro ko pero may isa akong tip. Huwag kang tumigil na mag-appreciate ng arts. Mag-research ka din sa napili mong medium for example charcoal yung trip mo then maghanap ka ng mga arts or artists na gumagawa nito at tignan mo kung ano pa ang kelangan mong iimprove. (ito ay iilan lamang sa mga guhit ni Mark)
Maaari ninyong masubaybayan ang kanyang mga likha sa facebook at instagram: @markpadal.
Background Image —
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 05
Mababasa ang mga iba’t – ibang uri ng tula na patungkol sa paglisan. Binuo ito ng mga taong may malalim na hugot sa buhay at angking galing pagdating sa pagiging makata. Halina’t basahin natin ang mga tula ng mga iilang makabagong makata sa ating henerasyon ngayon.
pahina 06
Matalik na Kaibigan
Natakot lang akong iyong malaman
Tula || John Dave Villalino
Ang nararamdaman ko sa 'yo, aking kaibigan Baka kasi, sa akin ay magalit ka
Masakit isiping 'di tayo talo
Naku! 'Di ko iyon makakaya.
Ngunit, pilit tatanggapin para sa 'yo
Balak ko sana'y kalimutan ka na
Magkababata tayong dalawa
Kaso, hindi ko iyon magawa
Mahal kita, ngunit mahal mo'y iba.
Letseng puso kasing ito
Lumaki tayong magkasama
Ikaw pa ang ginusto
Halos lahat ng masasayang memorya
Ayaw ko ring masira kayo
Ikaw ang palagi kong naaalala
Ng karelasyon mong bestfriend ko
Nakakainis ka na, ha?
Mabait siya, karapat-dapat kumbaga
Itinuring mo akong espesyal
Maintindihan mo sana aking ginawa
Ikaw lang pala'y nagmamagandang-
Hayaan mo! Pagbalik ko
asal
Baka matanggap ko na rin siguro
Akala ko, totoo ang naisip ko
Na talagang hanggang dito na lang tayo
Na umiibig ka sa kaibigan mo.
Magkaibigan, magunaw man ang mundo.
Ipinagtatanggol mo ako sa kanila
Nilisan ko ang ating eskuwelahan
Sa mga taong naninira;
Upang puso ko'y bigyang-daan
Sa mga taong walang magawa;
Sa pagkalimot ng nararamdaman
At sa mga taong may balak na masa-
Sa isang matalik na kaibigan.
ma . Sikat ka sa ating paaralan Kaya naman, akin kang nilayuan Baka kasi ma-issue pa tayong dalawa Mahirap na, masira ka pa. Minasama mo ang paglayo ko Sinabihang may lovelife na ako Kaya ko iyon ginawa Hay! Sana nga.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 07
Paalam
Yung tipong panaginip lang ang lahat ng wala
Tula || Taga Batis
ng agam-agam Kung sana'y kaya ko pang ibalik ang kamay ng
Kaydaling sambitin pag uwian na ang
orasan
mga tropa
Di na sana kinausap pa, di na sana kita nilapitan
Medyo emosyonal pag may nangingi-
Alam kong galit mo'y di agad maaalis, poot ay
bang bansang kapamilya
naghahari sa iyong puso
Pero hindi lahat ng paalam ay "good" bye Agos ng batis sa iyong matang sa mga unan tuKaramihan ay nagiiwan ng kirot sa ating
tungo
buhay
Maaaring ang kanin sa mesa'y agawin na
Anim na letrang di alam kung kelan
lamang ng mga langgam sa iyo
dapat bigkasin
At ang sikat ng araw ay nagtatampo ng
Damdaming inipon sa garapon ay kaya
dumampi sa mga balat mo
nitong basagin
Mahirap mang tanggapin na hanggang dito na
Ang hapdi na dala'y maaari pang ma-
lang at di na kayang ipagpatuloy
lunasan
Parang naligaw tayo sa kagubatan at di
Ngunit ang umibig ng sobra'y hindi na
makaalis sa kumunoy
kayang pagbigyan
Pero lagi mong tandaan na minahal kita, Oo mi-
Kung sana'y kaya mo siyang lisanin ng di
nahal kita
na nararapat pang magpaalam
Ngunit Paalam aking sinta, sana'y napatawad mo na'ko sa muli nating pagkikita.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 08
Sa Iyong Paglisan Tula || Eugene Latumbo Siyam na buwan kitang daladala, Sa sinapupunan ko'y labis akong natuwa. Hinihintay na ika'y lumabas na, Nang masilayan mo ang ngiti namin sa mukha. Saan ba kami nagkulang? Noong araw na isilang ka,
Sa salapi ba o pagmamahal?
Napaiyak mo ang iyong ama.
Sa luho mong ayaw ka naming pagbigyan?
Labis-labis ang kanyang sigla,
O sa bisyo mong naging iyong libangan?
Sapagkat ika'y tangan-tangan niya. Ilang araw kang hindi umuwi. Labindalawang taon ang dumaan,
Ilang gabi akong humihikbi.
Kahit salat sa pera, masaya ka naman.
Ama mo'y labis na nagdadalamhati.
Kahit puyat kami sa lansangan,
Nananalanging sakit sa puso'y mapawi.
Isang ngiti mo lang, sa ami'y kasiyahan. Kung maisipan mo mang bumalik, Nguni't bakit biglang ugali mo'y
Kami'y naghihintay at sabik na sabik.
nagbago?
Mahagkan ka at muling manumbalik,
Kaliwa't kanan mo kaming sinusungitan.
Ang pagmamahalang kami'y nananabik.
Kapag hindi ka pinagbibigyan, Kami ay iyong nilalayasan.
Mahal naming anak, ika'y umuwi. Naghihintay kami sa iyong pagbabalik. Nang saya sa puso'y muling tumibok, At tuluyang mapalis ang lungkot at walang imik.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 09
Masidhing Pamamaalam Tula || Chubibo Mondejar
Mabigat ang huli nating pagkikita, Hinatid ka ng malungkot kong mata, Pamamaalam sa paghakbang ng mga paa, Distansya ang kapiling sa tuwina.
Ang huling halik mo ang tanging baon ko, At alaalang nakasilid sa bulsa ng aking puso,
P.I. Mo! Tula || Karla Canlas PeĂąa
Akala ko perpekto Akala ko totoo
Panghihinayang 'di ka hinagkan—
Nung nakilala kita
Sa huling sandali ng ating pagmamahalan.
Nagkaroon ng liwanag ang buhay ko Parang Meralco.
Ilang milya na ang ating pagitan,
Perpekto. Totoo?
At ang araw na wala ka'y nakasanayan,
Sino nga ba ako sayo?
Limot na ang huling pamamaalam; Said ang pag-asang nilamon ng karimlan.
Babaeng tagasunod sa utos mo? Babaeng hinihiga sa kama mo? Para paglaruan? Tikman?
Ganito pala ang kahihinatnan, Ng masidhing pamamaalam,
Saktan. PERPEKTO. TOTOO.
Tuluyan nang nawakasan—
Sa pagkakataong ito, ako naman ang
Ang kuwento ng ating pagmamahalan.
magsasabi sayo. Putanginamo.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 10
Sa Tabi ng Palayan Tula || MLS
Sa pagtilaok ng manok, kisame'y nasilayan Mabigat ang katawa't mariing nakalapat Tila nakalutang, kawayang magkakahanay Kay lamig ng kahangina't ang kumot ay kayakap Dalang init ay sinasaid, nilalasap O, anong hirap lisanin ang papag sa kaumagahan!
Habang humihigop nitong mapait at mainit na likido Sumagi sa isip, dalisay kong ginto Pinaghirapan, iniingatan at siyang kasiyahan Ang tanging dahilan ng maaliwalas na paggising At mapayapang pagtulog kung gabi'y dumating.
Ang isipang natutulog, kapagdaka'y sumigla Mga braso'y iniunat, ngumiti nang bahagya Pagkat muling natunghayan, pagpapala sa umaga Hindi marapat kalimutan t'wing mumulat ang mata Sa umagang mapalad na tumanggap ng biyaya niya.
Dito, sa tabi ng palayan ko natagpuan Ang pag-ibig na malasa't puno ng linamnam Pinanabikang tulad ng almusal at hapunan Ngunit 'di napaghandaan ang iyong paglisan Nang minsang dalawin ng da-
Mga manggas ay hinagod, tinungo ang kusina
luyong na dayuhan.
Mga palay na mayabong, tanaw sa bintana Dumidilat na ang araw, umuusbong na ang kulay Mga butil sa tanima'y ginto ang kahanay Nagbabadya ng buhay ang bawat tangkay. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 11
Ako'y napatunganga nang masaksihan
At bawat isa'y magkakahalo at balanse
Kung paano ka tinangay mula sa akin
Anuman ang iyong mapili, may kabit,
ng kapalaran
barako na kape.
Nanginig na parang kinidlatan Nagngalit na parang asong sa pagkain ay inagawan Nanangis, pagkat ako'y naiwan sa Tacloban Kinamuhian, ika-walo ng bawat buwan.
Kailangang inumin, kailangang simutin Sa oras na parating, may bagong kakaharapin Gamit ang kamay na malinis o kobyertos na pahiram sa atin Kinabukasan ay isipin, oras ay di maghi-
Sa iyong paglisan ko napagmalas
hintay sa akin
Ang buhay ay 'di tahanan ng pahima-
Sa labas ng kubo namin, mga palay ay
gas
nakahandang gapasin.
'Pagkat mesa ay iba't iba ang putahe
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 12
Gusto mo bang sumama? Tula || Taga Batis Sasama ka ba kung sasabihin kong pupunta tayo sa Amerika. Magtatampisaw sa nyebe at huhulmahin sa palad upang maging bola. Takbuhan, kulitan, tawanan, pagmamahalan Prisensya ng pag-ibig ay madarama sa isang simpleng yakap mula sa likuran.
Sasama ka ba kung sasabihin kong lilibutin natin ang Europa Mamangka habang umiinom ng matamis na ubas sa may bandang Italya Ngiti ng pagsinta'y mababatid sa kuhang litrato natin sa pabolosong tore ng Paris Hinihiling na pagpitik ng kamay sa orasan ay hindi na umalis.
Ngunit ang lahat ng ito'y wala pa sa aking kapasidad. Ang kaya ko pa lang ibigay sa'yo ay ang magagaspang kong palad Samahan mo ako sa isang destinasyon kung saan ay mas higit pa sa mga lugar na nabanggit. Walang mahabing salita ang iyong bibig at kung meron man ay di alam kung paano mo maisasambit.
Halika't samahan mo ako sa dalampasigan ng tunay na kilig Tayo'y magpapadala sa hampas ng alon at magpapakalulong sa drogang tinatawag nilang pag-ibig. Hipnotismong dulot ay mistulang karsada papunta sa alapaap ng kaligayahan. Sa langit ng pagmamahal, doon kita gustong mahagkan.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 13
Subalit ang mahirap na tanong ay bakit mo ako iniwan? Saang lupalop ka naglakbay? Noong huli kang masilayan ay may mga daliring humahagod, gumapos sa iyong kamay. Paano pa uusad kung ako'y nakalubog sa kumunoy na pinapaligiran ng tinik ng sakit? Sa pag-ahon ko sana'y ikaw ang makasama ngunit si Bathala, ikaw ay pinagkait.
Kung landas natin ay muling magtagpo ay pawiin ang luhang tila karugtong ng batis. Puso ko'y ilalagay sa garapon at sana'y baunin mo sa iyong pag-alis. At sa huli'y ipipikit na lang ang aking mata, magpapalamon sa hapding dala ng kadiliman. Takot na akong maging mapag-isa, pagod ng makita na ako'y muling iiwan.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 14
Anino Tula || Karla Canlas Pe単a Kahit saan ako magpunta, tila sinusundan ako ng anino. Nakakatawang isipin. Baliw ka ba? Lahat ng tao may anino. Yan ang isang bagay na hindi mawawala. Pera, kagamitan, bahay, pamilya. Lahat yan pwede mawala! Pero ang anino mo, yan ang parating nakasunod sayo. Pakiramdam ko nga'y may relasyon na kami nitong anino ko. Sa pagtulog, pagligo at pagkain ko ay nandyan siya. Nung iniwan ako ng mga tao sa paligid ko, nasa likod ko lang ang anino ko. Sinasabayan niya ang bawat pagluha, bawat suntok ko sa katawan ko at bawat pahid ng luha ko. PAULIT ULIT. Hindi siya nagrereklamo. Wala akong narinig na kahit anong imik sa kanya. Tinanggap nya lahat at patuloy niyang tinatanggap. May sarili din kayang pag-iisip itong anino? Sana maisip niyang pagod na ako. Sana maisip niyang gusto ko na kumawala sa kanya. Oo at nagpapasalamat akong nariyan siya pero kailangan kong maging malaya. Minsan ay niyakap nya ako ng mahigpit. Huwag daw akong mawawala. Huwag daw akong aalis. Sinunod ko siya dahil ako at ang anino ay iisa. Nasira ako. Nawala ako sa hulog. Iba ang dinulot niya sa akin. Araw-araw ako naghahanap ng lakas, araw-araw ako na pilit na kumakapit. Gusto ko na bumitaw. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 15
Kung ito na ang huling araw ko sa mundo Tula || I単igo Ibarra
Nararamdaman ko na... Nararamdaman ko na ang sakit. Sakit at karamdaman na sa akin ay unti-unting pumupuksa. Sakit na muli na lang, sa akin ay bumalik at nanamasa. Karamdamang aking kinukubli sa aking mga kapamilya. Wari'y isa akong halaman na unti-unting nalalagas. Unti-unting natutuyo. Unti-unting namamatay, Ng matinding taglamig o matinding tag-init. Heto na! Hindi ko alam kung hanggang saan ba 'ko tatagal. Siguro, malapit na. O siguro kakayanin ko pa. Hindi ko alam! Basta! Subalit, kung ito na ang araw ko sa mundo, Nais kong makita ka at sabihing sa'yong 'mahal kita.' Nais kong sambiting 'mahal kita' kahit na alam mo na. Nais kong sambiting 'mahal kita' nang paulit ulit. Nais kong paulit-ulit, ulit-uliting sambitin sa'yong 'mahal kita', Hanggang sa ang tinig ko'y humupa na. Nais kong sambiting 'mahal kita' hanggang sa'king huling paghinga. Nais kong sambitin sa'yong 'mahal kita' upang palagi mo akong maalala. Nais kong sambitin sa'yong 'mahal kita' Hanggang sa mawala ang iyong pagdududa; Kung ito na ang huling araw ko sa mundo. Nais kong magpasalamat sa'yo. Salamat sa mga sayang naidulot mo. Salamat sa mga panahong nakasama kita. Salamat sa paghilom mo sa puso kong nasugatan.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 16
At kung ito man ang huling mensaheng aking gagawin, Mali, pasensya na... Heto! At Kung ito man ang huling mensaheng aking ginawa para sa'yo, Kung sumapit na ang araw ng aking pag-lisan sa mundo, Nawa'y makarating sa'yo itong mensahe ko. At ang bakas ng nakaraan ay iyong maalala; Kung sana ang buhay ay tila isang puno ng cherry blossom, Siguro'y muling babalik ang s'yang magpapaalam. At kung ang katawang lupa ay mahimlay, Walang pag-aalala, at walang gagawin kundi ang maghintay. Maghintay ng tag-sibol, kung kailan tayo muling mabubuhay. Sa aking paglisan, ako'y mananabik sa iyong mga ngiti. Ako'y mananabik sa awit na 'Tadhana' mula sa'yong labi. Ako'y mananabik sa pagbigkas mo sa ngalan ko, At ganun na rin sa ugali't kakulitan mo. At kung may hiling man ako sa'yo, Iyon ay ang maalala mo ako, Bilang isang taong minsang tapat na namamahal sa'yo nang husto.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 17
Tutubi Tula || Tanikala
Isa kang tutubi na may angking ganda na syang nakaka bighani sa mata kaya di na nakakapag taka kung marami kang nabihag dahil sa taglay mong kakaibang ganda subalit sadyang mailap ka sa lahat
ikaw ay lihim na nagagalak sapagkat
sa tuwing may nangangahas na lumapit sayo
Sa wakas ay naka tagpo ka ng
binibilisan mo ang iyong lipad
isang dayuhan na hindi napagod
kaya naman ang iba'y nakuntento
sayo
na tignan ka na lamang sa malayo
at ginawa ang lahat para lamang
sapagkat alam naman nila na
makuha ang tulad mo
kapag sila'y lumapit patungo sayo
sya ay nabihag sa taglay na ganda
ikaw ay mabilis na lalayo
mo
pero isang araw may masugid na
samantalang ikaw ay nabihag dahil
dayuhan na bumisita sa kaharian mo
sa kanyang puso
hindi sya napagod sa pag habol sayo
bakas sa kanyang mata ang sobrang
sa bawat pag lipad mo
saya
at pag lipat lipat ng pwesto sya ay naka sunod
ng makita at mapag tanto na
lamang sayo
sawakas ay nakuha kana nya
hindi sya nag sawa na sundan ang bakas mo
at gayundin ang iyong nadarama
upang mas makita sa malapitan ang ganda
sapagkat
mo
sawakas ay may isang taong
kitang kita sa kanyang mata
karapat dapat para sa iyong nata-
ang determinasyon na mas makalapit pa sayo
tanging ganda
at isang araw, nangyari ang di inaasahan
isang taong hindi sumuko upang ikaw
at tuluyan ka nga nyang naabutan sa pwesto
ay makuha..
mo Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 18
na sa kabila ng sugat na kanyang nakuha
at lumayo sa magulo at masakit na
dahil sa sobrang ilap mo sakanya
mundo na ito
sa huli ay di ka parin nya hinayaan makawala
ngunit paano?
sa kanyang mata.
hindi mo alam kung paano ka lilipad
ang inyong unang araw ay punong puno ng
palayo dito..
saya
palayo sa mundo na akala mo ay
walang oras na hindi ka nya ipinag malaki
magiging masaya kayo..
sa kanyang mga kaibigan at pamilya
sa mundo na akala mo ay ginawa
ikaw ang tinuturing nyang kayamanan sa lu-
para sa inyo..
pa
pero hindi pala..
sa hirap mo ba naman daw kasi makuha,
kinulong ka lang pala nya sa mundo
papakawalan ka pa ba nya?
nya..
at wala ngang mapag lugaran ang iyong
mundo na kontrolado nya..
saya
at ikaw naman tong si tanga
kaya naman ang iyong magandang pakpak
patuloy parin umaasa na baka
ay mas lalo pang gumaganda
sagipin ka parin nya
ngunit pagkalipas ng ilang araw
dahil naniniwala ka na sya ang prin-
tila yata may nag-iba
sipe na magliligtas sayo, sinta.
unti unti na syang nagsasawa sayo sinta
sa kwento na gawa gawa nya lang
ang dating mga mata na tutok na tutok sa
pala talaga..
iyong ganda ngayon ay naka tuon na sa iba
hanggang isang araw,
at ang iyong magandang pakpak
lumapit sya sa garapon kung nasaan
ay balewala na sa kanya
ka
di ka na nya napapansin
labis ang iyong saya pagkat akala mo
at iniiwan ka nalang nya na
ay eto na.
naka-kulong sa garapon sa kanyang mesa
pilit mo pinaniniwala ang iyong sarili
hirap na hirap ka na at di maka hinga
na mahal ka nya talaga
habang sya ay nakikita mo na masaya kahit
na kaya lang sya nawala ay
wala ka
dahil marahil ay marami syang gina-
nais mong kumawala
gawa
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 19
at eto na nga ang pagkakataon na babalikan ka na nya magsasama ulit kayong dalawa at gagawa uli kayo ng masasayang alaala subalit lubos kang nasaktan sapagkat mali pala ang iyong inaakala nilabas ka nya sa iyong garapon upang ikaw ay pakawalan pala hawak hawak ka na nya sa iyong pakpak at handa na syang pakawalan ka lubos ang iyong pag tangis ngunit hindi nya ito makita at ng dumating ang oras na handa ka na nga lumipad papalayo sa kanya sa isang iglap bigla nyang sinira ang iyong pakpak at saka kanya iniwan mag-isa.... sirang sira.. at walang ideya kung ano ang mangyayari sa darating pa na umaga.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 20
PagMAMAhal ang INAlay Tula || Frozen Hart
Pilit niyang pinagpaguran ang lahat, maibigay lang ang iyong gusto. Ilang beses na siyang nasaktan ngunit hindi niya lang ipinagtapat,
INAruga ka niya‟t minahal magmula
Nahihirapan rin siya ngunit inililihim lang
nang ikaw ay isilang,
niya ang lahat.
Para lamang mapalaki ka‟y buwan at taon rin ang binilang.
INAlay niya‟y luha, pawis at dugo para
Hindi niya alintana ang bigat basta ikaw
lang ikaw ay sumaya,
ay mabuhat,
Iniwan ka ba niya? Hindi. Kahit kailan hindi
Hindi niya alintana ang pagod kahit siya
niya iyon ginawa.
ay mapuyat.
Walang katumbas ang pagmamahal niya na hindi kayang ibigay ng iba,
INAlagaan ka niya at binusog sa kani-
Kaya sana‟y iparamdam mo rin ang pag-
yang mga pangaral,
mamahal mo sa kaniya.
Nagkaro‟n ka ng takot sa Diyos at natuto ng mabuting asal.
MAMAhalin ka niya hanggang sa huli ni-
Lamig ng paligid ay napapawi sa kani-
yang hininga,
yang bawat yakap,
MAMAmayani ang lumbay sa oras na siya
Suportado ka niya sa lahat ng iyong
ay mawala.
mga pangarap.
Batid mong MAMAmaalam ang ilaw pagdating ng takdang panahon,
INAkay ka niya at ipinakita sa‟yo ang ka-
Kaya‟t habang maaga pa, sana‟y MA-
gandahan ng mundo,
MAlagi ka muna sa piling niya ngayon.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 21
Mahal Tula || Emma Nuñez Malapo
SA KANYANG PAGKAWALA AKONG TANGING NAROON, HINDI MAN LANG HINANAP, TINANONG, TINUGON, HINDI N‟YA NINAIS MARINIG AKING BULONG, KUNDI‟Y PINAKINGGAN TAONG WALA SA PANAHON.
PINILIT KONG IPADAMA SA HULING PAGKAKATAON, AKO‟Y MAHALAGA, HANDANG MAGING SANG-AYON, SA BAWAT NAISIN LABAG MAN AT „DI AYON, PIPILITIN KONG INTINDIHIN, TANONG BA‟T „DI GANUN?
SA MARAMING SANDALI NA HINDI KO NARAMDAMAN, AKO‟Y KANYANG MAHAL WINAKSI SA AKING ISIPAN, PINAGMASDAN KO LAMANG KANYANG LIKURAN, SAKA INISIP KAILANMAN IWASANG MAGDAMDAM.
HINDI KO MAWARI ANONG AKING KASALANAN, MAHIRAP BANG TANGGAPIN AKO‟Y IBA SA INASAHAN? O „DI NAMAN KAYA‟Y HINDI NAGING KALAMBINGAN, KAYA SA AKI‟Y MABIGAT ANG KALOOBAN?
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 22
MARAHIL AKO AY KANYA RING MINAHAL, NGUNIT HINDI KASING DALI NG IBANG MORTAL, ANG SALITANG PANTAY AY SA DIKSYUNARYO LAMANG, MAHIRAP IPAKITA MAHIRAP ISABUHAY.
TANONG KO SA AKING SARILI ANONG KINAHINATNAN, NG SAMA NG LOOB, AT NG AKING KAPANGASAHAN? MAIBABALIK PA BA NG PANAHON AKING INASAHAN, NA AKO‟Y TANGGAPIN SALITA‟Y PAKINGGAN?
PINILIT KONG HANAPIN SAGOT SA MGA KATANUNGAN, AKO BA‟Y MINAHAL, TINANGI, KINALUGDAN? SAPANTAHA KO‟Y OO HINDI NGA LAMANG KAPANTAY, IBANG-IBA SA LAHAT NG AKING NAKITA‟T NARAMDAMAN.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 23
Nang Ikaw Ay Nawala Tula || Kaykay Cuarte Maraming tala ang nasa kalangitan, Pinalilibutan nila ang buwan, Mumunting sapin ang sa damuhan inilatag, Masaksihan lang ang mga insektong lumilipad. Samu't sari ang bumalik sa aking pananaw, Paglisan mo ay nasa balintataw, 'Di namalayan na ang luha ay pumapatak, Sa hinagpis ng puso na naka-tatak! Naalala ko noong naging tayo,
Hindi mawari ang aking nadarama,
Ang saya halos ang araw-araw ko,
Sa mugto na mata iyong makikita.
Maski luha hindi ako makitaan,
Pagtakhan man ako ng iba,
Tanging saya lang ang nararamdaman.
Hindi ko ikakahiya na ikaw ay malaking
Nang ikaw ay lumisan,
kawala,
Mundo ko'y nawalan ng kasiglahan,
Kalugodlugod ko itong ipagmalaki,
Marami ng pangyayari,
Kahit pa ako ay isang sawi.
Ang pagkakaiba ng noon at ngayon ay
Dulot man nito ay katamlayan,
malaki.
Nakaraan ay mapitagan kong ipagsiga-
Sa iyong pag-alis, pangkalahatang buhay
wan,
ay nasira,
Ikaw lang ang aking minahal,
Pati mga kaibigan ay unti-unting nawawala,
Sanay magbalik ka, iyon ang aking dasal.
Puso ko magpa-hanggang ngayon ay nag-
Lahat ng ito ay nasa isipan na lang,
aalboroto,
Hindi na maaring ibalik ang nakaraan,
Dahil sa iyo wala na akong pakialam sa
Wala ng pag-asa na maging tayo,
mundo!
Ikaw na ay lumisan, kung saang ibayo.
Walang lingon-likod noong ako'y iyong ini-
Kaya tala na lang ang titingnan,
wan,
Lahat ng luha, doon ibuhos ng lubusan,
Walang humpay kong sigaw di mo pina-
Taon-taon, dadalawin ang puntod mo,
kinggan,
Malayo man ito, babalik-balikan ko.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 24
Bagyo Tula || Tanikala
Sa tagal ko na dito sa mundo hindi ko inaasahan na darating ang tulad mo maski ang PAGASA ay di manlang ako naabisuhan tungkol sayo basta bigla ka nalang pumasok at dumaan sa buhay ko. ng walang pasabi, at ni wala manlang
pero mali nanaman ako,
abiso
nakalimutan kong isa ka nga palang
ni hindi mo manlang ako
BAGYO.
hinayaang ma-evacuate itong puso ko
mapangananib at mapanalanta.
para mailigtas sa posibleng pananalanta
ang dating payapa at tahimik na patak
mo.
ng ulan mo
pero hindi, nagkamali ako.
ay napalitan na ng kidlat at kulog.
pumasok ka ng dahan-dahan sa buhay
nasasaktan na ako sa bawat ihip ng
ko.
hangin mo.
ang hangin mo ang nagsilbing hininga ko
hanggang sa akoâ€&#x;y unti unti ng nalunod
at ang bawat patak ng ulan mo
sa malakas na pag buhos mo.
ang nagsisilbing proteksyon ko.
at di nag tagal ako ay nilisan mo
pagmamahal na walang ibang nakaka-
ramdam na ramdam ko kung paano mo
kita kundi tayo.
ako sinira.
dito sa mundo, dito sa lugar kung saan
kitang kita ko kung gaano mo ako si-
walang iba kundi ikaw at ako.
nalanta.
sa mahabang panahon, naramdaman
lahat yun naramdaman at nakita ko.
ko
at bukas, pag-gising ko mula sa malakas
ang saya sa pananalagi mo,
na bagyong ito
naramdaman ng puso ko
wala akong ibang makikita kundi ang
ang kapayapaan sa bawat ihip mo.
mga bakas na iniwan mo.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 25
ABAKA...DA? Tula || Julius Samonte
Mahal, bakit? Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit. Bigyan mo ako ng mga rason dito
Alam mo yung pakiramdam ng nag-iisa?
sa sakit
Yung walang kasama..
na pilit isinasaksak sa puso ko ang
laging nakatulala.
mga alaalang mapapait.
Yung tipong nagloko si tadhana..
Ganun na lamang ba kadali?
at sa milyon-milyong nabuong populasyon sa
Na bigla ka na lang lumisan ng wa-
mundo
lang pasabi..
ikaw ang minalas na mawalan ng kasama sa
yung akala ko sabay natin tatapusin
daigdig na ito.
ang bawat araw,
Alam mo yung pakiramdam ng iniwan?
sabay papanoorin na bumagsak
Yung nangako siya sa‟yo ng harapan
ang mga bulalakaw.
na hinding-hindi ka niya pababayaan,
Mahal, bakit?
magpakailan man, PEKS MAN!!!
Bakit mo ako iniwan?
Alam mo yung sakit ng mabitawan?
Bakit mo ako pinabayaan?
Yung akala mong mahigpit ang inyong hawak-
Ang dali naman para sa‟yo itapon
an
ang lahat.
ngunit sa isang iglap biglang kumalas…
Hindi pa ba sapat?
parang binuhusan ng mantikang bigla-biglang
Na lumuhod ako sa iyong harapan
dumulas..
Magmakaawa habang ang mata
Alam mo yung pakiramdam na malunod?
ay luhaan…
Malunod sa mga salita niyang nagdala sa iyo
at pilit nagsusumamo na sana ako‟y
sa paraiso
iyong balikan.
ngunit sa isang yanig,
Ilang dahilan na ba ang naipasok
naglaho ang panaginip na pilit mong binuo.
ko sa utak ko?
Alam mo yung pakiramdam ng masaktan?
Ilang rason na ba ang pilit kong ipi-
Yung parang binubungkal yung dibdib mo sa
nupukol sa sentido ko?
kaibuturan
Ganun na ba talaga ako katanga?
Hanggang sa malagutan ka ng hininga..
O sadyang mahal na mahal lang
hanggang sa masabi mong “hindi ko na kaya.”
talaga kita.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 26
ABAKA…
Yung tipong umaasa pa
DAhil busy ka?
sa isang bagay na alam kong imposi-
Kaya sabi mo itigil na natin ito muna.
bleng mabalik pa.
ABAKA…
Gusto ko muling hawakan ang iyong
DAhil nape-pressure ka?
mga kamay.
Nape-pressure ka sa boss mong ubod ng
Gusto ko muling mangarap para sa
sungit.
ating buhay
Yung ikinikwento mo sa akin ng paulit-ulit.
Hayaan mo lang muna ako…
ABAKA…
Mahal, huli na ito.
DAhil takot ka?
Dahil sa pagsapit ng umaga
Takot kang may masabi ang iba.
Bibitawan ko na rin ang ating alaala.
Siguro yun nga ata.
ABAKA...
Mahal kahit anong rason…
At BAKA…
kahit anong diskusyon
DApat panahon na
tatanggapin ko,
upang maukit muli ang ngiti
iintindihin ko.
dito sa pusok kong gahak na.
Kahit ilan pang dahilan, kahit ano pa ang pagdaanan Mahal, naniniwala ako naniniwala ako na isa lang itong masamang bangungot. Yung masamang panaginip na nakamamatay at pag hindi ako nagising… marahil pati ang relasyon natin madamay. Pero tama nga ba ang konklusyon ko? Ang magising sa bangungot na ito upang maisalba pa ang “tayo” o hayaan na lamang kitilin ako nito upang mawala na ang sakit ng paglisan mo. Pero alam mo, Mahal? Siguro tama nga sila… na isa akong malaking tanga. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 27
Mababasa ang mga iba’t – ibang uri ng maikling kuwento na binuo ng mga taong may malalim na pag -iisip at kamangha-manghang imahinasyon. Halina’t basahin at pasukin natin ang mundo ng maikling kuwento. Narito ang mga iilang gawa ng mga makabagong manunulat sa ating henerasyon ngayon.
pahina 28
Ang Kariton Maikling Kuwento || Froilan F. Elizaga Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Nasa isip ko pa rin si Lola Kalakal. Hindi ko siya makakalimutan. Siya kasi ang taong kauna-unahang nagpamulat sa akin na ang katayuan sa buhay ay hindi permanente. Ang mga salitang tinuran niya ay nanunuot sa aking kaibuturan. Alam ko maaaring mangyari sa akin kung hindi ako magiging maingat sa pagharap ko sa aking laban sa buhay. Isa lang naman akong simpleng guro na naghahangad na makatulong sa bayan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at kabutihang-asal. Nangangarap din naman ako ng marangyang pamumuhay, ngunit hindi ako kagaya ni Lola Kalakal na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, kaya hindi ako marahil magagaya sa sinapit niya. Gayunpaman, may mensahe siyang nais kung paghandaan. Ayaw niyang ako'y magaya sa kanya. "Masalimuot ang buhay, apo.. Kailangan mong paghandaan ang buhay at bukas.Hindi ka makakatakas sa pagsubok ng Diyos. Ngayon, mayroon ka.. Bukas...maaaring mawala lahat sa'yo ang mga iyan..sa isang iglap." Matalinghaga, pero maliwanag na sinabi niyang maging malakas ang pananampalataya ko sa Diyos. Paulit-ulit kong naririnig ang mga pangungusap ni Lola Kalakal. Nakakabingi pero hindi ako naiinis. Bagkus, lalo lamang akong nagkakaroon ng interes sa kanya. Nais ko uli siyang makita. Alam ko mas marami pa siyang maibabahagi sa akin na maaaring maging hagdan ko tungo sa aking pangarap na simpleng buhay, dahil naniniwala akong ang taong dumaan sa pagsubok ay siyang nararapat na magsabing masarap ang mabuhay. Nang gabing iyon, hindi talaga ako dinalaw ng antok. Kaya, nagplano na lamang ako. Hahanapin ko si Lola Kalakal. Hindi lang ang pangalan niya ang nais kong malaman kundi pati na rin ang buong kuwento ng buhay niya. Nais kong siya ay maging inspirasyon sa pagiging matatag. Pumasok pa rin ako kinabukasan kahit dalawang oras lang ang tulog ko. Hindi ko nakita si Lola Kalakal sa dating lugar kung saan ko siya nakita. Halos lumabas na nga ang ulo ko sa dyip dahil sa katitingin sa bawat sulok sa kahabaan ng Taft Avenue, baka sakaling naroon siya. Nabigo ako. Hindi ko siya nakita, hanggang makarating ako sa paaralan. Ilang araw kong ginawa iyon, pero wala pa rin. Inagahan ko nga ang pagpasok ko at naglakad pa ako pagdating ng Biyernes para lang masigurado kong hindi nakakalusot sa paningin ko ang hinahanap ko.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 29
May nakita ako sa tabi ng mga basurahan pero mga bata naman. Hindi naman sila ang hinahanap ko kaya nalulungkot pa rin ako. Lumipas ang isang linggo at isa pang linggo. Isang buwan pa ang lumipas, nais ko ng sumuko. Parang hindi ko na yata makikita si Lola Kalakal. Pinanghinaan na ako ng loob. Nalimutan ko na si Lola Kalakal. Naging abala kasi ako sa mga gawain sa paaralan. Okupado ako. Nagkaroon kami ng ikatlong markahang pagsusulit kaya nakaligtaan ko siya. Ginagabi na nga ako ng uwi para lang matapos ko ang mga gawaing pampaaralan at upang hindi ko na ito dalhin sa aking tirahan. Isang gabi, naisipan kong bumalik sa food chain na kinainan namin ni Lola Kalakal. Muli ko na naman kasi siyang nakalimutan. Habang kumakain ako, inalala ko ang mukha niya, gayundin ang napakatamis niyang mga ngiti. Nangingiti nga ako nang maalala kong nag-iyakan pa kami doon at pinagtinginan ng mga ibang kumakain. Naalala ko rin ang ngiti niya pagkatapos kong hugasan ang mga kamay niya bago kami kumain. Natawa ako dahil hindi daw siya nasanay na malinis ang kanyang kamay. Tapos na akong kumain. Inuubos ko na lang ang pineapple juice ko, nang isang matandang babae ang kumatok sa salamin ng kainan, katapat ng upuan ko. Nasa labas siya, humihingi ng pagkain. Hindi ko nakita ang mukha niya. Natatabunan kasi ito ng magulo at nagpuputiang buhok. Subalit, sigurado akong si Lola Kalakal iyon. "Lola?!" Agad akong lumabas upang papasukin si Lola, pero hindi ko siya makita. Maraming tao sa labas, paroo't parito ngunit di ko siya nakita kung saan siya kumatok sa akin. Hinanap ko pa siya sa kabila, pero wala talaga. Kahit nga sa kabilang kalsada ay wala rin. Nagtataka ako. Hindi naman ako namalik-mata. Ramdam kong si Lola Kalakal iyon. Kung hindi man niya ako nakilala, alam ko hindi siya hihingi ng pagkain kung makikipagtaguan lamang siya sa akin. Samantalang, nag-hand signal naman ako na hintayin niya ako sa labas. Napaisip na naman ako. Lalong lumalim ang kagustuhan ko na makitang muli si Lola Kalakal. Tamang-tama, Sabado kinabukasan, naisip ko. Hahanapin ko siya buong araw. Kaya, pinilit kong matulog ng maaga. Alas-dose na ng hating-gabi. Hindi pa rin ako nakakatulog. Si Lola Kalakal pa rin ang nasa isip ko. Papikit pa lang ako nang tatlong marahang katok ang narinig ko sa labas ng pinto ko. Maliit lamang ang condo unit ko kaya dinig ko mula sa aking kama ang mga katok. Naisip kong baka ang kapitkuwarto ko na madalas magtanong at naglakad pa ako pagdating ng Biyernes para lang masigurado kong hindi nakakalusot sa paningin ko ang hinahanap ko. May nakita ako sa tabi ng mga basurahan pero mga bata naman. Hindi naman sila ang hinahanap ko kaya nalulungkot pa rin ako. Lumipas ang isang linggo at isa pang linggo. Isang buwan pa ang lumipas, nais ko ng sumuko. Parang hindi ko na yata makikita si Lola Kalakal. Pinanghinaan na ako ng loob. Nalimutan ko na si Lola Kalakal. Naging abala kasi ako sa mga gawain sa paaralan. Okupado ako. Nagkaroon kami ng ikatlong markahang pagsusulit kaya nakaligtaan ko siya. Ginagabi na nga ako ng uwi para lang matapos ko ang mga gawaing pampaaralan at upang hindi ko na ito dalhin sa aking tirahan. Isang gabi, naisipan kong bumalik sa food chain na kinainan namin ni Lola Kalakal. Muli ko na naman kasi siyang nakalimutan.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 30
Habang kumakain ako, inalala ko ang mukha niya, gayundin ang napakatamis niyang mga ngiti. Nangingiti nga ako nang maalala kong nag-iyakan pa kami doon at pinagtinginan ng mga ibang kumakain. Naalala ko rin ang ngiti niya pagkatapos kong hugasan ang mga kamay niya bago kami kumain. Natawa ako dahil hindi daw siya nasanay na malinis ang kanyang kamay. Tapos na akong kumain. Inuubos ko na lang ang pineapple juice ko, nang isang matandang babae ang kumatok sa salamin ng kainan, katapat ng upuan ko. Nasa labas siya, humihingi ng pagkain. Hindi ko nakita ang mukha niya. Natatabunan kasi ito ng magulo at nagpuputiang buhok. Subalit, sigurado akong si Lola Kalakal iyon. "Lola?!" Agad akong lumabas upang papasukin si Lola, pero hindi ko siya makita. Maraming tao sa labas, paroo't parito ngunit di ko siya nakita kung saan siya kumatok sa akin. Hinanap ko pa siya sa kabila, pero wala talaga. Kahit nga sa kabilang kalsada ay wala rin. Nagtataka ako. Hindi naman ako namalik-mata. Ramdam kong si Lola Kalakal iyon. Kung hindi man niya ako nakilala, alam ko hindi siya hihingi ng pagkain kung makikipagtaguan lamang siya sa akin. Samantalang, nag-hand signal naman ako na hintayin niya ako sa labas. Napaisip na naman ako. Lalong lumalim ang kagustuhan ko na makitang muli si Lola Kalakal. Tamang-tama, Sabado kinabukasan, naisip ko. Hahanapin ko siya buong araw. Kaya, pinilit kong matulog ng maaga. Alas-dose na ng hating-gabi. Hindi pa rin ako nakakatulog. Si Lola Kalakal pa rin ang nasa isip ko. Papikit pa lang ako nang tatlong marahang katok ang narinig ko sa labas ng pinto ko. Maliit lamang ang condo unit ko kaya dinig ko mula sa aking kama ang mga katok. Naisip kong baka ang kapitkuwarto ko na madalas magtanong tungkol sa internet at laptop, kaya agad akong bumalikwas upang pagbuksan siya. Ngunit, wala naman akong nakitang tao, maliban sa pulang rosaryo na nasa paanan ng pinto. Dinampot ko ito at napag-alaman kong iyon ang rosaryong ibinigay sa akin ni Lola Kalakal. Nagtaka ako kung bakit iyon napunta iyon doon. Hindi naman ako naghalungkat ng bag ko kung saan, kaya hindi ko iyon nahulog. Ang nakakapagtaka pa ay may kumatok para lamang isauli ang rosaryo. Paano niya nalaman na akin iyon? Naisip ko si Lola. Hindi e! Hindi siya ang maaaring kumatok. Hindi niya alam ang tirahan ko. Hindi rin naman siya papasukin ng guard hanggang di ko sinabi. Grabe! Bigla akong nanlamig. Napuyat ako dahil sa mga isiping iyon. Pero, tinuloy ko pa rin ang plano kong hanapin si Lola. Alas-diyes na nga lang akong nakalabas ng kuwarto ko. Kaya, nagmadali ako. Sinimulan ko ang paglalakad patungong Sta. Ana. Babagtasin ko ang kahabaan ng Pedro Gil upang humanap ng junk shop na maaaring pinagbebentahan ni Lola ng kanyang mga kalakal. Iyon lang ang naisip kong mabilis na paraan. Naisip ko kasi na baka kilala nila si Lola. Itatanong ko na rin ang tirahan niya, baka alam nila at malapit lang sa kanila. Mahaba-haba na ang nalakbay ko. Nagtanong-tanong ako kung saan may junk shop. Pinupuntahan ko naman agad pero hindi daw nila nakikita ang hinahanap ko. Ang sabi pa ng iba, marami daw matandang babae ang nagbebenta sa kanila kaya di nila ako matutulungan. Hindi rin daw nila sakop na alamin pa nila ang tirahan ng bawat nagbebenta. Para tuloy napahiya pa ako. Gayunpaman, hindi ako sumuko. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 31
Nagbaka-sakali pa ako. Isang maliit na junk shop ang tinungo ko. Isang matabang ale ang bumati sa akin. Tinanong niya ako kung ano ang ibebenta ko. Nginitian ko muna siya, bago ako sumagot. "Wala po. Magtatanong lang po sana ako.." "Ano?" Mabait naman ang may-ari kaya sinamantala ko na. Tinanong ko siya kong may nagbebenta sa kanya na lola, ganito katangkad. Maputi na ang buhok. Nakayapak. Marungis, pero matamis kung ngumiti. Nag-isip muna saglit ang ale. "Ah, si Lola Esme?!" Lola Esme pala ang pangalan ni Lola. "Kilala niyo po?" Bumilog ang mga mata ko sa kasiyahan. "Oo. Matagal na." "Saan po siya nakatira? Pwede ko po bang malaman. Alam niyo po kasi matagal ko na po siyang hinahanap eh." Excited ako. Para akong tunay niyang apo. "Kaano-ano ka ba ni Lola Esme? Ang alam ko kasi wala siyang anak e. Apo ka ba niya sa kapatid niya?" Biglang lumungkot ang mukha ng mabait na ale. Nautal pa ako. "Hindi po. Kaibigan ko lamang po siya." Naghintay ako ng sagot o sa sasabihin ng ale pero hindi siya nagsalita. Tumitig lang siya sa akin. " Ate, saan po siya nakatira?" Parang natauhan ang ale. Tapos, tinuro niya ang kinaroroonan ng lumang-lumang kariton. "Diyan siya nakatira." Mas lalong lumungkot ang mukha ng ale. Sumaya ang mukha ko. "Talaga po!? Andiyan po kaya siya? Salamat po ate, ha!" Akma na akong tatalikod para puntahan ang kariton ngunit tinawag ako ng ale. "Teka, teka... ikaw ba ang kaibigang binanggit niya sa akin na nakasalo niya sa huling almusal niya?" "Opo! Ako po.." Binuksan ng ale ang kanyang drawer at iniabot sa kanya ang isang kapirasong papel. "Ipinabibigay sa'yo ni Lola Esme." Resibo iyon ng Jollibee. Binasa niya ang mga impormasyon. Ang mga order, ang oras, petsa at lugar ay tugma sa kung kailan at saan sila kumain ni Lola Kalakal. "Bakit po?" Hindi ko maintindihan. "Sa likod, makikita mo ang address ng kapatid ni Lola Esme.. " Tiningnan ko naman. Address nga. Sa Davao nga siya nakatira. "Ano po ang ibig sabihin nito?� "Di ko alam. Basta ibigay ko daw iyan sa'yo. Nais daw niyang makasama ang kaisa-isa niyang kapatid." Naunawan ko na. Gusto ni Lola na tulungan ko siyang makauwi sa probinsiya niya. Mahirap man at mabigat sa bulsa ay handa akong tulungan siya. "Saan po kaya siya ngayon?" Hindi umimik ang ale.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 32
"Alam niyo po ate? Sobra pong nahihiwagaan ako kay Lola Esme. Kagabi lang ay nakita ko siya kumatok sa salamin ng Jollibee at humingi ng pagkain sa akin. Paglabas ko, wala siya. Tapos, hating-gabi, may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Pagbukas ko, nakita ko ang pulang rosaryo na binigay niya sa akin, pero wala siya." Nahiwagaan din ako sa ale, dahil biglang nawala ang saya sa mukha niya. "Anong oras po kaya siya babalik?" tanong ko. Naramdaman ko kasi na wala siya sa kariton. Tiningnan muna ng ale ang kariton. "Gusto ko na sanang tanggalin ang kariton na 'yan dyan. Kaya lang naisip ko, di naman nakakaabala. Alam mo, simula noong nakiusap siya na ipuwesto niya ang kariton niya dyan, sinuwerte na kaming mag-anak." Bumalik ang saya sa mukha niya. "Ganito lang ito kaliit pero, alam mo bang malaki ang kinikita namin sa negosyong ito? Nakapagpatapos ako ng dalawang anak. Doktor na ang isa. Teacher na rin ang isa." Pinakinggan ko na lang siya. Parang marami pa siyang nais ikuwento. "Mabait si Lola Esme. Suwerte talaga siya sa buhay namin. Kaya lang, kakaiba siya.. Ayaw niya ng kinakaawaan. Ayaw niyang tumigil sa pagkakalkal ng basura. Patuloy pa rin siya paghahanap ng maibebentang basura. Ni ayaw niyang binibigyan siya ng pera. Gusto niya iyong pinaghihirapan niya. Ayaw niya ring sumilong sa bahay namin. Tutal, sabi ko, maluwang naman ang bahay namin. Ayaw niya talaga dahil sabi niya iyang kariton ang bahay at buhay niya. Sampung taon na siya sa amin. At ni minsan, di ko siya naringgan ng pagrereklamo." Umiyak ang ale. "Bakit po ate?" Nagtaka ako. "Patay na si Lola Esme.." "Ano po?!" Nagulat ako. "Patay?? Si Lola?" "Oo,
patay
na
siya.
Forty
days
niya
kahapon." "Ha? Kahapon? Kaya pala nagparamdam siya sa akin. Oh, God!" Naiyak ako sa sobrang lungkot. Hindi ko akalaing iyon na pala ang aming huling pagkikita. Pinanghinaan ako ng katawan habang nilalapitan ko ang kariton na niluma na ng panahon. Hinawakan ko ang kariton at pumikit ako upang umusal ng dasal. "Lord, God, purihin anag pangalan mo. Salamat po dahil ipinakilala ko sa akin si Lola Esme. Alam ko, isa itong mensahe para sa akin. Salamat po! Salamat rin po dahil kapiling mo na ngayon si Lola. Bigyan mo po ako ng biyaya upang magawa ko ang simpleng hiling niya sa akin na iuwi ang bangkay niya sa Davao upang makasama ang kanyang kapatid. Maraming salamat po!" Muli kong dinilat ang aking mata. Nasa likod ko na ang ale. "Pagpalain ka, anak!" Tinapik-tapik pa niya ang likod ko. Tiningnan ko siya at tumango-tango ako. Saka hinarap ko uli ang kariton. "Babalik po ako, Lola Esme." Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 33
Isang Pares ng Tsinelas Maikling Kuwento || Abigaille Arcena Pecson Umiiyak ka na naman ba?" tanong niya sa 'kin. Umiling lang ako at palihim na pinunasan ang luha ko. "Bakit naman ako iiyak?" ngumiti ako para mapagtakpan ang sakit at takot na nararamdaman ko. Nanghihinang umupo s'ya at inabot ang kamay ko. Ang laki na ng pinagbago niya. Ang dating matipuno at malakas nyang katawan ay
hindi ko na mararanasan ipinaramdam mo sakin. Binigyan mo ko ng higit pa sa dapat kong matanggap," gumuhit ang ngiti sa labi niya at nagpatuloy sa pagsasalita kahit hirap na siya. "Binigyan mo ko ng mga anak, ng mga apo at ng mga apo sa tuhod. Ilan na nga ba sila?" nakangiti pa ring tanong niya sakin. "Apatnapu't isa na." sagot ko sa kanya. Muli niyang hinaplos ang mga palad ko. "Hindi ko akalaing magiging ganito kasaya ang buhay ko," Sabi nya. Hinaplos niya ang mukha ko ng marahan.
maimpis at buto't balat na ngayon. Ang mga
Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at ipinikit ang
maniningning niyang mga mata ay namumu-
mga mata ko.
la. Maputla at bitak bitak na rin ang mga labi
"Mahal kita. Lagi mong iingatan ang sarili mo. Ka-
n'ya na laging nakaawang upang humugot ng
kain ka ng maayos at hwag mo akong masyadong
hininga kung saan hirap na hirap s'ya.
inaalala kapag nawala na ko."
Emphysema.
Halos madurog ang puso ko sa mga salitang sinasabi
Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang makiki-
nya. Binalot ako ng kakaibang takot. "Ano ba yang
tang ganito kahina. S'ya ang pader ko, ang ta-
sinasabi mo? Hindi mo ko pwedeng iwan, sino na
gapagtangol ko, ang katuwang ng kaluluwa
lang ang yayakap sa akin pag nilalamig ako? Sino na
ko, ang kalahati ng buhay ko. Ang una at huli,
lang ang kakanta para sakin upang makatulog ako?
ang tanging lalaking minahal at mamahalin
Sino na lang ang magmamahal sa akin?" Hindi ko
ko.
napigilang maibulalas sa kanya. Muling tumulo ang
"Naaalala ko noon, mag isa lang ako sa buhay, walang kasama, walang karamay," marahan niyang pinisil ang palad ko na hangang nga-
mga luha ko pero tinuyo niya iyon gamit ang hinlalaki niya. Ngumiti lang siya at marahang hinaplos ang buhok ko.
yon ay hawak niya pa. Iniangat niya ang
"Paki abot mo nga sa akin yang tsinelas ko."
kanyang paningin at tinitigan ako gamit ang
Ibinaba nya ang kanyang mga paa mula sa kama at
mga malamlam niyang mga mata.
mabagal na isinuot ang mga tsinelas na iniabot ko sa
“Pero dumating ka sa buhay ko, lahat ng akala
kanya.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 34
"Ang pares ng tsinelas na ito, hindi dapat na
Tumataas baba ang dibdib niya dahil sa paghabol sa
pinaghihiwalay. Kasi kapag nawala ang isa,
kanyang hininga at namumutla na rin ang mga kuko
pano mo pa to masusuot upang maipanlakad?
niya. Hindi niya man sabihin alam kong pagod na
Hindi na 'to magiging produktibo. Pero pwede
pagod na siya.
mong itago ang naiwan, kasi kahit kailan 'di mo malilimutan ang mga lakarang pinagsamahan n'yo ng tsinelas na yan." Tinapik n'ya kamay n'ya sa kama na parang
"Alam mong takot akong malayo sayo. Nasanay na akong lagi kang nandyan, nakaalalay, nakabantay at naniniguradong laging ligtas at maayos ako. Pero alam ko rin na pagod ka na, kaya wag mo na akong
pinapaupo ako sa
isipin, magiging maayos lang
tabi niya. Kaya tu-
ako, kaya kung hirap na
mayo ako at lumipat
hirap ka na.." ipinikit ko ang
sa kanyang tabi .
mga mata ko ng mariin at
"Hindi
huminga ng malalim bago
kita
magpatuloy
maintindihan,"
ko
laya
pagmamahal sayo,
magsalita.
"...magpahinga ka na, pinapa-
bulong ko sa kanya. "Ang
na
na
kita.
Ayokong
nakikita kitang nahihirapan.
parang
Magkikita pa naman tayo
tsinelas din, kahit kelan, kahit sa kabilang
hindi ba?" nakangiting tanong ko sa kanya kahit ang
buhay pa, hinding hindi mawawala. Ako ang
totoo ay durog na durog na ang puso ko.
kanan at ang pagmamahal ko sayo ang kaliwa, kapag nawala ang kanang tsinelas, maiiwan sayo ang kaliwa. Itago mo at baunin mo lagi sa puso mo. Mamamatay ako pero ang pagmama-
Ganito pala kasakit. Na kahit sabay na kayong tumanda, darating at darating parin ang panahon na kailangan n'yong magpaalam sa isa't isa.
hal ko sayo, imortal." bumalong ang luha sa
May isang mauuna at may isang maiiwan upang
mga mata ko at tumango sa kanya.
balikan lahat ng matatamis at maging ang mga
Sa loob ng limampung taon naming magkasama, madalang lang niyang sabihin ang mga salitang iyan, bagkus lagi niyang ipinaparamdam. Pero ang mga salitang sinasabi niya sakin ngayon, nagiiwan ng marka na tumatagos sa hanggang sa kaluluwa ko. Pinagmasdan ko ang katawan niyang hirap na sa paglaban sa sakit niya. Lapis sa Kalye Online Magasin
masasakit na alaala. Ganito talaga ang realidad ng buhay. Ang lahat ay nagtatapos, walang nanatili, kahit ang mga alaala ay kumukupas din. Ang lahat ng nagsisimula sa "hello at kumusta" ay nagtatapos sa masakit na "paalam at hangang sa muli". "Mahal kita," aniya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko at tumulo ang huling luha sa kanyang mga mata. pahina 35
Sa May Bintana Maikling Kuwento || Eugene Latumbo
"Ron-ron! Buong araw ka na lamang bang tutunga-nga riyan sa may bintana? Hindi na babalik pa kailanman ang nanay mo!" Malakas ang sigaw na iyon. Halos arawaraw ay umaalingawngaw ang mga katagang iyon galing sa aking madrasta. "At ayaw mo talagang umalis diyan sa bintana? Wala akong pampaligo rito. Tumayo ka na at mag-igib sa labas!" Wala akong magawa kung hindi ang sundin siya. Ang boses niya ay parang sirena ng ambulansiyang walang tigil sa pag-iingay. Ayaw ko na kasing humaba pa ang litanya niya. Baka mapagbuhatan na naman niya ako nang kamay. Sa murang edad ko na sampung taong gulang ay napasabak na ako sa mga mabibigat na gawain. Gaya na lamang ng pagbubuhat ng dalawang malalaking balde ng tubig. Sa katawan kong halos liparin na nang hangin ay nakakaya ko pa ring magbuhat. Iniinda ko na lamang ang bawat sakit sa aking mga kalamnan habang binubuhat ang pares ng baldeng may lamang tubig. Hindi lang pag-iigib ng tubig ang rutina ko araw-araw. Minsan, nagsisibak din ako ng kahoy. Kadalasan naman ay utusan akong taga-pamalengke sa bayan. Buntong-hininga na lamang ang pinapakawalan ko kapag pagod na pagod na ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magsabing gusto kong magpahinga dahil pagagalitan lang ako ng aking madrasta. Sesermonan niya lang ako ng kung ano-anong bagay na masasakit. Mga salita at katagang patungkol sa aking tunay na ina. Mahigit dalawang taong gulang ako noon ng iwanan kami ni ama ng aking ina... "Ano ba, Ronaldo! Hindi mo na ako mapipigilang umalis! Sawang-sawa na ako sa buhay mahirap dito!" "Nagmamakaawa ako sa'yo, Angelie. Huwag mo akong iwan! Huwag mong hayaang mawalan ng isang ina ang anak mong si Ron-Ron." "Wala na akong pakialam sa iyo, Ronaldo. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Ang buong akala ko ay maiaahon mo ako, kami ng iyong anak sa kahirapan..pero mali ako. Maling-mali ako sa pagpili sa'yo!" "Nay! 'Wag po kayo alis. Wala ako nanay."
Lapis sa Kalye Online Maagasin
pahina 36
"Ron-Ron, anak. Gustuhin ko mang isama ka ay hindi ko magagawa. Marami pang pangarap si nanay. Pangako, kapag umasenso si nanay ay kukunin kita rito. Abangan mo na lang ako lagi sa bintana ha? Mahal na mahal ka ni Nanay." Hindi ko namalayan na sa bawat salok at salin ko nang tubig sa baldeng pinupuno ko ay sumasabay rin ang agos ng mga luha sa aking mata. Ilang taon na ang nakakaraan pero sariwa pa rin sa aking isipan ang sinabi ni Inay, 'Abangan mo na lang lagi ako sa bintana ha? Mahal na mahal ka ni Nanay.'. Dahil sa pangakong iyon ay araw-araw akong nakatunganga sa bintana ng aming bahay na gawa sa sawali. Nagbabakasakaling tuparin ni Nanay ang kanyang pangako. Pero hanggang ngayon, ni anino niya ay hindi ko nagisnan. "Ron-ron! Nahulog ka na ba riyan sa balon? Nasaan na ang tubig ko!" Kitang-kita ko mula sa balon ang nanay-nanayan kong nakapameywang pang tumatawag sa akin sa labas ng tarangkahan ng aming bahay. "Opo, nariyan na po ako, Aling Mercedes." Nilakasan ko na rin ang boses ko para marinig niyang malapit na akong matapos. Aling Mercedes ang tawag ko sa kanya. Hindi maatim ng puso kong tawagin siyang ina. Hindi niya ako itinuring na kanyang tunay na anak. Ako'y utusan lamang para sa kanya. Kahit kailan, hindi niya napalambot ang aking puso. Siguro kung bumait siya, may pag-asa. Pero matigas pa sa bakal ang kanyang damdamin. Napuno ko rin ang dalawang balde ng tubig at agad na binuhat ito. Bumakat na naman ang mga ugat sa mga braso ko habang tangan-tangan ko ang mga iyon. Sa pagmamadali ay natapilok ako. Nasa harapan na ako ng aming tahanan nang makita kong natapon ang lahat ng tubig sa isang baldeng hawak ko. "Kahit kailan talaga ay napakalampa mong bata ka. Tingnan mo ang nangyari, natapon ang panligo kong tubig!" Nagmumura sa galit na bulyaw sa akin ni Aling Mercedes. "Ipagpaumanhin niyo po, Aling Mercedes." Nakayuko kong sagot sa kanya. "Walang magagawa ang paghingi mo ng paumanhin. Akin na nga 'yang isang balde, baka matapon na naman." sabay hablot sa isang balde na hawak ko. "Oh, anong nangyayari dito? Bakit ang aga-aga naman ng pagtatalak mo, Merced?" bagong gising at pupunas-punas ng mukhang wika ng aking ama. "Eto kasing anak mo, Naldo, hindi nag-iingat. Natapon na naman niya ang pina-igib kong tubig sa kanya." Nagmamaktol na turan niya sa aking ama. "Pasensya na po, Tatay. Hindi ko po kasi napansin ang bato sa harapan ko kaya --" putol kong paglalahad sa kanya. "Mahal, huwag ka ng magtampo. Ako na lang ang mag-iigib ng tubig para sayo. Sabay na rin tayong maligo ha?" ang nang-aakit na sagot ni Tatay sa aking madrasta na sinabayan pa ng paghalik-halik sa leeg nito.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 37
"Teka, ano ba, nakikiliti ako. Sige na nga. Pagsabihan mo 'yang anak mo ha? Pupuslit lang ako sa kwarto para ihanda na rin ang mga damit mo, mahal." lumalanding sagot naman nito at nag-flying kiss pa sa tatay ko. Sinundan ko na lamang namin nang tingin si Aleng Mercedes. Pagkatapos ay hinila ako ng aking ama papasok sa bahay papunta sa kusina. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na bawat utos ng nanay mo ay ayusin mo. Hindi 'yong lalampa-lampa ka sa harap niya." paninisi niya sa akin. "Bakit,Tay, mas mahalaga ba siya sa iyo kaysa sa tunay mong anak?" Napataas sa tono ang boses ko sa kanya. "Hindi sa gano'n, anak. Ang sa 'kin lang naman ay -- ituring mo rin siyang ina mo." malumanay na paliwanag nito sa akin. "Tay, sa ginagawa at pag-uutos niya sa akin araw-araw, sa tingin niyo po ba, mamahalin ko siya bilang ina ko? Kung gusto niyang ituring ko po siyang ina, dapat respetuhin niya rin ako bilang isang tao, tratuhin niya ako bilang anak niya." Naluluhang sagot ko sa kanya. "Yun na nga eh. Alam mo namang walang trabaho si Tatay. At siya lang ang gumagastos para sa atin. Kung wala siya, wala tayong kakainin araw-araw. Sana maintindihan mo iyon, Ron-Ron." Hindi makatingin sa aking pagpapaliwanag ni Tatay. Hindi ko na sinagot pa si tatay. Sa halip ay tinungo ko ang aking silid at doon sa may bintana nagsimula akong umiyak. "Nay, bakit gano'n?" ang bulong ko sa hangin. "Bakit kailangan kong pagdaanan ang hirap? Gusto kong makapag-aral. Gusto kong makipaglaro sa mga katulad kong bata sa labas pero hindi ko magawa." Sunud-sunod ang pagtatanong ko sa kawalan. "Masama ba akong nilalang na nilikha ng Diyos? Wala na ba akong pag-asang makita o masilayan ka 'Nay?" "Kung sana, narito lamang kayo sa aking tabi ay walang aapi sa akin. May mag-aalaga at magtatanggol sa akin. Hindi ako magiging payatot at lampa." "Nay, araw-araw akong naghihintay sa iyong pagbabalik. Maghapon at magdamagan din kitang inaabangan sa labas ng ating bahay. Pero bakit hindi ka pa rin dumarating?" nakayuko at atungal kong pagtatapos ng aking saloobin. Ang bintana sa aking kwarto ang laging saksi sa bawat patak nang luha ko sa aking pisngi. Dito ko lahat ibinubuhos ang gusto kong iparating sa aking ina. Kasama na ang araw-araw na masasakit na salitang ipinupukol sa akin ng aking madrasta. Kinabukasan.. Maagang nagpaalam sa akin ang aking ama upang maghanap ng trabaho na siya namang ikinatuwa ko. Ayaw na niya raw kasing habang buhay na kaming nakatali sa palda ng kanyang kinakasamang si Aleng Mercedes.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 38
At kapag nakahanap na raw siya ng trabaho ay hindi na niya papayagan pang apihin ako ng aking inainahan. Malaking bagay para sa akin ang mga salitang binitiwan niya. Nagpadagdag iyon sa akin nang pagasang magiging kakampi ko siya anuman ang daing at hinaing ko. Nasa silid ako nang mga oras na iyon ng magpaalam siya sa akin. Tanaw na tanaw ko ang malapad na ngiting gumuguhit sa kanyang pisngi habang sinusundan ko siya nang tingin sa may bintana ng aking kwarto. Kumaway-kaway pa ito sa akin at gumanti ako ng kaway kay Tatay pero nawala ang ngiti ko nang tapunan ako ng masamang tingin ni Aling Mercedes matapos mag-flying kiss sa tatay ko. Sinimangutan niya ako. Hindi ko na lang iyon pinansin. Bagkus, nagsimula akong magligpit sa aking kwarto. Baka kasi pumasok siya at pag-initan na naman ako. Isa-isa kong tinanggal at iwinasiwas ang mga punda ng aking unan. Pinagpagan ko na rin ang gawa sa kawayan kong katre at nilinis ang ilalim nito. Maghapon lang akong nag-ayos sa aking silid dahil wala namang ipinagawa sa akin si Aleng Mercedes. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Pero mali ang akala ko. Inutusan niya akong gawin ang isang bagay na hindi ko kaya at ayaw na ayaw ko talagang gawin - ang magluto. Hindi kasi ako marunong magluto. Kahit ang pagsasaing ay hindi itinuro sa akin ng aking tunay na ina maging ni Tatay. Subalit, mapilit si Aleng Mercedes. Pagod daw siya at wala siyang oras magluto. Kaya, napatango na lamang ako kahit kinakabahan. Nanginginig ang mga kamay at tuhod kong tinungo ang kusina para magsaing. Sinimulan ko na ring silaban ng posporo ang sangkalan. Pinagputol-putol ko pa ang mga maliit na kahoy at pinagpatong-patong iyon. Habang unti-unting lumiliyab ang mga kahoy sa pugon ay sinimulan ko namang maglagay ng tatlong cup ng bigas na nakalagay sa malaking lata na kung tawagin ay rebisco. Matapos maisalin sa maliit na kaldero ay hinugasan ko ang bigas ng tatlo hanggang apat na beses. Nalaman ko lamang iyon nang minsang makita ko kung paano magsaing si Tatay pero hindi ko alam kung maluluto ba iyon dahil hindi ko tantiya kung ilang baso o cups ng tubig ang ilalagay doon. Bahala na. Ang nasabi ko na lamang sa isip ko. Apat hanggang limang cups ng tubig ang inilagay ko. Halos mapuno ang maliit na kaldero. Isinalang ko na sa pugon ang sinaing na lulutuin ko. Pinagmasdan ko na lamang iyon at kapag nauubusan ng panggatong ay dinadagdagan ko iyon. Hanggang sa may naamoy akong parang nasusunog ang sinaing. "Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa mo ha? Hindi ka marunong magsaing? Tingnan mo ang ginawa mo? Basang-basa at sunog pa sa ilalim itong sinaing mo!" Nakapameywang at nakataas ang kilay na bulyaw sa akin ni Aling Mercedes. Napayuko na lang ako at tumalikod sa kanya upang magtungo sa kwarto pero hinawakan niya ako sa braso at pinaso gamit ang mainit na takip ng kaldero. Aaaaaah! Napasigaw at mangiyak-ngiyak ako sa kanyang ginawa. Hindi ko akalaing gagawin niya sa akin 'yon.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 39
Ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit na ikinahilo ko at unti-unting bumulagta sa sahig ang katawan ko. Ang huling narinig ko na lamang ay ang malakas na sagutan ng aking ama at ni Aleng Mercedes. Pagkagising ko ay nasa isang puting silid na ako. May nakaturok pang mga malalaking karayom sa aking katawan. Napag-alaman kong nasa maliit na pagamutan ako malapit sa aming bayan. Minsan na rin kasi akong napadpad dito kaya pamilyar siya sa'kin. "Ron-Ron, anak, patawarin mo ang tatay sa mga kasalanan at kapabayaang ginawa ko sa'yo. Hind ko inakalang papasuin ka ni Mercedes gaya ng nadatnan ko kanina sa bahay." umiiyak niyang siwalat sa akin habang pisil-pisil ang aking mga palad sa kamay. "Tay, huwag niyo na po alalahanin iyon. Ang mahalaga, buhay po ang anak niyo. Buhay ako. At saka, kasalanan ko rin naman po." Sisinok-sinok na sagot ko. "Patawad, anak, sa sobrang kabaitan mo, naabuso ka na pala ni Merced. Napabayaan na kita. Kung nandito lang sana ang nanay mo, masaya siyang nakikitang lumaki kang mabait at mapagmahal kahit wala kaming nagsusubaybay sa iyo." Pagpapatatag niya sa harap ko. "Tay, hangga't may bintana akong makikita, hangga't nakikita ko po kayong masaya, magiging masaya rin ako. Hinding-hindi po ako mawawalan ng pag-asa na balang araw ay babalik at babalik sa atin si Nanay." Pagtatapos ng diyalogo ko sa kanya. Niyakap ako ni Tatay nang mahigpit. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdam ko nang buong puso ang kanyang pagmamahal. Kahit wala akong alam kung kailan babalik si Nanay ay patuloy akong maghihintay. Alam kong magiging maayos na ang buhay ko dahil natuto na rin si Tatay sa kaniyang pagkakamali. Alam ko ring matutupad na ang mga dasal kong mamuhay ng normal bilang isang nagbibinata. Hindi man kami kompleto sa ngayon, buong puso akong mananalangin sa Poong Maykapal na sana magkita na kami ni Nanay. At hangga't may bintana akong nakikita sa aming bahay, patuloy akong aasa. Aasa na tutuparin ni Nanay ang kanyang pangako sa akin. Maghihintay at aabangan ko siya araw-araw sa may bintana...
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 40
A Journey of Faith ni Silent Sakura Minsan naisip mo ng sumuko sa buhay kasi pagod ka na di ba? Hindi madali ang paglalakbay sa buhay dahil minsan nakakapagod din ito. Naranasan ko na rin iyan yung tipong gusto mo ng kumawala sa sakit, sa pagod at sa hirap. Iba-iba man ang ating paglalakbay at layunin sa buhay pero may isa tayong gustong gawin at iyon ang maging masaya. Pero hindi madali ang lahat kahit na may naka-set na tayong goal sa buhay minsan ang landas patungo sa ating pangarap ay napakahirap. May mga iba’t ibang issues tayong kinakaharap gaya ng pressure sa trabaho, financially unstable, lovelife problem, problema sa pamilya, sickness, peer pressure, gender discrimination, bullying, confusions, depressions at iba pa. We always feel empty, physical, mentally, emotionally and spiritually unstable. Ang hirap naman ng buhay bakit kasi napakacomplicated di ba? Ganun naman talaga, hindi naman easy ang life pero at the end it’s how you live life to the fullest. Just enjoy the ride and don’t panic. Ito yung mga bagay na maaari mong gawin kung unstable ka physically, mentally, emotionally and spiritually. These are all based on my point of view only and some of my experiences. Sinulat ko ito dahil gusto kong magbigay ng tips na maaaring makatulong sa iba o maaari ding hindi at the end nasa saiyo naman iyon kung paano mo iha-handle ang buhay mo. If you are physically drain and feeling lonely.
Why don’t you go out and explore the world. Hindi ko naman sinasabi na magwala ka ha?! Ang ibig kong sabihin explore new things sa buhay yung mga bagay na hindi mo ginawa. Gaya ng pagsali sa extreme outdoor sports. Tignan lang natin kung hindi mabuhay ang dugo mo sa kakasigaw mo. HAHAHA! Pwede ring sumali ka ng outreach program kung saan mag-eenjoy ka playing with the kids. Kids smile will always melt the hardness of your heart; they will always make you feel happy and full of love. Nakakapagod pero masaya silang kapiling, promise!
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 41
If you are mentally drain and stress.
Just relax. Inhale and Exhale. Chill. Pero dahil sinabi kong chill lang eh dapat lumaklak ka na ng alak, naku! dagdag sakit ng ulo iyan plus hangover pa. Ibig kong sabihin ay wag kang masyadong mag-isip ng negative thoughts o mga problema sa buhay mo, wag mo namang hayaan kontrolin ka ng problema dapat ikaw ang magkontrol sa problema mo, huwag mo lang masyadong i-pressure ang sarili mo sa problema, take it one step at a time and think of a right solution pero kung sobrang stress na talaga ang utak mo, just relax, matulog ka na lang muna. Just always think of positive thoughts and look life in a brighter side.
If you are emotionally drain.
Iba-iba ang klase ng emotionally drain para sa akin dahil nakabase ito sa mga issues na kinakaharap natin, arawaraw ay may iba’t – ibang emosyon tayong mararamdaman katulad ng pagiging sad, aloftness, depressed, hopeless, heartbroken. Isa lang naman ang dulot ng lahat ng ito – masakit sa pakiramdam. Kung nasa point ka na ganito, you can always talk to a friend or to one of your
family members kung saan mailalalabas mo ang sakit na iyong nararamdaman, mas mapapagaan pa ang nararamdaman mo kaysa naman kinikimkim mo ito sa sarili lamang. If you are spiritually drain.
Ang pagiging emotionally at spiritually drain ay konektado
lamang kung hindi ito mahahandle ng maigi ay maaari itong humantong sa suicidal situation. Nakakalungkot ang ganun! Don’t waste your life dahil lang sobra kang nasaktan, nalungkot o marami kang problema, tandaan mo maghihilom din ang sakit at lahat ay may solusyon.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 42
Why not go on a retreat or a recollection. Ito yung pinakabest na nangyari sa buhay ko kung saan naramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa paglalakbay at pagharap ng problema ko. Ika nga, “Prayer is the best armor against all trials.” Hindi man masasagot ng direct ang lahat ng prayers mo o lahat ng hinanakit mo sa buhay pero once you pray you will feel at peace. Just open your heart and sincerely ask for help and guidance and God will never failed to answer you back. Life will always be tough and hard but always remember you are not alone in this journey of life. Alam kong saan ka man patungo nariyan lang si God sa tabi mo at umaalalay saiyo. Ang buhay para lang ‘yang pagkain kapag walang spices o hindi tama ang ingredients ay hindi magiging masarap ang lasa katulad ng buhay kapag walang ups and down, sadness and happiness, trials and tribulations ay hindi tayo mas magiging matatag. Sa iba’t ibang issues na ating kinakaharap mas nagkakaroon tayo ng kabuluhan sa buhay, mas nauunawaan natin kung ano ba talaga ang purpose natin dito sa mundo, at the end we will become a better person. I-enjoy mo lang ang buhay mo, smile,
smile, smile and always smile.
The Aftermath of Death Death is the most afraid situation that a human could ever face. Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, isa na yata ito sa pinakamatinding sakit na mararamdaman ng isang tao. Mahirap ang maiwan ng mag-isa na minsan humahantong ito sa matinding pagkalungkot o matinding galit. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay kaya kapag dumating na tayo sa sitwasyon na isa sa ating minamahal ang mawala, isa itong matinding dagok sa ating buhay. Naranasan ko na rin ang ganitong sitwasyon sa buhay ko kung saan biglaan ang pagkawala ng isang taong malapit sa puso ko.
Shock o Pagkabigla Ito yung mga panahon na matapos mo matanggap ang masamang balita. Nasa sitwasyon ka na para bang mahirap paniwalaan ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. Tila ba isang teleserye lamang ang lahat at gusto mong kumawala sa eksinang iyon. May iba na hindi kinakaya ang masamang balita kaya humahantong sa pagkahimatay. Nasa proseso ka kung saan indenial ka at hindi mo matanggap ang pangyayaring ito sa buhay mo. Ganito ang nangyari sa akin noon kung saan hindi ko na naiwasan pa ang humagulgol kahit sa harap ng maraming tao. Isang buhay ang tuluyan ng nawala at hindi na muling maibabalik. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 43
Sadness o Pagkalungkot Sa oras na makita mo na ang kanyang mukha sa ataol dito na magsisink-in na totoo ang bawat eksinang nangyayari sa buhay mo at hindi lamang isang palabas sa telebisyon. Pagluluksa ang labis mong mararamdaman, isang matinding sakit ang babalot sa iyong puso. Dito mo mararanasan ang walang humpay na pag-iyak sa loob ng ilang araw, dito mo rin maaalala ang mga masasayang pangyayari kasama ang mahal mo sa buhay at mas lalong magpapadurog ng iyong puso. Sa mga panahong pinagmasdan ko ang kanyang mukha sa ataol na tila ba natutulog lamang para bang nag-slow motion ang lahat at tanging naramdaman ko lamang noon ang matinding sakit sa aking puso, sobrang sakit at napakasakit.
Anger o Galit Ito yung stage kung saan sinisisi mo at galit ka sa ang mga taong naging dahilan upang mawala ang mahal mo sa buhay. Minsan nagagalit tayo sa ating sarili dahil wala tayong nagawa upang hindi mamatay ang mahal natin sa buhay. Dito mo rin naitatanong sa Diyos kung bakit hinayaan niyang mangyari ito sa iyong buhay, minsan dahil sa sobrang galit natin nagkakaroon tayo ng withdrawal of faith sa Diyos kung saan dumidistansya tayo sa kanya. Kritikal ang stage na ito dahil minsan sa sobrang galit natin ay makakapagdesisyon tayo ng mali. Hindi madali ang magkaroon ng poot lalo na’t mahirap itong tanggalin sa ating puso sabi nga nila it take’s time to heal the wounds.
Depression Ito yung panahon na matapos ilibing ang mahal mo sa buhay. Dito naghahalo-halo lahat ng emosyon mo kung saan babalutin ng sobrang katahimikan at kalungkutan ang buong bahay ninyo. Ito ang pinakamahirap na sitwasyon dahil bawat minuto ay naaalala mo ang kanyang mukha at ang mga bagay na kanyang ginagawa, wala kang magawa kundi umiyak ng umiyak na lamang. Paghihinagpis ang matindi mong kalaban, your faith will be shaken and you will doubt about God’s ways. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 44
Wala kang ibang magawa kundi ang magmukmok, isa din ito sa kritikal na stage at mahalaga dito ang magkaroon ng buddy, kaibigan, kaagapay o karamay sa bawat araw kung saan makakatulong upang hindi ma-depress ang isang tao. A simple conversation that would enlighten or encourage the person who is depressed will be enough. Mahalaga dito na mabigyan mo ng hope at brighter perspectives ang taong dumadaan sa matinding depression.
Forgiveness o Pagpapatawad / Acceptance o Pagtanggap Ito ang proseso kung saan unti-unting naghihilom ang sugat sa puso mo. Unti-unti mo ng natatanggap ang pagkawala ng mahal mo sa buhay. Napapatawad mo na rin ang mga taong naging dahilan ng pagkawala ng mahal mo sa buhay. Dito mo maiisip na life must go on. This will be the time that you will be closer to God and understand His ways. Kapag naaalala mo siya hindi na lang puro sakit ang dulot sa puso kundi mas magiging magaan na ang pakiramdam mo kasi you know that your love one’s is now resting in peace. Mahirap ang proseso bago matanggap natin ang paglisan ng ating minamahal sa buhay pero sa tamang panahon ay unti-unti din natin itong matatanggap sa ating puso. When you seek a Christian’s advice you will understand more the process of Life. There will always be ups and down, people will hurt you but it’s your choice either to hurt them back or forgive. It’s up to you if you give up or stand up again. When everything seems to crumble and your life is messy, the only hope you cling is God. Everyone of us has different coping mechanism in dealing our different problems and in every challenges we conquer we will always have a new brighter outlook in life. Accepting our love one’s death is really hard but you can surpass these biggest tribulations in life with the right amount of time and the people who continue to support and comfort you. Always have a new inspiration to go on with your journey of life and remember that even though your love one’s was dead but the memories you have will always remain. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 45
The Common Cause of Suicidal There are different factors that affect the daily life of a person and some maybe the cause why a certain person commits suicide. Marami na akong nababasa tungkol sa pagsusuicide ng iba’t ibang tao at karamihan doon ay mga teenager. Maraming bagay ang dahilan kung bakit umaabot ang isang tao sa pagkitil nito sa sariling buhay kabilang na doon ang bullying, family problem, lovelife problem, sickness, pressure, blackmail, work problem, the feeling of being not accepted, pati na ang mga nabanggit ko kanina na physically, mentally, emotionally at spiritually unstable. May mga tao na hindi ganoon katibay ang pondasyon sa sarili kaya kapag dumating ang mga matinding unos sa kanilang buhay ay para silang bahay na untiunting nagigiba. Dalawa lang naman ang nagiging result sa pagharap ng problema, either it will make you stronger or break you into pieces. The feeling of hopelessness is the root of suicide, kapag kasi ang isang tao nawalan na ng pag-asa upang mabuhay hindi na ito magdadalawang isip na kitilin nito ang sariling buhay. Napakaseryong usapin ang suicidal tendency ng isang tao at ako bilang isang ordinaryong tao hindi ko maiwasan ang hindi malungkot sa tuwing may mga taong handang magsuicide para lang makatakas sa sakit o sa problema. Suicide is very, very, very wrong and it is not the right solution, hindi solusyon ang pagkitil sa sariling buhay upang lang makalaya sa hinaharap mong sitwasyon o sa sakit. Please lang ‘wag mong sayangin ang buhay mo.
In order to avoid suicide, we must build a strong foundation in our life. We should see how our life is valuable to God.
Never ever lose Hope
Always find a good friend that will listen to you and comfort you
Avoid things or people that will drag you down
Look for a positive people or positive things that will surround and enlighten you
Always remember that problems have always a solution, so never give up
Learn from failure but never breakdown because of failure
See your life as the most valuable things you have
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 46
Pray harder
Contemplate and reflect
Let others be encourage by the life you have; be an inspirations for others
Genuine happiness comes from within, it is not all about the worldly things but what matter most are the unseen things like love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, humility, self-control, generosity and gentleness
Let your heart be filled with Faith, Love and Hope
Our life is not always perfect, we always face different circumstances but the more our faith is being tested the more we became stronger. The more we think of our problems and try to solve it in a wrong way the more we get frustrated with our lives. If we remain hopeful, be positive and do the right solution then we will be free from all the frustrations we felt. God will always be there in the stormy, downfall and peaceful moments of our life. Greatness is not measure by the achievements we have achieved but true greatness is a service of love for others. When we are convince by the words of God we always find ourselves being joyful and full of hope. The faith you have is already enough to start an intimate conversation with God, you don’t need to be perfect in order to pray but you just need a sincere and humble heart when you want to pray. Words of God give you strength to still continue with your life, it gives you courage to go on even how stressful you are. The more you pray the more you will be closer to God and enjoy the life. Always love the life you have now and be a hopeful person. Do not lose hope but have a faithful heart.
Background Image -—
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 47
TATLONG ARAW Isang kabanata mula sa librong “The Adventures of Blogger Girl” Sa Panulat ni Cindz Dela Cruz
Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makakapagsulat hangga‟t nandito pa ako sa Hong Kong, pero dahil sa nangyari anim na araw na ang nakakalipas, napagdesisyunan ko na kailangan ko „tong isulat habang sariwa pa sa aking memorya. Isusulat ko to dahil ayokong makalimutan ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Nangyari ito sa maikling panahon, tatlong araw, tatlong masasayang araw na sa tingin ko ay tatatak ng malalim sa pagkatao ko. Kung tutuusin napakaikli ng tatlong araw pero sa totoo lang ay wala naman „yon sa haba ng panahon, ngunit nasa esensya rin, kung paano ginamit ang mga tatlumpu‟t anim na oras. Hindi ko na pahahabain pa ang introduksyon, bale ang punch line na lang dito ay ang natutunan ko na “Ang tunay na kasiyahan ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob para gawin ang mga bagay na gusto mo.” Madali mangarap pero „di madaling gumawa ng hakbang lalo na kung walang taong naniniwala sayo. Masuwerte lang talaga siguro ako. Binayayaan niya ako ng taong magiging kahati ko sa pangarap na iyon. Tawagin na lang natin siya sa mga katagang “Soulmate” o “SM”. Oo na, jejemon at cheesy na. Pero walang kyeme ang sulatin na ito, pakiusap huwag mo „kong husgahan. 24 Aug, 2008 Isa ako sa mga naunang lumabas ng eroplano. Lulan ako ng Cebu Pacific, flight 5J 143. Buti na lang malapit lang ako sa pintuan, wala pa akong bagahe kaya dire-diretso lang ako sa immigration at pagkatapos ay sa customs. Wala na masyadong tao dahil madaling araw na ako dumating. Bawat hakbang ko, sinasabayan din ng tibok ng puso ko. Mabilis akong maglakad kaya talagang kinakabahan ako. Mixed emotions nga eh. As in! Alam mo, ngayon ko lang talaga napaglaban to the highest level ang gusto kong mangyari, ang gusto kong maging direksyon ng buhay ko. Ako na kasi ngayon ang tipo ng tao na gagawa at gagawa ng paraan mangyari lang ang mga pangarap ko. Simple lang naman siya nung una eh. Makapagtapos ng pag-aaral, mag-ipon tapos magpakasal sa taong mahal ko. Kaso sa hindi iniiwasang sirkumstansya, nagbago ang sitwasyon at pinapunta ako ng dito sa Hong Kong para magtrabaho. Nabaon kami sa utang at bilang panganay, responsibilidad ko ang magsakripisyo para sa aking mga magulang at mga kapatid. Actually, okay lang naman „yon sa akin eh, kung saan ako mas makakatulong at magiging masaya. Pero kasi dumating yung panahon na naramdaman ko na parang ayaw nila akong sumaya. Well, at least that‟s what I felt. Sinabi ko naman sa kanila ng maayos na gusto kong magpakasal. Ewan ko, nagalit sila eh. Bata pa raw ako. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 48
Balik tayo sa kasalukuyang panahon. Kinakabahan ako. Nandito na kaya si Soulmate? Ano na hitsura ko? Paano kapag walang sumundo sa akin? Ano na kaya ang hitsura niya? Alam kong di ko kontrolado ang mundo, pero nandito ako ngayon, handang sumulong. Hanggang sa di kalayuan, nakakita ako ng pamilyar na mukha. Naka berdeng polo shirt at asul na pantalon. Si Soulmate… ahhhhh, walang salitang lumabas sa bibig ko. Kahit ngayon, naaalala ko ang pakiramdam. Mas matangkad pa rin siya, medyo nagkaroon ng laman at syempre mas gwapo (ever!). Pero may mga bakas pa rin na nagsasabing ilang araw din siyang puyat at ilang taong malungkot. “Che” o “Baby” Di na ako sure sa itinawag niya sa akin, niyakap niya na lang ako at hinagkan sa kaliwang pisngi. I kissed and hugged him back. Noong una, nagkailangan muna kami. Well, five minutes lang naman tumagal ang pagkailang. Hindi kasi ako makapaniwala na nandoon na nga ako at nakaakbay siya sa akin. At last, I feel totally secured, isang pakiramdam na tila walang puwedeng manakit sa‟yo. Pagkalabas ng airport ay hinanap naming yung inarkilahan niyang sasakyan. Kinatok niya yung driver na nakatulog na at agad naman binuksan ang pinto. Nang nakaupo na kami sa van, tinanggal ko na ang ilang ko at saka ko siya niyakap at inulan ng maraming halik sa pisngi. Hanggang sa di na niya mapigilan. We kissed… sa may lips. It has been so long since I have kissed his soft lips. Hindi ko nga inaasahan na magiging ganito ang lahat. Well, „di ko naman akalaing after four months ay uuwi ako at mahahalikan ko uli siya. Akala ko kasi after two years pa. Thank God! At tulad nga ng nai-imagine namin, solo namin ang sasakyan at kung di lang dahil sa driver ay baka napunta na kami sa susunod na level ng paglalandian. Na-miss ko ang maraming bagay sa kanyang pagkatao, yung pilikmata niya, yung kilay, ilong, leeg, buhok niya sa dibdib, lahat hinawakan at dinama kong muli. Namamalat nga yung kamay niya eh dahil nung isang linggo, naglasing siya. Baliw kasi, hmp! Di namin akalain na nakarating na pala kami sa bahay nila sa Molino. Walang nagbago bukod sa banderitas dahil umaga na nga naman. Binayaran ni SM si Kuya Danny, the driver, “Bukas po balik na lang kayo, siguro kahit mga 10:00” “10:00? O sige.” sagot naman ni Kuya Danny. Tahimik ang buong kabahayan nang pumasok kami. Natutulog na ang kapatid niyang si Rainbow sa sala habang naiwang nakabukas ang tv na nasa Disney channel. Dumiretso ako sa kwarto niya at well, nagulat ako sa mga pagbabago. May bagong bed sheet at punda na siya. Parang ang sarap humiga. Dati rati noong estduyante pa lang ako, ang kamang ito ang madalas naming tambayan, hindi nga namin alintana noon ang nanglilimahid at butas niyang kumot. Nilapag ko yung bag at umupo sa kama. Nasa cabinet niya pa rin yung mga larawan namin at nandoon din yung mga sulat na binigay ko sa kanya dati. Yung 360 letters na babasahin niya pagkagising niya sa umaga. “Love, may towel ka ba? Magsho-shower muna ako.” “Oo, wait hanapin ko. Wala sa labahan eh.” Maya-maya lang inabot niya sa akin ang tuwalya. “Pasensya ka na diyan ha.” At bago pa ako pumasok sa CR, he kissed me at niloko na sisilipan pa ako. May butas kasi yung pintuan. Grrr! Looking at the mirror, I have realized medyo nagbago na pala ang hitsura ko. Medyo humaba ang dati kong pinagupitan na buhok at medyo pumuti na rin ako. Napangiti ako sa sarili ko sabay sinabing, “Carrie, ang galing mo talaga!” (Ayun, naligo na nag ako).
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 49
Pagkalabas ko ng banyo, pinakita ni SM sa akin yung gift niya na nasa Winne the Pooh na paper bag. Nandoon ang mga bagong libro na sinulat ng paborito kong manunulat na si Paulo Coelho, isang itim na diary, isang bookmark na may nakalagay na “The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.” -Eleanor Roosevelt, isang Philippine flag badge para daw di ko makalimutan na Pilipino ako kahit na nasa Hong Kong ako, memo pad at sticker na galing sa Papemelrotti. Nakakatuwa. Pinakita Aniya pa nga sa akin ang sang magazine na hindi niya karaniwang binabasa. Gosh! You know what magazine I am referring to? Yung Cosmopilitan - ang libog lang! Matapos naming mag-ayos ng lahat lahat, he lay beside me and we started kissing… Narandaman kong bumangon si SM sa tabi ko. At tulad ng ginagawa ko dati, nagkunyarian akong tulog. Hindi nagtagal nakatulog na nga uli ako. Nung nagising na ako, nakakita ako ng deoderant at toothbrush na kulay orange. Maya-maya lang pumasok na si SM na may dalang plato at isang baso ng gatas. “Good morning!” Pagkasabi niya palang nu‟n, napangiti na ako. “Nagluto na ako kaso pasensya ka na sa luto ko ha. May adobo kasi sa ref kaya hinalo ko na lang siya sa fried rice.” “Wow, tamang tama, gutom na rin ako eh.” Nagsubuan kami pero bago niya ako subuan, hihipan muna niya dahil akala niya mainit pa pero hindi na naman. “Ang sarap naman.” sabi ko. Totoo „yon ah, walang halong biro. Gusto ko sanang sabihin, “Yehey, ikaw na ang magiging tagaluto.” Ninamnam ko ang masarap na pagkain at pagkatapos ay nagsiping kaming muli. “Love, anong oras ba yung kasal?” tanong ko. “Baka ma-late na tayo.” “Sabi ko kay Kuya Danny 10 di ba?” “Oo pero maliligo pa tayo at mag-aayos.” “Okay, okay.” And he kissed me all over again. Ako ang unang naligo gamit ang kanyang towel. Sinuot ko yung binili ko sa isang mall sa Hong Kong na itim na blusa at palda (para kunyari emo). May mga itim na bulaklak pa nga na nakapalibot. Nagmake-up ako at nagsuklay. Tinext ko na rin si Kuya Danny. Nagte-text na rin kasi sina Tita Sally. Actually, di ko nga kilala yung mga dadalo sa kasal na ito. Hindi ko sila ka-close. Ewan ko lang kay SM kung close sila. Basta ang alam ko si Tita Sally ang tutulong sa amin para makasal kami. Si SM naman mas babae pa kaysa sa akin sa sobrang tagal kumilos. Tama ba naman kasing mag pantalon at polo sa kasal no? Anyway, he looked sooo gorgeous naman. Habang nag-aayos siya, dapat ilalagay ko yung bote ng tubig sa harap ng bag niya. Pagkabukas ko ng bag niya ay bumungad sa akin ang isang kahon na kung hindi ako nagkakamali ay naroroon ang singsing namin. Sinarado ko agad ang bag, kunwari wala akong nakita. Si SM talaga, kahit kelan hindi marunong mag-surprise. Sumakay na kami sa sasakyan at sinundo muna namin yung Mama ng kaibigan niyang si Grace (si Grace ang babaeng pinagseselosan ko dati). Then, we went to SM Bacoor, dahil susunduin yung manager ng Jollibee na amo ng anak ng Mama ni Grace, in short boss ng kapatid ni Grace na di rin naman kilala ni SM. Makikisakay daw muna sila. Maaraw at medyo ma-traffic papuntang Sampaloc, Manila. At dahil naguguluhan na rin si SM kay Tita Sally kung saan ba talaga magkikita, sinubukan ko siyang pakalmahin. Buti na lang yung manager ng Jollibee alam kung saan yung daanan, yes kabisado niya yung Manila. Nahuli pa kami ng Traffic enforcer dahil ang bilis magpatakbo ni Kuya Danny. Buti na lang at nadadaan pa rin sa lagay ang mga pulis. Halos mapanis ang make-up ko dahil ang tagal namin nakarating sa aming patutunguhan. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 50
At alam mo ba na hiningan pa ni Tita Sally si SM ng additional Php 5000 para daw sa pagaantay ni Reverend. Ayun nga, naasar si SM dahil mukhang uutakan pa kami. “Love, it‟s okay. Hayaan mo na, sila naman ang tutulong sa atin eh.” I gave him a kiss at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Sa wakas, dumating din kami sa munisipyo ng Manila. Dumaan kami sa likod dahil wala naman talagang ia-allow na kasal „pag sabado. In short, (hindi siya legal) pero nare-remedyuhan naman daw, ani ng Reverend. Eh di umakyat kami sa hagdanan dahil wala raw elevator ng Sabado. Pati ang buntis na anak ni Tita Sally na si Jullianne at kapatid nito ay sumama na rin. Basta hindi ko sila lahat ka-close pero sa tingin ko sila yung mga magiging future kumare ko. Hinila na rin namin si Kuya Danny para magpanggap na Ninong. Sa loob loob ko, gusto ko matawa dahil mukhang exciting ang mga pinagagagawa namin. May mga taong pinaghahandaan ng husto ang kanilang kasal, tapos heto kami ni SM… Si SM naman ay pinagpapawisan sa mga pangyayari. Umupo na nga kami sa harap ng Reverend, may isa pang assistant doon na lalake na kumukuha ng litrato na binayaran din namin ng PHP 500. Sinimulan na naming fill up-an ang mga papeles. Pangalan, address, pangalan ng magulang. Binigay na din namin yung orihinal na kopya ng birth certificate namin. Kahit ako ay di makapaniwala sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ang mature mature ko na! Sinermunan pa kami ng Reverend, late daw kami. “Ang tagal niyo, dapat kaninang umaga pa „to pero hapon na kayo dumating 2:00 na, may kasal pa ako mama yang 3:00. Pag di „to natapos ngayon, pagpapatuloy natin „to sa Monday.” “„Wag na, ikasal mo na lang sila ngayon. Hindi na puwede sa Monday dahil may aasikasuhin yung isa sa probinsya.” awat naman ni Tita Sally pero syempre charing lang „yon no. Sa Lunes kasi ang mismong lipad ko na pabalik ng Hong Kong. “O siya tingnan natin kung saan tayo aabot.” Matapos magpirmahan, pinatayo kami at pinalabas kay SM ang singsing. Pagkabukas n‟un, nakita ko ang dalawang pilak na singsing. Ang ganda. Nang nakita ko „yon, gusto kong maiyak. Napatingin ako kay SM. “Pasensya ka na kung ganyan lang-” “Ano ka ba? Maganda naman ah. Wala kang dapat na ipagpasensya.” sabi ko. Sabi ko kasi sa kanya dati gusto ko ng diamond na singsing sa kasal ko pero seeing that ring, naisip ko kahit anong singsing pa siya basta si Soulmate ang nagbigay, feeling ko natutunaw ang puso ko. Sinimulan na ang seremonya. Una ay pinaulit si SM ng mga katagang: “Ako si Soulmate, ay nangangakong mahalin si Carrie Morales Chan sa hirap at ginhawa, mamahalin ko siya ng tapat habambuhay.” Pagkatapos nu‟n ay isiunot sa akin ni SM ang singsing. Yes, nagkasya! Dati kasi hindi nagkakasya sa akin yung mga singsing na binibili sa akin ng mga ex boyfriend ko. Then it was my turn. “Ako si Carrie Morales Chan ay sumusumpang mamahalin si Soulmate kahit anong mangyari. Mamahalin ko siya ng tapat habambuhay.” At isinuot ko naman sa kanya yung singsing. Hinawakan ng Reverend ang kamay namin at saka itinaas. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 51
“Gabayan niyo po sila. Nawa‟y mahalin nila ang isa‟t isa habambuhay at kayanin ang lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay. Gawin niyo po silang matatag, „di makakalimot sayo at magmahalan hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. You may kiss the bride.” Gosh! With all the people watching (kunyari dedma lang), SM kissed me on my lips. At nagpalakpakan naman silang lahat. Oo nga pala, binilinan si SM na wag akong pakawalan dahil maganda ako??? (sabi ng Reverend UTUT!!!) Sa pinakamalapit na Jollibee ang reception namin. Sa huli ay nahatid na namin silang lahat at sumakit ang ulo ni SM. “Gusto mo hilutin kita mamaya?” SM nodded and I kissed him once again. He must be very tired. Pero bago „yon kinausap muna naming yung may-ari ng van. Saka na po ang bayad, ani SM. Pumayag naman dahil mabait ang may -ari. Pupunta muna sana ako kina Mia kasi hapon na, naisip ko papahingahin ko muna si SM dahil masakit ang ulo. Pagkauwi ay hinilot ko muna si SM, na-stress ata sa lahat ng nangyari. “Nawawala na.” I smiled sa sagot niya. Kinagabihan, hindi na kami kumain, we‟ve decided na pumunta na sa bahay namin sa Camella. Sa apat na buwang pagkawala ko, para namang walang nagbago. Tricycle pa rin ang sinasakyan and as usual, mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng mga driver. Nakatira kami sa Camella Homes. Akalain mo „yon, magka-school bus lang kami ni SM dati. Ayoko nga siyang maging crush eh dahil sa tingin ko masyado siyang maputi for me. „Di nga, maputi nga siya. Ang babaw „no pero dahil doon kaya hindi ko siya naging crush. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil „di rin ako available at super TORPE niya. As in! At tulad ng ginagawa namin dati noong estudyante pa lang kami (akala mo ang tagal na „no, wala pa ngang isang taon eh). We kissed na para kaming teenagers. Pero teenagers pa nga lang kami talaga di ba? Mag-asawa na nga lang. Di nagtagal, nakarating na kami sa aming humble home. So kumatok na kami. Unang sumalubong sa amin ang nakababata kong kapatid na si Marco at tuwang tuwa kaming nagyakap. Sumalubong din sina Ate Lady at si Ate Maria (na bago naming katulong) At huli, si Mia - ang kapatid kong sumunod sa akin ng apat na taon, sabay sabi ng “Pasalubong!” Inabot ko sa kanya ang pink na bag na may lamang damit at laruan para kay Marco at konting chocolates na rin. I mean biscuits. Pinakita naman sa akin ni Marco yung mga libro niya. Ang laki na niya, hindi ko na siya mabuhat. At dahil sa nursery pa lang siya, puro coloring pa lang ang ginagawa niya. May friends na nga raw siya sa school, sina Angelo at si John John. Tapos si Mia naman asar dahil hindi ako doon matutulog. Sabi ko na lang na star city kami the next day para naman makabawi. Nawili naman ako sa pagbabalita tapos kumain na din kami ni SM. Nanood muna kami saglit ng Jessica Soho at Imbestigador habang nakikipagkilitian ako kay Marco. May bagong mp4 si Mia na bigay ni Will at kumuha na din ako ng isa pang t-shirt sa cabinet. Wala lang, gusto ko lang. At isang undies na rin. Sinubukan ko maligo doon dahil gusto ko uli siya ma-feel. Ang lamig ng tubig. Nagshower na ako para paguwi namin ni SM, diretso tulog o make love na lang. Binilinan ko naman sina Ate Lady na sila na bahala kina Mia at Marco. Kung puwede ko lang hatiin ang katawan ko, Kalahati ang mag stay kina Mia, Kalahati kina SM syempre. Hindi ko sinabi na kasal na ako. Alam mo na, mahirap na eh. Mabuti na yung nalilito muna ang mga tao sa ngayon. “Marco, pakabait ka ha, star city tayo bukas.” sabi ko. “Sige tulog ka ng maaga ha para bukas.” aniya. Dumaan kami ni SM sa ibang ruta paalis ng bahay dahil ayaw muna namin ng tsismis eh. It‟s good to be home (ang masasabi ko), I wanna stay like this forever pero „di naman puwedeng pahintuin ang oras. Lahat tayo, we all need to go forward kung hindi mapag-iiwanan tayo ng panahon. Nakakainis. Pagkagising ko ng sumunod na umaga katabi ko pa rin si SM at ang sarap sa feeling. Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 52
Niyakap ko siya ng mahigpit at sinubukang matulog ulit. Pero maya-maya lang, dumating daw yung Mama niya so lumabas muna siya. Nakasilip lang ako sa labas at pinapanood ang kanilang pag-uusap. Maya-maya pinasok niya rin sa wakas sa loob yung Mama niya. Feeling ko hindi dapat ako lumabas. I stayed on the room hanggang sa nakatulog na naman ako. Pagkagising ko, nakabalik na sa kwarto si SM. He leaned on me and kissed me. “Di pa ako nagto-tooth brush eh.” sabi ko. “So how‟s your Mom? “Ayun, binigyan ko muna ng Php. 500, naghiwalay na naman kasi sila ng kinakasama niya.” “Ganoon? So alam niya ba na nandito ako?” “Oo, sinabi ko na. Sabi niya kung mag-aasawa na raw ba ako, sabi ko oo.” “Ba‟t di mo ko ginising?” “Tulog ka eh. Tsaka sabi pa nga niya pasalubong niya daw pagbalik mo.” Napangiti tuloy ako. Sa isip-isip ko kahit di pa kami nagkakausap ng personal, feeling ko wala naman kaming problema. Pumunta kami sa mall kung saan kami madalas pumunta when we‟re still students. At pagdating doon ay nag lakad- lakad kami. Halos wala pa ring nagbago sa mall na ito. Alam mo dati, I promised him na I‟m going to treat him after two years sa pagbalik ko. Pero wala pang 2 years nagkita kami ulit at na-treat ko siya tulad ng pinangako ko. At malamang pwede ko siyang ulit-ulitin every after 4 months. Pero di ko masyado ma-enjoy yung kinakain ko dahil ang sakit ng tiyan ko (ulcer ata). Hindi ako magaling magsulat pero sa tingin ko kahit maging professional na writer pa ako, ay hindi ko pa rin siya mae-express ng tama ang nararandaman ko. Harutan and everything. Gusto kong bisitahin ang dating school pero di pa ako ready. Sa ngayon, gusto ko munang i-focus ang sarili ko sa family ko, kay SM. Ilang sandali lang, ay tumungo na kami sa gate ng Camella kung saan namin kikitain ang mga kapatid ko. Pupunta kami sa Star city. Nagrequest ang dalawa kong kapatid na bilhin ko raw ang "ride all you can" na ticket. Tuwang tuwa si Marco, at si Mia naman sad dahil „di kasama ang boyfriend niyang si Will. „Di ko daw pinaalam. As if naman no, sabi ko sa kanya I-text ako di ba? Meanwhile si SM naman ay nahihilo at sumasandal na lang sa akin. Si SM talaga o. Nakarating na nga kami sa Star city. At nagsimula na nga ang aming escapade. Tuloy-tuloy sina Marco sa entrance. Sumakay kami sa carousel, pumasok kami sa mga horror house (in fairness) di natakot si Marco. Sumakay din kaming lahat sa mga pambatang rides. Pumunta din kami sa Peter Pan, Time Tunnel, Caterpillar, at iba pa. Gusto ni SM sa mga nakakatakot na rides pero ayoko kasi naman I‟m not prepared. May mga bagong nakakatakot na rides pero no, thank you. Sumakay kami ni SM sa wild river. Grabe ang haba ng pila. Tapos, naglalandian kami ni SM sa pilahan para lang mawala yung kaba. Di naman nagtagal, it‟s finally our turn. Grabe, naka lean sa akin si SM tapos gumewang gewang muna siya di ba. At ayun, nung unang beses di naman siya ganun kalalim, sa panagalawa, yun yung nabasa kami. Nauntog pa ako sa ulo ni SM. OUCH! Pumikit na lang ako at naghintay. Tapos, tapos na. Napagdesisyunan naming kumain. Not to mention, I‟m almost out of budget. Magbabayad pa pala ako ng terminal fee. So, na high blood pa ako dahil ang tagal ng waitress. Tapos tumawag pa si Mama, na wala pang limang salita ay ipinasa ko na kay Mia dahil nakakaasar lang yung sinasabi niya. Sabihan ba naman ako ng “Malandi ka, umuwi na nga kayo.” Naghintay kami ng bus papuntang Bacoor. Sa bus, ay nagpahinga ang lahat halos nakatulog si Marco. Pagkatapos ay sumakay kami papuntang Pag-asa na siyang huminto sa 7eleven para sa pampers ni Marco. Nakapagusap pa kami ni Mia tungkol kay Will. In-advice-an ko siya na mahirap na ang panahon ngayon kaya magcondom siya. Anyway, nakita ko pa doon yung dati kong ka-officer sa ROTC, si Allain.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 53
Nagbeso beso kami at nagkumustahan. Sabi ko tatlong araw lang ako dito sa Pilipinas. Masaya ako at nakita ko siya. Tapos naghiwalay na kami nila Mia. Umuwi na kami ni SM. Pagdating sa bahay, nagshower muna ako habang si SM ay naghanap ng makakain. Sa totoo lang pagod na pagod na ako pero habang nasa tabi ko siya at nakaharap sa amin yung malaki nilang electric fan, sobrang nare-relax ako. “Love, may sasabihin ako.” simula ko. “Gusto kong malaman mo na hindi ko pagsisisihan na pinakasalan kita. Sorry ha, dahil naisipan kong umatras noon, pero salamat dahil kinulit mo ko nang kinulit. At eto, nagsikap ka para makasal tayo. I love you.” „Yon lang at saka ko siya hinagkan. “Alam mo ba natakot ako nu‟n eh. Akala ko mawawala ka na sa akin eh.” “Love, hindi ako mawawala okay?” At tumango-tango siya. “Alam mo ang tagal ko rin „tong hinahanap hanap.” Gusto kong sabihin na ayoko nang bumalik dahil feeling ko this is my real home. Pero ayokong i-open ang topic. Naduwag ako dahil sa oras na pagdesisyunan ko „yon, hindi na ako pwedeng bumalik. So sinabi ko na lang, “Sobrang mami-miss ko „to.” At dahil wala ng panahon sa drama, nagsaya na lang kami. We cuddled, then kiss and made love once more. Mahaba ang gabi. And we made the most of it. Nagising ako na katabi si SM. I wrapped my arms around him and tried to sleep again pero dinilat ko uli yung mga mata ko, I‟ve just realized, this would be the last time na katabi ko siyang matutulog at hindi ko alam kung kailan ang susunod. Mamaya lang ay aalis na ako. Umiinit ang mga mata ko at bumigat ang dibdib. I breathed deeply. I felt worst. I kissed him once again. “Tulog pa tayo, Baby.” Kumain kami ni SM ng tinola habang nanonood ng Disney channel - Minute Men ang palabas. Naaalala ko tuloy (na naman) tuwing Sabado pumupunta ako kina SM at kakain kami ng masarap na tinola. Tapos manonood lang kami ng tv tapos nu‟n, hihiga kami sa sofa or didiretso sa kwarto niya.
Nang mga oras na yun, pa-
kiramdam ko bumibilis ang oras, alas dos na ng hapon. “Ligo na tayo.” pangungulit ko sa kanya pero ayaw niya pa. “Masakit ang ulo ko.” sabi niya. Pumunta kami sa kwarto niya para umidlip muna. Pero matagal bago ako makaidlip. Niyakap ko si Soulmate agad ng maramdaman ko yung takot na ayoko sanang maramdaman as much possible. Tumulo ang nagbabadyang mainit na luha. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni SM. “Kasi mami-miss kita eh.” sagot ko na parang grade 2 na nagsusumbong na may nangaaway sa akin. “Mami-miss din kita baby. Kung puwede nga lang sasama na ako sayo eh.” tugon niya sa malungkot na tinig. Nagtuloy-tuloy pa ang pagluha ko hanggang sa ako‟y makatulog.
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 54
24 Sept, 2008 Matagal bago nasundan ang sinulat ko sa taas. Ang hirap kasi ipagpatuloy lalo na „pag naiisip ko na matatapos na ang tatlong araw na kasama ko si SM. Feeling ko di pa ako handang harapin na tatlong araw lang talaga kami magsasama, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya pero may magagawa ba ako? Alam ko oo pero feeling ko mas pinili ko yung mas madaling daan, sa palagay kong tama para sa lahat. Naiisip ko minsan dapat pala nagpaiwan na lang ako, pero kailangan ako ng pamilya ko. Ako lang ang inaasahan nila. Ayoko silang biguin. Ayoko rin biguin yung ibang pangarap ko sa buhay. Dapat gawin ang mga tamang daan. Kung mahal ko si SM mas iisipin ko yung future namin. Kailangan harapin ang sa ngayon. Hindi sagot ang pagtakas sa responsibilidad. Sumapit ang alas tres ng umaga, oras na para umalis. I checked all my things kung nandoon na ba. I checked my passport and ticket one more time and I have a looked with SM‟s room, kung saan naganap ang aming muling pag-iisa, nandoon nakapaloob ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Tulog ang kapatid niyang si Sheena nang umalis kami, at dahan-dahan kaming lumabas ng pinto. Mahamog nang lumabas kami sa bahay nila. Suot ko ang red jacket ni SM. Akala naming wala kaming masasakyan dahil alas tres pa lang ng umaga pero ilang sandali lang ay may jeep na dumaan. Mga pupunta ata sa palengke yung mga nakasabay namin, habang yung iba ay luluwas ng Manila. Yakap ako ni SM dahil sobrang nilalamig na talaga ako. Kung kailan ko kinakailangan ng traffic, doon naman wala. Madalang ang mga sasakyan at ang bilis ng patakbo ng jeep. Bakit walang traffic? Hindi nagtagal nakarating din kami sa Baclaran at mula doon, sumakay kami ng taxi papuntang airport. Malamig sa airpport, siguro dahil madaling araw pa lang o dahil kinakabahan na ako sa mga susunod na pangyayari. Pagdating naming doon, nagcheck-in muna ako habang si SM ay naghihintay sa may waiting area. Pagkatapos kong magcheck-in pumunta agad ako sa kinaroroonan niya. Bakit ba ang bigat ng mga hakbang ko? Matapos kong magbayad ng tax which is kinabahan pa nga ako eh dahil akala ko kulang yung dala kong pera. “Gusto mo makatikim ng tinapay na „yan?” tanong ni SM. “Masarap yan, nakatikim na ako nu‟n dati.” “Oo ba, sure! Nagugutom na rin ako eh.” Binilhan ako ni SM ng tinapay at kape, well, di siya basta basta tinapay ah! Nu‟n lang ata ako nakatikim ng ganoong kasarap na tinapay at kape. Nakaupo kami sa may waiting hall habang kumakain ng tinapay at kape sa malamig na airport. Nagpicture-picture din kami doon. “Love, lagi kang magpapakabait ha.” “Oo naman Baby, ikaw din ha. „Wag kang magalala, susunod din ako sayo. Hintayin mo ko. Di magtatagal, magkakasama na rin tayo kasi ayoko talaga ng long distance relationship. Gusto ko kung magkakapamilya tayo, „di tayo matutulad sa mga magulang natin. Magsasama tayo forever.”
Forever… Bakit ganito feeling ko hindi pa ako handa…
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 55
“Calling the passengers of flight 5J 106, please proceed to gate 15. Departure will be in a few minutes from now. Passengers are advised to kindly proceed to the immigration…” narinig naming anunsyo sa airport. “Sige na, I have to go baka ma-late pa ako. Kailangan ko pa pumasok ng trabaho mamaya.” sabi ko kay SM habang hinahanda na ang mga dalahin ko. Naglakad kami ni SM sa may entrance ng immigration at sa mga gates. „Di pa man nakakapasok, may guard ng sumuway sa amin. Ang aalis lang daw ang puwede pumasok. Bawal na ihatid sa pinakaloob. Tumango lang kami. “Sige na, mag-iingat ka.” Humarap sa akin si SM, at saka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik, hanggang sa ayoko ng patagalin pa ang paghihirap naming dalawa. “Mahal na mahal kita Soulmate, I love you so much.” “Susunod ako, okay? Hintayin mo „ko.” “Love, eto ang pinakamasayang tatlong araw ng buhay ko. Thank you for making me happy. Hihintayin kita doon ha, bubuuin natin yung mga pangarap natin.” And so we kissed na bumalot sa bawat himaymay ng puso ko. “Sige na.”
Lapis sa Kalye Online Magasin
pahina 56
Ang “Paglisan” ay ang ika-labing dalawang buwanang edisyon ng Lapis sa Kalye Magasin, ang opisyal na Online Magazine ng Lapis sa Kalye Publishing. Ito ay inilimbag sa Issuu account ng Lapis sa Kalye.
Ang anomang puna, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan ay maaring ipadala sa ilan sa mga manunulat ng Lapis sa Kalye. Maari ring makipagugnayan sa lapissakalye@gmail.com. Maari ninyong subaybayan ang mga akdang likha ng LSK sa mga sumusunod na mga account:
Weebly: www.lapissakalye.weebly.com Facebook Page: www.facebook.com/LAPISSAKALYE Wattpad: http://www.wattpad.com/user/lapissakalye Larawan || Silent Sakura
Instagram: https://instagram.com/lapissakalye/ Twitter: https://twitter.com/lapissakalye Issuu: http://issuu.com/lapissakalye Soundcloud: https://soundcloud.com/the-podcast-cafe Maaari rin kayong sumali sa aming official facebook group chat: Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/LapisSaKalyePAGBABAGO/
LAPIS SA KALYE ONLINE MAGASIN
Ulong Patnugot: Silent Sakura Manunulat ng Lapis sa Kalye: Cindz Dela Cruz, Dudong Daga, Luz V. Minda, Kunis Salonga, Anti’nyakis, Seksing Patatas, Wind Up Bird, Anino, Positivo Uno, Raytroniko, Buddy, Taga Batis, Karla, Tanikala, Frozen Heart, Knappy Happy
Mga Kontributor: *Tula: John Dave Villalino, Eugene Latumbo, Chubibo Mondejar, MLS, Iñigo Ibarra, Emma Nuñez Malapo, Kaykay Cuarte, Julius Samonte *Maikling Kuwento: Froilan F. Elizaga, Abigaille Arcena Pecson, Eugene Latumbo
“Basa lang nang basa. Sulat lang nang sulat.”
Background Image —