ISSUE NO. 6
LAPIS SA KALYE ANG ISSUE PATUNGKOL SA ILANG URI NG PAGTATAPOS
Resume - Dudong Daga Mga Sulatin ni Silent Sakura The Daddy Diaries ni Mr. Wind Up Bird Pagdating ng Second Chance ni Faith Daitan Metapobrika ni Benjo Ibarra AT MARAMI PANG IBA!
The Book Launch of the Year is just a week away!! Get your tickets now!!! For tickets and other inquiries, please visit the following pages: ** Official LSK Page: https://www.facebook.com/LAPISSAKALYE ** Event Page: https://www.facebook.com/events/774560492599424 Or you may contact the following numbers: ** GLOBE: 09179486108 ** SMART: 09255001076 ** SUN: 09424525400
1
TALAAN NG NILALAMAN Sulat mula sa editor ----------------------------------------------------------------- 3 PAGTATAPOS NG PAG-AARAL
Resume sa panulat ni Dudong Daga ------------------------------------------- 4 PAGTATAPOS NG ISANG BUHAY
Batang Bully sa panulat ni Silent Sakura ------------------------------------- 6 PAGTATAPOS NG KAWALAN NG TIWALA SA SARILI
Stop Stealing My Heart ni Silent Sakura ------------------------------------ 12 Lapis sa Kalye Featured Writers of the month --------------------------- 20 Salbabida sa panulat ni Preciosa Penalba --------------------------------- 24 PAGTATAPOS NG PAGIGING BINATA
The Daddy Diaries ------------------------------------------------------------------ 25 Heneral Linisin sa panulat ni Dudong Daga ------------------------------- 27 Metapobrika -------------------------------------------------------------------------- 28 - Sa Aking Pananaw - Sa Aking mga Kalapis - Linlang - Ligaw PAGTATAPOS NG ISANG PAG-IBIG
Pagdating ng Second Chance ni Faith Daitan ---------------------------- 31
SULAT MULA SA EDITOR Ang katapusan ay nangangahulugan ng panibagong simula. Pag nagtapos ang isang bagay, huwag kang umiyak, bagkus ngumiti ka pa dapat, dahil sa maikling panahon mo dito sa mundo ay nagkaroon ito ng kaganapan - iyon ang madalas kong motto, pero nang nagkaroon ng katapusan ang isang bagay na pinahalagahan ko ng matagal na panahon, hindi ko pala kayang ngumiti, hindi ko pala kayang magkunyari. May mga bagay sa buhay na hindi na maibabalik, maaaring positibo at maaaring negatibo. Kung mayroon man akong isang natutunan tungkol sa PAGTATAPOS, iyon ay marami tayong puwedeng pagpiliian, sa bandang huli ay nasa ating mga kamay kung ano ang pipiliin natin. Walang garantiya na maganda nga ang naghihintay sa’yo sa susunod na kabanata, ang masasabi ko lang ay dapat handa ka sa landas na susunod mong tatahakin. Expect the worst, but hope for the better. Panindigan mo, kayanin mo. Sa lahat ng MAGTATAPOS ng kanilang pag-aaral ngayong buwan na ito, binabati ka namin kalapis, at nalagpasan mo ang ilang taong pagbabasa, pagsusulat at higit sa lahat - ang pag-intindi sa mga leksyon, sana hindi dito nagtatapos ang pag-aaral mo tungkol sa mundo, nawa’y manatili kang mapag-usisa at interesado sa mga bagay-bagay, at panatilihing bukas ang mga mata sa mga leksyon ng buhay. Sa lahat naman ng nakipag-hiwalay sa kanilang mga boyfriend/ girlfriend o asawa, nawa’y magkaroon ka ng lakas ng loob mag-move on. Sa lahat ng katatapos lang mag-shit, tandaan laging mag-flush at maghugas ng mabuti. Siya nga pala kalapis, marami kaming inihandang magagadang sulatin sa aming ika-6 na isyu ng Lapis sa Kalye Online Magazine. May bago kaming handog na mga seksyon ng magazine na ito. Una ay ang mga tampok naming manunulat kada buwan, at ang Metapobrika na koleksyon ng sulatin ni Ginoong Benjo Ibarra. Medyo na-delay ang magazine na ito, na siyang pinagpapaumanhin namin mga kalapis, mayroon kasi kaming isang malupit na handog para sa inyo. Sa pamamagitan ng pagbili mo ng aming munting e-book, makakatulong kang mapagtapos ang ilang kabataan sa pre-school. Handog ito ng Lapis sa Kalye sa ating bayan, bilang ganti sa lahat ng biyayang aming natanggap. I-check mo na lang ang detalye sa page 5.
PRINCESS CINDZ P.S. KITA KITS SA MARCH 28, VISITA BAR PARA SA PENDULUM OFFICIAL BOOK LAUNCH :)
3
RESUME
Isinulat ni Dudong Daga
Pag may natatapos may nagsisimula; ito ang isa sa mga pinaniniwalaan ko, katulad ng pintuang nagsasara at bintanang nagbubukas, at sa mga dumadating at nawawala. Ang pag-aaral ay walang katapusang paghahanap ng sagot sa mga tanong na kumakatok sa utak ng mga tao. Gusto kitang i-congratulate kung isa ka sa mga mag ma-martsa ngayong Marso. Naka-survive ka sa mga librong kumakain ng tao, gurong daig pa ang buntis na aso, at haircut na ayaw magpatalo sa nipis... Ang higit na masaya ay ang mga magulang na naka-survive din sa hirap ng pag-budget ng pang araw-araw niyong baon. Hoy! Humingi naman kayo ng tawad at pasasalamat. Bawat starbucks, dota, sine, alak, at motel ay dugo at pawis ng inyong mga magulang. Isama mo na rin ang taun-taong pagbili ng bulaklak tuwing Pebrero. Sa pagtatapos na magaganap ay ang pag-asang bubukas ang maginhawang kinabukasan nawa'y makahanap kayo ng maayos na trabaho, magandang pasuweldo at masayang hinaharap. Huwag malungkot kung ang pangarap na hinahangad ay di matupad, hindi minamadali ang isang pangarap bagkus ito'y pinaplano, sinisipagan at inaabot na parang mga bituin sa kalangitan. Mukhang malabo at parang tanga lang kung iisipin, pero kung ikaw ay pipikit at lalawakan ang imahinasyon ang pag hawak sa mga tala ay hindi imposible, lahat ay posible. Pagbutihan mo at tatagan ang loob maraming pagbagsak ang magaganap at ang mga bumabangon ang mga nanalo. Haharap ka na sa totoong buhay, wala na ditong kopyahan at lahat puwede mo maging titser. May masama at mabuti, nasa kamay mo kung san ka makikinig, laging may magpapayo marami kang boses na maririnig ngunit sa huli ikaw at ikaw parin ang boss... Ikaw parin ang magdedesisyon. Darating ang araw na malamig ang gabi yung tipong iiyak ka na lang at parang gusto ng sumuko, huwag ka mag-alala nadanan ko din yan, tuloy lang tayo sa giyera, dasal lang ang bala dahil dasal lang din ang nagpatatag sa mga magulang natin para mairaos tayo sa eskwela, dasal lang din ang binaon nila nung naghanap ka ng trabaho at sa huli dasal lang din magpapatibay sayo. Naalala ko noong una akong lumabas ng lungga pagkatapos ng mahabang pahinga, nahiya na din siguro ako dahil medyo matagal din akong naging tambay sa bahay. Walang nagsabi sa akin o nag-utos na kailangan kong mag banat ng buto, naramdaman ko lang na kailangan ko na. Pila dito pila doon, print dito print doon, picture dito at picture doon. Dalawang linggo naging ganito ang sistema paikot-ikot, dalawang linggo paghihintay. Bawat araw ay isang mahabang pag-aabang hanggang dumating na nga at nakapasok na sumulit sa mahabang paghihintay. Nalaman ko rin at bumulaga sa akin ang realidad na mas mataas pa ang baon ko kesa suweldo ko, isang malaking sampal para lalo ko pang mahalin ang magulang ko. Tama nga ang sabi nila... Hindi ako sumuko at lumaban. Naniniwala ako sa pagbabago pag nagsipag ang isang tao. Lahat ng bagay ay nagsimula sa mababa dahil walang nagsisimula sa taas na hindi lumalagpak. Sinamahan ko ito ng dasal dahil sa kailangan, ang arawaraw na pagpasok ay kailangan ng kinakapitan. Masarap balikan at nakakatawa kung minsan, bawat alaala ay lagi akong may natututunan. Masaya ako sa trabahong meron ako ngayon at salamat din nabigyan ako ng pagkakataong sumulat paminsan-minsan. Tuloy lang tayo sa laban na ating pinagdadaanan. Saludo ako sayo na nagbabasa, salamat din sa oras kaibigan. Lagi nating isipin na sa bawat laban at tagumpay may mga palad na umalalay sa atin. Umiikot lang ang buhay lahat tayo'y nagsimula sa pagtatapos...
4
Heto na ang isang koleksiyon na kukurot sa inyong mga damdamin, mga kuwentong mapapaihi ka sa kakatawa, at magpapaalala sa’yo ng iyong first crush. Mula sa mga mga manunulat ng PENDULUM, hatid sa inyo ng Lapis sa Kalye Publishing, narito na ang librong naglalaman ng 50 maikling kuwento patungkol sa isang nakaraan na naganap sa iisang lugar na madalas nating kinatatamaran- ang PAARALAN. Price: PHP 100 Format: Ebook (PDF) Release date: June 2015 Paano magpa-reserve: 1. Magpadala ng mensahe sa lapissakalye@gmail.com kasama ang inyong buong pangalan at contact number. 2. Maaaring ipadala ang bayad by cash, bank transfer by bank, Western Union o sa Cebuana. 50% ng malilikom na pera ay mapupunta sa isang pampublikong paaralan sa Cavite.
BATANG BULLY ISINULAT NI SILENT SAKURA Ang mga bagay sa mundo ay nahahati sa dalawa katulad ng lupa’t langit, araw at gabi, tama at mali, dumi at linis, mayayaman at mahihirap. May mga bagay talaga na minsan ay hindi mo maintindihan, mga bagay na minsan unfair sa atin. Naranasan ko ang mga bagay na alam kung hindi tama pero sa paningin ng iba ito’y natural lamang. Sa mundong ito minsan talaga ang mahihirap ang nagiging labasan ng galit ng mga mayayaman, sa murang edad ko alam ko na ang kaibahan ng mayaman at mahirap. Ang mayayaman e yung tipo ng tao na lahat ng bagay nakukuha, sila yong makapangyarihan at kaming mahihirap mga taong tawagin ay “mga api sa lipunan”. Hay Buhay nga naman! Sabi sa bibliya pantay-pantay daw tayong lahat pero bakit hindi ko iyon naramdaman, pantay-pantay nga ba talaga tayo? Minsan naiisip ko hindi naman yata ‘yon totoo dahil sa 32 years na paninirahan ko dito sa mundo ilang beses na ring naapakan ang pagkatao, ilang beses akong naapi at ilang beses akong nasaktan. Ako ay isang batang api, batang bully kung kami ay tawagin.
“Yan Yan bilisan mo dahil male-late na tayo!” sigaw sa akin ng pinsan kong si Kulot. “Andiyan na” balik-sigaw ko naman. Humalik ako sa aking ina. “Ito ang baon mo anak tipirin mo yan ha? Hayaan mo kapag nakarami ako ng labada ngayon dadag-dagan ko yan.” pakunswelong saad ng aking ina. “Opo inay”, tanging naging tugon ko. Ano ba ang mabibili ko sa limang piso? Bahala na si batman. Nasa 2nd year hayskul na ako ngayon at sa squatter kami nakatira kaya literal lang sa amin ang pagiging butas ng aming bulsa. Yan Yan ang palayaw ko pero Eyan ang totoo kong pangalan, sa murang edad ko natamasa ko ang tinatawag nilang kahirapan. Tumuloy ako sa paaralan kahit na limang piso lang ang baon ko. Ang tanging gamit ko lang para marating ang paaralan ay ang mga paa ko, halos mapudpod na ang tsinelas ko dahil sa araw-araw na paglalakad ko. Mas naging pursigido ako sa aking pag-aaral dahil sabi ni inay ito daw ang sasalba sa amin sa kahirapan. Minsan naisip ko, paano kami masasalba ng pag-aaral? Makakain ba yung tinatawag nilang diploma?
malayan ang pagtulo ng dugo sa labi ko. Ang alam kung tawag sa pang-aaping ito ay bullying at isa na yata ako sa minalas na maka-eksperyens ng ganito. Nagulat na lamang ako ng biglang may lumapit sa akin. Si Mari, agad na rumehistro sa utak ko ng makita ko ang maamo niyang mukha. “Ang sama talaga ni Bruno”, naawa niyang sambit. Tinulungan niya akong tumayo. Bagama’t nahihiya ako dahil nakita pala niya ang nangyari -ay nagdiwang naman ang puso ko, crush ko kasi si Mari. Magkaklase kami ni Mari at simula 1st year palang ay gusto ko na siya dahil maganda, maputi at matalino siya. “Salamat Mari.” Ngumiti lang siya sa akin. “Magsumbong ka na kasi sa mga titser natin, dapat ng maawat si Bruno masyado na kasing lumalaki ‘yong ulo.” himutok niyang sabi. Napaisip ako sa sinabi niya. Ilang beses na akong nagsumbong pero nabigo akong patunayan iyon dahil na din malakas si Bruno sa mga titser, ang mga magulang niya kasi ang laging sponsor kapag may mga aktibidades ang skwelahan. Kaya ang ending wala din. Hindi na lamang ako sumagot sa sinabi ni Mari. Ihahatid sana niya ako sa clinic pero tumanggi ako. “Bakit ba kasi ayaw mong pumunta sa clinic?”, aniya.
Ewan ko bahala na brad.
Yumuko lang ako. “Ayaw ko na ng gulo.” matipid kong sagot.
Habang papalapit ako sa paaralan mas naging mabigat ang aking bawat hakbang, parang ayaw ko ng tumuloy. Ito na naman ang isang araw na makikipagbuno ako sa mga tukso at pananakit sa akin ng aking kaklaseng si Bruno, ang siga sa aming paaralan porke’t mayaman ay paborito ng lahat at lahat na ata ng gawin niya ay tama habang ako ginagawa niyang utusan at labasan ng himutok niya sa buhay. Magulo ang isip ko at inaanalisa ang mga senaryo na maaring madatnan ko na naman ngayong araw na ito, paano ko ba siya iiwasan ang tanging gusto ko lamang. Nang biglang. Boooommm! Bumangga ako sa tila isang pader na bagay sa aking harapan, nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang anyong bakulaw ni Bruno. “Patay” namutawi sa bibig ko. “Talagang patay” asik ni Bruno. Hinila niya ang damit ko, sabay bigwas ng suntok sa mukha ko. Pak! Sapol na naman ako. Dahil sa lakas ng suntok niya ay nabuwal ako. “Ano laban ka?” bulyaw ni Bruno sakin at kasunod noon ang mga malulutong na tawanan kasama ang barkada niya. Umalis sila na tila ba nag-iwan ng basura. Tanging pagkuyom na lang sa aking kamao ang nagawa ko. Hindi ko na-
Nakita ko ang pag-iling ni Mari. “Kung patuloy kang matatakot Eyan, patuloy ka rin nilang tatakutin at sasaktan” tanging nasabi niya at agad na umalis. Naiwan akong nakatayo at muling napaisip sa sinabi ni Mari. Hanga talaga ako sa paninindigan ng babaeng ito. Pero kaya ko kayang maging tulad ni Mari? Pinilit ko na lamang iwaksi sa isip ko ang katanungang iyon. Isa akong duwag dahil na rin siguro sa palaging pangangaral ng aking Ina na huwag daw akong makikipag-away sa mayayaman, dahil siguradong wala akong laban. May parte sa puso ko ang naghihimagsik pero mas pinili ng utak ko na hindi makinig at maging tikom ang bibig. Pumasok ako sa classroom at lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, mga mata nila’y tila ba nagtatanong sa nangyari sa akin at ang ilan naman ay nahahabag pero ang iba ay diskriminasyon ang aking nakikita. Paano ba naman sila may magandang gamit, mga unipormeng mapuputi, sapatos na makintab habang ako parang janitor lang, nakatsinelas at unipormeng niluma na ng panahon. Mahirap maging mahirap, yan ang laging nakasiil sa utak ko. Umupo ako sa aking silya at wala man lang isa ang gustong makipag-usap sa akin. Ilang minuto lang ay dumating ang titser namin, kasama si Mari pero wala si Bruno, mukhang absent na naman ang loko. Naging as usual ang klase, maghapong nakanganga ang iba, at ang iba naman paidlipidlip lang samantalang ako pinipilit na intindihan ang mga si-
7
nasabi ng guro. Natapos ang klase sa pagsabi namin ng Good bye Ma’am. Naglalakad ako ng mag-isa sa hallway ng lapitan ako ng Mari. “Gusto mong sumali sa contest?” tanong nito sa akin. “Anong contest?” kuryusong tanong ko.
“Asus!” saad nito na may ngiti sa mga labi. “Ito pala para sa iyo” iniabot niya sa akin ang isang bag na kanina pa niya dala-dala. “Ano ito?” “Mga gamit yan ni ate sa pagpipinta, yung iba diyan hindi pa niya nagamit”
“Pagpipinta”.
Natuwa ako sa aking nakita.
“Naku wala akong pera” agad na tugon ko.
“Salamat dito Mari.” nakangisi kong sabi.
“Papahiramin kita ng mga gamit ko, sa ate ko iyon at iniwan na niya ng magpunta siyang abroad, di naman ako marunong puminta kaya ibibigay ko na lang sayo” hayag nito sa akin. “Hindi ko alam Mari kung kaya ko” nanlulumo kong sa-
“Wala iyon basta pagbutihin mo.” Habang nagkukwentuhan kami ni Mari ay nakita ko ang mabalasik na mukha ni Bruno habang nakatingin sa amin mula sa likuran ni Mari. Hindi ko namalayan ang pagdating niya.
got. “Patay” naisaloob ko. Tinapik niya ang balikat ko. “Subukan mo lang malay mo manalo ka, may premyo pa naman ito.” “Magkano ang premyo?” awtomatikong tanong ko. “Five thousand pesos ang premyo, ‘yan kaya galingan mo ha? Bukas ko na ibibigay yung gamit ni ate, sa susunod na araw pala yung submission ng entry.” nakangiti niyang sabi. Mas naging malapit kami ni Mari dahil na rin sa kabutihang kanyang ipinapakita sa akin, minsan na rin niyang nakilala ang aking ina ng nagpunta ang aking ina sa aming paaralan. Mas lalo akong na-inspire dahil sa premyong sinabi ni Mari. Kung makukuha ko iyong premyo ay tiyak na makakabili na ako ng bagong sapatos. Masaya akong umuwi sa bahay at sinusubukan kong mag-drawing ng mga bagay sa aking utak. Mahilig akong mag-drawing noon paman pero dahil mahirap lang kami ay hindi ako nakakabili ng mga gamit na medyo may kamahalan. Isa rin sa nagpasaya ko ay ang pagabsent ni Bruno sana nga lang ay hindi na siya pumasok. Kinabukasan ay mas naging maaga ako dahil ayaw ko ng makasalubong si Bruno baka naman mabigyan muli ako ng “early morning gift”. Tumuloy ako sa silid, mabuti na lamang ay wala pang tao dun kundi ako lang. Habang abala ako sa pagbabasa ay nagulat na lamang ako ng may kumuha sa libro ko. Ang akala ko si Bruno pero isang ngiti ang sumilay sa labi ko ng makita ko kung sino pala ito. Si Mari. “Baka ma-1st honor ka pa niyan”, panunudyo nito sa
Papalapit ito sa amin kaya napatayo ako bigla, habang si Mari nakakunot ang noon na nakatingin sa akin. Sa isang iglap ay parang bata niyang hinatak si Mari dahilan upang mabuwal ito mula sa pagkakaupo. Nakita ko ang ginawang iyon ni Bruno kaya hindi ko na napigil ang aking nagaalimpuyong damdamin. Pak! Bigla na lang tumama sa pisngi ni Bruno ang payat kong kamao. Binalingan niya ako at kita ko ang galit sa kanyang mukha. Susuntukin na sana niya ako ng biglang… “Magsitigil kayo” sigaw ni Ma’am Perfecto. Agad na bumababa ang kamao ni Bruno. Nakita ko naman ang malumanay na pagtayo ni Mari habang ako walang imik na nakatayo. “Kayong lahat magpunta kayo sa faculty room at pagusapan natin ang nangyari” galit na galit na saad ni Ma’am. Bantulot kaming sumunod kay Mrs. Perfecto. Pagkarating palang namin sa faculty ay agad ng nagsalita si Bruno. “Ma’am hindi ko po kasalanan si Eyan po ang nanggulo” sabay turo nito sakin. Ang sarap sapakin ng taong to brad! Kung makapagturo wagas! Dumepensa naman si Mari. “Hindi po totoo yan Ma’am! Si Bruno ang unang nanggulo bigla na lamang niyang sinugod si Eyan at palaging niyang sinasaktan si Eyan noon paman.” ani Mari.
akin. “Anong ako?” angal naman ni Bruno. Napakamot ako sa aking ulo. “Naku hindi naman Mari, binabasa ko lang yong pinag-aralan natin kahapon” depensa ko naman.
“Keep quiet!” sigaw ni Ma’am Perfecto. “Kayong lahat ay may kasalanan kaya kayong lahat ay paparusahan, 1
8
week kayong maglilinis sa school ground, maliwanag ba?” nakataas ang kilay nito habang isa-isa kaming tinitigan.
“Wag na anak sige na pasok ka na, ako na dito” pagtataboy nito sa akin. Tumalima na lamang ako sa sinabi ng aking inay.
“Opo” sabay na sabi namin. “And you Eyan! Hindi ka na makakasali sa painting contest parusa ko yan sa’yo.” saad ni Ma’am Perfecto. “Pero Ma’am…” sabat ni Mari. “Shut up hindi na magbabago ang desisyon ko kaya makakaalis na kayo” ani Ma’am Perfecto. Kapag minamalas ka nga naman oh! Bwiset talaga itong si Bruno. Nagngingitngit ako sa galit dahil ang contest na yon ang tanging pag-asa ko upang makabili ng bagong sapatos.
“Balang araw ay makakaahon din kami sa hirap.” ito ang mga namuong salita sa aking isipan. Habang abala ako sa aking pag-aaral ay narinig ko naman ang pagkalampag ng kaldero hudyat na ito na kami ay kakain na. Maya-maya pa’y narinig ko ang pagtawag ni Inay sa akin. “Eyan hali ka na muna dito at tayo’y kakain na.” “Andiyan na po Inay”. Inayos ko muna ang aking gamit bago ako bumababa mula sa ikalawang palapag ng aming munting tahanan na kung tutuusan ay pinagtagpi-tagping plywood lamang.
Bwiset talaga! “Sorry Eyan” hinging paumanhin ni Mari, bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Ngumisi ako upang ikubli ang galit na aking nararamdaman. “Wala iyon Mari”. Sa totoo lang gusto kung sugurin si Bruno at ihampas yung ulo niya sa pader para naman magka-amnesia na siya at hindi niya na ako makilala, simula ng dumating si Bruno sa buhay ko para bang naging impyerno na ito pero nagtimpi ako dahil alam kung wala din akong laban sa mokong na iyon. Hanggang kailan ko kayang tiisin ang lahat? Malapit ng maupos ang kandila ng pasensya ko at hindi ko alam ang maaaring gawin ko kapag naupos na ito. Naabutan ko ang aking ina na naglalaba ng mga napakaraming damit sa likod ng aming bahay, sa totoo lang nahabag ako sa aking nakita. Mga palad ni Inay puno na ng kalyo mukha niya’y kulubot na. Gusto ko siyang isalba sa kahirapan at bigyan siya ng magandang buhay. Kami na lang dalawa ni Inay ang magkasama dahil iniwan kami ng ama kong walang silbi. Nakatitig lang ako sa kanya ng mapansin niya ako. “O anak andiyan ka na pala.” nakangiti siya sa akin. Sapat na iyon upang pawiin ang lungkot sa aking isipan. Lumapit ako sa kanya at nag-mano. “Ang dami naman po niyan Inay baka po mapagod kayo.” nakatingin ako sa napakaraming labahin ni Inay. “Naku kaya ko ito anak, mabilis pa kaya ‘to sa alas kwatro.” sinabayan pa niya ito ng tawa pero bakas sa kanyang mukha ang nakakubling pagod. “Si inay talaga.” “HAHAHA! Ito naman di na mabiro, sige na pumasok ka na doon at mag-aral.” “Tulungan na po ko kayo.”
Bumungad sa akin ang aming ulam na tuyo pero masaya pa rin ako dahil kasama ko ang aking pinakamamahal na Ina. Sa sahig lamang kami kumakain dahil wala kaming lamesa. Naupo agad ako sa sahig at naghanda ng kumain. “Magdasal muna tayo” mahinahong saad ng aking ina. Kahit mahirap lang kami ay tinuruan naman ako ng aking ina sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pananampalataya hindi man ako nakapag-aral sa isang Catholic school pero proud akong sabihin na may alam ako sa pagdarasal dahil na rin sa pagtitiyagang pagtuturo ng aking ina. Taimtim akong nakapikit at nagpasalamat sa Diyos kahit sa munting biyaya na meron ako. Pagkatapos ay kumain na kami. “Anak kumusta ang pag-aaral? Hindi ka ba nakipagaway?” tanong ng aking inay habang kami ay kumakain. “Hindi po Inay” mahinang tugon ko. “Mabuti naman at ganoon anak.” aniya. “Wag na wag kang makipag-away sa mga mayayaman dahil wala tayong laban sa kanila.” Hindi ko na natiis ang aking sarili. “Bakit po Inay? Wala na ba tayong karapatang lumaban kung tayo’y inaapi ng mga mayayaman?” Napatingin sa akin ang aking Ina. “Wala” matipid nitong sagot. Naghimagsik ang aking kalooban dahil sa sagot ng aking ina. “Pero Inay paano kung..…” Pinutol niya ang aking sasabihin. “Mahirap silang kalabanin anak kaya kung pwede umiwas ka nalang sa gulo dahil kahit anong laban natin wala din tayong mapapala. Makapangyarihan sila.” Natahimik ako sagot ng aking ina. Totoong takot ang aking ina at nakita ko ito sa kanyang mukha.
9
Pero para sa akin may damdamin na unti-unting pumupukaw sa akin at nagsasabing lumaban, hindi ko pa alam kung hanggang kailan ko hahawakan ang damdaming iyon na pilit umaalpas sa aking kalooban. Kinabukasan habang abala kami ni Mari sa paglilinis ay nakita ko ang pagdating ni Bruno, lulan ito ng isang magarang kotse na may plate number ----- di ko na lang sasabihin pero agad na rumehistro sa utak ko ang plate number na iyon. Ewan ko kung bakit. Ang gara ng kotse pero yung ugali ng nakasakay masahol pa sa aso.Pwe! Kitang-kita ko ang pagbaba ni Bruno at ang isang medyo may edad na babae na sa tingin ko ay Ina niya. Papalapit naman si Ma’am Perfecto sa mag-ina at ang ngiti nito’y abottenga. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya kibitbalikat na lamang akong umalis sa tagpong iyon. Hindi iyon nakita ni Mari dahil abala ito sa paglilinis kaya’t minabuti ko na rin na huwag itong sabihin. Ilang sandali lamang ay dumaan mismo sa aming harapan si Bruno. “Pagbutihin niyo ang paglilinis ha?” may bahid ng pag-uuyam ang pagkasabi nito sa amin at sinabayan pa ito ng tawa. Magsasalita sana si Mari pero inawat ko siya, wala din namang mangyayari kahit magtatalak pa siya. “Unfair talaga!” inis nitong sabi. “Eyan! Hindi ka ba naiinis?” tanong nito sa akin.
Pinagtulungan ako ng barkada ni Bruno kaya matapos ang suntok na iyon ay hindi na ako nakalapit sa kanya. Nabanaag ko sa kanyang mukha ang sobrang galit. “Wala kang laban sa akin Eyan isa kang walang silbing tao. Pwe!” dinuraan niya ako. Hindi na ako nakakilos dahil hinawakan ako ng barkada ni Bruno. “Hayop ka Bruno.” Isang malakas na suntok sa tiyan ang nagpabuwal sa akin at namilipit ako sa sakit. Iniwan nila akong nag-iisa at pinagtatawanan. Unti-unting nawalan ako ng malay at hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Pagdilat ko sa aking mata ay nasa bahay na ako habang nakita ko ang pagtangis ni Inay. “Anak ano bang nangyari saiyo? Bakit duguan ka ng makita ni Mang Berto sa likod ng skwelahan?” bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa akin. Masakit man ang panga ko at igalaw ang aking katawan ay mas pinili kong sabihin sa aking ina ang aking naranasan. Hindi ko napigil ang sarili ko sa pag-iyak habang isinasalaysay ang lahat ng pang-aaping ginawa sa akin ni Bruno. “Anak sana hindi na lang lumaban.” iyak na saad ng aking ina.
“Naiinis.” matipid kong sagot. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ewan ko saiyo napakaduwag mo”. Hindi na lamang ako nagsalita dahil totoo naman iyon. Bahala na si batman!
“Inay ako na po yung naapi bakit parang si Bruno pa yung pinagtatanggol mo?” may bahid ng pagkadismaya sa aking tinig. “Mahal kita Anak ayoko lang na magantihan ka nila
Lumipas ang ilang araw na talagang sobra na ang pang-aapi sa akin ni Bruno, nandiyang pakainin niya ako ng papel at suntukin kahit saan niya gusto. Hindi ko na yatang tiisin ito para kasing sasabog na ako sa galit at gusto ko na siyang….. PATAYIN…
anak.” “‘Yon na nga po inay e, wala po akong ginagawa pero patuloy sila sa pagtapak sa mga mahihirap na tulad natin ang dapat sa kanila mamatay!” puno ng salaghati ang akong puso.
“O ano lalaban ka?” sigaw ni Bruno sa akin. Hindi ako umimik. “Nakita ko yung ina mo. Alam mo ba ano ginawa niya? Pagkamalan ba naman niyang pagkain yung pagkain ng aso HAHAHAHAHAHA” malakas ang tawa nito. Nabigla ako sa aking narinig. Paano niya nakilala ang aking ina? natanong ko sa aking sarili. Ah siguro dahil labandera si Inay at sila Bruno ang naging amo niya. Patuloy pa rin sila sa pagtawa ng malakas at kinukutya ang aking ina.
Yinakap ako ng aking Ina. “Basta wag ka ng lumaban ako na ang bahala.” luhog sa akin ng aking ina. Sapat na iyon para tumigil ako hindi ko man lubos na maintindihan ang nais niyang ipahiwatig ay nanatili na lamang akong tahimik at mahigpit na yumakap sa aking ina. Kinabukasan ay maagang umalis si Inay habang ako ay nanatili lamang sa bahay kahit gusto kong sumama ay ayaw naman niya akong pasamahin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa aking nararamdaman tila ba may hindi magandang mangyayari sa araw na ito.
Nanlilisik ang mata ko ng titigan siya. Sa isang iglap ay sinugod ko siya at sinuntok sa mukha.
“Anak dito ka lang sa bahay ha? Ako na ang bahala sa lahat basta alam mong mahal na mahal kita.” hinalikan niya ako sa aking noo. Lumakad na ang aking ina habang ako mas minabuti na lamang mag-aral.
“Gago! ka Bruno wag mong idamay ang Ina ko dito! Hayop ka!” galit na galit kong sigaw.
Dumaan ang ilang oras habang abala ako sa pagbabasa ay isang malakas na katok ang nagpagulat sa akin.
10
Si Mari. Pero paano niya nalaman ang tinitirhan ko? Habang inaanalisa ko ang sagot sa aking tanong ay isang mensahe ang nagpagulantang sa akin. “Eyan ang inay mo. Patay na!” unti-unting dumaloy sa pisngi nito ang mga luha. Hindi ko alam ang magiging reaksyon tila ba binuhusan ako ng isang malamig na tubig. Hindi ko alam kung paano kami nakarating ni Mari sa purinarya pero isa lang ang sigurado dun nakita ko ang Inay na tila ba natutulog lang duguan ang may ulo nito. Unti-unti akong lumapit sa aking Ina kasabay ang pagpatak ng aking mga luha. “Inay...” tanging namutawi sa bibig ko. Sinilaysay ni Mari sa akin ang kanyang nakita. Nasagasaan ang aking ina, na hit-and-run ito ng isang kotse na hindi pa kilala kung sino ay may sakay, pero mas lalo akong nagimbal ng sabihin ni Mari ang plate number ng kotse, at hindi ako pwedeng magkamali. Kotse iyon ni Bruno. Sinabi na sa akin ni Mari na nakita daw niya ang isang medyo may edad na babae na mayaman ang dating - bumaba daw ito sa kotse at ng makitang nakahandusay ang aking Ina ay nagmamadali itong bumalik sa kotse. Lintik! Bwiset! Gago ka Bruno. Papatayin talaga kita. Pinahid ko ang mga luhang umaagos sa aking mata. Hinalikan ko ang aking ina sa noo bago ako tahimik na lumakad. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mari pero hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang pakay ko at isagawa ang matagal ko na sanang ginawa. Nakita ko sa loob ng punirarya ang isang bagay na alam kong magagamit ko upang maisakatuparan ang aking gusto. Nagpunta ako sa skwelahan at nakita ko ang aking pakay. Si Bruno kasama ang barkada niya habang nagtatawanan. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko, nag-init ang ulo ko ng makita siya, at nag-aalimpuyo sa galit ang puso ko. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglusob ko at inundayan ko siya ng saksak gamit ang kutsilyong nakita ko sa punirarya kanina. Sigawan ang aking narinig mula sa ibang estudyante habang ang barkada ni Bruno ay parang mga paru-paro na nagsiliparan nang saksakin ko si Bruno. Limang beses ko siyang sinaksak at ang pinakahuli ay mismong sa puso niya. Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman ko noong panahong inapi niya ako, yinurakan niya ang pagkatao ko, ang pang-aalipusta niya at ang pagpatay niya sa aking pinakamamahal na ina. Nagdiwang ang puso ko ng makita ko si Bruno na nakahandusay at unti-unting binawian ng buhay. “Hindi porke’t mahirap kami Bruno hindi ko na kayang lumaban. Hindi lahat ng oras ay mananalo ka dahil ngayon ako ang panalo at ikaw ang talo” kasabay ng mga katagang iyon ay dinuraan ko siya. Ngipin sa ngipin. Dugo sa dugo. Buhay sa buhay. Buhay ang kinuha kaya buhay din ang kapalit.
Dalawampung taon na din pala ang nakaraan ng gawin ko ang krimen na iyon na nagpabago sa buhay ko. Narito ako ngayon sa loob ng selda, nakakulong at patuloy na tinatamasa ang kaparusahan na aking nakamit. Pumatay ako dahil sa galit. Kung noon nagdiwang ang puso dahil nakapaghiganti ako, ngayon naman ay napuno ng pagluluksa ang puso ko dahil habang buhay kung matatamasa ang kabayarang ito. Kung tatanungin niyo ako kung nagsisi ba ako? Ang sagot ko ay “Oo” dahil sa isang desisyong aking ginawa ito ako ngayon habang buhay akong makukulong at hindi ko man lang matutupad ang pangarap ko noon na mamuhay ng marangya sa buhay o ang makapag-aral man lang. Dito sa loob ng selda ay naranasan ko ang pait sa buhay masahol pa yata nung nasa labas ako, dahil dito puro pader ang makikita mo, marumi, mabaho, madilim at higit sa lahat hindi mo mararanasan ang mamuhay ng malaya, dito sa loob lahat ng galaw mo bantay sarado. Dito kung sino y u n g m a y aman sila ang hari dito sa selda, lahat ng gusto nila makukuha nila kapalit lamang ay limpak na pera, konting palpak ko lang dito baka sa sementeryo ako mapunta. Dito habang buhay akong magiging isang bully na hindi malayang gawin ang nais ko sa buhay. Siguro kung meron mang magandang bagay na nangyari sa akin dito sa loob siguro yon ay ang mas nakilala ko pa ng mas maigi ang Diyos at kung paano siya namuhay sa mundo. Isa lang ang tumatak sa puso ko at iyon ay magpatawad at humingi ng tawad. Natuto akong magpatawad kay Bruno sa lahat ng ginawa niya sa akin at humingi ng tawad na rin sa kanya dahil sa pagpatay ko sa kanya. Masalimuot ang buhay ng isang tao may mga bagay talaga na minsan hindi pantay sa atin pero isa lang ang natutunan ko, dapat pala talaga bago ka umaksyon sa isang sitwasyon dapat analisahin mong mabuti ang magiging epekto nito sa buhay mo at sa ibang tao. Hindi ko man nagawa ito sa aking sarili ay gusto kong matuto ang ibang tao, mga kabataan na may mapusok na isipan sana ay wag kayong padalos-dalos sa inyong mga gagawin, mag-isip ng mabuti bago gumawa ng isang hakbang dahil ayoko kong matulad ko kayo sa akin. Oo nga’t nakamit ko ang paghihiganti pero ang kapalit naman nito ang habang buhay kong pagkakulong. Mahirap maging mahirap. Mahirap ang makulong at hindi maging malaya sa sariling buhay mo. Ako si Eyan. Ako ay isang Batang Bully.
11
Stop Stealing My Heart by Silent Sakura
Nasusukat nga ba ang pagmamahal sa kaanyuan lamang? Mabubuo kaya ang lovestory ng dalawang magkaibang-magkaiba ang physical appearance. Ano nga ba ang batayan ng tunay na pag-ibig? Sa Tingin ba ito makikita, sa mukhang maganda, sa hubog ng katawan o sa pusong totoong nagmamahal. “Patttttttttttttttttyyyyyyyyyy!!” sigaw ni Jasmin ang nag-iisang bestfriend ni Patty or Pauline Trinity Ortiz sa totoong buhay. Banayad siyang ngumiti ng makita ang bestfriend niya. Kung titignan ito siguradong mapagkakamalan itong artista. Napakaputi ng balat nito na animo’y porcelana. Matangkad din ito sa taas na 5’7, ang ganda ng hubog ng katawan nito at higit sa lahat napakaamo ng mukha. Kaya walang lalaki ang hindi mapapatitig nito. Nagbalik siya sa kanyang isipan ng mapansin nakatitig sa kanya ng mabuti ang kanyang bestfriend na para bang hindi makapaniwala sa itsura niya. Sino ba naman ang hindi masha-shock kung ang Patty noon na naging Ms. Intrams ng skul nila at naging Ms. Beautiful Woman ng kanilang bayan --- ay tuluyan ng naglaho. Alam niya kung ano ang sasabihin nito kaya inunahan na niya ito. “Napalakas ang kain ko at nawalan ako ng control kaya ito ang resulta” nagkibitbalikat siya. “Patty,” tila nabilaukan naman ang kanyang bestfriend at walang ibang masabi.
12
Halatang shock ito sa naging anyo niya. Ang vital statistic niya noon na 34-24-34 ay naging 42-53-40 tila isa siyang sumo wrestler sa kanyang anyo.
“Alam kung mandidiri ka sakin kaya kung kaaawaan mo lang ako at tititigan ng ganyan ay mabuti sigurong umalis ka na.” tila naiirita niyang sabi. Kanina pa kasi si Jasmin na nakatitig lamang sa kanya.
Sa totoo lang ito ang first Love niya pero hindi natuloy ang love story nila dahil mas inuna niya ang pag-aaral niya kaysa pumasok sa isang seryosong relasyon. Nangako siya sa kanyang sarili na tatapusin muna niya ang pag-aaral bago hanapin yung tinatawag nilang true love. They both parted ways at kailanman ay hindi na sila nagkita. Tuluyan na ring nawala ang komunikasyon nila.
“Patty naman bestfriend mo ako eh, syempre worry lang ako sayo” saad nito na nasa anyo pa rin ang hindi makapaniwala. “Ok naman ako kaya wag mo akong alalahanin masaya ako” nakangiti niyang sagot. “Sinungaling” biglang sigaw ng isip niya. “Hali ka sa loob at ako ng magdadala ng bag mo.” aakmang bubuhatin na niya ito ng pigilan siya ni Jasmin. “Ako na.” Tumawa na lamang siya. “Ako na Best tignan mo naman ako ang lakas-lakas ko kaya.” sabay buhat ng isang malaking bag. Napangiti na lang ang bestfriend niya. “Sabi mo eh.” Kadarating lang ni Jasmin sa airport galing itong Italy at humingi ito ng pabor na sa bahay muna ito tumuloy pasamantala, dahil kaibigan naman niya ito ay hindi agad siya nagdalawang isip na pabigyan ito. Naupo silang pareho sa isang sofa at doon tinuloy ang kanilang pagkukwentuhan. “Kumusta ka naman Pat?” usisa ng kanyang bestfriend. “Ito okay naman malakas pa ring kumain.” sinabayan niya ito ng tawa. Napatawa na rin si Jasmin. Biglang tumahimik ang kanyang kaibigan at doon niya napansin na nakatitig pala ito sa picture frame na nakapatong piano niya. “Ang cute natin diyan di ba?” bulalas niya. “Oo naman Patt ang ganda mo nga diyan eh.” sabi nito habang hindi inaalis ang mata sa picture frame. “Kumusta na pala kayo ni Terrence?” ang tinutukoy nito ay ang ka mutual understanding niya noong highschool pa sila.
“Wala nangyari sa amin.” biglang sinaklot ng lungkot ang puso niya.
“Okay lang yan Patt marami pang boys diyan.” pampalubag loob ni Jasmin. “Yeah.” tanging sagot niya. “Yeah marami nga pero ang tanong would they like me? With this figure?” nanlumo siya sa naging laman ng isip niya. “Patt bakit di tayo mamasyal, lets hang out naman ngayon nga lang tayo nagkita muli eh. Alam mo naman next month I will be going back to Italy na.” yakag sa kanya ni Jasmin. Isang model si Jasmin at sa Italy na siya naka-base. “Ayoko” matipid niyang sagot. “Sige na please.” tumabi ito sa kanya at naglambing. Ano pa ngang magagawa niya kundi ang Umu-OO. “Okay pagbibigyan kita Jas.” ngiting tugon niya. May takot sa puso niya takot na baka she will be discriminated again like what happen with her previous hang out with what she called “Plastic Friends” na walang ginawa kundi kutyain siya ng patalikod. Nakita na lang ni Patty ang sarili na nakaupo sa loob ng bar at ano pa ngang mapapala niya kundi ang pakutyang pagtitig ng mga tao sa kanya. Umupo siya sa medyo bandang sulok na upuan ng bar. Nakajacket siya kahit na sobrang init. Dumating si Jasmin na nakasleeveless at nakashorts na sobrang ikli. Pagpasok pa lang nito ay napatitig lahat ng lalaki. “Sorry Patt natraffic kasi si Insan kasi nagpasama pa sakin sa Mall.” paumanhin nito ng makarating sa table nilang dalawa. “It’s okay Jas. I’m okay tignan mo nilantakan ko agad itong chichiria” tumawa siya upang ikubli ang lungkot sa kanyang puso. Naiinggit siya kay Jasmin ngayon napakasexy nito at hindi ito kailangan magsuot ng heavy jacket maitago lang belly nito dahil wala naman itong belly na tulad niya, hindi nito kailangan magtago sa
13
isang sulok upang hindi mapansin ng ibang tao. Puno ang utak niya ng insecurities. Her life now was terrible but most of all her lovelife was much terrible. Simula ng maging sumo wrestler ang katawan niya wala ng nangligaw sa kanya, natakot ata silang lahat. Makaraan ang ilang minuto ay nakita na lamang niya si Jasmin na nagsasayaw sa dancefloor, hataw na hataw ito kasama ang ibang lalaki na hindi niya kilala. Napaismid na lamang siya. Hindi niya ito pinigilan dahil ayaw niyang magmukhang kill joy. Nabored siya sa loob kaya lumabas siya. Magpapahangin sana siya pero iba yata ang mararanasan niya. Maraming lalaki ang nasa labas kapwa lasing na mga ito. Bigla na lamang siya sinabuyan ng alak sa mukha na labis niyang ikinagulat. “Baboy mga pare, may baboy dito!” sabay tawa ng mga kalalakih a n . P i n a g t a w a n a n s i y a n g m g a i t o . “Hoy! Ikaw baboy bakit andito? Doon ka sa slaughter house doon ka nababagay” kutya ng lalaking nagsaboy sa kanya. Sasampalin na sana niya ito pero maagap na nahawakan nito ang kamay niya. Malakas ito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “Aray ko!” pilit niyang inaagaw ang kamay niya pero ayaw nitong bitawan siya. Laking gulat niya ng isang kamao ang tumama sa mukha nito na agad na nabitawan ang kamay niya. Ang sumunod na nangyari ay balyahan at suntukan. Dumating yata ang hero niya dahil tinalo nito ang apat na kalalakihan. Matipuno ang pangangatawan nito ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito dahil medyo may kadiliman sa paligid.
Napaurong si Patty. Could it be? “Oh God siya nga!” sigaw ng isip niya. “Terrence Villamor??” Halatang nagulat ito sa sinabi niya. “Kilala mo ako?” kunotnoong tanong nito. “Si Patty ito Pauline Trinity Ortiz!” mabilis niyang sagot. Doon lang niya naalala ang itsura niya. Kinagat niya ang dila niya. Nagsisi siya kung bakit siya nagpakilala alam niyang matatawa ito. Napayuko siya. “Patty!” mahigpit siya nitong niyakap. Nagulat siya sa naging reaksyon nito. Ni’ hindi man lang ito nandiri kaya napayakap na rin siya dito ng tuluyan. “Namiss kita Patt” “Ako rin” napaiyak siya dahil sa tuwa. Akala niya lahat ng tao ay pandidirihan siya at kukutyain pero hindi si Terrence hindi ito ang klase ng tao na huhusgahan ang pagkatao niya. Dumating si Jasmin na ganun ang ayos nila. “Anyari Patt?” tanong nito sa kanya. Pero agad na nabaling ang tingin nito kay Terrence. “Who is he?” awtomatikong tanong nito. “Si Terrence” parang ayaw na niyang sabihin. “Oh my God! Terrence is that you? It’s me Jasmin” yumakap ito kay Terrence. Napayakap na rin si Terrence dito kahit na halatang nagulat ito.
Ang apat na kalalakihan ay natumba. May tinawagan muna ang lalaki bago lumapit sa kanya.
Dumating ang patrol ng police. “Budz ano nangyari dito?” tanong ng isang pulis.
“Are you okay Miss?” tanong nito sa kanya at ngumiti. Doon niya nakita ang mukha nito. Napakagwapo nito halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa kakatitig rito. Napaka-ayos ng dating nito na halatang isang professional na tao at pantay-pantay ang ngipin nito. He looks familiar to Patty pero walang mapuhap na tao si Patty kung sino ito.
“Dalhin mo sila sa presinto ng masampahan ng kaso may ginawang kalokohan ang mga yan sa kaibigan ko.” utos nito sa kasamahang pulis. Mabilis na tumalima ang pulis at binitbit ang apat na kalalakihan.
“Okay lang ako Salamat pala Ginoo.” nauutal niyang sagot.
“Oh my Gosh! Pulis ka na Terrence?” si Jasmin ulit.
“By the way I’m SPO2 Terrence.” sabay abot ng kamay.
“Yup”
14
“Unbelievable!” manghang sagot ni Jasmin. Natapos ang gabi na si Jasmin ang satsat ng satsat hindi na nakapagsalita si Patty dahil inangkin na ni Jasmin lahat ng pagkakataon na makapagsalita siya. Kahit paano naman masaya siya dahil muling pinagtagpo silang dalawa. Ayaw niyang maniwala sa tadhana, pero ngayon ito na yata ang ebidensya ngunit ayaw niyang maging assuming ngayon, tama na ang pagkutya ng mga tao, ayaw na niyang masaktan lalo na sa pag-ibig masyado na siyang nasaktan sa pagkutya ng ibang tao kaya’t ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hinatid sila ni Terrence sa bahay gamit ang sariling sasakyan nito. Mayaman si Terrence noon pa man pero hindi tulad ng ibang laki sa yaman na nananapak ng ibang tao, si Terrence ay iba kahit na may-ari ang kanyang pamilya ng isang hacienda -ay napakamabuting tao ni Terrence mababa ang loob nito sa ibang tao.
Terrence: Kahit na sakit ulo pa yan kailangan mong uminom ng gamot. Patty: Sir YES SIR hahahahaha adik ka Terrence. Terrence: Ayokong magkasakit ka. Ayokong may manakit sayo. Patty: Wow! Ikaw ba yan knight shining armor? Nyahahaha p e a c e Te r r e n c e : D
Terrence: Seryoso ako Patty. Patty: Okay ikaw talaga di na mabiro. Bakit mo naman nasabi yon? Terrence: Naalala mo pa yong sinabi ko sa’yo?
“Salamat Terrence.” wika niya. “Thank you Terrence sana bumisita ka naman dito para mabisita mo si Patty.” dugtong naman ni Jasmin. “Ako pa talaga? Ang sabihin mo para mabisita ka?” naisaloob niya. Alam ni Patty na noon pa man may gusto si Jasmin kay Terrence, minsan na rin kasi niyang nabasa ang diary nito noon kaya nabuking niya ito, pero hindi na lamang niya pinalaki ang issue. Pero ngayon mukhang pursigido itong akitin si Terrence at wala siyang magagawa doon.
Patty: Alin dun? Terrence: Di ba Sinabi ko saiyo noon na ako ang proprotekta saiyo. Na walang mananakit saiyo. Ngunit hindi koi yon natupad iniwan kita. Ngayon tutuparin ko iyon Patty. Patty: Ayoko ng balikan ang nakaraan Terrence. Hindi ako galit sa’yo at naiintindihin naman kita kung bakit mo ako iniwan kasalanan ko naman yon eh kasi iniwan din kita ^__^ Terrence: Patty may gusto sana akong sabihin sa’yo. Patty: Matutulog na ako Terrence bye.
Makaraan ang ilang araw ay hindi na nawala ang komunikasyon nila ni Terrence madalas itong magtext at minsan tumawag pa sa kanya. Madalas din itong bumisita sa bahay niya, ngunit si Jasmin ang laging sumasalubong dito. Madalas din niyang mahuli si Jasmin na nagpapacute kay Terrence. Isang gabi nagtext ito sa kanya. “Hi Patty.” text nito. “Hello din.” sagot niya. Terrence: Anong ginagawa mo? Patty: Nakahiga ako ngayon medyo masakit kasi ulo ko :) Terrence: Ganoon ba? Magpahinga ka tapos inom ka ng gamot. Nakakaistorbo ba ako sayo? Patty: Hahaha sakit ng ulo lang ito wala ito no! hehe hindi ka nakakaistorbo hindi pa naman ako inaantok.
Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa siguro natakot siya sa maaring sabihin nito. Natatakot siya na baka hindi niya matanggap ang sasabihin nito. Kinabukasan ay hindi siya nakabangon mukhang tinuluyan siya ng sakit ng ulo at hindi lang iyon may lagnat pa siya. Mabuti’t nandiyan si Jasmin para magluto at alagaan siya kahit papaano ay hindi siya masyadong nagkikilos. Narinig niya ang pgtunog ng buzzer hudyat na may tao sa labas. “Sino naman kaya ang bibisita sa akin?” naisaloob niya sa sarili. “Hi” bungad agad ni Jasmin kay Terrence. “Hello Jas. Andiyan si Patty?”
15
“Ha?” tumingin muna ito sa hagdan bago nagsalita. “Wa-wala yata mukhang umalis” “Ganoon ba?” “Oo halika upo ka muna.” yakag ni Jasmin na sinabayan pa ng landi. “Para sakin ba yang flowers?” usisa nito at halos hindi matanggal ang tingin sa bouquet. Napatingin rin si Terrence sa dala niyang bulaklak. “Ahmm.. sa’yo na lang” sabay abot ng bulaklak. Halos nagtatalon naman si Jasmin sa tuwa ng tanggapin ang bulaklak, tumabi pa ito kay Terrence at pumupulot ang kamay nito sa braso ni Terrence. “Thanks Terrence ang ganda talaga.” malamya nitong sabi. Bumangon si Patty upang kumuha ng tubig sana pero laking gulat niya ng makita si Terrence at Jasmin na tila naglalambingan sa sofa pa niya mismo. “Mga hayop dito pa naglandian!” agad na sigaw ng isip niya.
“I’m okay.” malamig na sagot niya. Dumudugo ang daliri niya kaya tinignan ito ni Terrence. Dali-daling kinuha ni Terrence ang panyo mula sa kanyang bulsa. “Hindi na kailangan Terrence.” akmang kukunin niya ang kamay mula rito pero pinigil ito ni Terrence at hinawakan ng mahigpit. Nagkadaop ang kanilang mga kamay at doon niya naramdaman ang kuryenteng bumalot sa buong katawan niya. Walang imik ito ng ipinulupot ang panyo sa kanyang daliri. Hindi ito nag-alinlangan gawin iyon kahit magmamantsa ang dugo sa panyo nito. Mataman silang tinitigan ni Jasmin na para bang may binabalak itong gawin. Sumilay sa mga labi nito ang nakakatakot na ngiti. Ngiting malandi kung tawagin ng iba. Napapangiti si Patty sa tuwing inaalala ang pag-alala sa kanya ni Terrence nakita kung gaano ito ka-concern sa kanya. Nakita niya sa anyo nito na seryoso ito sa sinabi nito noon na tutuparin ang pangakong propotektahan siya. Kahit na kinikilig siya ay pinipigilan pa rin niya ang puso niya dahil takot siyang masaktan.
Nabalaho ang paglalakad niya ng makita ang dalawa. Halos dinurog ang puso niya sa eksinang iyon. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at hindi niya namalayan ng mabitawan niya ang dalang baso.
Napansin siguro nito na nakatulala siya habang hinahawakan ang panyong nakapulot sa kamay niya.
Napabalikwas naman sina Terrence at Jasmin ng marinig ang pagbagsak ng baso sa sahig, kapwa napatingin ito sa hagdan.
Nanlilisik ang mata ni Jasmin ng tignan niya tila ba iritang-irita ito. “Ito na yong tubig mo!” pagkasabi niyon ay agad din itong umalis.
“Patty!” nagkulay suka ang labi ni Terrence. “Akala ko umalis ka?” natarantang tanong ni Jasmin. “Ako aalis? Paano ako aalis eh masakit ang ulo ko!” gusto niya itong sunggaban at isupalpal ang mukha sa sahig. Kung hindi lang talaga niya ito kaibigan. “Hi Patty!” saad naman ni Terrence ng makabawi mula sa pagkagulat. “Hi.” matipid niyang sagot. Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na basag na baso ng biglang matusok ang daliri niya. “Aray!” Agad na pumunta si Terrence sa kanya at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito. “Okay ka lang?” bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Hoy! Patty!” sigaw ni Jasmin sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. Wala siyang pakialam kay Jasmin basta ngayon masaya siya dahil kay Terrence. Sa sumunod na araw ay mas naging madalas ang pagbisita ni Terrence sa bahay niya. Binigyan siya nito ng bulaklak at chocolates. Madalas rin ang paglandi ni Jasmin kay Terrence, at hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman. “Ano yang suot mo?” sita niya sa kaibigan ng makitang nakasleeves ito na kita ang cleavage at nakamaong nga shorts na super ikli. “Ang init kasi.” tugon nito na waring walang pakialam kahit makita ang dibdib nito. She silently smirks. Hindi na niya nagugustuhan ang ugali nito. Ibang-iba na kasi ito kaysa dati. Tuluyan ng nawala ang dating mahinhin at malumanay na kaibigan niyang si Jasmin. Napawi ang
16
pagtitig niya rito ng marinig ang doorbell. Siguradong si Terrence na iyon ngunit laking gulat niya ng unahan siya nito papuntang pinto. Nasa hagdan siya at nagmamasid lamang sa maaring eksina sa pagdating ni Terrence. “Hi!” bati ni Terrence. Tila nabalaho ito ng makita si Jasmin sa ganung ayos. “Hello!” malambing na sagot ni Jasmin. Tumikhim siya upang gambalain ang pagpapantasya ni Terrence sa katawan ng kaibigan. Agad na napatingin si Terrence sa hagdan at napakamot sa ulo. “Mga lalaki talaga!” piping sigaw ng utak niya. Napailing na lamang siya. Bago pa makapagsalita si Terrence ay agad na pumasok siya sa loob ng kwarto. Wala siyang planong makipag-usap sa lalaking ito. “Ngunit bakit ba ginagambala niya pa rin ako?” naitanong niya sa sarili. Dalawang katok ang nagpapukaw sa kanyang atensyon. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang nakangiting si Terrence, nasa harapan ng mukha niya ang magagandang bulaklak. Paano ba siya tatanggi kung mismong puso niya ang naglulundag sa tuwa. “Wag ka ng magalit babe,” pag-aalo nito sa kanya. “Wait? Ano daw? Babe ba kamo? Pakisapak naman ako! Nananaginip yata aketch!” natauhan siya ng biglang nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya. Sa isang iglap ay tumama ang mga labi nito sa noo niya. “Wait! Mali yata yan Terrence. Wrong send nasa baba ang labi ko.” gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa naging laman ng isip niya. Hindi siya nakatanggi dahil ginusto naman niya yon. Sino bang hindi magkakagusto kung ang mismong gumawa nun ay ang ultimate crush mo noon at ang first love mo. Hay! Love nakakagaga talaga! Pag-ibig nga naman para lang ninanakaw ang puso ko tuwing nakikita ko siya. Muli siyang natauhan ng dinampi ni Terrence ang kamay sa noo niya. “Ok ka lang ba? Bakit di ka nagsasalita? Sorry na Babe.” tila isa itong batang nagsusumamo.
“Isang tawag mo ng babe at talagang ako na ang hahalik sa’yo.” naisaloob niya sa sarili. Para siyang timang dahil kinakausap niya ang sarili. Napangiti siya ng wala sa oras. “Patty, bati na tayo ha?” Tanging pagtango lang ang naisagot niya, tila nabilaukan siya dahil sa ginawa nito at siya isang timang na hindi makuhang magalit. “Hali ka mamasyal tayo” bigla siya nitong hinila at kahit na kaunting pagtanggi wala siyang ginawa. Magpapakipot pa ba siya? Ganoon na lang ang pagkamangha siya ng dalhin siya nito sa Enchanted Kingdom. Ilang beses na siyang nakapunta roon pero iba ang araw na ito dahil kasama niya ang minamahal niya, este ang ultimate crush pala niya ay mali ang first love pala. “Hindi ka ba pagagalitan Terrence? Wala ka bang duty ngayon?” urirat niya dito. “Wag kang mag-alala Patty nag-leave muna ako gusto kung magbakasyon syempre kasama ka” hinawakan siya nito sa kamay at tuluyan na silang pumasok sa Enchanted Kingdom. Hindi nabigo si Terrence na mapasaya si Patty, iba’t ibang rides ang kanilang sinakyan, syempre namili rin sila ng stuff toys at kumain. Feeling princess naman ang drama niya. Nagdiwang ang puso ni Patty sa araw na iyon, walang Jasmin na panira sa kanila at kung ituring siya Terrence ay tila isang prinsesa. Nang mapagod sila sa sa paglalakwatsya ay sandali silang nagpahinga lumabas sila ng Enchanted Kingdom at sa isang park naman sila nagpunta. Napakaganda ng gabi dahil nagsilbing ilaw nila ang mga kumukutitap na liwanag na nagmumula sa ceres light na nakakabit sa palibot ng park. Napakalamig ng simoy ng hangin at doon niya naalala na malapit na pala ang Pasko. Nakaupo sila sa isang bench habang minamasdan ang paligid. Biglang hinawakan ni Terrence ang kamay niya. Biglang sinaklot ng kaba ang puso niya. “Patty may gusto akong ipagtapat saiyo” seryoso ang naging anyo nito ng tignan siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya parang gusto niyang tumayo at tumakbo papalayo pero wala yata sa mood ang katawan niya dahil hindi sumang-ayon sa naging takbo ng isip niya, nanatili siyang nakaupo sa tabi ni Terrence. “Sabi ko sa’yo na gusto kung tuparin ang pangako ko sa’yo noon. Ang protektahan at alagaan ka.” masuyong sambit nito. Tumango lang siya upang sang-ayonan ito.
17
“Patty,” naging mahigpit ang paghawak nito sa kamay ni Patty. “Mahal kita Patty” puno ng pagmamahal na saad nito. Ilang ulit siyang napakurap pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. “Nananaginip yata ako eh..” napatakip siya ng mukha at napapikit. “Patty are you ok? May sinabi ba akong mali” pilit nitong tinatanggal ang mga kamay niya sa mukha. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang nag reaksyon ng puso niya. Parang naglulundag ito sa tuwa ngunit tila naghihinagpis rin. Takot siya, takot siya na baka masaktan siya. Nanulay sa pisngi niya ang masaganang luha. “Terrence hindi mo alam kung anong sinasabi mo? Hindi tayo bagay.” tuluyan na siyang napahagulgol. Bigla itong lumuhod sa harapan niya. “Hindi mo kailangang maging sexy Patty dahil kahit ikaw ang pinakamataba o pinakapayat sa buong mundo wala akong pakialam, dahil ang alam ko ikaw lang tinutibok ng puso ko, ikaw lang ang sinisigaw nito, Mahal kita Patty noon hanggang ngayon.” masuyo nitong sabi sa kanya. “Please give me a chance Patty”. “Pero…” “I will do anything to prove how much I love you” napaiyak ito sa harapan niya. “What? Isang lalaki iiyak sa harapan niya? Dahil sa pag-ibig? Nabaliktad ba ang mundo? Kung noon siya ang umiiyak ngayon isang lalaki ang umiiyak sa harapan niya. Ganito na ba talaga ito ka inlove sa kanya. Kasabay ng pagpahid niya sa mga luha niya ay siya ring panahon upang buksan niya ang puso niya. Try mo lang Patty! Naisaloob niya. She realize that what would be her decision now would affect her entire life. It might cause heartache to her but another possibility to make her happy. Take a risk Patty! Ganyan naman talaga ang pagibig kailangan sumugal. “Okay fine Terrence pagbibigyan kita” wika niya.
Napaangat ng mukha si Terrence at sumilay sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti. Niyakap siya nito ng buong puso at naramdaman niya kung gaano siya kamahal nito. Sa paglipas ng araw ay mas naging seryoso si Terrence sa panliligaw kay Patty. Nakita naman ni Patty na pursigido si Terrence sa kanya. Umabot ng ilang buwan ang panliligaw ni Terrence sa kanya at mas nakilala niya ng husto si Terrence. Konti na lang at bibigay na ang puso niya. There is an apprehension inside of her that she was falling for him. Her heart was filled with happiness everytime she see him. Hanggang isang araw kinumpronta na siya ni Jasmin. “Palayain mo na si Terrence Patty wag mo na siyang paasahin” may kataasan ang boses nito. “Ano bang pinagsasabi mo Jas?” sinubukan niyang kontrolin ang galit niya. “Don’t be so insensitive Patty, you know that you and Terrence are not meant for each other inshort hindi kayo bagay!” isang nakakapintas na tingin ang pinukol nito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Aba! Below the belt na ito!” himutok niya sa sarili. Isupalpal ko kaya to sa sahig! Nakipagsukatan siya ng tingin rito. What Jasmin said make her infuriated. “Lilinawin ko lang Jasmin hindi ko pinapaasa si Terrence, dahil mahal ko siya at para malaman mo sasagutin ko na siya kaya wala ka ng magagawa. Hindi mo siya maagaw sakin Jas. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito at wala sinumang hahadlang samin” diretsong sabi niya. Halatang nagulantang si Jasmin sa narinig. Umalis ito ng walang paalam. Kinabukasan isang hindi inaasahang eksena ang mararatnan niya sa bahay. Tinawagan siya ni Jasmin na agad na pauwiin sa bahay dahil sa may aksidente daw. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nakita si Terrence at Jasmin na naghahalikan. Pilit na dinidiin ni Jasmin ang sarili kay Terrence halata naman kay Terrence ang labis na pagkabigla nito at pilit itong umiiwas sa halik ni Jasmin. Tumawa siya sa kanyang nakita. Napahinto sa paghalik si Jasmin at si Terrence bakas sa mukha ang sobrang pagkainis.
18
Ngayon wala ng sagabal sa lovelife niya dahil tapos na siya sa pag-aaral at handa na siya sa isang seryosong relasyon. Nalaman ni Patty sa sarili na ang pag-ibig ay wala sa kaanyuan, wala sa antas ng buhay ngunit ang tunay at wagas na pag-ibig ay matatagpuan sa puso. Totoo ang kasabihang “Beauty is in the eye of the beholder”.
“Are you really desperate Jas at ginawa mo talaga ito?” lumapit siya kay Terrence at humawak sa kamay nito. “Well, sorry kasi hindi kapani-paniwala ang inarte mo, siguro you’re really not a good actress.” may himig ng pag-uuyam na saad niya. “Hindi mo kaya kaming paghiwalayin Jasmin dahil mahal ko si Terrence” prangkang sabi niya rito. “Let’s go babe” hinila niya palabas si Terrence at naiwang nakatulala si Jasmin. “Anong sabi mo babe? Ibig sabihin?” nanlaki ang mga mata ni Terrence ng titigan siya. She sweetly smile towards him. “Mula sa araw na ito girlfriend mo na ako okay?” ngiting sabi niya kay Terrence. “Yes” napatalon sa tuwa si Terrence at tila isang baliw na nagsisigaw. “Gf ko na si Patty Yahoo!” “Shh! Tumigil ka nga!” saway niya rito kasabay ng isang halakhak. Mahigpit siya nitong niyakap. “I love you babe.” masuyo nitong sabi. “I love you too babe.” sweet na sweet na sagot niya. “Ikaw talaga lagi mo nalang ninanakaw ang puso ko.”
Ngayon natagpuan na niya ang taong nakatadhana sa kanya, isang taong nakatakdang magpapasaya sa kanya habang buhay. Sa isang iglap naglaho ang lahat ng insecurities niya sa buhay dahil alam niyang may taong tunay na nagmamahal sa kanya. Lumipas ang ilang taon at tuluyan na silang nagpakasal at habang buhay silang mananatiling maligaya sa isa’t isa. Natagpuan ni Patty ang taong nakatadhana sa kanya, isang taong tanggap siya sa kung ano man siya. Ang kanyang tunay na pag-ibig. ***WAKAS*** Katulad ni Patty kung hindi man dumating yong lovelife mo ngayon, wag kang mag-alala dahil darating din yan sa tamang panahon, ika nga “GOD’s Perfect Time”. Wag masyadong atat sa lovelife baka ang ending bumagsak ka sa maling tao. Sa mga taong inlababo ngayon Ayiee! Congrats! Brad, Pre, Sis! Just show her/him how you loved her/him, wag sayangin ang araw na hindi mo siya masasabihan ng I LOVE YOU! Dahil kahit gaano pa yan kaikli ang tatlong salitang yan ang nagbibigay security sa puso ng bawat tao at magiging panatag ang taong nasabihan niyan, mararamdaman niya sa buhay na isang tao pala ang tunay na nagmamahal sa kanya. Love, love, love Lang everyone. – Silent Sakura
“Ganun talaga eh kapag nagmahal ka, mahal kasi kita.” kasabay ng katagang iyon ay ang paghalik nito sa kanyang noo. Halik na nagbigay security sa puso niya.
19
20
Si Mhericon Jean Landayan Lorenzo ay isang guro na nagtuturo ng Edukasyon at Pagkatao sa grade 7 at grade 8. Siya ay taga Guiguinto, Bulacan.
Isang magandang buhay sa lahat, nagpapasalamat ako sa Lapis sa Kalye dahil sa pagkakataon na ipinagkaloob ninyo sa akin. Maraming salamat talaga sa inyong lahat na bumubuo nito. Bakit ka nagsusulat? Nagsusulat ako para sa sarili ko, `yan ang pangunahing rason ko kung bakit ako nagsusulat. Sa pamamagitan ng pagsusulat malaya kong naipahahayag ang anomang saloobin o ideya na takot akong iparating sa paraang pabigkas dahil sa paniniwalang wala namang handang makinig sa akin. Nagsusulat ako to express the suppressed feelings and thoughts I have, ang pagsusulat kasi ang nagsilbi kong kakampi at avenue sa buhay. Writing is part of my life and I do really love it. For me writing is my passion and not my fashion, because I do write to express and not to impress. I did not write for fame, I do write to inspired others. Ang ikalawa ko namang rason ay upang magsilbing inspirasyon ang mga sinusulat ko para sa iba, kaya nga unti-unti kong pinalaya ang sarili ko mula sa pagiging selfish ko sa mga gawa ko at pinaniwala na walang mawawala kung ibabahagi ko ito sa iba. Tuwing nakalilikha ako ng isang bagong akda ma pa tula, maikling kwento o kanta man `yan hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, `yong pakiramdam na para kang lumulutang sa ere.
21
Kailan mo nalamang mahilig kang magsulat? Ano ang nagbigay sa `yo ng inspirasyon? Ano ang mga bagay na nag-uudyok sa `yo? Hindi ko alam kung kailan ako nahilig sa pagsusulat basta nasumpungan ko na lamang na nagsusulat ako tuwing nakararamdam ako ng paghahangad na tumakas mula sa mapagbalatkayong mundong ito, sa tuwing may napapansin akong mali sa paligid ko. Ang pagsusulat para sa akin ay bahagi ko, ng buhay ko at hindi basta hilig lamang. Ang mga karanasan ko, mga kaganapan sa paligid ko at maging ang mga akdang sumasalamin lipunan ang mga nagsilbi kong inspirasyon sa pagsusulat na siyang nag-udyok din sa akin upang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero tuwing may napupuna ako o may kakaibang emosyon ang naghahari sa puso ko nasusumpungan ko na lamang ang sarili ko na isinusulat ang mga ito dahil una sa lahat hindi ako ang tipo ng tao na showy o expressive. Ako `yong tipo ng tao na idinaraan sa pagsusulat ang halos lahat ng bagay o ideyang tumatakbo sa isipan ko.
ang lipunang ginagalawan ko at ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko ang masasabi kong may malaking impluwensya sa pagsusulat ko dahil dito ako kumukuha ng inspirasyon sa pagsusulat. Bukod dito masasabi ko rin na ang mga akdang sumasalamin sa realidad at lipunan ay isa rin sa nakaimpluwensya sa akin upang patuloy na magsulat at ipahayag ang mga saloobin ko. Kung tutuusin sa pagsusulat walang sinuman ang makaka-impluwensya sa’yo dahil ito ay sarili mong disisyon o kagustuhan, para kasi sa akin ang pagsusulat ay ginagamitan ng puso at hindi dahil sa gusto mo lang maki-uso. Kung tutuusin ang isang akda ay dapat na malayang dumadaloy mula sa puso’t isipan ng isang manunulat, ideyang kusang kumakawala mula sa kaibuturan ng puso at hindi isang bagay na naipipilit lamang dahil sa paghahangad na makisabay sa kung ano ang uso o napapanahon. Saan namin pwedeng basahin ang mga akda mo? Ang aking mga akda ay maaari ninyong basahin sa aking wattpad account @ElEstranghero. http://www.wattpad.com/user/ElEstranghero
May mga tao nga pala akong gustong pasalamatan na siyang dahilan kung bakit unti-unti kong napalaya ang sarili ko mula sa pagkukulong ko sa mga gawa ko. Kung hindi dahil sa kanila hanggang ngayon siguro ay ako pa rin ang mag-isang nagbabasa ng mga akda, sila kasi ang nagtulak sa akin na ibahagi ko ang mga sinusulat ko. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa paniniwala at pagtitiwala, sa pag-e-encourage nila sa akin na lumabas ako sa comfort zone ko. Sila ang dahilan kung bakit kahit papaano tumaas ang kompyansa ko sa sarili ko lalo na sa mga isinusulat ko. Ano ang mga paborito mong aklat? Ang mga sumusunod ay ang mga paborito kong aklat: Pendulum, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Tuesdays with Morris, Uncle Tom’s Cabin, Les Mesarables, Count of Monte Cristo, Julius Caesar at Harry Potter. Bukod sa mga nabanggit poborito ko rin ang History at Christian books. Sino ang masasabi mong malaking impluwensya mo sa pagsusulat? Ang totoo hindi sino kung hindi ano. Para sa akin
22
Si Blesc Calugay ay isang guro sa Bright Hope School at kasalukuyang sa San Carlos, Pangasinan. Bakit ka nagsusulat?
gulong mundo ng pag-ibig.
Nagsusulat ako para ma express yung feelings ko. hindi kasi ako yung tipo ng tao na vocal. May pagka-introvert pa ako, so since wala akong lakas ng loob na sabihin ang mga nararamdaman ko, dinadaan ko na lang sa pagsusulat, more specifically, sa mga tula. pero kadalasan din kasi napapasulat ako nang walang dahilan. Basta bigla na lang bang pumapasok sa isip ko yung mga salita, nangungulit, kaya ayun, isinasatula ko.
Ano ang mga paborito mong libro? Mga librong nakakaaliw at may kakaibang timpla gaya ng mga akda nila Bob Ong, Eros Atalia, Pilosopatasya (wattpad) at Jhing Bautista (wattpad). Sino ang masasabi mong malaking impluwensiya mo sa pagsusulat?
Sa totoo lang hindi ko alam. mahilig lang kasi akong magbasa pero pagdating sa pagsusuKailan mo nalamang mahilig ka pala lat kung anu ano lang kasi ang ginagawa ko. magsulat? Hindi ko alam kong may katulad ba ako, Hmm, noong nasa 3rd yr college na ako, basta sulat lang ako nang sulat kapag around 2011 ata o 2010? Bigla na lang akong umaatake ang makatang bahagi ko. ganoon napapasulat ng tula after ko makita at marinig din sa pag susulat ng kuwento kung ano ang yung situation at feelings ng mga school- ideyang pumasok sige lang. Wala na akong iniintinding iba, ‘yon nga lang, bibihira akong mates kong in-love. makatapos ng kwento sapagkat gaya nga ng sinabi ko, pasumpong sumpong lang ang Ano ang nagbibigay ng inspirasyon? pagsusulat ko. Dalawang bagay. Una, ‘yung pag-ibig sa paligid ko, kung paano naaapektuhan ako at ang Saan maaring basahin ang mga akda mo? mga tao sa paligid ko dahil dito. Ikalawa, yung mga nababasa at napapanuod ko. S a w a t t p a d p o Alam ko sa sarili ko na wala akong sapat na http://www.wattpad.com/user/BlescCalugay lakas ng loob para ipaglaban ang mga panin- pero di po iyon updated. Madalas po kasi sa indigan ko gaya ng ginagawa ng mga napa- facebook na ako nagpopost, o di kaya sa panood ko, at nababasa. Ang tanging maga- group ng Lapis sa Kalye (Ang Bagong Kabagawa ko ay ang sumulat at makapagbigay ng nata). inspirasyon kahit gabutil man lang. Kahit man lang sa mga panulat ko ay may magising akong isang damdamin, mamulat ito sa katotohanan, at mabigyan ng pagkakataon makapag isip, at sa huli, sana, ay magawa niyang manindigan. Ano ang mga bagay na nag uudyok sa'yo? Mga bagay na malapit sa puso ko. ang pag-iisa, pag-asa, at ang ma-
23
SALBABIDA - PRECIOSO PENALBA
Hindi mo matitimo ang lawak at kasukdulan ng karagatan sa minsanang pagtunghay rito. Hinahaplos ako ng mga along Nagdadalamhating yumayakag sa mga paang Nakalibing na sa buhangin – Mga along paroo’t paritong naghahabulan Sa malaking salaming kumakaway Mula sa kalangitan. Kasabay kong magtampisaw Ang mga anghel at pating Habang binabagtas ko ang kalawakan At kalaliman ng karagatan. Hinahanap kita sa dalampasigan Ngunit ‘di ko na ito makita; Nauna ka na palang magtampisaw kasama ng mga anghel at pating At magdalamhati kasabay ng mga alon. Ngayon pinipilit kong lumangoy sa laot nang mag-isa, Nang wala man lamang salbabida.
24
25
THE DADDY DIARIES MR. WIND UP BIRD Unang tanong, paano niyo nalaman na bun- Kung merong isang aral sa buhay mo na tis si misis? gusto mong ituro sa anak mo, ano ito? Friday sya.. may plano sana kaming mag date nu’n kasi unang pag kikita namin.. galing syang Hong Kong. So ayun, nasa work siya. Pinauwi siya ng clinic para pumunta ng E.R. and ayun. Pinag-PT siya kasi medyo delayed siya. And ayun. Pumasok siya ng hospital may ubo, lumabas siya ng buntis. Hehe
Ano ang naramdaman mo nang marinig mo ang magandang balita?
Don’t be afraid to be different. But also be open to changes. But never ever compromise yourself for the sake of others that don’t care about you. Ano ang mga susunod mo na plano sa oras na lumabas si baby? Pagpapaplano naman sa wedding namin. May pangalan na ba siya? Babae ba ito o lalake?
Sobrang mixed. Kasi alam mo yun kinakabahan ka kasi may doubts ka sa sarili mo kung mature ka na and ready. Pero mas namamayani yung feeling ng happiness
Boy.. hehe secret muna ang name
Ano sa tingin mo ang mga pagbabagong naganap sa buhay mo ngayong magiging Ama ka na? Ano sa tingin mo ang mga magbabago pa?
Pag aayos ng kwarto. Pagbili ng gamit at pagaayos.
Well, siguro kailangan nang i-take seriously ang mga bagay bagay. Like work and pag manage ng time and budget. Kasi hindi na lang ako nabubuhay para sa sarili ko. So goodbye na din sa pag lalaro ng pc. Bawas na din ang time sa pag-susulat. Pero di naman sila mawawala kasi passion ko ‘yun eh.
Ano ang mga paghahandang ginawa niyo ni misis?
Masasabi mo bang mas tumindi ang pagsasama niyo ni misis dahil magkaka anak na kayo? Oo naman. Mas lalong lumalim ang pagiintindihan namin sa isa’t isa because of the little one thats growing inside of her. The Daddy Diary is all about the challenges you face as you guide your child grow. Watch out for more of the Daddy Diaries on our page and future issues of the online magazine.
26
HENEREL LINISIN Sa Panulat ni Dudong Daga
Mabilis pa siya sa alas onse, matatag pa siya kay lolo, matalino pa siya sa grade 5... Siya ang sasagip sa lahat ng may sakit at magliligtas ng mga bungi... Paparating na siya, ang Superhero na pang-yosi lang at kendi ang katapat. Ito na si Heneral Linisin!!! Nagpapatawa lang ako habang nagge-general PHOTO DESIGNED BY: ALDRIN TIRONES cleaning sa bahay inaalala noong bata pa at walang iniisip na problema. Ang pagtalon at pagtakbo lang ang nagpapaligaya. Pangarap ko dati maging superhero, epekto ata ito nila Spiderman at Superman na laman ng TV pag umaga. Bakit kaya pagbata ka at walang inaalala, saka mo pinapangarap magkaroon ng problema? Bukod sa malalakas at lumilipad ang mga bidang hero ay tumpok tumpok ang problemang kanilang pinapasan. Kaya ngayong matanda na naisip ko at naunawaan, ang hirap atang maging superhero ayoko na atang maging superhero. Yung iba nga hirap sa pagpili ng susuotin, hirap mamili ng kakainin, hirap mamili ng karelasyon, Tapos sisingit pa maging superhero? Huwag na uy! Siguro gusto lang talaga natin ay ang lumipad at maging malakas. Kung nakakalipad ka madali kang makakatakas, kung malakas ka madali kang makakalamang, Hindi ka basta kakaya-kakayanin. Ikaw ang hari. Masarap maging malakas, pero naisip ko hindi ako puwede maging totoong superhero. Masyadong malayo. Ginawa lang sila para maging simbolo ng isang pangarap. Isa lang ang totoo at malapit sa katotohanan, Maaari akong maging hero. Isang bayaning tulad ni Rizal... Hindi super pero hero. Namatay sa bayan at kinilala ng bayan. Gusto kong maging katulad niya, isang bayaning lumilipad ang pangalan at malakas ang pinaglalaban. Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini, Luna at marami pang iba, sila ang tunay na hero, dugo ang alay para sa sambayanang Pilipino. Habang sinusulat ko ang istorya na'to pumasok sa isip ko; pangarap ko din palang pumalo ng drums...
27
METAPOBRIKA NI BENJO IBARRA Pilit kong hinahalintulad ang nakaraan sa kasalukuyan, tinatanaw ang daan sa pagbabagtas ng ilog ng kaalaman, pilit kong nilalabanan ang unos na siyang sumira sa bagong kamalayan tulad ng isang pobreng manunulat, na ang gusto lang naman ay huwag kalimutan ang sining nyang kinasanayan. Pilit kong bubuksan ang mga mata ng mga kabataang naligaw sa masukal na daan sa lipunan...
Sa Aking Pananaw - benjo ibarra Alam mo ba ang kakayahan na nilinang ng iyong kamusmusan, natuto kang gumamit ng lapis ng ikaw ay limang taong gulang pa lang. Natutuhan mong isulat ang iyong pangalan na tanda ng iyong pagkakilanlan, ginamit mo ang bura sa pag-ayos ng mga kamalian, ganoon din ang pangtasa upang mapatulis ang lapis na sandata mo sa pagpapahayag ng kamalayan sa lipunan. Katulad ng paglimbag ni Gat. Jose Rizal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na maliki ang naging papel sa pagbabago sa panahon ng Kastila. At ng tulang "Sa Aking Mga Kababata" kanyang huling paalam na "Mi Ultimo Adios" na sinulat niya sa piitan nananatili pa rin na buhay ang ala-ala ni G. Rizal sa kasaysayan. Isa pa sa kilalang manunulat at hinahangaan ko rin ay si Francisco "kiko balagtas" Baltazar alam niyo ba na ang tulang Florante at Laura ay isang korido o isang awit , inalayan sa pinakamamahal niyang si selya binuo ng ilang taon nagipit, naubusan ng salita at sumuko mga pangyayaring hindi inaasahan isang obrang tanging yamin pa rin ng bagong henerasyon. Marami nang nagbago at marami na rin kabataan ang pilit na binubuhay ang nakagawiang sining na inihahayag gamit ang pagsusulat, matatawag din silang modernong manunulat, kadalasan makikita ang kanilang mga akda sa booklat, wattpad at blog sumasabay ang literatura sa pag-angat ng teknolohiya.
29
"Ickaw lhang shapat na" at "4r4y ko be" mga pagbabago sa pagpapahayag na hindi angkop sa pagpapahayag ng ating Wikang Filipino, pero naroon pa rin ang salitang pagmamahal jejejejej !!!!! Pagmamahal ng isang batang uhaw sa kaalaman mga bagong sibol na punla na gustong madiligan. Sabi nga sa akin ng isang batikang manunulat, "Damhin ang puso mo, buksan ang isipan mo, at talasan ang mga mata mo sa marawal na reyalidad ng lipunan, at iyapak ang mga paa mo sa mismong lupa. Ang buhay at karanasan ng ordinaryong mga mamamayan ay mayamang minahan ng mga brilyanteng katotohanan." "Dahil ang hindi lumingon sa pinaggalingan malamang may stiff neck yan", sige itry mo palingunin ng mabali bu to niyan.� "Ang hindi magmahal sa sariling wika malamang callcenter agent ‘yan", kapag nag-usap ba kayo ng banyaga sa telepono na gamit ang wikang ginagamit mo sa araw-araw magkakaintindihan kayo sige subukan mo ng mawalan ka ng trabaho. Yung iba d’yan magsasabi ng "Kwento na lang sa Pagong" ang nararamdaman ko. Sige pagnagkausap at nagkaintindihan kayo saka ko na lang ikukwento Hayaan mong magsawa ang kritisisimo sa kakapuna ng mga gawa mo ang mahalaga nakinig ka sa kanila at natuto. At alam niyo ba hanggang patuloy ko pa rin hinahasa ang aking kakayahan, inaamin ko na hindi ako magaling na mambeberso sa larangan ng Balagtasan natutuhan kong maninnuhod , yumuko gumalang sa mga taong tumulong na malinang kakayahan.
"Sige hugot pa!", dahil ang lapis at papel ang matalik kong kaibigan " "Sulat lang nang sulat, basa lang nang basa", mga katagang tangan ko saan man ako dalahin ng aking paglalakbay, baon ang mga magagandang pananaw ko sa buhay.
"Sa Aking Mga Kalapis' ni Benjo Ibarra Kinagagalak kitang makilala Sayong paghabi ng mga obra Sa pinagtagni-tagning letra Sa paglimbag ng malalim na metapora Sa pagbungkal ng iyong kaalaman Sa pagsaboy nito sa kaharian Akdang yaman sa kaharian Malurap ang ating samahan Lagyan man tayo ng pasal sa bibig Gagawa tayo, ng ingay sa sahig Pantayin natin ang pundasyong pahilig Na siyang katibayan ng ating pagkakahawig Sa hamon ng mapanlibak na kapalaran Lapit at Papel ang ating tangan Hawak ang plumang hinubog ng karanasan Iguhit natin sa kasaysayan Kahit magapi, matalo man o magahis Babangon tayo sa ating Pagnanais Sa bawat pagsubok , balakid at hapis Karamay mo ako. aking kalapis
30
LINLANG ni benjo ibarra Sa isang panlulunggati Nahati ang hanay ng marangal at naapi Sa hilera ng nagtagumpay at ng mga nasawi Sa pila ng biguan, at ng mga nagwagi Malabong maabot ang layo ng agwat Tuso ang nanaig sa lahat Hindi pantay ang bawat pag-angat Pili ang datos na naisiwalat Ito ang katotohanan sa lipunan Ang totoo ay pilit tinatakpan Ang kumatok ay pilit pinagsarhan Ng mga lango sa kapangyarihan
Sambit ang agam-agam Ng bansang manhid ang pakiramdam Na pinaharian ng mga bulaan Mga walang takot sa kahihiyan Na pinatatag ng kapabayaan Silang luminlang sa kabataan Higitan mo ang pahapyaw kong tula Sa aking estrabagansang talata Ikaw, huwag kang lumimot kababata Kamangmangan ay iyong isiwata Hindi dapat magpatalo sa anumang salita Talinong taglay ay iyong ipakita Paimbabaw ay sagabal, sa ating nagawa Kumilos ka ngayon, ng bukas ay may mapala
Humangos ang tanawing malamlam Palahaw rin kanyang pagkasuklam
31
LIGAW (panaghoy ng manunulat) ni benjo ibarra tinalikdan ko ang walang wawang pagsasaya sa panunukso ng malubay kong diwa ang aking isip at puso ay dinaya gusto kong maging ibon na lilipad ng malaya magkaganoon pa man ang aking nasimulan sa harap ng mapagdusta ay kabaliktaran pilit kong hinawi, layag ng kamusmusan gamit lamang ang sagwan ng kaisipan ako'y tila isang ligaw na damo na yayabong sa ilalim ng bato lahat ay gagawin mabuhay lang ako tagpasin man ng mga ganit na tao ginawang dayuhan sa sariling bayan ang hangad ko lang naman ay kalayaan sa mundong hinamak ng kababawan ang nasaksihan, ay pilit kong tinakasan nakatikom ang dila kong matabil ang aking tanong bakit hindi ko masiil ang paghaba ng dugtong ng kawil buong lakas ko ng pinipigil nawa'y kayo, tulungan nyo ako ang nakatumba ay pilit natin itayo sirain ang bawat pagbabalat-kayo akayin ang ligaw na landas na hindi lumayo
32
PAGDATING NG SECOND CHANCE isinulat ni: faith daitan Pagdating ng panahon, baka puwede nang maging tayo.
!
Sa pitong bilyong tao sa mundo, siya lang ang hinintay kong mahalin ako.
Magkaharap kaming nakaupo sa mesa, kapwa nakatitig sa nag-iisang kandila sa taas ng birthday cake.
Tinignan ko siya, at nasabi ko na namang misteryoso ang pag-ibig. Mahiwaga.
Palaisipan pa rin sa akin kung paano ba tayo nagmamahal. Yung tipong nagagawa natin ang hindi inaasahan. Tipong minsan, ipinagsisiksikan pa rin natin ang sarili at pinipilit ang mga bagay, umaasang mag-iiba ang ihip ng hangin, pati ang kanyang pagtingin. Yung tipong sa tuwing titingin ka sa kanya, masasabi mo na lang na “Mahal ko talaga ang taong ‘to.” “Mabilis lang talaga ang panahon,” sabi sa ‘kin ni Miss Love. “Ten years ago, sabay din tayong nag-celebrate ng birthday. Sabay tayong nag-blow ng candles, sabay tayong tumanda.”
Ngumiti ako.
“Well, back then, you just grew up. And I grew old,” dagdag niya.
“Not that old. That ten years ago, I’ve just turned 12, and you were 22,” sabi ko.
“Ano nga bang wish mo no’n? Ako kasi hiniling ko sana pag nag-30 na ko, sana mukha pa rin akong 20,” natatawang kuwento niya. “Ikaw? Anong wish mo noon?” Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to—yung masabi sa kanya ang isang bagay na itinago ko ng maraming taon. Yung bagay na bumabalik-balik pa rin kahit anong pilit kong itapon. Pero eto na yun, wala ng atrasan.
Huminga ako ng malalim, tumindig. Tumingin sa kanyang mga matang nangungusap.
“Yung hiling ko ten years ago?” tanong ko.
33
Tumango siya. “Oo, yung sabay tayong umihip sa kandila.”
Mga 4’9 yung taas niya non e, mas matangkad ako— 5’10. At akala ko, estudyante siya.
“Hiniling ko na sana, sa tamang panahon, magkita ulit tayo. Sana pagdating ng araw na yon, matutunan mo rin akong mahalin.”
“Huy, it’s your turn,” sabi ni Kuya Denver. Nakalimutan kong malapit na pala kong ma-checkmate. “Sino ba tinitignan mo?” tanong niya ulit noon. At nakita nga niya kung bakit naghugis-puso ang mga mata ko. “Crush mo na?”
Saglit na katahimikan, pero tulad ng inaasahan, tumayo siya’t humakbang palayo, kasabay ng paglipad ng mga alaala noong sampung taong nakaraan.
Throwback, September 2005.
“Happy birthday to you. Happy birthday to you… Happy birthday, happy birthday, happy birthday to yooouuuu.” Sa pahabang mesa, kaharap ko si Miss Love. Nakangiti kami sa isa’t isa habang kumakanta ang mga teachers ng Happy Birthday. Paghinto ng awit, pumikit si Teacher Love, hudyat na pumikit na rin ako para humiling. Tapos hinipan ko ang kandilang number 12, siya naman—22. Nagpalakpakan ang lahat, sabay halik sa akin ni mama, principal ng school namin. “Happy birthday anak,” sabi nito. Habang kumakain ang mga teachers, siyang paglapit sa ‘kin ni Miss Love.
Siya si Teacher Love, first love ko.
Sino ba namang di maiin-love?
Maganda.
Masayahin.
Yung ngiti niya sing-sustansiya ng sikat ng araw. Lahat ng estudyante sa school namin noon hinahangaan siya—sa kanyang ganda, sa kanyang pagtawa, sa kanyang pananalita, sa mga kuwento niya, sa pagtrato niya sa mga bata.
“Hindi kuya no,” pagtanggi ko. “Napatingin lang ako, kasi bakit may estudyanteng naka-make up dito.” Lumingon ulit si kuya, tinanaw ang babaeng naglalakad papunta sa office ni mama. “I don’t think she’s a student, Magkaedad lang siguro kami,” hula ni kuya. “The way she looks, the way she moves… Medyo mukha siyang bata, pero I think matanda na siya.” Bumaling siya sa akin; yung mukha ko nangungusap ng “Weh, di nga?” “Di ka naniniwala sa ‘kin?” tanong niya ulit. “Look, Daniel. Parehas lang kayo. Siya, matanda na mukhang bata. At ikaw, bata na mukhang matanda. Matured. Sa tangkad mo mapapagkamalan kang 4th year highschool. You know, looks can be deceiving.” Natanaw namin siyang pumasok sa loob, bumalik kami sa paglalaro ng chess. Pumunta kami ni kuya sa office pagkatapos maglaro. Naulinigan namin si Mama kausap ang babae. “You made it,” sabi ni mama habang nakikipagkamayan. “Congratulations, Teacher Lovelyn. Welcome to Rainbow Minds Learning School. See you on the first week of June, for the teachers’ training.”
Teacher siya?!
“Told you,” nakangising sabi sa ‘kin ni kuya.
Siya yung teacher na gaganahan kang pumasok kahit hanggang Linggo. Siya yung teacher na nanaisin mong maging teacher for life.
Unang linggo pa lang ng pasukan, naririnig ko na sa mga kaklase ko si Teacher Love, kahit hindi naman namin siya teacher. Yung mga nasa lower levels siya din ang bukambibig.
Pero hindi ko siya teacher—Kinder kasi ang tinuturuan niya. At ako naman—si Daniel, isang ordinaryong Grade 6 student na anak ng principal ng school kung saan siya nagtuturo.
Magkaharap lang ang office ni mama at ang building ng preschool department. Natatanaw ko ang classroom ni Miss Love. At tuwing uwian, tuwing lalabas ang mga estudyante, parang ang saya-saya nila.
Naalala ko nung bago magpasukan—tambay kami ni Kuya Denver sa school grounds. Naglalaro kami ng chess- nang may biglang pinapasok yung guard sa may gate. Para siyang anghel na naglakad papunta sa office ni Mama. Pasensiya na sa ka-cornyhan, pero nung mga panahong iyon, sa aking kamusmusan, nabighani ako sa kanya.
Minsan, na-suspend yung bestfriend kong si Marco, vandalism daw. Bilang “parusa”, magrere-render siya ng service sa school. Tipong tutulong siya sa canteen, maglilinis siya sa school grounds, mag-a-assist sa mga teachers, pati ni Miss Love. Kung si Miss Love ba naman yung pagsisilbihan mo, parusa pa ba yon?
34
“Ang saya, dude,” sabi ni Marco. “Ang saya sa classroom.” Yung Kinder 1 ni Teacher Love ang tinutukoy niya. At kapansin-pansin din ang pagiging mabait ni Marco, tapos “Kuya Marco” pa yung tawag sa kanya ng mga estudyante ni Teacher Love tuwing makikita siya. Nakakausap niya rin si Teacher Love.
Sa panahong iyon ng aking kamusmusan, nainggit ako.
Mula preschool hanggang Grade 6 ako sa school namin, sagana ako sa atensiyon, sa papuri. Daniel, ang gwapo mo talaga. Daniel, ang galing mo sa chess, try mo ring magbasketball kasi bagay sa ‘yo. Daniel, mana ka kay Ma’am Divina, Daniel, ang gandang lahi niyo. Daniel, ang galing mo kumanta. Daniel, mukhang matured ka na talaga. Binata ka na. Isa na lang ang taong hindi pa tumitingin sa ‘kin—si Miss Love. Nakaka-frustrate kasi parang apple of the eye siya ng lahat. Parang nakausap na siya ng lahat, kinausap na niya lahat, nakangitian na niya lahat—pero ako hindi. At sa tuwing magkakasalubong kami, hindi ko rin magawang tumingin sa kanya—tila isang makahiyang tumitiklop sa presensiya niya. Isang araw, tinopak si Marco. Nilagyan niya ng cupcake yung upuan ko, kaya ayun, pag-upo ko, nagtawanan ang buong klase.
“Humanda ka mamaya,” banta ko sa kanya.
Nasa harapan ko siya nakaupo. Nang tumayo siya para mag-recite, hinila ko yung upuan. Ayun, pag-upo niya bumagsak siya sa sahig. Umiyak siya ng umiyak kasabay ng tahimik kong paghalakhak.
Naki-kanta rin ako ng mga nursery rhymes, at natuto pa ng mga bagong kanta. Tumulong ako noon sa paghahanda ng gamit na gagamitin sa arts. Tapos inasikaso sila sa pagkain. Ang sarap pakinggan ng “Thank you” nila. Nakakagaan sa loob yung yakap sabay sabing “Thank you, Kuya Daniel.” Bago matapos ang “parusa” ko, tinapik ako ni Miss Love. “Good job, Daniel. O, paano, last day mo na ngayon. Good boy ka na ulit ha?” Sa sobrang tuwa na pinansin niya ko, agad kong nasagot, “Magpapa-suspend po ulit ako para makasama kita. I mean, kayo. Ang cute po kasi ng mga bata e. Hehe.” Pagkalabas ko ng Kinder classroom, niyakap ko si Marco nang magkasalubong kami sa sobrang kilig. Simula ng araw na yon, mas “napalapit” ako kay Miss Love. Kapag nakakatiyempo, natutulungan ko siyang maggupit dikit ng classroom decorations, gumawa ng visual aids niya. Minsan sabay sila ni Mama kumakain sa canteen, at siyempre kasama ko. Magkalapit lang din ang bahay namin at ang inuupahan ni Miss Love kasama ang mga co-teachers niya, kaya kapag weekend, inaaya sila ni mama mag-jogging o mamahinga sa park para maging “fit and fabulous.” Siyempre, sasama ko. “Happy birthday, Daniel,” sabi sa akin ni Miss Love noon 12th birthday ko. May inabot siyang regalo—Parker pen na may pangalan ko. “Study hard ha.” Kinuha ko ang makintab na paper bag sa tabi ko’t inabot sa kanya. “Para sa inyo rin po,” Ngumiti siya nang mabuksan at makita ang teddy bear na may hawak na puso.
Pero kung sa sahig ang bagsak niya, sa Guidance office ang bagsak ko.
“May pinasabi ako sa bear, yakapin niyo po para malaman niyo,” suhestiyon ko.
Niyakap niya. “Happy birthday, Miss Love!” sabi ng bear.
“Good morning, Daniel.”
Natulala lang ako. Parang ang bilis ng pangyayari—hinila ko lang ang upuan ni Marco, biglang diretso sa Guidance office at kinabukasan si Miss Love na ang bumungad sa ‘kin sa pinto. Saktong absent ang assistant ni Miss Love (ayoko siyang tawaging Teacher dahil hindi ko matanggap) at pinadala ako ng Guidance counselor sa Kinder room.
“Hello, Daniel,” bati ulit ni Miss Love.
Tipid akong ngumiti.
Punong puno ng buhay ang classroom. Masaya. Makulay. Maganda. Nag-enjoy ako sa pakikinig sa storytelling, habang pinapaalala rin sa ibang bata na “Listen to Miss Love.”
“Thank you!” sabi niya sa bear habang yakap ito, habang nakatingin siya sa ‘kin. Kinuha ko ang bear at niyakap. “Thank you!” pag-uulit ng laruan.
“Sana po nagustuhan niyo,” sabi ko.
“I don’t like it,” ika niya. “I love it! Thank you Daniel. Hindi na ko mawawalan ng kausap dahil sa bear na ‘to. Nga lang, inuulit lang niya yung mga sinasabi ko.” Tapos tumawa kami. Kinuha ko ulit ang bear, sabay record dito ng “Miss Love, gwapo ba ko?” Kinuha ni Miss Love, pinakinggan ang ni-record na tanong, sabay sagot sa bear ng “Oo, kasi birthday mo e.”
35
Tapos natawa ulit ako. Maya-maya’y dumating si Kuya Denver, may dalang bouquet. Lumapit si kuya sa babaeng hindi niya alam na gusto ko rin. “Ayiiieeee,” sabi ng mga teachers. Sa lahat ng sound effects na naririnig ko, yung AIIYYEE ang pinaka ayaw ko, lalo na pag tinutukso si Kuya Denver at Love. Na-o-out-of-place ako. Nagseselos ako.
Naaawa lang ako sa sarili ko.
Hindi ko dapat magustuhan si Love eh.
Una, estudyante lang ako. Pangalawa, nililigawan siya ni kuya Denver. Pangatlo, bata pa raw ako. Pang-apat, sabi ni mama, hindi ko raw dapat sine-seryoso ang love. Gawin ko na lang daw inspirasyon ang taong hinahangaan ko. Pero imposible namang “magmahal” nang hindi nasasaktan. Siyempre minsan magseselos at masasaktan ka pag may kasama siyang iba. Minsan matatakot ka kasi baka wala ka ng pag-asa. Hindi naman ako sumasabay kay mama sa panonood ng teleserye pero bakit nararamdaman ko to? Kailan ba ko magiging binata? Kailan ko ba maiintindihan ang mga bagay na sinasabi ni mama na mauunawaan ko raw sa “takdang panahon”? Kelan ko ba mahahabol si Miss Love? Puwede ko ba talagang kalabanin ang oras? Umasa ako e. Umasa ako na paglaki ko, hindi na niya ko tatratuhing parang bata. Na mag-iiba na rin ang pagtingin niya. Umasa ako na balang araw, paglaki ko, puwedeng maging kami. Siya ang dream girl ko. Sabado ng umaga, nakita ko siya sa park—tahimik na nakaupo sa may swing. Dali-dali akong pumunta sa gawing likuran at tinulak ang swing papuntang langit. “Daniel!” sigaw niya nang iduyan ko siya. “Alam kong ikaw yan!” Tumawa ako nang tumawa. Patuloy kong tinulak ang swing tuwing sasayad ang kanyang mga paa sa lupa. “Daniel, pag ako nahulog dito! Nako--”
“Sasaluhin naman kita e.”
Kahit saan, sasaluhin kita.
“DANIEEEELLLLL. Ayoko na talaga. Hindi na ko nagbibiro.” Pag sayad ng kanyang mga paa sa damuhan, hinawakan ko ang swing para ihinto ang pagduyan. Inaayos ni Miss Love ang buhok niya kasabay nang pag-upo ko sa bakanteng swing.
“Miss,” sabi ko “anong tunog ng baboy?
“Ano na naman yan?”
“Basta. Game. Anong tunog ng baboy?”
“E di oink-oink,” sagot niya.
“Tama. E ano po’ng tunog ng pusa?”
“Meow-meow.”
“E aso?”
“E di aw-aw.”
Tumango ako. “E ano pong sabi ng puso ko?”
Napa-isip siya. “E di tug-dug-tug-dug-tug-dug,” sagot niya. Umiling ako. “E ano?” Seryoso ko siyang tinignan ng diretso. “E di IKAWIKAW-IKAW.” Parang tatlong segundo kaming nagtitigan—wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata, habang nagrarambulan na ang bituka’t kalamnan ko at para bang magkakalasuglasog na ang mga buto sa nerbiyos na baka magalit siya. Pero pinisil lang niya ang matangos kong ilong. “Ikaw talagang bata ka,” natatawa niyang sabi. “Mana ka talaga sa kuya mo.”
“P-paano namang naging katulad ko si kuya?”
“Parehas kayong pilyo. Bolero. Kamukhang kamukha mo rin.” Huminga ako ng malalim. “E ano po ba si kuya sa paningin niyo?” “Ayun siya oh,” sagot niya habang nakatingin sa malayo. Naroon nga si kuya, papalapit sa kinalulugaran namin. “Yung kuya mo—gwapo, tulad mo. Mabait. Sweet. Thoughtful. He’s the man of my dreams. Corny ko ‘no?” Natawa siya sa sarili niyang sagot. “Gusto mo ba siya?” tanong ko sa kanya, habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa iba.
36
Nagsisisi ako kung bakit ko siya tinanong. Sa isang bahagi ng puso ko, humihiling na sana hindi niya narinig. Sana hindi siya sumagot. Pero sa kabilang banda, gusto kong malaman ang totoo. Kahit masakit. Kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na wala rin naman akong pag-asa, dahil nga sabi ng buong mundo: Bata pa ako.
“Daniel!” narinig kong sigaw ni kuya habang tumatakbo ako. “Saan ka pupunta? Mababasa ka diyan!”
“Parang ang seryoso ng usapan ninyo ah,” sabi ni kuya nang makalapit. Tumayo si Miss Love, lumapit kay kuya. “Ini-interview ako ng bunso niyo eh.”
Patuloy akong tumakbo hanggang hindi ko na sila marinig, hanggang hindi na ako matanaw. Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay siyang buhos din ng lungkot at luha ko. Noon lang ako nasaktan. Noon lang ako labis na nasaktan. Wala akong karapatan, dahil bata lang ako.
“About what?” tanong niya, pero walang sumagot. “Well, I’ve got news for you, Daniel,” sabi niya. “Miss Love is already a part of our family. You can call her ‘ate’.”
Pagbukas ko nang gate, natanaw ko sina Mama at Papa sa balkonahe ng kanilang kwarto, umiinom ng kape. Pinagmasdan ko sila.
Naalala ko, tuwing may family gatherings, binibiro nila si Mama. “Akalain mong magkaka-anak ka pa! At ang gwapo gwapo pa.” 40 years old si mama noong isilang ako. 52 na siya ngayon, 65 naman si papa. Naririnig kong kuwento nina tita, hinintay daw ni papa na lumaki si mama. Naghintay na si papa hanggang maging puwede na ang lahat, hanggang maging tama na ang panahon.
Kinakabahan, tumayo ako. “Ate? Bakit?”
“She’s my girlfriend now,” masaya niyang sagot. “Now and forever.” Nanlambot ako. Gusto kong umupo sa swing at sumabay sa ihip ng hangin hanggang ilipad ako nito sa langit. Gusto kong kumawala sa kanilang harapan at sa aking nararamdaman. Tama nga si mama, there’s a time for everything. May panahon para sa paglalaro, sa pag-aaral. May panahon sa pagbibiro at pagseseryoso. Pero hindi niya pa nasasabi sa akin na darating sa buhay ko na matututo akong magkagusto, magmahal at masaktan. Wala namang kasalanan si Teacher Love. Ni hindi niya ko tinuruan kung paano siya mahalin. Walang nagturo sa ‘kin nito—kusa ko lang naramdaman. At tama nga si Marco, nagbabago kami habang lumalaki. Nag-iiba ang itsura, lumalawak ang pag-iisip. Pati mga bagay na hindi dapat iniisip, pumapasok—tulad ni Miss Love. Noong sandaling iyon, ninais kong bumalik sa kamusmusan. Yung tipong iiyak lang ako kapag hindi ako sinama sa SM, o hindi nabili ni papa yung pinapabili ko sa Toy Kingdom. O kapag hindi ako sinali ni kuya sa laro nila. O kapag tinakot ako ni ate Diana na may multo sa ilalim ng kama ko. Gusto kong bumalik sa kamusmusan—iyong panahong hindi ko pa nakikilala si Love. Ang dami kong gustong gawin, pero noong mga panahong iyon, pinilit kong manatili sa harap nila. Pilit akong ngumiti kahit nasasaktan. “Ah, nice one,” sabi ko, kunwaring natawa. “Ate Love. Nice. ‘Ate Love’. Bagay. Hehe. Bagay kayo.” Pumatak ang ulan. Palaki ng palaki, palakas ng palakas. Tumakbo si kuya at Love papunta sa shed para sumilong. Tumakbo naman ako palayo sa kanila.
“Daniel!” Natigilan ako nang marinig si Love na tinawag ang pangalan ko. Lumingon ako. Buti na lang umuulan, hindi nila makikita ang luha ko. “Daniel, magkakasakit ka.”
Nakita ako ni mama. “Daniel! Anong ginagawa mo diyan? Get inside!” Tumakbo ako papasok sa bahay, diretso sa aking kwarto. Sinara ko ang pinto at sumandal dito, umiiyak pa rin. “Anak, open the door,” sabi ni mama sa labas. “Anak, puwede mo naman akong kausapin…Are you crying because of Teacher Love?”
Natigilan ako. “P-Paano mo po nalaman?”
“Siya ang wallpaper ng cellphone mo. Puro siya ang dino-drawing mo sa sketchpad mo. Picture niya ang bookmark mo. Pag magkasama tayo, puro patungkol sa kanya ang tanong mo. The way you look at her. The way you laugh when you’re with her. Anak, kilala kita. I know, this is all about her….”
Binuksan ko ang pinto para salubungin ang yakap niya.
“Anak, you’re still young,” sabi ni Mama. “Time flies, people change. You’ll grow up and meet a lot of people—and Teacher Love is just one of the many girls you’ll encounter. Feelings change, and I’m sure lilipas rin yan. Time will come you’ll go on separate ways, and if ever you’ll meet again, wala ka nang mararamdaman. Kasi crush lang yan, anak. Crush mo lang siya, hindi mo siya mahal. I’ve been there too. I’ve felt that, too. You should not let your crush break your heart. Let her be your inspiration. Mag-aral ka, be the better you. At someday, may makikilala ka ring kagaya niya.” “Alam ko naman po yun,” sabi ko habang umiiyak. “Pero ang sakit eh.” “Oh my Daniel,” alo sa akin ni mama. “There’s a time for everything. Not now, not now. You can’t be serious about
37
love. This isn’t love. Bata ka pa. I know you have feelings, but this isn’t love.”
Tumango siya. Ipinatong niya ang palad sa buhok ko at ginulo iyon. “Wag kang umiyak. Papangit ka.”
That was not love, dahil daw bata pa ako.
Monday na naman—sinikap kong maging normal. Magkasama na lang kami ni mama kumain sa office. Hindi rin ako sumasama kay kuya tuwing gagala sila ni Love—kahit sa Enchanted Kingdom pa yan o treat sa KFC. Buti hindi ako pinipilit ni kuya sa tuwing tatanggi akong sumama. Iniiwasan ko rin si Love. Lumipas ang sembreak, nag-Christmas vacation, hanggang sa naging abala rin ako sa mga projects dahil graduating na. Nakatutok rin ako sa paghahanap ng papasukan sa highschool at pagre-review sa mga entrance exam. Divert your interest, ika nga.
Hindi ako sumagot; pinigilan ko ang emosyon.
“Malapit na ang graduation niyo. Saan ka maghahighschool? Ang bilis ng panahon no? Parang kahapon lang June, tapos eto, magkaka-hiwa-hiwalay na tayo ‘no? I’ll miss you, Daniel. Kayong lahat.”
Nandito lang naman ako, gusto ko sanang sabihin.
Kailangan kong mag-move on noon, kahit hindi naging kami.
Gusto kita. Pagbalik mo, pag kailangan mo, nandito lang ako. Gusto kita kahit sinasabi ng buong mundo na wag kong seryosohin ang nararamdaman ko. Gusto kita, kahit mahal mo si kuya. Gusto kita kahit matatawa ka lang pag nalaman mo. Gusto kita kahit itong nararamdaman ko walang patutunguhan sa ngayon dahil bata lang ako.
Hanggang sa isang gabi, narinig kong nag-uusap si Papa at Kuya.
Gusto kong sabihin lahat ng iyon, pero sa panahong iyon, mas ginusto kong mapag-isa.
“I tried to fix it, papa,” sabi ni kuya. “Pero, I don’t know. We just can’t…”
--------------------------------------------------------------
Tinapik siya nito. “That’s life, son. It doesn’t always follow your expectations. Just move on.” “Move on na, anak,” sabi ni mama. “Bata ka pa. Someday, you’ll realize that your first love is not really your first love. She did it for herself. It’s about time to do something for yourself, too.”
Sariwa pa ang alaalang iyon, pero tama nga sila—mabilis lang ang panahon. Sampung taon na ang lumipas. Hindi na ako yung batang Daniel na pinagbabawalang “magmahal”. Sa sampung taon—marami nang nangyari. Bagong alaala, bagong realisasyon, bagong kagustuhan at pangarap. Maraming nagbago. Pati yung nararamdaman ko—sana.
Kinabukasan noon, pumunta ako sa park para ipasyal ang aso kong si Dandan. Nakita ko si Love sa swing. As usual, mag-isa lang siyang tahimik na nakaupo, parang malalim ang iniisip.
“Kapag may taning na ang buhay mo, only you’ll realize that each day is precious,” sabi ni Mama habang nakaupo siya sa wheelchair na tinutulak ko. “I have to see your Papa, Daniel. I have to seize the day.”
May liver cancer si Mama ayon sa doktor. Naalala ko nung araw na sinubukan kong isikreto kay mama ang sarili niyang kalagayan, pero mapilit siya’t gusto niyang malaman. Noong sinabi ko, niyakap niya lang ako. Tapos ako ang umiyak. Hindi ko alam kung kelan ang eksaktong araw na matatanggap ko na ganoon nga ang kapalaran niya. Pero siya—natanggap niya. Gumawa pa nga siya ng bucket list para sa mga natitirang araw, buwan o taon niya. At ang una—dalawin si papa, na noo’y dalawang taon nang nasa langit.
“Problema?” tanong ko, pinipilit maging “cool”
Lumingon siya’t ngumiti. Umupo ako sa bakanteng swing, habang hinahayaan si Dandan na maglaro. “Ikaw pala,” sabi niya. “Break na ba kayo ni kuya?” diretso kong tanong. “Bakit?”
“Bata ka pa.”
“Bata ako pero naiintindihan ko yon. B-bakit sinaktan mo si kuya?” Umiling-iling siya. “Hindi ko siya sinaktan. I did it for the two of us. You don’t have to know the reasons…”
“Bakit nga?”
Tahimik kong tinutulak ang wheelchair, nakatingin nang diretso—tinatanaw ang kinaroroonan nang himlayan ni Papa. Sige pa rin sa daldal si mama. Sa puntod na katabi nang kay Papa, may babae. Habang papalapit kami, nagiging pamilyar siya sa akin. Yung paghawi niya nang buhok, yung tindig. Kilala ko yun eh.
“Isa sa mga dahilan—I’m leaving,” sabi niya. “I’ll teach in Singapore, Daniel. Magpapakabait ka ha?”
Hanggang sa lumingon siya’t naglakad para umalis. Natigilan ako, pinagmasdan siyang maglakad hanggang sa magtama ang aming paningin.
“Aalis ka?” Hindi ko namalayang naluha na pala ako.
Si Love.
38
Na-sorpresa siyang makita kami, alam ko.
“Is that you, Teacher Lovelyn?”
Bahagya siyang lumuhod para makausap si mama. “Ma’am Divina…” nakangiti niyang sabi—yung ngiti na akala ko wala nang epekto sa kin, pero ayun—bumalik na naman yung dating pagtingin. “Kumusta na po kayo?” “I wish I’m fine but…,Anyway, ikaw kamusta ka na?” Ibinalik ni mama ang tanong. “Minsan po okay, minsan hindi…” sagot niya, sabay buntung-hininga. “Mukhang parehas lang tayo nang pinagdadaanan, Teacher Love.” Ginagap ni mama ang kamay nito. “Sinong dinadalaw mo?”
“Fiancee ko po.”
Katahimikan.
“Of all places, dito pa talaga tayo nagkita ano? Sa sementeryo,” nakatawang sabi ni mama. “Can we meet again, teacher? I need a buddy at this point in my life. Please?” Tumango naman siya. “Tomorrow. Ako na lang po ang pupunta sa bahay niyo.” “Tama. Bukas,” sabik na tugon ni mama. “Daniel, anak, get her number. I want to make sure she’ll come.” Nagkatinginan kami ni Love; ngumiti siya. “Hi Daniel. Long time no see.”
Kinabukasan ding iyon, masaya akong gumising—bagong simula. Siya at ako. Ako at siya, wala ng iba. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pagbabalik ng “feelings” na akala ko’y nalimot na, o malungkot dahil baka masaktan lang ulit ako. Ito na siguro ang future, ang takdang panahon, sabi ko. Ito na yung takdang panahon na hinihintay ko—yung malalaman ko rin yung sagot sa matagal ko nang tanong. Narinig ko ang pagdating ng kotse. Bumaba ako para salubungin si Love. Kinuha ko ang dala niyang juicer at binitbit naman niya ang isang bag ng prutas.
“Could be. Or baka sa diet, stress o….ewan ko. MInsan talaga may mga bagay na hindi mo maipaliwanag. At dahil walang eksplanasyon, ang hirap tanggapin.” “Alam mo, lalo kong hinangaan si tita,” sabi niya. “Look at her, parang tanggap na niya. Ineenjoy niya pa rin ang buhay. She’s the strongest woman I’ve ever known next to my mom.” Ngumiti ako. Ewan, hanggang ngayon, natutunaw pa rin ako sa paraan ng pananalita niya. “Daniel, magpakatatag ka ha? You don’t have to answer me—I know you’ve heard it a thousand times. Hindi madaling magpakatatag, pero sana malaman mong maraming nagmamahal sa inyo,” sabi niya. “We just have to do our best and accept things the way they are.” “Hindi ko alam kung kakayanin ko pag nawala siya. Si Kuya Denver, nasa States—may pamilya na. Si Ate Diana, nasa Cebu rin, pamilyado. Si papa, wala na. Alam mo’ng natira sa ‘kin? Yung school na pinamana sa ‘kin ni mama. Yun na lang ang karamay ko.” “One year ago, namatay yung fiancee ko—car accident. Sa tingin ko wala nang mas sasakit pa sa biglaang pagkamatay. Yung inaasahan mo pa siyang makita kinabukasan, pero ‘yun —wala na. Akala ko hindi ko kaya—pero wala naman akong choice kundi tanggapin. At least, puwede ka pang bumawi sa mama mo. Ibuhos mo yung pagmamahal mo sa kanya.” Nagtungo kami sa kusina kung saan naroon si mama at si tita Lucresia. “Tita, may gift ako sa ‘yo,” bungad sa kanya ni Love. “Juicer for a healthier living. At meron akong grapes, lemon, pineapple, turmeric. May apples, strawberries, celery. Everyday, ito ang iinumin mo.” Day 1 of forever, sa isip ko habang pinagmamasdan siyang pinapasaya si mama. Sunod na nangyari, binibisita namin siya ni mama sa kanyang itinayong school sa Dasmarinas, Cavite. Gustunggusto ni mama si Love, lalo na pag nakikita kung gaano na kalaki ang pinagbago nito. Kung gaano na kalayo ang narating nito sa buhay. Tapos, tuwing Sabado, ipinapasyal namin si mama sa Tagaytay, kasama si tita Lucresia. Pumupunta kami sa mga organic farms para mamakyaw at mamasyal. Dumalaw rin sina kuya at ate kasama ang kani-kanilang pamilya. Nakakatuwang makitang parang parte ng pamilya si Love—lalo na yung makikitang okay na sila ni kuya Denver.
“Daniel.” Natigilan ako sa paglalakad bago pa kami makapasok sa bahay. “May sakit ba si Tita Divina?”
“Siyempre naman okay na kami, Daniel,” sabi ni Love noong tanungin ko kung paanong “bati” na sila ni kuya. “It’s been 10 years. Di ba sinabi ko naman sa ‘yo—you just have to accept the way things are. Hindi man ngayon, pero matatanggap mo rin yung takbo ng mga bagay-bagay.”
Tumango ako. “Liver cancer.”
“Pero hindi naman umiinom si tita. Nasa lahi?”
Hindi kami tumigil sa pagpapasaya at pag-aalaga kay mama kahit alam naming kami na lang ang iiiyak sa huli. Pero alam mo, nagtagal si mama ng ilang araw. Linggo. Buwan. Taon.
Umusad pa ang panahon.
39
Umabot siya hanggang birthday ko. Sa mga oras na ako’y nagkukwento, buhay siya.
nararamdaman ko sa ‘yo. Bakit—bakit ba hindi puwede? Bakit…bakit di na lang tayo?” tanong ko.
Kaninang umaga, tinawag ako ni mama. Sinabi niya sa ‘kin ang ikalawang bagay sa bucket list niya: Find a girl who will love Daniel. “…because I want you to be happy for the rest of your life, even when I’m gone.”
“Mahal kita, Daniel. Mahal kita,” sabi niya. “Mahal kita bilang kapatid. Hanggang doon lang. People love in mysterious ways. Kaya wala ring makakapagsabi kung bakit minsan, wala rin tayong maramdaman. Daniel, you’re still young. Marami ka pang makikilala…..”
Isang pangalan ang naisip ko: LOVELYN.
“Pero wala na ‘kong lakas para mag-reto sa ‘yo anak,” biro ni mama. “Ma, hindi mo siya kelangang hanapin. Nakita ko na siya.” Ginagap niya ang kamay ko. “Tell her you how you feel. It’s about time to do something for yourself.Birthday mo naman.” Ngayong gabi, dumalaw si Love sa bahay. Pinaghandaan ko ang araw na ito—ang magkasabay naming birthday at ang pagtatapat ko.
“Yung hiling ko ten years ago?” tanong ko.
“Oo, yung sabay tayong umihip sa kandila.”
“Hiniling ko na sana, sa tamang panahon, magkita ulit tayo. Sana pagdating ng araw na yon, matutunan mo rin akong mahalin.” Katahimikan. Naghintay ako nang sagot, pero dahan-dahan siyang tumayo, palayo sa akin.
Pag-ibig sa trabaho. Pag-ibig sa kalsada. Pag-ibig sa LRT. Pag-ibig sa simbahan. Pag-ibig sa reunion. Pag-ibig sa Facebook. Marami namang paraan para makahanap ng mamahalin. “…pero sa tuwing nakakakilala ako ng bagong tao, naiisip ko pa rin kung kelan kaya ulit tayo magkikita at kelan puwedeng maging tayo. Ikaw pa rin ang hinahanap ko e. Ikaw pa rin mula noon, hanggang ngayon,” sagot ko. Nakangiti, niyakap niya ‘ko. Hindi ko alam kung naapektuhan ba siya sa mga sinasabi ko. Parang bata akong pinapatahan niya. “Yung mga taong tulad mo, yung seryoso magmahal, yung mga handang sumugal, yung mga handang maghintay hanggang maging tama na ang lahat—nararapat makatagpo nang taong nananalig rin sa pag-ibig. May iba pang mas deserving sa pagmamahal mo, Daniel.” Niyakap ko siya, umaasang sa takdang panahon, hindi man ako makanap ng mamahalin, hindi man ako makaranas ng pagmamahal hanggang sa mag-70 years old ako, sana matutunan kong matanggap na hanggang dito lang kami. At ngayong birthday ko, sana hindi ko na siya mahalin.
Bumuntung-hininga na lang ako, pinigilan ang sarili kong habulin siya—habang naglalaro ang mga alaala na akala ko’y kinupas na ng panahon. Pero kailangan ko nang malaman para matapos na ang kahibangang ito. Buo ang loob, hinabol ko’t naabutan siyang papunta sa kanyang kotse. “Lovelyn.” Huminto siya, nakatalikod pa rin. “Daniel,” nasabi niya sa wakas. “Noon ko pa naman alam na…gusto mo ko.”
“Matagal mo nang alam?” gulat kong tanong.
Hinarap niya ‘ko. “Ten years ago, sinabi ng mama mo. But that was never an issue, it’s normal. We’ve all done that— falling in love with someone in a complicated situation; with someone who can’t love us back. Yung magmamahal tayo sa… parang hindi naman natin makukuha.” Lumapit ako sa kanya, tinignan siya sa mga matang kahit kailan, parang hindi naman nag-iba ang pagtingin sa akin. “Sampung taon na ang nakalipas. Pero eto, eto pa rin ang
40