Lapis sa Kalye Issue 5

Page 1

LAPIS SA KALYE ONLINE MAGAZINE Ang Pagibig Issue

Pamamaalam ni Hinaharap Direksyon - Anino Tumatak (Photosynthesis) - Mariyey del Rio AA - Dudong Daga Recipe of a Puppy Love - Matalabong Kwago At marami pang tula at mga kuwento!

ISSUE NO .

5 FEB 2015


SULAT MULA SA EDITOR Alam na ng nakararami na tagumpay na nailathala ang unang libro ng Lapis sa Kalye, pinamagatan itong PENDULUM. Kung mayroon kaming isang bagay na natutunan sa paglathala ng aming libro, iyon ay di pala madali ang bawat hakbang patungo sa pangarap. Oo nakapagsulat ka nga ng libro pero paano kung sabihin ko sa iyo na singkwenta porsyento pa lang ang nagagawa mo, dahil meron pang “editing”, “proofreading”, pakikipag negosasyon, tapos nandyan pa ang pagbebenta ng libro? Kaya naman lahat kami ay nagalak nang makita ang kinalabasan, para kaming nagsilang ng isang sanggol na sa dami ng hirap, ay masasabi naming napagdaanan namin ang butas ng karayom. Syempre hindi pa ito perpekto, marami pa kaming dapat ayusin at pagbutihin. Alam namin na nasa unang hakbang pa lang kami at marami pang dadating na pagsubok, marami pang ilalabas na libro. Nagsisimula pa lang kami... Buwan na nga pala ng mga puso, kaya naman ang isyu na ito ay maghahatid sa inyo ng iba’t ibang istorya tungkol sa iba’t ibang klase ng pagibig: pagibig sa pamilya, sa kapwa, kaibigan at sa kabiyak ng iyong puso. Sabi nga nila: Ang pagibig daw ay may iba’t ibang anyo, hugis at sukat. Sa paglabas ng unang libro ng Lapis sa Kalye, nakadiskubre ako ng isa pang uri ng pagibig... ang pagibig para sa PANGARAP!

-Princess Cindz!


2


Talaan ng nilalaman hinaharap - ang pamamaalam sa pakikipagpanayam ni princess cindz.......4 dear lapis sa kalye....................................................7 direksyon - anino......................................................8 photosynthesis - Inside voice.........................................13 tumatak (photosynthesis) - mariyey del rio.............................14 silent sakura -manunulat kong sinisinta.............................................21 -anghel sa lupa.......................................................21 -pilat sa aking puso..................................................26 ang mga sapatos - Engkandyosache Camalon..............................29 aa - dudong daga......................................................30 recipe of a puppy love - matalabong kwago.............................32 pagtangis - benjo ibarra..............................................33 wrong turn, u-turn, return - Mhericon Jean L. Lorenzo.................36 ang mundo ay isang malaking asylum - Darwin Medallada.................39 drive - April Celine Gelogo...........................................43 ang babae sa ilalim ng aking kama - positivo uno......................44 3


Hina Harap - Isang Pamamaalam

discrimination.” Abangan n’yo na lang kung saan ko ito isusulat. [HAHA!] Pangalawa, gathering intel. Madalas kasi, yung inspirasyon ko yung nagpapagana ng talakayan. Hindi ako yung tipo ng manunulat na nakabase lang sa kung ano yung PLOT. Ang totoo, nagsusulat ako nang hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Para kasi sa akin, mas kapanapanabik ‘yon. Pero siyempre, sa PENDULUM, pinag-isipan iyon nang mabuti kaya bili na kayo! Pangatlo, ito na yung sinasabi kong pinag-isipang mabuti. Dito, ang una kong ginagawa ay yung mismong PLOT. Mismong ending. Mismong TWIST. Maingat at mabusisi ang prosesong ito kaya talaga namang ginagawa ko lang ito sa isinusulat kong mga libro. Pasensya na, wala kasing PLOT ‘tong sagot ko kaya medyo magulo. [HAHAHA!]

Madalas na sumusulat si Hinaharap ng mga tula sa Inggles, maaari mo bang isalaysay kung saan nanggagaling ang iyong inspirasyon?

Lahat ng isinulat kong mga tula na nasa LSK ay totoong nangyari. Sila yung mga fast-love na tinatawag ko. Mabilisan lang, hindi sinasadya. Kumbaga, one-shot at wala ng kasunod pa. May mga bagay na naroon na kaming dalawa lang ng ginawaan ko ng tula ang makakaunawa. Mga hidden messages, hidden stories at hidden secrets (mayroon kasing secret na hindi nakatago, ‘di ba?). Oo, kahit biglaan, mabilisan, minahal ko sila. Mapagmahal kasi ako e! [HAHA!]

Pero ‘to lang ang masasabi ko pagdating sa oras ng pagsusulat: Kapag ang manunulat ay hindi nagsusulat, siya pa rin ay nagsusulat. Ang tunay na manunulat ay hindi tumitigil sa pagsusulat. Oo, nagpapahinga, pero tumitigil? Hindi! Kahit nakatingin lang ang mga ‘yan sa labas ng bintana, nag-iisip pa rin ang mga ‘yan. Nagtataka, nangangarap at nagsusulat sa loob ng kanilang isipan. Hindi ko na mabilang kung ilang kuwento na ang nabuo ko sa isip ko habang nakatingin sa labas mula sa bintana ng dyip. Priceless!

Spoiler: May ginawa akong tula na naka-post sa LSK page na hindi H.H ang gamit kong pseudonym. ^_^ Paano ka sumusulat? Mayroon ka bang oras na sinusunod? Ano ang gamit mo sa pagsusulat?

May tatlong klase ako ng prosesong sinusunod sa pagsusulat. Una, ito yung tinatawag kong random thoughts. Ito yung mga ideya na bigla na lang pumipitik kapag kinakausap ko yung sarili kong utak. Kadalasan ay inilalagay ko ito sa aking cellphone para hindi ko makalimutan. Tulad na lang ngayon (checking drafts…) may nakalagay na “Government. Gender

Kung papipiliin ka, kape o tsaa? Masasabi mo bang isa kang tao na mas gusto ang araw o ang gabi? Ano ang paborito mong kulay? 4


Alam na ng marami ang paglisan mo sa pahinang Lapis sa Kalye,

Tsaa siyempre. Tea lover ako kagaya ni Henri at PSY. Hindi n’yo sila kilala? Bili na kayo ng PENDULUM para malaman n’yo. [HAHA!]

ano ang nag-udyok sa'yo? Gaano kabigat ang rason na ito?

Saglit, kukuha lang ako ng tissue..

Araw o gabi? Masasabi kong pareho ko silang gusto. Pareho silang may kakaibang katangian. Masarap matulog sa gabi at masarap gumising sa araw. Pero may mga bagay na hindi natin makukuha pareho. Minsan, nandyan yung gabi na pero kailangan mong gumising at magtrabaho. Sa araw naman, kailangan mong matulog at magpahinga. Minsan ko na ring inisip, paano kung walang araw o walang gabi? Mas magiging masaya ba ang mga tao? Tapos bigla na lang sumagot yung utak ko.. HINDI! Bakit? Kasi may mga bagay na kahit ayawan natin, kailangan nating matutunan at kailangan nating tanggapin, kaya ang paborito kong kulay ay BLACK.

Umaalis ako sa LSK kasi hindi ko na kayang magsulat ng mga sulatin na dahilan kung bakit ko nilikha si HH. Ang totoo, si HH ang isa sa mga bigo kong eksperimento. Sa tagal ko sa LSK, isang kuwento lang ang nagawa ko (Ang Malabong Anino ng Kwago!) na kaya ko lang naman nagawa ay dahil nagkukulitan kami nila Anino at Kwago noong mga panahong iyon. Bago ‘yon, puro madamdaming tula muna (broken-hearted) na hindi naman dapat kasama sa katangian ni Hina Harap. Sinubukan kong ibalik yung pagkatao ni HH kaya isinulat ko yung (Give HATE on Christmas day) pero bigo na naman ako. Kaya ako umalis kasi hindi ko kayang gampanan yung tungkulin ni Hina Harap bilang manunulat. Nilikha ko siya para magsulat ng tungkol sa pagbabago pero hindi ako nagtagumpay kaya kailangan ko na siyang patayin. Masakit, mahirap, pero kailangan. Kailangan kong mamatay!

Ano ang pinakamasayang alaala ng LSK na masasabi mong hindi mo malilimutan?

Siyempre ‘yon yung nakita ko silang masaya dahil nahawakan na nila yung PENDULUM, Priceless! Panigurado akong magiging masaya ka rin kapag nahawakan mo ‘yon, kaya bili na! Hindi ko rin malilimutan nang sinabi ko yung bagay na ‘iyon’. [HAHAHA!!] May nagbato pa sa akin ng tissue. Pero ‘wag na nating pag-usapan pa ang bagay na ‘yon. Bawat minutong kasama ko ang LSK, masaya ako. Bakit? Hindi ko rin alam…

Bilang si Hina Harap, ano ang mga natutunan mo?

Marami akong natutunan kasi sabi ko nga, simbolo si Hina Harap ng pagkabigo. Una, hindi ko mababago ang kasalukuyan kung nabubuhay ako sa hinaharap. Pangalawa, hindi ko kayang mag-isa. Pangatlo, nalaman kong pamilya ko 5


talaga ang LSK. Matagal akong nawala, matagal silang nawala, pero ang hindi nawala ay yung nabuong tiwala. PENDULUM? Mas marami pang kuwento ang nabuo habang binubuo namin ang librong ‘yan. Nandyan yung late sa deadline, abala sa kanya-kanyang buhay, tinatamad, huminto na sa pagsusulat, nawalan ng gana, ng pag-asa, ng tiwala sa sariling kakayahan. Nandyan yung nahihirapang bumalik. Nangangapa ng susunod na ititipa. Nawalan ng tinta, nawalan ng tasa. Natutunan?

PENDULUM “Hindi ito ang normal mong nababasa” PENDULUM 2 P3NDULUM PENDULUM (SASA III) PENDULUM 5th PENDULUM 6IX PENDULUM The SE7EN Deadly Sins

Natutunan kong magtiwala ulit.

PENDULUM City of HEIGHT PENDULUM REVEN9E

Balak mo pa bang magsulat muli?

PENDULUM X

Sa LSK lang naman ako huminto sa pagsusulat. Patuloy akong magsusulat kasi iyon ang natural na ako. Kapag nagsusulat ako, nakakaramdam ako ng kalayaan kaya hindi ako titigil.

Ano ang mensahe mo sa mga mambabasang sumusubaybay sa'yo? Huwag sana kayong mapagod na suportahan ang gawang Pinoy. Huwag sana kayong magsawang suportahan ang LSK. Basa lang nang basa. Sulat lang nang sulat. Salamat sa inyong lahat.

Promise?

I changed my name.

Oo, promise! Abangan n’yo na lang si HH sa PENDULUM 2 (2016) at P3NDULUM (2017).

I changed identity. I changed everything.

Hina Harap? Wow, hanggang part 3 pala ang PENDULUM!

But there’s one thing I never changed..

Hindi! Anong hanggang part 3? Mali!

my HEIGHT!

Hanggang ilan ba? Teka, huwag mong sabihing HH as in…?

Bye! ^_^

Yeap! 6


Dear Lapis sa Kalye,

mga tao na kahit anong gawin, walang maramdaman. At sa totoo lang, napapunta na rin ako sa sitwasyon na ganito... Babae

Ano po ang gagawin niyo kapag sobrang

rin ako at NBSB noon. Ang nasa isip ko lang ng mga panahon na

nagkagusto ka or nainlove ka sa isang

'yon ay ipaalam sa kanya, bahala na kung anong mangyari.

tao? Especially na babae po kayo at nbsb

Atleast, nalaman niya na may nagmamahal sa kanya... Atleast

pa po. Syempre hindi mo masabi dahil

hindi ko na kailangan magpanggap na wala lang siya sa akin o

babae ka at preno-protektahan mo yung side mo as a girl. Sasabihin mo ba or mananatili na lamang lihim ito sa iyong sarili? Thank You po LSK!

sadyang

kaibigan

Kung

mang mangyari

wala

atleast paglipas

ng

wala

'what

akong

naiwan

- Sakura

dahil

gumawa

Dear Sakura, Una sa lahat, huwag mong pangunahan ang tanong. Kung magtatanong ka, huwag kang pumanig sa isa sa pamimilian dahil

ng

lang...

panahon,

hindi

ifs'

na

ako

aksyon

sa

nararamdaman

ko. Hindi mo na

kasi

'yon

mababalikan

kapag

lumipas

na. Sayang ang

pagkakataon. Hindi naman kasi ibig sabihin na sasabihin mo,

nawawalan na ng saysay ang katanungan. Just saying! Kung ako

magiging kayo o pababayaan mo na ang iba mong priorities sa

ang sasagot sa tanong mo... Sa totoo lang, sasabihin ko sa'yo ng

buhay. Dahil isa itong mahalagang milestone sa pagkatao mo

deretso na sabihin mo sa taong 'yun ang totoo dahil karapatan

kaya pakiusap, huwag mong ipagkait sa sarili mo. Pero ang paalala

niyang malaman na may pagtingin ka sa kanya. Nagtataka ka

ko lang ay huwag na huwag kang magpapakatanga at dapat

siguro kung bakit nga ba? O tama ba? Para sa akin, kapag ang

gising ka sa realidad. Know your limits at maging matalino sa

pagkakaibigan nahaluan na ng kulay o sa terms mo na 'sobrang nagkagusto or nainlove' hindi mo dapat ito itago, dapat nga

lahat ng pagkakataon..

maging proud ka dahil hindi lahat nakakaramdam niyan. Merong

- Lapis sa Kalye 7


Pagibig Sa Pamilya ang salitang ‘in demand’, minsan mapanlinlang. Sa pagiging ‘in demand’ kasi ng isang kurso, dumarami din ang gustong kumuha nito. Hanggang sa mag-agawan na. Hanggang sa wala nang bakanteng trabaho.

Direksyon Sa Panulat ni Anino

Pero ako, buo ang loob ko na pagkatapos nito, magiging ganap na isang IT professional ako. Magkakapera. Yayaman. Wala nang bago. Iyan naman madalas ang ugat ng pagsisikap.

Back to school na naman. Daming projects. Daming exams. Sa sobrang d a m i , h i n d i ko maiwasan ang mapressure. Alam mo ‘yung lalaking bersyon ng ‘losyang’? Ganito ako ngayon. Ganito ko inililalarawan ang sarili ko. Ako kasi ‘yung tipong lahat ng bagay basta may kinalaman sa pag-aaral, importante. Lahat ng sinasabi ng titser, importante. Basta may kinalaman sa grado, sobrang importante. Sa sobrang importante, lahat kaya kong itaya. Pahinga, kaibigan, sarili, etc. Siguro nga, O. A, pero ganito pala kapag gutom at uhaw kang makatikim ng iba.

“Hey, Allen. Alam mo na ha,” bulong ni Tom matapos niya ‘kong tapikin at sumabay sa paglalakad ko. Iyong salitang ‘alam mo na’ ang pinaka-nakakalitong bagay na naririnig ko. Mahirap pala kapag inaasahan ng iba na alam mo ang isang bagay na hindi mo naman talaga alam. Mahirap palang magpanggap na matalino. Mga ilang segundo pa bago ko naintindihan ang gustong ipagawa ni Tom. Malapit na kasi kami sa gate ng school. Lumapit ako sa guard at nagtanong, “Sir, saan nga po ang malapit na C.R? Na-dyi-jebs kasi ako eh,” sabi ko kasabay ng re-enactment at kunwari baguhan pa rin ako sa school kahit tatlong taon na ako rito. Nung tumuro ang guard sa isang direksyon, mabilis na tumakbo si Tom. At sa isa na namang pagkakataon, natulungan ko na naman syang makapasok sa school

Kumuha ako ng kursong IT sa isang State University. IT kasi sabi ng iba ‘in demand’. Siyempre, sino ba naman ang gustong pagka-gradweyt ay walang mapasukan? Pero 8


nang hindi napupuna ang long hair niya na kulay brown. Bawal kasi ‘yon.

barkada niya na nakakaalam ng tunay na estado ng damdamin niya, Daryl ang tawag namin sa kanya. Siya naman ‘yung klase ng tao na malakas ang pananampalataya sa mga diyos-diyosan sa paligid. Tinatawag niya lang ang mga ito tuwing exams at boom! Pasado na siya. Sa madaling salita, magaling siyang mang-hula, tsumamba, at humugot ng tiwala.

Pero dahil si Tom ang klase ng taong tinitignan ang paggawa ng bawal bilang isang art, hindi imposible sa kanya na makalusot. Dinadaan niya lahat sa diskarte. Kaya nga hanggang ngayon ay nandito pa rin siya pagkatapos ng limang semestre ng pagpapanggap niyang estudyante. Magaling siyang sumalisi kaya nakakapasa siya nang walang ka-hirap-hirap. Naniniwala siya sa kasabihang, “Ang lahat ng kasagutan ay nasa paligid lang.”

“Hindi. May bago ba?” sagot ni Bill. “Wag na natin tanungin ‘tong si Allen, dahil mukhang pinagdamutan na naman nito ang sarili niya na matulog,” sabat naman ni Tom.Tama si Tom. Wala na naman akong tulog. Pero para sa akin, mas mabuti na ang ganito kaysa ang walang maisagot.

Nung nakapasok na kami ni Tom sa school, lumapit naman sa amin si Bill. Kaklase ko na bihira ko lang maramdaman. Siya kasi ‘yung klase ng tao na hindi naniniwala sa kasabihang “Attendance is a must.” Wala siyang pakelam sa sampung porsyento nito sa grade. Kaya sobra ang pagka-bitter ko sa kanya. Nagagawa niyang i-perfect ang exam nang hindi dumadalo sa discussion. Pure instinct lang. Walang hiya.

Siguro nga nanggaling sa iba’t ibang karanasan ng tao ang mga motibasyon niya sa buhay. Kaya hindi mo rin masisisi kung magkakaiba tayo ng prayoridad. Iba-iba ang gusto nating marating. At iba-iba rin ang paraan natin kung paano ito abutin. Kaya para sakin, walang taong tamad. May sarili lang talaga silang paraan kung paano nila pamamahalaan ang buhay nila na kaiba sa nakagawian nating basehan ng kasipagan. Tulad ng pagiging gwapo kung saan hindi lang ang pisikal na anyo ang dapat na basehan.

“Guys, nakapag-review na ba kayo?” tanong ni Darlene, ang muse ng barkada. Siya ‘yung babae na katawan lang ang nagpapatunay sa sinasabi kong pagiging muse niya. Paano? Eh mas maton pa ito sa amin. Darlene ang tawag sa kanya ng iba. Pero sa aming 9


Tumuloy kami sa room at hindi rin nagtagal ay dumating ang prof dala ang mga test paper. Halos lahat ay natuwa sa type of exam maliban sa akin – True or False.

Para lang ‘yang left and right na kailangan mo pang alamin kung ano ang gamit mong panulat para malaman kung alin ang kanan. Parang push and pull sa sobrang nakakalito, kelangan mo pang i-try pareho kung alin ang magti-take-effect sa kapag papasok ka sa pinto.

Para sa iba na biniyayaan ng kakaibang galing sa pagmi-memorya, paborito nilang type ng exam ang Identification, Enumeration, Definition, at Fill in the blanks. Para sa iba naman na hindi man ganoon kagaling sa memorization pero malakas pagdating sa comprehension, paborito nila ang essay at situational questions. Pero doon sa iba na hinuhugot ang pag-asa sa magic na nagagawa ng tsamba, da best pa rin ang Multiple choice at Matching type.

Parang do’s and don’t na magkasalungat sa isa’t isa pero parehong kailangang sundin. May mga pinaniwalaan akong tama na mali para sa nakararami. Kaya madalas akong mabansagang bobo at sa academics lang magaling kapag pumapalpak. May sarili kasi akong prinisipyo kung ano ang susunding tama. Pero tulad nga ng sabi ko tungkol sa pagiging gwapo, hindi lang iisa ang dapat na basehan ng tama. Pero itong si Mr. Martinez na propesor ko sa Philippine Constitution, mukhang ang batas ang ginagawang basehan ng tama.

Pero ako? Paborito ko lahat ng type of exams maliban sa True or False. Hirap kasi akong tukuyin ang tama sa gitna ng mga mali. Nakakalito. At ang masakit pa, dalawa lang option. Kaya naman nakakapanghinayang kung magkakamali ka pa. Mapapasabi ka na lang ng “Sayang, dapat pala ‘yung isa.”

Well tama naman, pero minsan mali. Hindi kasi lahat ng batas, pang-tao. Minsan pang-gobyerno. At kung ipipilit mo na mali ang nakasulat na ‘tama’ base sa kung anong kapakanan ang mas importante, baka ikaw pa ang itama nila.

Pero bakit nga ba nakakalito?

10


Nung na-distribute na lahat ng test paper, gusto kong mapakamot ng ulo. Bakit ganun? Bakit iba ‘yung inaral ko buong magdamag sa mga tanong na ito?

pagkain, damit, at iba pang mga pangangailangan. Kaya nag-compute ulit ako at ibinaba ko sa 15K kada buwan. At sa huling compute ko ay lumabas na 55 na taon ko pwedeng maipon ang ten million. Ayos na rin.

Pinaandar ko na lang muli ang instinct ko sa pagsagot. Madalas din naming accurate iyon eh. Pero bago maubos ang tanong, isang bonus question ang umagaw sa atensyon ko. Sa wakas, hindi na true or false! “What tangible things you wished to own after earning ten million?” Siyempre ginanahan akong sumagot. Tungkol kaya ‘to sa pangarap ko. Kaya ayun, umiral ang eksaherasyon ko at nag-enumerate ako ng ilang mga bagay: kotse, condo, mansyon, etc. Sa O.A ng sagot ko, napahiya ako sa sumunod na tanong. “How many years do you think you’re gonna earn ten million after working?” Nag-compute ako sa isip ko. Kung thirty thousand ang kita ko sa isang buwan, so twelve times thirty thousand equals three hundred sixty thousand. 360K ang pwede kong kitain sa loob ng isang taon. Kung ganoon ang sampung milyon ay maaari kong kitain sa loob ng 27 na taon. Pero napaisip ako ulit. Iyong 30K kada buwan ay hindi pa kasama ang lahat ng gastusin: kuryente, tubig, 11


Pero may isang tanong ang biglang kumawala. Buhay pa kaya ako no’n? Mai-enjoy ko pa kaya ang kotse, condo, masyon at iba pang materyal sa ganoong edad?

Hindi lingid sa kaalaman ni Bill ang mga pangarap ko sa buhay. Na gusto kong umasenso at makarating sa kinatatayuan ng iba.

Pagkatapos kong maipasa ang test paper, nabuhay na naman ang kalituhan sa isip ko. Napasabi na naman ako sarili ko ng “Oo nga ‘no?” Kinuwenstiyon ko na naman ang positibong paniniwala ko.

“Naniniwala ka bang gwapo ka?” tanong ulit ni Bill. “Oo naman. Hindi lang naman mukha ang basehan ng pagiging gwapo, eh,” sagot ko. Inilapit nito ang bibig sa tainga ko at umaktong bubulong. “Hindi lang din pera ang basehan ng yaman.”

May direksyon pa kaya ‘tong pagsisikap ko? Matutupad ko nga ba talaga ang mga pangarap ko?

Tinapik-tapik niya ang balikat ko at naglakad patalikod sa akin. Hinabol niya pa ang mga katagang, “Easy-han mo lang, brad. Pangalawa lang ang pera. Ang mas importante ay passion. Basta masaya ka sa ginagawa mo, daig mo pa ang mayaman.”

“Okay ka lang?” tanong ni Bill nung mahalata niya ang disappointment sa mukha ko. “Medyo,” sagot ko. “Bakit naman medyo lang? Wag mong sabihing nahirapan ka sa exam? Sisiw nga eh. Ni hindi ako pinagpawisan.”

Well, tama siya. Siguro nga, mali ako. Pagkatapos nung araw na iyon, nakapag-isip-isip din ako. Hinayaan kong tumakbo ang mundo sa natural na ikot nito. Walang halong manipulasyon. Nag-aral, nagpasa ng mga projects at grumadweyt bilang Magna Cum Laude. Pero lahat ng iyon ay sinamahan ko na ng kaunting paglilibang. Sinubukan kong ibalanse ang lahat.

Lakas talagang maka-bad vibes ng taong ito. Talagang pinamukha niya pa sa akin ang effortless na talino niya. “Alam ko kung ano ang iniisip mo…” maya-maya ay sabi uli niya. “Kung magko-compute ka ng magkacompute kung hanggang kelan mo maabot ang ten million, aabutin ka ng siyam-siyam wala ka pa sa one-million. Hindi dapat pinapangarap ang pera, kaibigan.”

Heto ako ngayon, isang masipag, isnpirado, at m a a s a h a n g …
 empleyado. 12


Sabi nila, wala raw yumayaman sa pagiging empleyado. Ngayon, napatunayan kong tama sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mayaman.

PHOTOSYNTHESIS Isinulat ni: Inside Voice

Sina Tom at Darlene, may mga trabaho na malayo sa kursong kinuha namin pero masasabing asensado. Si Tom nga, may negosyo pa, eh. Hindi rin nakapagtataka dahil likas sa kanya ang pagiging madiskarte.

Pag-isahin ang kuwento at kuha Handog sa mga Kalapis at sa madla O sige sisimulan ko na

Si Bill naman, boss ko. Dahil sa pambihirang logic niya, may sarili na siya ngayong IT company kung saan ako nagtatrabaho. Masaya ko para sa kanya. Deserve niya iyon dahil maabilidad siya.

Tama ng bida sa kuwento lapat dapat sa litrato O ano gets mo na? Sumisigaw, nagpapahayag ng kanya-kanyang mensahe Yakap ang kamera dala sa kalye

“Dad!� Tumakbo palapit sa akin si Adrian na agad ko naming pinasan sa likod ko.

Nais lang makuha Tamang anggulo, mga sandaling walang nakakapansin, may kuwento na Hehele sa imahinasyon na meron ka

Tama si Bill. Hindi lang academics ang mahalaga. Hindi lang pera ang importante. Hindi man ako kasing yaman ni Bill. May sarili naman akong bersyon ng yaman. Ito ang yaman na kahit kalian ay hindi mauubos. Ito ‘yung tama na kahit kailan hindi pwede maging mali. Ang pagkakaroon ng simple pero masayang pamilya ay mas naging tama pa kaysa sa dati kong pangarap na pinaniwalaan kong tama.

Eskapo sa pantasya tungo sa realidad ng masa Sino ka o sino siya? Iyon ay hindi na mahalaga Sumasalamin ito basta sa kuwentong Pinoy basahin na.

YOUR AD

HERE 13


14


Wala pa ang katagpo ko kaya naman pinagmasdan ko muna ang ganda ng dapi't hapon sa lugar na pinag-usapan namin. Nagkukulay ube ang kalangitan at tumatama ang liwanag nito sa sa mga bangka na nakalutang sa ilog sa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong pampasaherong bangka dahil may mga sakay pa na papalapit kung saan ako nakatayo. Kung anong payapa ng ilog sa mga mata ko, kabaligtaran noon ang nag-aapoy kong poot sa puso ko.

TUMATAK Isinulat ni Mariyey del Rio HANDA na ang lahat ng kailangan para sa araw na ito. Matuwid na isipan ko na lang ang kulang ay kumpleto na ang lahat para maging matagumpay ang plano. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko nga ba itong gawin o ipasa-Diyos ko na lang.

"May hinihintay ka?" naramdaman ko na may tumabi sa aking isang lalaki kahit hindi ko siya tiningnan dahil nabulag ako sa kaliwanagan ng kalangitan.

"Kailangan ko itong gawin para sa'yo." sabi ko sa repleksyon ng aking kapatid sa salamin. Kasalukuyan siyang natutulog sa kama dantay ang unan na regalo ko sa kanya noong walong taong gulang pa lamang siya.

"Oo." simpleng sagot sa kanya habang diretso pa rin ang tingin sa nagkukulay ube na kalangitan.

Pinigil ko ang nagbabadyang luha. Isiniksik ko sa isip ko na hindi ngayon ang tamang panahon para panghinaan ako ng loob. Kailangan kong maging matatag at matapang para sa ikakatagumpay ng plano. Inilipat ko ang tingin sa aking sarili. Suot ang isang puting polo shirt, iniayos ko ang kuwelyo, kapareha ang isang fitted skinny jeans at asul na doll shoes.

NASAAN na ba ang batang 'yon? Gabi na wala pa! Patay siya sa akin mamaya 'pag uwi niya. Hinagis ko ang cellphone ko sa kama matapos kong i-text ang magaling kong kapatid. Ang paalam niya sa akin ay may dadaanan lang pero alas nuebe na wala pa. Simula nang abandonahin kami ng mga magulang namin noong trese anyos pa lang ako at limang taon ang kapatid ko ay ako na ang tumayong ina sa kanya. Tunog nanay ang drama ko dahil ako naman talaga ang nagpalaki sa kanya. Napakapasaway lang, ang sarap konyotan.

Nakarating ako sa lugar na napag-usapan at ang gagawin ko na lamang ay hintayin siya. Ramdam ko sa aking balat ang hangin na yumayakap sa aking buong pagkatao. Para akong hinehele sa malamig na hampas nito sa aking mga bisig at pisngi. Iba ang amoy dito dahil sa nagkalat na basura sa paligid pero iba pa rin ang pakiramdam ng mamasdan ang isang magandang tanawin na wala namang bayad ni isang kusing.

Nang lumipas pa ang ilang minuto ay hindi na ako mapalagay sa paghihintay kaya naman dinampot ko ulit ang aking cellphone at tinawagan na siya. Kaya lang kahit anong tawag ko ay hindi naman niya sinasagot. Laging operator ang kumakausap sa akin.

15


Wala naman sanang masamang nangyari sa batang 'yon. Pero kinakabahan talaga ako na hindi ko maintindihan. Naghintay ako ng ilang sandali at baka naman wala lang signal sa kung nasaang lupalop siya. Naku! Malilintikan talaga siya sa akin kapag nalaman ko na naglakwatsiya lang siya. Muli kong inihagis ang cellphone sa kama at nakita kong umugtol ito at bumaliktad. Tumayo lang ako sa may bintana para abangan kung parating na ang pasaway na 'yon.

DINADALA ng malakas na hangin ang damdamin kong nagpupuyos. Kailangan kong kumalma o masisira ang lahat ng plano. "Baka gusto mo munang mamasyal, may bangka akong puwedeng upahan... May magandang lugar sa may gawi doon." Sabi ng kausap ko na may itinuturong bangka na may bubong na asul. "Hindi na. Dito na lang ako. Baka hindi kami magkaabot ng hinihintay ko." Sagot ko sa kanya. Kalmado pa rin ang boses.

Maya-maya ay nagring ang cellphone ko at nagregister sa screen ang isang unknown number. Buti naman naisipan niyang makitawag.

AGAD akong sumugod sa presinto. Hindi ko napigilan at napagtaasan ko ng boses ang pulis sa front desk. Mabuti na lang at mabait at hindi ako pinatulan. Itinuro niya ako sa isang opisina kung saan pagpasok ko ay inabutan ko ang magaling kong kapatid na nakaupo sa isang monoblock chair, nakapatong ang dalawang siko sa binti at magkakabit ang dalawang mga kamay na para bang magdadasal at nakadikit ang dulo ng mga iyon sa noo niya.

"Hello?" banggit ko at pilit pinapakinggan ang background sound sa kabilang linya pero malabo, hindi ko masyadong marinig. "Ah, hello. Si Jade po ito. Ate po ba ito ni Lester?" tanong niya. Anak ng tokwa itong kapatid ko, kumuha pa ng kasabwat sa kalokohan niya. "Oo, sabihin mo s---"

"Lester." Pigil na pigil ang pinasok na kalokohan ng batang 'to.

"Ate, nasa prisinto po kami." sabi niya. Babae nga pala ang kausap ko sa telepono at halata sa boses ang nerbiyos.

galit

ko

sa

Lumingon siya sa akin at napansin ko na may namumuo siyang dugo sa labi at black eye sa kaliwang mata. May 'di mabilang na galos siya sa braso at ilang mga sugat. May punit pa ang kwelyo ng suot niyang uniporme. Diyos ko! Napaano ba ang isang 'to? Akala ko ba iwas away na siya ngayon? Dahil nangako siya sa akin na titino na siya dahil kay Jade... Pero bakit ganito?

"ANO?!" sigaw ko. Ano pakiulit? Nasaan kayo? Nasa presinto? Muntikan ko nang mabitawan ang telepono ko dahil nanlambot ang mga kamay ko sa narinig ko.

16


"Ate." Simpleng sabi niya. Halos maiyak yu'ng boses niya pero hindi ako nagpaapekto.

lalo ang ulo ko sa mga ikinilos niya pero pinigil ko ang sarili ko.

Naupo ako sa tabi niya, hindi ko maintindihan sa oras na ito ang dapat sabihin kaya nagpigil na lang ako ng galit.

NAKITA ko sa peripheral vision ko ang isang lalaki na sa palagay ko ay nasa kanyang 40's. Matipuno ang katawan, tipo ng katawan na pangbouncer ng bar. Naka-itim na jersey jacket siya na may letrang M sa gawing kanang dibdib.

Inayos namin ang dapat ayusin sa presinto... Hinatid namin si Jade sa kanila at dumeretso kami sa bahay. Wala siyang imik simula kanina pero ngayon ko siya kakausapin ng masinsinan. Naupo siya sa sofa at pinili ko naman na tumayo na lang. "Ano na nag-usap na hindi ka na kapatid kong

"May hinihintay din ako. Kung hindi mo mamasamain, tatabi muna ako sa'yo." Sabi niya sa akin.

namang kalokohan 'to Lester? Di ba tayo? Nangako ka sa akin... Sabi mo, makikipag-away." Unang buwelta ko sa pasaway.

"Okay, walang problema." Sabi ko sa kanya at ako naman ay nakatingin pa rin sa ilog kung saan may dalawang batang lalaking nagpupulot ng basura.

"Hindi naman ako nakipag-away ate." Pagdadahilan niya. Nakita ko na napapakamot siya sa ulo niya.

"Ang saya nila ano? Simple lang ang buhay, nabubuhay ng masaya basta't magkasama." Sabi ko sa lalaking katabi ko.

"Eh ano lang? Bakit ganyan ang itsura mo? Nakipag-asaran ka lang tapos nabugbog ka? Huwag mo nga akong gawing tanga Lester."

"Oo nga eh." Simpleng sagot niya.

"Ate..."

ILANG araw hindi pumasok si Lester sa eskwelahan. Ayaw niyang lumabas ng kwarto at hindi masyadong kumakain, sinubukan ko siyang kausapin ulit pero hindi siya nagsasalita. Kinausap ako ni Jade, yu'ng nililigawan niya, kahit daw sa kanya ay hindi ito nakikipag-usap. Nakakapaisip kung ano nga ba talaga ang problema niya. Hindi naman siya ganito noon kapag nakikipag-away siya. Mayroong iba... Alam ko, meron akong hindi nalalaman sa kuwentong inilabas niya sa blotter sa presinto. Ayon kasi sa blotter, sinubukan siyang nakawan ng isang lalaki kaya hinabol niya at nagkasuntukan

"Ano? Magpaliwanag ka." Tumaas na naman ang boses ko. Hindi pa ba siya nagsawa sa mga pangaral ko sa kanya? Ang gusto ko lang naman ay maging maayos siya at maging mabuting tao. Pero ang tigas ng ulo niya. Papaano ko siya iiwanan niyan kapag nagtraining na ako sa kampo? Baka paglabas ko, nasa bilibid na ang isang ito. Nakita ko ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya. Hindi siya makapagsalita, mas pinili pa niyang pumunta sa kuwarto niya. Nag-init

17


sila pero sa ikinikilos niya ngayon, parang hindi lang basta ganu'n ang nangyari.

kanyang ulo tulad ng ginagawa Nanay kapag umiiyak ako.

Isang gabi kakauwi ko pa lang galing sa opisina, binuksan ko ang ilaw sa sala at nabingi sa katahimikan ng buong bahay. Pinuntahan ko si Lester sa kuwarto niya at napasigaw ako dahil may hawak siyang kutsilyo at kung nahuli pa ako ng konti sa pagdating ay siguradong naisaksak na niya iyon sa pulso niya.

sa

akin

noon

ni

LALO nang nagkukulay ube ang kalangitan. Mas nararamdaman ko ang lamig sa aking balat. Pilit kong iniinda ang galit sa puso ko. "Ano kayang iniisip ng mga magulang nila at hinahayaan silang ganyan? Paano kung may manantala sa kanila? Hindi natin alam." Sabi ko ulit sa kausap, mahinahon ang boses ko pero nagsusumigaw ng poot sa nakikita.

"LESTER!" sigaw ko at agad kong inagaw mula sa kamay niya ang naturang patalim. Umiiyak siyang yumakap sa akin. Sa higpit ng yakap niya, alam kong may malaki siyang problema.

"Dapat hindi nila hinahayaan ang mga ganyang bata sa kalye lalo na sa mga ganitong ilog at delikado." Sabi niya habang tinitingnan din ang dalawang bata na malapit na sa tubig ng ilog.

"Ate..." Sabi niya na halos pumiyok ang boses sa pag-iyak. Desisais na ang kapatid ko at kahit kailan, hindi nangyari ang ganito simula ng magbinata siya.

HINIHINTAY ko lang na magsalita si Lester at sagutin ang mga tanong ko. Wari ko'y humuhugot pa siya ng lakas ng loob para sabihin sa akin ang buong kuwento.

"Lester, ano ba talagang nangyayari sa'yo? Nag-aalala ang ate. Bakit mo naisipang gawin 'to? Alam mo namang masama ito di ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Ate... Pinaglaruan niya ako." Sabi ni Lester at tumutulo na naman ang mga luha mula sa mata.

Alam kong hindi ko makukuha ang loob niya kung dadaanin ko na naman sa sigaw ang mga gusto kong malaman. Kumawala siya sa pagyakap sa akin at tumungo. Pinahid ko ang mga luha mula sa kanyang mga mata at pilit siyang pinapatingin sa akin dahil nakatungo siya.

"Niloko ka ni Jade? Kaya ka nakipagsapakan?" Tanong ko naman agad. "Hindi ate! Nu'ng gabi na naprisinto ako, galing ako nu'n sa kabilang isla, sumakay pa nga ako ng bangka dahil pinaplano ko na yu'ng proposal ko para kay Jade na dapat gagawin ko nu'ng Valentine's day... Ginabi na nga ako... Eh kaya lang... Nasa kalagitnaan na kami nu'ng ilog bigla na lang may humampas sa ulo ko kaya nawalan ako ng

"Lester... Ano bang nangyari? Sabihin mo sa ate, baka matulungan kita." Pag-aalo ko sa kanya. Hindi naman siya makapagsalita kaya hinagod ko ang

18


malay. Pag gising ko, may humahalik na sa akin... Ate, wala na yu'ng pangbaba ko tapos nakangiti pa sa akin ang hayop na bangkero na yu'n." Kuwento niya. Nanlumo ako at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko akalain na ganito kalala ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Nakonsensiya ako dahil pinag-isipan ko pa siya ng masama.

RAMDAM ko ang lamig ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko, nakahalata ata ang katabi kong lalaki kaya naman hinubad niya ang suot na jersey jacket. Kaya lumabas ang kanyang built na muscle. Iniabot niya sa akin ang jacket pero naagaw ng paningin ko ang tatak niya sa braso, isang korona na may ahas na nakapalibot doon. Nagpigil ako ng sarili at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Nagpang-abot kami kaya ako sugatan at puro galos. Gusto ko siyang patayin sa pambababoy niya sa akin Ate... Gusto ko siyang patayin." Matalas at matapang ang pagbitiw niya sa mga salita at hindi ko akalain na lalabas ang mga salita na 'yon sa mga labi ng kapatid ko. Pero hindi ko siya magawang pigilan dahil kahit ako ay ganoon din ang nararamdaman.

"Nasaan ka na? Bilisan mo. Panahon na." Sabi ko sa kausap ko at ibinaba na iyon.

ILANG buwan akong nagtraining sa kampo. Nagtapos ako ng criminology pero mas pinili kong magtrabaho sa isang opisina, pero dahil sa kaliitan ng suweldo ay naisip kong mag-apply sa police station. Lahat ng staff sa presinto kahit desk officer, kailangan ng training. Mas pinursige ko ang pagte-training dahil sa kinumpisal sa akin ng kapatid ko. Noong una, nagdadalawang isip ako pero kailangan niya ng hustisya. Kailangan kong gumawa ng paraan para makuha namin ang hustisya. Mas madali kong magagawa iyon kung kasama ako sa proseso. Kailangan matigil ang kasamaan ng taong yu'n. Alam kong hindi sikat na kaso ang male rape sa Pilipinas at sa palagay ko, marami lang ang natatakot na sabihin ang totoo sa awtoridad. Natatakot na pagtawanan, kutyain o husgahan. Pero kailan pa maririnig ang kanilang tinig?

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na inalala ang mga luha namin. Napuno ng galit ang sistema ko. Kukunin ko ang hustisya! Huwag kang mag-alala. "Sorry Lester... Sorry... Walang nagawa ang ate. Hindi pa naman huli ang lahat. Pagbabayarin natin ang hayop na 'yon. Yan ang ipinapangako ko sa'yo." Bulong ko sa kanya. "Natatandaan mo ba ang itsura niya? O kahit anong palatandaan na natatandaan mo?" Tanong ko sa kanya. "May tattoo siyang korona na may ahas sa palibot nito sa kaliwang braso niya. Yu'n lang ang naaninag ko Ate. Doon kasi nakatapat yu'ng kaunting liwanag na nakita ko. Malaki siyang lalaki kaya kahit lumaban ako, hindi ko nagawang matalo siya."

HINAWAKAN ko lang ang jacket na sa akin. Nagpipigil ng galit dahil lahat ng ito. Matagal kong hinintay ito. Kasabay ng ubeng kalangitan at

19

iniabot niya planado ang ang araw na sangalan ng


mga mabibiktima ng kriminal na ito, eto ang ganti natin sa taong ito.

pagpatay kaya nahatulan siya ng judge reklusyon perpetua o habambuhay na pagkabilanggo. Masaya ako dahil nakuha namin ang hustisyang nararapat sa nangyari. Sa sobrang pagod sa araw na 'yun ay nakatulog na ako ng makarating sa bahay.

Nang akmang ibabalik ko na ang jacket niya ay isinabay ko na doon ang pagposas sa kanyang mga kamay. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya rin namalayan.

Kinabukasan ay nakalapag sa tabi ko ang isang puting rosas at isang sulat.

May malaking tandang pananong siya sa mukha ng harapin ako. Nagtangka pa siyang tumakbo, mabuti na lang ay dumating sa oras ang mga kasamahan kong pulis. Binasahan siya ng Miranda rights ng isa sa mga kasamahan ko. Nagmumura ang isip ko sa sobrang galit sa kanya! Gusto ko siyang barilin sa ulo o di kaya ay patayin sa bugbog pero hindi ko hawak ang batas at maaari pa akong makulong kapag ginawa ko 'yon. Eh di wala na kaming pinagkaiba.

Ate, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Masuwerte ako dahil ikaw ang naging Ate ko. Nakatatak ka na sa puso ko. Mahal na mahal kita Ate. Happy Valentine's day! P.S. Susunduin kita mamaya pagkalabas trabaho, kakain tayo sa Serenity.

"Kung pinangunahan ko ang batas, pinatay na kita dahil sa ginawa mo sa kapatid ko."

mo

ng

- Lester

"Anong ginawa? Hindi ko maintindihan." Pagtanggi niya. Nakakainis yu'ng pagmumukha niya sa pagtanggi niya. Lunurin ko kaya siya sa ilog?

Naluluha ako pero mas pinili ko ang ngumiti dahil isang araw na naman ang lilipas at papalipasin ko ito ng masaya. Hindi lahat ng bagay dapat ipasaDiyos na lang, minsan kailangan mong may gawin para mangyari ang nais ng iyong puso.

"Pero may takot pa rin ako sa Diyos kaya siya na lang at ang batas ang hahatol sa'yo." muli kong sabi sa kanya.

WAKA

Ilang buwan ko rin siyang pinasundan para alamin ang lahat tungkol sa kanya at hindi ako puwedeng magkamali sa nakuha kong mga impormasyon. Siya ang kriminal na bumaboy sa kapatid ko, siya ang sumira sa inosenteng pamumuhay niya at kung hindi siya makukulong ay marami pa siyang mabibiktima.

Ang Photosynthesis ay koleksyon ng mga maikling kuwento na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino, hango sa mga larawang galing sa lente ni Seksing Patatas.

Nang makulong siya ay naglabasan ang iba pang kaso ng rape na kagagawan niya at meron ding

20


Pagibig sa Kapwa

Anghel sa Lupa

MANUNULAT KONG SINISINTA SILENT SAKURA

Sana naman ika’y magpakita

Silent Sakura Gusto ko muling magbahagi sa inyo ng aking

Para ako’y makilala. Bigyan mo sana ng pag-asa

Ako’y may nabasa

akda at ito’y tungkol sa mga Anghel. Ilang beses na

Ang pag-ibig kung umaasa,

Isang akdang napakaganda,

Di ko naman inaakala

akong nakarinig tungkol sa mga anghel ng Diyos, sila

Isang simpleng sulat

Na ang puso ko’y mabibigla,

Ngunit ito’y nakakagulat,

Nababaliw na yata

Bakit ganun na lamang ang epekto nito

Pag-ibig ko’y di masawata,

sa’kin

Bakit di mo napapansin

Tila ba ako’y kinakain,

Ang puso kong may pagtingin,

Ako’y masyadong nasilaw

Para kang imahinasyon

Tulad ng gintong bulalakaw.

Na aking inspirasyon.

anghel dahil siguro cute sila, mababait at ang hindi

Ako’y hindi nararapat

Alam kong ikaw ay mapili

“Angel of God”. Aliw na aliw talaga ako sa pagtingin

Ngunit isa akong babaeng tapat,

Tulad ng propisyong iyong napili,

O aking sinta

Mananatili na lamang lihim

Puso ko’y nahalina,

Pag-ibig kong kay lalim,

Isa kang dakilang manunulat

Huwag ka sanang malito,

Na walang ginawa kundi ang magsulat,

Dahil ako’y mananatiling anino,

Ako’y lubos na humahanga

Sana ay hindi ka magbago

Sa mga sulat mong ginawa,

Kahit buhay ng tao ay puno ng

Di ko alam ang nangyari

pagbabago,

ang mga mabubuting alagad ng Diyos ika nga ng ilan “Warriors of God”, sila yung mga pumupuksa sa mga evil, kumakalaban kay Satanas at ang hindi ko malilimutan tungkol sa kanila ay yung pagbabantay nila sa atin kung tawagin sila ay “Guardian Angel”. Bata pa lang ako ay gustong-gusto ko na ng mga ko makakalimutan na una kong natutunang dasal ay sa kanila kahit sa pictures o pigura lamang. Pero sa panibagong panahon ngayon, may naniniwala pa ba sa mga Anghel? Totoo kaya sila o mga kathang-isip lamang?

May mga maituturing

kayang mga Anghel sa lupa ngayon? May mga bagay sa akin na nagpapaalala na totoo ang mga Anghel sa Lupa. “Oo” naniniwala ako sa kanila dahil minsan ko na rin silang nakasalamuha sa isang hindi

21


inaasahang pangyayari sa buhay ko. Siguro nasa isip n’yo ang mga

Lupa dahil sa dami ng taong nasa paligid ko siya lang yung may lakas

anghel na mayroong pakpak at lumilipad, pwes! Nagkakamali kayo

ng loob na tulungan ako, nagpapasalamat ako sa isang taong tulad

dahil hindi iyon ang tinutukoy ko. Ang

niya.

Ikalawang beses ay nang

tinutukoy kong anghel ay yung mga

muntikan na akong malunod at gaya

ordinaryong tao katulad natin dito sa mundo.

ng una kong sinabi isang Anghel sa

Para sa akin sila ang mga Anghel sa Lupa.

Lupa na naman ang sumagip sa akin, nagpapasalamat ako sa kanya

Dalawang beses na akong muntikang

dahil hanggang ngayon ay buhay pa

mamatay, kung tawagin ko ito ay “pagharap

rin ako at humihinga, kung hindi

ko kay kamatayan” pero hindi ako nagpadaig

niya ako sinagip malamang nasa

sa kanya at hindi niya ako nakuha, una kong

lapida na yung pangalan ko, gano’n

karanasan ay noong nasagasaan ako. Hindi ko

nga talaga ang buhay, hindi mo

na masyadong maalala ang eksaktong

alam kung anong susunod na

nangyari dahil bata pa ako noon, pero ang

mangyayari, baka bukas o sa isang

hindi ko malilimutan ay nang nakahandusay

araw mamatay na lang tayo pero

ako sa kalsada at nakapikit at ramdam ko na

salamat sa mga Anghel sa Lupa na

maraming taong nakapaligid sa akin at

handang magligtas ng buhay.

tinitingnan ako. Ilang minuto lang ay naramdaman ko na may bumuhat sa akin at

Mayroon akong listahan ng

dinala ako sa clinic sa school namin, sa totoo

mga taong tinatawag kong Anghel

lang hindi ko siya nakilala hanggang sa

sa Lupa:

ngayon, hindi ko man lang alam ang

Una sa listahan ko ay kilala sa

pangalan niya at hindi ko man siya

buong mundo. Siya ang nagpapakita sa atin sa tunay na

napasalamatan, alam kong isa siya sa mga tinatawag kong Anghel sa

pananampalataya alam n’yo na siguro kung sino ang tinutukoy ko, 22


“Santo Papa” kung sila’y tawagin. Mga taong banal dito sa mundo, mga

ibang tao. Masakit isipin na sa munting pintig ng puso nila

simpleng tao na may malakas na pananampalataya at dahil sa patuloy

nakakaranas na sila ng pananakit sa kanilang sariling ina.

nilang paglaganap ng mensahe ng DIyos marami ang humahanga sa

Buhay ng isang anghel ang kinikitil mo, maawa ka naman sa

kanila. Marami silang nai-inspire na taong tulad ko, makita lamang siya

kanila wala silang kalaban-laban.

ng mga tao ay wala na silang pagsidlan ng saya, Ganyan ang impact niya - ngumiti lang siya para na ring nanalo ka sa lotto, ang mahawakan siya ay isang malaking blessings, mga salita niya’y tumatatak sa puso at

Nagmasid

nagpapaiyak sa atin.

din ako sa aking kapaligiran at napansin ko ang

pagbabago ng kabataan ngayon, iba na yung hatak ng teknolohiya sa kanila, dahil minsan nilalayo nito ang mga kabataan sa

Ikalawa sa listahan ko ay ang mga “Good Samaritan”, mga taong

pananampalataya. Siguro sasabihin ng iba na mali ako at maraming

may malasakit sa ibang tao at malinis ang adhikain sa kapwa. Alam

aalma sa pahayag kong ito, pero tingnan mo ang simbahan at

kong mayroon pang mga taong gano’n dito sa mundo. Mga

ikumpara mo sa internet café, alin ba ang marami? di ba mas punuan

kabutihang kanilang ginawa ay nagbibigay inspirasyon sa iba. Madalas

pa yung internet café kaysa simbahan? Saan ba ang mga bata ngayon

ay ayaw nila na maging front page sa diyaryo o makita sa telebisyon

tuwing lunch break o ‘di kaya sa pag-uwi galing sa eskuwelahan, saan

dahil ang kanilang pagtulong ay tunay at hindi iyon kailangang

ba sila nakatutok? Kung hindi sa TV, yung mukha malamang nasa

ipagkalat sa buong mundo. Humahanga ako sa mga taong ito, sana ay

computer at naglalaro ng DOTA, Clash of Clans, Call of Duty, Cross Fire,

dumami pa ang mga tulad nila na may malawak na puso para sa iba.

League of Legends at kung ano pang mga larong nakakabaliw tingnan

Ikatlo naman ay ang mga “Infant Babies” sila ang mga wala pang

o baka naman abala sa textmate nilang nanghihingi ng load. Minsan

muang sa mundo, para sa akin isa sila sa mga Anghel sa Lupa dahil

naisip ko naniniwala pa kaya sila sa mga Anghel? Marunong pa kaya

bata pa sila ay hindi pa sila marunong gumawa ng kasalanan, totoong

silang magdasal? Hindi ko alam ang sagot sa aking katanungan,

nakakatuwa silang tingnan bukod kasi sa cute, kita mo sa mga ngiti nila

maaaring Oo at maaaring Hindi, baka nga mas kabisado pa nila yung

ang tunay na kasiyahan. Masayang makakita ng isang bata dahil

linya sa mga video games kaysa linya ng padarasal, kung makapag-

dinadala ka nito sa magagandang karanasan mo noong bata ka pa.

trashtalk daig pa ang may kaaway sa lansangan. Kung wala sa dalawa

Nakakalungkot lang minsan kung paano sila madaling pinapatay ng 23


baka naman nasa bar at nakikipag-inuman o nasa dilim at

panahon ngayon maituturing pa kaya silang anghel kung sila mismo

nakikipaghalikan. Kilala pa kaya nila kung ano ang mga Anghel? O

ay nauugnay sa mga bayolenteng bagay? Marami na akong naririnig

baka naman mas alam pa nila yung mga heroes ng DOTA o ang mga

tungkol sa batang pumapatay, gumagamit ng bawal na gamot o ang

skills at spells nito, masaklap mang isipin pero minsan ang teknolohiya

pagbibigay aliw sa mga lalaking mapagnasa sa katawan. Bakit nga ba

ang nagpapalayo sa ating pagiging tunay na Pilipino, hindi naman

ito nangyayari? Bakit ang mga munting anghel na ito ay nakakaranas

masama ang teknolohiya kung alam natin kung paano ito gamitin at

ng pait sa buhay? Tuluyan na bang binago ng mundo ang pananaw ng

hindi nito sinasakop ang ating buong buhay. Minsan na rin akong nalulong sa tinatawag nilang “new era of technology”, naadik sa mga video games at kung ano-anong bagay na may kinalaman sa teknolohiya, pero sa isang iglap nagbago ang pananaw ko sa buhay, hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero siguro gano’n talaga kapag ang Diyos na ang gumawa ng paraan upang magbalik tayo sa kanya. Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba na talaga, hindi ko hinuhusgahan ang mga kabataan ngayon bagkus ay hanga ako sa kanilang pagiging open minded, pagiging independent at pagiging adventurous sa buhay pero minsan dahil sa mga ugaling ganyan ay nalalayo sila sa pagiging Katoliko. Narinig ko minsan nang sabihin ng isang pari na 10% na lang ang nagsisimba tuwing linggo, sana naman ‘wag nating paabutin na wala ng taong nagsisimba. ‘Wag nating hayaang tuluyan ng mawala ang ating pananampalataya. Ang mga kabataan sana ang mga Anghel sa Lupa, pero sa 24


kabataan ngayon o sadyang sila mismo ang pumili sa daang baliko? O

ang sarili mo kay Satanas at magkaroon ng sparks ang pusong-bato mo

baka naman ay may mga tao lang talagang mapagsamantala sa mga

upang tulungan ang mga batang ito. ‘Wag mong hayaang baguhin ka

musmos na batang ito?

ng mundo, kung hindi hayaan mong ikaw ang bumago sa mundo. Maaring ako, ikaw, tayo ang mga Anghel sa Lupa na magsisilbing

Sa mundong ito minsan hindi mo mababago ang lahat ng tao

gabay sa mga susunod pang henerasyon. Buksan mo ang puso’t isip

tungkol sa pananaw nila sa buhay at ang iba naman ay talagang sarado

mo sa pagkakataong maging Anghel dito sa Lupa, at bigyan mo ng

ang puso’t isip pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa lipunan

pag-asa ang mundong nawawalan na ng pag-asa.

o pananampalataya. Hindi naman ako santo o magician na kayang baguhin ang isipan n’yo, at mas lalong hindi ako banal na tao. Gusto ko

Ikaw, handa ka bang tanggapin ang responsibilidad ng maging

lang imulat ang mga tao sa totoong nangyayari dito sa mundo. May

Anghel sa Lupa?

bahagi na maganda at nagbibigay inspirasyon sa atin at ang ilan naman ay nakakalungkot. Hindi ko naman inaasahan na maniniwala

Madalas ay love stories ang isinusulat ni Silent Sakura, pero ngayon ay gusto na niyang tumahak ng bagong yugto sa pagsusulat, yung tipong mas may kabuluhan sa buhay at reyalidad ng mundo, mapatungkol sa lipunan o sa pananampalataya. Kapag hindi nagsusulat si Silent Sakura ay abala siya sa pagkuha ng iba't ibang larawan, madalas ay patungkol sa kalikasan. Minsay ay nagpupunta siya sa tahimik na lugar para magmeditate.

kayo sa sasabihin ko dahil kung hindi kayo naniniwala sa mga Anghel sa Lupa, ay hindi ko na iyon mababago, nirerespeto ko ang paniniwala n’yo. Nasa inyo na kung maniniwala kayo, pero isa lang ang punto ko dito, tayong lahat ay puwedeng maging Anghel sa Lupa, nasa sa atin lang yan kung paano natin i-handle ang ating buhay at kung paano tayo makisalamuha sa ibang tao. Depende ito sa pananaw, intensyon at aksyon natin. Hindi naman kailangang maging banal ka o maging banal-banalan para tawaging Anghel sa Lupa dahil para sa akin sa mga munting bagay na gagawin mo at kung paano ito makakaapekto sa ibang tao - ‘yon ang tunay na Anghel sa Lupa, hindi lamang pansarili ang dapat tingnan kundi dapat isaalang-alang din ang ibang tao sa bawat desisyong iyong gagawin araw-araw. Sana ay huwag mong isuko 25


Pilat sa aking Puso Silent Sakura Madalas kong itanong sa sarili ko kung paano ba ang magmahal. Hindi ko pa ito nararanasan dahil bata pa ako noon at dahil na rin sa simpleng pananaw ko sa buhay ay masyado akong naniwala sa tinatawag nilang pag-ibig. Gusto ko itong maramdaman ngunit sa isang taong karapat-dapat sa aking puso. “Ang babae raw madaling mahulog sa mga mapanlinlang na dila ng mga lalaki.” Ito ang madalas na sabihin ng aking lola. Hindi ko man masyadong naintindihan ito noon pero salungat ang puso’t isip ko sa kasabihan na ito, hindi ako naniniwala sa kasabihan ng aking lola, isa lang naman akong simpleng babae na naniniwala sa pag-ibig at ang tingin ko sa mga lalaki ay mga anghel pero nagkamali ako at dahil sa aking karanasan nagising ako sa katotohanan. Isang kaganapan sa aking buhay na nagpamulat sa akin. Nagsimula ang lahat sa mga tingin mong nakakalusaw, mga ngiti mong mala-anghel. Walang kasing ganda ng aking nadarama ng una kitang makita, kay gaan ng aking pakiramdam na tila ba ako’y dinuduyan, sino ba itong taong ito na agad na nabihag ang puso kong natutulog? Makitaga mata mo’y parang bituin na nagnining-ning, mga ngipin mong tulad ng mga modelo sa tv na pantay-pantay at kumikislap sa puti. Ikaw na talaga ang nakatadhana sa akin.

26


Nagkakilala tayo sa isang napakasimpleng tagpo ng aking buhay ngunit para sa akin ay katulad na ito ng pelikula. Nalaman ko ang kabutihan mo, napakatamis ng bawat salitang iyong binibigkas na tila ba dinadala ako sa ulap, malaki ang respeto mo sa akin at kung ituring mo ako ay parang isang mamahaling bagay, ipinakita mo sa akin kung gaano ka nararapat na mahalin. Hindi ka naman nabigo dahil tuluyan nang nahulog ang aking puso.

magkaroon man ito ng bunga. Nagtalo tayo at sa huli ay hindi ako pumayag. Isa akong tuwid na babae na may dangal sa buhay at para sa akin isa itong sagradong bagay na dapat gawin kapag humarap na tayo sa dambana ng simbahan. Hindi ko kayang ibigay ang iyong hinihiling kaya umalis ka na galit sa’kin. Nasaktan ako dahil umabot tayo sa ganito, akala ko ang respeto na ipinakita mo sa’kin noon ay mananatili pero bigla kang nagbago, naging mainitin ang iyong ulo. Hindi ka na tulad ng dati na malambing, tuluyan mo nang binago ang sarili mo. Akala ko natural lang ito, “magtitiis ako para sa’yo” ang tanging nasabi ko. Ipinakita ko pa rin sa’yo ang pagmamahal ko kahit hindi ko man maibigay ang gusto mo. Hanggang umabot na naman tayo sa malaking pagtatalo. “Bakit ba hindi mo maibigay ang hinihiling ko?” ang naging tanong mo. Sinagot kita nang may kabutihan sa aking puso “Hindi ko kayang ibigay ang pagkababae ko dahil ito ay sagrado”, pero sa halip na intindihin mo ay iniwan mo ako nang mag-isa. Umiiyak ako at nagtatanong, “Nagkulang ba ako?”

Sa pagdating mo sa aking buhay mas naging makulay ito. Ginawa mong kapana-panabik ang bawat yugto nito. Ang bawat araw ko ay parang isang bulaklak na hindi nalalanta, puno ng pagmamahal ang aking puso. Kaysarap sa pakiramdam nang magmahalan tayo. Ito na yata ang tinatawag nilang tunay na pa-ibig. Halik sa noo ang naging batayan ko, mga hawak-kamay natin na parang walang bukas. Kilig much naman ang drama ko. Nangako tayo na hanggang sa huli ay magiging tayo. Sabay tayong nangarap para sa ating hinaharap. Sa paglubog ng araw sabik akong makita ka kinabukasan. Namasyal tayo kung saan-saan. Minahal kita nang lubusan. Sa piling mo, walang kasing saya. Akala ko hanggang wakas na ito. Umasa ako na magiging tayo pero nabigo ako.

Lumipas ang ilang araw na hindi ka nagpakita sa akin. Naghintay pa ko ng ilang araw umaasang babalikan mo ako, ngunit tuluyan mo na yata akong iniwan. Sa isang iglap ay katulad ng isang usok, naglaho ang lahat. Nalanta ang bulaklak ng buhay ko. Pinagsakluban ako ng mundo. Ang bawat araw ay naging pasakit ng buhay ko. Natanong ko ang

Dumating ang araw na hiningi mo sa akin ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay. Nangako ka sa’kin na kung ibibigay ko ito sa’yo ay handa mo akong pakasalan kung 27


sarili, “Nagkulang ba ako na mahalin ang isang tulad mo?” Tuluyan mo na bang sinuko ang pagmamahalan natin? Bakit mo ako nagawang iwan? Hindi mo na ba tutuparin ang pangako mo sa akin? Bakit mo akong nagawang saktan? Mga katanungan ko sa sarili ko. Paano ba niya akong nagawang iwan? Ipinakita ko naman sa’yo ang tunay na pagmamahal. Walang araw na hindi umaagos ang mga luha ko, minu-minuto ay naaalala ko ang ating pagmamahalan. Nagunaw ang pangarap ko para sa ating dalawa. Walang kasing sakit na aking nadarama ang puso ko’y puno ng pagdurusa.

pagluluksa ng aking puso, siguro dahil first love ko siya. Pero natuto akong tumayo muli, mula sa matinding pagbagsak ng aking puso. Naisip ko, “Bakit ko nga ba sasayangin ang buhay ko sa isang taong masyadong mababaw ang tingin sa pag-ibig? Naalala ko ang kasabihan ng aking lola “Ang babae daw madaling mahulog sa mga mapanlinlang na dila ng mga lalaki”, marahil ito ay totoo pero hindi naman ako nagsisi sa aking desisyon dahil alam kong tama ito. Mga lalaki nga naman sa mundo pero alam ko hindi lahat ay ganito. Masaya na ako sa aking buhay, patuloy sa paglakbay kahit na dumanas ng masakit na kaganapan pero handa pa rin akong magmahal muli. Ganito nga siguro ang buhay hindi lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ka. Pero gaano man kasakit ang aking naranasan, alam ko sa sarili ko na tunay akong magmahal at minahal ko siya nang totoo. Ang mga pasakit sa aking puso ay nagsilbing aral sa buhay ko upang mas lalong maintindihan ang buhay ng tao. Magsisilbing pilat na lamang ito na magpapaalala sa’kin. Alam kong may mga lalaki pa rin na kasing tuwid ko, sana nga lang ay makakilala ako. Umaasa pa rin ako na isang araw makakatagpo rin ako ng tao na katulad kong tunay na magmahal. Alam kong darating din siya sa tamang panahon kung saan handa na ako.

Tuluyan mo nang binaon sa limot lahat ng masasayang alaala natin pero ako ito ay umaasa na isang araw muling bumalik ka. Hawak ko ang nakangiti mong larawan habang ang mga luha ko’y patuloy sa pagdaloy. Hindi ako makausad sa buhay dahil sa paglisan mo, dinala mo pati ang puso ko. Mahal kita, at totoong minahal kita, naging tapat ako sa’yo pero bakit mo ako ginanito? Dinurog mo ang puso ko at winasak mo ito. Walang kasing sakit ang aking nararamdaman. Gusto ko nang wakasan ang buhay ko pero hindi ko kaya dahil mahal ko rin ang sarili ko. Isang araw nalaman ko na lamang na may kalaguyo ka na pala. Wow naman! Hanep ka rin pala hindi mo natiis ang mapagnasa mong katawan. Umabot din pala ng isang taon ang pag-iyak ko gabi-gabi, ito na yata ang pinakamatinding

Ito ang mga karanasang gusto kong ibahagi sa inyo, ang pilat sa aking puso ko. 28


Pare-pareho tayong umuutot at dumudumi,

SA PANULAT NI ENGKANDYOSACHE CAMALON

� Ang Mga Sapatos

Magkatulad tayong nangungulangot at umiihi, Sana'y iwasan na ang pagtuturo ng mapanghusga mong daliri. Ikaw at ako, kapwa nadadapa at nagkakamali. Bago pagtawanan ang pamumuhay ng iba,

Madalas ang mga mata ng tao'y nakatuon sa kanilang kapwa,

Ang mga sapin sa paa nila'y isuot mong pansamantala,

Laging inaabangan ang mali nitong magagawa,

Tahakin mo ang landas na dinaanan nya,

Agad syang pag-uusapan at gagawan ng ikasisira,

Upang ang putik sa nilakaran nila'y dumikit din sayong mga paa.

Walang pakialam kung ito man ay masaktan o lumuha.

Suriin mo ang sakit at pagkabigong kanyang naranasan,

Ugali ay sadyang kaypangit,

Alamin ang dahilan ng kanilang mga kahinaan,

Pang-unawa ng utak ay patuloy na kumikitid,

Mabuhay ka sa panahong siya ay nagdurusa't sugatan,

Puso'y puno ng galit at inggit,

Damhin mo ang kanilang pagtangis at kapighatian.

Kaya ang pag-galang ay sadyang di mo maipababatid. Ano ba ang dahilan at patuloy mo siyang ibinababa?

Kung ang paglalakbay gamit ang kanyang mga sapatos ay natapos mo,

Bakit pagkatao nila'y palagi mong kinukutya?

Siguradong sa katauhan nila ika'y mapupuno ng aral at respeto,

Sino ka ba para maglakas loob na humusga?

Tunay na ang bawat tao'y may kanya-kanyang kwento,

Hindi ba't wangis ka rin niyang may dungis sa mukha?!

Kaya't saka na humusga pagkabasa mo ng huling pahina nito.

29


Pagibig para sa Kabiyak ng iyong Dibdib

A-A

� SA PANULAT NI: DUDONG DAGA May mga nagtatanong sa akin kung totoo na ba ito? Baka daw nagbibiro lang ako, lagi kong sinasagot na may ngiti "Opo, totoo na po ito".


Minsan sa buhay mo papasok sa isip mo ang tanong na "Sino kaya ang makakasama ko habang buhay?" Tapos biglang papasok ang tanong na kaya ko ba? Ito yung may kabog na sa dibdib ko habang palapit na ang araw na isang taon namin pinaghahandaan. Isang taon na puno ng kulay at kuwento, nandito yung pakiramdam na excited ka sa mangyayari, at kabado ka sa mga mangyayari pa, magkaganoon pa man, tuloy pa rin namin ang pagmamahalang kaming dalawa ang nagsimula...

Ang mga oras na natitira ay pag sasariwa ng mga karanasang masarap balikan, ang tawanan, mga kuwentuhan paulit-ulit pero walang sawang pakinggan at matatawa ka pa rin kahit paulit-ulit mo nang narinig. Mga karansang pinagsaluhan, kalungkutang iniyakan, tawanang walang humpayan, isang pamamaalam para sa bagong buhay na kumakaway papalapit na magbubuklod sa dalawang mundong tinakda ng panahon... Habang palakad ako sa dambana kasabay ang dalawang lalakeng pinakagkakatiwalaan ko habang kasunod ang pamilyang nangako ng habang buhay na nasa likuran ko, pangakong kanilang sinambit kasabay ng paglabas ko sa liwanag ng mundong ito.

Ang pag aaway at tampuhan ay di maiiwasan kasi dito kaming dalawa nahubog. May mga sigawan, sakitan at walang kibuang matagal, lahat ng away batang puwede mangyari aming napagdaanan. Pagkatapos ng ilang oras o minsan isang araw na giyera ay uuwi at uuwi parin kami sa kanya-kanyang mga bisig para sabihing di namin kayang mawala'y sa isa't-isa, Aalahanin namin ang problema at itatawa dahil sa maliit na bagay, nagawa naming tiising di makita ang bawat isa. Lagi naming pinapaalala na sa susunod at sa susunod na mga araw sa buhay namin ay matitinding mga bundok na problemaang aming kailangan akyatin, at malalawak na dagat na kailangang languyin. Ang pagpapakasal ay isang mabigat na responsibilidad na dala-dala mo araw-araw lagi mong aalalahanin na di ka na nag-iisa, lagi ka ng dalawa sa bawat desisyon, pangarap, at bawat paglakad mo sa daan ng buhay nama'y pait, dusa at saya...

Ang pagtayo sa dambana ay parang isang pagtayo sa bus stop, naghihintay ng bus na hihinto na dadalhin ka sa lugar na gusto mong puntahan... Ang matagal na paghihintay ay napilitan ng saya ng makita kong bumababa sa sasakyan ang babaeng nakasuot ng pinakamagandang damit sa lahat, bumungad sa akin ang babaeng may matamis na ngiti na nagpapaalala sa akin ng unang pagkikita,lumakad siya palapit sa akin habang nakatingin ang mga mata niya na kumikislap at naghihintay lang ng tiyempo bumagsak ang mga tubig na kanina pang naiipon sa mga makikislap niyang mga mata. Agad niyang hinawakan ang kamay ko ng makalapit siya sa akin, ang matagal napaghihintay ay nakalimutan ko na tanging siya nalang aking nakikita, Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, ngumiti at tumingin...

Sa araw ng aming kasal ay walang gutom na naramdaman ang katawan ko, kahit siguro latagan mo ako ng masasarap na pagkain ay hindi ako matatakam. Dumating ang mga kaibigan at pamilya sa oras na inaasahan ko na may mga ngiti sa mga mata nila at luha sa iba, Nakita nila ang isang batang nangarap, isang batang nangulit, isang batang namroblema sa buhay, isang batang lumaki at nagbinata at iiwan ang mantel ng pagkabinata para suotin ang mantel ng isang hari na mangangakong magsisilbi habang buhay sa kanyang reyna.

"Tara na mahal, mangako na habambuhay sa harapan ng sa lumikha" 31

tayo atin

ng ay


RECIPE OF A PUPPY LOVE MATALABONG KWAGO Sangkap : 2 tao (estranghero) Paraan ng paggawa : •

1 – 2 linggong paglabas ng bahay.

• Pakikipaglaro sa mga kapitbahay. Mas mainam kung gagamit ng mga palarong nangangailangan ng maraming kalahok upang mas maging maganda ang kalalabasan. • Maging mapanuri sa paglalaro. Iwasan ang pakikipagtalo upang maging malaki ang tiyansang magtagumpay. • Sa unang linggo, araw-araw makipaglaro para makabuo ng pagkakaibigan. • Sikaping maging mabuti sa lahat upang madaling makuha ang kanilang loob. • Palaging magbigay ng papuri sa lahat at lalo na sa nais mong kaibigan. •

Maging maporma at alamin ang hilig niya.

Huwag magpakita ng ilang araw upang ikaw ay hanapin.

• Kung may progresong nakikita, ipagpatuloy lang ang ginagawa. •

Kung wala naman, lumipat sa kabilang bayan.

Ang “recipe” na ito ay gabay lamang. Nasa sa’yo pa din ang tamang pamamaraan kung paano gagawin ang mga hakbang. Maaaring dagdagan o bawasan ang mga nasabing hakbang upang makuha ang iyong tamang panlasa

xxxii


PAGTANGIS SA PANULAT NI: BENJO IBARRA si benjo ibarra ay nagsimulang sumulat noong siya ay 12 anyos pa lang, nahilig siya at nahumaling sa anyo ng mga tula na kanyang nababasa, kung paano ipaparating ang isang mensahe na may damdamin at tono, kung paano mo ilalahad ang saloobin mo.. kadalasan ang kanyang paksa sa pagsusulat ay kabiguAN, AT KARAmihan sa kanyang mga sinulat ay halaw sa kanyang nakaraan. sa ngayon, isa siyang kusinero sa isang restaurant. bago pumasok at pag uwi galing trabaho, nagsusulat at nagbabasa siya. salamat sa teknolihiya, di na siya nahihirapang maghanap ng mga kwento na gusto niya dahil sa wattpad. abala siya sa mga bagay na di karaniwang ginagawa ng iba, siya ay nagiisa sa apat na sulok ng kwarto kasama ang ballpen at notebook.

PROLOGUE :

PAGTANGIS

Sa isang umagang mapanatag, Luntiang paraiso sa berdeng hardin nakalatag, Dumaloy ang agos ng luhang namamanaag, Tinangay ang saya na nagpapatatag. Ng damdamin na puno ng pagpapahalaga, Poot na di nagpapahalata, Sa bawat pagngiti na pinapakita, Panambitan ang salitang mahal kita. Sa bawat kumpas ng oras na lumipas, Ang minsan ay hindi dama ng madalas,

trivia sa tulang pagtangis: ang tula pagtangis ay naglalahad ng totoong damdamin at hango sa tunay na pangyayari, ngunit kadalasan sa bawat taludtod nito ay iba iba ang daloy. kung isa kang tunay na mambabasa mahihiwagaan ka sa mensahe dahil malalaman mo ang kahulugan ng isang malalim na pahayag na kung pagtatagni mu ay mauunawan mo ang kahulugan, dahil ang tulang pagtangis ay di lang umiikot sa kalungkutan. ito ay halaw sa tunay na nakaraan, kaya medyo kalat ang pagpapahayag ng paksa at wala iisang patutunguhan.

Kahinaan at pagkawala ng lakas, Sa pagbalik tanaw ng lumipas. Marahil alam kong may iba ka na, Ngunit ‘wag mo lang sa akin ipamukha, Masidhi sa kasawian ang iyong ginawa, Paalam na lang ang huling salita

xxxiii


Dahil di kayang punan ang kulang sa patlang, O mapigilan ang balakid man o hadlang, At masabi na tanging ikaw lang, Ang pagmamahal mo sa akin sapatlang. Higit pa sa kwento ng Florante at Laura, Walang kalausan, di tulad ng harana, Ang laging hiling, ang katuparan ng sana, Pagsilay ng iyong ngiti at lagi kang makasama.

ILUSYON (Ikalawang Pagtangis) Aking sasambitin ang mga salita, Waring nakadikit, na parang linta, Takot ang pumigil sa bigkas ng dila, Ipadala sa hangin na mahal kita. Nais iparating bawat panambitan, Kasabay ng tunog, ika'y awitan, Lubhang malayo, para lapitan, Tila langit at lupa ating pagitan.

At ang lapis man ay mawalan ng tasa, At pluma ay malukot man o mabasa,

Ang mga kahapon, ay nais kong balikan,

Ang kwento man sa libro ay maubusan ng salita,

Masilayan kang muli, aking halikan,

At ang importante man ay mawalan ng halaga.

Sumpa sa isa't isa na nilagdaan.

Ang laging nasa isip ang sigaw mong ngalan, Ang bigkas ng puso ng dahan dahan, Ang huling pagtangis kasabay ng ulan, Ang pinakahuling iyak sa iyong harapan.

Ang hiling na sana'y iyong tandaan,

Marapat bang ibigin, isang tulad ko, Puno ng lungko’t poot at pagkabigo, Kahit sandali lang, naging masaya sa’yo, Kapalit nito ay agarang paglayo.

xxxiv

Gaano kataas ng di ka maabot, Paano ko tutuwirin, mga baluktot, Walang lunas, ikaw lamang siyang sagot Sa damdaming kong luray, at pusong lukot. Ikaw ang dahilan, ng tulang PAGTANGIS Dahil ito sa pagmamahal ko ng labis Walang anumang tugon, sa mga pagnanais Ang pangarap , may dala lang na hapis. Ikaw ang dugtong ng nawawalang kulang, Laktaw sa hindi ko makita na baytang, Karagdagan sa hindi wastong paggulang, Makilala kita, sana'y hindi na lang. Di kayang pigilan ang aking ilusyon, Bakit na wala ang mga imahinasyon, Martir at hangal na aking mga ambisyon, Maging akin muli isa lang Ilusyon.


ANG LIHAM (Paangatlong Pagtangis)

Bakit tatakasan ng katinuan, Maglalaho ba at lalayuan, Mapagbirong tadhana'y napaglaruan, Sinong nagkulang para hindi mapunan.

Ano ang pananakip, sa'kin mga lamat, Pagkalimot ba sayo, ay nararapat, Pagtalikod, at paghilom ng sugat, Lugmok sa madilim, na bahagi ng gubat.

Paano unawain ang mga basahin, Aalamin nga ba at iintindihin, Mga liham na iiwan, para sa akin, Pariwarang layon ay iisipin. Marahil palaging may tandang pananong, Gusto kung pagsigawan ang mga bulong, Mga eksena't nangyari na dito nahantong, Isang labis at tahasang pagkalulong.

Gaano ba kadami ang mga piraso, Ito'y nakatali sa itim na laso, Na nakabalot sa iisang regalo Ang mga linyang "Wala na nga pala tayo".

Ano ang pananakip, sa'kin mga lamat, Pagkalimot ba sayo, ay nararapat, Pagtalikod, at paghilom ng sugat, Lugmok sa madilim, na bahagi ng gubat.

Kung kaya ko lang gawin ang mga paraan, At maharangan lahat ng lakaran, Hakbang ng iyong paa ay mahawakan Mga kagustuhan mo, aking mapalitan Mapapabagal ba ang oras ng takbo? Nawa'y maiwasan ang aking silakbo, Mapaikot ulit rotasyon ng mundo, Sa di pagkaunawaan ay magkasundo.

xxxv


�

ISINULAT NI: MHERICON JEAN L. LORENZO

WRONG TURN, U-TURN, RETURN Tumakbo ako palayo, hanggang sa ako'y mapagod. Huminto ako sandali at pansamantalang nagpahinga, at muli pa’y tumakbo ako hanggang marating ko ang hangganan. Nagulat ako sa aking natuklasan, heto na naman ako sa lugar kung saan ako nagsimulang tumakbo palayo. Ang lugar na aking tinatakasan, ang huling lugar na naisip kong balikan. Muli pa ay tumakbo ako palayo at tumakas, tinahak ang bagong landas kaiba nung sa una. Hanggang marating ko ang hangganan nito. Ngunit bigo ako ‘pagkat muli ko na namang natagpuan ang sarili ko sa lugar kung saan pilit akong lumalayo, ang lugar na gusto kong takasan at ayoko nang muling balikan.


Sa ikatlong pagkakataon muli akong tumakbo at nagpakalayulayo, tinahak ang bagong landas kaiba nung sa dalawang nauna. Pagod na pagod na ako. Sandali akong huminto upang magpahinga at makaipon ng sapat na lakas para sa muli kong pagtakbo palayo. Nakakatawa, takbo lang ako nang takbo ng walang tiyak na patutunguhan, ni walang tiyak na pupuntahan. Sa kabila ng pagod na aking nadarama, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo dahil sa hangarin kong makalayo at tumakas mula sa lugar na aking pinagmulan.

iba sa mga nauna kong tinahak. Tama, nakabibighani nga itong tunay! Nakaka-akit, ngunit mapambulag ang angkin nitong ganda sapagkat panlabas lamang pala dahil habang palapit ako nang palapit sa hangganan nito ay naging masalimuot ang aking paglalakbay rito.

Sa wakas, nakalampas din ako mula sa mapanlinlang na daan, at narating ang hangganan nito. Pero, teka parang may mali, pinaglalaruan ba ako ng isang maligno o ng isang engkanto? Hindi ito maaari! Hindi! Namamalik-mata lamang ako at guniguni ko lamang ang lahat ng ito, isang imahinasyon. Isang panaginip, mali isa pala itong bangungot at gusto ko nang magising mula rito. Pero bakit gano’n, parang totoo ang lahat ng nakikita ko? Hindi! Hindi ito maaari! Dinaraya lamang ako ng aking paningin, imposible! Ayaw ko! Ayaw ko! Gusto kong umiyak ngunit walang luhang pumatak mula sa aking mga mata. Bigo na naman ba ako? Siguro nga muli na naman akong nabigo, ngunit hindi ito maaari. Hindi! Hindi ako papayag!

Gusto kong tumakas, ngunit hindi ko alam kung bakit? Gusto kong lumayo, ngunit `di ko alam kung saan ako tutungo? Basta isa lang ang alam ko, gusto kong lumayo mula sa lugar na iyon. Muli akong huminto at nagpahinga sandali, at nang makaipon ng sapat na lakas, muli ay nagpatuloy ako sa pagtahak sa landas na hindi ko alam kung saan patungo. Basta ang mahalaga ay makalayo ako! Sa kabila ng pagod na aking nadarama ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Natatanaw ko na ang hangganan. Malapit na, kaunting tiis na lang at abot kamay ko na. Labis ang galak na aking nadarama, puno ng pagasam itong aking puso, na sana ay ito na nga ang lugar na aking hinahanap. Teka, ano nga ba ang hinahanap ko? Basta ang alam ko lang gusto kong lumayo at tumakas mula sa lugar na iyon.

Tama, hindi puwedeng mangyari ‘to, tatakas akong muli at tatakbong palayo, ngunit paano? Ubos na ang aking lakas, ni di nga ako makagawa ni isang hakbang, ni hindi rin makatayo dahil sa labis na pagod at hirap na aking nadarama. Idagdag pa ang labis na panlulumo dahil sa kabiguan. Pero, hindi ito maaari, lalayo ako at muling tatakas. Tama! Maraming beses ko nang nagawang lumayo at tumakas mula rito at hindi na mahirap gawin ‘yon. Kung nagawa ko noon, bakit hindi ngayon? Tama, tatakas ako, ngunit kailangan ko munang mag-ipon ng sapat na lakas para sa muli kong pagtakas, nang sa ganoon ‘pag mayroon na akong sapat na lakas ay magiging madali na sa akin ang lumayo at tumakas mula sa lugar na ito. Kung saan ay ipinangangako ko at sisiguraduhin kong hindi na ako muling babalik pa sa lugar na ito.

Sa wakas ay narating ko na rin ang hangganan, teka, bakit ganoon? Ayaw ko rito! Oo, hindi nga ito katulad ng lugar na pinagmulan ko, ang lugar na pilit kong tinatakasan. Pero, hindi naman ito ang hinahanap ko. Hindi na ako nagtagal pa nang pananatili sa lugar na iyon. Muli ay nagsimula na nga akong maglakbay palayo mula sa lugar na iyon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo mula sa kung saan, patungo sa kawalan. Malapit na ‘kong sumuko at mawalan ng pag-asa. Pero, hindi! Iyon ang huling bagay na gagawin ko, ang sumuko. Kagaya ng pagbalik sa lugar na pilit kong tinataksan. Hindi! Lalaban ako at magpapatuloy, muli nga’y nagsimula ako sa pagtakbo, binagtas ang bagong daang nais kong tahakin. Nakabibighani ang angkin niyang kariktan, naka-eengganyo, na tila ba hinihimok akong taludturin ito hanggang wakas. Kaakit-akit talaga ang angking kagandahan nito,

Nang may sapat na akong lakas para sa muling pagtakbo, hindi na ako nagdalawang-isip pa at nagmadali na ako sa aking pagtakas. Tumakbo lang ako nang tumakbo gaya ng dati, ni walang tiyak na patutunguhan sapagkat ang hangarin ko lang ay makalayo, kahit saan. Teka, parang.. Teka naguguluhan ako, bakit ganito ang

37


nararamdaman ko? Hindi ito maaari! Hindi, ayoko! Malayo na ang natakbo ko, malayo na ang narating ko. Marami na ‘kong sinakripisyo at iniwan para rito. Hindi, hindi pywedeng mangyari ‘to! Kung nagawa ko ng maraming beses, bakit hindi ngayon?

Pagod na ako, pero kailangan ‘kong magpatuloy gaya nang dati, ngunit di ko na kayang tumakbo pa. Naglakad ako, kulang na lang ay gumapang dahil sa labis na pagod, malapit na ‘kong sumuko at mawalan ng pag-asa. Pero, hindi! Kailangan kong lumaban at hindi ako susuko, ‘pagkat iyon ang pinakahuling bagay na gagawin ko, ang sumuko.

Nagawa ko nga ba? Oo, tumakbo nga ako palayo, pero ang tanong nakatakas ba ‘ko? Hindi! Tama, hindi nga, sapagkat sa huli bumabalik pa rin ako sa lugar na iyon, ilang beses kong sinubok, ngunit sa t’wina ay bigo pa rin ako. Sapagkat sa dulo ng lahat ng ginagawa kong paglalakbay, ng paglayo hinahatak pa rin ako ng aking mga paa pabalik sa lugar na pilit kong tinatakasan.

Ilang sandali pa dahil sa labis na pagod ay nawalan ako ng ulirat. At nang ako ay magkamalay mula sa pagkakahimbing. Nasaan ako? Langit na ba ‘to? Isang panaginip? Isang napakagandang panaginip at ayaw ko nang magising. Sa wakas nakabalik na akong muli! Teka, totoo ba ito? Tama! hindi ito isang panaginip, hindi rin isang guniguni, lalong hindi isang imahinasyon sapagkat totoo ang lahat ng ito, nadito na nga akong muli.

Hindi puwedeng mangyari ang lahat ng ito! Kailangan kong magpatuloy! Kailangan kong makalayo! Kailangan kong tumakas! Pero, bakit naman ako tatakas, may dapat ba akong takasan? Wala naman, ‘di ba?

Akala ko hindi na ko makakabalik pang muli, pero heto ako ngayon nakatayo sa lugar na minsan kong kinatatayuan. Ang lugar na minsan o maraming beses kong pilit na tinatakasan. At mula ngayon, hindi na ako tatakbo palayo mula sa lugar na ito, yayakapin ko na ang kapalarang naghihintay sa’kin dito. Tama, ito ang tadhana ko at nandito ang kapalaran ko. Nagawa ko mang takasan ito noon, ngunit panandalian lamang, sapagkat sinundan lang ako nito at hinila ako pabalik ng aking mga paa sa lugar na ito. Kahit na anong pagtakas pa ang ginawa ko nangyari pa rin ang lahat ng ito, sa huli ay bumalik pa rin ako, ‘pagkat ito ang tadhana ko.

Oo, tama! Wala naman nga akong dapat na takasan, dahil tanging mga duwag lamang ang tumatakas. Siguro nga ay naduwag ako at natakot, natakot sa isang bagay na hindi naman dapat na katakutan. Hindi, hindi naman ako tumakas. May hinanap lang ako, ngunit hindi ko naman alam kung ano. Tama, may hinanap lang ako, kaya pinili kong lumayo upang hanapin iyon. At ngayong alam ko na kung ano iyon, kailangan ko nang bumalik sa lugar kung saan ako nagsimulang maglakbay dahil ito rin ang lugar na hinahanap ko. Tama, matagal na pala akong mayroon ng bagay na ‘yon, na matagal ko na palang nakita ang bagay na ‘yon bago ko pa man simulan ang paghahanap dito. At ngayon kailangan ko na talagang tumakbo pabalik. Iyon nga ang aking ginawa, lakad-takbo kong tinaludtod ang daan pabalik sa lugar na pinanggalingan ko.

Ang tagal kong hinanap ang sagot sa kung saan, pero bigo ako. Nakatatawa lang isipin na ang tagal kong nag-aksaya ng panahon sa paghahanap ng isang bagay na matagal na palang na sa’kin. Ang lugar na ito, ang mga tao at mga bagay sa paligid nito. Ang tagal ko na palang natagpuan ang hinahanap ko, ngunit ngayon ko lang natuklasan at napagtanto kung ano. Kaya pala pilit akong hinahatak ng paa ko pabalik sa lugar na ito, kahit ilang beses pa akong tumakas at tumakbo palayo rito. Kaya pala...

Teka, parang may mali? Pero tama naman ang daang tinatahak ko, ngunit tila ba naliligaw yata ako? Pero ito lang rin naman ang daang tinahak ko kanina? Pero bakit ganoon, pinaglalaruan na naman ba ako ng engkanto? Halos doble na nga ang layo ng itinakbo ko pabalik, pero hindi ko pa rin makita ang lugar na hinahanap ko, ang lugar na pinagmulan ko.

38


IPINASA NI: DARWIN MEDALLADA

� Ang Mundo ay Isang Malaking Asylum

ang pangalan ng bayaning matagal ng nakakasagupa at pumipigil sa mga plano niya. ! Wala ng natirang mga baraha mula sa kamay niya. Hinayaan niyang manatiling nakalapag ang mga ito sa lamesa. Dumukot siya sa bulsa at tiningnan ang isang barahang may larawan ng payaso. Oras na, iyon lang ang tanging salitang sinambit niya bago isuklay ang dalawang kamay sa buhok niyang kulay berde. Naglakad pa siya ng kaunti bago marating ang lugar kung saan nakapwesto ang salamin. Tiningnan ang repleksyon ng mukha sa salamin at kinapa-kapa ng kaliwang kamay ang kanang parte ng labi na may pasa. Nginitian niya ang sariling repleksyon at bago umalis ay tiningnan niyang muli ang maputing mukha na parang binudburan ng harina.

Hawak na naman niya ang isang deck ng baraha sa kanang kamay niya. Pinababagsak sa lamesa ang bawat piraso ng baraha ng paisa-isa na parang binibilang ang bawat segundong lumilipas. Pagkatapos ay dinampot niya ang barahang nakakalat sa lamesa ng maubos ito dahil sa paglalaglag niya.

! Para kay Joker, ang Gotham at ang iba pang lugar sa mundo ay isang napakalaking Asylum o institusyon ng mga taong nababaliw. Iniisip niya na ang lahat ng tao ay kagaya din niyang baliw, ang pinagkaiba niya nga lang sa mga ito ay siya ay baliw na may pag-iisip at plano kung papaanong mababago at magkakaroon ng pantay – pantay na pagtingin ang bawat tao sa buong mundo. Patayin ang sanlibutan, ang malawakang pagpapasabog ng Gotham ang una niyang gagawin para mapatay niya na ang kaisa – isang mortal na kaaway simula pa lang. Si Batman na mula pa noong umpisa ay hindi niya na nakakasundo pagdating sa ideyolohiya.

! Wala siyang kaharap na mga tao sa lamesa at tanging isang bote lang ng alak ang nakapatong dito. Nagbalasa siya, hinati sa apat ang bigay ng baraha. Sa mga sandaling iyon ay taimtim niyang pinaplano ang pinakahuling bagay na gagawin niya sa Gotham ng mag-isa. Iniisip niya kung paanong hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa din siya nakikilala ng mga tao bilang isang bayani kundi isang kaaway. Si Batman ang unang pumasok sa isip niya, ang bayaning kalaban niya mula pa noon. Bakit nga ba si Batman ang laging kinakailangang maging bayani at hindi siya? Dahil ba isa lang siyang baliw na payasong walang pagkakakilanlan? Totoong hindi alam ni Batman ang pangalan niya at ganoon din naman siya rito, hindi niya alam

Ang iba, na siyempre ay hindi niya kagaya ay tinagurian niyang mga baliw ng lipunan. Ang mga taong abala sa 39


pagpapadami ng pera at panlalamang sa kapwa. Mga taong walang inatupag kung hindi ang digmaan at ang pagtapos sa lahi ng bawat isa. Ang walang katapusang paglikha ng mga sandata, ang pagkontrol at ang paghahari. Ang walang katapusang ganid at paglaganap ng kasamaan. Iyon lang naman ang gusto niyang alisin sa sangkatauhan.

din ang naihagis niya sa iba’t – ibang lugar bago pa man dumating ang inaasahan niyang panauhin. ! Sa gitna ng dilim ng gabi at walang habas na pamamaril ni Joker ay hindi niya namalayan na pababa na mula sa mataas na gusali si Batman. Bumagsak ito sa sasakyan niya at natupi ng bahagya ang bubong ng sasakyan. Sumunod namang pinuntirya at binato ng Batarang ni Batman ang gulong upang hindi na makaandar pa ang sasakyan. Ang buong paligid nina Batman at Joker ay napuno ng usok at napaligiran ng apoy na nilikha ng sunod – sunod na pagsabog. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang mga pulis at napaligiran silang dalawa. Humalakhak lang si Joker ng malakas at dumukot sa bulsa ng pantalon niya. Tiningnan ang paligid at itinaas ng bahagya ang kaha ng sigarilyo.

! Lahat ng tao ay baliw. Sa iba’t – ibang paraan at iba’t – ibang aspeto. At ito na nga ang araw na itinakda para tapusin niya ang mga baliw at ang kabaliwan sa Gotham. ! Lumabas na siya sa warehouse sakay ng isang sasakyan na puno ng mga baril at mga granada. Kailangan niyang kumitil ng buhay sa pamamagitan ng baril at bomba. Dapat ay katakutan siya. ! Isa lang iyon sa alam niyang paraan para mapalabas ang bayaning itinuturing ng Gotham. Habang umaandar ang sasakyan ay nagmamasid siya, tinitingnan kung sino ba ang dapat maunang mamatay sa mga taong nakakasalubong niya. Ang una niyang binaril ay ang lalaking lasing na humarang sa sasakyan niya. Sa ulo tinamaan ang lalaki at mabilis itong bumagsak sa harapan ng sasakyan niya. Hindi pa nakuntento si Joker at sinagasaan niya pa ito. Sumunod naman niyang binaril ang isang babae na sinasampal ng paulit – ulit ang batang walang tigil sa pag-iyak. Tinadtad niya ng bala ang katawan nito gamit ang Uzi na nakasukbit sa beywang niya. Nang hindi tumigil sa pag-iyak ang bata ay ito naman ang binaril niya. Mabilis na lumagpak sa katawan ng babae ang katawan ng batang duguan, parehong duguan, wala ng natirang hininga. Halos tatlong granada na

!

“Surprise!”

! Sunod – sunod na malalakas na pagsabog ang narinig sa paligid. Nadukot na ni Joker ang Uzi na nakasukbit sa beywang at nakatutok na ito kay Batman ng mapansin ito ng ikalawa at mabilis na tumambling para makaiwas sa bala ng Uzi. Pagkalabit ni Joker sa baril ay isang maliit lang na bandila ang lumabas mula rito. Nakasulat sa bandila ang salitang ‘Bang!’. Nang lumabas ang bandila ay mabilisan itong tinanggal ni Joker sa dulo ng baril at pinaputukan si Batman na mabilis naman nitong nailagan. ! “Maligayang Pagdating, Batman!” ibinagsak ni Joker ang baril sa gitna ng sementadong kalsada. “Kanina pa kita hinihintay.” 40


! Nang mapansin ni Joker na papalapit na si Batman sa kaniya para suntukin siya ay mabilis niyang inunahan ito ng suntok. Sa sikmura. Malakas iyon at pinaatras ng suntok niya si Batman.

suntok. Siguro’y daing iyon ng pagtitiis para sa akin. O marahil ay daing lang iyon ng labis na paghihirap na dinaranas niya sa kamay ni tatay.Ilang araw pang nagpatuloy ang pananakit na ginagawa ni tatay kay nanay. Ang kawawang nanay ko na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko. Hanggang sa isang araw…”

! “Bakit napakaseryoso mo? Masyado ka naman yatang nagmamadaling hulihin ako. Hindi naman nagmamadali ang hustisya hindi ba?” Pinagpagan ni Joker ang green vest. “Bakit hindi mo muna hayaang magkwento ako sa iyo.”

! Muli pa niyang paghinto sa pagkukwento ng mapansing nabubuksan na ni Batman ang net. Binaril niya pang muli ito at nilukob muli si Batman ng malaking net. Kataka – taka namang wala nang dumadating na mga pulis. “Hintayin mo munang matapos ko ang kwento, Batman!”

! Papatayo na si Batman para muling umatake nang bigla niya itong binaril gamit ang Net Gun at mula sa nguso ng baril ay lumabas doon ang net na bumalot sa buong katawan ni Batman.

! “Hanggang sa isang araw sa kalagitnaan ng pangbubugbog ni tatay kay nanay ay napansin niya ako sa isang sulok na madalas ‘kong puntahan at pwestuhan para panuorin ang pag-aaway nila. Hinatak niya ako pero balewala lang sa akin iyon, mas inaalala ko ang nanay ko. Sa gitna ng paghatak sa akin ni tatay ay nakatingin lang ako kay nanay, tinitingnan ko kung maaawa siya o aawatin niya ba si tatay para mapigilan ang nalalapit na pambubugbog sa akin. Hinatak niya ako at hinila ang braso ko, hindi pumigil ang nanay ko. At alam mo ba kung ano ang sinabi niya?” magmula sa bulsa ay hinugot ni Joker ang kutsilyo at naglakad siya papalapit kay Batman.

! “Alam mo ba kung paanong nagkaroon ng ganitong sugat ang labi ko.” Pagsisimula ng kwento ni Joker. “Nagsimula ang lahat noong anim na taong gulang ako. Mula sa maghapong pagtatrabaho ng tatay ko sa Construction Site ay umuwi siya isang araw na lasing na lasing. Hinahanap ang nanay ko. Tinatanong kung bakit walang pagkaing nakahain sa hapag. Sinisigawan niya ang nanay ko habang hawak ito sa braso at hinihila papalapit sa kanya. Naroon lang ako sa isang sulok ng bahay, sa lugar na malapit kung saan sila nag-aaway. Alam mo ba kung ano ang sinagot ng nanay ko?” Huminto ito saglit sa pagkukwento. “Sinabi niya sa tatay kong wala naman kaming kakainin dahil wala naman siyang perang ibinibigay rito. Ang nangyari, binugbog niya ang nanay ko. Buong magdamag narinig ko ang impit na pag-iyak niya, marahil ay dulot iyon ng kirot at sakit na nilikha ng mga tadyak at

! “Bakit napakaseryoso mo? Gusto mo bang lagyan natin ng ngiti ang iyong mga labi? Halika. Lumapit ka dito, anak. Iyon ang sinabi ng tatay ko. Sa labis na takot ko ay tumigil ako sa pagpiglas sa pagkakahawak niya. Kumuha siya ng kutsilyo at minarkahan ng sugat ang labi ko para mapalabas 41


ang ngiti na inaakala niyang nagkukubli sa mga labing ito. Buong magdamag akong umiyak noon, ang una’y dahil sa sakit na naramdaman ko sa pisikal na sugat na ibinigay sa akin ni tatay at ang ikalawa namang sakit ay dahil sa pagtatraydor na ginawa sa akin ni nanay. Hindi niya ako pinagtanggol mula kay tatay. Ngayon, kung sasabihin mong marahil ay natakot lang si nanay kaya hindi siya lumapit para pigilan ang tatay ko, sasabihin ko sa iyong mali ka dahil wala ka sa lugar at panahong iyon. Nakita ko sa mga mata ni nanay ang saya noong hinahatak pa lang ako ni tatay, saya na parang nalilibang siya sa panonood sa pagpaparamdam sa akin ng sakit ng tatay ko. Kaya naman mula noong araw na iyon, sinabi ko sa sarili kong maghihiganti ako.” !

sila ng buhay. Gusto kong makita kung paanong masunog ang mundong nilikha nila. Kagaya ng pagkasunog nitong mundong nililikha mo para sa Gotham!” ! Malakas na alingawngaw ng halakhak ni Joker ang nangibabaw sa buong Gotham. ! “Pwede naman tayong maging magkakampi tungo sa pagbabago kung gugustuhin mo.” ! “Papaano?” nagulat na lang si Joker ng mapansin niyang wala na sa net si Batman. Napaatras siya ilang hakbang mula dito. “Pagbabago tungo sa kabutihan ang pakay mo. Kasamaan naman ang sa akin, titingnan natin kung sino ang magwawagi.” Umubo ito ng malakas at dumura sa lupa. “Alisin natin ang kabaliwan sa mundong ito. Hindi ba’t gusto mo lang hanapin at paghigantihan ang pumatay sa mga magulang mo? Huwag ka ng magpanggap na hustisya talaga ang gusto mong ipaglaban. Sigurado akong galit lang ang nariyan sa iyong kalooban, Batman.”

Umupo pa saglit si Joker at tinabihan si Batman.

“Naganap ang araw na iyon. Kaarawan ko noon at tulog na tulog ang mga magulang ko. Pareho silang mukhang masaya. Sandali, nasabi ko na bang simula ng magawa ang sugat na ito na nasa aking mga labi ay nagsimula na din silang pagtulungan ang pambubugbog sa akin? Ganoon nga ang nangyari. Nawalan ako ng kakampi. Nawalan ako ng lakas sa bahay. Anim na taong gulang lang ako noon, gusto kong maglayas pero saan naman ako pupunta. Haha! Kaya noong araw ng kaarawan ko ay dahan – dahan ko silang tiningnan sa kwarto, siniguro kong mahimbing silang natutulog.Itinali ko ang pinto para hindi nila iyon mabuksan. Kumuha ako ng posporo. Bumili ako ng gas. Ibinuhos ko iyon sa ilang bahagi ng maliit na bahay namin at sinunog ko

“Gusto ko palang sabihin sa iyo na maganda ang kwento mo. Hindi ko nga lang alam kung dapat ba kitang paniwalaan.” “Maniwala ka man o hindi ay wala ng magbabago. Bayani ka at ako ang kalaban mong magpapatunay noon. Palagi. Isang kontrabidang walang ibang ninais kundi mabago ang mundo ng mga baliw, ang mundong patuloy mong pinaglalaban.” Lumapit siya kay Batman at nagpalitan sila ng suntok. 42


Drive"

“Magbabago din ang pananaw mo sa paglipas ng panahon at sasamahan mo ako sa kung ano ang ipinaglalaban ko. Makikita mo din ng higit ang mga bagay na gusto kong ipakita sa iyo.” Pagpapatuloy ni Joker.

Sa panulat ni April Celine Gelogo

! Napuno na ng ingay ang buong paligid. Bago pa man malapitan ang dalawa ng pulis ay naibato na ni Joker ang Smoke Bomb na nagkubli kung saan sila naroroon.

'Whatever tomorrow brings I'LL BE THERE!!!!'

! “Siya nga pala, Batman. Totoong kwento ang narinig mo kanina. Hindi ba’t mas masalimuot iyon kaysa sa nangyari sa iyong ama’t – ina?”

! Pagsabay ko sa kanta ng paborito naming banda ng boyfriend ko. Yun yung paulit-ulit na tumutugtog sa cellphone ko.

! Nang makaalis si Joker ay nag-iwan siya ng isang barahang may sulat na,

! Galing ako sa gimik, lasing na lasing na naman ako. Nababalot ng kalungkutan.

Hanggang sa muli, bayani. Paalam.

! Nilukuban ako ng matinding antok pagkahiga ko sa kama. Tulog na yata ako nang may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod. Nandito pala yung boyfriend ko.

! Inamoy nya yung buhok ko. Hinalikan ako sa tenga. Malambing na bumaba ang mumunting halik sa aking leeg. Nagbigay ito ng kakaibang sensasyon sa aking katawan na nagbigay init sa kabuuhan ko. Nauwi ito sa pag-indayog ng aming mga katawan hanggang sa marating namin ang rurok ng kaligayahan.

43


Maya maya pa ay dinalaw na si Judd ng antok. Humiga siya sa kanyang kama at natulog. Pagkalipas ng ilang oras ay ginising siya ng mga mahihinang bulong. “JJJuuuddd... ... JJJuuuddd... ... JJJuuuddd... ...“ Hindi idinilat ni Judd ang kanyang mga mata bagkos ay tinalasan pa niya ang kanyang pandinig hanggang sa maramdaman niyang sa mismong tenga na niya ito binubulong.

ANG BABAE SA ILALIM NG AKING KAMA Sa Panulat ni Positivo Uno

“Psst.... Psst.... Psst....” Sutsot na narinig ni Judd. Sa pagkakatong iyon ay nag iisa siya sa kanyang kwarto habang nagbabasa ng isang libro. Ang sutsot ay nasundan ng pagtaas ng kanyang balahibo. Naramdaamn niyang may kasama siya sa silid. Kung ano ito ay hindi niya alam. Basta’t isa lang ang sigurado. Ang nagpaparamdam sa kanya ay isang babae.

“JJJuuuddd... ... !!!” -May pagkamatigas na parang naghihingalo na tinig.

Sa pagkabigla ay napabalikwas paharap si Judd. Nabasag ang boses na kanyang narinig. Nag echo at unti unting nawala. Inilibot ni Judd ang kanyang paningin sa buong kwarto. Ngunit wala... Walang kahit na sinong nasa loob ng kanyang kwarto maliban sa kanya. Pinagpawisan siya ng malamig ng mga panahong iyon. Kinalma niya ang kanyang sarili at pinaniwala na panaginip lang ang lahat. Lumabas siya ng kanyang silid upang uminom ng tubig sa kusina at pagbalik ay dinala niya sa kwarto ang isang pusa. May nabasa kasi siyang kwento na mahusay daw ang mga pusa bilang tagapagbantay at tagapagtaboy ng masasamang espirito. Bumalik siya sa kanyang kama upang matulog

Ilang linggo nang hindi makatulog ng maayos si Judd dahil sa nararamdamang kababalaghan. Hindi niya lubos maisip o maklasipika kung ang naririnig o nararamdaman niya ay totoo o parte lang ng kanyang malawak na imahinasyon. Mahilig kasi si Judd sa mga Horror Stories at isa sa mga iyon ay ang kasalukuyan niyang hawak. Pansamantalang huminto ang binata sa pagbabasa. Panandaliang dinamdam ang katahimikan ng apat na sulok ng kanyang kwarto. Wala na siyang muling naramdaman. -Sa katunayan ay di naman siya nag-iisa sa bahay. Kasama niya ang kanyang Tito at Tita na nagpalaki sa kanya at ang kanilang walong pusa at isang aso. Subalit siya ay may sariling kwarto kaya may mga oras na nag iisa lamang siya lalo na sa pagtulog. 44


muli at itinabi sa kanyang tagiliran ang pusa. Maya maya pa ay nakatulog siyang muli.

na ramdam niya ang malamig na yakap at halik. Pero sa di maipaliwanag na dahilan, ang malamig na yakap ay unti unting uminit. Init na napakasarap sa pakiramdam. Init na parang yakap na puno ng pagmamahal. Naramdaman ni Judd ang di maipaliwanag na emosyon. Isang klase ng emosyon na tila bumukas sa kaibuturan ng kanyang natutulog na damdamin. Unti unting dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Hindi nya maipaliwanag. Hindi nya alam kung bakit. Basta tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha at hindi niya mapigilan yon. Hanggang sa unti unting nawawala ang init. Nanatili ang malamig na halik hanggang sa ito nalang ang kanyang tanging naramdaman. Ilang sandali pa ay napadilat si Judd. Pagmulat niya ay nakita niya ang kanyang pusa na idinidikit ang malamig nitong ilong sa kanyang pisngi. Napagtanto niya na panaginip lang pala ang lahat.

Subalit ginising siya ng isang mahinang iyak ng babae. Maya maya pa, ang iyak ay naging ungol... palakas ng palakas... Naglakas ng loob si Judd na bumangon sa kama at harapin ito. Nagpatuloy ang ungol ng babae...

“Sino ka! Anong kailangan mo?!� Sigaw ni Judd. Ngunit di siya nito pinapansin. Sa halip ay patuloy parin ito sa pag-ungol na tila nahihirapan. Sa pakiwari ni Judd ay sa ilalim ng kama nanggagaling ang tunog. Dahan dahan niya ito tinignan hanggang sa makita niya ang isang babaeng nakahiga at duguan aang damit sa parteng hita, tuhod at bandang binti. Hindi naglakas ng loob si Judd na tingnan ang mukha nito. Agad siyang tumayo sa kanyang kama upang iiwas ang paningin sa ilalim ngunit sa kanyang pagtayo ay may dalawang brasong malamig na yumakap sa kanya mula sa likuran. Kinilabutan si Judd ng husto. Tila may mataas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang katawan. Mas lalo siyang kinilabutan ng itinabi nito ang malamig na mukha sa pisngi niya at saka siya hinalikan. Isang malamig na halik ang iginawad sa kanya ng babaeng multo. Biglang nagdilim ang buong paligid sa kwarto ni Judd. Ramdam

Habang nakahiga ay parin sa kanyang kama ay panandaliang napaisip si Judd. Pinahid nya ang basa sa kanyang magkabilang pisngi at napagtanto niya na totoo ang kanyang pag iyak. Matapos non ay mabilis niyang tinignan ang ilalim ng kanyang kama ngunit wala siyang nakita na kahit na ano. Sandaling napaupo ang binata sa kanyang kama at pinagtagpi tagpi ang lahat.

45


Sa katunayan ay birthday niya ngayon at tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay napapanaginipan niya ang parehong senaryo. May pagkakataon nga lang na hindi pareho ang setting pero ang palaging nangyayari ay may isang misteryosong babae na yumayakap at humahalik sa kanya sa panaginip. Inisip niyang mabuti kung sino ito. Hanggang sa isang konklusyon ang nabuo sa kanyang isipan.

Lubos na nanghinayang si Judd. Sa katunayan ay hindi pa niya nakikita ang ina kahit na sa letrato man lang. At dahil hindi niya tinignan ang mukha ng multo, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mukha nito.

Mag aalas kwatro na ng madaling araw. Nag alarm ang cellphone ni Judd at pagtingin niya sa screen nito ay nakasulat ang petsang Feb 01, 2015 at ang note na “HAPPY BIRTHDAY TO ME!” na siya din mismo ang nag set at nag type. Habang inaayos ang gulo gulo niyang kama ay biglang lumabas sa kanyang labi ang isang makabuluhang bulong...

Maaring ang babaeng bumibisita sa kanya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay ang kanyang inang binawian ng buhay matapos siyang isilang. Na nagpapaalalang wag siyang kalimutan at alalahanin ang sakripisyo na inalay.

“Salamat sa pagdalaw... See you next year... Mama” :’|

Naisip ni Judd ang sarili. Tiningnan niya sa salamin ang kanyang repleksyon at nakita nya kung gaano kaayos ang kanyang pangangatawan. Pinagnilay nilayan niya ang lahat ng mayroon siya. Ang kanyang mga achievements, ang klase ng buhay na kanyang tinatamasa, ang masasayang nangyari sa kanya, ang mga hindi pa niya nararanasan pero mararanasan din sa takdang panahon. Lahat ng yon ay utang na loob nya sa kanyang ina. Ang ina na nagbigay sa kanya ng “BUHAY.”

Para sa mga sulatin, suhestiyon o opinyon, maaaring magpadala ng email sa lapissakalye@gmail.com 46


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.