LAPIS SA KALYE ONLINE MAGAZINE

Page 1

DEC 2014

LAPIS SA KALYE Online Magazine Lapis sa Wattpad Dudong Daga Chronicles Photosynthesis Project Give Hate on Christmas Day Pitumpu’t Pitong Puta Mensahe ng Isang Anino PS Cover Photo taken by: Mariyey del Rio


Editor’s Note Malamig na naman ang simoy ng hangin at isang katerba na naman ang nangangaroling sa labas ng inyong bahay, paulit ulit na awiting nagsisimula sa "Sa may bahay, ang aming bati..." at nagtatapos sa "Ang babait ninyo, thank you!". Kinalakhan na natin ang ganitong tugtugin pagtungtong pa lang ng unang araw ng Setyembre. Hindi ba ang saya sa pakiramdam na alam mong darating na ang 13th month pay mo at kailangan mo ng mag shopping ng mga pang regalo sa di mo mabilang na inaanak? Nandyan din ang Metro Manila film festival na samu't saring palabas ang mapapanood at malamang mahaba na naman ang pila sa sinehan. Magkaganoon pa man, wag naman sana nating kalimutan ang tunay na diwa ng pasko, at iyon ay ang pagdiwang ng kapanganakan ni Hesus. Iwasan ang pagtambay lang sa labas ng simbahan tuwing simbang gabi, pumasok ka sa loob at makinig sa sermon. Galangin mo ang simbahan at imbis na makipagyakapan ka sa labas, ay makinig at mag focus sa sermon ng pari. Oo, alam kong malamig ang panahon, pero hindi ito ang dahilan para maglandi. :) Tapos, kung may sobra ka naman, bakit di mo ibahagi sa mga mas nangangailangan? Magbigay ka ng pagkain, kahit yung mga sobra (hindi lang yung tira tira) sa noche buena niyo, mapapahalagahan na yan ng iba. Sabi nila "Give love on Christmas Day", kaya iwasan mo naman ang pakikipagtsismisan at sa halip ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Bakit hindi mo pagkaabalahan ang New Year’s Resolution mo? Na ang laman ay hindi lang para magpaganda ng katawan, kung hindi ay

magpaganda na rin ng ugali. Tapos kung maaari, wag ka lang gagawa

ng mabuti tuwing magpapasko, araw arawin mo na. Bakit maghihintay pa tayo ng pasko para lang gumawa ng mabuti? Hindi ba dapat “Give love everyday.” Sana po ay mapasaya namin kayo sa aming libreng online magazine. Pangatlong issue na ito ng Lapis sa Kalye. Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para maipagpatuloy ang aming adhikain na itaguyod ang literaturang Pilipino. Kaming lahat sa Lapis sa Kalye ay binabati kayo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Sana kasama sa inyong bagong New Year’s Resolution ang pagyamanin ang wika at Kulturang Pilipino.

Princess Cindz

1


Mga Manunulat Ng Lapis Sa Kalye Kilalanin Ang Mga Mukha Sa Likod Ng Mga Sulatin Sa Pahina EDITOR IN CHIEF NG MAG/ WRITER

WRITER/ FOUNDER Dudong Daga

Princess Cindz

Mahilig siya sa keso at medyo hawig din siya kay Ding Dong Dantes pag gising, si Aljur naman pag tulog. Madalas ay nakikipag jamming kasama ang mga kabanda at kailan lang ay nanalo ito first prize sa Blue Idol.

Siya ang prinsesa na mas marami pa ang libro kesa sa damit. Bata pa lang siya adik na siya sa mga kuwentong Pilipino. Mahilig din siya mag lakbay at pangarap niya marating bawat sulok ng Pilipinas.

WRITER/ FOUNDER Kunis

WRITER/ PHOTOGRAPHER

Siya ang pinakamasayang taong mamatay sa pag dating ng pg hahatol. yung kaluluwa ko ang gugulo sa mundo ng kaluluwa

Mariyey Del Rio Mahilig siya sa chocolate at paborito niya ang konsepto ng pagibig. Madalas niyang kausapin ang mga karakter na kanyang ginagawa.

WRITER WRITER

Anino

Hinaharap

Medyo mahiyain at madalas ay nagtatago lang siya sa dilim, pero siguradong maaantig kayo sa kanyang mga sulatin na hahango sa realidad ng buhay.

Madalas siyang naglalagi sa computer shop para maglaro ng dota. Magkaganoon pa man, magugulat ka sa kanyang mga sulatin na mapanghimagsik.

WRITER Wind up Bird Hindi tuloy tuloy ang pagsasalita niya ng wikang tagalog, pero hindi ito nangangahulugan na hindi niya mahal ang bansang Pilipinas. Medyo nakaka nosebleed ang kanyang mga sulatin kaya lagi kayong maghahanda ng tissue.

WRITER Matalabong Kwago Hatid niya ay mga kwentong tumatalakay sa mga importanteng isyu ng lipunan. Bukod sa pagiging magaling na manunulat, isa rin siyang masipag na negosyante.

WRITER/ PHOTOGRAPHER Seksing Patatas WRITER

Para kang merong “Ate” pag kasama mo si Seksing Patatas, paniguradong napakarami mong matututunan, di lang sa photography, kung di pati na rin sa love life.

Anti’nyakis Sa dami ng karanasan niya sa buhay ay siya na ang pinaka “good girl” sa grupo ngayon. Lahat ng mababasa niyo ay galing sa kanyang nagaalab na puso.

Nagpapasalamat din kami sa mga contributors ng magazine na sina: Mr. Don Vittorio C. Villasin & Ms. Jesse B.T. 2


LAPIS SA

Tunay ngang nabubuhay na tayo ngayon sa high tech na mundo. Sino ang mag aakala na darating ang panahon na libre na ang libro? Mas madali na ngayon ang mag self-publish kumpara sa mga nakaraang dekada, kaya kung tutuusin ay maswerte ang mga manunulat sa panahong ito dahil hindi na kailangang mag hintay ng matagal para mapansin ng mga publisher at mambabasa ang gawa mo. Libre na ngayo ang makakakuha ng honest opinion o criticism kung tawagin nila, na siyang pwedeng ikaayos ng inyong mga sulatin.

niyo ba na naglalaman ito ng 75 million na istorya? At merong 35 million na gumagamit nito? Ang magandang balita ay... nasa Wattpad na rin ang Lapis sa Kalye! Dito niyo mababasa ang mga sulating mula sa mga admins at pati na rin sa mga nagse- send ng kanilang mga sulatin na maaaring tula, maikling kwento, sanaysay o kahit nobela. Masaya po naming tinatanggap at ipupublish sa page. Sa artikulong ito ay malungod din po naming ibabahagi sa inyo kung sino sa mga admin ng Lapis sa Kalye ang nasa Wattpad at anu-ano ang mga dapat nating abangan mula sa kanila. Pero first things first, wag kalimutang i-follow ang Lapis sa Kalye sa Wattpad! :)

Maswerte din ang mga mambabasa dahil di mo na rin kailangan ng malaki para maaliw. Ang kailangan mo lang ay internet connection at, viola! Pwede ka ng magbasa ng samu’t saring sulatin. Nandyan ang iba’t ibang “genre” o kategorya ng mga basahin, mula sa horror, love story, science fiction, hanggang sa non-fiction. Dahil sa internet ay nagkaroon ng boses ang mga taong nagmula sa iba’t ibang edad at antas ng pamumuhay.

Maraming application o “apps” ang pwedeng gamitin para mag self-publish. Isa na dito ang Wattpad na nagmula sa bansang Canada. Alam

3


MATALABONG KWAGO Sabi nga ni Dudong Daga ay siya ang manunulat ng LSK na may mata sa dilim. Kaya ba naisulat niya ang isang nobela na ang pamagat ay “HS 101: The Sophomore’s Eye”? Isa itong istorya tungkol kay Grey na nakakakita ng mga nilalang na di nakikita ng normal na mata. Magugulat din kayo dahil dalawa sa kanyang mga sulatin na sumasalamin sa mundo ng mga bisexual. Hindi niyo dapat palampasin ang “Si Mokong at Ako” at “Ang Ultimate Crush kong Isnabero”.

DUDONG DAGA Madalas maikling kwento at mga sanaysay ang makikita sa Wattpad ni Dudong Daga. Ang mga hindi niyo dapat palampasin ay ang mga pamagat na: End ng Mundo; Isang Mabilis Lang; Meron Nga; Si Pilip; Shit Aw!; Mayaman tayo sa salita; Tula sa LRT; Sining Express; at Matalinhaga. Dito ay mababasa niyo ang kanyang pananaw sa mga importanteng paksa ng buhay ng isang Pilipino. Mabubusogkayo sa mga karunungan na handog ng kanyang mga sulatin! Wag siyang iismolin, dahil hawig niya daw si Dingdong.

MARIYEY DEL RIO Sa tamis ng ngiti niya ay sisiguradong pakikiligin niya kayo ng mga kwentong handog niya. Nandiyan ang It Started with Mcfloat; Manong Guard; My Bizzle; Payphone; at ang The Final Drift. Siya ang love story writer ng grupo dahil sabi niya ay gusto niya ang idea ng love. Pinatunayan niya na hindi lahat ng love story puro kalandian (ehem), buong pagmamalaki niya na ang lahat ng karakter na kanyang ginagawa ay may puso.

PRINCESS CINDZ Wala siyang bisyo at mahilig siyang magpunta kung saan saan. Kung gusto niyong magbasa ng tipong kakaibang love story, halina’t basahin sa kanyang Wattpad Ang Labstory ng isang Halimaw. Kung hanap niyo naman ay tungkol sa pagkakaibigan, wag niyong palalampasin ang Bestfriends and Boyfriends Series, Bedroom Stories at ang A Campus Story. Meron ding horror (Building 325) at self discovery (Bedsheet). Hindi rin naman siya pahuhuli sa love story dahil nandyan ang Cindrella Shaine part 1 & part 2 at ang mailkling kwento na pinamagatang SM (Soulmate and Secret Marriage). 4


DUDONG DAGA CHRONICLES Isang araw nakapanayam ko ang bossing ng pahina, na si Dudong Daga. Kasalukuyan siyang abala sa napakaraming bagay. Ito ay ang pagta-trabaho sa gabi, paglalabada sa tanghali, pagkanta isang

sa

isang

singing

banda

na

“Wizhfulltiners”

contest.

update

ng

lumilipas

siyang

bagong

araw

na

pagsali

sa

Magkaganoon pa man, nakakaya niya

pa rin na makapagsulat at mag ang

at

wala

pahina.

Hindi

status,

ata mapa

Facebook man o Instagram. Sa

mga

di

nakakaalam,

si

Dudong Daga at ang kaibigan nating

si Kunis ang mga pioneer ng

pahina.

dahil

ay

may asawa na! Ang good news naman

ay magkakaroon sila ng Church

Wedding sa darating na Enero na

siyang

lahat, dahil sa petsang ito din

si

Dudong

pinakahihintay

magkikita kita

Daga

ang

mga

lamang

sa

po

naming

admin

ng

Pasensya

na

mga

girls,

page, ang at ang iba ay magkikita

unang

pagkakataon.

Binigyan ko si Dudong Daga ng sampung katanungan at nawa’y sa sampung tanong na kanyang sinagot, ay makasulyap kayo sa kanyang natatanging karunungan.

Nakikita ko sa LSK 5 years from now? Maraming mangyayari. Siguro nandito pa rin ako, mag susulat kasama ng mga bagong uhaw din sa pagbabago ng lipunan. Naiisip ko baka nag tuturo na rin ako sa mga kagaya ko na gustong magsulat. Marami puwedeng mangyari sa limang taon baka ang iba sa amin maglabas ng sarili nilang libro, hindi natin masabi. Ang gusto ko sa grupo namin ibat iba ang pwedeng ibahaging kuweto, may kanya kanyang style. Hindi ka mababagot sa binabasa mo, para kang nanonood ng tv, anytime pwede ka mag lipat ng channel. Malay mo baka 5 years from now, may lsk channel na sa cable haha...

1. Pwede mo ba i-kwento kung paano kayo nagkakilala ni Misis?

Nakilala ko siya sa trabaho habang nagsa -sign kami ng contract. Parehas kaming late nun, nakatinginan, nag kangitian at nagkahiraman pa ng ballpen. Kinuha ko yung number niya para may bagong kaibigan kaso ang nanyari nagkaroon ng bagong ka^ibigan. 2. Paano mo nasabing siya na nga ang makakasama mo habang buhay?

Pag nandoon ka sa moment na yun mararamdaman mo na lang iyon, parang katulad ng naramdaman mo pagkatapos mo umihi.. Kinikilig ka pag katapos.

4. Paano mo pinipili ang mga admin sa page? May mga naging batayan ka

3. Ano ang nakikita mong future ng

ba?

Lapis sa kalye, let's say 5 years

Di ako pumipili kung sino magiging admin, sa tingin ko sila ang pumili maging bahagi ng LSK. Kasi kahit

from now? 5


sinong taong ilagay mo as admin sa LSK page, kung wala din naman silang pakialam walang mangyayari. Siguro ang unang nakita ko ay willingness (gustong gusto magsulat para mabuhay). Di ako nag sisisi sa mga kasama namin dahil parang nakalaan talaga sila para sa LSK. (Naiiyak ako).

ili ko na doon ako titira at mamamatay. Sa trabaho, sa isang banda pag iniisip ko, oo ang sagot ko.. sa isang banda naman hindi hangga't maaari at kaya ko pa dito. Sa tingin ko mas kailangan ako dito at mas may magagawa ako.

5. Ano ang paborito mong libro at

9. May mensahe ka ba para kay PNoy?

bakit?

Ang mensahe ko para sa kanya ay pag butihan pa niya. Napapansin ko sa ating mga Pilipino na nasa cycle na yung boboto tapos magra rally at papatalsikin ang pangulo, parang paulit ulit na proseso yung nangyayari. Dapat sa atin ang ayusin natin yung pag boto... parang pag pili lang yan ng mapapangasawa. Tatanungin mo muna sa sarili mo kung sure ka na ba.. kasi mahal ang divorce at annulment, madaming mawawasak na damdamin at dadami ang guguhong mga buhay. May mas matipid kaso nga lang matagal, ang hintayin mo siyang mamatay.

Ang paborito kong libro siguro ay yung una kong nabasa, Gapo ni Lualhati Bautista na nakita ko lang na inaalikabukan sa library. Kinuha at binasa ko, ayun nagustuhan ko naman. Parang tinawag niya ako para basahin ko siya. Nakakatawa ngayon ko lang nalaman na babae pala si Lualhati Bautista. 6. Pwede mo bang i-kwento kung paano nabuo ang Lapis sa kalye?

Nakuwento ko na ito dati sa affordable food stand pero medyo comedy ang pagkakakuwento. Una talaga napag katuwaan lang, kasi parehas kami mahilig mag sulat ni Kunis, simula pa noong nag aaral kami.. kaya siguro ginawa namin ito kasi passion namin, gustong gusto talaga.

10. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataan ngayon?

Kabataan ang masasabi ko, magaral kayong

7. Ano ang pinaka cool na nangyari sayo ngayong araw na ito?

Nag pagupit ako.. kasi tuwing nagpapagupit ako gumagawapo ako.. sabi yun ng nanay ko...

Jesse B.T.

8. Balak mo ba mag abroad? O okay ka na dito sa bansang Pilipinas?

mabuti. Kung wala namang pera na pang aral ay magtrabaho at mag ipon ng pang tuition dahil napaka im-

Mag abroad? Oo balak ko pero para bumisita lang, ayokong magstay ng matagal. Di ko nakikita ang sar6


portante ng edukasyon. May kakayahan itong dalhin ka patungo sa mga pangarap mo. Kung ikaw naman ay may pera pero ayaw mag aral, try mo muna mag liwaliw at mag isip isip. Baka may kailangan kang mahanap bago ka mag simula ulit. Wag kalimutan magbasa at magsulat, matinding kapangyarihan ang nahahawakan mo at sa pamamagitan nito, kaya mong baguhin ang mundo. Gasgas na ito pero:

B.G.C. Sa panulat ni Dudong Daga

"Basa lang ng nang basa, sulat lang nang sulat."

SHIT AWWWW! Sa panulat ni Dudong Daga Ilang beses ka sumulat sa isang araw? Malamang ang sagot mo ay araw-araw. Araw-araw kang nagsusulat sa notebook mo at kumokopya sa topic ng teacher mo sa blockboard. Araw-araw ka ding kumikitext sa bf/gf, tropa. crush, pamilya at naggrogroup message sa lahat ng number sa phonebook mo... "Shit, i hate this day di ako pinansin ni crush :)"

Putol a'kamay di a'takbo, putol a'paa a'takbo, putol a'toot a'takbo a'tulin...

di

Ang pinaka-kontrobersiyal na bayani ng Pilipinas, ang "Supremo", ang dapat daw na unang Presidente at sa iba nama'y opisyal na Pambansang Bayani.

Araw-araw ka ding nag popost ng status message sa facebook at twitter mo "Here at starbucks zipping some caffeine, yeah!" Dati sa papel at pader lang pwede magsulat ng "Inday love Dudong forever" Ngayon kahit sa internet pwede na magsulat at mag mura ng mga politikong ulopong at mga congressman na, "you know?"Pero sa ibang tao ang pagsusulat ay isang hiningang pang araw-araw ay ginagawa nila, isang lebel ng art na para sa iba ay walang kwenta. Nakakatampo mas gusto pa ng ng mga kabataan ngayon na manuod kay Willie at sumayaw ng pang matcho dancer kesa sumulat at bumasa.

Maligayang bati Ka-Andres, ang bayani ng masa. Ngunit sayong kaarawan maraming tanong sa amin ay kumakatok. Paano ka nga ba namatay? Tinaga, binaril, kinatay o nilibing ng buhay hinimlay kasama ng iyong mahal na kapatid? Nasaan na ang bungo mo? Pinakain sa mga aso? Kailan ka ba namatay? Ba't ang daming petsa ng iyong kamatayan parang i-nililito ang sambayanan. Si Aguinaldo ba ang may sala o biktima lang din siya ng kapangyarihan ng iba? Ang daming tanong pero walang sagot, nakakalungkot ang sinapit ng buhay mo pang MMK at may halong SOCO. Bilib na sana ako sa kaastigan ng iyong monumento, kuhang kuha nila ang mukha ng isang rebolusyunaryo, isang mukhang sumisigaw ng kalayaan habang nakataas ang sandatang walang ubra sa baril ng mga kastilang lobo. Ang ganda ng iyong monumento pero may isang design lang ako hindi gusto, may nakapaskil na bawal "Omehe at tomae dito".

Iilan na lang din ang mga kabataang nag susulat ng may sense at padami ng padami ang kabataang sumusulat na lang para sa crush nila o para sa thesis na kinopya lang nila sa bangketa. Pero kung iisipin saan ba nagsimula ang problema? Sa Paaralan? Sa Gobyerno? O sa malawakang komersiyalismo na pinapakain sa atin ng mga nabubulok na media na walang ginawa kundi busugin tayo ng Captain Barbel at musika ni Lady Gaga. Dahil din kaya sa umuunlad na teknolohiya kaya nawawalan ng gana ang mga kabataan sa pagbabasa at pagsusulat ng literatura? Kaya mas pinipili pa nilang mag laro ng Zombielane kesa mag basa ng mga sulat nila Lualhati Bautista. Maraming tanong bakit tila iilan na lang ang naeenganyong magsulat at magbasa, pero marami ding kasagutan na di nakikita ng mata. Ang gamot sa lason ng kagat ng ahas ay lason din ng ahas. Kung marunong lang tayong gumamit sa hawak hawak nating sandata, maari pa sana natin lakasan ang volume ng boses nating mga kabataan. Kung hindi lang sana tayo 24 hours nag lalaro ng zombielane, matatalo sana natin ang mga zombie sa Malacanang (pasensiya na nakalimutan ko panu itype ang enye sa keyboard)

Bonifacio, Bonifacio o Bonifacio... Isa kang tunay na taga tondo... Bayani ng masa kung ituring ng mga tao, pero bakit ganun ang lugar na sinunod sa pangalan mo ay kuta ng mga........

Kaso mukhang naging zombie narin tayo, kaya magkagatan na lang tayo... Kagatin kita, kagatin mo din ako.... Shit aw!!!

7

Hindi alam ang buhay mo...


Photosynthesis - Isang Proyekto ng Lapis sa Kalye

Sa panulat ni Princess Cindz

Ang Photosynthesis ay koleksyon ng mga maikling kuwento na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino, hango sa mga larawang galing sa lente ni Seksing Patatas. Abangan ang mga bagong sulatin na maiilathala sa aming pahina.

May tanong ako. Ano ang koneksyon ng

ibang paraan, ang pagkuha ng larawan. Hindi

patatas sa Photosynthesis? Siret na? Naaalala

biro ang pagkuha ng larawan, lalong lalo pag

mo ba si Seksing Patatas? Naaalala mo ba ang

ang genre mo ay street photography. Oo, may

mga kwento niya na puno ng aral? Apat na

konek pa rin sa kalye ang sining niya.

taon na siguro mula nang huli siyang nag ba-

Ano ba ang depinisyon ng “street photo-

hagi sa atin ng kuwento. Magkaganoon pa

grapy�? Ang sabi ng Wikipedia, “is photogra-

man, hindi ito nangangahulugan na tumigil

phy that features the human condition within

na sa larangan ng pagpapahayag si Patatas.

public places and does not necessitate the

Naging abala siya sa pagpapahayag ngunit sa

presence of a street or even the urban envi8


ronment. The subject of the photograph

might be absent of people and can be an ob-

isang manunulat ng Lapis sa Kalye, pero sinu-

ject or environment where the image projects

nod niyang inaral ang photography. Matagal

a decidedly human character in facsimile or

na rin siyang nahilig sa pagkuha ng litrato, ka-

aesthetic.”

hit bago pa siya nagkaroon ng sariling cam-

Nagsimula si Seksing Patatas bilang

era. Ang sabi pa nga niya, “Ang street photog-

Medyo malalim kaya tinanong ko na

raphy. Impluwensiya na rin sakin ng isang ta-

mismo si Seksing Patatas kung ano ang

ong malapit sa puso ko (mula noon hanggang

pananaw niya sa Street Photography. “Ito

ngayon) dahil isa siyang photojournalist, film

yung mga laman ng kalsada na pinipitikan ng

photographer at award winning photographer

mga litratista. Ito ang literal na nakikita natin

kaya talagang tini-train niya ako dahil siya

sa araw araw na buhay at isa sa pinakamhirap

mismo ang nagpahiram sakin ng camera. Siya

na genre ng photography, dahil kahit anong

ang mentor ko at nagpush sakin s photogra-

ganda ng composition mo kung hindi mo na-

phy. Gusto ko lang kasing maexperience kung

man kayang gawan ng istorya, balewala rin.

ano yung mga pinagkakaalabalahan nya at

Kung may istorya naman pero hindi naman

kung ano yung pakiramdam ng gingawa niya

maganda o hindi malakas ang dating ng com-

(syempre bilang girlfriend gusto mong supor-

position, lalong balewala. So dapat bago tayo

tahan ang boyfriend mo sa pangarap niya).

kumuha ng litrato, alamin muna natin kung

Susubok lang sana ako pero hindi ko naman

may istorya ng sa gayon ay makapag isip ka

akalain na kahit ako, mamahalin ko ang gina-

rin ng magandang composition. Ang composi-

gawa ko kaya nagtuloy tuloy na ako hanggang

tion ay kung paano mo kukunan ng maayos

sa naging ayun na nga ang hobby namin. Ang

na anggulo ang litrato mo at kung paano mo

photowalk date. Bukod sa natututo ako,

gagawaingextra ordinary ang isang ordinary-

nakakasama ko pa siya kaya nagiging ganado

ong litrato. Hindi pwedeng mawala pareho

ako lalo.

yan dahil hindi naman porke’t may mga taong

Nang tinanong ko siya kung ano ang

nasa kalye na ay pwede ng subject yun. Litra-

tista ang magbibigay ng kulay o buhay sa

mga “challenges” o “struggles” bilang isang

nakikita niya sa kalsada. Walang rules or for-

street photographer, eto ang tugon niya sa

mat ang street photography dahil dito mo iha-

akin, “Nagttiyaga talaga ako sa init ng araw ha-

hayag ang damdamin mo sa mga makikita

bang naglalakad sa kalyeng minsan hindi mo

mong subject. Walang edit at lalong walang

alam kung makakalabas ka pang buhay sa so-

script. Kung ano yung nakunan mo, yun na

brang delikado, maghapon kang naghahanap

yun! Dito pwede kang maging liberated o ma-

ng malulupet na subject, kung mamalasin nga

laya sa kahit anong gusto mong kunan.”

ako, may pagkakataon pa ngang ni isa wala akong magandang subject. Ang lungkot lungkot kong uuwi nu’n.” 9


Ayon kay Seksing Patatas, nahilig siya sa

ject, isinasapuso ko siya. Nilalagay ko ang

Street Photography dahil walang kailangang

sarili ko sa subject na makikita ko. Nakaka-

pattern at napaka-challenging dahil hindi siya

habag talaga. Minsan nga may nakuhanan

nauubusan ng mga bagong karanasan dahil

akong litrato na napaluha ako ng kusa sa so-

nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasa-

brang hirap ng dinadanas nila. Huwag kay-

lamuha sa kapwa niya pinoy. Dito rin namu-

ong matakot na pumitik sa kalsada. Wag

mulat ang mata niya sa kung paano namumu-

kayong matakot matuto o sumubok ng bago.

hay ang mamamayang Pilipino.

• Pwede kang magpaalam depende sa sitwasyon ng kukunan mo pero kadalasan, hindi mo na rin magagawa dahil totoong

Mga tips ni Seiksing Patatas sa

nangyayari sa buhay yun at hindi naman sila artista na kukunan mo. Realidad yun.

Street Photography

Kung minsan kahit nasa mabahong lugar na ako basta may magagandang subject ay masaya pa rin ako.

• Kailangan mong mag invest ng patience kung talagang sasabak ka sa ganitong genre. Kagaya ng sinabi ko kanina, minsan kaht

• Pero sa mga kababaihan na kagaya ko, hanggat maari ay huwag kayong magshoot

maghapon akong naglalakad sa init ng araw

magisa dahil delikado. Dapat may mga ka-

para lang makakuha ng subject, uuwi akong

sama kayo palagi pag nagshoot at iwasan

walang magandang litrato. O kaya naman sa

ang pananamit na magara o agaw pansin.

100 na shots ko, dalawa hanggang lima lang

Bagayan natin yung lugar na pupuntahan

ang nagugustuhan ko pero minsan wala rin.

natin sa isusuot para safe tayo palagi.

Nakakadisappoint talaga yun pero normal

• Maging proud tayo sa mga pinaghirapan nating litrato sa kahit anong genre dahil yun

naman yun. Kaya dapat mahaba ang pasensya natin sa ganun.

ang magiging pattern natin kung paano tayo nagsimulang mag-aral, natuto, naging ma-

• Praktis lang ng praktis. Shoot lang ng shoot. Wag tayong mapagod matuto dahil lalo tay-

galing na litratista.

ong mahahasa sa tuwing may bago tayong

Maaari kayong magpasa sa amin ng mga kuha niyong litrato at gagawan namin ito ng maikling kwento! Ipadala lamang ito sa lapissakalye@gmail.com

matututunan. Wala namang katapusan ang learning sa photography. Yung iba nga dyan ay mga beteranong litratista na pero nakikita ko pa rin na gusto pa rin nilang matuto at sumubok ng bago. Ako kasi, sa tuwing may makikita akong magandang sub10


GIVE HATE ON CHRISTMAS DAY FEATURED STORY Ang kwentong inyong mababasa ay mula sa imahinasyon ni Hina Harap. Madalas siyang naglalagi sa computer shop at mahilig siyang magsulat ng mga kwentong mapapagana ang inyong kaisipan, mga tipo ng mga sulating mapaghimagsik. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Valenzuela. Sa kasamaang palad, ay malapit na siyang mag abroad.

I

kuha yung mga naririnig ko sa mga anunsiyong si-ganito-fever, si-ganyan-fever. Sa tingin ko ay hindi naman siguro at ang ibig-sabihin lang talaga nila dito ay lagnat (hehe!) o kung iisipin ko, hot (atleast double meaning pa rin). Mga kalokohan talaga sa industriya ng showbiz. Ah basta, isa lang ang alam ko, ang B-Fever ay hindi ang normal mong makikita. Hindi sila ordinaryo.

Ang isang desisyon ay puwedeng bumago ng buhay ko, pero sa City of Hate? Kapag sinubukan mong tu-makbo, mahuhuli ka, at kapag sinubukan mong tu-makas, mahuhuli ka. Ganito na dito bata pa lang ako. Binatukan ni Nice si Aamon dahil hindi nito ipinasa ang bola sa kanya. Libangan hindi lang ng mga nakakatanda kundi pati na ng mga kabataan ang ‘basketball’ dito sa City of Hate. Lumapit si Nice sa akin. Ang pangalan niya ay hindi kasing-tunog ng ugali niya.

Tuwang-tuwa ang mga kalaro namin ni Aamon sa mga tricks na ginagawa ni Luzio sa bola, pati si Nice ay nakisali na rin at ang matalik nitong kaibigang si K-9. Matapos magsawa, inihagis ni Luzio ang bola sa ere tapos sinalo ng patalim na palaging nakasukbit sa likuran niya. Naglabas ng pera at ib-

“ H o y , a n o n g p a n g a l a n m o b a t a ? ” 
 Oo nga pala, paumanhin, hindi pa ako nakakapagpakilala, ang pangalan ko nga pala ay,

inato

sa

h a n g i n ,

“Bumili kayo ng bago!”

“ E r n i h , ” 
 Ipinanganak ako nung panahong usong-uso ang letrang ‘H’ sa bandang unahan, gitna at dulo ng pangalan. At sa kasamaang palad, tinamaan ako ng mhalhas. Hawak ko pa rin ang bola na ipinasa ni Aamon. Gusto itong kunin ni Nice pero may humablot sa kamay ko, si Luzio.

THE

STORY

OF

B I G 4 E V E R

Sigawan ang lahat at nagtatatalon sa tuwa dahil sa ginawa ni Luzio. Kilala sa hindi masyadong ‘maganda’ na gawain ang BigFourever. Sila ay alamat na sa City of Hate. Si Luzio, si Vinnie, si Minc at si Dada. Palagi nilang kasama si Nice, at K9— nakababatang kapatid ni Luzio. Wala akong lakas ng loob na sumunod sa yapak ng nakakat a n d a k o n g k a p a t i d n a s i M i n c h i . 
 “Hoy, wala ka na namang magawa!” Sigaw ni Vinnie habang papalapit sa amin. Kasama

Upang maikuwento ko ang istorya ng City of Hate, kailangan kong magsimula sa kanya. Pero para maikuwento ko naman ang istorya ni Luzio, kailangan kong ikuwento ang istorya ng B-Four-ever o mas kilala sa tawag na B-Fever. Hindi ko alam kung sa ‘forever’ naxi


nito si Dada at Kuya Minchi o kung tawagin nga nila ay ‘Minc the Blink’ dahil sa bilis nito sa pagtakbo. Mukhang may gagawin na naman silang hindi masyadong ‘maganda’.

yak si Minchi. Alam ko na pinapakita niya lang na malakas siya sa harapan ko para hindi ako sumuko sa buhay pero sa loob niya, gusto niya nang mamatay. Minsan kasi, may panahon na wala talaga kaming pambili ng pagkain. Hindi lang kami basta nalipasan ng gutom dahil ilang araw na ang lumipas. Minsan nga nagtataka ako kung bakit hindi kami namatay nung mga panahon iyon. Sa isip ko, siguro nalipasan na din kami ng kamata-

Bago kami mapadpad sa City of Hate ng kapatid ko, madami muna kaming pinagdaanan. Maaga kasing namatay ang mga magulang namin kaya maaga kaming naulila. Hindi ko na ikukuwento kung anong nangyari dahil ang kuwentong ito ay hindi naman tungkol sa akin kundi tungkol kay ‘Henri Hate’.

y a n .
 Sa sobrang gutom, dinidiinan ko na lang ang tiyan ko, pinipigilan ito para hindi kumulo. Tumayo sa pagkakahiga si Minchi at tumakbo palayo sa akin, hindi ko alam kung anong nangyari pero pagbalik niya, may dala na siyang pagkain. At ‘wag ka, isang buong manok at napakaraming ‘extra-rice’. Susunggaban ko na sana yung manok pero tinapik niya yung kamay ko, tumingin siya sa akin at nagsalita,

Hmmm, sige na nga ikukuwento ko na. Walong taong gulang ako nung pinatay ang mga magulang namin, labing dalawang taon naman si Minchi, ang dahilan—relihiyon. Napilitan kaming mabuhay sa lansangan. Pagbebenta ng mga bote, lata, dyaryo o kung ano-anong bagay na para sa iba ay basura pero para sa amin ay pera na pambili ng pagkain. Ni-minsan hindi kami namalimos dahil ayaw na ayaw ni Minchi na kinaaawaan siya. Mas gugustuhin pa daw niyang mamatay sa gutom kesa mamalimos sa kalye.

“Magdasal muna tayo..” biglang pumatak yung luha ko. Luha hindi dahil sobra na ang gutom ko. Hindi ito yung klase ng luha na itinatago ko kay Minchi kapag napanghihinaan ako ng loob. Ang luhang ito ay mula sa masaya kong puso, na sa kabila ng lahat ng nangyari, sa kabila ng sitwasyon namin, may kapatid pa rin ako na handang gawin ang lahat para sa akin. Sa sobrang tagal na panahon na kaming nasa lansangan, nakalimutan ko na ang magdasal. Ang totoo, hindi na ako naniniwala sa kanya, sa Diyos, pero nang sandaling iyon, bumalik ang lahat ng saya noong buo pa kaming pamilya. Sa isang banda, nakonsensya ako. Hindi ko man lang naisip na palagi kong kasama ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Parang ako yung taong tinatawanan namin ni Minchi. Mga taong hindi makuntento sa kung anong mayroon sila. Mga taong hindi man lang marunong magpasalamat sa kung anong mayroon sila. Mga taong may pamalit kaya ayos lang mawala yung mga bagay na mayroon sila. Umiyak ako, hindi ko na napigilan. Hindi pa ako umiyak ng ganoon kalakas sa buong buhay ko. Parang bigla ko na lang gustong ilabas ang lahat ng sakit, pagtitiis, pagdurusa.

Matalik na kaibigan na namin ang gutom. Palagi siyang nandyan kahit hindi naman namin siya kailangan. Palipat-lipat kami ng siyudad ni Minchi. Marami na rin kasi kaming ginawang hindi masyadong ‘maganda’ tulad ng pagnanakaw, panloloko at kung ano-ano pa. Ginawa namin ito sa isang kadahilanan, para manatiling

b u h a y .

Kung ang ibang mga kabataan ay parang mamamatay kapag walang bagong cellphone, computer, tablet o kung ano pa mang mga gadget, iba kami ni Minchi. Masaya na kami sa buy 1, take 1 na hamburger. Swerte na kami kung may softdrinks pang kasama. Masaya na kaming manood ng mga nagkikislapang mga bituin sa langit. Masaya kami kasi hindi na namin kakailangin maghanap ng masisilungan dahil siguradong kapag may bituin, walang ulan. Nabubuhay kami sa mundong kaming dalawa ang lumikha. Sa mundo kasing iyon, kami ang sikat, ang mayaman, ang masaya ang buhay. Pero, minsan, nararamdaman ko, sa gitna ng malamig na gabi, umiixii


Pakiramdam ko pinagtaksilan ko si Minchi. 
 “Patawad Minchi! Patawad!” niyakap niya ako, mahigpit. Nakaramdam ako ng kaligtasan. “Patawad kasi,” naghahabol ako ng hangin, “kasi,” pilit akong humuhugot ng sasabihin, “hindi ako masaya..!” idiniin ko yung mukha ko sa dibdib niya, “nagtaksil ako!” Nangako kami na sa kabila ng lahat, kahit ano man ang dumating sa amin, dapat maging masaya kami. Dapat maging masaya kami kasi magkasama kaming dalawa. Tumawa siya pero ramdam ko sa boses niya ang garalgal

gawa

ng

pagpigil

sa

l u h a .

“Ayos lang umiyak Ernih,” sabi niya. “Ibigsabihin,” hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bahagyang itinulak para makita ang mukha ko, “puwede ka pang maging matatag!”

II mong Pumunta kami sa City of Hate umaasa na mahahanap namin ang katahimikan. Maraming pamilya ang nawalan ng bahay gawa ng malakas na pagbaha, sunog na hindi alam kung saan nagmula at mga pamilyang tinamaan ng gagawing malalaking kalsada at mga gusali.

bayan

[WELCOME

ay

TO

pinalitan

CITY

OF

na

din.

HATE]

Tuluyan nang nawala sa mukha ng Luz V. Minda ang mga tinuturing nilang dumi sa lipunan. Itinapon ang lahat sa iisang lugar, sa City of Hate. Pero hindi dito nagtatapos ang kalbaryo ng mga taga City of Hate. Sa paglipas ng panahon, nabuo ang kinakatakot ng lahat, ang isang malaking harang o kung tawagin ng mga aktibista sa amin ay Hate

Walang bahay? Pumunta lang sa City of Hate!
 Nang unang tapak namin dito, wala pang kuryente, patag na daan at transportasyon. Pabahay lang talaga. Malayo ang City of Hate sa mismong sentro ng mga siyudad. Ang City of Hate lang ang siyudad na walang katabing mga siyudad. Ang binigay talagang pangalan dito ay City of Height pero ang mismong taumbayan na ang nakapansin na parang inalis sila sa sentro ng sibilisasyon. Para bang basura na inilagay sa malaking basurahan upang hindi na makaperwisyo pa dahil sa gawa nitong hindi magandang amoy. Hindi nagtagal, tinawag na itong City of Hate bilang pagpapaalala sa mga makapangyarihan na hindi mawawala ang galit ng taumbayan magpakailanman. Kahit ang mismong karatula nito isang kilometro bago dumating sa mis-

discrimination. 
 Kahit na nakatapos ka ng kolehiyo kung galing ka naman sa City of Hate, sigurado na hindi ka matatanggap sa trabahong gusto mong pasukan. Ang tingin nila sa amin ay basura! Kundi trabahador sa mga pabrika, dyanitor sa mga malalaking gusali at eskuwela, crew sa mga fastfood chain e katulong lang ang trabahong bakante para sa mga taga City of Hate.

xiii


Graduate si Luzio ng FATE (Fine Arts in Technical Engineering). Kitang-kita sa kanya ang pagiging ‘Artist’. Deretso, mahaba at nakatali palagi ang buhok nito; palaging may pintura ang mga kamay. Mahilig din ito sa musika, may pagka-rockstar ang datingan. Magaling si Luzio mag-pinta pero ang unang naging trabaho niya, dyanitor. Dalawang buwan lang ata ang itinagal niya doon. Matagal nang alam ni Luzio ang magiging kapalaran niya pagtapos ng kolehiyo pero tinapos niya pa rin ito hindi para sa sarili kundi para maging halimbawa sa mga kabataan sa City of Hate na hindi hadlang ang pinanggalingan para matupad ang pinapangarap. Isa si Luzio sa mga hinahanggan kong tao dahil hindi nito tinalikuran ang bayan namin. Hindi siya katulad ng mga taong kumalimot at tumalikod matapos makatapos ng kolehiyo. Hindi siya nagpalit ng pangalan at tinitirhan. Palagi niyang sinasabi sa amin na: Hindi mahalaga kung saan ka nanggaling, ang mahalaga ay kung saan ka pupunta. Ni-minsan, hindi niya ikinahiya na laki siya sa City of Hate. Palagi pa niya itong pinagmamalaki sa kabila ng mga bulungan at matatalim na tingin ng mga tao sa kanya. Sabi niya sa akin minsan nung naglalakad kami sa sentro, inilagay pa nito ang dalawang kamay niya sa magkabilang tuhod para magpantay ang mga mata namin: Kung ikakahiya mo ang pinagmulan mo, mas masahol ka pa sa mga taong ‘to, tapos ay itinuro niya ng labi yung mga taong matatalim ang tingin sa amin. Para bang alam na alam nila na kami ay taga City of Hate. Iba kasi ang suot namin kumpara sa kanila. Longsleeve, tie, black pants, black shoes, suit, vest, mamahaling alahas, hat. Samantalang kami ay simple lang. Maong na pantalon, t-shirt at pangkaragang sapatos. Ngumiti ako sa kanya. Sa kabila ng malaking pagkakaiba ng sentro sa City of Hate, hindi ko pa rin ipagpapalit ang bayan namin.

Para bang may prusisyon; naglalakad sa malubak na daanan papunta sa sinasabing libreng pabahay [WELCOME

ng

gobyerno.

TO

CITY

OF

HEIGHT]

Matataas na gusali ang agad na pumasok sa isip ko nang nabasa ko ang karatula. Pagdating namin sa mismong lugar, kabaliktaran ang bumungad sa amin. Isang palapag lang ang lahat ng bahay. Marami pang hindi tapos at ginagawa pa lang. Tumingin ako kay Minchi at napangiti. Sa wakas, may tahanan na din kaming matatawag! Ang bayan ay nahahati sa mga kalye na ang pangalan ay hango sa alpabeto; hindi masyadong pinag-isipan. Teka, at sino ba naman kami para magreklamo sa pangalan ng kalye, ‘di ba? Napunta kami sa letrang ‘H’ o kung tawagin nga ng tumawag sa

pangalan

“H

for

namin

Height.”

sabi

ay ko

‘Kalye kay

H A ! ’

Minchi.

“H for Hindi-ako-makaisip-ng-sasabihin.” sabi naman niya. Nagtawanan kaming dalawa.
 “Badtrip! Gusto ko sa V!” napatingin kami sa lalaking nasa likuran namin na bumubulong sa sarili niya. Umaapaw ang kulot nitong buhok sa sumbrebrong suot na may disensyong ‘V’ sa harapan. Napatingin din siya sa amin at ngumiti. “Vincent,” sinubukan nitong magpaliwanag habang inaayos ang suot na salamin. “V, for Vincent.” sabi niya habang nakikipagkamay sa akin. “You can call me Vinnie.” habol pa nito. Nagulat kami sa paraan niya ng pagpapakilala; fluent sa english, wow! Isa sa mga talentong mayroon ako ay ang kakayahan kong manggaya ng narinig kong salita. Auditory memory daw ang tawag dito sabi sa napulot kong libro sa basurah a n .
 “You can call me Ernih.” mabilis kong tugon sa kanya tapos ay itinuro ko ang kapatid ko “You can call Minchi.” ramdam ko na may mali sa sinabi ko pero hindi na niya pinansin pa iyon at nakipagkamay na lang kay Minchi. Manunulat si Vinnie at kaya siya napadpad sa City of Height dahil nasunugan sila. Sa kabila ng galing niya magsalita, hindi siya nakatungtong ng kolehiyo. Ang dahilan niya: Bakit ka pa magkokolehiyo kung

Labing dalawang taon ako nung mapunta kami sa City of Hate. Naaalala ko pa rin ang umagang ‘yon. Ang sakit sa balat ng araw at sinabayan pa ito ng hindi mabilang na tao. xiv


kaya mo namang pagbabasa lang.

pag-aralan

ang

lahat

sa

man ay labing isa. “Sila yung mga nilalang na nakatira sa kanal.” sabi ko, may kasama pang pandidilat na mga mata. “Nabasa ko ‘yon dati sa napulot kong libro.” dugtong ko pa. Kita ko sa mga mata niya ang pagkainteresado sa kinukuwento ko. “Hindi ako nahulog sa kanal kagabi,” buong tiwala kong pahayag, may kasama pang angat ng dibdib. Tinignan ko siya sa magaganda niyang mga mata. Ramdam ko ang takot sa sentro ng mga ito. “hinahanap ko sila..!” bulong ko sa kanya, may kasama pang kamay sa gilid ng pisngi ko para kunyari’y walang makarinig. Ngumiti muna siya nang napakaganda bago nagsalita u l i t .
 “O-nahulog ka lang talaga..!” tumawa siya nang malakas. At nang araw na iyon ko naramdaman ang pagka-kumpleto.

May dumating na namang grupo ng bagong lipat. Halos kada-linggo na lang ata nitong nakalipas na dalawang buwan ay may bagong miyembro ang City of Height. Hindi ko pa rin makalimutan ang unang pagtatagpo namin ni Karen kahit na gustuhin ko. Gabi noon pero tila nakapalibot sa kanya ang lahat ng liwanag na makokolekta sa kapaligiran nang bigla akong nahulog sa kanal. Walang hiya t a l a g a ! 
 Puro galos ako pero hindi ito naging dahilan para hindi ako lumabas kinabukasan. Nakita ko na naman siya. May kakaibang liwanag sa mga ngiti niya. Kung totoo man ang salitang ‘cute’ at hindi alamat tulad ng sabi sa napulot kong libro, sa tingin ko kabilang siya doon. Ang cute niya! Teka, biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Bakit siya lumalapit sa akin? Nakaramdam ako ng kaba at pagka-blanko ng utak. Hindi pa nangyari sa akin ‘to buong buhay ko. Anong sasabihin ko? [Ako nga pala si Ernih, anong pangalan mo?] Hindi! Masyadong ordinaryo para sa unang pagtatagpo. [Kayo yung bagong lipat?] Hindi! Masyadong halata. Magmumukha akong engot sa pagtatanong ng may halatang sagot. Palapit na siya! Anong sasabihin

May nakatatandang kapatid si Karen, si Alexandra o kung tawagin namin ay Dada. Kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad sila ni Minchi. Si Alexandra ang dahilan kung bakit napalitan ang City of Height ng City of Hate. Pangatlong anibersaryo nuon ng pagkilala sa City of Height bilang isa sa mga bayan ng Luz V. Minda; isinabay ito sa pagtatapos ng mga estudyante. Eto ang araw ng unang pagtatapos sa Height school. Nandoon pa ang mga namumuno at mga opisyales ng bayan pero hindi dumating ang panauhing pandangal na si Mr. Height. Ang humarap lang sa amin ay isang hindi kilalang kumakatawan para kay Mr. Height na hindi ko na din maalala ang pangalan. Sa isip ni Dada, alam niyang mangyayari na ‘to. Ang totoo, siya ang nagbukas sa isip namin kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa bayan. Inagaw niya ang mikropono sa lalaki; tinignan niya muna ang lahat. Bakas ang pagkagulat sa taumbayan pero walang nagtangkang pumigil kay Dada. Bakit? Kasi ngumiti ito nang ubod ng ganda, pero syempre, lamang pa rin yung ngiti ni Karen. Nagtawanan na lang ang mga taong nandoon sa kabila ng ginawa nitong pambabastos sa lalaki. Sa isip siguro nila, nainip na si Dada kakaantay para sabihin ang Valedictory speech niya. Pwes, nagkakamali sila. Dahil ang sus-

k o . . ?
 “Ayos na ba ang pakiramdam mo?” bumalik ako bigla sa reyalidad. Pakiramdam? Anong sinasabi n i y a ?
 “Ha?” at sa isang idlap, hindi ko akalain na ang unang lalabas na salita sa bibig ko a y a n g p a n g a l a n n g k a l y e n a m i n .
 “Ang sabi ko, kung ayos na ba ang pakiramdam mo?” inulit niya ang sinabi niya nang mas may malinaw na boses. “Nahulog ka kagabi sa kanal, ‘di ba?” O-hin-de! Biglang gumuho ang mundo ko. Para kong gustong ibalik ang sarili ko sa araw ng aking kapanganakan; umiiyak at walang kamuang-muang sa mapagbirong mundo. Tumawa ako. Malakas na tawa

para

itago

ang

k a h i h i y a n .

“Alam mo yung tungkol sa kuwento ng Kanalian?” pabulong at nakakakilabot kong sabi. Labing tatlong taon na ako nuon at siya naxv


unod na maririnig nila ay ang pinakamadalim na katotohanan.

taas niya ng kanan niyang kamay; may diin sa palad nito kaya mabilis ding huminto ang mga tao sa pagpalakpak. Ramdam na nila ang init ng talumpati.

At nagsimula na nga ang talumpati ni Alexandra. Wala siyang kahit na anong hawak na papel.

“Ako, kagaya ng marami sa inyo, pinapahalagahan ang araw-araw na pamumuhay. Bagong gawang mga kalye, libreng pabahay, libreng gamot, pagtulong sa mga nasunugan at sa mga nasalanta ng bagyo, pagbibigay ng mga libreng kagamitan, at kung ano-ano pang klase ng pagpapabango. Natutuwa ako sa mga ito kagaya ng pagkatuwa ng isang ordinaryong tao.” kita ko sa mga mukha ng mga tao ang pagtataka at pagtatanong pero nangingibabaw ang kagustuhan nilang makinig sa susunod na sasabihin ni Alexandra. “Tatlong daan at tatlongpu’t tatlong araw na simula nung nangyari ang pinakamadilim na bangungot ng pamilya namin. Nasunugan kami kagaya ng halos lahat ng nandito sa City of Height. Siguro yung iba sa inyo ay nagtataka kung bakit ko ito sinasabi,” huminto si Alexandra sandali at inilibot niya ang tingin sa lahat. “sinasabi ko ‘to dahil yung nangyaring sunog sa amin at bawat sunog na nangyari sa inyo ay hindi aksidente, ito ay planado!” nagulat ang mga tao. Umalingawngaw ang maliliit na mga bulungan. “Pero,” tumahik ang mga bulungan at napunta ulit ang atensyon nila sa harapan. “hindi ko ‘to sinasabi para magalit kayo o para sugurin niyo kung sino man ang may kagagawan ng karumal-dumal na pangyayaring ‘to. Alam ko, karamihan sa inyo ay namatayan, dahil ako mismo, kami mismo ng pamilya ko, nawalan ng mahal sa buhay. Sinasabi ko ‘to dahil sa kabila ng mga nangyari, dapat pa rin tayong magpasalamat dahil nandito tayo ngayon at buhay.” maraming gustong magtanong at magsalita pero hindi ito hinayaan ni Alexandra. Minanipula niya ang taumbayan sa pamamagitan lang ng kanyang kanang kamay. Sabi sa amin ni Dada, alam ng mga tao na kaduda-duda ang mga nangyayaring sunog pero natatakot ang mga itong magtanong. Natatakot sila kasi wala naman silang pagpipilian. Ang tanging nasa isip lang nila ay magpatuloy sa buhay. Kaya ang karaniwang lo-

“Mga magulang na walang sawang nag-aalaga sa atin, mga guro na walang sawang nagtuturo sa atin, mga kagalang-galang na pinuno ng ating bayan na walang sawang sumusuporta sa atin, mga opisyales na walang sawang nagbabantay sa atin, mga kamag-aral na walang sawang matuto, at mga kaibigan ko na nakakasawa na,” tumuro si Dada sa amin pero iba sa pagturo niya sa mga una niyang nabanggit. Para bang walang ibang tao sa harapan niya kundi kami lang. Nagtawanan ang lahat. Sumigaw kami ng WOOOOOHH! May narinig pa ako sa likod ng ‘Dada, I love you!’ parang boses pa ata ni Minchi ‘yon. Hinintay niya muna na tumahimik ang madla bago nagsalita ulit, “magandang gabi!” Biglang nawala ang magagandang ngiti ni Dada matapos ang palakpakan ng mga tao. Ramdam ng lahat ang init sa mga mata ni Alexandra. Ngayon, kuha niya na ang atensyon ng lahat. At nagsimula na nga siya. “Bago ang lahat, gusto kong sabihin na ang gabing ito ay hindi ang gabi ng pagtatapos,” panimula niya na may seryosong mukha at kalmadong boses. Biglang nawala yung Dada na kilala namin na pala-ngiti, may malambing na boses at palabiro. Kapag nakita na namin siyang ganito, isa lang ang pumapasok sa isip naming lahat na narinig kong sinabi ng katabi ko; seryoso ang mukha nito. “Alexandra mode na si Ate Da..!” Hay! Ang ganda pa rin ni Kar-Kar kahit Karen mode na siya..! “kundi,” bumalik ang mga mata ko sa harap ng entablado. Hindi ito ang panahon para sa personal kong imahinasyon. Kailangan kong makinig dahil sigurado, madami akong matututunan ngayon gabi. “ang gabi ng simula!” nagpalakpakan ang lahat pero bigla itong pinahinto ni Alexandra sa pamamagitan ng pagxvi


hika na papasok sa utak ng mga ito ay maniwala na lang na aksidente ang lahat. “Sinasabi ko ‘to dahil,” huminga muna si Alexandra nang malalim, inilabas niya muli ang mukha na may galit. “gusto kong patuloy ipaalala sa mga makapangyarihang tao na naglagay sa atin dito na, HINDI TAYO MAKAKALIMOT!!” Madiin ang tatlong huling salita na binitiwan ni Dada. Tumatak ito sa mga tao at ang iba pa ngang mga nanay ay napaluha. Kita ko din sa gilid ng mata ko na napaluha si Karen pero hindi ko ‘to pinansin at patuloy itinuon ang buong atensyon sa harapan. Alam ko ang limitasyon ng kakulitan ko. Wala din naman akong magagawa kung dadamayan ko siya dahil ang oras na iyon ay oras ng pakikidigma. Walang panahon para sa sariling kagustuhan.

pero nakaramdam na ako agad ng kalungkutan sa pagtingin pa lang sa mukha niya. May malaking projector sa kabilang gilid na bahagi ng entablado kaya kitang-kita siya kahit ng mga tao sa dulo. “Nandito tayong lahat dahil itinuturing tayong dumi ng lipunan!!” May sumabog na katahimikan. Narinig ng mga tao ang katotohanan na pilit nilang kinakalimutan. Nagpatuloy si Dada na may galit sa mukha. “Ilan ba sa atin dito ang nakatira sa mga eskwater na ngayon ay mga mall na? Mga tinamaan ang tinitirhan ng mga bagong gagawing kalsada? Mga nakatira sa lansangan? Biktima ng sunog? Biktima ng baha? Biktima ng pagmamalupit at kawalan ng hustisya? Ilan ba sa atin dito ang biktima ng hindi pagpaparaya at pang-aapi? At kapag nagkaroon ka ng kalayaang magreklamo, mag-isip at magsalita ng kung ano ang dapat, magkakaroon ka ng mga banta, pananakot sa iyong buhay, pagkuwestiyon sa iyong pagkatao at pagiimbestiga sa iyong nakaraan. Paano ba ito nangyari?” tumingin ulit si Alexandra si gilid kung saan nakaupo ang mga namumuno ng bayan at mga opisyales. “Sino ba ang dapat sisihin? Sigurado akong may responsable sa mga ito” ibinalik niya ang tingin niya sa gitna, “pero hindi na natin sila kailangan pag-usapan.” bumwelo si Dada, tila ba humugot ng lakas ng loob.

“Sa diwa ng mga ipinagdiriwang sa bansang ito,” bumalik sa normal na tono ang boses ni Alexandra, “mga importanteng kaganapan sa nakaraan na kadalasan ay kamatayan ng isang tao o katapusan ng madugong pakikipaglaban, naisip ko na markahan din natin ang araw na ito, Anuwebe ng Abril, ang araw na wala ng nakakaalala.” huminto siya at tila nagbigay ng konting katahimikan para sa sinabi niyang araw. “Ipagdiwang natin ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng munting talakayan tungkol sa mga nangyari sa nakaraan at dapat mangyari sa hinaharap. Syempre, may mga taong ayaw na tayo ay magsalita. Sa tingin ko, kahit ngayon, may mga nag-iisip na patigilin na ako sa munti kong talumpati para hindi niyo na marinig pa ang sasabihin ko.” tumingin siya sa gilid kung saan nakaupo ang grupo ng mga namumuno ng bayan at mga opisyales na ngangalaga dito. “Bakit?” binalik niya ang tingin sa taumbayan, “Dahil habang ang ‘aksidente’ at ‘kalamidad’ ay ginagamit bilang instrumento ng pakikipag-usap, ang “salita” ay palagi pa ring mananatiling makapangyarihan! Mga salitang nagbibigay dahilan sa kahulugan, at para sa mga nakikinig, heto na ang katotohanan.” nag-iba na naman ang mukha ni Dada pero sa pagkakataong ito, may halong kalungkutan at pagkadismaya. Hindi ko alam

“Alam kong natatakot kayo! Sino ba nama’ng hindi? Babantaang papatayin ang buo mong pamilya,” tumingin ulit siya gilid, “papangakuan ng magandang posisyon, tatapalan ng limpak na salapi.” tumingin siya sa amin tapos ay sa gitna ulit,

“Napakaraming paraan para lasunin ang inyong katwiran at nakawin ang inyong kaisipan. Kinain kayo nang buo ng takot, at dahil dito, hindi na kayo lumaban. xvii


Nagbulag-bulagan, nangibang bansa, dahil sa isip niyo, wala ng pag-asa sa bayan na ‘to; na wala ng kuwenta pa ang lumaban!

natin silang bigyan ng Anuwebe ng Abril na kahit kailan ay hindi nila malilimutan!”

III Alas-singko na ng hapon, araw ng pasko. Nakatingin ako sa palubog na araw habang naglalakad palabas ng City of Hate. Hindi ko pinupunasan ang mga pumapatak na luha mula sa aking mga mata. Siya lang ang babaeng minahal ko at patuloy kong mamahalin. Isinisigaw pa rin niya ang pangalan ko. Halata sa boses niya na umiiyak siya. Hindi ko sinunod ang kagustuhan kong lumingon. Natatakot ako na baka sa paglingon ko ay bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanya; yakapin siya nang mahigpit at sabihin na siya ang pinakamamahal kong babae. Gusto kong tuparin ang pangarap ko at para magawa ko ‘yon, kailangan kong gawin ang pinakamahirap na desisyon.

Binigyan kayo ng pera, ng magandang buhay at bahay, at ang tanging kapalit lang nito ay ang inyong katahimikan.” huminto siya para ibalik ang kalmadong boses, “Ngayong gabi, tatapusin ko ang katahimikang iyon. Ngayong gabi, wawasakin ko ang markang itinatak sa ating lahat para ipaalala kung ano ang nakalimutan ng bayang ‘to! Mahigit isang daang taon na nakararaan, isang grupo ng mga mandirigma ang humiling na ang Anuwebe ng Abril ay manatali sa ating isip magpakailanman. Umaasa silang maaalala ng bansang ‘to na ang pagkakapantay-pantay, hustisya, kalayaan at katapangan ay hindi lang basta salita, ito ay tanawin.” naglakad siya sa gitna ng entablado, “Kaya kung wala kayong nakikita, kung ang mga krimen ng gobyernong ito ay hindi niyo alam, minumungkahi ko na ang araw na ito, Anuwebe ng Abril, ay huwag niyong markahan.” huminto ulit siya sandali at tinignan niya ang lahat. “Pero kung nakikita niyo ang mga nakikita ko, kung ang nararamdaman niyo ay tulad ng nararamdaman ko, at kung ang hinahanap niyo ay kagaya ng hinahanap ko,” eto na ang ‘magic word’. Tumayo na sila Luzio, Vinnie at Minchi at pumunta sa babang bahagi ng entablado, may hawak na mga papel. “hinihiling ko na tumayo kayo at pumirma bilang petisyon na palitan ang pangalan ng City of Height ng City of Hate bilang paalala sa mga makapangyarihan na ‘to na hindi natin makakalimutan ang ginawa nila sa atin magpakailanman!” tinuro niya ang tatlong nasa baba ng entablado, tinutukan ito ng cameraman upang makita sa projector. Bumalik ulit si kay Alexandra ang atensyon at ibinigay na nito ang huli niyang tugon kasabay ang pagtayo ng mga tao. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang lahat. “Sama-sama

Ang isang desisyon ay puwedeng bumago ng buhay ko, pero sa City of Hate? Kapag sinubukan mong tumakbo, mahuhuli ka, at kapag sinubukan mong tumakas, mahuhuli ka. 
 Kaya kailangan kong lisanin ang pinakamamahal

kong

bayan

at

Karen.

si

Para kapag tumakbo ako, hindi ako maiiwan
 Para

kapag

tumakas

ako,

siguradong

ka-

l a y a a n .
 Pero

sa

paglipas

unti-unti na

ang

Pilit pero

kong

hinahanap ko

pala

Naulit

kong

buhay

pinapangarap

hindi

lang

nalalaman,

kong

tinalikuran

palang

na

ko

ng

naman

ay

siya

noon

p a .

pagbabago

ang

namamalayan ako

panahon,

ng

na

pabago-bago

hinahanap. 
 ang

n a n g y a r i ,

nung panahong sa dibdib ni Minchi ako ay u m i i y a k .
 Bakit palagi ko na lang hindi nakikita ang pinaka-importanteng mga bagay sa buhay ko kahit na nasa harapan ko na ang mga ito?
 Bakit patuloy pa rin akong naghahanap ng i b a ?
 Ganito xviii

nga

ba

talaga

ang

t a o ?


Hindi O

marunong

sadyang

ganito

din. H.H. ang cool sa pandinig, sabi ko sa isip ko. Pinanganak ako nung panahon na usong-uso ang letrang ‘H’ sa pangalan, napangiti ako, sa kabutihang palad, tinamaan ako ng swerte. Nakuha ko yung ‘Henri’ sa mga letra mula sa pangalan kong ‘Ernih’. Nabasa mo na ba yung Kroseti? Alam mo ba kung saan nila kinukuha yung apelyido nila? Sa pangalan ng bayan nila. Eto ang katunayan na hindi nila ikinahihiya kung saan sila nanggaling at patunay din na ang lahat ng nakatira sa bayan nila ay isang buong pamilya. Nakuha ko yung Hate sa pangalan ng bayan ko. At bilang pagsunod sa pang-apat na gintong alituntunin ginawa ko itong apelyido.

m a k u n t e n t o ?
 lang

talaga

a k o ?

Hindi marunong makuntento! Hindi pa ako nakipag-away tulad ng pakikipag-away ko ngayon sa sarili ko habang papalabas ng City of Hate. Hindi ko na marinig ang boses niya; napagod na siguro kakasigaw. Maganda ang naging resulta ng pagpapalit ng pangalan ng bayan. Naging mas maayos ang komunidad at nagkaroon ng pagkakaisa pero sa labas ng bayan, tinuturing ang City of Hate na walang utang na loob. Sa paglipas ng panahon, nabuo ang kinakatakot ng lahat, ang isang malaking harang o kung tawagin ng mga aktibista sa amin ay Hate discrimina-

‘Ano ba yung pang-apat na gintong alituntunin ng City of Hate?’ eto ang madalas na tanong ng mga nakakaalam kung saan ko kinuha yung pangalan kong Henri Hate; mga malalapit na kaibigan at kapwa manunulat. At palagi ko silang sinasagot nang nakangiti.

t i o n .
 Ang sinasabi kong hindi ‘maganda’ na gawain ng Big-Fever ay ang paglaban nito sa gobyerno ng Luz. V. Minda. Ang totoo, hindi naman talaga nila nilalabanan ang gobyerno — nang direkta. Ang ginagawa lang nila ay imulat ang mga tao sa katotohanan. May ginawa silang apat na gintong alituntunin para sa b a y a n .

“Be proud to be Haters!” I changed my name.

1. Imbis na galit, pagmamahal ang ibigay.
 2. Magpatawad pero huwag na huwag makakali-

I changed my identity.

m o t .

I changed everything.

3. Ngumiti at patuloy mabuhay nang masaya.
 At ang pinaka-paborito ko sa lahat,

But there’s one thing I never change,

‘Bakit Henri Hate ang napili mong pangalan?’ eto ang madalas na tanong ng mga nakakaalam na hindi ko ito tunay na pangalan; mga malalapit na kaibigan at kapwa manunulat.

my HATE!

Pwedeng pwede maisama ang inyong mga sulatin sa susunod na Lapis sa Kalye Online Magazine! Ipasa lamang ang inyong sulatin gamit ang Word Document, maaaring tula, maikling kwento o sanaysay, sa:

Nakuha ko yung ideya nuong palabas na ako ng bayan namin. Nandoon pa rin yung lumang karatula ng dating pangalan ng bayan, [YOU ARE NOW LEAVING CITY OF HEIGHT] may guhit sa gitna ng ‘Height’ na nagpapahayag ng pagbura dito, hindi pagtanggap; at tila ba sinadya na hindi guhitan yung letrang ‘H’. Biglang gumana yung imahinasyon ko. Binasa ko ito ng ‘H’ – eight. Natawa ako, kasi ang pangwalong letra ng alpabeto ay letrang ‘H’

lapissakalye@gmail.com

xix


MGA QUOTES MULA SA LAPIS SA KALYE Paano - Dudong Daga “Paano kung may gusto kang ibalik na oras tapos uulit at uulitin mo para maging ok ka? Masaya sana kung may ganun kaso wala kang kakayahann na ibalik ang dapat ibalik.”

Alam Mo Na - Anino “Bakit kasi isinilang ang mga salitang nakakailang sabihin? Hindi maibuka ang bibig. Hindi maituwid ang dila. Ayaw ipunto ang sasabihin. Tuloy, naimbento ang katagang “alam mo na”.

Sakit Ng Kahapon - Princess Cindz “Buti pa sana kung nasugatan ka, baka pwede pang uminom ng anestisya. Pero ang sakit na tulad nito? Para

Eroplanong Papel - Anti’Nyakis “Ayos lang madapa, hindi naman habang buhay yan. Makakabangon ka pa rin naman, yun nga lang nasa iyo ang desisyon kung babangon ka agad o minsan kasi gusto mong enjoy-in ang pagkakadapa at humihiga ka pa.”

20


Pitumpu’t Pitong Puta Ni Don Vittorio C. Villasin

Kinuwento sa akin ng kaklase ko noong college na nakatikim na siya ng 77 na puta. Oo, puta. ‘Yung babaeng bayaran, madalas naka-tambay sa madidilim na bahagi ng isang kanto, minsan may kasama pang manager o ‘yung tinatawag na bugaw. Paano niya ito nagawa, hindi na niya ikinuwento. Siguro, ito’y dahil sa marami na siyang pera noong mga panahong iyon.

mate ko) ang lahat ng major subjects namin, pati general education courses. Bakit? Eto ang sagot niya: “Hindi kasi ‘ko tulad mo na kayang magtiyaga sa mga teorya-teorya na mga ‘yan.” Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Greg. Ibig ba niyang sabihin e mas magaling o mas masipag ako sa kanya? Hindi naman siguro. Nagaaral lang naman ako kasi alam kong kailangan ko. At may nagpapaaral naman sa ‘kin. Pero pangarap sa buhay? Parang wala ata.

First year at kalahati ng second year nang maging roommate ko siya sa isang dormitory sa bituka ng Quiapo. Sa dinami-dami ng pwede kong tuluyan, dito ko napili dahil bukod sa malapit lamang ito sa pinapasukan kong unibersidad ay mura pa ang upa.

“Tingin ko kasi, di ko naman talaga kailangan sa buhay ang mga ‘yan. Pavlov? Thorndike? Bruner?

Nasa kalahati na kami ng unang sem ng ikalawang taon sa unibersidad nang biglang i-drop ni Greg (ang room21


Bullshit,”

Natawa na lang ako. Sa totoo lang, mas marami pa akong libro kesa sa damit.

dagdag pa niya, sabay sindi ng yosi.

Humingi ako ng isang stick at sinindihan din. Bahagya kong binuksan ang bintana para hindi makulob sa loob ng kwarto ang usok.

“Hindi ganyan ang buhay, Chi. Hindi ka paliligayahin ng mga libro-libro o teorya-teorya na ‘yan,” dagdag pa ni Greg. Tumagas ang usok mula sa bibig n’ya, parang mga alaalang unti-unting umaalis, papunta sa kung saan.

May pangarap ba si Greg noong mga panahon na iyon? Hindi ako sigurado. Ang alam ko lang, nung tumigil siya sa pag-aaral, umalis na siya sa dorm at nagtrabaho bilang isang call center agent. Ilang buwan din kami hindi nagkita at nag-usap. Minsan lang siguro, noong niyaya niya akong uminom sa isang bar sa Cubao, kaso tumanggi ako kasi may tinatapos akong research paper, kasabay pa ang ibang paperworks.

Tumawa na lang ako. Wala naman kasi akong masabi. O kung mayroon man, pinili ko na lang rin siguro na huwag nang sabihin. “Kaya pati sex life mo, theoretical rin!” Lumakas ang tawa ni Greg, parang kulog ng galit na bagyo. Sinabayan ko na rin ang hagalpak niya, hindi nga lang ako sigurado kung siya ba ang tinatawanan ko o ang sarili ko.

“Tigilan mo na kasi ‘yang kakaaral! Wala kang mararating d’yan!” pabiro niyang sabi. Pero kahit pa nga ganoon, hindi mawala sa isip ko ang katotohanan sa likod ng kanyang mga salita. Kahit pa isipin kong ito ang kadiliman sa likuran ng buwan na hindi humaharap sa mundo, hindi ko pa rin ma-balewala ang katotohanang masipag nga ako mag-aral pero mas marami namang nakantot na babae si Greg kesa sa ‘kin.

*** Isang babae lang ang talagang nagustuhan ko noong college ako. Si Cheska. Co-major namin ni Greg. Ignorante ako sa panliligaw, kaya kahit lapitan siya ay hindi ko magawa. Nagkaroon lang siguro kami ng interaction nung minsang may group project sa isang major subject at kapartner ko siya, kasama ang lima pang iba pati si Greg. Ang mismong group project na ‘yon ang naging mitsa ng tuluyang kawalan ko ng pag-asa sa kanya. Nang matapos kasi ang group project, nagkayayaan ang mga ka-grupo namin na mag-inuman sa bahay ng isang kaklase. Dahil mga ulo naming halos puputok sa idealism, kahit may pasok kinabukasan, pumayag ang lahat.

*** “77 na puta?” ang reaksyon ko matapos niyang ikuwento sa akin. Ni-rolyo niya ang kanyang long sleeves habang humihithit ng yosi. Kumikinang sa ilalim ng malamlam na ilaw ang bote ng Red Horse na pinagsasaluhan namin nang gabing iyon. “Oo p’re. Lifetime record ko na ‘yan.”

Sa gitna ng mapait na tagayan, hindi matapos na asaran at tawanan, at lutong ng chichiriang pulutan, inamin ni Cheska na matagal na siyang may gusto kay Greg. Gaano katagal? Ewan. Seryoso ba siya o lasing lang? Kung mga pisngi niya ang titignan, masasabi kong lasing lang siya. Pero kung mga mata niya ang magsasalita, oo, seryoso siya. Kinabukasan, sila na. Gano’n siguro ang mga bagay kung minsan. Ang dating hindi halos magpansinan, magkaaminan lang ng matagal nang tinatagong nararamdaman, nagtutugma na ang puso’t isipan. Shet, makata. At kahit na halos hindi makasabay sa klase si Greg, kahit na nag-drop na siya at hindi na nag-aral sa kalahati ng sem na naging sila ni Cheska, magkasintahan

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Lumagok ako ng Red Horse. Masarap. Malamig. Ngunit uminit bago pa bumababa sa tiyan ko. “Hindi na madadagdagan.” “You mean, ayaw mo na?” “Maka-77 ka ba naman e, di ka pa ba magsasawa?” “Hmm. Sabagay.” “E ikaw? Mas marami pa ata ang binasa mong libro kesa sa kinantot na babae e.” 22


pa rin sila. At malamang sa malamang na walang kaalamalam si Cheska na si Greg ay kumantot ng pitumpu’t pitong puta habang nagta-trabaho bilang call center agent sa Makati.

Kumikinang ang mga mata ni Cheska, parang gusto niyang maluha pero binubulong ng mga luha niya na hindi pa ito ang tamang oras para bumuhos. “Habang tumatagal, si Greg, parang hindi na niya ako mahal.”

***

Gamit ang tinidor, humiwa ako sa chocolate cupcake at sinubo ito. Akala ko kung anon a.

“Nagkikita pa ba kayo?” ang unang tanong ni Cheska sa akin. Hindi pa niya ginagalaw ang kape na inorder niya.

“Pa’no mo naman nasabi?” tanong ko.

Maliwanag sa loob ng coffee shop kung saan ako niyaya ni Cheska, ngunit tahimik ang mga tao sa loob. May mga nagla-laptop, may nagbabasa ng libro, at mayroon namang gusto lang talaga magkape. Umorder lang ako ng cupcake, pero nung inihain na ito sa akin, naisip ko bigla na ayokong kumain o uminom ng kahit na ano.

“Nasabi ba niya na magka-live in kami ngayon? D’on siya nakatira kasama ko sa inuupahan kong apartment,” paliwanag ni Cheska. “Kita mo? Hindi niya ako kinukuwento sa ‘yo kasi hindi ako mahalaga para sa kanya.” Medyo galit na mangiyak-ngiyak na si Cheska. “Ewan ko ba kung ba’t pinatagal ko pa ‘to.”

“Isang beses lang. ‘Pag busy kasi ako, saka siya nagyayaya. Kapag hindi naman ako busy, ni hindi siya nagpaparamdam sa ‘kin,” sagot ko. Maigi kong pinili ang mga salitang sinabi ko. Baka kasi may masabi akong mali, ako pa ang maging dahilan ng paglala ng kung ano man ang problema nila.

“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon,” sagot ko. “Tingin ko, miss mo lang siya. Paano mo hindi mami-miss, e papasok ‘yun, tulog ka pa. tapos pag-uwi, tulog ka pa rin.” Kumuha si Cheska ng tissue para punasin ang luha sa mata niya. Gusto ko nga sana i-abot ang panyo ko, kaso naalala kong sa pelikula nga lang pala may dating ang ganoong galawan.

*** “Pwede ba tayong magkita bukas?” Iyan ang pakiusap ni Cheska sa akin kagabi. Buti at Biyernes noon at Sabado kinabukasan, wala gaanong kailangang gawin kaya napapayag ako.

“Siguro nga, tama ka. Pasensya na, ha?” Ngumiti na si Cheska, pero halatang hindi talaga siya kumbinsido sa sinabi ko. Doon na natapos ang usapan tungkol kay Greg, at nauwi na kami sa ibang mga bagay: kailan ako magOJT, saan ko balak magturo: sa high school ba o sa college, kung mag-take ba ako ng board exam pagkagraduate. Pagdating kasi ng third year, nagkahiwalay na kami ni Cheska ng klase at naging madalang na kami magkita sa loob mismo ng unibersidad. Sinagot ko naman ang mga tanong niya, ‘yung mga sagot lang na alam kong kailangan niya at hindi na ako nagdagdag pa ng kahit ano dahil alam kong kahit kausap niya ako ay iniisip pa rin niya si Greg.

“Tungkol sa’n ba?” tonong may pag-aalinlangan pa ang boses ko. “Kagabi pa kita naiisip,” sabi ni Cheska. Nagulat ako. At eto na nga. *** Pinaglaruan ni Cheska ang mahaba niyang buhok, inikotikot niya sa kanyang daliri, parang may malalim na iniisip. “Wala ba siyang naike-kwento tungkol sa ‘min?”

Naubusan na rin kami ng mapag-uusapan nang maubos na ang kape niya, at mumu na lang natira sa cupcake ko. Humingi ako ng tubig sa waitress para mahugasan ang lalamunan ko. Tinanong ni Cheska kung okay lang ba na samahan ko siya sa estasyon ng LRT. Sabi ko, okay

Medyo natigilan ako pagkatapos niya magsalita. “Wala naman,” sabi ko. “Bakit?’

23


lang. Maaga pa, alas-kwatro lang ng hapon. Nilisan namin ang coffee shop.

“Dapat sa bar mo ako niyaya para tumapang ka,” sagot ko na may kasabay pang tawa.

Maraming tao sa Gateway. Lahat sila may kanyakanyang pupuntahan. May mga pamilyang manonood ng sine, may mga magkasintahang ngayon lang nakapagdate, mayroon mga babaeng may bitbit na mga paperbag mula sa iba-ibang shop, at mayroon namang sa tingin ko e nagpapalipas lang ng oras. Kadikit lang ng mall ang estasyon ng LRT. Tila ba patunay ng ugnayan ng management ng mall at ng LRT. Pagbaba nga naman ng tren, diretso na sa mall nila at hindi na pupunta sa iba pa. Medyo natuwa ako habang iniiisip ito. Kahit papaano, kahit sa maliit lamang na aspekto, nagkaroon ng kasiguraduhan ang isang patutunguhan. Bagay na hindi gaano totoo sa totoong buhay.

Natawa rin siya. “Basta, mamaya.” Kumaway siya habang naglalakad palayo, ngumiti lang ako. *** 10:30 na ng gabi nang tawagan ako ni Cheska. Nakahiga na ako no’n, pinipilit na burahin sa isip ko ang mga sinabi ni Cheska habang binabasa ang nobelang Dance Dance Dance ni Murakami. Pero kahit tumatagos na sa pader ang narrator ng nobela, hindi pa rin mawala sa isip ko ang kaiisip sa kung anuman ang sasabihin ni Cheska. Pero nung mag-ring ang cell phone ko, hindi ko agad sinagot. Parang alarm na may dalang kakaibang balita ang pag-ring, nakababasag ng katahimikan, ginugulo ang universe. Hay, ewan.

Hinawakan ni Cheska ang kamay ko. Tinignan ko siya, pero hindi nakabaling sa akin ang atensyon niya. Gusto ko sanang bitawan ang kamay niya pero baka may masabi siya na maging dahilan pa ng hindi namin pagkakasunduan.

Mahina ang boses ni Cheska. Tahimik lang naman ako. Kahit gaano pala talaga kahina ang isang bagay, basta’t may matinding katahimikan, lumalakas ito at halos nageecho pa nga.

Nasa escalator na kami nang magsalitang muli si Cheska. “May sasabihin ako sa ‘yo. Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi, basta sasabihin ko,” simula niya. “Ano?”

“Wala pang nangyayari sa amin ni Greg,” sabi ni Cheska.

“Alam mo bang sa tinagal namin ni Greg, wala pang nangyayari sa amin?”

“Teka nga, bakit ba gusto mong sabihin ‘yan?” tanong ko.

Bahagya akong natigilan. May palaka sa lalamunan ko na napatalon. Napatalon? Bakit naman?

“Ewan ko. Pero tingin ko, ito ‘yong dahilan kung bakit iba na rin ang tingin ko sa kanya. Parang nanlalamig. Feeling ko talaga, ito ang problema. Na kahit nasa iisa na kaming bahay, wala—para kaming mga anino na nagbabanggaan na nga pero hindi nararamdaman ang isa’t isa. Nage-gets mo ba?”

“Weh?” lang ang reaksyong mukhang automatic na lumabas sa mga labi ko. Tango lang ang sagot ni Cheska.

“Uh-huh.”

Wala munang nagsalita sa amin habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Narating na namin ang estasyon ng LRT nang magsalitang muli si Cheska.

“Kahit magkatabi kami, kahit nakahubad na kami—sorry ha, pero magpapaka-straight na ako. Alam ko namang open-minded ka, at alam ko namang naiintindihan mo—at kapag kausap kita, parang kayang-kaya kong sabihin ang lahat, kaya sana okay lang?”

“Tawagan kita mamaya. Hindi ‘ko masabi ngayon. Parang naduduwag ako—ewan,” mautal-utal pa si Cheska habang nagsasalita. 24


“Hindi naman ako papayag na tumawag ka kung hindi okay, di ba?” sabi ko.

Inisip ko kung may mga lakad ba ako, o kung may mga kailangang gawin sa mga susunod na araw. Wala naman. “Kailan?”

“Naninigurado lang,” nag-ehem muna si Cheska bago nagpatuloy. “So, ayun nga. Hindi ako ginaganahan sa kanya. Anytime na susubukan namin, wala, masakit. At parang wala akong nararamdaman para sa kanya.” Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin sa mga salitang in-emphasize niya. “At siya, parang wala siyang gana sa’kin. Hindi siya…alam mo na.”

“Pwede bang bukas?”

“Bukas agad?” “Oo sana, kung okay lang.” “Okay lang naman.”

“Yeah, gets ko.”

***

Tumahimik kaming dalawa. Sinubukan kong pakiramdaman ang paghinga niya mula sa kabilang linya, pero kawalan lang ang narinig ko. Tingin ko iniikot-ikot niya ang dulo ng buhok niya sa kanyang daliri, gaya ng ginawa niya kanina sa coffee shop. Malamang iniisip kung paano magpapatuloy.

Linggo ng hapon, 5:00 ng hapon, nagbihis ako, at umalis ng dorm. Pinapapunta ako ni Cheska sa apartment nila ni Greg sa Pureza. Alas-tres ang duty ni Greg at lunes ng umaga pa ang uwi, kaya si Cheska lang raw ang tao sa bahay. Nilakad ko mula sa dorm hanggang sa Legarda station. Habang nasa tren, kapiling ang iba pang mga pasahero na patungo sa kani-kanilang mga destinasyon, iniisip ko ang mga sinabi ni Cheska noong nakaraang gabi.

“Pero kanina…” kung gaano niya kabilis binigkas ang mga salita ay ganoon din kabilis siyang huminto. “Ano?” lang ang nasabi ko.

“Sige na, ngayon lang. Kailangan ko lang talaga. Baka hindi ko na uli maramdaman ang ganito. Please, Chi,” ang sabi ni Cheska.

“Nung hawak ko ‘yung kamay mo, may kakaiba akong naramdaman. Don’t take this the wrong way, ha?” “Um, depende.” Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Pero ako makakauna sa’yo,” sabi ko. “Ayaw mo ban a isang taong espesyal ang makagawa no’n para sa’yo?”

“Kanina, nung papunta tayo sa LRT at hawak ko ‘yong kamay mo, bigla akong ginanahan.”

“I don’t give a damn about my virginity, Chi. At special na tao? Wala namang taong special e. Pare-pareho lang tayo.”

Wala akong sinagot sa kanya. Parang wala naman kasi akong masabi. “Hindi ko rin alam kung bakit, basta ando’n ‘yung gana. Ewan. I’m totally embarrassed with what I just said, pero ‘yon ang totoo e.”

“Um, kaibigan ko si Greg,” sabi ko pa.

Natawa ako kunwari. “Alam mo, I think nasasabi mo lang ‘yan kasi may conflict kayo ni Greg.”

Masyadong mahamog ang landscape ng isip ko nang gabing iyon kaya siguro napapayag ako. Ang inisip ko na lang, baka kapag ando’n na ako sa apartment niya, mas makapag-isip ako ng maayos. Mas rasyonal. Mas pragmatic. Hindi theoretical.

Parang hindi narinig ni Cheska ang sinabi ko. “Please?”

Ilang minute munang nanahimik si Cheska bago nagsalita uli. “Pwede ba tayo magkita ulit?”

Maliit lang ang apartment nila. Isang tipikal na bahay sa isang tipikal na kabahayan. Walang anumang kakaiba 25


sa lugar na iyon: ang kalsadang masikip, mga batang naglalaro, mga kababaihang naguumpukan, mga kalalakihang walang T-shirt na nakatambay sa labas ng tindahan, at lumang mga poster ng mga kandidato kahit matagal nang lipas ang eleksyon. Sa loob ng apartment, medyo presko. Maraming bintana, pero hinarangan ng mga pulang kurtina. Bahagyang mababa ang kisame. Nakalinoleum ang lapag Magkadugtong ang sala at kusina. Sa sala, may TV, may mga plastic ng pirated DVDs, may desktop PC, may sofa at lamesang maliit sa tapat nito. Sa kusina, may plastic na lamesa at monobloc na upuan, may lababo kung saan sa tabi nito ang pingganan. Ang humahati lamang sa sala at kusina ay ang kahoy na hagdan na mukhang papunta sa kwartong tulugan.

namang she’s just making conversation. Maya-maya ako naman ang nagtanong, tungkol sa kanya, sa pamilya niya, at casual lang rin ang sagot niya. Malamang, alam rin niya na I’m just making conversation. Naka-dalawang beer kami. Nang maubos na ang ikalawang bote at simot na ang pulutan, hinawakan niya ang kamay ko, habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang tabigin ang kamay niya, o kung dapat bang may sabihin ko, pero hinayaan ko lang siya. Umusog siya palapit sa akin at bigla niya akong hinalikan. Dinama ko ang mga labi niya. Malambot. Di mo aakalaing nakatikim na ng halik mula sa iba. Bumaba ang kamay ko sa mga suso niya, pero tinabig niya ang kamay ko. “Do’n tayo sa taas,” sabi niya.

May dalawang bote ng Red Horse sa lamesa na nasa gitna ng sofa at TV. May Piattos na green, chicharon, at platito ng suka. May ashtray rin, ang bunganga nito gubat ng mga upos at filter ng yosi.

Umakyat kami sa kwarto niya. Hindi na niya hinintay na hubaran ko siya, siya na mismo ang naghubad at naghubo sa sarili niya at humiga sa kama. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at ibinaba ang pantalon. Tigas na tigas ako nang makita ang katawan niya: ang malulusog niyang dibdib, bilog na bilog parang hindi pa nahahawakan ng maski sino, at ang mala-triangle na buhok sa pagitan ng mga hita niya.

Umupo ako sa sofa, katabi ni Cheska. Iba ang istura niya kapag naka-damit pambahay. Mas kita ko ang bakas ng kanyang balingkinitang katawan. As usual, naka-lugay ang buhok niyang abot-balikat. Tinitigan ko ng saglit ang mga mata niya: kung susundin ko ang hinala ko, mukhang kagabi pa siya umiiyak.

Para akong si Moses na hinahati ang Red Sea nang hawiin ang mga hita niya. Pumatong ako at pumasok.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

Natigilan ako.

“Oo, okay na,” sabi ko, kahit ang totoo e ni fishball wala pa akong kinakain.

Basang-basa siya, ngunit bukod pa doon ay hindi ako nahirapang pasukin siya.

Inabot niya sa akin ang nagpapawis na bote ng beer. “O.”

Napansin ata ni Cheska na matagal ko siyang tinititigan. “Bakit?”

Tumagay ako. Tulad ng mga dati kong pag-inom, malamig ito sa dila at halos walang lasa, ngunit uminit at pumakla habang umagos pababa. Minsan ganito ang mga desisyon.

“Virgin ka pa ba talaga?” Napakagat labi si Cheska at ibinaling ang tingin sa isang bagay na maaring ang kisame na nasa likuran ko.

Normal muna ang kwentuhan namin ni Cheska. Tungkol muna sa buhay-buhay. Nagtatanong siya, sinasagot ko: kailan daw ba ako huling umuwi ng probinsya, kamusta mga magulang ko sa ibang bansa, may komunikasyon daw ba ako sa kanila, at kung kamusta ang grades ko sa mga majors. Casual lang ang mga sagot ko. Pero alam ko

“Please, ituloy mo lang,” ang nasabi niya. ***

26


Nang matapos kami, umiyak si Cheska. Umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa, o ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang ginawa namin.

niya ako sa dorm dahil off niya, tinanong ko kung ano ba nakuha niya matapos makatikim ng 77 na puta. “Sana hindi sakit,” sabi ko, sabay tawa.

“Cheska?”

“Gago, hindi. May mga natutunan naman ako, kahit papa’no.”

“I’m sorry for this,” sagot niya. “Napaka-walang kwenta ko bang tao?”

“Tulad ng?”

Nakatalikod siya sa akin pero niyakap ko siya. “H’wag mong sabihin ‘yan. Ako ang mali kasi pumayag ako.” Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nga ba ginawa ko ito.

“Na may iba’t ibang klase ng mga babae. May mga babaeng pariwara, may gusto ng ganitong posisyon, may ayaw sa foreplay, mayroong may fetish sa buhok sa kili-kili…naku pare, pera lang talaga ang kapital at kakaibang karanasan talaga.”

“Maswerte ang makakarelasyon mo,” sabi bigla ni Cheska. “Sana may makilala akong katulad mo, pero sana wala kang makilala na katulad ko: puta.” *** Papauwi na ako isang araw galing sa unibersidad nang mag-text si Greg. Nagulat muna ako siyempre. Mukhang magyayaya nanaman sa kung saan. Mas nagulat ako nang mabasa ko ang text niya. “PUTANGINA MO, HAYOP KA!”

Napaisip ako sa sinabi niya. Pero hindi ako nagsalita, gaya ng napakarami kong hindi pagsasalita.

Iyon lang ang laman ng text. Hindi na ako nagreply. Wala rin akong maisip na isagot.

“Pero alam mo p’re, talagang mayroon ka pa ring hinahanap-hanap. Sa dami ng experience ko, talagang iba pa rin ‘yung babaeng pinapakasalan.”

Natapos ang ikatlong taon ko sa college nang wala balita tungkol kay Greg. Kahit kay Cheska. Minsan nagkasalubong kami ni Cheska sa corridor. May mga kasama siya, pero mukhang hindi niya ako nakita. Minsan, nakita ko rin si Greg sa labas ng unibersidad. Siguro off niya noong araw na iyon at hinihintay na lumabas si Cheska. Hindi niya rin siguro ako nakita, hindi napansin, at mukhang hindi na kahit kailan.

Napangiti lang ako habang marahang tumatango, para bang may sinabi siya na sinang-ayunan ko.

Summer nang mai-kwento ng isang common friend namin ni Greg na nagka-tulo raw ito at kasalukuyang nagpapagaling. At least, kahit papano may balita pa.

YOUR AD

***

HERE

Naalala ko pa, noong ikinuwento ni Greg sa akin iyong tungkol sa 77 na puta na natikman niya, noong dinalaw 27


Isinulat ni Anino

Mensahe Ng Isang Anino Murahin mo nang murahin ang mundo. Dahil hindi siya balanse magbigay ng buhay. Dahil pinapahirapan ka lang niya. Hulaan ko, gusto mo nang tapusin ang buhay mo ‘no? Uy, isasaksak niya na sarili niya ‘yang hawak niya… Uy… Sige na. Ituloy mo na… Patunayan mong duwag ka…

Hayan ka na naman, umiiyak sa dilim. Nanginginig ang kamay habang hawak ang isang patalim. Bawat bahagi ng iyong mukha ay iisa lang inilalahad. Sawa ka na.

…talunan, tanga, lampa at walang kwenta… Tapos kapag patay ka na at imposible nang makabalik sa mundong tinakasan mo, saka mo pagmasdan ang mga taong magdadalamhati para sa’yo… Kung paano sila nahirapan sa pagkawala mo... At kung paano nila sayangin ang mga luha nila

Sawa ka na sa buhay na paulit-uit ka lang sinasaktan. Sa buhay na walang tigil kang pinapahirapan.

dahil sa katangahan mo…

Aminado ako, madamot talaga ‘yang buhay na ‘yan. Hindi ka niya hahayaang maging masaya. Walang forever.

Sasaya ka na niyan dahil at least, nalaman mong naging mahalaga ka pala para sa kanila…

Kaya heto ka, tulala at nag-iisip ng magandang gawin. Kung paano ka tatakas sa gulo at sa mga tinik na nakapalibot sa bawat direksiyon mo. Pakiramdam mo siguro, ang malas-malas mo.

At kapag lumaon, tulad ng isang punong-kahoy na naging abo, unti-unting maglalaho ang lahat ng alaala nila sa’yo. Kung sino at ano ka para sa kanila… Tapos lulungkot ka uli. At sa muling pagmamasid mo sa mundong hindi naging patas sa’yo, magugulat ka na lang sa biglang pagganda nito.

Wag kang mag-alala. Sang-ayon ako sa’yo. Ano bang tawag mo sa lahat ng masamang nangyayari sa’yo? Puno ka ng insekyuridad. Broken hearted at wala ka pang pera. Idagdag mo pa ‘yung problema mo sa trabaho at pamilya. Walang duda, malas ka ngang talaga.

Mula sa malayo, makikita mo ang mga tao. Tulad mo, umiiyak rin pala sila. Pero hindi nila hinayaang pangibabawan ng lungkot ang buong pagkatao nila. Pagmasdan mo kung paano sila lumaban at mas naging matatag pagkatapos nilang umiyak.

Kung bakit ba naman kasi, isinilang kang ganyan? Buti pa ‘yung iba, Masaya at walang problema. Tignan mo o, ang gaganda ng ngiti nila. ‘Di tulad mo na parang inangkin na ang lahat ng pwedeng maging problema.

Kahit mahirap, pinili nilang manatili sa mundong sinasabi mong madaya…

28


Magtatataka ka. Pero sa huli, mapupuno ka ng inggit. Hahanap-hanapin mo ang mga karanasan na binigay sa’yo ng mundo. Kung paano ka nanligaw at na-basted, maubusan ng pera sa wallet, panooring nagsisigawan ang mga kapatid at magulang mo at kung paano sila magbabati-bati uli. Maaalala mo ang lahat ng mga magagandang karanasan mo sa mundo. Sayang.

PS ni Kaye Magnolia Cruz

Pwede bang sabihin ko, Ikaw ay isang maginoo,

Lahat ng iyon, hindi mo na mararanasan . Tanga ka kasi eh. Duwag ka. Pero normal lang na magsisi ka. Dahil iyan naman lagi ang kinalalabasan ng padalos-dalos na pasya. Hindi mo ba naisip na iyang problema mo, naging problema ko rin, namin, ng lahat? Ano, itutuloy mo pa? Kung ako sa’yo, habang hindi pa huli, punasan mo na ‘yang luha mo. Tumayo ka na at itindig ang dibdib mo. Wag mong hayaang lamunin ka ng problema bagkus ay magpasalamat ka sa mundo dahil sa mga libreng problema na magpapatatag sa’yo. Sa pagtayo mo, ngumiti ka uli at isiping mong kaya mo na ang lahat. Congratulations, tatapang, tatatag at tatalino ka na. At maiisip mong ganoon talaga rito sa mundo. Hindi siya titigil sa paghamon sa kakayahan mo. Nasa sa’yo kung lalaban ka o susuko… Mahalin mo ang buhay sa kahit anong porma nito. Wag mo kong tularan. Nagsisisi na ko.

29

Laging nagpapatawa ng nasa paligid mo, Animo ay isang payaso. Ewan ko kung anong ginawa mo, Sa piling mo nabubuo ako, Sobrang ligaya sa kaibuturan ng aking pagkatao, Yan ang isang bagay na klarong-klaro. Ako ang magpapatunay mismo, Lahat ng totoo ay sinasabi mo, Ang pag-ibig para sa'yo,

Kahit na malayo ay totoo.


Of Stars, Hearts, and Time

BATA SA KALYE

By Wind Up Bird

"Ito ang normal mong nakikita" sa panulat ni kunis

Sa aking muling pag tapak sa kalye ng Maynila upang hanapin ang taong makakapag- turo sa akin kung paano sumipol ng katulad kay Barry Manilow, may mga bagay akong nasaksihan na nagpa-iling sa akin ng paulit-ulit kahit natutulog na. Â I see you in the stars,

Day 1 -

In everything there's light,

Sa isang masikip, maingay, matao at magulong terminal kung saan ako nakatrenta pesos sa pag kain ng chicken wings at gulaman na lasang daliri ay nasaksihan ko ang nakakabagabag na kalagayan ng mga batang kalye sa ating bansa. Habang nakaupo na ako sa loob ng dyip at naghihintay ng ibang pasaheo, nakita ko ang dalawang batang lalake hindi hihigit sa sampung taon na nag aagawan sa isang plastik bote. Halos mag sabunutan na sila sa pag nanais ma angkin ang bote. Lumapit ang isang binata at sinulsulan sila na daanin na lamang sa suntukan ang lahat. Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti muntik na sila mag bati pero hindi nag tagal ay dinig na dinig ko na ang salpukan ng kamao nila sa pisngi ng bawat isa. Tadyak, sipa, flying kick, gusto ko sana umawat kaso mukha naman silang nag eenjoy. Matapos ang ilang minutong pagtutuos may nakita na akong dugo sa mukha ng nagpa durog ng aking damdamin. Umiiyak sya habang minumumog ang sariling dugo at sinasabing "Ako nakakita nyan e! ipapangbili ko yan ng fishball e! Wakawaka e e!" habang patuloy ang pag iyak. Patuloy parin siya pinag sasapak ng isang bata at sa aking gulat, ang dami na palang nakiki usyosong mga bata na halos ka edaran nila na tuwang tuwang nanunuod habang sinisinghot ang plastik bote na may rugby. Mga apat sila at may nakita pa akong parang limang taong gulang palang sumisinghot na. Dito na ako nag simula umiling, yumuko at

I see you in the waters, In everywhere there's life, And I time.

wanna

be

with

you

for

all

of

Out of nothing you came along, And shattered all my sadness, With one stroke of your smile, Came the pounding sound of my heart, Beating back to life.

And you are the most beautiful image, Lights particles has ever transmitted into my eyes, In everytime I look at our pictures, I can see forever waiting to happen, Like a dream within ones reach.

So please be here now, While we're still here, For as each day that goes by, We are continually fading away, Time is cheating our hearts.

30


ong madukot. Wala narin ang bata, Napailing na naman ako at napakanta ng “Billionaire”. Day 3 Abalang abala ako sa pag abot ng bayad ng mga kapwa ko pasahero sa isang dyip at pag tawag ng iba pang pasahero sa tuwing hihinto ito. " Oh upu keyo, maluwag maluwag!". Hangang sa umabot na kami sa Bermuda Triangle kung saan nawawalan ng signal ang mga cellphone at nilalamon ng matinding trapik ang katinuan ng mga tao. Mga ilang minuto din kaming naka hinto at ng paharurot na ang dyip ay biglang may mag inang tumatakbo at hinabahol ang dyip na sinasakyan namin, sinampa niya ang anak niya na sa aking palagay ay apat na taong gulang pa lamang, sa kabutihang palad ay naka sabit din ang nanay at hindi sila pareho nadisgrasya. Pumasok ang bata sa loob ng dyip at namigay ng sobre sa aming lahat at kalunos lunos ang itsura ng bata. Mapapailing ka talaga at mapapakanta ng “Whats up?” Ang nag kumbinsi sa akin na mag lagay ng barya sa sobre ay nung kumanta na ang nanay ng bata, hindi ko alam kung anong kanta ang kinakanta niya pero parang sa tribo nila ito. Nakaramdam na ako ng lungkot ng kukuhanin na ng bata ang sobre sa akin, hindi ko maipaliwanag, hindi naman siya nagpapaawa kasi sa aking palagay wala pa siyang alam sa ginagawa niya, bigla lang talaga ako nakaramdam ng matinding awa sa mag ina na mistulang mga paru-paro sa gitna ng karagatan. Hindi alam kung saan dadapo, hindi alam kung saan tutungo.

napakanta ng I’m yours, Habang ang ilang pasahero ay nagbibigayan na ng panalo sa pusta. Naisip ko lang, ang bote na yun ay piso lamang kung ikakalakal, nung sinabi kaya ng bata na ipangbibili niya iyon ng fishball e ang ibig niya sabihin ay ipang ra-rugby niya iyon para hindi na makaramdam ng gutom? Day 2 Tirik ang araw pero hindi ganon masyadong mainit, naglalakad ako sa kahabaan ng Baclaran nang mapadaan sa tapat ng simbahan. Nag krus ako at bumulong lang ng “Salamat po.” Makalipas ang ilang hakbang may humawak sa kamay ko, isang batang babaeng kalye na sa aking palagay ay hindi rin hihigit sa sampung taon. Maliit siya, gulo gulo ang buhok, dugyot, at sobrang dungis. Naglakad kami na hawak niya ang aking kamay ng bigla kong na realize parang bagay kami. Tinanong ko siya kung madalas ba sya sa mga party at bar pero sa aking gulat ng i abot niya sa akin ang isang kwintas na may mukha ni Papa Jesus. Tinanong ko siya kung para saan ito at ang sinabi niya ay "kahit magkano lang po kuya gutom na gutom lang po talga ako!" . Dito na ako nagsimula dumukot at sa aking gulat nanaman wala na ak-

31


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.