Philippine Collegian Tomo 100 Jan-Feb Issue

Page 7

COLLEGIAN THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN www.phkule.org @phkule JAN-FEB 2023 VOLUME 100 ISSUE 08 40 PAGES PHILIPPINE

EDITORS' NOTE

PHILIPPINE COLLEGIAN

editor-in-chief daniel sebastianne daiz

managing editor gretle c. mago

business manager frenzel julianne cleofe

features editor polynne dira

layout editor venus janelle samonte

guest editors sheila abarra marvin ang

samantha del castillo kim yutuc

contributing members micah formoso

andrea medina arthur david san juan

probationary members

news john florentino perez johnson santos

features patrick kyle adeva guillana david

sean ingalla luis lagman ryan maltezo

mary june a. ricaña

kultura dean gabriel amarillas karen buena

john michael silerio

illustration justin lawrenz delas armas

maya caitlin erfe star laguio maria laya

elisha montemayor rona pizarro

layout angelyn castillo angeli mari rodenas

isaiah verdejo

photography luisa elago kathleen isaac

dominic porras ar jay revilla

administrative aide

gina bacucanag amelyn daga

ma. trinidad gabales

circulation manager

gary j. gabales

circulation staff

pablito jaena iii, marvin maroto

address

Student Union Building, UP Diliman, Quezon City, Philippines

website www.phkule.org

email phkule.upd@up.edu.ph

telephone

+(632) 8981-8500 loc. 4522

member

College Editors Guild of the Philippines (CEGP) UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad)

Sa ika-sandaang taon ng kritikal na pamamahayag, makikipagtuos ang Kulê sa mga isinuka na ng taumbayan ngunit muling nanunumbalik, sa mga pinunong dahas ang tugon sa ating mga hinaing, at sa mga maykapangyarihang nandurusta sa taumbayan para sa sariling ganansya. Ang taong ito ay magmamarka ng pagbabago sa midyum ng pahayagan, upang masigurong lapat ang bawat isyu sa pangangailangan ng mambabasang malaman at maunawaan ang mga pangyayari, at ang pangmatagalan nitong implikasyon sa mas malawak na iskema ng mga bagay.

02 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
Illustration by Maria Laya

sa UP ang mga

na

iginigiit sa pamantasan. Ano mang negosasyong pumapabor sa mga mangagawa ay hudyat ng bumubuting kundisyon ng kanilang trabaho at ng mas makataong paggawa sa loob ng unibersidad.

03 KULÊ@100 @phkule MGA NILALAMAN 02 Sino at Ano ang Kulê 04 EDITORYAL Pamumunong Pagtalikod 07 FEATURES Sean Marcus L. Ingalla Dagan ng mga Daluyong 12 NEWS Johnson L. Santos, Jr. Legal Services Still Elusive for Poor Filipinos Despite Reform Attempts 16 OPINION Daniel Sebastianne Daiz An Unlikely Case Law Tactic 18 OPINION Andrea Medina Transient State 20 FEATURES Mary June A. Ricaña King of the Road No More 24 PHOTOGRAPHY Kathleen Isaac Sa Kagubatan ng Lungsod 28 KULTURA Arthur David San Juan Matapos ng Luksa 32 OPINYON Gretle C. Mago Pagtatasa sa Militansya 34 KULTURA Kultura Staff Mga Untold Love Stories Ngayong Valentines Hindi madali
matamo
sektor
bago
ng mga
panawagan
kanilang

EDITORYAL

Pamumunong Pagtalikod

Kung may iiwan mang legasiya si Concepcion, ito ay ang maging isang halimbawang hindi dapat tularan ng mga susunod pang pangulo ng UP.

Kritikal para sa mga manggagawa ng UP ang pagkahalal ni Danilo Concepcion noong 2016, lalo’t nasa direksyon na sila kung saan kanila nang napagtagumpayan ang mga benepisyo para sa mga kontraktwal, dagdag pa ang pagpirma ng UP sa kay tagal na nilang ikinakampanya na collective negotiation agreements (CNA).

Gayunman, nang humarap na sa komunidad ng UP si Concepcion noong 2017, ipinangako ng kanyang administrasyon na higit pang pagsilbihan ang mga sektor ng UP: mula sa pagtanggap sa puna ng mga estudyante, pag-ibayo sa mga programang magpapaunlad sa kaguruan, at pagsulong sa regularisasyon ng mga kawani sa UP.

Sa pagkakataong iyon, ipinakita ni Concepcion na maaaring maging kaagapay ng mga sektor ng UP ang kanyang administrasyon sa pagsulong ng kanilang mga karapatan.

Subalit ang pagtalikod sa gayong panata sa pamamagitan ng pagtayo ng mga pader sa pagitan ng UP at ng mga sektor nito ang magiging legasiya ni Concepcion sa panunungkulan niya sa UP. Dahil sa pagdami ng nagtatayugang gusaling

ipinatayo, malinaw na kinalimutan niya na ang tindig ng sektor ng mga manggagawa— sa kabila ng kanyang pangangailangan sa kanila upang bigyang-buhay ang UP.

At sa pagtatapos ng termino ni Concepcion, iiwan niya ang pangunahing pwersa ng UP nang bigo’t patuloy pang binibigo ng napalsong mga pangako ng administrasyon. Sa gayong paggiba sa tagumpay ng mga manggagawa sa UP ipinamalas ni Concepcion ang kanyang ambag: ang makailang ulit na pagbansot sa boses ng kanyang nasasakupan.

Hindi madali bago matamo ng mga sektor ng UP ang mga panawagan na kanilang iginigiit sa pamantasan, kaya ano mang negosasyon na pumapabor sa mga mangagawa’y hudyat ng mas makataong paggawa sa loob ng unibersidad.

Gayunman, iba ang tumambad nang dumating ang krisis ng pandemya. Sa pagdatal ng COVID-19, halos 25 porsyento ng kawani ng UP ang nagkasakit. At sa halip na agarang sumaklolo ang UP, kahit man lang sa pagbibigay ng benepisyo tulad ng enhanced hospitalization program, naging pahirap pa ito dahil sa kanilang gipit na pagtulong.

Sa gayong paggiba sa tagumpay ng mga manggagawa sa UP ipinamalas ni Concepcion ang kanyang ambag: ang makailang ulit na pagbansot sa boses ng kanyang mga nasasakupan.

#DefendUP 04 PHILIPPINE COLLEGIAN JANUARY-FEBRUARY 2023
EDITORYAL 05 @phkule KULÊ@100 Disenyo ng pahina ni Isaiah Verdejo
Nagbigay talumpati si Danilo Concepcion sa naging tagumpay ng kanyang termino bilang ika-21 pangulo ng UP bago manumpa si Angelo Jimenez bilang ika-22 pangulo ng unibersidad, Pebrero 10. /Ar Jay Revilla (2023)

Kasagsagan din ng unang semestre noong 2020, kung kailan higit na kinailangan ang internet, tanging P1,500 lamang bawat buwan ang natanggap na internet subsidy ng ilang kaguruan at REPS. Kalunoslunos pang pagkaraan ng isang taong pagpapadala ng sulat ng mga hinaing sa tanggapan ni Concepcion, maraming empleyado ang naiwang mag-isa sa pagtataguyod ng gastos sa trabaho’t pagpapagamot tuwing magkakasakit.

Habang ikinakampanya ng mga unyon ang health and wellness package, dagdag pa ang P25,000 economic assistance para sa mga empleyadong nasa health break bunsod ng quarantine, idinadahilan ng UP na limitado ang maaari nitong gawin sapagkat dapat pang dumaan sa tanggapan ng Commission of Audit ang ano mang kaugnay sa pagdaragdag ng benepisyo sa mga empleyado. Ngunit kung batas lang din ang pagbabatayan, malinaw na sa ilalim ng Section 13 (K) ng UP Charter of 2008 ay may kapangyarihan ang UP–lalo si Concepcion–na taasan ang sahod at benepisyo ng mga empleyado nito.

Mauugat ang mga suliranin ng mga manggagawa noong pandemya sa kapabayaan ng UP na resolbahin ang mga isyung matagal nang idinudulog sa pamantasan. Paano’t isang taon pa lamang nang maupo, ipinaramdam niya nang tanging mga salita lamang sa hangin ang kanyang kayang bitawan noong kampanya sa pagkapangulo. Hindi na nga nagkunwari si Concepcion na wala sa prayoridad niya ang mga manggagawa sa UP.

Kaya taong 2017, itinigil ng UP ang pagbibigay ng benepisyo sa mga non-UP contractual workers. At nang humiling naman ng diyalogo ang mga manggagawa upang pag-usapan ang kanilang hawak na CNA, hindi sinipot ni Concepcion ang mga unyon.

Nilalaman ng CNA ang lahat ng kasunduan ng mga unyon at UP na napagtagumpayan sa tulong ng pakikipagnegosasyon at militansya. Kaya naman sa pagtalikod at pagbabalewala ni Concepcion sa CNA, hindi lamang niya isinawalang-bahala ang legalidad ng mga karapatan ng mga manggagawa sa UP. Bagkus, lalong pinahirapan ang kanilang mga kundisyon sa mga sumunod pang taon.

Lampas 40 porsyento na ng mga manggagawa sa UP ang kontraktwal, ayon

sa Alliance of Contractual Employees in UP. Mula sa dating 1,841 bilang ng kontraktwal noong 2016, tumaas ng 672 ang bilang ng mga kontraktwal sa UP nitong Hunyo 2022. Katumbas ng mga numerong ito ang libo-libong manggagawa sa UP na taon-taong nasa bingit ng pagkatanggal sa trabaho. At bagaman ilang taon na silang nagseserbisyo sa UP, ang pamantasan pa ang nagpapahirap sa kanila dulot ng mabagal at mababang pasahod, dagdag pa ang deka-dekadang tagal bago maging regular ang mga manggagawa.

Hindi bumaba sa P13 bilyon ang pondo ng UP mula nang maupo si Concepcion. Sa katunayan, noong 2021, nakita ang pinakamataas na badyet ng UP sa buong kasaysayan ng pamantasan. Kasama pa ang natatanggap na pera ng UP mula sa gobyerno, ang kasunduan sa mga pribadong kumpanya, at ang kinikita nito sa komersyo gaya ng rentang nakokolekta mula sa UP-Ayala TechnoHub, UP Town Center, maipagpapalagay na maaaring higit pa, kundi man labis, ang pantustos ng pamantasan para sa operasyon nito.

Sa kabila nito, kritikal ang naging pagkapangulo ni Concepcion dahil lantaran nitong ipinakita na isinasantabi pa rin ang hinaing ng mga kawani sa unibersidad—gaya ng kalakhang danas ng mga manggagawa sa bansa. Sapagkat halip na tumaliwas ang UP sa pagkabigo ng dating administrasyong Duterte na buwagin ang kontraktwalisasyon, lalo pang tumalima’t pinaigting ng pamunuan ni Concepcion ang kontraktwalisasyon sa kahabaan ng kanyang pamamahala.

Bilang pangulo ng UP, nangyari sana na kinasangkapan ni Concepcion ang awtonomiyang mayroon ang pamantasan upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa unibersidad. Dahil kaiba sa idiniin niyang adbokasya upang hubugin ang UP bilang bukal ng pampublikong serbisyo, sinalamin ng kahabaan ng kanyang pamunuan ang lugmok na realidad ng mga komunidad ng UP.

Ngayon pa lang, kailangan nang tanggapin ng darating na administrasyon ni Angelo Jimenez na ang tunay na nagpapatakbo’t nagpapagana sa pamantasan ay ang mga sektor na bumubuo nito. Kaya asahan nilang sa pagharap sa mas kritikal at nagkakaisang hanay ng mga sektor sa UP, patuloy na ititindig ang hustisya para sa uring anakpawis.

Kritikal ang naging

«
pagkapangulo ni Concepcion dahil lantaran nitong ipinakita
manggagawa
EDITORYAL 06 PHILIPPINE COLLEGIAN JANUARY-FEBRUARY 2023 #DefendUP
na isinasantabi pa rin ang hinanaing ng mga kawani sa unibersidad— gaya ng kalakhang danas ng mga
sa bansa.

Dagan ng mga Daluyong

Sa pagpapanatili ni Marcos ng mga kompromiso sa soberanya ng Pilipinas, patuloy ang banta sa mga mangingisdang malaon nang pineperwisyo ng panghihimasok ng Tsina sa Scarborough Shoal.

Ang bawat pagpalaot ng mga mangingsida ng Zambales sa West Philippine Sea ay pagbaybay sa peligro. Tangan ang kawil at pana, sinisikap nilang sumuong sa malawak na katubigan upang may maiuwi kahit na kakarampot na huli sa pamilya. Binabalot ng pangamba ang mga mangingisda tuwing papalapit sa pampang ng Scarborough Shoal, kung saan nakapalibot ang malalaking barko ng Tsina.

Oktubre noong nakaraang taon, inulat ng Philippine Coast Guard ang presensya ng apat na Chinese Coast Guard ship at ang dalawang militia vessel ng Tsina sa Scarborough Shoal. Sa parehong buwan, hinarang ng mga dayuhan ang mga mangingisda at pinigilang makalapit sa bahura.

Proteksyon para sa mga mangingisda at pagpapaalis sa mga dayuhang barko ang inasahang titindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita niya sa Tsina noong Enero. Ngunit dumulo lamang ang usapan ng dalawang pangulo sa pagpapahintulot ng Tsina na makapaghanapbuhay ang mga mamalakaya sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas.

Kinukunsinti ni Marcos ang pagbalewala ng Tsina sa hatol ng arbitral tribunal noong 2016, na nagtakdang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang West Philippines Sea, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), organisasyon ng mga lokal na mangingisda. Pareho sa pamamalakad ni Rodrigo Duterte na isinawalang-bahala ang halaga ng arbitral ruling, ang kawalan ng matibay na paninindigan ng administrasyon para depensahan ang soberanya ng Pilipinas

ay nagpapatindi sa unos na nananalasa ng mga mangingisda ng Zambales.

Litaw sa patakarang panlabas ni Marcos ang patuloy na pagkakatali ng Pilipinas sa Tsina at pawang pagpapaubaya sa kanilang gamitin at ariin ang likas-yaman ng Pilipinas. Kalakip ng kompromiso sa ating katubigan ang nagpapatuloy na banta sa mga mangingisdang matagal nang pineperwisyo ng dayuhang panghihimasok sa Scarborough Shoal.

Tangay ng Mabalasik na Daloy

Ang pagtataboy sa mga mangingisda ng Zambales mula sa sariling teritoryo ay usapin ng buhay at kamatayan. Dahil sa pagkakait sa kanila ng pagkakataong makapaghanapbuhay sa Scarborough Shoal, umabot na sa 70 porsyento ang naging tapyas sa kita ng mga mangingisda mula 2020, ani Fernando Hicap, pambansang pangulo ng Pamalakaya.

Tinatayang 12 porsyento ng taunang huli ng mga isda sa mundo ay nanggagaling sa West Philippine Sea. Ngunit hindi mga Pilipino ang nakikinabang dito dahil sa kabiguan ng pamahalan na itaguyod ang karapatan ng mga mangingisda sa sariling teritoryo. Iligal na humahango ang Tsina ng 240,000 kilong isda araw-araw mula sa West Philippine Sea, ayon sa Homonhon Environmental Rescue Organization.

Ang malawakang pagkuha ng malalaking tulya at pagtatayo ng Tsina ng mga artipisyal na isla ay nagdulot ng pagkawala ng P33.1 bilyon dahil sa pagkasira ng reef ecosystem sa West Philippine Sea, ayon sa UP Marine Science Institute. Dahil dito, ilang daantaon

Litaw sa patakarang panlabas ni Marcos ang patuloy na pagkakatali ng Pilipinas sa Tsina at pawang pagpapaubaya sa kanila ng kapangyarihang gamitin at ariin ang likas-yaman ng Pilipinas.

NARRATIVES Disenyo ng pahina ni Isaiah Verdejo 07 @phkule KULÊ@100

NARRATIVES

pa ang kinakailangan upang maghilom ang mga nasirang likas na yaman, at kakabit nito ang banta sa seguridad sa pagkain ng Pilipinas at pagkawala ng hanapbuhay para sa 627,000 mangingisda.

Taong 2012 pa lang ay nakararanas na ng panganib ang mga Pilipinong nangingisda sa Scarborough Shoal nang magtayo ng mga harang ang Tsina sa lagusan tungong lagoon nito. Nangyari ito ilang buwan pagkatapos ng tinaguriang Scarborough Shoal standoff kung saan nagpadala ang Pilipinas ng naval ship upang arestuhin ang mga Tsinong iligal na nangingisda roon. Rumesponde ang Tsina sa pagpapadala ng dalawang barko kung saan nagtapatan ang dalawang panig. Nang kalauan ay unang umurong ang Pilipinas. Ito ang naging hudyat ng “de facto ownership” ng Tsina sa teritoryo, ayon kay Enrico Gloria, propesor ng international relations sa UP.

Kaya sa tuwing tatangkain ng mga mangingisdang pumasok sa Scarborough Shoal, nakatatanggap sila ng pananakot at babalang papalapit sila sa teritoryo ng Tsina. Dati na silang inatake ng mga nakaistasyong Tsino gamit ang water cannon na sumira sa kanilang mga bangka. Batay sa ibinahagi ni Hicap sa Collegian, kadalasan ay dalawa sa mga barko ang nasa loob ng teritoryo: dalawa sa bungad, habang ang dalawa pa ay pumapalibot sa labas ng bahura.

Itinuturing na pahingahan ng mga mangingisda ang lagoon ng Scarborough Shoal kapag may nagbabadyang masamang panahon. “Ngayon nakapalibot na ang Chinese Coast Guard. Imbes na doon sila magpahinga tuwing masama ang panahon, obligado na silang umuwi kasi wala silang tataguan. Kaya may mga report sa amin na nalulunod at nawawala nang maabutan ng malakas na bagyo sa gitna habang pauwi,” ani Hicap.

Bunsod ng ganitong mga pandarahas, nakapagpadala na ang Department of Foreign Affairs ng 461 diplomatikong protesta sa Tsina simula 2016. Ngunit di pa rin tumigil ang mga abuso. Mula sa 287 araw na pagpatrol ng China coast guard sa Scarborough Shoal noong 2020, tumaas ito sa 344 araw noong 2022, ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies (AMTI-CSIS).

Ayon sa AMTI-CSIS, itong tumitindig panghihimasok ng Tsina ay indikasyon ng kanilang determinasyong angkinin ang West Philippine Sea.

Hindi rin nakatulong sa mga mangingisda na sila mismo ay binubusalan ng Pilipinas. Isa sa mga lider ng Pamalakaya sa Zambales ang pinuntahan ng kinatawan ng Philippine Navy upang pagbawalan na magsalita laban sa presensya ng Tsina.

Para sa mga mangingisda ng Zambales, ang pamamalakad ni Marcos ay walang kaiibahan sa nagdaang administrasyon. At nangangahulugan ito ng paglubha ng kanilang katayuan sa mga darating na mga taon.

Pamamangka sa Dalawang Ilog

Sa pagtindi ng tunggalian sa pagitan ng Tsina at US, ang pihit ng patakarang panlabas ni Marcos ay may epekto sa mga pagbabago ng kondisyon ng mga mangingisdang naiipit sa girian. Ang

kahihinatnan ng rehiyon ay nakabatay sa kung paano iiral ang ugnayan sa pagitan ng dalawang malalaking kapangyarihan sa kasalukuyan at hinaharap, ani Gloria.

Sa ilalim ng termino ni Duterte, ang pagkiling noon sa Tsina ay nilangkapan ng retorikang paglaban umano sa US; ngunit tinanggap ng kanyang administrasyon ang pinakamalaking halaga ng tulong militar sa buong TimogSilangang Asya mula sa US. Kaya naman hindi malayong gaya ni Duterte, sisikapin ni Marcos na maging malapit sa Tsina habang pinananatili ang relasyon sa US. “It (US-Philippines alliance) has been already an institution in itself that determines our foreign policy direction,” paliwanag ni Gloria.

Ipinahayag ni Hicap ang agam-agam na maaaring maipit ang Pilipinas bilang entablado sa digmaan ng Tsina at US, lalo na kung gagamitin ang isyu ng West Philippine Sea bilang katwiran sa pagsusulong ng giyera. Ikinabahala niya ang naging pagbisita ng bise presidente ng US na si Kamala Harris sa Pilipinas noong Nobyembre dahil sa posibilidad na maudyok ang Tsina na palalain ang gitgitan.

Sa pananaw ni Gloria, may batayan ang sentimyento ni Hicap dahil sa isinagawang negosasyon para sa pagkakaroon ng dagdag na lugar na paglulunsaran ng mga pagsasanay-militar ng Pilipinas at US alinsunod sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kinumpirma ng parehong panig noong ikalawa ng Pebrero ang pagpayag ng Pilipinas para sa apat na panibagong lokasyong maaaring pasukin ng militar ng US.

“It’s an arms race type of scenario, racing to increase your arms until the situation becomes very insecure because there’s just so much securitization going on. Our actions, our security or military action, EDCA, will be responded by equivalent security or military action on the part of China.”

Sa parehong linggo ng pagbisita ni Harris sa Pilipinas, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard. Dalawang beses na hinarang ng Chinese vessel ang Philippine naval boat bago sapilitang kinuha ang

08 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
Atin ang Pinas!
Dibuho ni Justin Lawrenz Delas Armas

mga durog na labi ng rocket na nakalap ng mga Pilipino mula sa Pag-asa Island.

Bilang pagtalima ni Marcos linyang na kaibigan ang Pilipinas ng lahat, malapit din siyang umuugnay sa Tsina sa tabing ng diplomatikong pagdepensa ng interes ng bansa sa West Philippine Sea. Salungat sa prinsipyo ng pagkakaibigan na nakabatay sa pantay na relasyon, nakataguyod ang samahan ng dalawang bansa sa dominasyon ng Tsina na binabalewala ang karapatan at soberanya ng Pilipinas.

Katangi-tangi sa patakarang panlabas ng administrasyon ni Marcos ang pagtataguyod ng direktang linya ng komunikasyon sa pagitan ng DFA ng

Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng Tsina, ani Gloria. At kung sakali mang matagpuan niyang tunay ang mga insidenteng ito, balak niyang magpadala ng grupo sa Beijing upang talakayin ang isyu na ito kasama ang mga opisyal ng Tsina.

Ngunit di tiyak na mareresolba ang isyu ng mga mangingisda sa pagkakaroon ng direktang linya ng dalawang bansa, lalo pa’t sinabi ni Marcos na wala nang magagawa ang Pilipinas kundi manood na lamang muna sa nangyayaring pandarahas sa Scarborough Shoal.

“Regardless of the alignment strategy we adopt, the optimal alignment strategy is to hedge between these two major powers. Such is the fate of any small power in international politics, you cannot pick a side because picking a side would entail more losses on your end,” paliwanag ni Gloria.

Pagsalungat sa Karaniwang Agos

Kailangang pairalin ang pamamalakad na di umaasa sa parehong US at China nang sa gayon ay mga Pilipino mismo ang makinabang sa kanilang yaman, ani Hicap. Pagtanggi ang hakbang na ito na gamitin ang Pilipinas bilang kasangkapan sa tensyon ng ibang mga bayan habang nakikinabang sa pakikipagkalakalan ayon sa pangangailangan ng sariling bansa. Kakabit nito ang pagtataguyod ng nagsasariling patakarang panlabas.

Maaari pa ring makapagtaguyod ng produktibong ugnayang pang-ekonomiko

sa Tsina nang di binabalewala ang soberanya ng sariling bansa, ayon kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio. Banggit ang Vietnam bilang halimbawa, posibleng magkaroon ng malakas na ugnayang pangkalakalan sa Tsina habang sinisigurong protektado ang teritoryo ng sariling bansa, sa pamamagitan ng pagpapadala ng coast guards sa kanilang exclusive economic zones para makipagharapan sa Tsina.

Upang lutasin ang pagdurusa ng mga mamamalakaya ng Zambales, dapat igiit ng administrasyon ni Marcos na pagmamay-ari ng Pilipinas ang teritoryo, sa halip na bumuntot sa kumpas ng Tsina. “Hanggang nananatili ang presensya ng Chinese Coast Guard at commercial fishing vessels sa West Philippine Sea, walang kapayapaan at katahimikan ang mga mangingisdang Pilipino,” ani Hicap.

Inilapit din ng Pamalakaya sa pamahalaan ang kampanya para sa tunay na rehabilitasyon ng mga katubigan, taliwas sa mga mapanganib na proyekto at gawain ng Tsina na sumisira sa likas na yaman ng mga isla. Upang mapatunayan ang pampulitikang kapasyahan na ipagtanggol ang interes ng mga mangingisda, dapat na singilin ng pamahalaan ang Tsina sa lahat ng pagkasirang idinulot ng kanilang okupasyon.

Kailangang baklasin ang sabwatan sa pagitan ng mga dayuhan at pamahalaan ng Pilipinas na nagdudulot ng paghihirap sa mga mangingisda. Nangangahulugan ito ng pagputol sa mga di-pantay na kasunduan at pagtataguyod ng sariling industriya at pambansang soberanya. “Itigil na ni Marcos ang pagbebenta ng ating teritoryo, soberanya, at iyong yaman ng ating pangisdaan, mga mineral, at kalikasan,” panawagan ni Hicap.

Umaasa ang mga mangingisdang Pilipino na darating ang araw na muli nilang mababaybay ang mayayamang katubigan ng bansa at makababagtas pauwi nang may tiyak na maipapakain sa pamilya. Matatalunton lamang ng Pilipinas ang tunguhing ito kung masidhing paninindigan ng pangulo ang pagdepensa sa teritoryo at pagtalikod sa mga mapang-aping ugnayan.

Kailangang baklasin ang sabwatan sa pagitan ng mga dayuhan at pamahalaan ng Pilipinas na nagpapahirap sa mga mangingisda. Nangangahulugan ito ng pagputol sa mga di-pantay na kasunduan at pagtataguyod ng sariling industriya at pambansang soberanya.
09 @phkule KULÊ@100 Disenyo ng pahina ni Isaiah Verdejo
NARRATIVES «
NARRATIVES 10 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
Atin ang Pinas! Dibuho ni Justin Lawrenz Delas Armas
NARRATIVES 11 @phkule KULÊ@100
Disenyo ng pahina ni Isaiah Verdejo
Buhat ng pagpapanatili ni Marcos sa mga kompromiso sa soberanya ng Pilipinas, patuloy ang banta sa mga mangingisdang malaon nang pineperwisyo ng panghihimasok ng Tsina sa Scarborough Shoal.
File Photos (2020, 2023) 12 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN

Legal Services Still Elusive for Poor Filipinos Despite Reform Attempts

With congested court dockets and limited public defenders, there is an undeniable disparity of how justice is served for the rich and the poor, despite the promised equality of the law.

Graphics
by Angelyn Castillo
13 KULÊ@100 @phkule

Virgie’s* firstborn, Jun, was 24 when he was arrested for illegal possession of drugs. It was in 2017, almost a year after then President Rodrigo Duterte assumed office with his anti-drug campaign in full swing. With only little money to their name, she could not afford proper legal assistance for her child who only wanted to help a friend pay their hospital bills

It took five years before Jun was released on bail despite internal court rules that mandate drug cases be resolved within 75 working days.

“Yung kaibigan niya kasi may sakit ang asawa, kaya naisipan nilang magbenta,” she said. “Pero mabait ang anak ko. Madali kasing isipin na kapag nagnakaw ka, o pumatay ka ng tao, masama ka na agad. Hindi ganun si Jun. Mali man ang ginawa niya, pero hindi niya intensyong manakit ng ibang tao.”

Virgie brought the case to a Public Attorney’s Office (PAO) in Nueva Ecija, she was advised to urge Jun to accept a plea bargain. With the offer, she believed that her son could get a shorter sentence of a minimum of five years in prison. But without it, the case would go through a full-blown trial: Jun could either be acquitted or convicted up to 20 years in prison, according to the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Sabi ng PAO, yun na raw ang pinakapwede sa kanya. Kaso kasi, kilala ko ang anak ko, hindi naman siya masamang tao. Paano na lang kung paglabas niya, mabago siya ng preso?” She told through tears.

On average, the 2,400 public defenders of PAO have to juggle 816,000 cases nationwide per year. The volume of cases taken by every PAO lawyer is too much for the attorney to handle with zeal. Combine this with sluggish trials in courts, less fortunate defendants’ avenue for justice becomes more elusive.

Clogged Dockets

The 1987 Constitution mandates the state to provide indigent accused of free legal counsel. Defendants are also ensured of having a speedy and impartial public trial. It was to fulfill this

constitutional promise that the PAO was established.

PAO, an agency under the Department of Justice, was first established in 1987 to provide free access to courts and legal representation for indigent clients. It was amended by Republic Act (RA) 9406 in 2007, renaming the agency and making it an independent body, with stronger autonomy and increased compensation for public attorneys.

It is also through RA 9406 that mandated one public lawyer for each courtroom. However, due to the influx of cases, even the courts are forced to adjust trials to maximize the working calendar dates, forcing PAO lawyers to handle multiple cases simultaneously.

“Right now, kahit papaano, it’s manageable. But it’s really more than what it should be,” said PAO lawyer Maria Joy Karen Adraneda-Filio, who has been with the agency for a decade. “Kasi PAO does not only handle criminal or civil, [but] we also take cases [from] quasi-judicial agencies. Tapos, we accept walk-in clients pa.” Quasi-judicial bodies are agencies that are not under the judiciary but are authorized to interpret the laws such as the National Labor Relations Commission.

On average, a public lawyer will handle 340 cases per year, Adraneda-Filio said. These cases include lengthy readings, research, paralegals, negotiations, court adjustments, and client interactions. The amount of time spent per case proves to be burdensome.

Worse, because of the snail-paced judicial system, there is a bottleneck in the court system itself, delaying the delivery of decisions.

“Sometimes, 90 days [of a trial] become two to three years because mabagal ang bureaucracy, so we have to work quickly and smartly,” Adraneda-Filio said.

Jun’s drug case was delayed several times because of the large docket size. And the more that his case was being drawn-out, the more it became expensive for Virgie who had to pay for court appearances and visits to Jun,

End impunity! 14 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
NATION
On average, the 2,400 public defenders of PAO have to juggle 816,000 cases nationwide per year. Combine this with sluggish trials in courts, less fortunate defendants’ avenue for justice becomes more elusive.

who was detained two cities away from where they live.

Lagging Processes

There is a problem with the country’s judicial system because of unobserved rules, said human rights lawyer and National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) President Ephraim Cortez. One of the high court’s attempts to decongest dockets was the 75-day rule which entails that criminal proceedings must have a final and executory decision on the 75th working day since it was first convened.

“The most violated right is the right to speedy trial,” Cortez said. “The courts grind slowly, it takes years. If you’re a detainee, you wait for so long before [you receive] a decision.”

In 2006, the Supreme Court laid out the One-Day Witness Examination Rule which states that a witness must be fully examined within the day. In 2012, the Supreme Court applied the Judicial Affidavit Rule where live witness testimonies will be replaced by sworn statements that will be submitted and reviewed by both parties and the judge.

However, these rules, in practice, are not strictly enforced in regular proceedings but used in special and high-profile cases only, Cortez noted.

“The court should strictly abide by their own rules. Tingnan mo yung Remulla case. O, kaya naman pala [na mabilis],” he said, referring to the drug raps filed against the son of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla III that only lasted for three months. Meanwhile, 69.47 percent of criminal cases do not follow the 75-day ruling guidelines of the Supreme Court, an assessment by Vera Files revealed. Some cases’ bail hearings even get postponed for a year.

Judges maintain the vital role in hastening proceedings since they control how the trial would flow, and how the court’s clerks manage the efficiency of time per hearing, said Mark Jason Aludino from the University of Asia and the Pacific School of Law and Governance in a 2018 study.

Once, Virgie said, Jun was ready to face a bail hearing but was cut off by the judge, delaying the case for another month.

“Bigla kaming pinauwi [ng judge] kasi suspended na raw ang trabaho ng araw na yun, pero syempre babayaran ko pa rin appearance ng abogado,” Virgie recounted.

Beyond the Bench

The delays brought by the courts and limited resources also delay the delivery of justice, often at the expense of the accused.

“May PAO [dapat] per sala pero maraming kaso tapos kaunti ang PAO lawyers,” Cortez said. “If you’re representing 10 clients in one hearing, then ilan ang pwede mong gugulin para lang magkaroon ng maayos na trial?”

He said that only about 2 to 3 percent of lawyers are engaged in pro bono services while the rest are in mainstream and corporate practices. Along with this, around 90 percent of the population have no means to pay for private lawyers and must share the time of public defenders. Virgie, who opted to hire a private lawyer instead of plea bargaining as suggested by a PAO lawyer, had to borrow a total of P25,000 for legal expenses.

Those who offer free legal services are also often vilified by the government. In 2020, then Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade claimed, without basis, that NUPL is secretly funded by the Communist Party of the Philippines to handle cases filed against its supposed members. While Cortez does not deny handling cases related to the peace process, he said that these allegations are baseless and drive away other lawyers who are interested in pro bono services because of fear of being red-tagged.

For Adraneda-Filio, while the delays are burdensome, PAO relies on its employees’ competence to make sure that the litigation is as quick and efficient as possible. She added that there is a pressing need for free legal education to ensure that citizens know

their rights and other measurements the state entitles them to.

To solve the congestion problem, multiple reforms have been laid out by the Supreme Court. In 2014, Department of Justice and the Department of Interior and Local Government, along with the judiciary, launched electronic subpoenas which then Chief Justice Maria Lourdes Sereno believed would ease the delays caused by witness’ nonappearance. In the same year, she also asked Congress to increase the judiciary’s budget to implement the “continuous trial system” that is now in effect.

But despite attempts on reforms, a 2022 global study by the World Justice Project gave the Philippines a 0.47 out of 1.00 overall score in terms of the rule of law. From being placed 51st out of 140 countries on the rule of law index, the country’s rank declined to 97th following low ratings in civil and criminal justice accessibility.

“Totoo talaga na kapag mayaman ka, mas mabilis gumulong ang batas. Kasi may pera sila eh, ang kaso madaming mahihirap, e ‘di marami ring hindi makakuha ng hustisya,” Virgie lamented.

It has been a few months since Jun was released after being acquitted, and yet Virgie said that her son suffered so much that she fears there has been a permanent damage on Jun who has been experiencing persistent nightmares and visible emotional instability. After all, Jun lost five years worth of life.

“Minsan iniisip ko, kung may pera sana ako noon para mailabas ko siya agad, hindi sana ganito ang nangyayari sa anak ko,“ she said. “Ang sakit.”

*Not her real name. Identities were withheld due to the sensitive nature of the case.

Page design by Angelyn Castillo 15 KULÊ@100 @phkule NATION «

An Unlikely Case Law Tactic

The Gigi Reyes case applies to political prisoners as state forces are keen on detaining them for as long as they can, violating the detainee’s constitutional right to a speedy trial.

Free all political prisoners!

COLUMN
16 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
photos from Getty Images Signature and Pixabay
Stock

It is a rarity that the Supreme Court does something to uphold fundamental rights, even in the most unexpected way. But when it does so, those at the losing end of justice are often sidelined–the ones who have languished in jail without trial, poor defendants and political prisoners.

On January 17, the court’s first division ruled that Gigi Reyes, the former chiefof-staff of former Sen. Juan Ponce Enrile, must be released after nearly nine years of detention arising from charges of plunder connected to the Pork Barrel scandal. According to the court, Reyes may avail of the privilege of the writ of habeas corpus, which allowed the detainee to challenge her imprisonment and eventually petition for her temporary release. In this particular situation, the legal remedy was pursued as Reyes has been detained for too long without meaningful progress in her case.

The court ruled–for the first time–that the writ may be used to free a detainee even with a valid court decision ordering imprisonment. This decision was a flexing of judicial prowess, uncommonly seen in an institution that has prided itself on being passive and opaque. Because the decision is now good law, the case could free similar plunder defendants. However, a closer and more clever reading of the decision could be used by other imprisoned–including those who are wrongly detained.

At the outset, though, the court clarified that their decision is “generally not available to a person whose liberty is under … process issued by a court.” Nonetheless, the court added, once the fundamental right to speedy trial is violated, habeas corpus may be availed for temporary liberty.

Habeas corpus writs are commonly availed by political prisoners seeking to

be released from their illegal detention. The writ was frequently used, albeit with little success, by the opposition figures imprisoned by the Marcos Sr. regime. In 2021, the writ was invoked by Joanna Abua, the wife of missing peasant organizer Steve Abua, to compel military camps to surface her husband. A habeas corpus petition may only apply in cases of illegal detention, not disappearance, the Court of Appeals ruled.

But Reyes is neither a political prisoner nor an activist. Unlike Reyes, whose victory has been concocted by no less than the once-Marcosian solicitor general Estelito Mendoza, political prisoners have long even called the court to take action on worsening conditions inside jails, especially during the height of the COVID-19 pandemic. Their pleas, however, have fallen on deaf ears.

Mendoza’s wicked lawyering–for better or worse–has opened another avenue for political prisoners to challenge their imprisonment, often due to trumped-up nonbailable charges. Before the Reyes petition, the habeas corpus remedy is no longer available once a detained individual has been formally charged, a consequence of yet another Martial Lawera jurisprudence in the landmark case of Ilagan v. Enrile.

The court has not explicitly overruled Ilagan, but Reyes’s case has reinvigorated the weakened writ of habeas corpus. For the court, if the right to a speedy trial has been trampled upon, then the writ may be used to temporarily release the detainee.

Political prisoners, in particular, have been on the receiving end of the state’s double whammy: arrested on baseless charges, and victimized by prolonged detention due to the inordinate and deliberate delays in sham trials. This February, three of the five Tacloban-

based activists marked their third year in jail. It was only last January 23 that the three faced trial for a dubious charge of terrorist financing since their Gestapostyle arrest in February 2020. Even Former Sen. Leila de Lima, who marked six years in detention this month, has been unable to find a final resolution on her case due to various trial postponements.

President Ephraim Cortez of National Union of Peoples’ Lawyers told Rappler that the Reyes decision would find an upright purpose if the courts will allow its application to “nameless and faceless victims who have been languishing in jails under questionable circumstances.”

The Reyes case precisely applies to political prisoners as, apart from their questionable arrest, state forces are keen on detaining them for as long as they can, which violates the former’s constitutional right to a speedy trial. Protracted judicial processes are fatal, as demonstrated in the case of Reina Mae Nasino and the late Baby River, the death of peasant leader Joseph Canlas inside detention, and the passing of 67-year-old peasant organizer Antonio Molina due to cardiac arrest after more than two years behind bars.

There is no need to waste years of life from unjust detention if the state respects the most fundamental human right to speech and expression in the first place. But in a government where the slightest hint of criticality and dissent is vilified, all kinds of protective measures–legal or otherwise–are essential.

A singular case does not produce a solid precedent, but it is a start. Plunderers and political prisoners are imprisoned for opposing reasons, and there is no reason for the state to deny prisoners of conscience liberty when it does so to a multimillion thief.

COLUMN Page design
by Angelyn Castillo
17 KULÊ@100 @phkule «
Photo by Dominic Porras (2023)

Transient State

With onsite classes slowly returning, I can at least have some semblance of the college life I envisioned years ago.

My last day of prepandemic in-person classes was on March 6, 2020, almost three years ago. I had barely survived my General Biology 2 exam, but instead of celebrating what also would have been my last day of senior high school, I spent the afternoon finishing a coding project due at 11:59 p.m.

That day was the last time I remember having any semblance of normalcy. Everything quickly went downhill after that. Yet, I remained hopeful. When the UPCAT results were released, I envisioned a college life where I was on campus. I knew I would never be prepared to go to UP—especially with my bad sense of direction—but I was excited. I thought of the new people I would meet in classes, organizations, and nearby communities, and how they

would contribute to my perspective of the world.

But maybe my view of UP life was overly optimistic. What I believed would only be a few more months of the pandemic turned into years, and what I expected would be a lively experience in UP turned out to be some of the loneliest years of my life. For four semesters, I attended remote classes, barely talking to anyone in my classes. I eventually made friends through organizations, but even then, it was hard to meet anyone since most of us were still scattered all over the country.

I was always told that what makes UP education different is one’s encounters with the campus and its communities. No thanks to the pandemic, I feared I would never get the chance to have those,

and that the lack of these new in-person experiences would prevent me from evolving past my high school self.

But with onsite classes returning, I can at least have some semblance of the college life I envisioned years ago.

My first experience of a face-to-face class in the supposed new normal was during ChemE 135, a laboratory major meant to apply concepts related to thermodynamics and mass, moment, and heat transfer. We had two weeks of onsite classes dedicated to experiments while the rest of the requirements, such as the reports, were done remotely.

We were limited to one experiment per day if we wanted to get through all of them in time. As someone who had all

FIRST PERSON
18 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN

their chemistry classes during the online setup, I was worried that my lack of laboratory experience would greatly slow us down during classes. In one of the experiments, we took some time figuring out how to adjust a vernier caliper, a precise measuring device, before being able to consistently use it for measuring water height. It was stressful, knowing that erroneous results could lead to a repeat of the experiment.

Some experiments were easier than others as they did not require extensive laboratory knowledge like the sieving experiment. Under the harsh heat of the sun, all the heavy lifting, crouching, and kneeling left me drenched in sweat, but I was filled with a sense of accomplishment by the end. It was interesting to see the distribution of rocks among the filters

in the tower, and how their colors varied because of their composition.

Though I knew the concepts in the experiments, I still felt a disconnect between what I learned and what was applied. My inability to cohesively weave these abstract concepts together and translate them into real-life scenarios is the greatest repercussion of learning majors through an online setup.

If I had to explain what was happening to someone else, I would not be able to rationalize it with full certainty despite having conducted the experiment myself. I could only envision how variables affected one another once numerical values are calculated. I envy those who are able to look at something and instantly say the exact cause with confidence because

they can easily understand how things are related without needing to look at the numbers for comparison.

I feel more anxious now with a slate of full onsite classes in the current semester. Though I only have 15 units, the minimum load, most of my schedule is now filled with my chemical engineering majors, one of which is the introductory major for my thesis.

While the two-week in-person laboratory session was not enough of a transition for the return to full face-to-face classes, I’m sure that I’ll eventually come to enjoy it. There are things to look forward to, with the revival of UP culture through onsite events such as UP Fair and Engineering Week. But for now, my pessimistic thoughts over the transition back to face-to-face classes will reign over any good that may come in the future.

Page design by Venus Samonte « 19 KULÊ@100 @phkule
Students return to onsite classes after more than two years in the remote learning setup. /Lorence Lozano (2023)

King of the Road No More

I asked Bai Estoy, a jeepney driver from Cebu, why he continues to drive and fight for his and his fellow’s rights.

“Kasi, sa manibela ako nabuhay. Bakit hindi ko iyon ipaglalaban?” he said.

No to jeepney phaseout!

20 JANUARY-FEBRUARY 2023
PHILIPPINE COLLEGIAN
Photo by Luisa Elago (2023)

It was a sunny and busy morning in Cebu City. People were scrambling to get to work, students were trying to catch their flagraising ceremonies, and my fellow Collegian member, Luisa, and I were about to meet with Ernesto Jerusalem, more known to the locals as Bai Estoy, a jeepney driver in the city, to work as his conductors.

The day had just started for most of us but Bai Estoy, 63, had already gone around Mabolo, Cebu City three times with his yellow traditional jeepney.

Bai Estoy has been traversing this route for 37 years already. In those years, he has lived through many government policies that threatened his livelihood. Today, he continues to deal with exorbitant fines for violations and the incessant jeepney phaseouts, but he does this with a strong resolve to fight for the rights of not only his fellow drivers, but also us passengers.

In the Driver’s Seat

By 7 a.m., Bai Estoy’s jeepney was full of supermarket employees and wet market

vendors ready for the hustle and bustle. The many passengers and the neverending back-and-forth of fares and change got me panicking as the conductor, but Bai Estoy was unbothered.

“Giunsa man na nimo pagpanukli ug sakto nya paspas, Bai?” I asked him. “Mahilig gyud ko’g math bisan pag high school pa,” he said. (“How do you manage to give the change quickly and correctly, Bai?” I asked him. “I really enjoy math, even when I was still in high school.”)

Due to family problems, Bai Estoy was not able to go to college. He worked as a jeepney conductor right after high school and learned to drive a year later. He has been a jeepney driver since 1986, making him one of the most seasoned in his route.

Beyond the steering wheel, Bai Estoy is a leader of Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) Cebu-Mabolo Chapter. He used to be a full-time organizer in 2017 but went back to being a jeepney driver after two years. Still, he remains active in

Page design by
Medina 21 KULÊ@100 @phkule
Andrea

forwarding the calls of his fellow jeepney drivers in dialogues with offices and demonstrations in the streets.

For this reason, Bai Estoy is popular among fellow drivers. They would look up to him not only for having been a long-time jeepney driver, but also for being at the forefront of asserting their rights.

When the Fares Fall Short

Bai Estoy always has his phone near him whenever his fellow jeepney drivers might call for help.

At around 10 a.m., he received a call from his friend who was fined P15,000 to P18,000 by the Land Transportation Office (LTO) for three violations, including not having wipers and taillights. With the high price of gasoline, rent of the jeepney, and everyday needs, Bai Estoy’s fellow driver could not afford to pay the fine.

Usually, PISTON negotiates fines with the LTO, but this takes a long time, leaving the driver in question suspended from his job and without a source of income for weeks. In these cases, they find other ways.

Bai Estoy offered to contribute P1,000 to pay the fine and contacted other members of their chapter to help as well. “Kinsa pa man diay ang magtinabangay diba?” he said. (“Who else is there to help each other, right?”)

LTO’s exorbitant fines are a shared problem among jeepney drivers in the Philippines. Joint Administrative Order No. 2014-01 tackles the schedule of fines and penalties for violations of laws, charging jeepney drivers from P1,000 to P100,000 depending on the offense. PISTON had called not to pass this order back in 2014 and had conducted strikes nationwide to stop its implementation, but the exploitative policy remains in place today.

Often, I would even catch Bai Estoy telling the passengers who insist on unloading the jeep at improper places, “Naog tas tarong nga nauganan bai, P1,000 baya’y multa kung madakpan!” (“Let’s unload the jeep at the proper place or else I would be fined P1,000!”)

Drivers like Bai Estoy are forced to deal with the anti-poor policies of

the transportation agencies of the government. Now, they are facing yet again another unjust program that may take the livelihood of small-time jeepney drivers in the guise of modernization.

When the Wheels on the Jeep Can’t Go Round

Whenever we parked for a while, Bai Estoy would take a bottle of water and pour it into his engine through a tube near his steering wheel. He told me that it was to keep the engine cool.

“Mao ni original Filipino invention. Di pareha anang modern jeep kung muinit kailangan manaog tanan,” he proudly told me. (“This is the original Filipino work, unlike the modern jeeps where everyone will have to unload if the engine gets very hot.”)

Unlike traditional jeepneys, the modern ones are airconditioned, bigger in size, and had a higher base fare rate by P3. They are everywhere in Cebu. In fact, the province has the greatest number of modern jeepneys in the country at 5,000 units. A fourth of this drive around the capital according to Greg Perez, chairperson of PISTON-Cebu.

22 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN NARRATIVES No to jeepney phaseout!
Jeepney drivers typically set aside a good portion of their earnings for gas money. /Luisa Elago (2023)

According to Bai Estoy, modern jeepney drivers used to run traditional ones, too. But when news of the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) was announced, they chose to forego their jeep out of fear of losing their jobs. Some traditional jeepney drivers returned to their provinces outside Cebu while others were enticed to join transport cooperatives.

Under the modernization program, PUVs at least 15 years old are to be replaced with modern units, which cost five times than traditional ones. It also seeks to implement route rationalization and industry consolidation. The first one assigns only high-capacity jeepneys to high-demand areas, which shrinks the routes of the drivers and by extension, their income. The latter requires drivers to join cooperatives to obtain a franchise.

The PUVMP was originally set to take full effect in 2020, but the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kept on extending it due to the driver’s strong resolve to fight it. It would take the

livelihood of thousands of traditional jeepney drivers and operators given the high cost of the units, said PISTON.

Due to the cost of the modern units, there are two ways for small-time drivers to acquire them: Either work a certain number of hours for a fixed wage with a target quota per duty, or rent the units per day. The drivers are at the losing end in both cases. They would either need to reach the quota else their wage be deducted, or pay the high boundary rent of the modern units.

On February 22, the LTFRB set the franchise validity of traditional passenger jeepneys until June 30, 2023.

Bai Estoy does not see the PUVMP taking full effect any time soon, but if it does, he would choose not to drive anymore—he is already too old to partake in the hustle needed for modern jeepneys, he said. He would instead live with his children and help in their household.

This does not mean that Bai Estoy would stop speaking up for the jeepney

drivers in the country. He has been at the forefront of demonstrations against jeepney phaseout since 2017, and he does not see himself doing otherwise, unless the government finally listens.

At 3 p.m., we were on our way to return the jeepney to its garage, and my and Luisa’s stint as jeepney conductors neared its end. But the next day, and every day following that, Bai Estoy will do the same routine: going rounds around Mabolo before the sun even shines, and continuing to fight for the rights of jeepney drivers–be it in dialogues with the offices or on the streets.

I asked Bai Estoy, “Nganong grabe kaayo ka madasigon nga drayber ug member sa PISTON bai?” (Why are you so enthusiastic as a driver and PISTON member, bai?)

He answered me in Filipino this time: “Kasi, sa manibela ako nabuhay. Sa daan ang hanapbuhay naming mga tsuper. Hindi naman kami lumaki sa pagkakarpentero o kahit ano pang trabaho. Kaya bakit hindi ko iyon ipaglalaban?”

NARRATIVES 23 KULÊ@100 @phkule Page design
Medina
by Andrea
«
So that the jeep would not overheat, Bai Estoy adds water to the jeepney’s radiator each time he completes his route. /Luisa Elago (2023)

Kathleen Isaac

Sa Kagubatan ng Lungsod

Sa gitna ng lungsod ng Quezon, matatagpuan ang halos 18 ektaryang kagubatan ng Pook Arboretum. Subalit taliwas sa katahimikang angkin ng arboretum, patuloy na gumagambala sa mga residente ang panganib na mapaalis sa komunidad na matagal na nilang itinuring na tahanan. Isa rito ang pagpapatayo ng Philippine General Hospital (PGH) Diliman na isinulong ni Danilo

Concepcion nang manungkulan siya bilang pangulo ng UP noong 2017. Sa proyektong ito, malaking bahagi ng protektadong forest area ng arboretum ang maaapektuhan. Higit sa kaunlarang ipinangako ng mga proyektong pang-imprastraktura, ang pagtalikod sa interes ng mga komunidad ang iiwang legasiya ni Concepcion sa pagtatapos ng kanyang termino.

PHOTOS 24 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
Save Arboretum!
Disenyo ng pahina ni Gie Rodenas 25 KULÊ@100 @phkule
PHOTOS
Metro-metrong bakod ang ipinatayo ng UP sa paligid ng kagubatan at kabahayan sa loob ng Pook Arboretum.

(Mula kaliwa hanggang kanan) Gumagapang sina Sopia, Polyn at Jovelyn sa ilalim ng bakod para makipaglaro sa ibang bata ng Block 4 habang binabantayan sila ni Elyn Rodrigo, kanilang ina.

Hindi hadlang ang nakatayong bakod sa kwentuhan nina Elyn at Leonidas Diola, kaibigan ni Elyn, sa Block 3 ng Pook Arboretum.

26 JANUARY-FEBRUARY 2023
PHILIPPINE COLLEGIAN
Save Arboretum!

Tatlumpung taon nang naninirahan si Leonidas sa Pook Arboretum. Noong 2021, itinatag nilang mga residente ang MAGKAISA Pook Arboretum dulot ng pangangailangan na igiit ang kanilang panawagan para sa disenteng tirahan.

27 KULÊ@100 @phkule
Disenyo ng pahina nina Andrea Medina at Gie Rodenas

Matapos ng Luksa

Patunay ang uri ng poetika na iginanyak ni Acosta na radikal ang pagtangan sa panulat nang lapat sa lupa, tugma ang wika sa tindig ng sambayanan.

Produkto ng kolektibong pagpanday ang kultura. Kaiba sa istatikong bangko ng impormasyon, kalipunan ito ng mga ideyang aktibong pinagtitibay ng laksang lakas ng lipunan. Subalit sa kaliwa’t kanang panunupil sa mga manggagawang pangkultura sa bansa, sadyang binabaog nang walang habas na pandarahas ng pamahalaan ang tangang paninindigan ng mga kilusang pangmasa.

Pruweba rito ang kamakailang pagkasawi sa umano’y aramadong engkwentro ni Ericson Acosta sa pagitan ng estado, kasangguni ng Pambansang Demokratikong Hanay ng Pilipinas, noong ika-30 ng Nobyembre, 2022 sa Kabankalan, Negros. Sapagkat tulad ng paratang na rebelyon sa kanyang yumaong asawa na si Kerima Tariman, minamanipula ng kasalukuyang rehimen ang naratibo upang umayon sa kanilang malisyosong interes ang sistematikong pagpatay sa mga marhinalisadong sektor ng bayan.

Sa kabila nito, idiniriin ng iniwang panitik ni Acosta ang kapasidad ng sining na igpawan ang panunupil ng administrasyon—hindi lamang sa pagtataguyod ng makauring hustisya, kundi maski sa pagsasakatuparan ng propetikong pagwawagi ng pakikibaka laban sa pananamantala.

Tereno ng Talinghaga

Labas sa sikip ng klasrum, opisina, at papel, maagang namulat si Acosta sa pangangailangang makisangkot upang

harapin ang samut-saring kronikong krisis ng sambayanan.

Bitbit ang gayong kabatiran, umigting sa kanyang isapraktika ang natutuhan sa mismong pook ng tunggaliang-uri. Kaya upang himukin ang mga kapwa intelektwal na humanay sa mobilisasyon, isinulat niya ang tulang “And So Your Poetry Must” noong dekada ‘90.

Direktang nangungusap sa mga akademiko’t artistang lango sa ginhawang hatid ng toreng garing, isang babala ang nasabing akda sa mga implikasyon ng pagkalulong sa estetikang hungkag at karunungang bansot— hiwalay sa aktwal na kundisyong binubuno ng ordinaryong mamamayan. Ngunit higit pa rito, mainam nitong minarkahan ang panimulang sensibilidad ni Acosta upang kasangkapin ang panulat nang kapakipakinabang sa kalakhang hikahos.

Halimbawa para rito ang sumunod niyang tulang “Walang Kalabaw sa Cubao.” Sa retorikal na pagmamapa ng sikot-sikot ng malikot na lungsod bilang isang demakina’t artipisyal na kabukiran, kinutsa ng makata ang huwad na kaunlarang basbas ng nagtatayugang imprastraktura. Siksik sa dumi, kalat, at baho, ang sagradong sityo ng Cubao ay pihong itsura ng sagarang sulasok sa urbanisasyon.

Gayunpaman, binangga ng kantang “Astig” ang gayong dagan-dagang kapangyarihan na pasimuno sa kabulukan ng lipunan.

Malaki ang naitulong ng sining-protesta ni Acosta sa paghakbang ng aktibismo

sa bansa, lalo’t pinukaw nito ang puso’t isipan ng taumbayan, pinasigla ang diwa ng kilusan, at itinawid ang kritikal at militanteng kaisipian sa komunikasyong pangmadla.

Justice for Ericson Acosta!

28 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
SOCIETY

Maangas at mapanindak, mahusay na inere ng likhang-awit ang pagsugpo ng gobyerno sa mga pinamumunuan nito. Kaakibat nito ang pagbalikwas sa mahigpit na kapit ng kamay na bakal upang tutulan ang pasakit ng represyon.

Mula roon, ibinalik ni Acosta ang tanaw sa manggagawa’t magsasaka sa musikang “Palad.” Dito, pinagpugayan niya ang mga tagapaghulma sa mayamang potensyal ng tinubuang lupa. At sa paglalaro sa konsepto ng palad, ipininta ang kapalaran ng mga sawimpalad upang magpanibagonghubog sa imahen ng kamao: simbolo ng sama-samang pagbangon kontra sa opresibong estado.

Lubusan pa itong pinalawak sa “Pitong Sundang,” isang pangkat ng mga tula ukol sa pakikibaka ng mga pesante para sa lupa. Sa paglalarawan sa karit ng magbubukid sa pagpapalago ng tanim, paghahanda ng pagkain, at pakikipagtunggali sa malulupit, ang obra mismo’y sumasalamin sa gawaing pangkulturang nilahukan ni Acosta.

Nagpatuloy ang kanyang pagkatha sa kabila ng sapilitang pagpapatigil sa kanya ng mga sundalo nang dakpin siya noong ika-13 ng Pebrero 2011, sa San Jorge, Samar. Dahil kahit nanatiling blangko ang “Ikapitong Sundang” matapos agawin ng militar ang laptop niyang naglalaman ng proyekto, hindi napurnada ang proseso ng pag-oorganisa ng may-akda.

Tanda rito ang pagbubukas ni Acosta sa pagsusulat ng pangwakas na parte ng serye sa sino mang interesadong magbahagi ng kanilang matalinghagang atake. Isang pagtatangkang umugnay sa alyadong organisasyon ng manlilikha’t masang anakpawis.

Tagpas na Tanikala

Umani ang panawagan ng kolaborasyon ni Acosta ng sunod-sunod na tugon kahit sa kanyang pagkakakulong. Kunin na lamang na ehemplo ang isinumiteng katha ng mga makatang gaya nina Alexander Martin Remollino, Emmanuel Halabaso Jr., at Jack Alvarez para sa pagsasara ng “Pitong Sundang.” Kakabit

pa nito ang inihandog na teatrikal na adaptasyon ng Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN) noong 2012, parehong sirkumstansyang nagbulatlat sa alternatibong bisyon ng sundang.

Samantala, iprinisinta naman ng Alay Sining ang isa pang komposisyon ni Acosta na pinamagatang “Balang Araw” kasama sina Sarah Katrina, Ronnie Badilla, at BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr. noon ding taong iyon. Hangaring ilantad ng awit ang sitwasyon ng daan-daang bilanggong-pulitikal na pinaratangan ng terorismo, tuon ng aktibidad na isulong ang pangarap na pag-alpas sa dikta ng inhustisya.

Buhat ng lahat ng ito, lumagos ang tinig ng himagsik sa mga siwang ng piitan. Binaklas nito ang limitasyon ng bilibid at kumbensyon ng sining upang mula sa indibidwal na paggawa, tumungo ito sa espasyong bukas sa publiko.

At kakambal pa ng lumalaganap na progresibong kilusan sa bansa, nakibahagi ang gayong partisipasyon ni Acosta upang pumihit ang panlipunang kamalayan sa mas malalim na pagtanggap sa hinanaing ng aping-uri. Sapagkat taliwas sa kadalasang pawang aliw na inilalako ng dominanteng midya, naging matunog sa mga likha ni Acosta ang karampatang kabuluhan ng mga sining upang sugapain ang klima ng abuso sa bansa.

Kaya naman malaki ang naitulong ng sining-protesta ni Acosta sa paghakbang ng aktibismo sa bansa, lalo’t pinukaw nito ang puso’t isipan ng taumbayan, pinasigla ang diwa ng kilusan, at itinawid ang kritikal at militanteng kaisipian sa komunikasyong pangmadla. Punto nga ni Epifanio San Juan Jr., isang teorista ng post-colonial studies, “Hindi ito representasyong muslak o imitasyon ng kapaligiran. Hindi rin repleksyon ng ulilang kaluluwa, kundi produksyon ng isang kinakailangang porma ng kamalayang sosyal sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan.”

Marapat na gayong sabihin na bagaman nasa gitna ng pinakamapaniil na kundisyon sa likod ng mga rehas, mapangahas pa ring

Disenyo ng pahina ni Andrea Medina 29 KULÊ@100 @phkule
SOCIETY

itinambol ni Acosta ang pagtamo para sa ganap na pagbabago ng lipunan. Dahil sa halip na humimpil sa kinasadlakan, humawan pa ng landas ang kanyang kagipitan upang salangguhitan ang mapagpalayang kinabukasan ng makabayang panata.

Lampas sa simplistikong pagbasag sa katahimikan, aktibong pag-abante sa kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan ang pundasyon ng pagkatha ni Acosta. Organikong saligan nito ang mga kampanyang pangmasa tulad ng tunay na repormang agraryo, pagbabasura sa kontraktwalisasyon, at pagtatanggol ng pambansang demokrasya—salungat sa atrasadong disenyo ng dikta ng dominanteng orden.

Walang takot na isatitik ang direksyong pampulitika ng himagsikan, inspirasyon ang panitik ni Acosta sa nakararami, partikular sa mga pagkakataong tigmak ang pananakot, paniniktik, at pamumuksa ng estado sa mamamayan. Dahil habang instrumento itong umuusig sa kontradiksyong kinakaharap ng sambayanan, ipinagdiriwang din nito ang limpak na ambag ng pangunahing pwersa’t batayang sektor ng bansa. Ito ang nagpapasigla sa kada bigkas ng hinanaing para sa katwiran, katarungan, at kalayaan sa kaapihan.

Matingkad na patotoo rito ang pagkalimbag ng kanyang huling aklat na pinamagatang “Mula Tarima Hanggang: Mga Tula at Awit.” Kultibasyon ng dekadekadang paglahok sa tradisyon ng pakikibaka, kinakitaan ito ng masusing kontribusyon sa prinsipyo’t panitikan, lalo’t inilatag nito ang makulay na kultura ng pag-aalsa kung saan nakaratay ang laang-buhay ni Acosta.

Kaya naman pagsiklab at hindi pagkaupos ng himagsikan ang resulta ng pagpaslang kay Acosta noong Araw ni Bonifacio. Banta sa kaayusan, nananalaytay sa kanyang dumanak na dugo ang danas na nagpapaningas sa esensya ng isang rebolusyonaryong martir: punong sagisag at sandigan ng katatagan ng radikal na pakikisangkot.

Sapagkat matapos ng luksa, nananawagan ang pinapulang legasiya ni Acosta upang kundenahin ang palyadong sistema; tuldukan ang ilang siglo nang brutalidad gamit ang wika ng maralita.

Tuos sa Tugatog
30 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN SOCIETY
«
Justice for Ericson Acosta! Dibuho ni Maya Caitlin Erfe
31 KULÊ@100 @phkule
Disenyo ng pahina ni Andrea Medina

Pagtatasa sa Militansya

Tali sa usaping komersyo at protesta ang UP Fair. Gayunman, ang diwa ng pagpoprotesta at pagpapatampok sa mga bitbit nitong adbokasya ang dapat na higit na mas matimbang tuwing inoorganisa ang UP Fair.

Naging kontrobersyal ang UP Fair sa mga dahilang taliwas sa nais nitong ipatampok. Mula nang ianunsyo ang pagbabalik ng UP Fair hanggang sa huling gabi nito, umingay ang maraming isyu sa pagkaka-organisa ng bawat gabi ng pagtatanghal. Kung may isang salitang maglalarawan sa naging pagresolba sa mga isyung ito, kawalan ang magiging sagot ko.

Isa lamang ang puna sa pagkaka-organisa ng isang linggong advocacy concert para sa sanga-sangang isyu na matagal nang pumapalibot sa UP Fair. Kung babasahin ang mga naging komento sa Facebook page ng UP Fair, may ilang nakapagsabing ‘wag nang haluan ng protesta ang UP Fair. Maraming tumuligsa sa ganitong pananaw online. Anila, ‘wag nang dumalo sa UP Fair kung ayaw sa protesta.

Kung makikiusyoso sa Sunken Garden ang isang tao na hindi malay sa kasaysayan ng UP Fair, tila isang pangkaraniwang gig ng mga banda at musikero lamang ito para sa kanya. Ngunit may ibang porma ng protesta na nais iparating ang UP Fair, salungat sa inisyal nating inaasahan sa mga pagkilos sa lansangan. Tila inilagay na lang sa dulo at isiningit nang ilang minuto ang mga represante ng batayang sektor upang makapagsalita sa UP Fair.

Kung babalikan ang kasaysayan, nagumpisa ang UP Fair bilang porma ng protesta ng mga estudyante noong rehimeng Marcos Sr. Binuksan din ito para sa lahat upang palawakin pa ang hanay ng mga taong nagkakaisa sa panawagang bitbit ng mga protestang idinaraos.

Ngayon, matataas na ang pader sa Sunken Garden. Naging mahirap at komplikado na rin ang pagbili ng ticket, maging para sa mga miyembro ng komunidad ng UP.

At kung ikukumpara sa FebFair ng UP Los Baños, kung saan nagkaroon pa ng snake rally at iginiit sa bawat gabi ang panawagan ng mga sektor, halos sa iilang bahagi na lang ng fairgrounds mamamataan ang mga placard ng mga sektor at advocacy group.

Tali sa usaping komersyo at protesta ang UP Fair. Sa layuning mas mapalawak ang naaabot na publiko, hamon sa bawat night handler kung paano lilikom ng kita para sa mga benepisyaryo buhat ng kailapan ng nakararami pagdating sa usaping protesta. Gayunman, ang diwa ng pagpoprotesta at pagpapatampok sa mga bitbit nitong adbokasiya ang dapat higit na matimbang tuwing inoorganisa ang UP Fair.

Mahalaga sa panahon ngayon kung paano kakasangkapin ng mga lider-estudyante ang UP Fair upang igiya sa mas malalim na kamulatan sa iba’t ibang kampanya ang publiko–maging ang ating mga sarili. Kinikilala natin ang kahingian para sa mas puspusang kampanya dahil kinakailangan na ng pagbabalikwas sa mga kundisyong kinahaharap natin. At kasama rito ang pagtunggali sa mga institusyon at korporasyong nakikinabang sa paghihirap ng mamamayan.

Sa kabila ng kampanya laban sa inhustisya ng administrasyong Marcos-Duterte, nakababahalang nanalo ang Upsilon Sigma Phi fraternity bilang isa sa mga night handler. Isa ang Upsilon sa mga fraternity na sangkot sa mga insidente ng frat-related violence sa UP.

Isang pagkilala sa kanilang kakulangan ang pagpapaabot ng UP Fair core team at UP Diliman University Student Council ng paumanhin sa pagkakaroon ng pagkakataong maging handler ang Upsilon. Ngunit higit dito, mahalagang kakitaan

Mula sa bukas na pagtanggap sa mga puna at pagsusuri, inaasahang bumalik sa dating aktibong paggiit at pakiisa sa mga panawagan ng mga batayang sektor ang UP Fair.

KOLUM Disenyo ng pahina ni Gie Rodenas 32 JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN

ng kongkreto na aksyon ang konseho sa ipinapangako nitong pagtaguyod sa ligtas na espasyo at paglaban sa kawalan ng hustisya sa unibersidad. Isa sa mga hakbang, na kanila rin namang ipinangako, ang pagkakaroon bukas na konsultasyon sa buong komunidad ng UP at pagkonsidera sa pagtanggal ng bidding process ng UP Fair.

Maraming usapin at isyu na kritikal para sa pamantasan ang hindi iginiit sa mga nagdaang gabi. Kung dati’y may sariling espasyo ang mga advocacy groups sa UP Fair, ngayon ay nasa 10 booth na lang ang inilaan para sa kanila. At bagaman kinikilala natin ang inisyatiba ng ilang musikero na nagsalita para sa mga sektor, hindi kanaisnais na tila naging backdrop na lamang ang mga adbokasiya habang nagtatanghal ang mga artista.

Paano rin seseryohin ng mga dumalo ang mga panawagan ng mga sektor kung sa parehong linggong ipinanawagan ang pagbabasura ng Sim Card Registration Act ay ang promosyon ng UP Fair sa mga telco, at pag-udyok na magpa-rehistro ang mga estudyante. At sa halip na langkapan ang bawat pagitan ng mga bandang

nagtatanghal ng mga talumpati mula sa mga batayang sektor, halos napuno lamang ng product placement ang mga patalastas.

Sa pulitikal na kundisyon ng bansa ngayon, isang matapang na umpisa ang pagdeklara ng kampanya laban sa kasalukuyang administrasyon at usigin ang mga manunuod na sabay-sabay mag-chant ng mga panawagang anti-Marcos-Duterte. Bagaman isa itong hakbang pasulong, hindi natatapos sa ganitong inisyatiba ang pagpapamulat sa nakararami.

Gampanin nating mga estudyante na lumahok sa paglalatag ng mga mapangabusong kundisyon sa lipunan at makiisa upang makawala sa mga ito. Ang sabihing militante ang UP Fair ay isang suntok sa buwan. Ngunit hindi imposibleng maging progresibo ang UP Fair. Maaabot lamang ang tunguhing ito kung pipiliin ng mga liderestudyante sa UP na uminog ang UP Fair sa mga batayang sektor.

Nakababahalang kahit ang pagkakataon upang makapagpalaganap ng matalas na tindig sa mga isyu sa loob at labas ng pamantasan ay nawawala na. Ngunit untiunti nang nakikita ng mga estudyante ng

pamantasan ang kakulangang ito. Tanda na bagaman nagmamaliw, nananatili at nakakintal pa rin sa iilan ang pangunahing diwa at rason ng pagkatatag ng UP Fair.

Mahalagang panghawakan natin ang pangako ng mga lider-estudyante sa plano nilang pagtatasa at rebyu sa naging kondukta ng UP Fair. Marapat sa pagtatasang ito na tanungin kung epektibo pa ba ang paraan ng protestang inilalakip ng UP Fair upang mahamig ang malawak na hanay ng masa. Isang senyales marahil ang patuloy na pagdami ng mga negatibong reaksyon at kalituhan sa tuwing isinasambit na pulitikal at isang protesta ang UP Fair.

Mula sa bukas na pagtanggap sa mga puna at pagsusuri, inaasahang bumalik sa dating aktibong paggiit at pakikiisa sa mga panawagan ng mga batayang sektor ang UP Fair. Kung hindi, tulad sa mga nagdaang taon, magpapatuloy lamang ang pumaparam na diwa ng protesta sa UP Fair.

Wala namang mawawala sa pagkilala natin sa mga sariling kamalian at kakulangan. Mula roon, darating ang pagpapasya natin upang magwasto o magpatangay na lamang sa agos ng lipunan.

33 KULÊ@100 @phkule
«
Isang silip sa loob ng UP Fair fairgrounds sa unang araw nito, Pebrero 14, kung saan tampok ang mga booth ng pagkain, advocacy groups, at perya. Bumalik ang taunang fair sa UP Diliman Sunken Garden pagkatapos ang higit dalawang taong pagkawala dahil sa pandemya. /Dominic Porras (2023)

Kultura Staff

Mga Untold Love Stories

Ngayong Valentines

Nakapag-date na ba ang lahat? Sa mga hindi pa napapakilig, napapatawa, at napapaiyak, sana’y mabuo ng mga dagling ito ang inyong buwan ng pag-ibig.

Basahin ang mga kwentong pag-ibig na kumakasangkapan sa ideya ng pagmamahal–pag-ibig na hinahamak, pag-ibig na walang kasarian, pag-ibig para sa lahat.

JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
34
ARTS
Kuha ni Dominic Porras (2023) Graphics by Elisha Montemayor and Andrea Medina

HINDI MAAABOT

Sa pagtaas ng presyo ng mga agrikultural na produkto tulad ng sibuyas, asukal at bigas, iniinda ng nakararaming Pilipino ang epekto ng lumalalang krisis sa pagkain–patunay sa kakulangan ni Agriculture Secretary Ferdinand Marcos Jr. sa pagresolba sa krisis ng sektor.

Dibuho ni Rona Pizarro

JANUARY-FEBRUARY 2023 PHILIPPINE COLLEGIAN
www.phkule.org

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.