Konnichiwa minnasan! Kamusta po kayong lahat? Nawa ang lahat ay nasa mabuti at ligtas sa anumang sakit, kasamaan at karamdaman gaya na lamang ng kumalat na “Corona Virus o COVID19� kung saan laganap at kumakalat saang sulok man ng mundo at pinangangambahan na hindi na ito mawala at lalo pa itong makakapinsala habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo.
COVID19 na kapag tinamaan tayo nito 50/50 na ang buhay natin at makikipaglaban o maaaring mamatay tayo ng nag-iisa at hindi na masilayan ang mga mahal natin sa buhay o ang ating pamilya. Shoganai din na hindi natin sila mayayakap o mahalikan o makapiling man lang habang tayo ay may dalang COVID o virus na ito hanggang sa tayo ay gumaling o pumanaw dahil dito.
tayo ay hindi nakalabas ng bahay at limitado ang kilos natin. At umabot ng halos dalawang buwan na nagdaan at ano-ano ba ang nagawa o ginawa natin para maibsan ang pagkabato o pagkainip? Sa mga kumita habang lockdown ay nakakahanga. Pero halos lahat ay nawalan ng trabaho at walang kita at nakokontento na lamang sa bigay ng mga mayayaman, kapit-bahay at gobyerno.
Kung mapapansin natin, napakahirap ng sitwasyon natin ngayon. Hindi na tayo malaya kagaya ng dati. Kilos o galaw natin ay apektado na din. Maselan at dapat tayong maging responsable sa bawat ginagawa natin dahil tayo-tayo din ang mapapahamak.
Nawalan saysay ang mamahaling bagay o materyal panandalian pagkat nawala ito sa eksena ng buhay natin. Dahil halos lahat sa atin ay nakontentong mabuhay ng simple sa kadahilanang hindI nga tayo nakalabas. Mga sasakyan hindI na maibyahe sa kung saan dahil nga sa lockdown. Bawat border ay may checkpoint at hindI pwede ang pakalat-kalat sa kalsada, party o mass gathering para maiwasan ang pagkakahawaan at malayo o mapigilan ang pagdami ng pasyente na may COVID19 dahil hanggang sa ngayon wala pa itong mabisang gamot. At higit sa lahat ay ang napagtanto natin ang kahalagahan ng may ipon sa panahomg tulad ngayon at kaya nating mabuhay nang hindI nakatanggap ng anumang tulong sa kahit kanino at lalong masarap sa pakiramdam ang ikaw, tayo ang nakakatulong malaki man o maliit sa mga kababayang
Ang gobyerno natin dito sa Pinas nagkaloko-loko na din. Mga sistema ay paiba-iba at hindi lahat ay nabigyan ng tulong o naabot ng ayuda.
Shoganai madalas nating sambit diyan sa Japan kapag ang isang bagay o sitwasyon ay wala tayong magagawa upang baguhin pa o pigilan bagkus kailangan nating tanggapin ng maluwag sa ating mga dibdib at ipagkabit-balikat na lamang.
May nagpatayan, may karahasan at ang katwiran ng mga ahensya ay wala nang pondo ang bansa at wala tayong magagawa. Kung nasa Japan tayo, masasambit mo na "shoganai ne".
Masakit isipin o tanggapin na hindi na natin maabot ang nais natin at mas lalong masakit kung tayo ay susubukin na magkasakit ng walang lunas kagaya na lamang nitong
Pero may malaking leksyon tayong natutunan. Ito ay ang pagiging matiyaga, at madiskarte sa buhay. Sinubok tayo sa ngayong panahon ng "quarantine" kung saan lahat
2o
MAY - JUNE 2020