Jeepney Press #109 January - February 2021 Issue

Page 14

ni Jeff Plantilla

Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi makapunta si Arnel Pineda sa Amerika para magrecord ng bagong album ng banda niyang Journey. Kaya, tulad ng maraming gawain ngayon, ginamit nila ang internet para makapagrecord ng bagong kanta kahit si Arnel ay nasa Filipinas at ang mga Amerikanong kasama niya sa banda ay nasa iba’t-ibang lugar sa Amerika. Nagpapasalamat si Arnel sa ganitong teknolohiya na nakakatulong sa paggawa ng mga bagay-bagay kahit may pandemya.

Don’t Stop Believin’ Isa sa ginawang kanta ng Journey gamit ang internet ay ang kantang “Don’t Stop Believin’” bilang suporta sa UNICEF tungkol sa COVID-19 pandemic. Bagama’t hindi angkop ang lyrics ng kantang ito sa kalagayan natin ngayon sa pandemya, ang pamagat ng kanta ang mahalaga – “Don’t Stop Believin’.”

14

Sabi ni Arnel sa isang interview na napakahirap sa panahon ng pandemya dahil sa hindi mawala-walang pag-aalala. Kung ikaw ang lumalabas ng bahay para mamili ng iyong pangangailangan, iniisip mo kung dala mo pauwi sa bahay ang virus, dala sa mga mahal mo sa buhay ang kinatatakutang virus. Itong pag-aalalang ito ang isa sa pinakamahirap na problema sa pandemya. Ang ating isip ay maaaring maapektuhan – madepress o anumang psychological at emotional stress.

May mga balita na dumadami ang nagsu-suicide sa Japan at dumadami ang biktima ng domestic violence sa buong mundo dahil sa palaging nakakulong sa bahay dulot ng lockdowns at iba pang limitasyon dahil sa pandemya. Kailangan nating mapanatili ang ating pag-asa na matatapos din ang pandemya - Don’t Stop Believin’!!!

Mga dapat matutunan Isa sa mga bagay na magandang isipin ay yung matututunan natin sa pandemyang ito. “Iwas, hugas, mask” ang isa sa mga pina-aalala sa mga tao sa Filipinas at ganun din sa ibang bansa. Matagal nang ginagamit sa Filipinas ang alcohol sa paglilinis ng kamay dahil sa nangyaring health problems noon, baka simula nung dumating ang SARS. Nguni’t ngayon, mas lalo pa nating binibigyan ng pansin ang palaging paggamit ng alcohol o ang paglilinis ng kamay. Ito ay isang magandang gawi – laging maglinis ng sarili at laging linisin ang lugar at gamit. Isa pang natutunan ng ilan sa ating mga kababayan ay ang online business. Gulay, prutas, lutong pagkain, damit, smartphone at napakarami pang bagay ay ninenegosyo gamit ang social media. Maraming nag-a-upload ng video sa Facebook para dito at mukhang maayos ang kita o patuloy pa rin ang negosyo. Ito ay halimbawa ng bagong paraan para sa hanapbuhay ng tao. Pandemya man o hindi, ang internet ay isang teknolohiyang dapat gamitin sa hanapbuhay. Ang kakambal ng negosyong gamit ang internet ay ang delivery service. Puwedeng maghanapbuhay ang isang tao na magdeliver ng anumang order

January - February 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.