Jeepney Press #109 January - February 2021 Issue

Page 26

KAPATIRAN ni Loleng Ramos Balangaw Hi, kapatid! Ano-ano ang mga bagay na kapag nakita mo, na-e-excite ka, sumasaya, nakakapagpa- hysterical sa iyo? Artista ba? Iyong hindi tao. Gorilla ba sa zoo? Huwag hayop. Shopping mall ba? Babaw naman. Pera ba? Pwede din pero iyong libre lang. Paborito mong sports? Iyong hindi makislot para pwede matitigan. Sige, kalikasan? Bundok, dagat, gubat? Iyong hindi mo na dadayuhin kase abot tingin lang. Lumalabas pagkatapos ng ulan, ng luha sa buhay, sa dulo, ay may palayok na ginto. Alam mo agad di ba? Rainbow! Sa atin sa Pilipinas, pinag-iisip ako bakit kaya ito tinatawag na bahaghari. Sabi daw kase katulad ito ng bahag ng isang hari o pinuno sa sinaunang Pilipinas. Parang mga katutubong Igorot na saplot ang makulay na tela na nangingibabaw ang kulay na pula, katulad din ng pinakamatingkad na kulay ng isang balangaw o bahaghari. May epekto ba sa iyo kapag nakakita ka nito? Di ba ang unang reaksyon ay ang pagsigaw ng “Rainbow, ang ganda”! Kung may dating ito sa iyo, makakakanta ka pa ng “Somewhere over the Rainbow” o ng “Rainbow Connection”. Sa pagtitig mo rin

26

nito, gusto mong himayin ang mga kulay na nagpangalan sa bahaghari ng Roy G. Biv, ang mga unang letra ng pitong kulay na nakikita natin dito: Red, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo at Violet. Sa mga naiwang butil ng tubig (water droplets) sa himpapawid,

Nakaayos ang mga kulay na ito ayon sa paghagip ng ating mga mata. Isang bilog ang bahaghari dahil ito ang hugis ni haring araw pero ang kalahati ay hindi natin nakikita, katulad ng kapag nakatingin ka sa sunset, hanggang sa horizon o abot tanaw lang ang kita. Isang optical illusion ang bahaghari, hindi nahahawakan, isa itong makulay na pangitain na ang eksaktong posisyon ng iyong pagkakakita ay iba sa nakikita ng isa pang tumitingin. Para bang ang nakikita nating rainbow ay sarili nating rainbow. Kaya nga sa marami, naniniwala sila na may dala itong magandang mensahe o balita, at dahil sa masaya nitong kulay, saya din ang dala.

Sabi din sa Bibliya, nilagay ng Diyos ang balangaw bilang tanda ng Kanyang pangako na hindi na Niya muling gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Napakaraming paksa ang maaaring mapag-usapan: mula sa pagkakabuo nito, sa papel sa bawat kultura, sa kasaysayan ng mundo, sa napakadaming kanta at sining na siya ang inspirasyon. Meron akong paboritong tula, ang “Rainbow Bridge”, walang makapagsabi kung sino ang sumulat nito o saang bansa galing. Sa tulay daw na ito na isang lugar sa langit ay doon Art by Dennis Sun tayo hinihintay ng mga mahal nating pets na nauna na sa atin. Kapag dumating na tayo doon, katulad ng pagkatapos ng ulan, sa bigla silang titigil sa paglalaro at tabi ng waterfalls, fountain, water magmamadali tayong sasalubungin. sprinklers sa hardin, sa tamang kundisyon, maaaring makakita ng Sa nangyayari sa mundo ngayon, sa colorful rainbow. Kung ang sakit na kumakalat, sa maraming mababang posisyon ng araw ay nasa sularanin sa buhay, nandyan lang ang likod mo, sa pagtama ng sinag ng pag-asa. Ang isang bahaghari, araw sa mga water droplets, ang maganda at makulay at dahil hindi kulay puting sinag na ito ay pisikal, ang pagtawid dito ay nasa sa maghihiwa-hiwalay, at parang atin din, sa kabilang dulo kase ay ang mirror na ibabalik ng mga water palayok ng ginto na ikaw din ang droplets sa iyo na nagmamasid. nagtatago.

January - February 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Jeepney Press Ching Pangilinan

3min
pages 38-39

Jeepney Press PASADA

1min
page 35

Jeepney Press PASADA

1min
page 34

Jeepney Press PASADA

1min
page 33

Jeepney Press PASADA

1min
page 32

Jeepney Press Yellowbelle Duaqui

3min
page 30

Jeepney Press KUSINA

2min
page 29

Jeepney Press MOVING ON

3min
page 28

Jeepney Press SETSUBUN

2min
page 27

Jeepney Press KAPATIRAN

2min
page 26

Jeepney Press Arnel Sugay

2min
page 17

Jeepney Press aMAEzing GRACE !

3min
pages 24-25

Jeepney Press Acupuncture

2min
page 23

Jeepney Press Kwento Ni Nanay

2min
page 22

Jeepney Press DONDAKE!

5min
pages 20-21

Jeepney Press Take it or Leave it!

3min
pages 18-19

Jeepney Press Life Is A Journey

1min
page 16

Jeepney Press Isang Araw sa ating Buhay

4min
pages 14-15

Jeepney Press TRAFFIC

1min
pages 12-13

Jeepney Press Neriza Sarmiento-Saito

3min
pages 10-11

Jeepney Press Editorial Dennis Sun

3min
pages 6-7
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.