Scribe: From The Wiles Vol. 24

Page 15

Per(y)ahan ng San Miguel PAUL A MAE VILL AR O S A

Nakakat’wang pagmasdan ang malabahagharing banderitas, malaalitaptap na mga ilaw, malaengkantadong laro’t palabas na tumatalukbong sa mga kinakalawang na bakal, lumalangitngit na mga karo, huwad na salamangka sa perya ng San Miguel. Nakakaaliw masaksihan ang malalangaw na paghapon ng mga parokyano sa nakalatag na mga mesa’t kubol-palaruan pagdatal sa bunganga ng peryahan— puno ng hiyawan at hambugan sa bawat mapusok na pustahang kumukubli sa mga pilit na paghatak sa eskala ng mga chansa ng sugalan, patagong tinginan at pasahan ng iilang pirasong pilak, harap-harapang pagdaklot ng marurungis na tanso mula sa magagaspang na dakma ng karaniwang mananaya upang may ialay sa masalaping patrong kinikilingan ni Bb. Kasarinlan. Nakakamanghang masilayan ang mahika ng salamangkero, maliksing paghagis at pagsalo ng mga unano, mapang-akit na pagsirko’t paglukso sa hangin ng mga nagtatrapesiyo na bumabalot sa mga matusong pagdukot ng mga relos, kwintas, at singsing sa bawat kumpas ng kamay, mahibong pagdakip sa mga pitaka habang nahuhumaling ang lahat sa pagtatanghal, mapanlinlang na pagkupit sa mumunting barya’t perang nakasuksok sa butas na bulsa sa bawat malagkit na haplos at hipo nitong kongreso ng mga tagapanukalang-aliwan. Nakakabighaning panuorin

5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.