Scribe: From The Wiles Vol. 24

Page 16

ang paghalakhak at pagpuri ng madla sa pag-among tila’y mga tuta ng mga tigre’t leon sa bawat hudyat ng sirko de mayor sabay sa pamumula’t bungisngis ng mga dalagang tila sinusuyo na sumasangga sa mga walang habas na paghagupit ng latigo mula umaga hanggang magdamag, pagsuklob sa mga matitinis na tili’t saklolo, paggutay ng maninipis na saplot— matapos ay walang kibong maghuhugas-kamay at magmamasid sa mga bakas na dinulot. Kung kaya’t lagi akong napapatigil sa dakong rito— nakakat’wang pagmasdang gabi-gabi’y kumpol-kumpol pa rin ang mga parokyanong nalilinlang, nadadaya’t naaalipustang naniniwala sa manipis na haraya ng namumulok na perya ng San Miguel.

6


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.